Kabanata Labing-apat

477 36 2
                                    

"Sorry Tita Im Late, kanina ka pa po rito?" Hinihingal na wika ni Eli pagkarating sa restaurant kung saan sila magkikita ni Irene.

Inaya kasi siya ni Irene kagabi na maglunch daw sila dahil namimiss niya na ang bata.

"Actually yes, but it's fine. Maupo ka na" wika ni Irene. Bago naupo si Eli ay bumeso muna ito sa ginang.

"Okay ka lang po? Namumutla ka tita" tanong ni Eli sa ginang pagkatapos nilang nagorder ng kakainin.

"Pagod lang siguro El, 16 hours akong nakaduty sa hospital eh. Walang maayos na tulog" sagot ng ginang sakanya.

"Hala ka edi dapat hindi mo na po ako ininvite ng lunch. You should have go home and take a rest"

"Its fine El, I really want to have a lunch with you"

"Tigas ng ulo mo Doc, ang pale pale ng mukha mo oh. Dapat marunong ka rin magpahinga, alagaan mo rin po sarili mo. Ang hirap kaya magkasakit sa panahon ngayon" pangaral ni Eli kay Irene. Tinignan niya ang ginang at napakunot noo siya nang makita na tumatawa ito.

"What's funny?" Tanong niya

"Wala, you're so cute" wika ni Irene, napailing nalang si Eli dahil dumating na ang pagkain nila kaya wala na siyang nagawa kundi kumain dahil mukhang kailangan na ni Irene makakain.

"After this saan mo gustong pumunta?" Irene asked.

"May pupuntahan pa tayo? Naku Tita after this let's both go home so you can take a rest"

"What if you go with me sa condo?"

"Edi hindi ka nakapagpahinga? Tita naman eh so kulit" grumpy na wika ni Eli.

"Okay Fine, ayaw mo ata akong kasama eh" pang aasar pa ni Irene sa bata, alam niya kasing naiinis na ito at ang cute niya pag naiinis.

"Oo na, magpapahinga nalang ako sa condo after this since Im not feeling well na" napakunot noo si Eli, agad siyang tumayo at lumapit kay Irene. Dumapo ang palad niya sa nood at leeg ni Irene at medyo mainit na nga ang ginang.

"Mainit ka na nga tita. Kulit mo kasi eh" wika niya.

"Hayaan mo na, wala lang naman yan. Let's continue eating" wika ni Irene.

Nagpatuloy sila sa pagkain at napagdesisyonan niya na sumama muna sa condo ni Irene para maalagaan niya ito.

"I'll go with you in one condition"

"What is it?"

"Hindi mo ako ihahatid pauwi. Magtataxi nalang ako, alam kong makulit ka eh"

"Daya mo naman" wika ni Irene sabay pout.

"Wag mo akong daanin sa pacute tita, seryoso ako"

"Next time then El, hindi kita pwedeng pabayaan pauwi. Baka kung ano pang mangyari sayo delikado magcommute" wika ni Irene.

"Basta once you got home take a rest ha?" Tumango si Irene.

"Ako ba ang doctor sa ating dalawa o ikaw?" She chuckles

"Ay ewan ko sayo tita. Kumain na po tayo para makauwi ka na at makapagpahinga"

______

"Did you eat your dinner na? Kamusta po pakiramdam mo?" Tanong ni Eli pagkasagot ni Irene sa tawag niya sa telegram.

Nakahiga ito at nakatakip ng kumot habang nakatutok sa phone.

"Medyo lumala ata pero wala na ito bukas, I have to be okay may work pa eh" sagot ni Irene.

"Hindi mo po sinagot yung tanong ko kung kumain ka na ba"

"Hindi pa, mamaya nalang El. I can't stand nanghihina ako" umiling iling si Eli at nakita niya na nagi-struggle sa pagsasalita ang ginang. Masama na nga talaga ang pakiramdam nito kumpara kanina na naglunch sila.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now