Gumdrop

By pandauthot

3.4K 301 189

Gumdrop, a bunch of fearless teenagers in Nodawn City, is accepting illegal activities for their school finan... More

Prologue
Gumdrop
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Epilogue

23 2 0
By pandauthot

Indeed, maybe I dreamt too much about leaving the place. I dreamt of a lot of professions, ways, or even things I could do just to leave. It looks like that is the only dream I have really wished for since the very beginning. I dreamt awake just to be someone that I know I'll be once I am in the right place to grow.

But now.. all my dreams are just for sleeping.

And I am always dreaming of them.

"Bloom, you'll be alright."

I will never be.

Napabuntong-hininga si Pristine habang pinapanood akong nakatulala sa higaan. Nakabangon at nakatukod ang kamay... kusang lumalabas ang mga luha dahil ilang araw ko na silang napapanaginipan. Ilang araw ko na ring nakikita ang pag-iwan ko sa kanila.

"Gusto mo bang magpappoint sa therapist na kilala ko pagkatapos maproseso ang mga papeles mo rito?" tanong niya habang nakaupo sa kama.

"I want to help... ayaw ko maging pabigat dito.." pag-aamin ko. Kahit boses ko, nawawala na rin.

"You need to rest muna," diin niya. "I know that you feel to have the responsibility to do anything but you really need to rest. You are drained."

Umangat ang tingin ko sa kaniya at bahagyang napakunot ng noo sa sinabi niya. Paano niya ako nakilala agad?

She gave me a small smile. "You're Boss's girl, eh. I knew that kid since then."

Napapikit ako at nakaramdam naman ng bigat ng katawan.

Hindi ko alam kung paano pa ako makakabangon nito. Kung tuwing gising ako ay sila ang maalala ko. Pati rin pagtulog ay sila napapanaginipan ko.

Kung mapapanaginipan ko man lang sila, sana 'yung masaya kaming lahat.

Naramdaman ko ang kamay ni Pristine sa likod ko.

"Do you want something? Food? Time? Space?"

I don't know.

But I must answer something.

I need to be okay.

Nakakahiya sa mga umaampon sa akin dito.

"I need a sewing kit.." It sounded so random.

"Oh," she whispered and thinking what would I do with the sewing kit.

"And some cloth.. I sew if there are lots of things going on inside my head.."

---

From shirts to skirts, the clothing Pristine brought for me evolved into more and more of cardigans that also turned into suits or even dresses.

Suits.

Dresses.

These show how severe the things are inside my head—to the point I made these clothes.

"So..." Kahit si Pristine, hindi makapaniwala sa mga nakikita niyang nakatupi at nakasampay sa kwarto ko. "Ganito kalala ang nasa isip mo... Now, I can see it."

Mahina akong natawa habang inaayos ang mga pinlano kong isasampay. Sinusulyap ko rin si Pristine na tinitingnan din ang mga natahi ko.

Nakita ko ang sky blue off-shoulder top na tinahi ko noong nakaraang araw. Nawala saglit sa isip ko na si Pristine pala ang naalala ko habang tinatahi iyon. "Pristine?" tawag ko at nang lumingon siya sa akin ay pinakita ko sa kaniya ang tinahi kong top.

"That's so pretty!"

"It's yours."

Nanlaki ang mga mata niya bago napatili. Tumakbo siya palapit sa akin at binigay ang para sa kaniya.

"I was thinking of you while making that days ago. Sa sobrang dami na ng nagawa ko, hindi ko na 'to naalala agad."

"Oh, Bloom.." She hugged the top. "Thank you so much!"

Muli kong hinalungkat ang mga nagawa ko na. "Gusto mo rin ba ang ganitong top? Or skirts? Kung may kasya sa'yong suits, you can take it!" Ngayon ko lang ulit naramdaman ang lakas dahil ilang linggo na akong bagsak.

"Really? Can I take this?" May binalikan siyang lavander suit.

"Sure!"

Pinanood ko siyang magkalkal ng mga ginawa ko.

"Can I also show this to my classmates and friends? For sure, magugstuhan nila! Kailangan lang nila bumayad—oh!" Napatigil siya sa pagsasalita at nakaawang ang labi nang humarap sa akin. "You should open a clothing line!"

Natigilan ako. Parang nagblangko saglit ang buong utak ko dahil ang gandang idea 'yun para sa magiging bago kong buhay. Pero hindi ko pa rin matanggap na kailangan kong magpatuloy na hindi sila kasama.

May kumatok bigla kaya naputol saglit ang tumatakbo sa isipan ko. 'Yung isa sa mga katulong nila Pristine. "Miss Pristine, andito po si Sir Luke."

"Himala? Lumabas din sa laboratory niya," sabi ni Prisrine at busy pa sa pagtingin ng mga tinahi ko.

"Luke...?" mahina kong bulong kaya napatingin siya sa akin.

"Yes, Jon Luke. Junior scholar scientist ng Solance Sciences Department. We became friends kasi galing din siya sa Nodawn." Bigla siyang napalundag. "Kilala mo ba..." pero parang naglaho ang boses niya nang bumagsak din ang liwanag sa mga mata niya. Parang may narealize siya.

"Kilala mo ba siya? Jon Luke? Alfonso?" mahina niyang tanong.

Hindi ako makasagot dahil nabalutan ako ng takot at kaba. Hindi rin malakas ang loob ko na humarap kahit kanino maliban kay Pristine. Pero sa oras na 'to, pumapangibabaw sa isip ko na magkikita kami ni Jon ngayon matapos ang ilang taon.

May kumatok ulit.

"Pristine? May dala akong snack. Kumain kayo."

Si Jon.

Nanginginig man ang kamay ko, napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Hindi ko na kayang umiyak.

"Bloom.. are you okay?" malambot na tanong ni Pristine. Palapit sana siya sa akin nang kumatok ulit si Jon at dumeretso na sumilip sa pintuan.

Nagkasalubong ang tingin namin.

Kasabay ang panlalaki ng mga mata at pagbuka ng mga labi niya.

Tuluyan na siyang pumasok kaya nakita ko siya nang malapitan.

Mas lalong humulma ang features niya sa mukha dahil sa stress at pagbawas ng timbang. Maiitim ang ilalim ng mga mata niya at medyo may kahabaan ang buhok niya. Nakasemi-formal suit siya at mukhang kagagaling lang niya sa laboratory. May nakasabit pa na lab coat sa kaliwang bisig niya.

"B-Bloom.." Kahit nanginginig ang mga labi niya, ngumiti pa rin siya. "Nakalabas ka..."

Niyakap niya ako kaya nailabas ko ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Ang kaninang takot at paghihina ng loob ay nawala bigla nang napagtanto ko kung gaano ako kaligtas kay Pristine, lalo na't andito rin si Jon. Hindi ko mapigilang mabighani na ang liit din pala ng mundo para sa aming tatlo.

Sa bawat oras na binibisita kami ni Jon, parang nakakaya ko nang lumabas sa kuwarto ko at makipagsalamuha sa mga tauhan nila Pristine. Umaabot na rin kami sa balcony nila. Hanggang sa umabot na rin na kaya ko nang makipag-usap sa tatay niyang heneral.

At ngayon ay lumalabas na kami sa bahay nila para ipasyal ako ni Pristine sa Solance.

Lalo na't nakuha na namin ang papeles na legal na ako tumira sa lugar na 'to.

"When we first met here sa resto, palaging pinapagalitan si Luke ng mga head scientists ng Solance Science Department kasi sunod-sunod ang letter for approval for project proposal ni Jon sa bawat improvements ng invention niya. Eh, hindi naman kasi nila binibigyan ng interest. So, huwag silang magtaka kung kinukulit sila ni Luke since it was his first big invvention. Then when I heard him comforting himself while nasa pila ng counter, whispering, as long as wala na ako sa Nodawn... I whispered back na, oh, you're from Nodawn too? And naging friends na kami," pagkukuwento niya habang kumakain ng inorder niyang cheesecake. "Asan na ba 'yun? Kanina pa ang OTW niya."

Pinagmasdan ko kung gaano kalawak ang Solance City mula sa rooftop ng kinakainan namin ngayon. Dito raw ang paborito nilang kainan at naiintindihan ko naman kung bakit. Mula sa interior design na parang nasa 80's, hanggang sa servings nila at view nila, understandable kung bakit napakaraming tao palagi dito.

"Oh? Why are you frowning? Don't tell me, wala ka na namang nahanap na parking?" bati ni Pristine kay Jon na nakabusangot at tinatanggal ang labcoat niya.

"5 levels ang parking lot ng Restop. Nasa 5th floor 'yung kotse pero hindi 'yun ang pinoproblema ko." Padabog siyang umupo sa bakanteng upuan.

"Mukhang padagdag nang padagdag bigat ng nasa mata ko ah," sabi ko na lang habang nilapit sa kaniya ang fish and chips na inorder namin. Inabot ko ang ketchup para bigyan siya.

"Dagdag na naman 'to ngayon." Irita siyang kumuha ng chips at binasbas sa ere. "Magkakaroon ng International Science Fair at inaproba na 'yung XM-1983 kaya iyon ang isasalang sa competition."

"OMG what?!" napasigaw si Pristine. Napatingin 'yung mga tao roon.

Ako rin, sa sobrang gulat ko ay parang napatigil ako sa pagpisil ng ketchup bottle. Nang madigest ko na ang binalita niya, napataas din ang boses ko. "Bakit badtrip ka?!" Hindi ba't dapat nagsasaya dapat kami dahil maipapatuloy niya 'yung invention niya at ngayon ay isasalang pa sa International Science Fair?

"I'm happy!" pero galit ang boses niya. "Pero the fact na late lang nila binigyan ng interes at binasa 'yung mga sinulat ko, marami biglang revisions. At ngayon, kailangan kong maghanap ng subject para masimulan na 'yung study ng XM-1983." Kakagat sana siya sa hawak niya nang may tumawag sa phone niya. Napabuntong-hininga siya at binaba ang hawak niyang potato chip. "Tawag na naman ako sa laboratory. May revisions na naman siguro sa papers."

Tumayo na siya. "Balik muna ako sa lab. Puwedeng magpabalot na lang nito? Para kasing ang sarap." Kukuha sana siya ng fish and chips kaso tumunog na naman ang phone niya kaya napatayo siya nang tuwid at mariing napapikit. "Oo na, oo na! Babalik na!" Muli siyang nagpaalam at tumakbo na naman palabas.

"Poor, Luke. Pero for sure, magiging successful ang invention na! Dire-diretso nga lang ang revisions para maabutan ang Science Fair." Napailing-iling si Pristine bago pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga kaso sa tab niya.

Umabot pa kami ng ilang oras sa Restop. Tinapos kasi ni Pristine ang case digest niya samantalang nags-sketch ako ng designs bilang pampalipas oras at para sa portfolio ko.

Nang pauwi, maraming tumatawag kay Pristine tungkol sa school. Nararamdaman ko na ngang parang nauubusan siya ng pasensya hanggang sa Dad pa niya ang sumunod na tumawag sa kaniya. Muli siyang huminga nang malalim at sinuot ang earbud niya.

"Dad? I'm driving right now. Bakit po?"

Hindi ko mapigilang mapasilip kay Pristine. Bigla kasi siyang natahimik bago saglit na napasulyap sa akin. Mas lalong lumalim ang paghinga niya. Nang binaba niya ang tawag ay napansin kong bumilis ang pagmaneho niya.

Napahawak ako sa seatbelt.

"Pristine? Is everything okay?" tanong ko.

"May nangyayari raw sa Nodawn. Kailangan nating makauwi para maabutan ang balita."

Dumating na ang kinakatakutan ko.

Ang rebolusyon ng mga kabataan laban sa administrasyon ng Nodawn.

Habang pinapanood ang balita pagkarating namin sa bahay ay hindi ko naiintindihan ang salita na sinasabi ng mga reporter. Para akong nabingi habang pinapanood ang mga nakikita ko sa balita ngayon.

Mga nasusunog na placards.

Basang kalsada.

Maduming White Hall.

Makalat na daanan.

Kaliwa't kanang sugatan at basang bumoboses.

Magulo.

Nakakatakot.

"What? Humingi ang Nodawn ng security sa Solance?" galit na tanong ni Pristine sa Butler nilang si Butler Eos.

"Yes, Miss. Pero nagdecline si Mayor Antla. Nagrelease pa lang press release ang Solance."

"Then nasaan si Dad ngayon? Sabi niya sa akin na nasa Nodawn sila."

Tumango ang Butler nila.

"Naglabas ng order ang Korte Suprema."

Mas lalong luminaw ang pandinig ko kung gaano kaseryoso ang nangyayari ngayon.

"Maraming... pumanaw na kasali sa rebolusyon."

"What.." naubusan ako ng hininga sa narinig ko.

Napayuko si Butler Eos at huminga nang malalim.

Muling tumunog ang phone ni Pristine.

"Dad."

Inaabangan ko ang mga sasabihin ni Pristine pero mas namamanhid ang katawan ko nang pinapanood siyang hinahabol ang hininga niya.

"Dad.. no. Please, no."

"Ano? Pristine, anong nangyayari?" Halos magmakaawa na ako para malaman kung anong nangyayari.

"Kinumpirma ng mga opsiyal na mahigit 23 ang nasawi sa kaguluhan sa siyudad ng Nodawn at mahigit 51 ang nawawala."

Napatingin ako sa balita.

At pinakita roon ang nasusunog na daanan.

Kabilang na ang nasusunog na isang piraso ng pulang sneakers.

Napakapamilyar.

Sobrang pamilyar.

Sapatos namin 'yun.

Hindi ako nagkakamali.

"Pristine," matigas kong tawag dahil kailangan ko nang malaman.

"Bloom..." sa hikbi niya, doon ko na nakumpirma ang lahat.

---

Kung kailan alam ko sa sarili ko na nagiging mabuti na ang kalagayan ko, biglang babalik ako sa wala. Babalik na naman ako sa kawalan. Para naman akong naliligaw kahit ilang araw akong nakahiga. Wala na akong maramdaman. Hinihintay ko na lang siguro na matapos ang segundo... ang minuto... ang oras... ang araw.

Nakakarinig ako ng malalakas na yapak mula sa labas ng kuwarto ko kaya bumangon na ako at nanatiling nakaupo sa kama ko.

Pumasok at pumahilera ang mga sundalo. Saka pumasok si Heneral Montes na may dalang maliit na kahon.

Nang magkasalubong ang tingin namin, parang huminahon siya at dahan-dahang tinanggal ang service cap niya.

"Bloom Jinx Marcues."

Pinatong niya ang kahon sa kama at humakbang paatras.

Tinitigan ko lang iyon habang nakatitig sila sa akin.

"Abo na nang maabutan namin ang lahat. Hindi na namin nakilala ang mga bangkay sa sunog. Pero ito ang mga nakuha sa mga katawan nila."

Napapikit ako sa narinig ko.

Kahit hindi ko pa matanggap, tumango ako at iniiwasang maisip kung ano ang naging kalagayan nila.

Hindi pa rin sila umaalis sa harapan ko kaya sa natitirang lakas ko, inabot ko ang kahon at dahan-dahang binuksan.

'Yung kwintas ko na binigay ni Boss ang una kong nakita.

Parang bumagsak ang buong katawan ko. Pinipigilan ko ang hagulgol ko dahil wala na akong lakas para makalabas pa ng tunog.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko, nakita ko ang isa pang pares ng pulang sapatos na mayroon kaming lahat.

Hindi ko na kayang isa-isahin ang mga gamit na andito dahil nakikilala ko agad. Sinara ko na lang ito at napayuko para magpasalamat sa kanila.

Hindi ko na inahon ang sarili ko sa pagkayuko dahil narinig ko ring iniwan na ulit ako sa loob.

Niyakap ko ang kahon.

At inilabas ang pagluluksa.

---

"Miss Bloom.. breakfast niyo po. Sana kainin niyo po. Ilang araw na kasi kayong hindi kumakain." Narinig ko 'yung head maid nila Pristine na Ms. Loisa. Palagi siya ang nagpapadala ng pagkain sa akin. Kahit wala akong gana, pipilitin ko na lang kahit ilang subo para hindi sayang ang pagpapadala niya ng pagkain ko.

"Nasa balcony rin po si Miss Pristine at Sir Luke. Kung gusto niyo rin po lumabas."

Iyon ang huli kong narinig bago tumahimik na naman ang paligid.

Ilang minuto muna akong nakipagtitigan sa kumot na nakatakip sa buong katawan ko bago bumangon.

Hindi na ako nag-isip at lumabas sa kuwarto ko.

Dumeretso ako sa balcony at kahit mula sa kalayuan, naririnig ko na sila Pristine at Jon na nag-uusap.

"But we're glad na kumakain siya kahit kaunti. We don't want to force her din kasi baka magka-indigestion siya," sabi ni Pristine.

"Hustisya.." bulong ni Jon habang nakasandal ang mga siko sa hita niya. "Hindi pa ba nabibigyan ng hustisya?"

Napailing si Pristine. "Nasa Korte Suprema na ang lahat ng nangyayari sa Nodawn."

Napatango si Jon. "Pakiramdam ko, hindi na ako magpapatuloy sa science fair."

"Why??! Akala ko ba, okay na ang papers mo?"

"Wala pa akong nahahanap na subject! 'Yun talaga ang dahilan kung bakit hindi inaapobra ng heads kasi conflict talaga 'yung magiging subject ng experiment. Kailangan kasi, bonafide subject at will undergo sa documentation and contract signing. Medyo tanga rin kasi ako. Sino ba naman kasi ang papayag para imanipula ang memorya nila?"

"Ako," sagot ko.

Sabay silang napalingon sa akin.

Napatayo si Jon.

"Bloom, alam kong—"

"Ako, Jon. Willing ako."

Natahimik silang dalawa.

Naghahanda na ako ng mga dahilan para pumayag na sila pero sa tingin pa lang nila sa akin ay nararamdaman kong naiintindihan nila kung bakit gusto kong gawin 'yon.

Napabuntong-hininga si Jon.

"Sigurado ka, Bloom?"

Heto na naman ako at ang mga desisyon ko sa buhay.

Para akong bumabalik sa nakaraan.

Habang papunta kami sa lugar ni Jon ay naalala ko ang unang beses na pinakita niya sa akin ang mga gamit niya noon sa univeristy. Kumpara ngayon, masyadong advance na ang mga gamit dito at maraming kagamitan. Ang taas na niya talaga ngayon.

Nagsimula na akong pumirma ng mga papeles. Nasa lamesa rin ang mga head scientist na pinapanood akong pumirma habang pinapaalala sa akin kung ano ang pinasok ko. Lahat naman ay iniintindi ko pero hindi ko na iniisip dahil hindi ko na kayang mag-isip sa oras na ito. Ito ang desisyon ko at papanindigan ko 'to.

Parang dati lang.

"When do you want to start, Ms. Marcues?" tanong ng isa sa mga head scientist.

"Now."

Nagulat sila sa sagot ko. Lalo na si Jon na ilang araw na nag-aalala sa akin at sa desisyon ko na ito.

Hindi ko na mapansin ang oras pero ang alam ko ay nagpa-medical test na ako. Lahat ng parte ng katawan ko kabilang na ang vital signs ko ay chineck nila bago ako pinaupo sa isang upuan sa harapan ng room kung nasaan ang makina na inimbento ni Jon.

"Bloom, sigurado ka ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Jon.

Mahina akong napangiti at diretsong nakatingin sa maliit na salamin na nakasilip ang liwanag mula sa loob ng room.

"Kaya pala palagi kong napapanood, nababasa, at naririnig ang imbento mo noong nasa Nodawn pa ako dahil ako rin pala ang sasalang dito sa ginawa mo."

Napatitig sa akin si Jon at ramdam ko ang pag-aalala niya. "Bloom naman eh. Kaibigan kita eh."

Tumango ako. "Kaya nga. Kaya siguro tayo pinagtagpo dahil dito talaga ang bagsak ko." Huminga ako. "Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang purpose ko sa buhay na 'to, Jon."

Mahinang napailing si Jon habang nakatingin sa akin.

Dahan-dahan kong tinapik ang balikat niya. "I trust you."

"You always have been."

Napatango ako at tinuro ang pintuan ng kabilang room. "Ikaw na ang bahala sa akin."

Hindi pa siya umaalis sa tabi ko. Muli ko siyang tiningnan at pinagmamasdan niya lang ako.

"Magsisimula pa lang talaga ngayon ang XM-1983," bulong niya. "Marami pa kaming madidiskubre lalo na ngayon."

Tumango lang ako sa mga paalala niya. "I know. Nakalagay din sa kontrata na once nagsimula na ang experiment, you'll have the full authority until the test will be done."

"We'll be careful."

Tumango muli ako.

Tumayo na siya at hinanda ang sarili. "Most of the images that you will see in your mind will be from yourself. There will be a big possibility that you will be fooled by your own mind to the point that you will never know if which is real or not. Just remember that you are stronger than your desires."

Binigyan niya ako ng ballpen. Pero nang tiningnan ko ito nang mabuti, hindi pala ito ballpen. May pulang pindutan sa dulo.

"Pindutin mo kung gusto mong magising."

Muli akong naiwan kung saan ako nakaupo ngayon. Magsisimula na ang experiment at nakarecord ang lahat ng mangyayari sa akin doon. Hindi na rin ako nagdadalawang-isip ngayon tulad ng pagdesisyon ko noon.

Pagpasok ko sa kabilang kuwarto ay nag-iisang ilaw ang nakatutok sa upuan kung saan ako uupo. Maraming aparatus at teknolohiya ang nakaabang doon. Maraming monitors at wires ang naghihintay sa akin.

"May 16. 2:09 AM."

Umupo na ako sa malamig na examination chair.

"XM-1983. Test 1.a. Ready."

May dinikit na sila sa lahat ng parte ng ulo ko. Naglagay din sila sa mga kamay at dibdib ko para bantayan ang vital signs ko.

"Helmet."

May sinuot na sa aking helmet para maprotektahan ang mga wires na nasa ulo ko.

Nakakarinig ako ng mga sunod-sunod na pagpindot ng makina kaya narinig ko rin sa vital monitor ang unti-unting pagbilis ng puso ko.

"Before recording the experiment, let's ensure all instruments are set up and ready for precise measurements, ensuring the accuracy of our data."

Humihinga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nakaharap ako sa liwanag ng ilaw mula sa itaas ko. Pero naaninag ko si Jon na suot ang laboratory coat at face mask niya.

"Bloom," bulong niya. "Are you ready?"

Hindi ko na maigalaw ang ulo ko kaya pumikit ako para ipakita na handa na ako.

"The Experiment of the Project XM-1983 will commence. In 3..."

"Now that you're all a team, the leader has given you all the authority to choose the name of your team."

I hear voices inside my head.

"2.."

"Baka gusto niyong Baby Dangers itawag sa inyo?"

Mahina akong natawa.

"1. Start."

Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan. Mula ito sa ulo ko hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Mariin pa akong napapikit para hindi mapalundag sa nararamdaman ko.

"Subject A, can you hear me?"

I answered, "Yes." But I cannot hear my own voice as of this moment.

Parang nabingi ako.

"Naririnig mo ba ako?" I asked again with my eyes still closed.

"Yes, I can hear you. Open your eyes."

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at wala akong makita kung hindi puro itim. Hindi ko masasabing madilim dahil nakikita ko pa ang katawan ko.

"What can you see?"

"Nothing." Now, I can hear myself.

"You're inside your mind right now. I want you to feel yourself."

Hinawakan ko ang mga kamay ko, ang mukha ko, at ang iba pang parte ng katawan ko para tingnan kung nakakaramdam ako. I'm good. I can feel myself. Naglakad din ako pero puro itim pa rin ang paligid.

"Test 1.b, let's start to create image. This will test if the subject can proceed to the further experimental procedure."

Pinagmamasdan ko pa ang paligid ko baka may makita ako pero masyadong nakakabingi ang katahimikan. Natatakot ako na baka may mangyari sa akin.

"Subject A, what is your dream?"

Natigilan ako dahil nahirapan ako sa pagsagot. Tumahimik ako dahil hindi ko talaga alam kung paano ko sasagutin 'yun.

Nakaramdam ako ng may humawak sa balikat ko.

"Bloom," bulong ni Jon. "Okay ka lang ba?"

Marahan akong napalingon sa gulat pero hindi ko siya makita. Pero naririnig at nararamdaman ko siya.

"Jon, hindi kita makita."

"Nasa loob ka ng isipan mo ngayon. Hindi ka rin makaisip dahil masyado kang conscious sa nangyayari. Do you want to stop for a while?"

"No. Ipagpatuloy natin 'to." Ayaw ko maging sagabal.

"Then I want you to visualize what you want in your life."

Binitawan niya ako.

"Hindi ko alam," pag-aamin ko. "Hindi ko na alam..."

"Ano ba ang gusto mo sa buhay, Bloom?" bulong niya. "Ano ang pangarap mo? Maging nurse?"

Nurse nga pala ako dati.

Bakit pati 'yun ay hindi ko na alam?

"Hindi ko alam..."

Tumahimik muli ang paligid. Bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Parang ako talaga ang sisira sa experiment na ako ang nagprisenta.

"Ma?"

Nanlamig ako.

May narinig ako.

"Ma? Ikaw ba 'yan?"

Paglingon ko ay nakita ko si Lawron.

"Anak?"

Si Lawron.

"Hi Ma!" masayang bati niya at binigyan ako ng malaking kaway.

Nagsimulang matunaw ang loob ko kasabay ang paglabas ng luha ko.

"Anak.."

Tumakbo palapit sa akin kaya tumakbo ako para salubungin siya pero biglang naglaho ang imahe niya.

Parang nabasag ang puso ko.

"Jon?" sigaw ko. "Nawala siya!" Nagsimula akong humikbi. Lumingon-lingon ako para mahanap si Lawron. "Jon! Nasaan na siya? Please..."

"So, your dream is to be a mother someday?" I heard Jon's voice.

Huminga ako nang malalim habang pinapanood ang buong paligid kong magkaroon ng kulay hanggang sa nakilala ko ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Terrace ng bahay namin.

May hawak akong gatas na nasa paborito kong mug.

"Ma.."

At nasa tabi ko si Lawron.

"Ma.. okay lang ba na tinatawag kitang Ma? Hindi ko rin natanong sa'yo dati kasi nasanay na rin ako," tanong niya.

Pinagmasdan ko si Lawron. Hindi ko inaakala na may parte sa akin ang nabubuo niya nang hindi man lang namin namamalayan.

Ngumiti ako at napayuko. Pinagmasdan ko ang hawak kong baso. Naalala ko pa kung ano ang sinagot ko. "Sobra pa sa okay."

Alam kong sumagot pa ako noong oras na iyon pero parang gumuho ang mundo ko. Nakakarinig na naman ako ng pagsabog at pagputok ng baril.

Bumalik na naman kami sa gubat.

"Ma, salamat sa lahat."

"No.. Lawron.. Anak.." Pilit ko siyang hawakan para hindi tumuloy pero napadapa ako kaya tuluyan na naman siyang nawala sa paningin ko.

Humagulgol ako at pilit bumangon para habulin siya.

"Bloom, wake up!" May humawak sa mga balikat ko at pinipigilan ako.

"Si Lawron... anak ko..." Humagulgol ako at pilit magpumiglas.

"Wake up! Press the button, Bloom!"

Napatingin ako sa hawak ko at andito pa rin ang binigay sa akin ni Jon.

Pipindutin ko na sana nang may humawak ulit sa akin para itayo ako.

"Ma? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?"

Bumalik si Lawron at nag-aalalang tiningnan ang kalagayan ko.

"May masakit ba sa'yo? Nasaktan ka ba? Bakit? Anong nangyari?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at nararamdaman ko siya. Parang totoo siya.

"Huwag ka nang umiyak, Ma. Hindi na ako aalis. Promise!"

"Come on, Bloom! Press the button! This is not real!"

This is not real.

Tinitigan ko na lang si Lawron. "I'm sorry, Anak. You didn't come back."

At pikit-matang pinindot ang hawak ko.

Napadilat ako bigla nang maramdaman ko na nakapatong ang ulo ko sa lamesa. Pinagmasdan ko ang paligid ko sa ganoong posisyon. Nakatulog ba ako? May ballpen pa ako na hawak.

Teka, nabasa na ng laway ang notebook na tinulugan ko!

Mabilis akong napabangon at una kong nakita si Pristine na nagbabasa sa tab niya. Napansin niyang naalimpungatan ako.

"Did I wake you up?"

Napakunot ang noo ko. Mabagal akong sumagot, "No... anong oras na?"

Nasa Restop pa rin kami. Hindi ako makapaniwala. Nanaginip ba ako?

"2:39 PM na." Nakatingin si Pristine sa tab niya. Nanlaki agad ang mga mata niya. "Hala! I need to go to school pag-3 PM kasi may exam pa pala akong itatake!" Inayos na niya ang bag niya. "Do you want to go home first?"

"Until what time exam niyo?"

"4:30 PM."

"Let's go home together na lang? I can wait here. Gusto kong may matapos." Pinakita ko ang sketchbook ko.

"Oh, okay! I'll call you ha?"

Tumango ako at nagmadali na siyang umalis ng Restop.

I had a lot of questions in mind. Parang hindi pa nagigising ang diwa ko sa napanaginipan ko kanina. Halos 30 minutes lang pala akong nakatulog kanina?

Ngayon, hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nag-isip habang nakatingin sa malayo. Paulit-uli ko pang pinapatunog ang retractable pen ko. Sa sobrang emosyonal ng napanaginipan ko, hindi ko pa madigest kung ano ba dapat talaga ang maramdaman ko.

Parang totoo.

Napatingin ako bigla sa entrance at may pumasok na mga grupo ng lalaki. May bigat ang mga presensya nila kaya napaiwas ako ng tingin. Inaamin kong natatakot ako dahil marami akong naalala pero pinapakalma ko ang sarili ko na legal na akong manirahan dito sa Solance.

Nakita kong palapit sila sa akin kaya saglit nawala 'yung inipon kong lakas ng loob at napalitan ng kaba.

"Excuse me. Ms. Bloom Marcues?"

Shit.

"Y-Yes?"

May pinakita silang ID.

NBI officers.

"NBI. Gusto ka lang namin tanungin tungkol sa Nodawn City. Lahat ng mga bagong registered residence ng Solance na nagmula sa Nodawn ay kailangan naming tanungin."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa administrasyon at pagvalidate ng registration niyo sa Solance."

Sumama ako sa kanila. Tinago ko ang kaba ko at binuksan ang isip ko sa paligid. Siniguro kong mga totoong taga-NBI sila pero sa mga ID, suot, at kahit 'yung sasakyan nila. Hanggang sa nakarating kami sa office, napaisip na lang ako na mabuti sa Solance ay legit ang mga ganito. Kung sa Nodawn kasi, baka maisip ko pa na iaabduct na ako. Hindi ko na muna tinext si Pristine dahil busy siya sa exam for sure.

Nilipat ako sa interrogation room. Nanlalamig ako pero ayaw kong ipakita na kinakabahan ako dahil baka mahalata nila na nay history ako sa administrasyon kaya umalis din ako rito.

Pero hindi rin ako confident sa magiging sagot ko lalo na't hindi ko alam ang itatanong nila sa akin.

Pinanood ko ang dalawang officers na mag-usap sa harapan ko habang nakaupo ako sa harapan ng lamesa. May malaking salamin sa gilid at nakatutok sa akin ang ilaw sa itaas.

May pumasok na isang officer. "Hindi ko mahanap ang documents ni Ms. Marcues. Pero alam kung nailabas ko na 'yun."

"Did you check the drawers? Alam kong tiningnan ko na rin 'yun pero hindi ko pa kinuha dahil pinapacheck pa kung kumpleto na ang documents kasama na 'yung mga live certificates."

"Puwedeng huwag na kayong magtanong at tingnan niyo na lang?" irita na sabi ng babaeng officer.

"Sure ako na naihanda ko na 'yun!"

"Sure ka ba na ikaw mag-iinterview? Baka naman may changes na ginawa ang head na nakalimutan mo na naman?"

Tumingin sa akin ang mga nag-uusap na officers. "Sandali lang, Ms. Marcues. May kailangan lang kaming kausapin," paalam ng babaeng officer at sabay-sabay silang lumabas. Sinara nila ang pinto.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay ko.

Biglang namatay pero sumindi ulit ang ilaw. Napatingin ako sa itaas. Bakit may nararamdaman akong kakaiba.

Hindi nagtagal ay bumukas ulit ang pintuan.

May lalaking officer na may bigote at shades na suot ang sumandal sa doorframe. Tiningnan niya ang folder na hawak niya bago uminom sa inumin niyang sobrang dilim.

Umabot 'yung amoy sa akin. Ano 'yun? Kape? Itim na itim!

Isa lang ang kilala kong ganiyan uminom ng kape.

Nang nakahakbang na siya palapit sa akin, tinamaan na rin siya ng liwanag.

Nakilala ko agad siya kahit may bigoteng nakakabit sa kaniya at kahit may suot siyang shades.

"So, Bloom Jinx." Umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya ang kape niya at binasa ang papeles ko. "Nice record." Tumango-tango pa siya.

Nakaawang ang mga labi ko dahil hindi ako makapaniwala kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Sige, sa loob ng 4 minutes, kunwari, may makabuluhan tayong pinag-uusapan habang may naghahack ng sistema ng NBI office para mawala ang signal ng mga CCTV."

Oh my...

"Kumusta? Kumakain ka ba nang mabuti rito? Bakit sobrang payat mo na?!" sunod-sunod niyang tanong.

Kahit nagiging emosyonal na ako sa oras na ito, hindi ko mapigilang mapabuga ng tawa. Kailangan kong magpigil hanggang matapos ang 4 minutes. "Paano ako makakasagot agad kung sunod-sunod ang mga tanong mo? Puwedeng isa-isa lang?"

Natawa na rin siya at sinara ang folder na binabasa niya. "Okay! Kunwari tapos na ang 4 minutes! Halika na!"

"Ha? Baka magtaka sila na umalis na ako agad!" kinakabahan kong tanong.

"Donchaworreh." Pinakita niya ang ready-made notes na parang nainterview na ako. "Nanood kami ng mga interview kanina at pare-parehas lang naman ang mga tanong. Kaya sinagot na lang namin agad." Inilagay niya iyon sa folder at iniwan ang folder sa lamesa. "Taralets! We're good to go!"

Hinila na niya ako at sabay na kaming lumabas.

Kahit naguguluhan pa ako sa nangyari, parang hindi naman kami pinagtitinginan dahil nakakablend sa mga tao hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Mauna ka sa labas. Andoon sila. Magbibihis lang ako at lalabas sa back gate." Tinapik niya ang tuktok ng ulo ko bago bumalik sa office.

Teka. Andoon sila? Sila?

Nagmadali akong lumabas. Hinanap ko kung sino ang tinutukoy niyang sila at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko sila sa blue classic Volkswagen Microbus.

"Oh my God..." bulong ko.

"Bloom!!!" sigaw ni Clark na siyang unang nakakita sa akin.

Lumabas ang iba mula sa microbus at lumundag nang makita ako sa kalayuan.

Tumakbo ako. Parang tinapon ko ang sarili ko sa kanila para yakapin sila nang mahigpit. Agad nila akong binalot sa mga yakap nila.

"Ano ba 'yan! Hindi ako hinintay!" sigaw ni Heroic at sumali rin sa yakap. "Saan ba kinuha 'yung buhok sa bigote? Parang may amoy!"

"Itanong mo kay Danger," sabi ni Orion.

"Secret!" makulit na sagot ni Danger na nakayakap pa rin sa akin.

"Kadiri!" sigaw ni Heroic kaya natawa kaming lahat.

Pero nakayakap pa rin ako nang mahigpit sa kanila.

"Susunod kami 'di ba?" sabi ni Clark.

Humiwalay ako saglit para pagmasdan sila.

Clark, Heroic, Orion, Danger, Lawron, Forsythe...

Nasaan si Boss?

"Dahil kumpleto na tayo, puntahan na natin si Boss."

Hindi ako nakapagsalita at sumabay sa kanila.

Buong biyahe ay pinapanood ko lang sila. Nakailang kurot pa ako sa sarili ko kung nananaginip pa ba ako pero ito pa ako, parang totoo talaga ang lahat.

"Andito na tayo!" anunsyo ni Danger nang nagpark ang sasakyan sa labas ng sementeryo.

Napatayo agad ako para titigan nang mabuti kung tama ba kung nasaan kami ngayon.

"Gagi. Bakit ba nandito tayo sa sementeryo? Hindi pa patay si Boss!" reklamo ni Orion.

Binatukan naman ni Forsythe si Danger.

"Hindi tayo makakapark sa Trial Court! Sakto lang 'yan na pagkarating natin sa labas, tapos na ang hearing ni Boss!"

He's alive! They're alive!

"Tara na, Ma!" Inalok ni Lawron ang kamay niya para makababa ng microbus.

Dumikit agad ako sa kanila dahil hindi pa nagsisink-in sa akin na kasama ko na ulit sila ngayon. Sa labas ng Nodawn.

Nakasabay ko sa paglalakad si Forsythe. Inakbayan niya ako at inilapit sa kaniya.

Hanggang sa makarating na kami sa hrapan ng Trial Court, saktong pababa nga si Boss sa napakahabang hagdanan. Nang makita niya kami ay kinaway niya ang hawak niyang envelop.

"Boss!" bati nila samantala ito ako, nakatitig lang sa kaniya.

"Agustine na ang apelyido ko," masayang sabi niya habang tinataas ang hawak niya. Binati naman siya ng iba at niyakap.

Nagkasalubong ang tingin namin at agad siyang lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap.

"We're here," he whispered.

You all are here... with me.

Muli kaming hinarap ni Boss.

"I told you that we would all be together, whether inside or outside Nodawn," he said.

I can't help but admire how my life has been. Indeed, maybe I really dreamed so much that I reached the point where I was afraid that everything good that happened in my life with them was just a dream.

They all looked at me.

I let out a smile. It felt like we had just completed a mission. "It's like it was almost everything we ever dreamed of," I whispered under my breath while admiring them and all of the things that happened that led us here, where we are right now.

This is the start of another beginning.

I declare, "Gumdrop."

  
  
  
  
  

THE END OF BOOK 1

  
 
    
  
  

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 203 47
Lyrainne Alvarez is known for being smart, confident, beautiful, and coming from a rich family. She is always in the top tier, which is the highest r...
9K 238 51
(WRITTEN SERIES #1) "I-stalk ang buhay ni girl best friend kasama ang crush niya para makapagsulat ng isang love story? Game!" As a frustrated aspi...
47.5K 873 105
TAE SQUAD #1: EPISTOLARY It's my warmest hour -- and will always be my warmest hour. That's what I thought -- not until it turned into cold one. PA...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...