Lost Love In Silence | Colleg...

By NiniInkwell

5.1K 189 201

"It hurts so much to love you, I almost died." I, Maxine Reyes, am a law student, and life hasn't been easy... More

Disclamer
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 2

263 15 34
By NiniInkwell

I met up with Angel sa canteen since break time din nila. 1 hour ang break ko since wala naman akong lesson sa criminal law ngayon.

"Sis, pupunta ako sa Antipolo shrine mamaya, sama ka?" Sabay yaya sa akin ni Angel habang kumakain ng burger.

Umangat ako ng tingin. "Anong oras?" Tanong ko habang kumagat din sa pagkain ko.

"6 ng gabi, makikipagkita ako kay Josh." She said without even looking at me na nakatingin na sa kanya while glaring at her.

I frowned. "Are you fucking crazy? Bakit ka makikipagkita sa lalaking iyon?" Inis na tanong ko habang nilapag ko ang pagkain ko, habang nakatutok ang mata ko sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at umiling na para bang hindi niya alam ang isasagot. "Wala lang, miss ko na, e."

Agad kong hinampas siya sa noo at sinamaan siya ng tingin. Sanay na ako na nakikipagkita siya sa mga ex niya. Pero ang ayaw ko ay iyong isasama niya ako. Tapos kapag inaway ko ang mga ex niya, magagalit siya sa akin.

"Huwag ka na lang palang sumama, alam ko naman na aawayin mo si Josh." Ngumuso siya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakataas ang kilay.

As if gusto kong sumama sa'yo, at makita yung pangit na yun!

Hindi ko siya pinansin buong araw. Nawala ako sa mood, at hindi ko alam kung bakit. Kaya ang ginawa ni Angel ay hinayaan ako, dahil wala din naman siyang magagawa.

Naglalakad ako sa hallway pagkatapos kong pumunta sa library para manghiram ng mga libro. Busy din ako sa pagbabasa ng isa sa mga libro habang dahan-dahang naglalakad, nang may nabangga ako.

"Sorry-" Nang makita ko ang lalaki, at natigilan ako.

Nag angat ng kilay ang lalaki. "Maxine? I didn't expect to see you here." Sabi niya na parang kilala niya ako.

I looked at him confused. "Do I know you?" I asked him while examining his face and voice.

Ngumisi siya at bumaba ang tingin sa akin. "You really can't remember me?" He asked in a calm tone, but that gives a shiver down my spine.

Umiling ako at inosenteng ikiniling ang ulo ko. "Kung kilala kita, nakangiti ako sa harap mo at yakap-yakap ka ngayon." I said rolling my eyes.

Muli siyang ngumisi at ginulo ang buhok ko. "Kahit hindi ka lasing ay napaka maldita mo, no?"

Agad kong inayos ang buhok ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko siya kilala pero sobrang lapit niya sa akin. Sino ang lalaking ito for fuck's sake?!

"Excuse me lang, ha? Mr. Feeling close. Hindi tayo magkakilala para hawakan mo ang kahit anong parte ng katawan ko!" I sneered at him and was about to leave, but he grabbed my arm and bent a little over my height level.

"I like you, You caught my attention just at the club. it's a good thing you were the one I chose to flirt with then." Aniya ng lalaki, and because of what he said, it finally sunk in to me that he's the guy from the xylo club a few days ago.

"Hiro?! Ikaw iyong manyakis sa club?!" Agad niyang tinakpan ang bibig ko at tumingin sa paligid na may gulat sa mukha.

He sighed and removed his hand from my mouth. "Jesus, I'm not that kind of person, and besides, I told you it was just a dare."

I immediately looked at him and raised my eyebrow. "Oh, so, ibig sabihin, kahit na isang dare iyon dapat mong hawakan ang isang babae nang walang pahintulot, Mr. Tores?" Pananlakihan ko ng mata ang lalaki.

Agad naman siyang napatingin sa akin na nagtataka. Siya pala iyong lalaking tulog sa upuan ko kanina. Kaya agad akong ngumisi.

"What?" Tanong ko na may mapaglarong ngisi pa sa mukha.

"How did you know my last name?" Diretso niyang tanong right after he realized that I mention his last name.

Bahagya akong natawa. "Tulo laway ka na kasing natutulog kanina sa desk ko, e."

Naguguluhang tumingin siya sa akin, at pagkatapos ay tumawa rin. "Shit, that was embarrassing! Kaya pala ang comfy ng desk kanina. That was your seat?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpigil sa pagtawa kaya tumango na lang ako.

Tinakpan ni Hiro ang mukha niya at tumalikod na parang nahihiya. So sino ngayon ang shy type?

"Tulog pa more!" Hindi ko na napigilan at humagalpak ako ng tawa.

"Stop laughing, Maxine! Ipinatawag kaya ako kanina sa faculty ni Ma'am Cruz!" Nahihiyang sigaw ni Hiro habang may pagirap ng mata.

Mas napahagalpak ako ng tawa nang maalala ko ang paggising ko sa kanya mula sa dream land niya. Umungot pa siya dahil ayaw niyang magpagising.

"I tried to wake you up, inuga pa nga kita kanina kasi ayaw mong gumising, or ayaw mong magpagising?" Tanong ko na pilit makabawi sa pagtawa, hinawakan ko pa ang tummy ko.

"Ayaw ko magpagising... sayang, kung gumising pala ako ay mapagdidiskitahan ako," Sabi niya, kaya agad ko siyang pinandilatan ng mata, at tumawa lang siya. "Anyway, I almost forgot to introduce myself properly. I'm Hiro Tores, nice meeting you again, Maxine."

I playfully smirked at him as he offer his hand for a handshake. "Gusto mo lang ako hawakan, e," Mapaglarong sabi ko, pero tinanggap ko naman ang kamay niya. "I'm Maxine Reyes, nice to meet you, too, Mr. Tores."

After knowing each other, me and Hiro planned to meet up at a nearby cafe after class. To get to know each other better, of course. It's also a good way, because I know Andre is Hiro's friend. At hindi lang dahil kay Andre siyempre, gusto ko din ng bagong kaibigan.

"Hey, Max!" Nakita ko si Hiro, habang nakataas ang kamay niya sa di kalayuan sa loob ng cafe.

Umupo ako sa harap niya habang naguguluhan, lahat kasi ng tao sa loob ng cafe ay nakatingin sa kanya. Hindi sa akin, siyempre.

"Anong atake mo, at nakatingin ang mga tao sa'yo?" Tanong ko habang nagkibit balikat lang ang lalaki.

Maayos naman ang usapan namin ni Hiro, at sinabi niyang part siya ng isang sikat na banda sa bansa. Kaya pala nagtitinginan ang mga tao sa loob ng cafe sakaniya. Pakunwari pang walang alam kanina.

Hindi na ako nagtanong tungkol kay Andre, dahil magmumukha akong desperado kung gagawin ko iyon. Kahit gustong-gusto ng dila ko na tanungin si Hiro tungkol kay Andre.

"Bakit ka nga pala nag law?" Tanong ko habang hinihintay ang sasabihin niya.

Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Hindi talaga ako mag la-law, civil engineering dapat, pero pumasok agad ako ng law kasi andoon si Andre."

Sumagot siya sa normal na paraan, siyempre. tumango lang ako. Pero mas naging interesado ako.

"Hindi mo ba kaya ng wala si Andre? Ano ka, baby?" Pabirong tanong ko, at tumawa lang siya.

He put his hand on his chin and looked at me. "Magiging baby mo." Pabirong sabi niya na ikinatawa ko lang.

"I'll be no one's baby." Ani ko sa kanya. Liar.

Habang patuloy kaming nag-uusap, ay hindi ko namalayan kung anong oras na. We talked for almost two hours, and in those two hours I forgot that I still had many loaded tasks waiting.

"Hatid na kita, I'll just get my car." Inalok niya ako ng masasakyan kaya umiling ako.

"No, thank you. Malapit lang ang dorm ko from here." Ngumiti ako sa kanya, at ganun din siya.

"Oo nga pala, Max. Here's my insta, punta ka bukas sa xylo. Magpe-perform kami ng banda." Ibinigay niya saakin ang isang papel na may sulat na.

"Naks, nakahanda, ah, but sure, I'll try." I smiled and nodded, as I put the piece of paper on my pocket.

"You'll try? Gaano ka ba ka-busy?" Tanong ng lalaki.

I sigh. "Mas busy sa nanghihingutong unggoy."

Matagal akong kinumbinsi ni Hito na ihatid ako, pero sabi ko ay malapit lang naman ang dorm ko, at gusto kong maglakad. Sumuko din naman siya dahil tinatanggihan ko, at nauna nang umuwi.

Mag-isa akong naglalakad pabalik sa dorm ko, nang may napansin akong pamilyar na lalaki mula sa malayo, labas ng 7/11 store. I immediately came closer because I realized it was Andre, and he was smoking!

Not that I will interfere, but I want to talk to him, even if it looks like my chest is going to explode with the force of my heartbeat. But as I got closer and closer, my legs felt weak. Parang may kung anong pwersa ang humihila sa akin pababa, at gustong huwag akong lumapit sa lalaki.

But I am this close from him, aatras pa ba ako?

I cleared my throat bago magsalita. "Sabi, no smoking here." Sabi ko sabay turo sa babala sa gilid niya.

Agad siyang tumingin sa tinuturo ko, at tumingin sa akin, with his cold eyes!

Jesus, calm down, gar.

"Hindi ako bulag." Malamig na boses niyang sinabi, kaya inirapan ko siya.

Napapaisip tuloy ako kung gusto ko ba talaga itong lalaking nasa harapan ko. Dahil naiirita ako sakaniya, pero grabe din naman ang kabog ng dibdib ko pag nakikita siya.

"Alam mo talaga kung paano kunin ang inis ko, eh, no?" Sinamaan ko siya ng tingin habang nakakunot ang noo.

Tiningnan niya lang ako ng malamig sa mga mata, at parang sinusumpa niya ako. Wala akong balak na magalit siya sa akin, pero I guess I did. The way he looks at me is already telling me to walk away, don't look back, or else you're dead.

After a few seconds of staring at me like he was going to kill me, he turned his gaze away and threw the cigarette on the floor, stomping on it. Akala ko hindi ko kakayanin ang ganitong titig mula sa kanya. Pero baka kasi iba sa na-imagine ko.

"Sorry."

"Huh?"

"Sabi ko, sorry."

I was surprised, rather than confused. I know why he apologized. But what is happening now has not really sunk into my brain. Parang panaginip kahit hindi ako natutulog. At sumusumpa ako, Kung panaginip ito. Hindi ko na gustong magising!

Nanatili akong kalmado at nanatiling focused. Ayokong maanod ulit sa paghanga sa kanya. Kaya nilibot ko ang mata ko.

"So you did realize that you made a mistake?" Tanong ko sakaniya kaya agad siyang nag buntong hininga, at tumango.

"Hindi pa ako nakakahingi ng sorry sayo simula noong nangyaring pangti-trip namin sayo." He explained kaya naman iniangat ko ang tingin sakaniya.

"Doon lang?" I asked, raising my eyebrow.

"And for being rude." He added.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko, kaya kinagat ko ang ibaba ng labi ko, at nagbaling ng tingin sa malayo habang tumatango.

I heard him sigh. "And for what I did earlier. Quits na tayo?" He asked with a slight smile on his face.

Hindi ko na napigilang ngumiti kaya agad akong tumango. Shit, hindi ko talaga matatanggihan ang isang Andre Santos.

"A-ano... oo nga pala... I was with your friend, Hiro. And he apologized to me." Medyo nakaramdam ako ng kaba habang nagsasalita. I don't wanna get interpret na gusto kong malaman niya na kasama ko ang kaibigan niya, okay?! I just wanna let him know para malaman niya na wala nang problema.

He nodded. "I know, he texted me." Sagot niya.

Jusko lord! Take me with you!

"O-oh... at... magkaibigan na rin kaming dalawa." Dagdag ko, tumingin lang siya sa akin at tumango.

Masasabi kong sobrang awkward! Hindi ko talaga alam kung paano ko siya kakausapin, ayoko ding umalis! Gusto ko pa siyang makausap. Ngunit ang lahat ay sobrang awkward at tahimik.

"Do you wanna grab a coffee? Or..." Inimbitahan niya ako ng wala sa oras, and I swear I didn't expect this!

"S-sure! Kahit saan... basta coffee lang, ha?" Pumayag naman ako pero napaisip agad ako sa sinabi ko. Parang katangahan! I sounded so stupid!

Tumawa siya at tumango. "Don't worry, I'm not that kind of a person."

"Hindi, hindi! I know you're not. I sounded so awful, kanina, aren't I?" Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang beses habang awkward na nakangiti sa kanya.


He just laughed at me and nodded again. Andre just looked at me while laughing, so I laughed with him.

He stopped laughing and cleared his throat. "Sorry, you're just really funny." He said.

Agad akong nakaramdam ng kung ano mula sa tiyan ko na paakyat sa pisngi ko. And I can say that it's an unexplainable feeling! Ito siguro ang tinatawag nilang butterflies in stomach. At hindi lang sinabi ni Andre na nakakatawa ako, tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Parang kanina lang beast mode siya! Ang babaw din pala ng humor nito, e.

Ngumuso ako at minasamaan siya ng tingin. "Pinagti-tripan mo lang ata ako, e! Aalis na lang ako."

Hindi sa gusto kong umalis! Pinagtatawanan ako ni Andre, and it's driving me crazy, and I wanna squeal so bad right now. Ang cute ng ngiti niya, gusto ko siyang kurutin. Hindi na ako makatayo kaya tumalikod na ako at handa ng umalis.

But when I was supposed to walk, Andre immediately walked in front of me. He is not laughing anymore, but there is still a smile on his lips.

"Tapos ka na? Happy ka na?" Tanong ko habang bahagyang nakaawang ang labi.

Tumango siya na may kasamang ngiti. "Yeah... tara na? Libre ko na, dahil pinasaya mo 'ko."

Lord huwag mo na pala akong kunin! Masaya na siya sa'kin!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa ibaba. Pero agad akong tumingin sa kanya at tumango.

A lot happened today, and all I can say is that this night was the most beautiful night that happened to me in the record of my entire life. It's not just because Andre and I understand each other. There is also a chance that the two of us will be close. Not that I'm delusional or anything. But I hope Andre and I become really close.

They are right, that it is better to have coffee with someone.

Continue Reading

You'll Also Like

782K 46.9K 118
Y/N L/N is an enigma. An outgoing, cheerful, smiley teenage boy. Happy, sociable, excitable. A hidden gem in the rough of Japan's younger soccer pl...
89.3K 1.8K 34
πŸ”žπŸ”žπŸ”ž You R@ped me you are a sinner i will expose you in front of this world MR JEON JUNGKOOK.... .................................... He is taking...
203K 3.4K 171
@brandolover21 on tiktok not proof read, sorry if there's any mistakes <3
783K 29K 97
𝐀 π’πŒπ€π‹π‹ 𝐅𝐀𝐂𝐓: you are going to die. does this worry you? βͺ tua s1 ⎯⎯⎯ 4 ❫ Β© π™΅π™Έπš…π™΄π™·πš‡πšπ™Άπšπ™΄π™΄πš…π™΄πš‚...