In The Midst Of Chaos (ON-GOI...

Autorstwa heydiannns

11.9K 310 241

Liele, a young woman pursuing a Bachelor of Science in Accountancy (BSA) while silently battling her own demo... Więcej

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 24

278 9 5
Autorstwa heydiannns

Chapter 24

I slowly open my eyes, bagaman ramdam ko ang bigat ng aking ulo, maging ang talukap ng aking mata ay nagawa kong libutin ng tingin ang hindi pamilyar na silid. Purong puti at abo lamang ang makikitang kulay sa paligid dahilan para mapakunot ako ng noo.

This isn't my room. Nasaan ako?

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko dahilan para tapunan ko ito ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang bumungad ang mukha ni Akill. Mahimbing na natutulog ito na animo puyat na puyat ito kagabi. Bumaba ang tingin ko sa braso niya na nakayapos sa baiwang ko.

Did I fucking slept with him?! With his bed?!

Tuluyan na akong napalikwas mula sa pagkakahiga dahilan para pupungas-pungas na nagmulat ng mata si Akill.

"You're awake, darling--- What the hell?!" Mura nito nang binato ko siya ng unan.

"Anong ginawa mo sa 'kin?! Bakit nandito ako sa kwarto mo at. . . at katabi kang natutulog?!" Sigaw ko.

Matalim ang titig ko sa kaniya. Well, we're married and we're both have feelings for each other, but still hindi pwedeng ganito--- na tabi kaming matutulog!

"Calm down, darling. I didn't do anything." pang-aalo nito sa akmang pagpupuyos ko ng galit. "You're still having a panick attack nang umuwi tayo kagabi. I can't leave you in your room, because I'm scared that you'll do something wrong with yourself kapag iniwan kitang mag-isa. Kaya, dinala kita rito sa silid ko. Binantayan kita magdamag and I didn't know na nakatulog ako. It wasn't my intention to slept with you." mahabang paliwanag nito na ikinakalma ko naman.

Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mata kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"I'm sorry, darling. Galit ka ba?" tanong nito gamit ang malamyos na boses.

Nakagat ko ang sariling labi. "Bakit kasi kailangang dito mo pa ako dalhin? Bakit hindi na lang sa kuwarto ko?!" salubong ang kilay na sigaw ko pa.

"Nakalock ang kuwarto mo. And I don't have any keys on your room."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"H-ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

Papaanong wala siyang susi sa kuwarto ko, e samantalang pag-aari niya ang mansion na ito?

"Pinasadya ko 'yon." naiusal niya na tila ba nabasa ang nasa isip ko. "Tanging si manang Asmin at ikaw lang ang may susi ng silid mo, because I don't want to invade your privacy." nag-iwas siya ng tingin. "Dahil baka kapag may susi ako sa silid mo ay pasukin kita habang tulog ka, and I couldn't control myself."

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

Putangina?!

After that scene in Akill's room, I go to my room para maghanda sa pagpasok sa iskwela. I didn't know how I survived that moment because after Akill uttered those words, pareho kaming natahimik. Mabuti na lang at may tumawag sa kaniyang cellphone na ipinagpasalamat ko naman sa isip ko.

Matapos maghanda ay bumaba ako para dumeritso sa dining room. Nadatnan kong seryoso lamang na nakaupo sa harap ng hapag si Akill, ngunit nang mamataan akong naglalakad palapit sa kaniya ay malapad na napangiti ito.

"I thought you're not going to join me," tumayo ito at sinalubong ako.

"Bakit mo naman naisip 'yan?" Tanong ko.

"Baka kasi hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina," nakanguso nitong sabi na ikinatawa ko lang.

"Ano ba ang nais mong ipahiwatig sa tinuran mong iyon, Ach?" pang-aasar na tanong ko sa kaniya. "Mali lamang ba ang pagkakaintindi ko o iyon talaga ang nais mong iparating?"

"Stop it, darling." namumula ang taingang saad nito.

Napangisi ako. "Hindi ko alam na gano'n pala ang epekto ko sayo, Ach. Na nililibugan---"

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin nang hilahin niya ako paupo at pilit na sinusubuan.

"Eat, darling." maawtoridad niyang utos habang nakatutok sa bibig ko ang kutsara. "Don't mention that topic again. If you don't want me to lose my control and do it."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Palagi na lang na sa tuwing tatangkain kong patiklupin si Akill--- sa huli, sa akin lamang ang balik. Na tila ba kagaya ng sa baril, ako ang nagkasa at nagtutok nito, ngunit siya itong kumalabit ng gatilyo.

"Hoy totoo?!" bungad na tanong sa akin ni Jenelle pagpasok ko ng classroom.

Nangunot ang noo ko. Hinanap ng mata ko si George ngunit wala ito. Maaga pa naman kaya baka maya-maya lang ay dumating na rin iyon.

"Hoy, Illara! Tinatanong kita," habol nito sa akin nang lagpasan ko siya.

"Ano ba kasi iyon?"

"Hindi mo alam?" katulad ko ay nangunot na rin ang noo nito na tila ba nagtataka na rin.

"Hindi naman ako magtatanong kung alam ko, e." hindi pabalang na sagot ko.

"Hala teh, delikado ka. 'Wag ka munang lalabas ng classroom at baka kung anong gawin nila sayo." hinawakan niya ako sa braso bago hilahin paupo sa aking silya.

"What's going on, Jenelle?" tanong ko nang mapansin ang pagkabalisa niya. Panay rin ang tingin niya sa labas ng binta na animo takot na takot na may makita mula roon.

"Hey!" tinapik ko ang balikat niya upang kunin ang atensyon niya.

"Dapat hindi ka muna pumasok ngayon, Illara. Tangina naman kasi, sasabunutan ko talaga kung sino ang nagpakalat ng chismis na iyon."

Mas lalong nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan. What's with her sudden actions? Bakit tila aligaga siya at takot? Is there's something wrong happening without am I even knowing?

"Ano ba kasing nangyayari, Jenelle?" ramdam ko na ang pagsasalubong ng aking kilay.

Mariin siyang napalunok bago sumagot. Wala pa man siyang binibigkas ay nararamdaman ko na ang panlalamig ng aking kamay maging ang panunuyo ng aking lalamunan. I could feel that there is a huge wave coming, a huge and heavy one.

"Kalat sa buong campus na may asawa ka na, and that was Mr. Bloodmore. Nagpupuyos sa galit ngayon ang mga fans niya, they're ready to hurt you, Illara. After kasi niyang mag guest-speaker rito sa University ay maraming nagkagusto sa kaniya, gumawa pa sila ng fans club dahil sa pagkahumaling sa lalaki. They are looking for you all over the campus, marami sila, Illara. Dahil halos bawat yata ng babae sa department ay kasali sa fans club. They find out what happened to your family, na after kang i-abandona ng mga magulang mo ay sa lalaki ka lumapit. Sinasabi nilang kaya ka raw nagpakasal sa lalaki ay dahil sa pera, gold digger ka raw."

Sa dami ng sinabi niya ay isang salita lang ang tumatak sa isip ko. 'Gold digger'.

Right. Kahit sinong tao ay ganoon ang iisipin sa akin matapos kong lumapit sa lalaki after my parents abandoned me. Oo. Inaamin kong kaya ko tinanggap ang alok ng lalaki ay dahil sa pera, pero putangina para ipangsustento iyon sa pag-aaral ko! Hindi para sa kung anong luho o ipanglustay iyon sa kung ano-anong walang kwentang bagay!

How could people easily judge someone without even knowing the whole story?

"P-paano mo nalaman lahat ng iyan?"

"Kasali si Mica sa fans club ng lalaki, she's even one of the members sa fb group, but now they removed her. They'd probably find out na kaklase ka niya kaya siguro ni-remove nila si Mica."

Ang dami-dami niyang sinabi pero tila ayaw absurbahin ng utak ko ang mga iyon. Malakas rin ang kalabog sa dibdib ko.

"H-hindi pa naman sila sigurado na totoo nga iyon, 'di ba? Wala naman silang hawak na pruweba," saad ko.

In my mind, I'm praying that I hope they don't have any proof or anything that they can use against me. Ayokong lumaki ang bagay na ito. Baka kung saan pa ang patunguhan nito kapag nagkataon.

Jenelle hold the top of my hand and gently squeezed it. I don't know, ngunit mas lalo lamang lumakas ang kalabog sa dibdib ko sa ginawa niyang iyon.

"Iyon nga ang problema, Illara. Someone posted your picture na kasama si Mr. Bloodmore sa fb group. Kuha iyon after ng party sa condo ni Jaydee."

Mariing napalunok ako sa narinig. Someone posted our picture after the party? How come? Kami lang na mga kaklase ni Jaydee ang naroon nang mga oras na iyon. Unless, someone from our classmate did that. Pero bakit niya ginawa iyon? Anong motibo niya?

"Tayo-tayo lang na mga magkakaklase ang naroroon ng mga oras na iyon, Jenelle."

"You're right, that's why I'm pretty sure na maaaring isa sa mga kaklase natin ang nagpakalat ng chismis at nagleak ng picture niyo ni Mr. Bloodmore."

"Do you have screenshot of the post? Baka. . . baka kilala ko kung sino ang nagpost."

Umiling siya. "Dump account ang ginamit ng nagpost, but yeah, I have screenshot." inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at dinukot mula sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.

Pinanood ko lang siya habang ginagawa iyon. Nang i-abot niya sa akin ang cellphone ay nanginginig na tinanggap ko iyon.

Mariin ang pagkakahahawak ko sa cellphone. Nanginginig na rin iyon habang ang aking mata ay nasa screen, pinakatititigan ang larawan na kuha sa amin.

May caption iyon na 'Here is the proof para maniwala kayo na I'm not making any story. They are really married guys, and I'm telling you this Illara is using Mr. Bloodmore. Papayag kayo no'n? Kung ako sa inyo susugurin ko 'yan.'

Ang ibang larawan ay nakatalikod ang lalaki at tanging mukha ko lang ang makikita. Ngunit may ilang kuha naman na malinaw at talagang masasabing ako nga at si Akill ang nasa larawan.

But my eyes nailed in one picture, Akill is carrying me in a bridal style. Nakahilig ako sa kaniyang dibdib habang natutulog. He is staring at me while there is a smile plastered on his lips. . .

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

2.8M 162K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
603K 49.7K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
293K 33.8K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...