Kabanata Apatnapu

584 46 16
                                    

"Oh Eli, Magandang umaga. Ang aga mo atang nagising ngayon hija?" Bati sakanya ni Manang Rose nang makita siya pagkalabas ng kwarto niya.

"Good Morning Nay, just woke up early po" wika niya, tinanguan naman siya ng matanda bago ipagpatuloy ang ginagawa.

Just woke up early daw..

Hindi naman talaga siya nakatulog kagabi. Actually, ilang gabi na siyang walang maayos na tulog at hindi niya rin alam kung bakit.

She decided to go downstairs para makakain na siya, maggagatas na rin siya baka sakaling sa pang apat na beses niyang uminom ng gatas simula nung hatinggabi ay umepekto na at dalawin na siya ng antok.

Napahinto si Eli sa paglalakad nang makita ang daddy niya na nakasuit na habang nasa hapag kainan nakatutok sa laptop. Hindi pa siya nito napansin dahil sa kabusyhan, kung ano bang tinatrabaho niya umagang umaga.

"Is it not possible for you to postpone that so you can have breakfast first? Its so early in the morning and yet you're here drowning yourself in work" masungit na turan niya sa daddy niya dahilan para mapatingin ito dito.

"Oh El, you're awake na pala anak. Good Morning" bati ni Greggy without minding her sermons.

Umiling iling ito at wala sa mood na lumapit kay greggy para bumeso.

"Oh so early and your face is nakabusangot" biro niya sa anak. Eli rolled her eyes.

"Not funny daddy" wala sa mood na sagot niya.

Greggy closed her laptop and set it aside. "Clean na, sabayan mo na ako magbreakfast" wika ng daddy niya.

"I will prepare my milk first" wika niya at tumungo sa kusina para gumawa ng gatas niya at agad ding bumalik.

"Phone dad, its your rule na no phone when eating" suway nanaman niya nang bumalik siyang nagcecellphone sj greggy.

Greggy chuckles, "so strict naman my princess"

"Whatever" she murmured

"Sit down so we can eat our breakfast na" greggy said.

"I thought late kang gigising ngayon" panimulang wika ni Greggy nang magsimula silang kumain.

"I will sleep again later" wika niya nalang.

Their breakfast went smoothly, si Greggy lang ang nagtatanong tanong and Eli were just answering all his questions. Naiinis si Eli, wala siya sa mood and Greggy didn't even notice that.

"What do you want for lunch and dinner? Do you want something? Just tell Nanay Rose to prepare it okay? Or if you want something just let me know para mabili ko paguwi ko" he asked while carrying his laptop and bag.

"Can you buy some of your time for me?" Eli said in a low tone. Napahinto naman si Greggy at tumingin lang sa anak.

"Its been two weeks since we had a talk and settled everything with Doc Irene. Since then, we didn't have time to talk na just the two of us. Do I need to request and ask for an appointment with your secretary so I can talk with you even for only a few hours?" Direktang wika ni Eli sa daddy niya, who was now speechless.

"Eli,---"

"Dad I am having a hard time, I can't think properly and I don't know what to do about it. Wala naman akong makausap tungkol sa pinagdadaanan ko. I was waiting for your free time to talk to you pero wala. H-hindi naman siguro babagsak yung businesses mo if you prioritize me for a day o di kaya naman kahit ilang oras lang" tears are starting to stream down to her cheeks.

Eli was crying, she was just standing in front of greggy. Nakakaawa na siya, she doesn't want to beg for his time pero she knows na kailangan niya ng makakausap kasi hindi na rin niya alam kung ano ang nangyayari sakanya.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now