In The Midst Of Chaos (ON-GOI...

By heydiannns

11.8K 310 241

Liele, a young woman pursuing a Bachelor of Science in Accountancy (BSA) while silently battling her own demo... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 25

247 11 8
By heydiannns

Author's note: Happy 5k reads everyone! Congrats sa atin! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagre-recommend.

Chapter 25

Humupa ang kaba sa dibdib ko by just seeing that picture. Parang malaking sampal iyon sa akin that I should not be afraid of the truth that everyone in the university now knows whatever Akill and I have. Instead, dapat matuwa ang puso ko because that picture was a proof that Akill was really in love with me. By the way he stare at me, and the way he smile. . . masasabi mo ang totoong nararamdaman ng lalaki.

"Aba, at talagang ngumingiti ka pa sa lagay mo, 'no?"

God! Hindi ko alam na nakangiti na pala ako sa iniisip kong iyon. Pinagpantay ko ang labi bago i-abot sa kaniya ang cellphone.

Naiiling na kinuha niya naman iyon mula sa akin.

"So, totoo nga na kasal kayo ni Mr. Bloodmore?"

Hindi ako tumanggi, hindi ako nagsalita. Ngunit tila sapat iyon para makuha niya ang sagot sa kaniyang katanungan.

Nginitian niya ako bago tumuran.

"We have trust on you, Illara. Kaming mga kaklase mo, especially George."

Hinaplos ang puso ko. Despite the hate being thrown at me now, they are still on my side; they still have belief in me.

Nginitian ko siya at tinanguan.

"Salamat, Jenelle. . ." Ayos na sa akin iyong may kakaunti pa rin ang naniniwala sa akin. Hanggang may nasa panig ko, hanggang may naniniwala pa rin sa akin, ayos na iyon.

Sabay naming nilingon ang pinto nang humahangos na pumasok mula roon si George.

"Kailangan mong makaalis ng campus!" malalaki ang hakbang na lumapit siya sa amin at hinawakan ako sa braso. Hindi kaagad ako nakapagsalita nang hilahin niya ako palabas. Nilingon ko si Jenelle na nakaupo pa rin. Tinanguan niya lang ako habang papalayo kami mula sa lugar na iyon.

"Pinipigilan sila nila Jaydee at ng iba pa nating mga kaklase, nasa canteen sila kaya hindi ka nila magagawang lapitan." saad niya habang hila-hila pa rin ako. Palinga-linga pa siya sa paligid na animo takot na may makakita sa amin.

Alam ko ang tinutukoy niya, sa sinabi sa akin ni Jenelle kanina ay hinahanap ako ng mga fans ni Akill. Ngunit hindi ko alam na pinipigilan sila ng mga kaklase namin, wala siyang nabanggit. Hindi naman ako nagtaka kanina nang kaming tatlo lang nila Jenelle at Irine ang nasa loob ng classroom dahil akala ko ay masiyado pang maaga kaya wala pa ang mga kaklase namin.

"George, hindi niyo kailangang gawin ito. A-ayokong pati kayo madamay sa galit sa akin ng mga tao." huminto ako sa paglalakad dahilan para umiigting ang panga na lingunin niya ako.

"We won't let you hurt by those pathetic girls! Mga putangina nila, makapagsalita sila ay akala mo alam nila ang buong istorya." galit niyang sabi, animo kanina pa siya nagpipigil ng galit.

Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito. Sa tagal naming magkaibigan ay nakita ko na itong magalit ngunit kakaiba ang galit niyang ito, hindi ko ito mapangalanan.

"A-ayokong madamay kayo, George. B-baka saktan nila kayo."

"Kaya hahayaan mong ikaw ang saktan nila?!" binitawan niya ang braso ko at galit na hinarap ako. "Sasarilihin mo na naman ang ganitong problema?! Wala na nga akong naitulong sa iyo nang i-abandona ka ng mga magulang mo tapos sa ganitong bagay ayaw mo akong tulungan ka?! Sa ganito na nga lang kita matutulungan, pinipigilan mo pa ako. Ano bang tingin mo sa pagkakaibigan natin? Na sa saya lang tayo puwede magdamayan? Kapag ganitong sitwasyon, hindi puwede?!" halos lumabas na ang ugat sa leeg niya dahil sa pagsigaw niya.

Humapdi ang mata ko, indikasyon ng may pamumuong luha sa aking mata.

Am I being selfish? Masama bang isipin ang nararamdaman nila? Masama bang akuin ang sakit na nararapat para sa akin in order not to harm anyone?

Mariing pumikit siya at mabigat na bumuntong hininga. Nang imulat niya ang kaniyang mata at kalmado na siya.

"W-we need to leave, Liele." hinawakan niya akong muli sa braso. "Don't worry, we're okay." ngumiti siya to assure me.

Mas lalong nanubig ang aking mata dahilan para makagat ko ang sariling labi.

"T-thank you, George. Thank you for staying when everyone turned their back on me. Thank you for being my shoulder to cry on, to lean on."

Ngumiti siya kahit nanunubig na rin ang kaniyang mata.

"A-ang drama mo! A-alam mo namang gagawin ko ang lahat para sayo e, bff kaya tayo!" mabilis na pinunasan niya ang luhang pumatak sa kaniyang mata. "Alis na tayo?" mababa ang boses na tanong niya.

Tinanguan ko siya.

Hindi pa man kami tuluyang nakakahakbang ay may humarang sa aming apat na babae.

"Back off, bitches. Paraanin niyo kami." akmang hahawiin niya ang babae sa harap namin nang malakas na sampalin siya ng babaeng pinakamatangkad sa apat. Sa sobrang lakas noon ay halos tumagilid ang mukha ni George.

"How dare you!" akmang susugod ako nang mabilis na kumilos ang dalawang babae upang hawakan ako sa magkabilaang braso.

Fuck!

"Bitawan niyo ako!" pilit na nagpupumiglas ako ngunit mas lalo lamang nilang hinihigpitan ang pagkakakapit sa akin.

"Let go of her!" si George. Nang akmang lalapit siya sa akin ay mabilis na tinuhod siya sa tiyan ng babae.

"George!" sigaw ko.

Alam kong masakit iyon. Napaubo siya ng ilang beses habang sapo-sapo ang kaniyang tiyan.

"Sino ba kayo?! Ano bang ginawa namin para gawin niyo ito?!" galit na sigaw ko.

"Shut up! You fucking golddigger!" galit na sigaw sa akin ng matangkad na babae.

Humalakhak si George dahilan para balingan siya ng tingin ng babae.

"How pathetic you all, bitches. You can't accept that Mr. Bloodmore really loves my best friend that's why you're all doing this."

"Yeah right, but aside from that, there is another reason why we're doing this." nakangising pinagkrus niya ang mga braso at tila may kung sinong sinenyasan sa gilid niya.

My heart pounded nang lumabas si Irine mula sa gilid na pinagtataguan niya. Mariing napalunok ako nang dumapo ang tingin ko sa hawak niyang baseball bat na mahinang pinapalo-palo niya pa sa kaniyang palad.

I don't want to think that she can hurt us because this is not the Irine I know. Alam kong hindi niya hilig ang makipaghalo-bilo kaya palagi siyang nasa likod nakaupo. Walang kausap, walang kaibigan, palaging nakayuko at tahimik sa isang tabi. Ni minsan ay hindi ako naglakas loob na i-approach siya dahil bukod sa nahihiya ako, iniisip ko rin na baka socializing or making friends with someone isn't her thing.

"I-Irine?" gulat na tanong ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin.

"Surprise!" humalakhak siya dahilan para mangilabot ako.

"W-what is the meaning of this?" naguguluhan kong tanong.

"Akala ko ba ay matalino ka?" tila dismayado niyang sabi. Ang kaniyang boses ay hindi ko na makikila. Hindi na ito katulad ng dati niyang boses na mahina at mahinhin. Ang paraan ng kaniyang pagpukol ng tingin sa akin ay nakakatakot. It was sharp, full of anger and pain. Bagay na ngayon ko lang nakita sa kaniyang mata kahit pa madalas ko siyang mahuling nakatingin sa akin.

"A-are you the one who leaked our p-photo and the one who spread the news?"

Tumikhim siya, "Yeah," balewalang sagot niya.

"Puta ka!" sigaw ni George dahilan masamang binalingan siya ng tingin ni Irine. "Akala mo kung sino kang tatahi-tahimik sa klase, nasa loob rin pala ang kulo mong putangina---"

Before he could finish his word, malakas na ibinayo sa kaniyang tiyan ang dulo ng baseball bat na hawak ni Irine. Nangilid ang aking luha nang sunod-sunod na umubo si George at may lumabas na dugo mula sa kaniyang bibig. Hindi pa nakunteto si Irine dahil malakas niyang pinalo ng baseball bat ang sikmura nito dahilan para namimilipit sa sakit na bumagsak si George sa lupa.

"George!"

My heart pang as I see George coughing. Sapo-sapo niya rin ang kaniyang tiyan habang namimilipit sa sakit. Marami na rin ang lumalabas na dugo mula sa kaniyang bibig.

George. . .

"Ate Irina, itayo niyo 'yan." utos ni Irine na siya namang sinunod ng babaeng pinakamatangkad sa kanila, na sa tingin ko ay ang tinawag niyang Irina.

Pilit nilang itinayo ang nanghihinang si George. Hawak-hawak ni Irina at ng isa pang babae ang magkabilaang braso ni George.

Dumapo ang tingin sa akin ni Irine. Nakangisi siya.

Gustong gusto ko siyang sugurin kung hindi lang ako pinipigilan ng dalawang babaeng nakahawak sa braso ko.

"Watch your friend crawl in pain, Illara. Let me torture you emotionally before I torture you physically." her eyes is rage. As if I did something to her to become ruthless evil like this.

Tanging pagsigaw sa pangalan lamang ni George ang aking nagawa habang paulit-ulit na sinisikmuraan siya ni Irine gamit ang baseball bat. Sunod-sunod ang naging pagragasa ng aking luha nang marinig ang mga daing at pag-ubo ni George. Makailang ulit na rin siyang sumuka ng dugo ngunit tila napakahayop ni Irine para hindi siya tigilan.

George is now unconscios, making me shiver in so much anger. Hindi pa rin siya binibitawan ng dalawang babae na humahalakhak pa.

Kapag talaga may nangyari kay George ay ako mismo ang lulumpo sa kanila gamit iyang baseball bat!

Napasinghap ako nang i-iminuwestra ni Irine ang baseball bat sa ulo ni George. Animo inaasinta ito. Bumwelo rin siya na tila ba kumukuha ng puwersa sa gagawin niya.

Putangina! Wala talaga siyang awa! I can't believe na ang tatahi-tahimik sa klase, tila hindi makabasag pinggan na kaklase namin turns out like this.

Before she could even smash George's head, that is for sure her aim. Malakas na sumigaw ako.

"Stop, Irine! Please stop!" halos maputol na ang litid ko sa malakas na pagsigaw kong iyon.

"T-tama na, a-ako na lang, a-ako naman ang pakay niyo, hindi ba? A-ako na lang ang s-saktan niyo." namamaos ang boses na pakiusap ko.

This is all they want, gusto nilang patayin ako sa sakit na makitang sinasaktan ang kaibigan sa harap ko. They want me to beg. Not for my life, but for my friends life. Gusto nilang ako mismo ang kusang magmakaawa sa harap nila na ako na lang ang pahirapan nila, because they know I can't bear this.

"Are you sure, Illara? Can your body take all the smash I will give?" Irine mocked me.

Pinagpantay ko ang aking mga labi. I should not say anything that might trigger her. Siguradong hindi niya lamang ako lulumpuhin dahil kitang kita ko sa mata niya na kaya niya akong patayin.

"I-I'm sorry, Irine. K-kung ano man ang nagawa ko, humihingi ako ng tawad. P-please don't do this, h-hindi ikaw 'to. Pag-usapan natin---"

"Shut up, fucking golddigger! Don't manipulate my sister!" gitil na sigaw sa akin ni Irina, Irine's sister. "Irine, gawin mo na. Remember the damage she have caused to you after she seduced Zachry."

Tila punyal naman ang kaniyang sinabi na tumarak sa puso ng kaniyang kapatid dahilan para may dumaang sakit sa mukha ni Irine.

Marahas na napailing naman ako.

"That's not true! I didn't seduced Zachry!"

Malakas na lumapat ang palad ni Irine sa pisngi ko. Sa lakas noon ay tumabingi ang ulo ko. Nalasahan ko rin ang pakla ng dugo na paniguradong tumutulo na ngayon sa gilid ng aking labi.

Fuck this girl!

I can't believe she's doing this because of that man. Love can really change us into different person. We can do something we can't really do before. Love is so dangerous.

"Malandi ka na nga, manggagamit ka pa, sinungaling ka pa!" malakas na sinampal niya akong muli. "Ano pa?! Ano pang susunod?!"

"I-Irine, P-please, maniwala ka sa akin. I-I didn't seduced Zachry. H-hindi ko rin g-ginagamit si Akill."

I don't know why I'm explaining this, ngunit pakiramdam ko ay kailangan niyang marinig.

"Liar!"

Napadaing ako nang malakas na hinampas niya ang tiyan ko. Sa sobrang lakas noon ay napaubo ako at naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod. Kung marahil ay wala itong dalawang babae sa gilid ko ay bumagsak na ako.

"Hindi ka na nahiya, kasal ka na pero nilalandi mo pa si Zachry!"

"God, what would we expect to her? Kung ginagamit niya nga si Mr. Bloodmore at peniperahan, malinaw na gawin niya rin iyon kay Zachry." Irina said. Brainwashing her sister.

For the second time ay umiling ako.

"W-wala akong gusto kay Zachry. S-si Akill, siya lang ang m-mahal ko. And y-yeah, I married him because of money, but we have agreement! M-my parents a-abandoned me, I-Irine. W-wala akong ibang mapuntahan k-kaya sa kaniya ako lumapit. Hindi ko kayang buhayin ang sarili ko, hindi sapat ang kinikita ko sa c-cafe' para magrent ng bahay o pambayad ng tuition. P-pumayag ako kapalit ng pagpapaaral niya sa akin at pagpapatuloy niya sa akin." humikbi ako nang muling maalala ang sinapit ko sa aking mga magulang. Pilit ko na iyong ibinabaon ngunit patuloy namang gumagawa si tadhana ng paraan para muli kong hukayin iyon.

Lumambot ang tingin sa akin ni Irine.

"Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na gamitin si Akill. G-gusto kong makapagtapos ng pag-aaral k-kaya ko tinanggap ang alok niyang pagpapakasal. H-haggang doon lang iyon! Para sa pag-aaral ko ang p-pera, Irine. H-hindi para sa kung saang luho o para ilustay kung saan!" I explained between my sobs.

"But you can't change the fact the you used him. You married him for your own benefits." nakakrus ang mga brasong wika ni Irina. "Don't fall for her lies, Irine. Kahit anong paliwanag niya ay ginamit niya pa rin si Mr. Bloodmore at siya ang dahilan kung bakit hindi ka magustuhan ni Zachry." sulsol muli nito sa kaniyang kapatid dahilan para manumbalik ang galit sa mga mata ni Irine.

"R-right, b-because of you, Zachry can't like me back. Dahil putangina ikaw ang gusto niya! Ikaw lang ang nakikita ng mga mata niya!"

Nasindak ako sa pagsigaw niya. Puno ng galit at pagkamuhi iyon.

"B-because of you. . . Zachry c-can't like me." nanginginig ang boses na wika niya. Nanubig na rin ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin.

Nakaramdam naman ako ng awa sa lagay niya. Ginagawa niya ito because her sister is brainwashing her. Idagdag pa na tila ba nabulag na siya sa katotohanan dahil sa labis na pagmamahal niya sa lalaki.

"Kill her, Irine. If you can't have Zachry, then no one should have him."

I gritted my teeth.

"Don't listen to her, Irine. She's brainwashing you! I don't like Zachry, I don't like him!" sigaw ko. Trying to convince her.

"Shut up, bitch!" si Irina. "Don't listen to her, Irine. You should kill her because Zachry like him. Kung mamamatay siya ay mapapansin ka na niya, magugustuhan ka na niya! Can you hear me, Irine? Zachry will like you! Hindi ba iyon ang gusto mo?"

Napasigaw si Irine habang sinasabunutan ang sarili. I don't want to think na nawawala na siya sa katinuan ngunit iyon ang nakikita ko sa kaniya. And her fucking sister, is out of herr goddamn mind too.

Mariing napalunok ako nang malakas na humalakhak si Irine habang gulo-gulo ang kaniyang buhok.

"I'm going to kill you, Illara. Papatayin kita for stealing Zachry from me!"

Bago ko pa man magawang ibuka ang aking bibig upang magsalita ay malalakas at sunod-sunod na hampas ang natamo ko mula sa kaniya. Masakit. Sobrang sakit. Gusto kong kumawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkakapit sa akin ng dalawang babae. Puro malakas na daing lamang ang ginagawa ko habang paulit-ulit niya akong pinaghahampas ng baseball bat sa tiyan.

"Mamatay ka nang putangina ka!"

Hindi ko alam kung ilang hampas ang natamo ko sa kaniya at mailang beses na rin akong sumuka ng dugo. Hinang hina na ako at halos ramdam ko na ang pangangantog ng aking tuhod. Nanlalabo na rin maging ang aking mata.

"Die, Illara. Die."

Hinimpas niya ako ng isa pa, hanggang sa naging dalawa at naging tatlo. Naramdaman kong umiikot ang aking paningin. Akill face start flashing on my head. Ang kaniyang malamlam na mata kapag tumitingin sa akin, ang kaniyang ngiti na mailap sa mata ng iba, ang kaniyang tila perpektong mukha. . . lahat iyon ay lumitaw sa aking isipan.

And for the first time in my life, I'm scared to die. I'm scared to face death. Ayoko. Ayokong mamatay. I don't want to leave, Akill. Magagalit iyon. Iiyak iyon.

I don't want to leave him, ayokong iwan siyang mag-isa. Ayokong mamatay nang ganito, nang hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kaniya.

Naramdaman kong muli ang paghampas sa akin ni Irine dahilan para tuluyan na akong bumagsak sa lupa. Naramdaman ko pa ang pagtulo ng mainit na likido sa gilid ng aking mata bago dahan-dahang nagsara ang talukap ng aking mata.

Continue Reading

You'll Also Like

673K 35.7K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
432K 1.2K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...
2.5M 146K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
183K 11.4K 13
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...