Married To A Monster

By eaniajc

1.2K 188 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... More

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'1
C'2
C'4
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'15
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'20
C'21
C'22
C'23
C'24
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'3

45 6 0
By eaniajc

Chapter 3

MAAGA akong nagising dahil sa hindi rin ako sanay na matulog sa bahay ng iba, hindi ako komportable. Kaya maaga akong nagigising kapag hindi ako sa bahay natutulog. Napatingin ako sa relo ko at napanganga ako ng makita ko ang oras, alas singko y media palang. Wala pa sana akong balak bumangon pero naalala ko na hindi ko pala ito bahay.

Paano ko nakalimutan na kasal na pala ako?

Wala sa sariling nagtungo ako sa banyo para makapaghilamos. Tulala lang ako habang tinititigan ko ang sariling mukha mula sa repleksyon ko. Medyo bakat na yung eye bags ko. Anong oras ba ako natulog kagabi?

Alas diyes?

Alas onse?

O baka naman kaya'y...alas dose?

Hindi ko alam basta namalayan ko nalang na nakatulog na ako sa dami ng iniisip ko. Iniisip ko lang naman kung paano ako makapagpapaliwanag kila mama at papa, kung paano ko sasabihin sakanila lahat ng nangyari o di naman kaya'y kung sasabihin ko ba.

Napatingin ako sa suot kong damit, at nakalimutan ko rin na suot ko nga pala yung damit niya. Napangiti ako, bagay rin pala sa akin parang nasa bahay lang ako. Ganito rin kase yung mga damit ko sa bahay e. Oversized t-shirt o di naman kaya'y long sleeve.

Bigla namang nahagip ng mga mata ko ang isang sepilyo na mukhang bago pa, kinuha ko ito at napag-isipang gamitin nalang tutal wala namang ibang gagamit nito...siguro?

Matapos kong makapaghilamos at makapagsepilyo napag-isipang ko ng magtungo sa ibaba gutom narin kase ako.

Pero teka lang...

Gising na kaya yun?

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Umalis na kaya siya ng bahay?

Sana nga.

Isinawalang bahala ko lahat ng iniisip ko at agad ng binuksan ang pintuan. Pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pintuan ay agad na nahagilap ng paningin ko ang isang paper bag na nakalapag sa sahig.

Agad ko itong pinulot at tinignan mabuti kung ano ang laman nito...at nakita ko ang isang pares ng damit at...at...u-underwear?

Eys? Siya kaya bumili nito?

Nakakahiya naman!

Alam niya kaya yung size ko?!

Agad kong ipinilig ang aking ulo. Di bale mamaya ko nalang ito gagamitin kung uuwi na ako. Inilapag ko nalang ito sa kama at agad nang nagtungo sa baba pero sa hindi malamang kadahilanan hinagilap ng mga mata ko ang pintuan kung saan naroroon ang kwarto niya.

Mukhang tulog pa naman siya kase sobrang napakatahimik ng bahay parang sementeryo lang. Agad ko ng iniiwas ang paningin ko sa pintuang yun at napag-isipan ng bumaba talaga.

Dahan-dahan akong bumaba para hindi makagawa ng ingay, hindi ko alam kung bakit ako nagdadahan-dahan...parang tanga lang?

Hindi ko na lamang ito inintindi at agad ng bumaba pero ang akala ko ay tahimik na sala ang bubungad sa pagbaba ko pero nagulat ako ng makita ko siyang nakaupo sa sofa habang seryosong nanonood ng tv.

Ramdam kong napaatras ang paa ko at bigla akong napanganga.

Aba! Ang aga namang magising nito. Ang akala ko pa naman tulog pa siya.

Naramdaman niya siguro ang presensya ko at hindi sinasadyang napatingin siya sa gawi ko kaya tuluyan na siyang napatingin sa akin at agad na tumaas ang isa niyang kilay nang makita niyang suot ko ang damit niya.

I smiled awkwardly but I heard him tsked.

"That's why my favorite pajama was gone missing. I thought I already lost it" seryosong sambit niya dahilan para mailang ako. Hindi ko naman inaasahan na ganitong umaga ang bubungad sa akin. Atsaka...

Paborito niya pa naman yung nahiram ko, what a coincidence!

Napakamot ako sa aking batok "U-Uhm sorry, wala kase akong maisuot. Alangan naman kaseng matulog ako ng nakawedding dress diba?" sambit ko "I'm not dumb" diin ko sa huling salitang binitiwan ko. Naalala ko pa kase yung sinabi niya kagabi.

Dumb woman, daw ako.

Tsk. I really hate how he talks. He's being straightforward.

Tipid siyang ngumiti at ang pagngiti niyang iyon ay nakakalula, agad na naglaho ang inis na nararamdaman ko sakanya.

"It's okay but next time ask permission. Ayaw ko lang na pinakikialaman ang mga gamit ko, lalo na ang mga damit ko" may bahid ng pagkasungit sakanyang boses at agad na ibinalik ang paningin sa pinanonood.

Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa tv na para bang isa siyang abogado na nagreresolba ng isang magulong kaso. Ang cute niya!

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko para mawala ang mawala mga iniisip ko. Nakailang pilig na ba ako ng ulo ko ngayon?

Hindi kaya magkakaroon ako ng stiff neck nito?

Napatingin ulit ako sakanya at may pag-aalangan sa akin kung tatanungin ko ba siya o hindi pero bahala na nga "K-Kumain kana?" tanong ko dahilan para makuha ko ang atensyon niya.

"Yeah"

Tumango-tango ako sa sagot niya, magtatanong na sana ako ng inunahan niya na akong magsalita.

"If you are hungry there's a food in the kitchen, cook anything you want" dagdag niya at agad na ibinalik ang atensyon sa pinapanood.

Ano bang pinapanood nito at hindi maalis-alis ang tingin sa tv? Pero wala na akong pakialam, ang importante makakain ako ngayon kase kanina pa ako nagugutom.

Baka mamaya pa siya yung makain ko- what?!

Ang ibig kong sabihin ay 'baka mamaya pa ay iba ang makain ko'

Dali-dali akong nagtungo sa kusina at mabangong amoy ang agad na sumalubong sa akin, agad akong natakam sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Mukhang ramdam ko narin na naglalaway ako. Talagang gutom na gutom na ako dahil kahit sa dami ng handa kagabi sa reception ay hindi ako gaanong nakakain dahil nakakailang, kase ramdam ko lahat ng mga mata ng mga tao sa akin na para bang binabantayan lahat ng kilos at galaw ko.

Nagniningning ang mga mata kong nakatingin sa mga pagkain, iba't ibang mga pagkain ang nakahain pero halos lahat ay talagang pang-umagahan.

Bacon, ham, tocino, hotdog at sandwich. Mayroon pang gatas.

Gatas?!

Nagtaka ako, ipinagtimpla niya ba ako ng gatas?! Seriously?! Sa akin ba ito?! O may inaasahan siyang bisita at makikikain dito ng umagahan?

Imposible naman? Pero sa dami nito...pwede naman sigurong bawasan ko kahit konti?

Kumuha agad ako ng pinggan at agad na kumuha ng pagkain sa lamesa, ngayon lang ako makakakain ng ganitong agahan. Pang-sosyal. Kase naman sa bahay puro gulay na lamang yung agahan namin hindi pa kami kumakain ng mga frozen foods kase nga ipinagbabawal ni mama dahil may sakit si Zori at medyo sensitibo siya sa mga pagkaing mamantika.

Wala sa sariling nagtungo ako sa sala pagkatapos kong makakuha ng kakainin ko, nakita ko parin si Stefano na nanonood ng tv. Hindi niya alintana ang presensya ko dahil tutok na tutok siya sa pinapanood niya. Basta-basta na lamang akong umupo sa tabi niya para makinood pero agad akong napasimangot ng makitang balita pala ang pinapanood niya.

"Akala ko pa naman kung ano ang pinapanood mo, balita lang pala" pagmamaktol ko, hindi ko alam pero parang nakikifeeling-close ako sakanya kahit na hindi naman talaga kami close. Atsaka hindi naman kase ako mahilig manood ng balita unless nalang kung may bagyo at ibabalitang walang pasok.

Saglit na sumulyap siya sa akin "Don't eat here, Lorie" seryosong saway niya sa akin pero hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Hindi ako sanay na kumakain sa kusina ng mag-isa.

"Boring kumain ng mag-isa"

"Then, don't eat"

Napatigil ako sa pagsubo at nanliliit ang mga matang napatingin sakanya pero hindi niya pinansin ang pagtitig ko sakanya.

Seryoso ba siya sa sinabi niya?!Nagbibiro ba siya?! Pero hindi eh, mukha siyang seryoso pati boses seryoso.

Agad kong inilapag ang kinakain ko sa lamesa at nakasimangot na sumandal sa sofa. Ramdam kong napatigil siya pero hindi ko parin siya nililingon, dahil diretso parin akong nakatingin sa tv.

Napatingin siya sa akin "What do you think you're doing?" takang tanong niya.

Nagkibit balikat ako "Sabi mo e, don't eat. Edi huwag kumain" seryoso ring sagot ko.

"Tss, just eat. Huwag kang mag-inarte" seryoso at naiinis na sambit niya at agad ring binalik muli ang tingin sa pinapanood.

Hindi ko siya sinagot at agad ng kinuha ang kanina'y kinakain ko, tama nga naman siya, huwag na akong mag-inarte dahil baka yung tiyan ko pa yung maagrabyado dahil sa kaartehan ko. Baka gutumin pa ako mamaya pag umuwi ako, sky flakes pa tuloy ang makain ko.

"Wala bang ibang mapapanood o palabas ngayong umaga at nagtitiis ka diyan sa balita?"

Hindi niya ako sinagot dahil seryoso lang siyang nakatingin sa tv mukha talagang naiinis na siya sa akin pero hindi niya lang ipinapahalata, kaya siguro hindi niya sinasagot lahat ng tinatanong ko sakanya.

Hinihintay niya ba ang balitang may bagyo at suspended lahat ng klase pati pagpasok sa trabaho? Tinatamad pala itong pumasok eh pwede namang hindi muna siya pumasok, mag file muna siya ng leave tutal bagong kasal naman siya. Ilagay nalang niya na nasa honeymoon pa siya at nag-eenjoy.

Nag-eenjoy? Tss, mukhang hindi naman.

Naputol ang mga iniisip ko ng marinig ko ang pangalan ni Stefano sa tv kaya biglang natuon doon ang atensyon ko.

"A business tycoon, a multi billionaire, and powerful in business world, Stefano Galvin Monstero are finally married but not to Ms. Gwyne Alcantara but to whom?"

Sakto namang nag-flash sa screen ang litrato ni Stefano na nakasuot ng business suit, he looks so intimidating with that suit, sa sobrang seryoso ng mukha niya hindi mo gugustuhing kalabanin ito.

"Many fan girls were disappointed because their idol, Ms. Gwyne Alcantara and the business tycoon, Mr. Stefano Galvin Monstero did not seemed to be destined with each other. They remarked that they witnessed the sweetness of the couple for how many years and how Mr. Monstero proposed to Ms. Alcantara, but they were shocked to found out that they are not married to each other yet, instead there are rumors that says Mr. Monstero looked for a substitute bride to take away the pain he's feeling, but other says Mr. Monstero did not seemed to have a broken heart about what happened between him and Ms. Alcantara instead he was now enjoying his life with his wife, and now the singer was nowhere to be found and her fans are blaming Mr. Monstero and his wife for the singer's disappearance"

Nagulat ako ng biglang patayin ni Stefano ang TV pero mas nagulat ako sa laman ng balita.

Ano kasalanan daw namin ni Stefano ang pagkawala ni Gwyne na iyon?

Oh! For goodness sake ni wala nga akong kinalaman sa mga bagay na iyan. At dahil sa nalaman ko hindi kona tuloy malunok itong kinakain ko, nawala narin yung gutom ko.

Ang daming rebelasyon ni hindi ma-take ng utak ko isa-isa.

Una, si Stefano isa palang business tycoon? Bakit hindi ko manlang yun napansin? Sa sobrang yaman ba naman niya?

Pangalawa, si Gwyne na soon-to-be wife sana niya ay isa palang singer?! Bakit hindi ko kilala? Lahat naman ng singer makikilala ko, ano bang album niya na nadinig kona?

Ay nakakahilo!

"FUCK THOSE PEOPLE!" Galit na sigaw ni Stefano sa tabi ko bahagya pang umiigting ang panga niya at napaigtad ako sa sobrang gulat pero kahit naman kase ako gusto kong sugurin at sabunutan lahat ng taong nagsabi ng ganung bagay kay Stefano- I mean sa amin ni Stefano.

Agad na kinuha ni Stefano ang cellphone niya, at sobrang diin itong nagtipa, may tatawagan siguro.

Eto naman ako, walang masabi, speechless. Hindi parin ako makapaniwala. Para akong nawalan ng kaisipan na nakasunod lang sa bawat galaw ni Stefano.

"Camilo, find who spread that fucking information" kita ko ang ugat nito sa leeg habang sinasambit ang mga katagang iyon, pahiwatig na nangangalaiti ito sa galit "As soon as you found who it is, bring that person to me and you now what to do"

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya na, para bang may ibig siyang sabihin roon at sa tono ng pananalita niya ay, parang handa na siyang pumatay.

Totoo nga ba yung sinabi sa balita? Kaya ganito siya kagalit ngayon?

Ngunit hindi kona namamalayan na matagal na pala akong nakatingin sakanya dahilan para mapansin niya yun pagkababa niya sa kanyang cellphone.

He raised his eyebrow "What?" he coldly asked.

"T-Totoo ba lahat ng nasa balita?" Wala sa sariling tanong ko "I mean, wala ka namang kinalaman sa pagkawala ni Gwyne siguro, diba?"

Umiling-iling siya, pahiwatig na wala siyang kinalaman sa ibinibintang nila, talagang may nagkalat lang ng maling impormasyon para siraan si Stefano.

"Some of the news are true but the others were just made up"

"Saan dun iyong totoo?"

Nagbabakasakali lang ako na baka sagutin niya, ni hindi pa kase kami nagkaroon ng 'getting-to-know each other' kaya wala pa akong kaalam-alam sa buhay niya.

Pero wala naman akong balak na alamin pa pero itong bunganga ko lang ang hindi matigil tigil na makiusisa.

He looked at me seriously and his eyes became emotionless.

"It's out of your business" huling saad niya bago ako iwanang nakatulala.

Ba't ang sungit?

Continue Reading

You'll Also Like

335K 19.3K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
32.2K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
228K 5.1K 73
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad