Become My Daughter's Nanny

By palibhasa_pusa

8M 196K 15.1K

Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mo... More

Prologue
BMDN Chapter 1
BMDN Chapter 2
BMDN Chapter 3
BMDN Chapter 4
BMDN Chapter 5
BMDN Chapter 6
BMDN Chapter 7
BMDN Chapter 8
BMDN Chapter 9
BMDN Chapter 10
BMDN Chapter 11
BMDN Chapter 12
BMDN Chapter 13
BMDN Chapter 14
BMDN Chapter 15
BMDN Chapter 16
BMDN Chapter 17
BMDN Chapter 18
BMDN Chapter 19
BMDN Chapter 20
BMDN Chapter 21
BMDN Chapter 22
BMDN Chapter 23
BMDN Chapter 24
BMDN Chapter 25
BMDN Chapter 26
BMDN Chapter 28
BMDN Chapter 29
BMDN Chapter 30
BMDN Chapter 31
BMDN Chapter 32
BMDN Chapter 33
BMDN Chapter 34
BMDN Chapter 35
BMDN Chapter 36
BMDN Chapter 37
BMDN Chapter 38
BMDN Chapter 39
BMDN Chapter 40
BMDN Chapter 41
BMDN Chapter 42
BMDN Chapter 43
BMDN Chapter 44
BMDN Chapter 45
PATIKIM
BMDN Chapter 46
BMDN Chapter 47
BMDN Chapter 48
BMDN Chapter 49
BMDN Chapter 50
BMDN Chapter 51
A/N
BMDN Chapter 52
BMDN Chapter 53
BMDN Chapter 54
BMDN Chapter 55
BMDN Chapter 56
BMDN Chapter 57
BMDN Chapter 58
BMDN Chapter 59
BMDN Chapter 60
BMDN Chapter 61
BMDN Chapter 62
BMDN Chapter 63
BMDN Chapter 64
BMDN Chapter 65
EPILOGUE
announcement

BMDN Chapter 27

110K 2.6K 87
By palibhasa_pusa

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili ko. Narinig na nya, kaya ano pang halaga kung itatangi ko? Totoong ayaw ko ng mararamdaman ko dahil kasalanan ito kay Raquel pero ang hirap pigilan lalo na't araw-araw ko syang nakikita. Hindi ko alam kung bakit ko sya minahal, gayong hindi naman sya mabait sakin. Minaliit na nga nya ang pag katao ko sinaktan pa ako ng pisikal noong tinanong ko sya kung talagang anak nya si Kisza, pero sa puntong iyo  alam kong may mali ako.



"Nanalo ka na, kaya tigilan mo na ako" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya. Pag katapos nyang marinig ang sinabi ko ay sinabihan nya akong sumunod sakanya sa study room nya sa kung saan nya ako kinausap noong bago ako bilang Nanny ng anak ko. Hangga't maaari ayokong dagdagan pa ang kasalanan ko kay Raquel sa asawa nya, pero ang hirap lang.



"Ngayon pa ba 'ko titigil?" Aniya, narinig kong inilapag nya ang basong hawak nya. Hindi ko sya magawang tignan dahil naiinis ako sa ngisi na nasa labi nya, hindi ko alam pero parang may parte sakin na naiilang sa klase ng ngiti na yon.

Totoo nga sigurong walang mabagal o mabilis sa pag ibig, mayroon ngang iba na ilang linggo pa lang nag kakakilala ay nag sasama na agad sa isang bahay. Pero nakakatakot ang ganoong pag ibig, at isa pa hindi ako fan ng love at first sight. Sinong natinong tao ng maiinlove sa isang taong minsan mo palang nakita? Hindi love ang tawag doon kung hindi pag kabulag, mahal ko agad dahil maganda o pogi? Kalokohan. Alam kong malayo ang issue na iyon sa kalagayan ko dahil ilang buwan na rin naman ako dito.




"Bakit ako titigil ngayo na alam kong mahal mo ko?" Bulong nya sa tenga ko na nag patayo ng mga balahibo ko sa batok, bakit hindi ko man lang naramdamang nakalapit na sya sakin?


"Ang sabi mo gusto mo akong tulungang makaalis sa bangungot ko, bakit hindi mo gawin iyon ngayon kasama ang pag mamahal mo para sakin?" Aniya saka ko naramdaman ang kamay nya na bumigkis sa maliit kong bewang. Nasa likod ko sya at nakasandal ako sa likod nya, ramdam ko ang tibok ng puso nya kasing bilis iyon ng akin. Naramdaman ko rin ang paghalik nya sa buhok ko, "Tulungan mo akong tuluyang makaalis sa nakaraan ko, para sabay tayong harapin ang bukas" aniya sa mahinang tinig. Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman ng sinabi nya iyon, kaya inalis ko ang kamay nya sa bewang ko saka humarap sakanya. Mabilis kong ikanawit ang kamay ko sa batok saka ako tumingkayad upang maabot ang labi nya. Hinalikan ko sya na may halong pag mamahal, naramdaman ko ang dalawa nyang kamay sa bewang ko saka ko naramdaman ang pag tugon nya sa halik ko. Napapikit ako ng maramdaman ko ang mga paru-paru sa tyan ko dahil sa pag tugon ni Spencer sa halik ko, katulad ng dati ay masarap iyon. Mas lalo kong idinakit ang sarili ko sakanya.

'Sorry Raquel' sabi ko sa isip ko habang hinagalikan ang asawa nya. 'Pinipigilan ko pero hindi ko kaya. Mahal ko ang asawa mo, sana'y mapatawad mo ako pag nag kita tayo'




Hinihingal ako ng pakawalan nya ang labi ko, may pinunasan pa sya na kung ano sa gilid ng labi ko saka sya ngumiti, ngiti na hindi nya madalas ipakita, ngiti na umabot hanggang sa mata nya.





"Pero hindi ibig sabihin na mahal ay tayo na" sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko, ang lakas pa rin mg tibok mg puso ko. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakakunot ang noo nya.




"Ano-"



"Ligawan mo ko" putol ko sa pag sasalita nya. Lalong nangunot ang noo nya, naalala ko kasi ang sinabi ng Mama nya kilalanin ko sya habang pinapahirapan ko sya. Ayokong madaliin ang lahat, gusto kong makilala sya at gusto kong ipakilala rin nya ako. At isa pa alam kong makakatulong iyon para makaalis sa bangungot ng kanyang kahapon.




"Okay, if that's what you want sweetheart" aniya ang tangkang hahalikan ako ay iwas ako, nangunot muli ang noo nya.



"Hindi nag hahalikan ang nag liligawan" sabi ko saka sya nginitian, tinangal ko ang kamay nya sa bewang ko saka lumayo ng konti sakanya.





"Bumalik ka na doon, at may mga bisita ka na nag hihintay sayo" sabi ko, nang lumapit sya papunta sakin ay humakbang ako paurong upang panatilihin ang distansya naming dalawa. Pinanlakihan ko sya ng mata, huminga sya ng malalim saka sinuklay ang kamay sa medyo kulot nyang buhok. Hindi ko maiwasang hangaan ang ganong gesture nya, napaka manly ng dating dagdagan pa ng nakabukas na tatlong bitones ng kanyang puting polo long sleeve na nakatupi hanggang siko.


"Okay, babalik na ko don" aniya,  tumango ako nag lakad na sya papunta sa pinto.



"Spencer" tawag ko ng tangkang bubuksan na nya ang pinto. Lumingon sya sakin, nginitian ko sya saka sinabing "Happy Birthday". Ngumiti sya saka tuluyang lumabas ng pinto.





Nawala ang ngiti ko ng mahagip ng mata ko ang larawan ni Raquel na nakalagay sa lamesa ni Spencer, lumapit ako doon at hinawakan ang picture frame. Ang ganda nya at ang laki ng ngiti, hinaplos ko iyon at kasabay non ay ang pag tulo ng luha ko.


"Sorry, h-hindi ko talaga sinasadya. P-pinipigilan ko pero ang hirap, Raquel p-pangako aalagaan ko sya, aalagaan ko sila ng anak ko."




















***








Lumipas ang mga araw at naging maganda ang mga pangyayari, naging magaan ang pakikisama ko kay Spencer , hind na ako naiilang sakanya. Nanligaw sya katulad ng gusto ko, pag nag tatanong ako sakanya tungkol sa personal nyang buhay ay magana naman syang sumasagot , gusto ko syang makilala at gusto kong makilala nya rin ako kaya gusto kong ligawan nya ako. Akala ko magiging awkward pero hindi ganon ang nangyari, minsan ay nag papakita sya ng pag kamaka sweet nya, katulad ng pag lalagay nya ng bulaklak sa kwarto ko tuwing umaga at pag uwi nya galing trabaho ay lagi rin syang may uwing bulaklak para sakin at kay Kisza. Ang pag pasok nya sa kwarto ko at Pag halik nya sa noo ko habang akala nya ay tulog ako at ang pagluluto nya ng breakfast para samin ni Kisza. Pareho rin naming tinutulungan sa pag gawa ng assignment si Kisza at bago matulog ay nag kukwentuha kami. Maraming pag babago ang nangyari sa pagitan naming dalawa, sinasamahan rin namin sya ni Kisza sa pag dalaw kay Raquel.

Masyado na akong magiging komportable sakanya, katulad ngayon nasa theater room kaming dalawa at pinapanuod ang naging kasal nila ni Raquel. Noong una alam kong ayaw nyang napag uusapan namin si Raquel, pero kung gusto nyang makaalis sa kinalalagyan nya ngayon kailangang harapin lahat ng alala ni Raquel.




"Napapaniginipan mo ba sya?" Tanong ko sakanya, tumingin sya sakin saka huminga ng malalim pag kuwan ay umiling.


"Hindi, kahit isang beses hindi ko sya mapanaginipan" aniya saka tumingin sa video ng kasal nila.



"Bakit pilit mong sinisisi sa sarili mo ang nangyari?"



"Dahil alam kong ako ang may kasalanan, nag aaway kami dahil nakita nyang may kausap akong babae. Nagalit sya at nag ayang umuwi, pilit kong pinapaintindi sakanya na wala iyon pero ayaw nyang maniwala pinag didiinan nyang bababe ko iyon, hanggang sa nakarinig nalang kaming dalawa ng malakas na busina galing sa harapan. Nawala ang atensyon ko sa pag mamaneho, kaya sabihin mo paanong hindi ko magiging kasalanan iyon? Ako ang may hawak ng manibela, ako ang dahilan kung bakit sya nawala saamin ni Kisza ng maaga" aniya, ramdam ko ang galit habang sinasabi nya iyon. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa nag paplay na video. Napakaganda ni Raquel noong kasal nila, kung hindi ako nag kakamali ay kakagraduate lang nila ng college nang mag pakasal silang dalawa.





"Ginusto mo ba ang nang yari?" Tanong ko, napatingin sya sakin na may pag tataka sakanyang mukha "Kasi kung ginusto mo ang nangyari masasabi kong ikaw nga ang mag kasalanan sa pag kamatay ng asawa mo. Pero kung hindi naman tamang aksidente nga ang nangyari, maaring nawala ang atensyon mo sa pag dudrive pero ang nakasalubong nyong truck ay aminadong nakatulog habang nag mamaneho. Kung pilit mong isisisi sa sarili mo ang lahat hindi kita matutulungan para makaalis ka sa sitwasyon mo, ikaw mismo ang makakatulong sa sarili mo pero sa kasamaang palad ikaw rin ang nag lulubog sa sarili mo. Kahit na tulungan kita kasama ang pag mamahal ko syo baliwala iyon kung ikaw mismo ay ayaw tulungan ang sarili mo"









Hindi ko maiwasang hangaan ang kagwapuhan ni Spencer na nakangiti habag nakatingin kay Raquel na nag lalakad sa papunta sa altar, napakagwapo nya sa suot ng suit. Garden wedding ang naging kasal nila, at napakaganda noon. Dati nag hahangad rin ako ng garden wedding pero alam kong hindi mangyayari iyon dahil narin sa estado ng buhay namin kaya itinigil ko na ang pangarapin iyon.





Tumayo ako saka lumabas ng theater room at iniwan sya doon, pumunta ako sa kwarto ni Kisza at nakita kong tulog na sya habang nakayakap sa ibinigay kong stuffed toy sakanya. Hinalikan ko sya sa noo, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Gusto ako ni Spencer alam ko iyon lagi nyang sinasabi iyon pero hindi nya mapakawalan ang pag mamahal nya sa asawa nya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, ang maging masaya dahil alam kong mahal na mahal nya ang pinsan ko o masaktan dahil hindi nya ako magawang mahalin ng buong-buo.




Totoo nga ang kasabihan na 'huwag mag salita ng tapos' dahil kinain ko ang sinabi ko kay Spencer na ayokong mahulog kung wala namang sasalo sakin. Pero eto at nahulog na ako, habang si Spencer nag dadalawang isip kung sasaluhin ako.













***



A/N: may mga issue pa si Spencer na kailangang ayusin bago maging ayos ang lahat.



Atlast! Nakapag update din...  Pasensya na kung pangit, pinilit ko lang paganahin ang utak ko ... Wala kasi talagang pumapasok sa utak ko dis past few days!



PS: hindi porque mahal mo na ay kailangang kayo agad! Pakipot muna ng konti .lol

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
327K 5.2K 53
Sydney Thenesis Galvez is a registered nurse and she's happy with her job because it has been her dream ever since she was a kid. One day she was ask...
32.4K 1.1K 53
ALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Kather...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...