Married To A Monster

By eaniajc

1.8K 196 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... More

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'1
C'2
C'3
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'15
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'20
C'21
C'22
C'23
C'24
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'4

58 7 0
By eaniajc

Chapter 4

PABABA na sana ako ng hagdanan ng maabutan ko si Stefano na may kausap sakanyang cellphone. Ayaw kong makialam pero hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila, kung sino man yung kausap niya sa kabilang linya.

"Nahanap mo na kung sino?"

Napatigil ako saglit, napakaseryoso ng boses niya kahit na nakatalikod siya sa gawi ko ay nahihimigan ko parin ang konting galit mula rito.

Kung ako rin naman kase yung basta-basta nalang ibabalita at sasabihan ka pang ikaw ang may kasalanan sa pagkawala ng isang kilalang tao, magagalit rin kaya ako. Atsaka kahit ako nga na nabanggit sa balita as Stefano's wife, kumulo na agad yung dugo ko sa mga taga-pagbalitang yun.

All of the sudden I heard him tsked "I should have known" he coldly whispered "Bring her to me, where I can totally punish and ruin her" huling sambit niya bago patayin ang tawag.

Napaatras naman ako dahil sa narinig ko, totoo ba iyon? O namali lang ako ng pagkakarinig?

What the fuck?

Anong gagawin niya sa nagkalat ng pekeng impormasyon? Ipapakulong niya ba o p-papatayin?

Imposible.

Imposible namang patayin niya diba? Hindi siguro ganong klaseng tao si Stefano.

Naniniwala ako mabait siyang tao kahit papaano kahit may pag-uugali siyang masama at kahit minsan ay nagiging halimaw siya, still mabait parin siya.

"Are you eavesdropping?" he suddenly asked out of nowhere, dahilan para magising ako sa malalim na pag-iisip.

It really looks like he wants to kill someone right here, right now. He looks dangerous but attractive. Dangerously attractive?

Okay, sounds good.

"U-Uhm hindi. Kabababa ko lang" I managed to say even though I'm sweating in so much nervous "M-Magpapaalam lang sana ako na-" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong talikuran at papalayong bulto nalang ang siyang naaaninag ko.

Huminga ako ng malalim ng nakaramdam ako ng kaunting kirot, hindi ko alam kung saan yun nanggaling pero hindi ko ito nagugustuhan. Atsaka ano pa bang aasahan kong trato niya sa akin?

Na magiging mabait siya sa akin?

Magiging concern?

O magtatanong manlang kung saan ako pupunta?

I don't think so. He's not that kind of man. I guess.

Huwag na akong umasa na magiging magkaibigan kami, kahit kaibigan lang, kase nga kasal kami, sa papel lang. At walang kinakasal sa papel na nagiging magkaibigan kase malabo.

Malabong mangyari yun lalo na sa pagitan namin ni Stefano, mataas siyang tao at mababaw lamang ako pero kahit papaano gusto ko paring magkaroon kami ng kahit closure manlang.

Okay, I guess ako naman ang humiling ng ganitong kondisyon sakanya...

Na walang pakialamanan.

-_-_-_-

"MA, andito na po si Ate Joel" masayang sambit ni Zariana ng makita niya akong paparating, rinig na rinig ko pa ang sigaw niya kahit na medyo malayo siya sa pwesto ko.

Si Zariana, bunso kong kapatid.

Agad akong nakalapit sakanya at bigla akong napatingin kay mama na palabas ng pintuan, hindi nakangiting mukha ang bumungad sa akin bagkus napakalungkot.

Anong nangyari bakit ganito ang pambungad na reaksyon sa akin ni mama?

Agad akong lumapit sakanya para halikan siya sakanyang pisngi malumanay naman siyang tumingin sa akin "Anak, saan kaba nanggaling?" pati boses niya ay malumanay rin. Nahihimigan ko pa sakanyang boses ang matinding pagod.

Tipid akong ngumiti ng mapagdesisyunan kong hindi ko muna sasabihin sakanila ni papa yung mga nangyari dahil baka makadagdag pa ako sa mga papasanin nila kahit na ginawa ko lang naman yun para sakanila, alam kong masamang magsinungaling at alam kong masama ang ginawa ko.

Na nagpakasal ako agad ng hindi manlang pinag-iisipan.

Mahirap.

Mahirap itong itago sakanila dahil hindi ako sanay na may itinatago akong sekreto na alam kong makakasakit sa damdamin nila sa huli pagnatuklasan nila. Ang hirap aminin sakanila na may asawa na ako at mayaman pa pero kung baka aaminin ko man sakanila ay, masabihan lamang ako ni mama na parang ibinenta ko narin ang kaluluwa ko sa isang demonyo dahil sa padalos-dalos kong desisyon.

"Ah ma, masyado po kaseng madaming pinaasikaso sa kasal atsaka po inayos pa po namin yung mga gamit kaya po naabutan na po kami ng gabi kaya kina Marvie po muna ako nagpalipas ng gabi dahil malapit lang doon yung bahay nila"

Napalunok ako ng malalim dahil sa matindi kong pagsisinungaling, para akong lumunok ng isang damakmak na ampalaya dahil sa sobrang pait.

"Bakit po ma?" dagdag na tanong ko.

Huminga siya ng malalim at pagod na tinapunan niya ako ng tingin "Malala na kase yung sakit ni Zori, kailangan na niyang maoperahan pero wala tayong ipambabayad kaya hindi pa siya inooperahan ng mga doktor" pagod, lungkot at inis na halo-halong emosyon na sambit niya. Alam kong naghihirapan na siya pero kinakaya niya lamang para sa aming magkakapatid, kahit na alam kong ilang beses ay pwede siyang sumuko pero hindi niya ginawa bagkus patuloy parin siyang lumalaban sila ni papa para sa aming tatlo, para mabigyan kami ng maganda at simpleng buhay.

Agad kong kinuha sa aking shoulder bag ang tseke na kabibigay lamang ni Stefano sakin kahapon medyo nalula pa ako dahil sa laki ng halaga nito may pag-aalangan pa nga na kung kukunin ko ba ito o hindi pero naalala ko na iyon naman ang talagang rason ko kung bakit ako pumayag na magpakasal sakanya, in the first place.

Pumayag akong magpakasal para sa pera...oo...para sa pera.

Naputol lahat ng iniisip ko ng biglang nagsalita si mama "Ano toh anak?" naguguluhang tanong niya ng iabot ko sakanya yung buong-buo yung tseke.

"Naghahalaga po iyan ng tatlong milyon, pwede niyo na pong gamitin yan para sa pampaopera kay Zori" nang-aalanganing ngiting sambit ko.

Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng labi niya dahil sa gulat, pero napaghandaan ko na ito at alam kong kahit anong mangyari, magiging kapanipaniwala ang magiging dahilan ko.

"S-Saan ka kumuha ng ganitong kalaking p-pera?"

Ngumiti ako at pilit itinago ang kabang nararamdaman ko dahil alam ko mahirap sabihin ang isang bagay na wala namang katotohanan.

"Matagal ko na pong inipon yan, at yung iba, bayad po sa amin kahapon dahil po sobrang yaman yung nagpakasal at dahil maganda naman po daw yung wedding venue at nagustuhan ng magpapakasal at ng mga bisita yung pagkakadisenyo sa simbahan at sa reception, atsaka malaki rin po yung nagastos doon kaya malaki rin yung binayad sa amin" pagsisinungaling ko, at nababatid kong sinusunog na ngayon yung kaluluwa ko.

Namuo ang mga luha sa mata ni mama "Alam mo anak, malaking tulong na ito para sa pampaopera ni Zori" halos maiyak na si mama dahil sa sobrang galak, alam ko na malaking tulong iyon para mabawasan lahat ng gagastusin dito sa bahay. Bigla naman niya akong niyakap "Salamat, anak. Salamat at kahit papaano ay hindi mo parin kami kinakalimutan kahit na sa tutuusin ay pwede mo na kaming iwanan dahil nasa tamang edad kana para magkaroon ng sariling pamilya pero nandito ka parin at sinusuportahan kami. Salamat, Joelorie. Salamat" patuloy na binanggit niya habang naglalandas ang mga luha mula sakanyang mata.

I hate to see my mother crying but I know she's crying right now because she's happy.

I made her happy because of the lies I did, the wrong decisions I made. That I hope I will not regret until the last.

–_–_–_–

"SAAN ka ba talaga magtatrabaho, anak at kailangan mo pang umalis ng walong buwan?" nagtataka at naghihinalang tanong ni mama habang tinutulungan akong mag-empake ng mga gamit na kukunin ko sa pag-alis ko.

"Ma, diba po sabi ko sa inyo na hindi nalang po ako isang wedding organizer ngayon dahil nag-apply pa po ako ng ibang trabaho. Araw-araw naman po akong magpapadala ng sulat sa inyo kasama na ng sweldo ko sa bago kong trabaho. Atsaka mas malaki po kase yung sweldo dito kaysa sa pagiging wedding organizer" paliwanag kong muli. Wala naman talaga akong bagong trabaho dahil wedding organizer parin talaga ako.

Biglang sumeryoso ang mukha ni mama "Legal ba yang pinasukan mo?" sobrang seryosong tanong ni mama at napatigil sa pag-aayos sa aking mga gamit maski ako narin ay napatigil.

Napatingin ako sakanya at tumawa "Mama naman! Alam ko po naman kung ano ang legal at illegal. Wais kaya ito. Atsaka hindi po ako gagawa ng masama para lamang sa pera, itinuro niyo po kaya yun" ngiti ko at pilit siyang kinukumbinsi pero agad akong nakonsensya dahil labis-labis na ang pagsisinungaling ko.

Sana maputol na itong dila ko sa sobrang pagsisinungaling ko.

"Hays, basta anak mag-ingat ka doon ha. Wala pa naman kami ng papa mo para umalalay saiyo" naiiyak na sambit ni mama pati narin ako naiiyak na. Hindi kase ako sanay na mawalay sakanila ng ganito, at ganon katagal.

Walong buwan?

Kakayanin koba?

"Ma, naman eh. Sige ka niyan hindi na ako makakaalis" nakangusong sambit ko habang pinipigilang hindi kumawala ang mga luhang nagbabadya.

Ngumiti siya at niyakap ako "Mas gugustuhin ko ngang huwag ka nang umalis kung pwede nga hindi na kita payagan eh"

Naramdaman ko ang paghimas-himas niya sa aking buhok. I let out a sigh "Kung pwede nga lang ayoko rin po pero isipin niyo nalang po na ginagawa ko ito para sa inyo para tuluyan na nating mapagamot si Zori at alam kong kulang pa ang tatlong milyon para sa operasyon niya, idagdag pa po ninyo yung mga gamot at utang natin" nakasimangot at nakangusong sambit ko.

Humiwalay si mama mula sa pagkakayakap at agad na hinaplos ang aking pisngi.

"Hindi mo naman responsibilidad yan pero ginagawa mo parin, napakasuwerte talaga namin ng papa mo sa'yo. Napakasuwerte namin at isang katulad mo ang naging anak namin. Biyaya ka ng Diyos, anak" nakangiting pinagmasdan ni mama ang mukha ko.

Ito yung gusto ko, makita si mama na masaya.

Makita ko silang masaya.

Ngumuso ako "Hindi naman, ma. Ginagawa ko lamang yung responsibilidad ko bilang panganay niyo pong anak. Ako nga po ang suwerte dahil kayo po ang naging magulang namin" ngiti ko.

Pasimpleng nagpunas ng luha si ma dahilan para mapangiti ako "Ang drama naman natin, anak" natatawang sambit niya kaya napatawag narin ako.

Laughing and having conversation with my mother is the best thing that I could cherish in my whole life.

"Sige tapusin na natin ito dahil baka abutan pa tayo ng isang oras dito" natatawang dagdag niya "At dadaan pa tayo sa hospital para makapagpaalam ka sa papa mo at kay Zori"

-_-_-_-

SAKTONG alas dos ay nakarating na ako sa mala palasyong bahay ni Stefano. Ang sabi ko pa naman sa sarili ko na ala una ako uuwi pero dahil sa haba ng pinag-uusapan namin ni papa sa hospital ay umabot ng alas dos, muntik pa ngang hindi niya ako payagang umalis dahil hindi ko naman daw responsibilidad na kumita ng pera para sa pagpapagamot sa kapatid ko pero kagaya ng sinabi ko kay mama ay sa huli napapayag ko rin si papa.

Pagkapasok na pagpasok ko sa bahay ay tahimik na sala ang agad na bumungad sa akin. Bukas itong bahay pero walang tao.

Saan si Stefano?

Hays, pakialam ko sa lalaking iyon. Bakit ko nga ba siya hinahanap.

Hays, hindi ko rin alam. Curious lang siguro?

Dala ang aking mga gamit ay patungo na sana ako sa taas, sa kwarto ko pero agad akong napatigil dahil may narinig akong dumadaing, hindi lang isa kundi maraming beses.

Napakunot ang noo ko. Sino kaya yun?

Nag-aalangan ako kung pupuntahan ko ba at susundan ko ba kung saan nanggagaling ang ingay o babalewalain ko nalang pero, out of curiosity, I find myself walking towards where that sound came from. I can't stop myself from knowing what could it be, I know it might be something but I still wanna know it.

Napatigil ako ng marinig kong ang ingay na yun ay nanggagaling sa nag-iisang pintuan na nasa ilalim lang pala ng hagdanan, agad na dumako ang mga mata ko sa door knob at nag-aalangan ako kung bubuksan ko ba o hindi.

Bubuksan ko ba o hindi?

Bubuksan ko ba o...

Hays bahala na nga!

Namalayan ko na lamang na hawak-hawak ko na pala yung door knob kaya agad ko itong pihitin pero napasimangot ako ng nalaman kong naka-lock pala ito.

Eh? Nag-aalangan pa ako...nagisip-isip pa ako kung bubuksan ko tapos naka-lock lang pala?

Nakakawalang gana!

Sakto namang bibitawan ko na sana yung door knob, ay may biglang nagsalita sa likuran ko gamit ang malamig at nakakapagpataas balahibong boses dahilan para mas lalo akong matigilan at kabahan.

Napakagat ako sa aking labi at nararamdaman ko ang mga namumuong pawis sa noo ko pati narin sa aking mga palad.

Shit!

Continue Reading

You'll Also Like

198K 15.4K 35
๐•๐ˆ๐‡๐€๐€๐ โ™ก ๐‘๐”๐‡๐€๐๐ˆ๐Š๐€ Ruhanika, a quiet introvert with a passion for books and study. She thrives in the world of words, finding solace in...
812K 8.1K 67
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค
979K 30.4K 61
Dans un monde oรน le chaos et la violence รฉtaient maitre, ne laissant place ร  ne serrait ce qu'un soupรงon d'humanitรฉ. Plume รฉtait l'exception. Elle...
221K 10.5K 53
๐€๐ง ๐”๐ง๐œ๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐’๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ "From this day forward, I will dedicate my life to avenging my sister's years of misery." ๊•ฅ๊•ฅ๊•ฅ S...