Lost Love In Silence | Colleg...

NiniInkwell

3.9K 160 201

"It hurts so much to love you, I almost died." I, Maxine Reyes, am a law student, and life hasn't been easy... Еще

Disclamer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 6

94 7 6
NiniInkwell


"Ano?!" Napatayo si Baldo sa kinauupuan niya.

"Oh, biglang nagka-pake si gago." Mayabang na sabi ulit ni Hiro.

"Tang-ina ka, ah! Nanghahamon ka?!" Galit na galit na sabi ni Baldo.

Biglang may lumipad na libro papunta sa kanya. Lumingon siya para tingnan kung sino ang naghagis nito, at nakita namin ang mga mata ni Mr. Santos na nag-aapoy na tumutusok sa kaluluwa ni Baldo. And I feel like someone grabbed my hand, then hinila ako palabas ng office.

"Hoy! Gago, Bakit tayo lumabas?" Tanong ko kay Andre na nakahawak pa rin sa kamay ko.

"Nakita mo naman kung pano tumingin si sir Santos sa gagong 'yon. Matik na'yon, expelled na si tanga." Halos matawa na sabi ni Hiro.

Binitawan ni Andre ang kamay ko, umiwas siya ng tingin. "Sa susunod wag kang gagawa ng katangahan mag-isa."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napataas naman ako ng kilay at sumimangot. "Katangahan? Hoy, Andre, hindi yun katangahan"

Iritableng tumingin si Andre. "Paano kung may mangyari ulit?"

Nawala ang pagkunot ng noo ko habang tinitigan siya ng marahan."Kasama ko si Hiro. Kaya ko ginawa yun."

He sighed. "Kahit na." Iritadong daing niya.

"I smell something fishy... may crush ka ba kay Maxine, Andre?" Hiro suddenly asked, so I glared at him. 

Hindi man lang kumibo sa tanong si Andre at nanatiling nakatingin sa akin. Pero lumapit si Hiro.

"Bro, if you have a crush on her, stop it already." Prangkang sabi ni Hiro na nakaagaw ng atensyon ni Andre.

Tumaas ang isang kilay ni Andre."I don't have a crush on her,  kaibigan ko siya, at nagmamalasakit ako sa kanya."

Nakatayo sa magkabilang gilid ko ang dalawa. Pakiramdam ko ay may namumuong tensyon sa pagitan nila, kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay at pinandilatan sila ng mata.

"Mga gagong 'to! Ayos din biruan niyo, eh, no? Hindi nakakatuwa!" Malakas na sabi ko na pilit inaalis ang tensyon sa kanila. Pero nanatili lang silang nakatitig sa isa't isa.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam ang gagawin at hindi ko rin sila maintindihan. Nababasa ko ang mukha nila pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nila. Nakatitig sila sa isa't isa ng hindi man lang kumikibo.

Nagsisimula na akong mainis kaya tumalikod na ako at naglakad palayo. Napalingon sila sa akin at sinundan ako.

"Maxine, hatid na kita." mungkahi ni Hiro. 

"Huwag na, kaya umuwi ako ng mag isa." pagtanggi ko nang huminto ako sa paglalakad. 

Pagkatapos ay humakbang si Andre. "Hindi, Maxine, hindi pa rin tayo sigurado na hindi alam ng tropa ni Baldo ang nangyari sa kanya." Nag-aalalang sabi ni Andre.

Tama siya. Sa huli. Hinatid nila akong dalawa sa dorm ko. Pero hindi man lang sila nag-uusap. Ewan ko ba kung dahil ba sa biro ni Hiro, o dahil sa akin. Ayokong mag-assume at pagod na akong mag-overthink ngayon. 

Kinabukasan, nagsuot ako ng simpleng damit at maagang umalis. Sobrang tamad at pagod na ang nararamdaman ko. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Nag-aalala rin ako na baka bigla na lang sumulpot si Baldo at ang tropa niya at habulin na naman ako. 

Sumakay ako ng taxi at pumasok sa loob ng campus. Pero sa hindi kalayuan habang naglalakad ako, nakita ko si Hiro na papalapit sa akin. Siya ay may karaniwang ngiti sa kanyang mukha tuwing nakikita ko siya. This is the 4th week of the semester at marami na agad ang nangyari. Ngunit nananatili pa rin si Hiro sa dati. 

"Max! Good morning, nag breakfast ka na?" Hiro asked softly.

Agad kong pinikit ang mata ko. "Ikaw ba si Hiro? Ano bang nakain mo at ang bait-bait mo ngayon?"


Umiling siya sabay tawa, habang umiling din ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa assigned building ko.

"So... kumain ka na nga?" Tanong niya ulit.

I shook my head slowly, and just in time, my stomach started to growl.  Narinig kong tumawa si Hiro habang pinanlakihan ko naman siya ng mata.

Lalo pa siyang natawa ng makita ang asar kong mukha.

"Lah, happy s'ya, oh, happy ka?" I grimaced and asked him with a pissed off face.

After a few seconds, hinayaan ko siyang tumawa ng malakas habang nakatitig sa kanya. I swear to god, gusto ko siyang sampalin. Ang aga aga pero ang lakas mang bwisit!

Pagkatapos ay tumigil siya sa pagtawa para pakalmahin ang sarili. Tumingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti at tango. Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo na may kasamang pagngiwi. He's so weird, and I feel so annoyed for some reason.

"Nakasinghot ka ba? Sinasabi ko sa'yo, Hiro, tumama ka na kakasinghot." I said boldly but with annoyance.

"Tanga, hindi ako sumisinghot, sobrang saya ko lang ngayon." Mapaglaro niyang sabi na may ngiti sa labi.

Hindi ko pa rin alam kung bakit, pero sobrang inis lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. But then I realized na lagi akong naiinis kapag nagugutom ako. Hindi ko mapigilan na umirap at lumulad palayo. I ignored Hiro and headed straight towards my classroom.

Naguguluhan siyang tumingin habang pinapanood akong umalis. At oo, wala akong pakialam doon sa ngayon. Nagugutom ako, naiinis ako, sa totoo lang galit ako, at pagod na ako!

Nang makapasok na ako sa classroom nilapag ko ang bag ko, lumabas, at tumungo sa canteen. I ordered one tapsilog as usual, at pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa classroom.

Tulad ng lagi kong ginagawa ay nagte-take notes ako tuwing discussion. After discussion, ay quizzes naman. Paulit-ulit lang din lagi.

Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang maramdaman ko ang pananakit ng puson ko. Shit, this must be the fucking reason kung bakit kanina pa akong wala sa mood.

I took out my phone from my bag and checked the calendar. And I swear I could swear loudly right now. It's my fucking month at wala akong dalang sanitary napkin.

Wala akong extra ngayon, nakakahiya naman kung hihingi ako. At baka kapag tumayo na ako sa kinauupuan ko ay baka biglang may umagos na dugo palabas.

Hindi na ako mapakali at inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. I bit my lower lip sabay kalabit sa katabi kong si Sherry.

"Teh, may extra ka?" Mahina kong tanong sa kan'ya.

Nahihiya naman talaga ako dahil hindi kami ganoon kaclose. Pero sa mga ganitong klaseng sitwsyon ay kailangan kong kapalan ang mukha ko.

Dahil nararamdaman ko na ang talon na aagos palabas mula sa akin!

"May extra ako, pero tampons lang." Bumulong pabalik si Sherry.

Shit. Pads lang ang ginagamit ko, and I never used any kind of sanitary products like that.

"Tampons? S-Sige... papalitan ko na lang." Nahihiya kong sinabi.

"Huwag na, gamitin mo na, baka abutin ka pa ng siyam-siyam." She said with certainty.

I smiled at her and thanked her. I took my bag with me as I head towards the bathroom. Sa college ay hindi naman need na magpaalam pa kung mag re-rest room. Kaya ayos lang na umalis kahit walang paalam.

I was sitting on the toilet. Nakatitig sa tampon na hawak ko. Tang-ina, hindi ko alam kung paano ito ipapasok. Hindi lang iyon, takot akong magpasok ng kung ano sa kiffy ko!

Tinanggal ko ang balot ng tampon. I closed my eyes very tightly as feel it inside. Hindi ko manlang naramdaman na nasa loob na ang tampon.

Lumabas ako ng rest room, pero I feel so ashamed! Hindi naman dapat dahil normal lang na mangyari ang mga ganitong bagay dahil babae ako.

Bumalik ako ng classroom ng tahimik, habang patuloy lang din ang discussion ng prof namin.

I thanked Sherry for one last time after the discussion. Vacant nanaman ang schedule ko ngayon, kaya naisipan kong pumunta muna ng canteen.

Bumili ako ng isang strawberry cake at isang chocolat shake. Dahil start na ng monthly period ko ay nag cre-crave talaga ako sa matamis.

I was eating peaceful and quiet when a group of girls approached me.

"Ikaw si Maxine Reyes, right?" Tanong isa sakanila. May mahaba itong buhok na kulay itim, at singkit na mata. Mukhang maldita.

Tumango ako. "Yes, and?" Damn it! I sounded so mean. Pero hindi ko intensyon na magtunog mataray!

"I saw you with Hiro kanina, are you his girlfriend?" The other girl asked sharply. Red at short ang kulay ng buhok niya, at maputi din siya.

"Girl, si Hiro? Boyfriend ko? Ay dai, kahit sampal samapalin ako ng langit at lupa. Hindi ko papatulan 'yon." Nababarina kong sagot.

"So you're not his girlfriend?" The blonde one asked.

I shook my head. "Sabing hindi nga." I meanly said.

"Nag tatanong lang kami, pero bakit parang galit ka?" The chinita one  boldly said.

"Bakit ba? Eh, ano naman sa inyo si Hiro?" Tanong ko habang nakakunot pa din ang noo.

"We're his admirers, tama lang naman na tanungin namin yung mga taong umaaligid sa kan'ya." Agad na sagot ng babaeng may pulang buhok.

Ipapang-sabong kitang chaka ka, mukha bang nilalandi ko yang Hiro n'yo?!

"Puta? College na kayo, 'di ba? pero bakit para kayong mga grade 7?" Tumayo ako as I crossed my arm sa dibdib ko.

"Nagsisimula ka ba ng away? Dahil kaya kong makipag-away sayo." Mariing sabi ng chinita girl.

"Tama, kung gusto mo ng away, then back off already." The red haired girl snorted.

I immediately looked at them boldly and approached them while tying my hair.  Nakita kong napalunok ng malalim ang babaeng blonde ang buhok, saka dahan-dahang umatras ang dalawa pang babae.

"Ako? Laban sa inyong tatlo? Kahit tawagin n'yo pa mga angkan n'yo." masungit kong sabi.

"Hoy! I was just... I just joking you know?" Kinakabahang sabi ng chinita. 

"Pero hindi ako nakikipagbiruan, nilapitan mo ako at sinabing umaaligid ako sa kaibigan ko?" Naasar na ako ngayon.

Gusto kong kontrolin ang anger issue. Pero hindi ko kaya! Gusto ko, ngunit kapag sinusubukan kong kontrolin ito, mas lalo lang akong naiinis.

Alam kong overacting ako ngayon. Pero nakakainis talaga ang mukha ng tatlong babae na ito. The type of person who just wants to eat peacefully, then someone suddenly approaches to trigger this person? 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Nakaramdam ako ng trigger.

Maya-maya pa naramdaman ko na ang sakit ng tiyan ko. Namula agad ang mukha ko habang nakahawak sa tiyan. Sumabay pa sa masakit kong puson at tumakbo ako papunta sa banyo. 

Ang tatlong babae ay mukhang nagtataka habang pinapanood akong tumatakbo palayo. Sigurado akong naisip nila na duwag ako.

I didn't even know what's happening to me. This day feels so weird and not right. This is not like me. I usually stay calm and don't get engaged with people like this. 

What's happening to you, Maxine?!

Nang matapos akong pakalmahin ang sarili ko, lumabas ako ng banyo at naglakad na parang walang nangyari. Ang ginawa ko kanina sa tatlong babaeng iyon ay talagang katangahan at hindi makatwiran. Masyado akong exaggerated at hindi ako nag-isip ng tama.

Ngayon parang ang tanga ko. Ang isang law student na tulad ko ay dapat marunong mag-handle ng sitwasyon, pero bakit parang brat pa ako kanina? And my with kanal humor?!

At two o'clock in the afternoon, the entire discussion ended. It's quite early today, unlike the past few days. It's a good thing because the tampons I used really didn't give up due to the strength of my blood flow. 

Time after time, I checked behind my back to see if there was blood on my pants. That's why I can't help but walk as if anxious. Also, I don't want anyone to see my pants soaked in blood. It's so embarrassing.

Habang naglalakad ako, wala masyadong estudyante ngayon kaya gumaan ang pakiramdam ko. Pero laking gulat ko nang may taong pumulupot ng jacket sa bewang ko.

"Stay still, may uhh... may dugo ka sa likod mo." Sabi ng lalaki sa likod ko. At mabilis kong nalaman kung sino iyon.

Mas mabilis na parang bilis ng liwanag, lumingon ako at nanlaki ang mata ko.

"Andre?!"

Продолжить чтение

Вам также понравится

59.9K 1.2K 46
*Completed* "Fake it till you make it?" A PR relationship with a heartbroken singer in the midst of a world tour sounds like the last thing Lando Nor...
1.1M 36.9K 63
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...
628K 31.8K 60
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...
102K 3.1K 31
"she does not remind me of anything, everything reminds me of her." lando norris x femoc! social media x real life 2023 racing season