Married To A Monster

By eaniajc

1.2K 188 22

Devilries Series#1 Marriage. Marrying. Married. "Be My Bride" seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap... More

Married To A Monster
E.A.N.I.A
Prologue
C'2
C'3
C'4
C'5
C'6
C'7
C'8
C'9
C'10
C'11
C'12
C'13
C'14
C'15
C'16
C'17
C'18
Not An Update
C'19
C'20
C'21
C'22
C'23
C'24
C'25
C'26
C'27
C'28
C'29
C'30
C'31

C'1

60 6 0
By eaniajc

Chapter 1

“BE MY BRIDE” seryoso at malamig na turan ng lalaking kaharap ko ngayon.

Napatigil ako at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Huh? Ano daw? Nasisiraan naba ito ng bait? Nilalagnat ba ito?

Peke akong tumawa dahil narin sa pagkailang na nararamdaman ko “Ha? Seryoso? Nagpapatawa ho ba kayo, mister?” naiilang na tawa ko. Hindi siya natinag dahil seryoso parin siyang nakatingin saakin. Napakaseryoso dahilan para matigil ako sa pagtawa.

His solemn expression didn't fade “I wish I was just joking but this is true. I'm asking you to be my bride, and don't worry...” napatigil siya at ngumisi na para bang may naiisip siya na nakakatawa o kung ano “I will pay you. Just be my bride and marry me” wala lang talaga na sambit niya. He still have his solemn expression in his handsome face while saying those words.

Hindi ko mapigilang mapameywang “Bakit hindi ka nalang humanap ng ibang babae? Bakit kailangang ako pa?” hindi ko mapigilang itanong at isa pa, isa po akong wedding organizer dito at hindi pamalit ng bride. Naiinis ako, ano ba sa tingin niya mabibili niya ako?

Napatigil siya pero agad din siyang nakabuwelo. He raised his thick eyebrow and he let out a big sigh like it's hard for him to explain “You look perfect to be my wife” he looked at me from head to foot “Come on, accept my offer and I'll pay you ten million until the day we'll get annulled” he said like it was nothing to him, like ten million is not a big money.

Napatanga ako. Seryoso ba siya?! Sampung milyon para lang maging asawa niya?! Wow! May presyo na pala ang pagpili ng papakasalan ngayon?

“At bakit naman ako papayag sa alok mo?” turan ko habang nakangisi, kahit na kailangan na kailangan ko ng pera ngayon mas mataas parin ang pride at paninindigan ko. Kase naman ang liit-liit lang ng kinikita ko sa pagiging wed organizer, hindi naman kase araw-araw ay may nagpapakasal. Atsaka hindi pa ako masyadong professional, sakto lang na ako yung inutusan para mag-ayos sa kasal na ito.

Seryoso niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa at biglang ngumisi ang mapupula niyang labi “Because I know that you badly need money” tuso niya “I already did a background check about you and I know that your little brother was currently at the hospital because he needs a heart transplant” he said seriously dahilan para mapanganga ako. So he already knows me and my name? Atsaka napa-background check niya na ako sa gaanong kadaling oras na nag-uusap kami?

Galing! Mayayaman nga naman!

“Y-Yeah, but it doesn't mean na papayag ako agad ng dahil lang sa kailangan ko ng pera. I won't risk my life to be married with someone I don't love” I crossed my arms and rolled my eyes.

Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi “Don't fool me, Joelorie” ismid niya na para bang isang biro lang sakanya yung sinabi ko. Napatigil ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko, bakit sa iba kung banggitin nila ito ay parang wala lang pero pagdating sakanya...ibang-iba– ano ba toh? Dapat mainis ako sakanya dahil andami niyang sinasabi pero...

Totoo naman yung sinabi ko ah, I won't risk my life to be stuck with the person I don't even know. 

Napairap ako “Bakit naman kita lolokohin?” nanghahamon na tanong ko at tumingin ng diretso sakanyang mga mata. Kung makapagsalita to parang andami na niyang nalalaman tungkol sa buhay ko ah.

He smirked and looked at me seriously “I know that you don't believe in marriage, love and such things. You are bitter, Joelorie” bigla akong napatahimik dahil sa sinabi niya dahil may bahid ito ng katotohanan.

Hindi ako naniniwala sa mga kasalan, sa mga pag-ibig na iyan kaya nga nbsb ako dahil matindi ang paniniwala ko na ang pag-ibig ay isa lamang malaking kasinungalingan dito sa mundo, ang pinaniniwalaan ko lamang na pag-ibig ay ang nararamdaman ko sa aking pamilya at sa aking mga kaibigan, ang pagmamahal na alam kong nabubuhay dito sa mundo.

“Ano naman sayo?”

“It's just... I thought that I can easily convince you because you don't believe in love”

“Paano mo nalaman?”

He simply shrugged his shoulders “Connections, Joelorie. Connections”

Napakurap ako “Pinabackground check mo narin ba kung anong klaseng tao ako?” I can sense a sarcasm in my voice. Kase naman halos yata lahat ng tungkol saakin alam niya na, ano pa bang hindi niya alam?

“Pwede”

Bakit hindi pa niya sabihing oo? May pa pwede pwede pang nalalaman. Napuno ng saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa siya na mismo ang bumasag nito.

“So are you going to accept my offer?”

Huminga ako ng malalim. Tatanggapin ko ba o hindi? Tatanggapin kona siguro wala namang mawawala saakin, atsaka sayang naman yung sampung milyong piso, maipapagamot ko na si Zori gamit ang perang yun at mapapagawa na naming yung bahay at makakapagbayad narin kami sa mga utang namin.

Pero bakit may parte saakin na sinasabing, huwag ko itong tanggapin? Hays, bahala na siguro.

“In one condition” wala sa sariling sambit ko.

Nagtataka siyang napatingin saakin “What is it?”

Tipid akong ngumiti “No feelings involve. Let's be casual” and out of nowhere he nodded. Simple lang naman kase yung kondisyon ko. Walang pakialaman sa pagitan namin, yun lang.

“You'll receive the five million after we'll get annulled but don't worry before eight months we will be officially separated” he seriously said “and the other five million you will be receiving after we'll get married” tumango na lamang ako.

I hope I won't regret my decision. I hope I won't fall for this.

–_–_–_–

“SIGN THIS CONTRACT” agad na sambit niya pagkatapos na pagkatapos naming mag-usap.

Napatingin ako sakanya, nakaupo ako ngayon dahil hinintay ko siya dahil sinabi niya may kukunin lang daw siya.

Napalumbaba ako at naiinip na tinignan ang kontrata “Umupo ka nga muna” naiinis na sambit ko, he looked at me confusedly “Umupo ka muna sabi ko”

“We have no time, Lorie–” naputol ang sanang sasabihin niya ng ako na mismo ang pumutol nito.

“Umupo ka muna o aatras ako?”

Nataranta naman siya dahil sa banta ko at agad na umupo “But we have no time, the wedding will start within two hours” sambit niya na parang atat na atat magpakasal...ano bang dahilan niya at sobrang nagmamadali siyang magpakasal? Baka walang paggagamitan ng pera kaya sinasayang na niya lamang ito o baka naman kailangan na niya ng mutchachang asawa?

Napatingin ako sa relo ko at 7:00 am palang naman at magsisimula ang kasal mamayang alas-nuwebe.

“Maaga pa naman” kalmadong sambit ko. Wala siyang ibang nagawa kundi sumunod. Napatingin siya saakin ng mapansing nakatingin ako sakanya.

He raised his eyebrow “What?” he confusedly asked.

Wala sa sariling napairap ako “Alam mo gwapo ka sana pero wala kang puso, bakit hindi mo nalang kase hanapin si Gwen? Gwy? Gwee? Hays, basta yun...yung bride mo na mapapangasawa mo na sana” nalilitong sambit ko.

Mahina siyang napatawa dahilan para matigilan ako, totoo ba yung nakita ko? Ngumiti at tumawa siya? Pwede bang I request ko na ulitin niya para marecord ko? “It's Gwyne. Atsaka bakit ko hahanapin ang taong ayaw magpahanap. I'm not dumb” kasing lalim ng balon ang boses niya pag nagtatagalog siya kaya mas lalo akong natigilan, at isa pa ang napansin ko...mapride siya.

Nga pala ang pagkakakilala ko lahat ng gwapo sa mundo ay mapride kase nga porket gwapo.

“Nagawan mona ba lahat ng paraan? What if lahat ng tao inaasahan na si Gwyne ang makikita mamaya?”

Napangisi siya “Don't worry. I already fixed everything so all you gonna do is do your part”

Napatahimik naman ako dahil nag-iisip ako kung ano pa ang tatanungin ko ng biglang may sumagi na kung ano sa isipan ko.

Napangiti ako “Hmm, kanina pa tayo nag-uusap, ikaw lang nakakaalam ng tungkol saakin, be fair naman kahit pangalan mo lang yung sabihin mo sakin” kase nga kanina pa kami nag-uusap eh, ni pangalan niya di ko pa nalalaman.

Mahina siyang napatawa ulit “I thought you already know my name? Hindi kaba isa sa mga gumawa ng mga invitations?” umiling-iling ako, bakit ako yung gagawa nun kung may naka-assign naman na gumawa ng invitation card?

Muli siyang napangiti at sa pagngiti niyang yun ay nakapagpatulala parang tumigil ang mundo at lahat ng mga bagay sa paligid ay dahang-dahang gumagalaw. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko maintindihan naguguluhan ako ngayon kase parang may mga kabayong nagkakarera dahil sa bilis ng kabog ng puso ko, eh ngumiti lang naman siya. Bakit? Ano bang nangyayari saakin? Nababaliw na ba ako? Bakit ganito? Nakacrushan kona ba siya?

He keep talking and talking while I'm staring his yummy and delicious lips. Out of nowhere there's an urge that I badly want to kiss his lips.

“Lorie!” he snapped his long fingers at dahil dun nagising ako sa pagpapantasya, hindi pa ako makaimik dahil sa sobrang hiya ko pero parang wala lang naman yun sakanya “As I said awhile ago, my name is Stefano” seryosong-seryoso ang kanyang mukha at ang lamig ng boses niya.

Hays, bumalik na naman siya sa pagiging seryoso. Hindi ba pwedeng kagaya nalang ng kanina na nakangiti siya at tumatawa?

“Stefano?” tanong ko at alam na niya agad ang gusto kong ipabatid.

He sighed and rolled his eyes “Stefano Galvin Monstero, happy?” he said, annoyed. Ganito ba siya magpakilala, naiinis atsaka...ano?!

Napatanga ako at napatahimik ng mapagtanto ko kung ano ang binanggit niyang apelyedo. Talaga Monstero?

Monstero?! It sounds like “monster” dinagdagan lang ng letter O sa huli. Nasamid ako sa sariling laway, kaya pala...kaya pala, sa apelyedo palang matutukoy muna yung ugali. Walang puso! Monster na pogi pero...still...

He's a monster!

Continue Reading

You'll Also Like

168K 15.5K 30
"သူက သူစိမ်းမှ မဟုတ်တာ..." "..............." "အဟင်း..ငယ်သူငယ်ချင်းလို့ပြောရမလား..အတန်းတူတက်ခဲ့ဖူးတဲ့ အတန်းဖော်လို့ ပြောရမလား...ဒါမှမဟုတ်..ရန်သူတွေလို...
67.8K 8.5K 40
Another sidnaaz fanfiction. trying to bring a different story from my other two works. hope you guys will like it.
11.7K 256 55
sunrays is like love When it touched your skin youll feel warmth just like love its bright and warm Pero kapag tumagal at hinayaan pwede kading masa...
36.7K 1K 23
Love Series #1 Date Started: 05/08/21 Date ended: --/--/--