In The Midst Of Chaos (ON-GOI...

By heydiannns

11.9K 310 241

Liele, a young woman pursuing a Bachelor of Science in Accountancy (BSA) while silently battling her own demo... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 4

355 9 5
By heydiannns

Chapter 4

As I glanced at my quiz score, a wave of disappointment washed over me, but I quickly reminded myself that I had no right to feel this way. Kasalanan ko to. Hindi ako nagreview.

Pero kahit anong pangaral ko sa sarili ko at paulit-ulit na tinatatak yon sa isipan ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng pagkadesmaya.

With each incorrect answer, a pang of self-doubt pierced through my determination. I questioned my intelligence, my capabilities, and my worth as a student.

I anxiously fold the paper at tinago iyon sa bag ko when I saw George starring at me.

The tears welled up, threatening to overflow and expose the vulnerability that I had fought so hard to keep hidden.

"Kamusta score mo?"

"A-ayos lang," pilit akong ngumiti. Hindi na rin sya nagtanong o umimik kaya sinubsob ko na lang ang mukha ko sa armchair.

Naging tahimik ako buong klase, bagaman pansin ko ang pagsulyap sa akin ni George ay hindi ko iyon pinansin. Naging napakabilis ng oras, nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papuntang school canteen kasama si George.

"Kanina ka pa tingin nang tingin, para kang tanga." wika ko nang mapansin ang pagtitig nya habang kumakain ako. "Crush mo na ako, 'no? Straight ka na nyan?"

"Nag-aalala lang ako," he said then gave me a disgusted look. "Tsaka hindi tayo talo, uy! Pareho may lawit ang ating nais."

Mahinang tumawa ako.

"Ano ka ba, ayos lang ako. Strong independent woman ata to, 'no!" I said, even though I'm not. It's just, I have to because I have no choice.

Naglalakad kami pabalik ng Accounting Department nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko. Kumunot ang noo ko nang makitang si mama ang tumatawag.

Hindi naman sya tumatawag sa akin, unless may importante syang sasabihin o ibibilin. I hurriedly press the answer button.

"Ma, bat ka po napatawag?"

Lumingon sa akin si George nang marinig ako. Sumenyas ako na umuna na sya paglalakad na sinang-ayunan nya lang ng pagtango.

Narinig kong may sinasabi si mama sa kabilang linya pero hindi ko yon gaanong maintindihan dahil sa ingay ng mga estudyanteng naglalakad sa hallway. May mangilan-ngilan pa ang nakakabangga sa akin dahil sa pagmamadali.

"Sandali lang ma, maghahanap ako ng tahimik na lugar. Wag mong ibababa."

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating sa Engineering Department kung saan mangilan-ngilan lang ang mga estudyanteng naglalakad at nakatambay sa hallway.

Nakuha ang atensyon ko ng dalawang estudyanteng lalaki na nakatambay rin sa hallway, pamilyar ang mukha nila. Nakita ko kung paanong bahagyang sikuhin ng nakasalamin ang katabing lalaki. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki, singkit ito at maputi.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni mama mula sa kabilang linya kaya naagaw nito ang atensyon ko.

"Opo ma, andito pa rin ako. Bakit po kayo napatawag? May problema ba?" tanong ko. Ibinaling ko ang tingin sa suot kong sapatos.

"Umuwi ka na,"

"M-may klase pa po ako ma, hindi po ako pwedeng umuwi agad." giit ko.

"Ay naku! Umuwi ka na at may naghahanap sayo dito. Ang gwapo at mukhang mayaman, manliligaw mo ba 'to?" halata ang tuwa sa boses nya habang nilalarawan ang tinutukoy na lalaki.

Kumunot ang noo ko. Gwapo at mayaman? at ano daw?! manliligaw?

"H-ha? hindi po, wala akong manliligaw ma!" nakita ko sa peripheral vision ko ang muling pagsiko ng nakasalamin sa katabing lalaki.

"Umuwi ka na, Liele, wag mong paghintayin ang bisita. Make sure that after 15 minutes andito ka na."

Magsasalita pa sana ako pero binabaan nya na ako ng tawag. Sabing may klase pa nga ako, e!

Sa inis ay napapadyak ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng dalawang lalaki malapit sa akin.

"Ang cute naman palang mainis ng bebe mo." pang-aasar ng nakasalamin sa katabing lalaki.

Inirapan ko sila. I'm not anyone's bebe!

Tinalikuran ko na sila at asar na naglakad. Bagsak na nga sa quiz, absent pa sa afternoon sa class! Wala na, hindi na ako magiging CPA nito.

Mabigat ang loob na pumara ako ng jeep nang nasa labas na ako ng University. Nagtext na rin ako kay George na hindi ako makakapasok at sabi nya ay ipagt-take notes nya na lang raw ako.

Pumara ako nang nasa tapat na ng bahay, inabot ko na rin ang bayad at mabilis na bumaba. Nadaanan ko ang isang sports car at itim na SUV na nakapark malapit sa bahay.

Napansin ko rin ang limang lalaking nakatayo sa tapat ng bahay, malalaki ang katawan ng mga ito dahilan para kumapit ang itim na suit sa kanilang katawan. Ngunit mas kapansin-pansin ang lalaking nasa gitna, gwapo ito at malakas ang dating.

Ngumiti ito sa akin. "Hi, I'm Zylles-"

Tinaas ko ang kamay ko sa tapat ng mukha nya, "Ayokong lumandi habang hindi pa ako CPA." I said, cutting what he's about to say.

Akmang magsasalita ulit sya pero inunahan ko na sya, "At mas lalong alam ko na rin na crush mo ako."

He looked at me in disbelief then let out a soft laugh. May nakakatawa ba sa sinabi ko?!

"Now I know why he chose you."

"Ha? 'di ko gets,"

"You'll find out later. But for now, you need to follow me." tinalikuran nya na ako at nagpaumuna sa paglalakad while his hand is inside of his pocket.

"She's here, Range." anunsyo ng lalaki nang makapasok kami sa bahay.

Tinignan ko ang lalaking tinawag nyang 'Range'. Shock washed over me as my eyes met his, sitting so casually on our shared sofa. Sya yung boss ni kuya Nyx!

Hinanap ko si kuya Nyx, nang makita sya ng mga mata ko ay kumaway ako sa kanya na tinugunan nya lang ng isang ngiti. Nasa tabi nya na rin yung lalaking kasama ko kanina.

Nang ibaling kong muli ang tingin sa lalaking nakaupo sa sofa ay nakatingin pala ito sa akin. And the moment our eyes locked, his emotionless face and piercing eyes sent a surge of adrenaline through my veins, quickening my heartbeat as if I were standing on the edge of a precipice.

Tinignan nya ako mula baba hanggang taas as if he is peering into the very depths of my soul, unraveling my secrets and desires with just one look.

"You're taking BSA?" he asked.

Lumunok ako ng ilang beses when I heard his husky and deep voice before I nodded.

"What year?"

"T-third year."

"Why?"

"H-ha?" takang tanong ko.

"Why are you taking BSA?" tanong nya, tila nag-aantay ng magandang isasagot ko.

"B-bakit mo ba tinatanong? Crush mo ko, 'no? Sorry, pero hindi tayo talo. Tsaka ayoko munang lumandi habang hindi pa ako CPA."

"So you want to be a CPA?" muli ay tanong nya, inignora ang ilan sa mga sinabi ko. "Nice," A small grin formed on his kissable lips, mabilis lang iyon pero hindi iyon nakatakas sa paningin ko.

Ang gwapo talaga! kung hindi ka lang talaga bading ay tinalo na kita. shit! sayang talaga, yummy pa naman.

"Oh Liele, andyan ka na pala." My mom caught my attention, kalalabas nya lang mula sa kusina dala ang isang tray. Nilapag nya ang juice at brownies na dala sa isang maliit na lamesa na nasa gitna ng sofa. "Magmeryenda ka na muna, hijo."

So, ako hindi nya aalukin? Talagang yang lalaki na yan lang talaga?

Pinagmasdan ko lang kung paano asikasuhin ni mama ang bisita, bagay na hindi nya magawa sa akin.

"Thank you, ma'am." pormal na wika nito.

"Sino ka ba? at bakit ka nandito?" seryosong tanong ko dahilan para makuha ang atensyon nila pareho.

Pinandilatan ako ng mga mata ni mama. "Liele, umayos ka! Wag mong ipakita ang kabastusan ng ugali mo." matalim syang tumingin sa akin dahilan para magbaba ako ng tingin at itinuon na lamang iyon sa black leather shoes na suot ko.

Sinasayang lang nila ang oras ko! Kung alam ko lang ay hindi na sana ako umuwi!

"Pasensya ka na, hijo, sa inasal ng anak ko. Ganiyan talaga yan, bastos at walang-modo." may diing sabi nya.

I smiled bitterly. Hindi ako makapaniwala na kailangan nya akong pagsalitaan nang ganiyan at ipahiya sa harap pa mismo ng mga taong 'to.

"No, it's okay, ma'am. I should be the one apologizing because of my unannounced visit. Pasensya na po."

"Ay naku! ayos lang iyon, hijo. Kung gusto mo, eh araw-araw kang bumisita rito." mahinang tumawa si mama at napailing na lang ako sa kaplastikan n'ya.

I'm tired of her pakitang-tao. Gan'yan na gan'yan sya tuwing nakaharap sa ibang tao.

"Siya nga pala, hindi pa kita kilala, hijo. Ano nga bang pangalan mo at anong sadya mo?" rinig kong tanong ni mama. Hindi pa rin ako nag aangat ng tingin. Paulit-ulit kong tinatap ang sahig gamit ang dulo ng aking sapatos, diverting my boredom on it.

"I am Akill Cursen Hade Bloodmore, I'm here because I want to formally ask for your... daughter's hand, ma'am." tumikhim sya, "I want your daughter to be my...wife."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.3K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.1M 70.5K 81
Diana is an 18 year old girl about to start her senior year until she bumps into a woman at the bookstore who has quite the personality. The woman ta...
308K 18.1K 19
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...