Ruling the Game

Por Azureriel

28.7K 432 833

Walang blurb para exciting. -Azi Más

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 2

1.9K 27 58
Por Azureriel



Chapter 2





"WHAT? Meyer High University? Did I hear it, right, Tita?"


"Maayos pa naman siguro pandinig mo, hijo, hindi ba?"


"Of course, Tita, but... this girl? MHU? Really?"


Really makakasama ko siya? Umay!


"It's a good university. Besides nandoon ka rin kaya mas mabuting doon na siya mag-transfer."


"Hindi iyon okay, ano?"


"May sinasabi ka ba, hijo? Para ka kasing bubuyog na bumubulong."


"W-Wala po, Tita. But yeah you're right naman po. It's a good school—a prestigious university for elites. Pero depende pa rin po kung gusto talaga ni Kessiah mag-aral doon. After all, we are not the one to de—"


"Yes, she is. Actually choice n'ya na roon pumasok ngayong taon."


Literal na nanlaki ang mata ko sa gulat at napatingin sa babaeng kaharap kong kumakain. Wala pa rin itong reaksyon sa mga usapan namin ni Tita at animo'y invisible kami sa paningin niya.


"Hey, really? You chose that univ?" I asked in disbelief, feeling frustrated.


Kasama ko na nga siya rito sa mansyon, hanggang eskwelahan pa rin ba? I just stared at her looking upset when she suddenly stabbed the innocent pancake. Nawala ang angas at tapang ko sa paraan ng pagtingin niya. Ang lamig ng mga mata niya na para bang kahit nandito si Tita ay itatarak niya sa dibdib ko ang kutsilyo.


"Problem?"


"Wala."


Sh*t! Bakit ba ako nagkakaganito kapag siya ang kaharap.


Sanay akong makipag-away ng pisikalan sa labas. Kahit ilan pa iyan kaya ko. Pero sa tingin lang ng babaeng ito, para akong tigre na nagiging pusa pagdating sa kaniya. And I f*cking hate that!


"Sige na, maiwan ko na muna kayo. I'm gonna go up-stairs na to change. Enjoy your meal." Humalik lang sa pisnge ko si Tita at umakyat na. Muling natahimik ang paligid pagkaalis nito.


"So you really chose that school, huh? Hindi naman halata na gusto mo akong makasama." Tumaas ang isang sulok ng labi ko habang nakasandal sa sandalan at naka-cross ang mga braso.


"You can assume things, it's free. But don't end up being delulu. It's not good, bro."


"What... did you just... say?"


Hindi niya ako pinansin at tumayo na. Napamura na lang ako nang tuluyan na niyang iniwan. I just finished my meal and after that I had a call from my friends. Nasa labas na raw sila ng bahay. Sinurpresa ako ng mga gago. Akala mo naman nakakatuwa. Pupunta ba naman nang walang dala. Sawa na kami sa mukha ng isa't isa pero mas okay na ito kaysa si Kessiah ang makita ko.















"Gigil ah," pansin ni Gelo nang ratratin ko ng baril ang kalaban.


We were playing Call of Duty in my room. Magba-basketball sana kami kaso kaka-restock ng beer sa fridge dito sa kuwarto ko kaya nauwi kami sa inom at laro.


"She will be in MHU sooner."


"Magta-transfer siya?"


"Ano pa nga ba?"


"Wow huh. So doon ninyo itutuloy love story n'yo. Baka magligawan pa kayo sa campus niyan."


"Anong love story? Baka hate story pa kamo. Saka ligaw? Tss."


"Bakit hindi ba?"


"Of course, I won't." Napamura ako nang matalo sa laro. "Daldal n'yo kasi nabaril tuloy."


"Kami pa talaga sinisi mo," reklamo ni Vaughn. "Pero what if nga mahulog ka sa kaniya? Tapos syempre kapag gusto mo na siya liligawan mo na."


"Kanino kay Kessiah? Sira ka ba, Vaughn? Si Kessiah liligawan ko? Kilabutan ka nga."


"Talaga ba?" asar pa nito at nagtawanan silang tatlo.


"Ako na mismo nagsasabi, kakain ako ng buhangin kapag nahulog ako sa babaeng iyon."


"Confident ah. Siguradong-sigurado na hindi magkakagusto."


"Kahit singhutin ko pa iyong usok ng eroplano," gatong ko pa at umayos ng upo sa gaming chair. "Makita nga lang siya nabubwisit na ako. Magustuhan pa kaya."


"Fiancee mo naman. Ayiee!"


"Isahan mo pa, Jak. Ihahampas ko na iyong keyboard sa 'yo. Puro kayo Kessiah."


"Speaking of Kessiah, kanina pa natin siya pinag-uusapan pero hindi pa rin namin siya nakikita. Nasaan ba siya?" tanong ni Gelo na kanina pa nananahimik sa gilid. Akala ko nga umuwi na sa kanila.


"Sa kuwarto. Hindi n'yo siya makikita kasi nagkukulong siya roon 24/7. Lumalabas lang kapag kakain."


"Baka nag-a-adjust pa. Kagagaling niya lang Japan, 'di ba?"


"Siguro. Paki ko pati sa kaniya. Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Laro na lang tayo."


Naglaro lang kaming apat na may kasamang murahan. Tapos tamang nuod lang ng bold. Typical boys session. Umuwi rin sila noong hapun. Hinatid ko lang sila sa gate sa baba tapos pumasok na. Sakto namang bukas ng kuwarto ni Kessiah nang mapadaan ako sa hallway. Halata sa kaniya na nagulat sa bigla kong pagsulpot pero agad din naman niyang inayos ang sarili.


"Bakit?" masungit na tanong nito na akala mo mananapak.


"Wala. Masama tumingin?"


Hindi siya sumagot at bumalik lang ulit sa kuwarto. She didn't close her door so I thought she was inviting me to come inside— so I did.


"What the heck are you doing here?" she asked when she finally realized.


"Akala ko kasi pinapapasok mo ako."


"Of course not." Naupo siya sa harap ng kaniyang computer at nagsuot ng headphones.


"Oh so you're playing COD. I didn't know na marunong ka n'yan."


Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro. I looked around and noticed how dark her room was. Well, what should I expect from someone who always wears black.


"You don't like girly stuff, 'no?" pansin ko. "Wala akong makitang pink eh."


Hindi pa rin siya umiimik at tutok pa rin sa laro. Mukhang wala siyang planong kausapin ako kaya pinanuod ko na lang ang ginagawa niya. Medyo nalibang na nga ako sa panunuod dahil ang galing niya. Akala ko kanina marunong lang but no, she was playing like a pro, dude.


"Iyan barilin mo!" sigaw ko dahil nadala na nga ako. "Tangina tirahin mo iyon, Kessiah!" Hinampas ko siya sa balikat. "Ay sorry." Itinaas ko ang mga kamay nang tapunan ako nito ng masamang tingin.


"Masyado yata akong nadala."


Naglakad-lakad na lang ako at tiningnan ang ayos ng kaniyang kuwarto. Natuon ang atensyon ko sa isang painting na nakasabit sa dingding. It was a sunset with a rainbow. I found it weird so I tried to hand that but she stopped me.


"Don't touch my thing."


Para akong napasong inilayo ang kamay roon. She was still playing with headphones on kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman eh nakatalikod siya.


"Rule No. 1: Huwag mong pakikialaman ang mga gamit ko."


"Fine."


Hindi na siya umimik pa at patuloy lang sa paglalaro. Mukhang wala na siyang planong kausapin ako kaya lumabas na lang ako. Napahinto naman ako sa paghakbang at agad na napabalik sa loob nang maalala ang isang bagay.


"Wait, you said Rule No. 1, right? So that means may iba pa. What are those?"


"Too interested, huh?"


"Mas okay lang na aware ako—tayo. We both have our boundaries. Mas mabuti ng alam natin ang lugar ng isa't isa so we won't cross the line, miss."


Pinaikot niya ang upuan paharap sa akin habang prenteng nakasandal doon. Ewan ko kung bakit parang biglang bumagal ang oras nang mga sandaling iyon. Napalunok ako habang nakatingin sa mga mata niya.


"Shit," I cursed in my head when she smirked.


Bakit ang angas niya? Siguro kung babae ako nahulog na ako sa isang ito. She was just wearing an oversized printed black shirt with headphones on but her charisma was already screaming. Binasa nito ang labi bago nagsalita.


"We will see." Tinalikuran na niya ulit ako at bumalik na sa ginagawa.


Nag-marcha na ako palabas at isinarado ang pinto. I headed to my room and locked myself there.


"Fuck," mura ko nang maramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko.


Hindi mawala sa isip ko ang mukha niya. That smirk and her small gestures. F*ck! Those are f*cking breathtaking. Ewan basta ang angas niya lang. Ang lakas ng dating. But I don't like her, okay? I just noticed her karisma—her duality!


"Ano kaya hitsura niya kapag suot niya shirt ko?"


"The heck! Why am I thinking that."


Nakipag-away ako sa sarili pero sa huli ay nakipagtitigan pa rin ako sa kisame habang bini-visualize kung ano ang magiging hitsura niya habang suot ang t-shirt ko.


"Argh! Kye, enough," sermon ko sa sarili at tinakpan ang mukha ng unan.


Napamulat ako nang may mag-alis ng unan sa mukha ko. Bumungad sa aking pagmulat ang mukha ni Kessiah.


"Good morning."


Bumangon ako at napahawak pa sa ulo nang kumirot iyon. Pinasadahan ko ang kaniyang kabuuan at nangunot ang aking noo nang makita ang suot niya.


"Is that my shirt?"


Parang bigla siyang nahiya. "Uhm, yeah. Sinuot ko na. Okay lang ba?"


Bakit ang lambing yata ng boses niya ngayon?


"Kung hindi, don't worry willing naman akong hubarin."


"Here?"


"Ah no. Naka-panty lang kasi ako." Namula ang pisnge ni Kessiah.


Bakit ang cute niya yata ngayon?


"Kye." Hinampas ako nito ng unan.


Bwisit akong bumangon at pinukulan siya ng masamang tingin.


"What's wrong with you, miss?" iritable kong tanong.


"Kanina pa kita ginigising."


"Wait, was I just dreaming?"


"Malay ko sa 'yo. Sumunod ka na sa baba. Breakfast is ready."


With her cold tone now, malinaw na sa akin na panaginip lang iyong kanina.


"Wait!" tawag ko at nakasimangot naman ako nitong nilingon.


"What?" salubong ang kilay na tanong nito nang pasadahan ko ang kabuuan niya.


"Oversized shirt."


"And?"


"Naka-panty ka lang ba?"


Gusto ko pa sanang bawiin ang sinabi ko pero may tumama na sa mukha kong tsinelas. Hindi na ako naka-react sa gulat. Pinanuod ko na lang siyang lumabas ng aking kuwarto.


"Fuck, Hashiro Kye, why did you ask that?"


Ginulo ko ang buhok sa stress at dumiretso sa banyo upang ayusin ang sarili. Pagbaba ko ay nadatnan ko siyang nagkakape sa breakfast table. Nahihiya akong lumapit dahil sa tinanong ko kanina.


"I'm sorry. It was just an intrusive thought."


Napatigil sa paghahalo ng kape ang babaeng kaharap ko sa lamesa. Tinapunan ako nito ng masamang tingin.


"Intrusive thought?" she asked and smirked in disappointment. "So iniisip mo talaga na naka-panty ako? My god! I can't believe na ganiyan ang laman ng utak mo eh ang aga pa masyado."


"No, it's not like that, okay? Uhm... I just had a dream... about you. Pero hindi na importante iyon."


Pasalamat ako na dumating na sila tita. Nalihis sa akin ang atensyon ni Kessiah. Ang aga-aga ganito na agad napasok ko.


"Anong plano mo today, hijo?" tanong sa akin ni Tita Amanda habang kumakain kami.


"Lalabas lang po kasama ang barkada. Basketball ganoon. Tapos tambay kila Vaughn bago umuwi. Dating gawi lang po."


"Hmm... why not isama mo kaya si Kessiah?"


"P-Po? Isama?"


"Yeah, para naman makalabas din itong si Kessiah. Palagi na lang nandito sa loob eh."


"Edi lumabas siya."


"Hashiro Kye."


"Eh, Tita, malaki na 'yan. Ano iyan bata na ipapasyal ko sa labas?"


"Isasama mo si Kessiah sa gala mo."


"But, Tita, boys out iyon. Saka mukha namang ayaw rin ni Kessiah na sumama. 'Di ba, Kessiah, mas gusto mo sa room mo?"


"Sasama ako."


Napamura ako sa isipan nang marinig ang sinabi nito.


"What?" I asked with my furrowed brows.


"I don't need to repeat what I've already said."


"Oh nand'yan na pala mga kaibigan mo." Tumayo sila Tita para salubungin ang mga ito. Mukhang magtutulong pa iyong dalawa para makumbinsi rin ang mga kaibigan ko.


"Pinaglalaruan mo talaga ako, 'no? Alam ko naman na hindi mo talaga gustong sumama. You just want to annoy me. And yeah you won, you succeeded. Bwisit na bwisit ako."


"Wala pa nga akong ginagawa nabubwisit ka na. Paano pa kaya kapag mayroon na?"


"What do you want?" pigil na pigil ang inis kong tanong.


Tumaas lang ang isang sulok ng labi niya. Dumating na sila Tita kasama ang mga kaibigan ko kaya tuluyang naputol ang pag-uusap namin.


"Nakausap ko na iyong mga friends mo and okay lang naman sa kanila na isama si Kessiah, right boys?"


"Of course, Tita Amanda. Malakas ka po sa 'min eh."


"Yeah, and besides gusto rin naman naming maka-bonding si Kessiah. After all she is Kye's fiancee."


"Don't worry, Tita Merideth, kami ang bahala sa kaniya. We will take care of her po."


Napabuga na lang ako ng hangin sa inis. I feel betrayed! Akala ko pa naman tutulungan nila akong hindi mapapayag sila Tita.


"Kye, hijo?" untag sa akin ni Tita Amanda.


"S-Sige po." Ngumiti ako kahit masama ang loob.


We used Vaughn's truck. Hindi na ako nagdala ng sasakyan para hindi hussle sa parking. Pagdating namin sa gymnasium ay kaagad na kaming nagpalit ng damit. I saw Kessiah roaming around the court. Sinabihan ko na naman siya na huwag magdidikit sa akin.


"Infairness, bro, maganda nga siya," sabi ni Jak bago pinasa sa akin ang bola.


Nilingon ko si Kessiah na nakaupo sa bench at nagce-cellphone.


"Tss, not my type." I dribbled the ball and tried to break his defense. Pinapasok ko ang bola sa ring nang magkaroon ako ng pagkakataon.


"MVP ka talaga."


Two-on-two lang ang laban namin. Half court lang din ang aming gamit dahil may gumagamit nung kabila. Nasa iisang varsity team lang kami nila Vaughn at Jak. Gelo was not into sports pero kaya niya pa rin namang makipagsabayan sa amin. Nagpapawis lang kami. Nahagip si Kessiah ng mata ko na naglalakad palayo.


"Saan ka punta?" tanong ko, hindi dahil concern ako kundi dahil baka kung saan siya magpunta.


Paano kung hindi bumalik agad tapos sa akin hanapin nila Tita? Edi ako naman ang napagalitan. Teka, bakit ko ba ini-explain sarili ko rito? Ito naman kasing babaeng ito sasagot lang tatanga pa sa akin ng ilang segundo.


"Bibili lang ng tubig."


Tinanguan ko lang siya at bumalik na sa paglalaro. We were casually playing when we heard chaos from the other side of the court. Napatigil kami sa paglalaro at napatingin doon. May maliit na lalakeng mukhang nerd ang pinapagalitan. Sa lakas ng boses niyon ay hanggang sa pwesto namin ay rinig.


"What's going on?" tanong ni Jak na lumapit pa sa pwesto namin upang mas makita at marinig.


"Mukhang may bagong napagdiskitahang i-bully sina Brandon," naiiling na sagot ni Vaughn na hawak ang bola.


"Taka naman kasi ako roon sa mga taong nagpupumilit mapabilang sa grupo ng isang iyan."


"Siguro nga may mali siya pero hindi pa rin sapat na rason iyon para i-bully siya. Masama lang talaga ang ugali nila. Iyon ang totoo."


"Kawawa 'yan." Napailing-iling na lang ang mga kasama ko.


"Gusto mong bumiling sa amin eh simpleng lay up lang hindi mo kaya. And look at you, you looked f*cking weak. Hindi pwede sa grupo ko ang kagaya mong lalampa-lampa."


"Please give me another chance. Gusto ko talagang maging kaibigan kayo."


"Alam mo pwede ka sana naming mapakinabangan. Pero sa ginawa mo... hindi. Akala mo siguro hindi makakaabot sa amin na pinagkakalat mo sa iba na tropa mo na kami at parte ka ng grupo. Hindi ka nabibilang dito kaya tigilan mo ang ilusyon mo."


"K-Kung hindi n'yo ako isasali sa grupo ninyo, isusumbong ko kayo sa awtoridad na gumagamit kayo."


"Gago ka pala eh." Mas hinigpitan nito ang pagkakakwelyo sa lalake. "Eh kung tapusin ka na kaya namin ngayon pa lang." Sinikmuraan nito ito.


Nakisali na rin iyong iba pa nitong kasama. Hinang-hina itong ibinangon nung mga lalake at hinarap kay Brandon. Inabutan ito ng baseball bat ng isa pang lalake.


"Ang lakas ng loob mong bantaan kami, ano?"


"Patawad! Hindi ko na uulitin. A-alis na lang ako. Pakiusap tama na," nanginginig sa takot na pakiusap ng lalakeng dumudugo ang mukha.


"Huli na dahil inubos mo na ang pasensya ko!" Hinataw nito ng bat ang lalake pero bago pa man ito tumama rito ay tumalsik na iyon nang may kung sinong bumato ng bola kay Brandon.


"Gago sino 'yon?" galit na tanong nito.


Lahat kami ay nagulat sa pangyayaring iyon at napatingin sa pinanggalingan niyon.


"Sh*t!" mura ko nang makita si Kessiah sa gilid ng court katabi ang basket ng mga bola.


Dumampot pa siya ng isa at pinaglaruan iyon.


"Tangina, ikaw ba ang bumato?"


Imbis na sagutin ay binato siya ulit ni Kessiah at tumama iyon direkta sa mukha niya. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi man lang nito nagawang umilag. Natagpuan na lang namin si Brandon na nakabulagta sa sahig.


"Master, ayos ka lang?" Kaagad itong nilapitan ng mga kasama. "Dumudugo ilong mo, Master Brandon."


"Gagong babae iyon ah."


"Master Brandon? Tss." Tumaas ang isang sulok ng labi ng babaeng naka-oversized shirt na itim, cargo pants, at coffee sneakers.


Bored nitong tiningnan ang mga ito habang nakapamulsa. Wala akong mabakas na takot sa mukha niya.


"Gago ka," nanggigigil na sambit ng lalakeng nakalupagi pa rin sa sahig at sapu-sapo ang dumudugong ilong.



"Sanay nasagot ko ang tanong mo, Master Brandon." Ngumisi si Kessiah nang mapang-insulto.


Tumayo si Brandon at naglakad palapit kay Kessiah.


"Alerto kayo," sabi ko sa mga kasama ko.


"Naku po. Mukhang gera na 'to."


"Kaka-adjust lang ng brace ko ah. Please lang."


"Tumigil ka nga, Vaughn. Tingin mo ba may paki sila sa brace mo kapag sinapak ka ng mga iyan?"


"Baka pagalitan ako ng mama ko."


"Hanap ka bagong mama, Gelo."


"Hayss, magsitigil nga kayo," saway ko roon sa tatlo.


Ganito na nga ang nangyayari nagagawa pa nilang magbiruan.


"Ang lakas ng loob mong—"


"Hindi naman ako kagaya mo na mahihina lang ang kaya."


"Tarantado ka ah."


I held his wrist before his hand landed on Kessiah's face.


"Aba't—"


"Akala ko babae lang ang madada, pati pala ikaw."


"Huwag kang makialam dito, Villafuerte."


"Ayoko sanang makialam pero... " Nilingon ko si Kessiah.


"Kilala mo itong babaeng 'to?"


Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot at inatake na kaagad ako. Kanina pa siya gigil na masaktan si Kessiah kaya naman ngayon na nakialam ako ay sa akin niya ibinuhos ang galit niya. Madali ko namang naiwasan iyon at inundayan siya ng suntok.


"Gago ka, Villafuerte!"


"Sige murahin mo lang tatay ko." Nilapitan ko si Kessiah at hinawakan sa kamay. "Uwi na tayo," kalmadong sambit ko at hinikit na siya palayo sa lugar na iyon.


Hangga't maaari naman kasi talaga ay ayokong masali sa gulo, lalo kung ganito na madadamay ang mga kaibigan ko. May posibilidad din na balikan pa kami pagkatapos nito kapag talagang tinuluyan namin ang pagbangga sa grupo nila Brandon. Kilala silang Gang sa school kung saan kami napasok kaya sigurado akong malaking gulo kapag na-involve kami sa kanila.


"I can walk alone. You don't need to hold my hand. Hindi naman ako bata."


"Yes, hindi ka bata. Baby kasi kita."


"Ulol!" pabulong na singhal nito sa akin.


Natawa naman akong mahina, feeling satisfied dahil siya naman ngayon ang naaasar.


"Oh baka kiligin ka hindi naman ako seryoso sa—"


Natigilan ako nang may kung sinong bumato sa amin. Literal na nanlaki ang mata ko nang makitang nasalo iyon ng babae kasama ko. Nakatalikod siya, kausap ako. Paano niya malaman na babatuhin siya? Grabe ang sense at reflex niya!


Dahan-dahan itong pumihit paharap sa mga ito. Natahimik iyong mga lalake at natulala sa gulat. Bakas sa mga mukha nila ang takot nang tingnan sila isa-isa ng babaeng kasama ko.


"S-Sino ka ba?" tanong isa.


"Hey!" sita ko nang humakbang siya pabalik sa mga ito. "Uuwi na tayo, okay?"


Hindi siya umimik at tiningnan lang ang kamay kong nakahawak sa pulsuhan niya bago nag-angat ng tingin sa akin. Bigla akong nanlamig sa hindi maipaliwanag na dahilan at kusa siyang binitawan.


"Baka mapano iyon."


"Hayaan mo."


"Luh!"


"Ikaw na babae ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?"


"Lumuhod kayo."


"A-Ano?"


"Lumuhod kayo at mag-sorry."


"Nababaliw ka na ba? Ano kami uto-uto na susunod sa 'yo?"


"Fine." Tumalikod na si Kessiah at naglakad na palayo.


"At tingin mo ba papayag kami na basta-basta ka na lang aalis?"


Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pasugod na si Brandon. Bago pa man ako makatakbo palapit ay pumihit na si Kessiah at nakapamulsang sinalubong ito ng sipa. Tumama iyon direkta sa mukha niya. Lahat kami ay natulala sa gulat. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang paglagutok ng buto sa leeg ni Brandon.


"Grabe ang smooth nun. Sobrang effortless nung sipa niya."


"Bale leeg nun sigurado. Umikot ba naman."


"Kapag panget maging mabait na lang ah," sambit ni Kessiah at nagtawanan ang mga lalakeng kasama ni Brandon.


"Tangina! Bakit kayo tumatawa?" magagalit pa sana ito pero nawalan na ng malay sa lakas ng sipang natamo.


"Luhod," malamig na utos ni Kessiah.


Mahina lang iyong pagkakasabi niya pero kikilabutan ka. Akala ko ay hindi makikinig ang mga ito pero napamura na lang ako nang mahina nang magsiluhod nga ang mga gago. Walang nagawa ang master nila sa babaeng ito, paano pa kaya sila?


Lumuhod ang mga ito at humingi ng tawad doon sa lalakeng binu-bully kanina. Matapos ang gulo ay umalis si Kessiah ng court na parang walang nangyari. Kaagad naman kaming sumunod at naabutan namin siya sa parking kung nasaan ang sasakyan.


"Why did you f*cking do that? Hindi ka na dapat nakisali. Paano kung napahamak ka?"


"Napahamak ba ako?"


"No, pero—"


"Hindi ako kagaya ninyo, Mr. Villafuerte. I couldn't just stand there and watched someone being bullied by those f*cking assh*les. Hindi ako duwag gaya ninyo." Tinalikuran na niya ako at pumasok na sa sasakyan.


Hindi ako nakagalaw kaagad sa mga sinabi nito. Her words hit me hard. Hanggang makauwi ay isip-isip ko ang sinabi niya. May punto naman kasi siya. Kanina pa kami roon pero hindi kami nakialam at pinanuod lang namin. Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko.













"Advice lang, bro, ah pero tingin ko mas makabubuti sa 'yo na bumait kay Kessiah."


"Oo nga, mamaya masampulan ka nun ng flying kick niya kay Brandon, ikaw rin utas ka."


"Tss, magsitigil nga kayo," tugon ko sa mga kaibigan kong kausap sa video call. "Wait, natawag si Tita."


Inisod ko ang gaming chair at inabot ang nari-ring na telepono.


"Hello, Tita."


"Baba na. Kakain na tayo."


"Sige sunod po ako, Tita." Binaba ko na ang tawag at nagpaalam na sa mga kaibigan ko. "Kain na raw kami."


Naabutan ko silang kompleto na sa kusina.


"Good eve, Tita." Lumapit ako at humatak na ng upuan.


"Hey, is that a bruise? At bakit putok ang gilid ng labi mo? Napaaway ka na naman ba?" Hinawakan pa ni Tita Amanda ang mukha ko upang mas makita iyong mabuti. "Naku nakipagbasag-ulo ka na naman. Tingnan mo tuloy ang nangyari," sermon nito sa akin.


"Tita, malayo sa bituka iyan."


"Kahit na. Sinuwerte ka lang ngayon. Paano kung sa susunod may kutsilyo o baril pala iyong nakaaway mo? Paano ka na?"


"Edi ipalibing— aray."


"Umayos ka, Hashiro Kye. Palagi ka na lang napapaaway. Paano kung nadamay itong si Kessiah? Kung masaktan."


"That won't happen, Tita."


"I know. Alam ko namang hindi mo siya pababayaan, hijo." Nakangiting hinaplos ni Tita Amanda ang mukha ko.


"Mabuti pa kumain na tayo. Baka lumamig pa ang sabaw," sabi ni Tita Merideth at naupo na nga kami para pagsaluhan ang mga pagkaing niluto nila manang.


Tiningnan ko ang babaeng kaharap ko na tahimik lang na kumakain. She was acting na para bang walang nangyari—na parang wala siyang binasag na mukha kanina.


"Malapit na ang pasukan. Nakapag-enroll ka na ba, hija?"


"Hindi pa po."


"Ganoon ba? Hijo, samahan mo nga si Kessiah mag-enroll."


"Luh! Ano 'yan bata?"


"Hijo." Pinaningkitan ako ni Tita.


"Sige po." May choice ba 'ko?


"Kess, hija, sabay na kayong mag-enroll ni Kye. May online enrollment naman pero iba pa rin kapag personal kang pupunta. Para na rin naman ma-familiarize ka sa campus, right hijo?"


"Opo."


"For sure this will be an exciting year dahil magkasama na kayo sa iisang university."


"Tama ka d'yan, Merideth."


Ewan ko lang ah.













"Kess, matagal ka pa ba?" sigaw ko sa labas ng pinto ng kuwarto niya.


Alas-nuebe usapan namin pero alas-nueve na hindi pa rin siya lumalabas.


"Mauuna na ako sa baba. Kapag wala ka pa ng nine-fifteen iiwan na kita."


I waited in my black sedan for a few minutes, watching the time from my wristwatch.


"9 : 14 na. Mukhang hindi na darating ang isang i—" Natigilan ako nang matanaw siyang naglalakad palapit. Binuksan niya ang pinto sa shotgun at pumasok. "Okay ka na?" tanong ko at tanging tango ang sinagot niya sa akin.


Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan namin. This scene reminded me of what happened that night between us in this car. Pansin ko na parang nailang din siya kaya alam kong naalala rin niya iyon.


"Do you want me to drive? Para kasing wala kang planong umalis."


I gulped and started the engine. "Napaayos ko na itong kotse ko. Don't do it again, miss. Hindi ako natutuwa," sabi ko habang inilalabas ang sasakyan sa gate.


"Huwag gawin ang ano?"


"Tss. Stop acting innocent. Alam ko namang ikaw ang bumutas ng mga gulong nitong sasakyan ko. You f*cking stabbed my tires, Kessiah." Pinaikot ko ang manibela na nagpalabas sa ugat sa kamay at braso ko. "Why?" tanong ko nang mapansing nakatitig siya roon.


She averted her gaze. "Nothing."


Naging tahimik ang byahe namin hanggang makalabas kami ng subdivision. Well, I was with Kessiah, the ice girl. Ano pa bang aasahan mo?


"MHU talaga?" pagbasag ko sa katahimikan habang nagmamaneho. "I mean... marami namang ibang magagandang school like CCS. Would you not consider that? My step-mom is the current President of that school. I can talk to her and reco—"


"I want MHU, and that's final."


"But why? Lemme guess, gusto mo talaga akong makasama, ano? Amin na kasi. Tayo pa ba magpaplastikan?"


"I have friends there. I mean... I had."


"Friends? Mayroon ka pala nun?"


"Yeah, but they already graduated a few years ago."


"Really? What course?"


"Aero and Legma."


"What?" Ang tipid kasi magsalita. Mamaya isipin ko pa aerobics iyon.


"Aerospace Engineering and Legal Management."


"Oh, I see. Hindi naman halata na matatalino mga kaibigan mo."


Hindi na siya umimik pa at nagsuot na ng headphones. Hindi naman halata na ayaw akong kausap. I just didn't mind her and focused on my driving. Paghinto ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba at naglakad na palayo ng wala man lang paapaalam.


"Samahan ko raw pero ako itong iniwan." Lumabas na ako at isinara ang pinto.


Maayos ang system ng enrollment process kaya madali kaming natapos. Nakipagbatian lang ako sa mga kakilalang nakakasalubong, mga mag-e-enroll din ngayong sem.


"Napaano naman 'yan?" tanong ng blockmate ko.


"Nakabangga ko grupo nila Brandon. Pero napuruhan ko naman kaya ayos lang."


"Iba ka talaga, men. Anyway, may bagong recruit ang kabilang varsity tapos mukhang malakas daw maglaro. Balita ko pa nga..."


Nilingon ko si Kessiah na nakapila sa registrar. Ang liit niya sa malayong distansya. Tatawa na sana ako nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin. Kanina pa ba niya alam na nakatingin ako?


"Bakit ko ba kasi nakalimutan na malakas ang senses ng isang ito?"


Hinintay ko lang ang form ko at nagpaalam na sa mga kakilala ko.


"Are you done?" tanong ko kay Kessiah.


Tumango lang siya habang hawak ang papel at kasalukuyan naming binabaybay ang mahabang corridor. European ang architectural design ng university hindi kagaya ng CCS na mas moderno ang hitsura, pero hindi rin naman kami nagpapahuli pagdating sa technology.


"Tapos na rin ako."


Hindi ito umimik kaya para tuloy akong timang na nakikipag-usap sa hangin.


"You know what hindi ko alam kung paano ka nagkaroon ng kaibigan sa ganiyang... nag-uusap ba kayo?"


"Need ba?"


"You're unbelievable."


"We're friends that's it."


Pinindot niya ang button ng elevator at pumasok kami roon. Nakakabingi ang katahimikan.


"Hindi mo ba tatanungin course ko?" pag-iba ko sa usapan dahil mukhang hindi naman siya interesadong pag-usapan ang tungkol sa mga kaibigan niya.


"Ano namang paki ko sa course mo?"


Natameme ako sa sinabi nito. Napaka-unfiltered talaga niyang magsalita. Nakakaputangina!


"You let your intrusive thoughts win, miss."


"I didn't, mister. I mean what said."


"Tss. Hmm... lemme guess your course. Business Ad?"


"No."


"Culinary."


Umiling siya.


"Fashion Design? I bet you are since you have a good fashion sense."


"Too far from my course."


Bumukas ang elevator at nauna na siyang lumabas. May nahulog na papel pero hindi niya iyon napansin. Dinampot ko iyon at binasa ang nakasulat.


"Tss, enrollment form."




Kazetheia Naueim Eltaraza
BS Aeronautical Engineering
Class III-A







—Azureriel

Seguir leyendo

También te gustarán

647K 59.9K 35
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...
295K 9K 27
Warning: SPG|R-18|MATURED CONTENT Started: 22|Feb.|2021 Ended: 06|March|2021
40.3K 1K 27
"Rosemary Aldine, a force to be reckoned with. She's the youngest female Victor, and adored by The Capitol." "She doesn't look very dangerous." "Whic...
731K 17.5K 33
Davina Alexander is an 20-year-old girl who has always lived in an unfortunate situation, and I'm not talking about money. She has been living with a...