Kabanata Pitumpu't Pito

886 61 42
                                    

"Are you really okay Doc?" Nurse Karen asked Irene who is now sitting on the sofa of her office

"Yeah, Pagod lang at inaantok" sagot ni Irene. Napatango si Karen sakanya, naiintindihan niya ito. Halos hindi na kasi nagkakaroon ng oras na magpahinga o umidlip man lang si Irene. Panay ang tawag sakanya, mapa emergency, sa ward, OR minsan pa pati sa checkup ng mga bata.

"Hirap talaga ng work natin doc noh? Sa kakaalaga natin sa mga pasyente halos napapabayaan na natin ang sarili natin"

"Yeah, though I love my work naman kaya okay lang rin. Ginusto ko ito eh, minsan lang talaga exhausting pero kinakaya naman"

"What about Eli? Hindi ba nagtatampo na halos di ka nanaman nakakauwi dahil sa work Doc?"

"Well, Eli being Eli minsan nagtatampo pero naiintindihan naman na niya kahit papaano. And she's kinda busy too this past few days, she went out with her friends and yesterday my Manang fetched her at pinasyal"

"You're not jealous doc? Di ka nakasama sa bonding nila" birong tanong ni Karen, Irene just chuckle

"I was supposed to file a leave kahapon para makasama but inunahan ako ng Doc Elrod kaya wala akong nagawa"

Habang naguusap sila ay bakas na kay Irene ang antok at pagod, magpapahinga na sana ito nang umalis na si Karen pero tinawag nanaman suya dahil may emergency sa isang pasyente niya.

"Sorry talaga Doc, nagpanic po kasi si Ayisha" paumanhin nung isang nanay pagkatapos pakalmahin ni Irene ang batang nagwala kanina.

Mag-a-alas dos na ng madaling araw kaya todo paumahin ang nanay ni Ayisha dahil kitang kita niya na rin na puyat na puyat na si Irene

"Its fine po, its part of my job. Mabuti na rin yun at tinawag niyo agad sa amin to handle it. At least ayisha already knows na pag nanikip nanaman dibdib niya kailangan niyang kumalma" tumango tango ang nanay ni ayisha habang nagpapaumanhin pa rin

Hindi na rin nagtagal si Irene at nagpaalam na ito. Agad siyang dumiretso sa office niya para matulog at makapagpahinga saglit.

Nagising si Irene nang may naramdaman siyang tumatapik tapik sa balikat niya ng mahina. Unti unti niyang minulat ang mata niya at nakita si Micah sa harap niya.

"Good Morning po Doc, sorry to wake you up po"

Tinanguan niya lang ito since di pa siya makapagsalita. Bumangon siya at tumungo sa banyo para maghilamosbay magtooth brush.

Anong oras na ba? Tumingin siya sa wall clock ng office niya at napalaki ang mata niya nang makitang ala sais na ng umaga.

"Doc nakasalubong ko po si Doc Elrod at pinapasabi po na magoff ka daw po muna ngayon since wala ka ng pahinga" napangiti si Irene at agad na tumango.

______

"Good Morning po Ma'am" bati ng guard kay Irene pagkapasok niya sa kompanya ni Greggy.

Lagpas alas dyes na ng umaga at napagpasyahan ni Irene na dalawin si Greggy since wala naman si Eli sa bahay nila at nakila Aya.

Nakatulog naman siya ng ilang oras kaya sapat na yun para lumabas siya ngayon. Nakuha niya na ang pahingang tulog na gusto niya, kaya pupuntahan naman niya ngayon ang human pahinga niya. 

Irene smiled at the guard and continued walking inside.

Mangilan ngilan lang ang bumabati sakanya dahil ilang beses pa lang naman siyang nakapunta dito. Agad na siyang sumakay sa elevator at tinungo ang floor kung saan naroon ang opisina ni Greggy.

"Ma'am wait po, sino po sila?" Napahinto si Irene nang may lumapit sakanyang babae habang naglalakad.

"Im Irene, Is Greggy's here? I wanna see her" casual na sagot niya.

Fate's ThornWhere stories live. Discover now