Lost Soul (Soul Series Book 1)

By NerdyIrel

459K 20.8K 3.2K

"I've seen a lot of ghosts, but this one is different" A story about a girl who keeps seeing ghosts since she... More

Published Book
Prologue
Chapter 1 - The Beginning
Chapter 2 - Take away
Chapter 3 - Stolen Life
Chapter 4 - Can we play?
Chapter 5 - Strangers
Chapter 6 - Why me?
Chapter 7 - Another one
Chapter 8 - Dangerous
Chapter 9 - Bonfire Party
Chapter 10 - Farewell
Chapter 11 - Coincidence
Chapter 12 - Playful Soul
Chapter 13 - Justice
Chapter 14 - Violent Soul
Chapter 16 - Insinuation
Chapter 17 - Hired
Chapter 18 - Vengeance
Chapter 19 - Clues
Chapter 20 - Answers
Chapter 21 - Reunion
Chapter 22 - The Truth
Epilogue
Author's Note

Chapter 15 - Choices

13.9K 675 43
By NerdyIrel

Hey soulistas! Long update dahil matagal ko palang hindi na-update ito. Pambawi hehehe. But anyway, 2 na lang naman ongoing stories ko so mapapadalas na updates :)

----------------------------------


Chapter 15 - Choices


April 20, 2015

St. Luke's Medical Center

9 pm.


"Mom, I'm okay" Pagpapaliwanag ni Hannah sa kanyang ina na kanina pa tanong ng tanong kung may sumasakit ba sa katawan niya. "Hindi naman po ako gaano nasaktan. Atsaka sabi naman po ng doctor ay pwede na akong umuwi mamaya kaya wag na po kayo magalala"


Mrs. Jenn sighed and took a seat beside her daughter. "I don't understand kung bakit ang sabi ng police ay kasalanan mo daw kaya ka nabangga. Kulay pula na daw ang traffic light pero dire-diretso pa rin ang kotse mo. Since when did you become so reckless in driving?"


"Hindi po aksidente ang nangyari"

"What? Don't tell me, you're trying to kill yourself!"

"Ma, no! An angry soul distracted me. Lumamig po kasi sa loob ng kotse tapos biglang nasira yung music kaya nagtaka ako"

"Sinasabi mo bang nakakasakit na ang mga multong nagpapakita sayo?!"

"Just this one" Bulong ni Hannah.

"Pero bakit siya magagalit sayo na humantong pa sa ganito?"


Hannah sat and looked at her mother. She almost cried remembering the guy's damaged face.


"Nagpakamatay po siya kanina lang at pagkatapos ay lumapit kaagad sa akin ang kaluluwa niya. Humihingi po siya ng tulong pero hindi ko siya pinansin. I was so scared mom"


"Iha" Hinawakan ni Mrs. Jenn ang kamay ng kanyang anak ng mahigpit. "Naaalala mo ba nung nakasagip ka ng isang tao dahil tinulungan mo yung batang multo? Tingin ko, dapat tinulungan mo yung lalakeng nagpakamatay. Gamitin mo yang regalo mo para makagawa ng mabuti"


"But I don't want to! Ma, kapag pinagpatuloy ko ito, dadami ang mga kaluluwang lalapit sa akin. Lahat sila hihingi na ng tulong sa akin. I've been ignoring them since I was a kid. Ayoko pong mabago yun dahil baka magpakita na naman sa akin yung babaeng nakaitim. Kaya nga po tayo umalis ng Davao ay dahil sa takot ko sa kanya"


"Pero anak, sinaktan ka na ng isa sa kanila. Natatakot ako na kapag hindi mo siya tinulungan ay patayin ka na nga talaga niya"

"Ma, ayoko po talaga"


Hindi na pinilit pa ni Mrs. Jenn ang kanyang mga sinasabi. Mas importante pa rin naman sa kanya ang nasa saloobin ng anak.


Iniba na lang niya ang usapan nila at pinagbalat si Hanah ng mga prutas.


***


Gabing-gabi na ng makauwi sila Hannah sa kanilang bahay. Na-late kasi ng dating ang kanyang doctor kaya hinintay pa nila ito bago siya ma-release ng hospital.


"Gusto mo bang dito na lang ako matulog sa tabi mo?" Tanong ni Mrs. Jenn.

Natawa naman si Hannah ngunit humalik din sa pisngi ng ina. "Malaki na po ako, I can take care of myself"

"Oh sige. Iiwan ko na lang bukas itong pinto ha. Kung may kailangan ka, nasa kwarto ko lang ako"

"Opo ma, goodnight"


Humiga na si Hannah sa kama at tumitig lang siya sa ceiling ng kanyang kwarto.

"I want a normal life" Bulong niya.


Bigla naman tumunog ang kanyang cellphone kaya agad-agad niyang kinuha iyon sa bag niya.


From: Mark

11:59 pm.

Still up? :)


Ngumiti si Hannah at nagtext back din kaagad.


To: Mark.

11:59 pm.

Yep. Kakagaling lang sa hospital...


From: Mark

12:00 mn

Bakit? Anong ginawa mo dun?


To: Mark

12:00 mn

Naaksidente ako, nabangga kasi yung kotse ko but I'm okay now.


From: Mark

12:01 am

Hala. Ingat ka sa pagdadrive ha. Tsk


To: Mark

12:02 am

On my defense, it's not my fault. May nanggulo na naman sakin.*sigh*


From: Mark

12:02 am

Shit lang. Lagi bang nangyayari sayo yan?


To: Mark

12:03 am

No. Just this time. Wait, aren't you at work? Buti pwede gumamit ng phone.


From: Mark

12:03 am

Break lang kaya nacheck ko phone ko. Oo nga pala, I have some good news.


Napangiti si Hannah.


To: Mark

12:04 am

Yes please! Kailangan ko yan!


From: Mark

12:04 am

Spoiler alert ako ha. Hehehe.

Nakita ko yung papers kanina, pasado ka.

Congrats! Welcome to the company!


To: Mark

12:04 am

OMG! ARE YOU FREAKING KIDDING ME?!


From: Mark

12:05 am

Not a little bit! Katuwa nga eh kaso magkaiba tayong oras.

Baka di tayo magkita...


*Screech*


Napaupo si Hannah sa gulat ng may marinig siyang parang umiyak na lalake.

Tinignan niya ang pintuan at sinilip kung may ibang tao.


"Guni-guni ko lang siguro"

Tumingin na ulit si Hannah sa cellphone niya upang magtext ng marinig niyang parang sinasara ang pintuan niya ng dahan-dahan.


Kinabahan na siya kaya naman umayos siya ng upo.

Tinitigan niya ang pintuan at pinagmasdan ito.


*Creakkkk*


Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Hannah lalo na ng makita niya ang sahig sa may pintuan na may shadow ng isang lalake.


"Ano na naman ba?!" Tanong kaagad niya.


*Blag*


Sumara ng sobrang lakas ang pintuan at pagkatapos ay bigla na lang may lumitaw na mukha ng lalake sa harapan niya.


Napasigaw si Hannah sa gulat. Agad-agad siyang tumakbo papunta sa sulok ng kanyang kwarto.


Ito yung lalakeng galit na galit sa kanya.


"TULUNGAN MO KO!" Sigaw nito kay Hannah. Parang nage-echo ito at halatang nasa malalim na lugar nanggagaling ang boses.


Sa takot ni Hannah ng magsimulang maglakad ang kaluluwa ay napatakbo siya sa closet niya.

Sinarado niya iyon at pumikit.


"TULUNGAN MO KO" Paguulit nito.


"GO AWAY!" Sigaw ni Hannah.


Biglang bumukas ang closet niya na ikinagult ni Hannah.

Nagsisigaw siya ngunit para bang hindi siya naririnig ng kanyang ina.


"Please! Stay away from me!" Naiyak na sabi niya ng yumuko ito.


Inilapit niya ang mukha niya kaya naman napapikit na siya at nagdasal.

Halos tumigil na ang tibok ng puso ni Hannah.


"Papatayin kita pag hindi mo ko tinulungan" Bulong nito.


"Anong kailangan mo sakin? Paano ako makakatulong?" Paggi-give up niya.

Naninigas na siya sa takot kaya naman naisip niyang wala na talaga siyang choice kundi gawin ang gusto ng lalake.


"Eight zero five"


"Ano yon?! Ano yung 805?" Tanong niya.


Nang maramdamang nawala bigla ang lamig ay unti-unti niyang minulat ang mga mata niya.

Wala na lang lalake at ang tahimik na ng buong kwarto.


Tumayo si Hannah at ng makasiguradong wala na iyon ay tumakbo siya sa kama niya at kinuha ang cellphone niya.


Nagtext na ulit ito sa kanya at tinanong kung nakatulog ba siya kaya hindi siya nagrereply.


To: Mark

12:15 am.

HE WAS JUST HERE! YUNG MULTO! Mark, I need your help. I asked him kung paano ako makakatulong and all he said was 805.


Tumakbo na rin siya sa mama niya para sabihin lahat.

Takot na takot siya kaya naman nagmamadali siyang nakipagkita kay Mark para alamin kung ano ang ibig sabihin ng mga numero.

Ayaw niya ng patagalin pa ito dahil baka bumalik pa ang multo at patayin na talaga siya.


***


"Maybe it was the last digit number of someone's phone" Pagsa-suggest ni Mark.


Sinundo agad siya nito at ngayon ay nasa tapat sila ng building kung saan nagpakamatay ang lalake.

Nag-out talaga sa trabaho si Mark ng mabasa ang text message ni Hannah.


"No. I don't think so. Kung phone number yan, apat dapat yung sinabi niya o yung buong number na"


"Baka naman locker number"

"OR ROOM NUMBER" Sabay pa nilang sabi.


Bumaba kaagad sila sa kotse at tumakbo papunta doon sa building.

Pagpasok nila ay dire-diretso sila sa elevator. Buti na lang ay hindi sila napansin ng mga guards.


1...2...3...4...

Habang hinihintay umabot sa 8th floor ay nagsalita muna si Mark.


"I'm glad na sinabihan mo ko about this. Hindi ako makakapante kung pupunta kang magisa"

"Ayoko rin naman kasing magisa. Baka mamaya may masamang balak yung kaluluwang yun"

"Paano ba nila nalalaman na nakakakita at naririnig mo sila?"

"I don't know. Maybe nararamdaman nila..."


*Ting*


Bumukas na ang elevator door at tahimik silang naglakad sa hallway.

"Hindi tayo pwede pumasok" Sabi ni Mark nung tumapat na sila sa room 805.


May harang kasi ito na nakalagay 'Police Line Do Not Cross'.

"Pero wala naming bantay"


Yumuko si Hannah at binuksan ang pintuan.

Surprisingly, hindi ito naka-lock.


Sumunod agad si Mark upang hindi mawala sa kanyang mga tingin si Hannah.

Binuksan niya ang ilaw at parehas silang nagtaka.


Halos walang kagamit-gamit ang buong apartment room.

Mukhang magisang nakatira dito ang lalakeng namatay.


"What now?" Tanong ni Mark.

"Siguro maghanap na lang tayo. Diyan ka sa sala, dito ako sa kitchen"


Hindi man nila alam kung ano ang hahanapin ay ginalugad na nila ang buong lugar.

Para namang may huminga sa tenga niya kaya napatingin siya sa kaliwa.

Kumunot ang noo niya ngunit naglakad din papunta sa isa pang kwarto.


"Mark, I think it's here" Sigaw niya para marinig siya nito.

"Anong meron?"

"I don't know. Feeling ko lang dito niya tayo pinapupunta"


Naghanap na agad sila sa buong bedroom ngunit wala silang makitang kakaiba.

"Pinaglalaruan ka lang yata nung hinayupak na yun eh----"


Natigil sa pagsasalita sa mark ng may tumunog sa inaapakan niya.

Lumuhod siya at iniangat ang basahang nakapatong doon.

Isang necklace ang nakita niya.


"Ito na siguro yun" Mark said. Napalapit din si Hannah upang tignan iyon.


He both opened the heart locket.

It was a girl's picture.

Siguro 7 yrs old pa lang ang bata.


"Anak niya siguro..." Bulong ni Mark habang tinititigan nila iyon.

"Anak niya nga" Sagot naman ni Hannah.

"Paano mo nalaman?"


"I found this letter sa likod nung picture ng bata" Binuksan kasi ni Hannah ang picture frame na nakadisplay doon at nagulat siya ng may nakatuping papel.


Tumayo si Mark at tinignan iyon.

Parehas nilang binasa ang sulat.


April 20, 2015.


Dear Keera,

Anak, pasensya na kung hindi na tayo nagkikita. Nahihiya na kasi ako sayo dahil napakawalang kwentang tatay ko. Nung maghiwalay kami ng mama mo ay gumulo na ang buhay ko. Nawalan ako ng trabaho at gabi gabi na akong napapainom. Sinubukan kong magapply ulit ngunit tuwing natatanggap ako ay napapatalsik din ako. Mabilis na kasi uminit ang ulo ko kaya napapaaway ako palagi.

Ngayong gabi, nalaman kong nagpakasal na pala ulit ang mama mo. Hindi ko siya masisisi kung gusto niyang maging masaya ulit. Nakita rin kita sa malayuan anak at mukhang masaya ka na kasama nila.

Basta anak, palagi mong aalalahanin. Mahal na mahal kita at humihingi ako ng tawad sa lahat ng maling ginawa ko sa inyo ng mama mo. Ingatan mo ang sarili mo at magpapakabait ka.

Love, Tatay Arnel.


Parehas naliwanagan si Hannah at si Mark kung bakit nagpakamatay ang lalake. Tumalon ito sa building sa sobrang depression. Wala na kasi siyang pamilyang mababalikan pa. Magisa na lang talaga siya sa buhay.


­"Ibigay na lang kaya natin ito sa mga pulis para maibigay nila sa anak niya?"


"Hannah, tayo naman ang tatanungin kung paano natin ito nakuha. Baka pagdudahan pa tayo. Ang mabuti pa, tayo na ang maghanap sa dating pamilya niya"


Ginamit ni Hannah ang pagiging 'Lopez' niya upang mahanap ang address na kailangan nila.

Taga-Makati lang din pala ang anak nito.


*Dingdong*


Nagkatinginan si Mark at Hannah habang hinihintay mabuksan ang pintuan.

3:30 am pa lang kasi ng madaling araw.


"Sino yan?"

"Mga kaibigan po kami ni Tito Arnel" Pagsisinungaling ni Hannah.


Bumukas na ang pintuan at naluluhang mga mata agad ang sumalubong sa kanila.

Mukha siyang bagong gising pero halatang namumugto na ang mga mata.


"Anong kailangan niyo?" Tanong ng babae.


Ito siguro ang dating asawa niya.

Pagiisip ni Hannah.


"Gusto lang po sana naming ibigay ito sa anak niyo. Pinabibigay po ni Tito Arnel yan. Sinulat niya po yata bago siya mawala"


Iniabot ni Hannah ang sulat at ang necklace.

Bigla namang may tumakbong bata na halatang nagising lang dahil siguro sa pangangambala nila Mark.


"Nanay, ano yan?"


Napaluhod ang babae at umiyak.

Niyakap niya ang anak at nakatingin lang naman ang bata sa kanyang ina.

Dumating naman ang bagong asawa ng babae at nagtatakang lumapit sa kanila.


"Hon, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"


Tumayo na ito at ngumiti lang sa asawa niya.

Humarap ito kay Keera at isinuot ang necklace.


"Bigay ng papa mo, baby" Pagpapaliwanag ng ina. Iniabot niya rin ang sulat at nagtatakbo naman ang bata papasok doon sa bahay nila.


Napalingon si Hannah ng humangin sa gilid niya.

Nakita niya ang lalakeng maaliwalas na ang itsura.

Maayos na ang mukha at katawan nito at ngumiti ito sa kanya.


Nakahinga naman ng maluwag si Hannah at parang sumaya din siya dahil nakatulong siya sa isa na namang pamilya.


Hinintay niyang umalis ang lalake ngunit nakatingin pa rin ito sa kanya.


Asan ang liwanag? Bakit wala ito katulad dun sa batang lalake na natulungan ko rin?


"Matanong ko lang, bakit sa inyo ibinigay ito ni Arnel?" Tanong ng babae sa kanila ni Mark.

"P-po? Eh...ano...di nga po namin alam. Lumapit lang po siya at sinabing iabot ito sa inyo"

Ngumiti na ito sa kanila at tumango. "Maraming salamat"


Naglakad na papunta sa kotse silang dalawa ni Mark ngunit napatigil din siya ng makitang nandoon pa rin ang multong lalake.


"Bakit po hindi pa kayo umaalis? May kailangan pa po ba kayo?" Tanong ni Hannah.


"Huy, sinong kausap mo?" Tanong ni Mark.

"Andito siya" Pagpapaliwanag ni Hannah.


Humarap ulit siya sa kaluluwa.

"Hindi ako makakaalis pa dahil may kasalanan akong nagawa. Nagpakamatay ako. Pagbabayaran ko muna iyon"


Nawala na ito ngunit alam ni Hannah na hindi pa sa langit ang diretso nito.

Tumingin na siya kay Mark at ngumiti.


"Thank you for being here" She said.

"I had fun helping you" Pinagbuksan na siya ng pintuan ng kotse ni Mark. "So...gagawin mo na ba ito palagi?"

"No. Ayoko na. Wala akong intensyon na ipagpatuloy pa ito. Nakakapagod at delikado"

"Well in that case, we should both go home para naman makatulog na tayo"


Sumakay na si Hannah sa kotse.


Napagisip-isip niya na masaya man na nakatulong siya ay hindi niya pa rin gusto ang thought na dumami ang lumapit na kaluluwa sa kanya. Takot pa rin siya at gusto niya talagang hangga't maaari, maging normal ang buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

780 33 53
Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na...
1.7M 89.8K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
575K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
17.1K 751 37
Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manila's Survival Race in order to save her a...