Fate's Thorn

By Ms_CoffeeBean

43.7K 3.5K 1.6K

<3 More

Panimula
Kabanata Isa
Kabanata Dalawa
Kabanata Tatlo
Kabanata Apat
Kabanata Lima
Kabanata Anim
Kabanata Pito
Kabanata Walo
Kabanata Siyam
Kabanata Sampu
Kabanata Labing-isa
Kabanata Labing-dalawa
Kabanata Labing-tatlo
Kabanata Labing-apat
Kabanata Labing-lima
Kabanata Labing-anim
Kabanata Labing-pito
Kabanata Labing-walo
Kabanata Labing-siyam
Kabanata Dalawampu
Kabanata Dalawampu't Isa
Kabanata Dalawampu't Dalawa
Kabanata Dalawampu't Tatlo
Kabanata Dalawampu't Apat
Kabanata Dalawampu't Lima
Kabanata Dalawampu't Anim
Kabanata Dalawampu't Pito
Kabanata Dalawampu't Walo.
Kabanata Dalawampu't Siyam
Kabanata Tatlumpu
Kabanata Tatlumpu't Isa
Kabanata Tatlumpu't Dalawa
Kabanata Tatlumpu't Tatlo
Kabanata Tatlumpu't Apat
Kabanata Tatlumpu't Lima
Kabanata Tatlumpu't Anim
Kabanata Tatlumpu't Pito
Kabanata Tatlumpu't Walo
Kabanata Tatlumpu't Siyam
Kabanata Apatnapu
Kabanata Apatnapu't Isa
Kabanata Apatnapu't Dalawa
Kabanata Apatnapu't Tatlo
Kabanata Apatnapu't Lima
Kabanata Apatnapu't Anim
Kabanata Apatnapu't Anim
Kabanata Apatnapu't Pito
Kabanata Apatnapu't Walo
Kabanata Apatnapu't Siyam
Kabanata Limampu
Kabanata Limampu't Isa
Kabanata Limampu't Dalawa
Kabanata Limampu't Tatlo
Kabanata Limampu't Apat
Kabanata Limampu't Lima
Kabanata Limampu't Anim
Kabanata Limampu't Pito
Kabanata Limampu't Walo
Kabanata Limampu't Siyam
Kabanata Animnapu
Kabanata Animnapu't Isa
Kabanata Animnapu't Dalawa
Kabanata Animnapu't Tatlo
Kabanata Animnapu't Apat
Kabanata Animnapu't Lima
Kabanata Animnapu't Anim
Kabanata Animnapu't Pito
Kabanata Animnapu't Walo
Kabanata Animnapu't Siyam
Kabanata Pitumpu
Kabanata Pitumpu't Isa
Kabanata Pitumpu't Dalawa
Kabanata Pitumpu't Tatlo
Kabanata Pitumpu't Apat
Kabanata Pitumpu't Lima
Kabanata Pitumpu't Anim
Kabanata Pitumpu't Pito
Kabanata Pitumpu't Walo
Kabanata Pitumpu't Siyam
Kabanata Walumpo
Wakas

Kabanata Apatnapu't Apat

629 47 20
By Ms_CoffeeBean

"Doc, Doc" nagising si Irene nang may narinig siyang gumigising sakanya habang natutulog sa office niya.

"Uhmm" wika niya dahil pakiramdam niya kulang pa ang tulog niya. Sumilip siya sa wall clock at past 8am palang. Talagang kulang ang tulog niya, more than 2 hours lang eh.

"Doc nandito na po sa hospital ang mommy ni Eli para magbayad ng Bills" napamulat ang mata ni Irene. Tumango siya sa Nurse at bumangon na sa maliit na kama ng office niya.

Nagtoothbrush muna ito at inayos ang sarili pati na rin ang gamit niya dahil uuwi na siya at bukas nalang babalik ng hospital.

"Morning Doc" bati sakanya ng mga tao sa hospital habang naglalakad sa hallway.

Napahinto saglit si Irene nang makita ang mommy ni Cally na nakaupo sa gilid ng front desk, tulala lang.

"J-jeth" tawag niya rito. Napalingon sakanya ang babae.

"Jeth Im so sorry for your loss, sa akin palang masakit na ang pagkawala ni Cally how much more sayo na mommy niya" wika niya

"Masakit nga Doc pero kailangan kong tanggapin dahil alam kong hindi siya matutuwa na malaman na naging miserable ako nung nawala siya" tumango tango si Irene, she wiped her tears and tapped Jeth's shoulder.

Nakipagkwentuhan pa siya saglit rito about Cally, reminiscing their last happy moments with her.

Nang umuwi na sila ay nagpaalam na rin si Irene na uuwi siya.

Nang makasakay si Irene sa kotse niya ay hindi siya nakapagdrive agad. She was thinking kung pupuntahan na ba nya si Greggy para kausapin o uuwi muna siya.

Maaga pa, kung tutuusin pwede pa siyang magpahinga sa condo pero parang ayaw niyang umuwi. Makakaramdam nanaman siya ng lungkot, iiyak nanaman siyang mag-isa sa condo.

She fished her phone and called someone's number.

"Hello Irene?"

"Manang, are you in Ilocos?"

"Im in San Juan 'rene. Mamayang hapon pa ang balik ko ng Ilocos. Why? You need anything?" Her Manang asked.

"Nandiyan ba si Mommy?"

"Wala Irene, sinundo siya nila bonget dahil request niyang dumalaw sa Forbes. Okay ka lang ba Irene?" Ulit na tanong ni Imee.

"I'll go there Manang, may pupuntahan ka ba?"

"Wala Irene, pumunta ka rito at hihintayin kita. Mag-iingat Irene"

"Thanks Manang, see you later" she said and ended the call.

Dumaan muna si Irene sa isang souvenir shop para bumili ng pasalubong kay Imee.

Saglit lang ang naging biyahe niya dahil wala pang traffic, mabuti nalang at maaga pa.

"Oh Irene mabuti at nakadalaw ka. Wala ang mommy mo rito pero andito ang Manang Imee mo" wika ng Mayordoma nila

"Good Morning po Nay" bati niya.

"Natutulog ka pa ba Irene? Parang puyat na puyat ka hija. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo anak" pansin niya rito.

"Opo, medyo naging busy lang po sa work lately. Mauna na po ako sa loob, may dala po akong pasalubong kuha lang po kayo sa kusina maya" wika niya at naglakad na papasok ng bahay nila.

Inilapag niya muna ang mga dala niyang pagkain sa kusina nila, nagulat pa ang ibang kasambahay nila nang makita siya dahil hindi naman ito nag abiso na dadalaw siya ngayon.

"Where's Manang, Ate Lydia?" Tanong niya.

"Nasa kwarto niya ho, may lakad nga po sana siya kanina nakabihis na nva ho pero hindi na daw siya tutuloy" napakunot noo si Irene at agad nang pumunta sa Kwarto ng Manang Imee niya.

She knocked first before opening the door.

"Sabi mo wala kang pupuntahan, Eh sabi ni Ate Lydia may pupuntahan ka sana pero di ka na tumuloy. Dahil ba sa sinabi kong pupunta ako rito?" Reklamo niya pagkapasok ng kwarto ni Imee.

Nadatnan niya ito na nakaharap sa mga papel papel sa lamesa.

"Bumati ka muna kaya ng maayos sa akin Irene?" Wika ng Manang niya kaya naman lumapit siya rito para bumeso bago humiga sa kama ng Manang niya.

"Saan dapat lakad mo Manang?" Chill niyang tanong while looking at the ceiling.

"Nothing important, may kukunin sana ako sa Greenhills pero ipinakuha ko nalang dahil nga pupunta ka rito"

"Eh bakit hindi ka tumuloy?" Makulit na tanong niya.

"Hala ulit ulit tayo beh? Nakaunli? Diba nga sabi mo pupunta ka rito, edi di na ako tumuloy. Minsan lang tayo magkita kaya grab the opportunity" napailing si Irene habang natawa sa manang niya.

Ito ang panganay nila pero kung kumilos ay parang bunso. Mas sunod pa sa uso, at mas bagets pa gumalaw sakanilang magkakapatid.

"Bagets na bagets naman words mo Manang, kacellphone mo yan" biro niya.

"Lokaret" wika ni Imee.

Natahimik si Irene, nakatingin lang siya sa ceiling habang nakahiga sa kama. Maya maya ay naramdaman niyang tumabi ng higa sakanya si Imee.

"Kwento na" napatingin siya kay Imee

"Huh?" Lumingon siya kay Imee at nakatingin ito sakanya.

"I said magkwento ka na, I know you Irene. Simual bata magkasama na tayo kaya alam ko kung kailan may problema kang iniisip. Kaya magkwento ka na, andito lang ako para makinig" wika ni Imee. Napangiti si Irene.

"Nothing Manang, I just want to see you kaya tumawag ako" wika niya. Nagdadalawang isip pa kung magkkwento ba siya.

But her manang really knows her well.

"Sus as if naman maniwala ako. Magkwento ka na at baka masulosyunan natin yan. Remember, Imeesolusyon" biro pa nito kaya natawa silang dalawa.

Binalot sila ng katahimikan ng ilan minuto bago nagsalita si Irene.

"Sa tingin mo Manang tamang landas ba yung tinahak ko?"

"Bakit mo natanong?"

"You guys know that Since I was 5 years old, I really wanted to be a Doctor. Gustong gusto ko talaga yun Manang, pero bakit ganun? Naabot ko nga yun pero may part sa akin na sana hindi ko nalang tinupad ang pangarap na yun. Minsan naiisip ko na sana nanatiling pangarap nalang iyon"

Natahimik si Imee. She was very straightforward person, ilang beses niyang nakaaway si Irene about this issue. Hindi naman kasi siya sang-ayon kay Irene na umalis para tupadin ang pangarap. She loves her Sister very much, she wants to support her in all her dreams pero alam niyang mali ang desisyon nito dahil ang kapalit nun ay ang pag-iwan niya sa anak niya.

"You know my answer to that Irene. Ilang beses kitang inaway dahil diyan pero I realized na that is your ultimate dream, who are we to Stop you. Kaya lang, alam mong mali ka sa part na yan"

"Nung naging Doctor ako Manang masaya ako, pero hindi yung inexpect kong masayang masaya. I really want to go back, gustong gusto kong umuwi pero wala akong mukha na maihaharap sainyo lalo na kay Greggy at Eli. Hindi ako nagsisisi na tinupad ko ang pangarap ko, pero ang pinagsisisihan ko eh yung iniwan ko yung mga taong mahal ko para sa sariling interest" she started to cry.

"Hindi pa ba kayo Okay? I mean, I thought she was trying her best to give you a chance?"

Bumangon si Irene at naupo sa kama, ginaya naman siya ni Imee

"Its her birthday yesterday manang"

"Yeah I know, we remembered. Pinadalhan namin siya ng gift kahapon" wika ni Imee.

Mas naiyak si Irene. Ramdam na ramdam niya ang pangliliit. Dahil hindi siya nakadalo sa dinner nila wala siyang naibigay na regalo sa anak. Sama ng loob lang ang naibigay niya.

"Irene anong problema. Tell me" he manang said while comforting her.

Nahihirapan man pero unti unti niyang ikinwento ang nangyari kahapon, ang totoong dahilan kung bakit niya nakaligtaan. Iyak siya ng iyak, at wala ng nasabi at nagawa si Imee kundi ang aluin siya.

She offered her na tulungan kay Eli kahit hindi siya sigurado kung pagbibigyan ba siya ni Eli kung kinausap niya ito dahil hindi naman sila gaanong close pero si Irene na mismo ang humindi. Gusto niya raw na ayusin ang problema niya mag-isa dahil siya naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.

_____

"Wow, mukhang masarap manang. You cooked this?" Irene asked habang excited na tinitignan ang mga pagkain sa lamesa.

"Itong kare kare luto ni Ate Lydia, ang luto ko dito itong pinakbest and we also have bagnet" sagot naman ni Imee.

Lagpas ala una na ng hapon, kagiging ni Irene dahil pagkatapos nilang magiyakan sa kwarto ni Imee ay nakatulog ito. Si Imee naman ay bumaba para ipagluto ang kanyang kapatid, di rin naman siya makakatulog ng mahimbing dahil sa iniisip niya ang kalagayan ni Irene.

"I missed this Manang, nageffort ka pa talaga. Salamat" she said at naupo na.

Ipinagsandok siya ng kanin ni Imee at pinagsilbihan, just like the old times. Alagang alaga sila ng manang nila.

"Thanks Manang, join me na"

Tumango si Imee at nakisalo na rin sa pagkain.

"Babalik ka ba agad sa condo?" Imee asked while eating.

"Hindi manang pero aalis na rin ako maya maya. I will go to greggy's company to talk to him" sagot niya

"What about you? Anong oras ang flight mo pauwing Ilocos?" Dagdag niya.

"Mamayang 4, Irene"

"Hindi mo na hihintayin umuwi si mommy?"

"She will stay in forbes for a week daw. Bukas si Borgy ang uuwi rito kasama si Mike"

"Alam mo manang we need to set a family dinner. Its been a while since nakompleto tayo, halos di ko na nakikita mga pamangkin ko"

"Good Idea, I'll ask them kung ano ang mga free time nila. Kaya ayusin mo na ang relasyon mo kay Eli para maipakilala mo na siya sa amin" natahimik si Irene at ngumiti.

Ang saya siguro kung masama niya si Eli sa Family dinner nila. Hoping

"Sana nga Manang" they continue to eat while having some chikas.

______

"Ma'am Irene?" Someone said habang naglalakad si Irene palabas ng Elevator ng building ni Greggy

Napahinto si Irene, she recognized Greggy's secretary.

"Hi Jes, good Afternoon. Is Greggy's here? May meeting ba siya?" She asked nang makalapit rito.

"Hello po Ma'am, wala pong meeting si Sir ngayon nireschedule niya po lahat ng meeting niya this afternoon"

"Oh, bakit daw?" Curios na tanong niya

"Celebration po kasi ata ngayon ng birthday nung anak niya"

Medyo natigilan si Irene sa narinig. Kung wala lang taong nakatingin sakanya ay napasapo na siya sa noo niya. Tama nga, ngayon yung Birthday party ni Eli na it was supposed yesterday pero ginawang ngayong araw dahil may dinner sila sana kagabi.

"Pero po andiyan pa po si Sir, Ma'am. K-kakausapin niyo po ba?"

"Y-yes please"

"Sabihan ko lang po saglit" he said at naglakad papuntang office ni Greggy.

Tahimik lang naman si Irene sa labas. She was thinking kung pupunta ba siya kila Eli mamaya, parang bigla siyang naurungan at nawalan ng mukhang ihaharap.

Minutes later lumabas na ang secretary ni Greggy at pinapapasok na si Irene kaya naglakad na siya papasok ng office.

Kinakabahan pa siya nung nakapasok siya at nakita si Greggy na nakaupo sa swivel chair.

"Good Afternoon Greg" mahinang bati niya.

"Maupo ka Irene, akala ko ay hindi ka na pupunta rito. I need to go home early kaya bilisan na natin ang usapang ito" seryoso niyang wika, tumango naman si Irene at naupo sa gilid.

"Greg Im sorry, I didn't mean to forget that dinner. Nawala lang talaga sa isip ko sa sobrang dami kong iniisip kagabi" panimula niya.

"Irene naman, you made a promised to my daughter. Binigo mo yung bata, you should've told her na hindi makakapunta para hindi na siya naghintay sa restaurant ng matagal. Alam mo ba kung ano pa sinakyan niya pauwi? Nagcommute yung anak ko Irene, because she was devastated and want to go home as soon as possible so she took a taxi" hindi maitatago ang galit at inis sa tono ni Greggy. Medyo napayuko si Irene dahil alam niya naman na tama ang lahat ng sinasabi nito.

"S-sorry Greg, h-hindi ko talaga sinasadya. I was ready for that dinner promise, nagkaroon lang ng problema kaya nakalimutan ko"

"What happened ba?" He asked. Ireme slightly smiled, Greggy is ready to hear her explanation. Mabuti nalang, akala kasi niya ay hindi ulit siya nito papakinggan.

FLASHBACK

(Eli's birthday)

"Doc! Early out ka po ata ngayon, diba 3 pa po ang out niyo? 10am palang doc, may kadate kayo noh?" Pang-aasar nanaman sakanya nung mga nurse sa lobby.

"Nagpaalam na ako days ago palang noh. Eli invited me to dinner, Its her birthday today" nakangiting sagot niya.

"Sus kaya pala excited si Doc" wika nung isang nurse.

The nurses knew about Eli but only Steve and Karen knew that she is Irene's daughter since sila naman yung nakasama sa outreach program sa baguio kaya nila nalaman.

"Osiya maiwan ko na kayo rito, see you tomorrow" masaya niyang wika at naglakad na patungo sa parking para umuwi.

____

It was past 5pm when Irene woke up from sleep because of her noisy phone, agad niyang kinapa ang side table para tignan ang phone niya at napalaki ang mata niya ng makita na may ilang missed call sakanya at tumatawag pa ang mga nurses sa hospital.

Bumangon siya, she was about to answer the call pero naend na ang tawag. Agad niyang tinawagan si Karen, gladly after ilang ring sinagot niya ito.

"Karen, I just woke up. Is there any problem? May mga missed call kayo" tanong niya habang nagkukusot pa ng mata.

"Doc, sorry to disturb you po. Kasi po doc ano eh" halata sa boses ni Karen na kinakabahan ito

"Kasi ano? What happened? May problema ba diyan sa hospital?" May unting pag aalala na rin sa boses niya.

"Si Cally po Doc---"

"K-karen what happened to Cally? Anong nangyari?"

"Nurse Karen pinapatawag na tayo ni Doc Velasquez, kailangan na daw maoperahan ni Cally sa lalong madaling panahon" rinig niyang boses sa kabilang linya.

"What? Karen? What happened? I just checked up on her before mag out ah"

"Y-yun nga po Doc eh, bigla nalang po kasi siyang nanghina---"

"I will go there Karen, papunta na ako" nagmamadali niyang wika sabay end ng call.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan niya at kahit wala pa siyang suklay at nakapambahay lang ay hindi niya na inisip, kailangan siya ng pasyente niya. Kailangan niyang makarating sa hospital sa lalong madaling panahon.

"Doc Irene!" Rinig niyang tawag sakanya habang naglalakad sa hallway ng Hospital.

Dali dali siyang naglakad, wala na siyang pakialam kung nakatshirt at shorts lang siya, di niya na rin inisip kung ano sasabihin ng mga tao sa panda indoor slippers niya.

"Doc Velasquez! What happened to cally? Kamusta siya?" Nag aalalang tanong niya.

"Honestly, she's not okay at this moment Doc but we will do our best to save her. Masyado ng mahina ang puso niya, kailangan ng operahan"

"T-tutulong ako" alalang alala na wika niya.

"Kaya mo ba Doc? I understand that you want to help us dahil hindi na iba ang turing mo kay Cally but you know Doc that it is not advisable for surgeons to operate the people who are close to them. Kaya mo ba Doc?" Hindi nakasagot si Irene.

Marami na siyang patiente na naoperahan, halos lahat ng operation kasama siya pero iba ang situation niya ngayon. Malapit sakanya si Cally at parang anak na ang turing niya rito dahil sa tinagal tagal niyang nagstay sa Hospital naging close sila.

"Just go inside the OR if you think na kaya mo, if not its fine. Just wait us here, we will do our best para maging okay siya" tumango si Irene.

Nagpaalam na ang Doctor at pumasok na sa Operating Room. Wala ng nagawa si Irene kundi yakapin ang mommy ni Cally na kanina pa iyak ng iyak dahil sa labis na pag-aalala.

One hour and half had passed pero wala pang naging balita sa loob ng OR. Hindi na rin mapakali si Irene, lakas loob siyang umalis para magsuot ng scrubs niya.

Nagmamadali siyang tumungo sa OR at pumasok siya. Habang naglalakad siya papasok ay parang nanlalambot ang tuhod niya.

"I'll help Doc" matapang niyang wika, saglit lang siyang tinignan ng doctor at tumango kaya agad na siyang lumapit para tumulong. Kailangan niyang maging matatag at matapang para kay Cally.

"Thank you Doctora Irene, let's do our work and save this child"

Inabot pa sila ng isang oras pero hindi parin natatapos ang operasyon. "Doc" sambit ng isang nurse nang magkaroon ng problema, nag-ingay ang isang machine at halos lahat sila ay mas naging abala dahil sa panganib na dulot nung machine.

Doctor Velasquez moves fast and try to save Cally. Napaatras si Irene habang tinitignan si Doc Velasques na isinasalba ang buhay ni Cally. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang makitang huminto na ang Doctor at tumingin sa relo nito.

"N-no Cal, Cally please" mahinang wika niya habang ang luha ay tuloy tuloy na sa pagtulo.

"Hold on Cal, you're a fighter. You can do this Cal" mahinang banggit niya

"Doc" narinig niya, napapikit nalang siya. Naramdaman nalang niya na may tumapik sa balikat niya.

Yung pinanghahawakan niyang chance na masusurvive ni Cally lahat ay nawala  nang may tumapik sa balikat niya.

"Doc" rinig nanaman niya na boses ni Steve.

"Steve Si Cal" parang nagsusumbong na wika niya.

"Doc ginawa po natin ang lahat, alam ko rin po na lumaban si Cally nakakalungkot lang dahil hindi niya nakayanan" parang gripo sa pagbagsak ang mga luha niya. Nilapitan rin siya ni Karen at niyakap siya ng dalawa.

She wiped her tears after hugging each other. "Tara na sa labas, I want to talk to Cally's mother" tumango ang dalawa at sumunod sakanya.

Ang lamya lamya nilang naglakad palabas, nadatnan nalang nila na malakas ng umiiyak ang pamilya ni Cally habang kaharap si Doc Velasquez

"Doc Irene, what happened to my daughter? M-matapang yung anak ko diba? She is a fighter, kayang kaya niya yun. A-anong nangyari Doc" Cally's mother broke down in tears. Isa isa nanamang nagsitulo ang luha ni Irene.

"S-sorry Jeth, Im so sorry" wika niya at niyakap ang ina ni Cally.

Nagiiyakan lang sila hanggang sa hinila na siya ng mga nurse para makapagpahinga. Ramdam na rin kasi nila na nanghihina si Irene galing sa kaiiyak.

Nakatulala lang si Irene habang nakaupo sa sofa ng Office ni Doc Velasquez. Dito muna siya pinunta ng mga nurse para may kasama siya.

"Doc kain ka muna, anong oras na rin. We need to eat dinner" wika ni Doc Velasquez. Parang natauhan si Irene sa narinig, agad siyang napatayo at nagpapanic na hinanap ang bag niya.

"Hey what's happening?" Nawindang naman na tanong ng Doctor sakanya.

"Omg, Doc nakalimutan ko. Gosh, antanga ko" nagpapanic na wika niya. She opened her phone at mas nagpanic siya nang makita ang maraming missed call at messages na galing kay Eli.

Nakalimutan niya na birthday ni Eli and they were supposed to eat dinner outside.

"Doc alis na muna ako, I need to fix something"

"Pero hindi ka pa---"

"Im fine, sorry doc kailangan ko lang talagang umalis" napatango nalang ang doctor at dali daling umalis ng hospital si Irene. Idinial niya rin ang number ni Eli para makausap ito.

END OF FLASHBACK.

Hindi napigilan ni Irene ang humagulgol habang inaalala ang nangyari kagabi, masakit para sakanya ang pagkawala ni Cally. She became so close to Cally, ito ang isa sa mga una niyang naging pasyente simula magstart siyang magtrabaho sa pilipinas. Saksi si Irene kung gaano katapang si Cally, kung paano niya nilabanan ang sakit niya kaya sobra siyang nanghihinayang at nasasaktan dahil hindi na nito nakayanan.

"Tissue" wika ni Greggy sabay abot sakanya.

"Thank you" wika niya habang umiiyak parin.

"S-sorry Greg, m-masyado akong nagpanic when they told me that my patient is not in good condition. Cally is like a daughter to me. Y-yung mga panahong nangungulila ako kay Eli dahil hindi ko masabi ang totoo sakanya, si Cally ang nagpapasaya sa akin" iyak niya.

Tumango tango naman si Greggy, he is still mad at her for hurting her daughter pero somehow there's a part in Greggy na he understands Irene's situation.

"Stop crying Irene. Gusto mo bang mugto ang mata mo pag pupunta sa bahay mamaya?" Napatingin si Irene kay Greggy.

"Am I still allowed to go there?"

"Try to talk to my daughter, Irene. Nasaktan mo si Eli pero hindi naman siya bato para hindi maintindihan ang reason mo. Masama ang loob nun for sure at baka iwasan ka mamaya pero suyuin mo, ipakita mo na you are willing na magkaayos kayo. Bumawi ka sa anak mo" tumango tango si Irene.

"Thanks Greg, thank you so much" wika niya.

Ilang minuto pa bago tumahan si Irene, hindi na rin nagtagal ay tumayo na ito para magpaalam na umuwi para makahabol siya mamaya sa bahay nila Eli.

"Babawi ako Greg, thank you so much" tumango naman si Greggy nabigla nalang ito nang yakapin siya ni Irene ng mahigpit.

Hindi na namalayan ni Greggy na yumakap na rin siya kay Irene. Nang natauhan siya ay siya na ang unang bumitaw sa yakap.

"Uuwi na ako para maaga ako mamaya makarating sainyo, see you later greg. Thank you"

"Drive Safely, Irene" tumango si Irene at naglakad na paalis.

------

Happy Fridayyy yay!

Medyo mahaba itong update na ito yiee.

Keep safe guys! <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 44.1K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...
174K 9.3K 135
Will she ever feels the kind of love she's longing for?
562K 12.5K 39
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
5K 177 16
Disclaimer: The following story is a work of fiction. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidenta...