You don't really need someone to complete you, you only need someone to accept you completely.
Preview:
Again, for the nth times, he kissed me.. a gentle and warm kiss.. It was just a few seconds, just a moment in time, but for me, it's heaven
Chapter 38 :
Gab's POV
"Oh ano pare success ba?" sabi ni Nico.
"Ha? anong succes?" maang ko, ngumiti lang si Nico.
"Tahimik ka ata Mikekim? mukang iba na yan ah.." pangaasar naman ni Runo
"Teka, ano ba yun Mike?" takang tanong ko. di ko kasi sila maintindihan. ano bang pinaguusapan nila?
"Mahal kita Gab. Mahal na mahal kita.. Yun yun"
O.O shems! yun naman pala yun e =') ang sarap naman pakinggan! waaaaaah! kinikilig ako!
"Yun oh! Ang sweet mo men!" kantyaw ni Runo. ngumiti lang si Mike, magkahawak kami ng kamay at parehong nakatitig sa isa't isa. parang panaginip lang, parang pangarap ko lang dati.
"Mahal na mahal din kita Mike." maluha luhang sabi ko. napangiti lalo sya.
"Totohanan na yan oh! whew! mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Nico. parang timang lang.. haha!
"Aba mukhang may nagaganap dito ah? ano yun? share nyo yan.." pasok ni Kin. nagkatawanan lang kame.
"Nakaamin na din sa wakas 'tong si Mike! napurnada kagabi e" sagot ni Runo.
"Napurnada? ang alin?" di ko talaga sila maintindihan
"Shut up Runo!" sigaw ni Mike. napakamot ulo lang sya, tingin naman ang iginanti ko kay Mike.
"E kasi Gabril kagabi pa dapat magcoconfess sayo yang si Mike, naudlot lang dahil sayo" sabi ni Kin, napatingin ako sa kanilang lahat. nakangiti lang sila habang patango tango, si Mike naman ayun parang batang nakayuko.
"Kung 'di ka siguro nag walk out malamang nasabi nya na sayo kagabi pa lang." sabat naman ni Nicolo
"Ikaw kasi e" lokong Runo 'to gumatong pa!
Ayan! ayaaaan na talagaaa! papatak na!
"Waaaaaahhh!" parang batang sigaw ko. agad kong niyakap si Mike.
"Sorry Mike! sorry talaga! akala ko kasi.. huhuhu"
"Sshh.. Don't cry Gab, ayos lang yun. mahal pa din kita kahit ganun" mas lalo tuloy akong napahagulgol
Hindi ko alam kung ano'ng nakain ni Mike, hindi ko alam kung bakit bigla syang nagbago sakin, hindi ko alam kung bakit, pero ayos lang yun! kasi mas pabor sakin ang pagbabago nya ngayon =")
***
@The Resort
"Happy birthday Runo!" Bati ng mga bisita
haaay.. ewan ko ba pero parang na-oop ako sa mga 'to! si my labs umalis may pupuntahan lang daw, kanina pa kaya sya wala. nasaan na nanaman kaya yun? (=_=)
"Hey Gab! you look bored.. is there something wrong?" nagulat ako sa biglang paglapit ni Runo.
"Yes! I mean no! ofcourse not, don't mind me Runo, medyo namimiss ko lang agad si Mike kanina pa kasi sya wala e."
"Kita mo nga naman! ang swerte talaga sayo ni Mike, maganda na, mapagmahal pa!" sus nambola pa!
"Nako Runo hindi naman, bolero 'to" nagkatawanan kaming dalawa, awkward lang kasi yung mga girls nakatingin samen tapos parang ang sama pa ng tingin sakin. problema nila?
Sabgay, 'di ko sila masisisi, gwapo naman kasi 'tong mokong na 'to, hindi lang gwapo, sobrang gwapo kamo! tandem na tandem sila ng Mike ko, pareho silang attractive e.. actually, perpekto na nga e, matangkad, macho, hot, yummy, basta! gwapo talaga!
"Hey Gab? are you listening?"
"Yeah, so what is it na nga?"
"You said you're listening huh? but., I don't think so, haha" oops! huli ako dun ah
"Sorry, I just remember something"
"Ahh, so deal?" masayang tanong nya, teka! deal? anong deal yun?
"Sure! why not!" gaga ko talaga! di ko naman alam yung pinagsasasabi ni Runo e, tapos nakipag deal pa ako. haay.. hayaan na nga! di naman siguro ako ipapahamak ni Runo diba?
"Sabi mo 'yan ah? wala na 'tong bawian! bukas ng 5am we will wait you" sabi nya sabay lakad ng mabilis palayo sakin
"Teka! Runo teka lang! 'di ko talaga alam yun! paki linaw please!" tumayo naman ako agad at dali daling hinabol sya, madaming tao kaya hindi ko napansin na nawala na sya sa paningin ko
Nagpalinga linga ako, hanap dito, hanap doon, pero 'di ko talaga sya mahanap. langyang birthday boy 'to! napakaloko! lumakad ako pabalik sa table kung saan ako nakaupo.
"Ang loner ko ngayon, si Kin at Nico may sariling mundo, eto naman si my labs ang tagal tagal bumalik!" pasalampak akong umupo sa upuan
Mag isa lang ako sa table sila Kinah kasi nagaayos pa e, medyo napaaga lang talaga ang labas ko, kakanta pa ang banda namin maya maya lang kaya yung mga kabanda ko busy din. maaga pa naman kasi kaya eto paupo upo lang ako.
"Ma'am drinks po?" alok sakin nung waiter
"Juice lang" sagot ko. nakangiti nyang iniabot ang baso ng juice, ngumiti ako bilang pasasalamat
Masyadong madaming tao dito sa resort, nasa labas kasi ang venue ng party ni Runo e, kaya medyo maginaw. 6pm na din ng gabi mamayang 9 may special number kame ng banda ko tapos si my labs wala pa :"(
"OHO! OHO! OHO!" bigla akong nasamid dahil..
(OO)
sa nakita ko..
napatigil ako sa pag inom ng biglang dumaan ang isang lalakeng..
"Ah hindi! kamukha lang siguro nya, kamukha lang siguro ni kuya"
Napadaan lang siguro yun, malayo sya tapos medyo madilim pa yung lugar, malamang namalikmata lang ako.
"Pretty Gab!" napukaw ang atensyon ko kay Lex, isa sa mga kabanda ko
"Bakit kinakausap mo ang sarili mo?"
"Ha? hindi ah" tipid na sagot ko.
"Sus! kita ko nga e. tara practice na tayo?"
Tumayo na ako at sumunod sakanya, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din maialis ang tingin ko sa direksyon kung saan nakita ko yung lalaking kamukha ni kuya Gabriel :"(
"Gab careful baka mabangga ka." Lex
"OUCH!"
Huli na ang lahat, nabunggo na ko. "ANG SAKIIIIT"
"Gab ayos ka lang? sorry Gab I didn't mean to hurt you" si Mike pala yun, di ko nakita kasi nakatingin ako sa malayo e
"Gab you okay?" alalang tanong ni Lex. nakakatuwa naman, pareho silang nagaalala (^.^)
"My laaaaaabs!!!!!!!!!" sigaw ko sabay yakap sakanya, sorry naman namiss ko lang talaga sya e, pagbigyan nyo na. hehe :">
"Seems like you missed me that much huh?" ang lokong 'to nangasar pa!
Pero tama ka Mikekim Tan! namiss talaga kita ng sobra.
"You left me for a couple of hours, do you think I will never missed you?" sarcastic na tanong ko, ngumiti lang sya at niyakap ako
Gustong gusto ko talaga ang mga yakap nya, kahit paulit ulit, kahit pa maya maya, hinding hindi ako magsasawa
"Ehem! ehem! nakalimutan nyo yatang nandito ako? hahaha!"
Shems! oo nga!
"Oops sorry Lex" natatawa tuloy ako
"Osige, mauuna na ako sa backstage, magusap na muna kayo, basta sunod na lang kayo ah? panira ako dito e" lumakad na sya papunta ng backstage, kame naman naiwan sa gilid
Chances are mine! namiss ko talaga 'tong lalakeng 'to.
"Gab?" mahinang tawag ni Mike sa pangalan ko, magkaharap kaming dalawa habang hawak nya ang dalawang kamay ko..
"My labs bakit?" shemay! yung titig nyang yan ang nakakapagpabilis talaga ng tibok ng puso ko e!
"I missed you too baby, I missed you everytime you're not with me"
(*,*) aaaaayy.. ang sweeeet..
He missed me daw :">
Tapos tinawag pa nya akong baby.. HEAVEN!
"Ikaw talaga my labs! ang sweet sweet mo!" kinikilig nanaman tuloy ako, kainis naman 'tong si my labs ang lakas magpakilig! hehe :")
"Halika na? diba may practice pa kayo?" ay oo nga pala! muntik ko ng makalimutan!
"Sige lika na?" hinatak ko na sya papasok sa loob
"Teka may nakalimutan ako" sabi nya, napatigil ako
"Ano yu----"
Again, for the nth times, he kissed me.. a gentle and warm kiss.. It was just a few seconds, just a moment in time, but for me, it's heaven.
***
Hello there! kamusta na kayo? pasensya na po at matagal akong hindi nakapagUD, busy kasi nung Finals e. I think mapapadalas ang Ud ko ngayon, bakasyon na kasi e.
Salamat po sanagaantay ng UD ko, labsyow! Godbless and take care =]
- MSHopeless