Kabanata Dalawampu't Lima

476 36 3
                                    

"are you hungry na?" Tanong ni Irene kay Eli

Nasa may Living room sila nakatambay ngayon, Eli requested na dun muna dahil napapagod na daw ang likod niya sa kahihiga sa kama.

"Im not yet hungry po, Can we wait for dad? Matagal pa daw ba siya?"

"I don't know too El, let's just wait for him nalang but if you're hungry na tell me para maipaghanda na kita ng food" Eli just nod her head and keep her focus sa pinapanood nila.

Hour passed napansin ni Eli na nakaidlip na si Irene habang nakasandal sa sofa.

She softly tapped Irene's shoulder to wake her up.

"Sorry for waking you up Tita, sasakit kasi likod mo pag diyan ka natulog. You can occupy my room nor the Guest room po" wika niya nang magising si Irene.

Agad nitong inayos ang sarili. "It's already past lunch, you need to eat na so you can drink your meds"

"Do I still need to? I'm a bit fine naman po baka di na pwedeng maggam---"

"Hay naku Eli, you have to be totally fine. Hindi pa ba tapos ang dad mo?" Irene asked, nagkibit balikat naman si Eli.

"Just stay here, ihahanda ko lang yung food. Huwag mo ng hintayin ang daddy mo at baka matagal pa yun" wika ni Irene, tumango naman si Eli.

Agad nang nagtungo si Irene sa kusina at inihanda ang kakainin ni Eli.

"You should have just call me Tita, I can walk naman and eat sa dining" wika ni Eli nang makitang naglalakad si Irene palapit habang hawak ang plato niya.

Inilapag nito ang plato niya sa center table.

"Kumain ka na El, kukunin ko lang ang gamot mo sa kwarto. Make sure to finish all of that, okay?" Wika niya, hindi niya na hinintay ang sagot ni Eli at agad nang nagtungo sa kwarto nito para kuhanin ang gamot ng anak.

Saktong paglabas niya ng kwarto ni Eli ang paglabas rin ni Greggy ng office nito.

"Are you done na with your meeting?" She asked.

"Not yet, we're still talking about some matter na di pwedeng ipagpaliban. I just went out of the office because I requested a quick break and to ask you two if kumain na kayo"

"Kumakain na si Eli sa Sala, I went to her room to get her meds. You want anything? Ihahatid ko dyan"

"Can I have some coffee?" Napakunot ang noo ni Irene.

Coffee? Tanghaling tapat tapos kape?

"Wala ako gaanong tulog, kailangan kong magising" simpleng wika ni Greggy nang mapansin ang pag aalinlangan ni Irene.

"Oh right, Just wait me there at ihahatid ko nalang" sambit nito at agad na bumalik na sa sala para ibigay kay Eli ang gamot.

Nagpaalam na rin siya Kay Eli na magtitimpla muna ng kape para sa daddy niya.

"Thank you 'rene. Babawi ako mamaya sainyo" sambit ni Greggy pagkaabot sakanya ni Irene ng kape.

Tumango lang si Irene at inilibot ang tingin sa paligid. Ngayon lang siya nakapasok sa office nito, at napangiti siya nang makita na panay pictures nila Eli at Greggy ang nakadisplay.

Eli really looked like Irene when she was a kid.

Her giggly chubby face and the super cute bangs.

Napansin ni Greggy na nakatuon ang tingin ni Irene sa mga pictures nila.

"She was six years old that time" nagulat naman si Irene nang biglang nagsalita si Greggy, lumingon siya rito at nakita niya si Greggy na tumatawa ng mahina.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now