PROFESSOR SERIES

By deinakoo

5.3K 159 3

Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, ano... More

Author's Note
CME EPISODE 0
CME EPISODE 1
CME EPISODE 2
CME EPISODE 3
CME FINALE
CME SPECIAL EPISODE
TYT EPISODE 0
TYT EPISODE 1
TYT EPISODE 2
TYT EPISODE 3
TYT FINALE
FFML EPISODE 0
FFML EPISODE 1
FFML EPISODE 2
FFML EPISODE 3
FFML EPISODE 4
FFML FINALE
FFML SPECIAL EPISODE

TYT SPECIAL EPISODE

129 9 0
By deinakoo

Nakalapat ang likod ko sa malambot na kama, pabiling-biling ang aking ulo. Nakakapit ng mahigpit ang aking kamay sa puting bedsheet. Nakapikit ang aking dalawang pares ng mata, ninanamnam ang isang nakakabaliw na sensayong bumabalot sa aking katawan.

"Seikihh.." Halinghing ko. Tanging boses ko lamang ang naririnig sa apat na sulok ng silid. "Ahhhmm Seikii.." Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling napaliyad ang aking katawan.

"Hmmm, Seikihh.." Nanginging ang aking tinig, ang aking katawan, ang aking buong pagkatao. "Ahhh.. Seikihmmm.." Rinig ko ang masayang tawa nito na nagpalukso sa aking puso.

"Ahh.. My Lifeeh.." Hinihingal kong turan habang ang aking mga kuko ay pilit ibinabaon sa malambot na kama. Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na katas sa aking hita. Gumapang paibabaw sa akin si Seiki, ang babaeng pinakamamahal ko.

"I love you always, My World." Usal nito aka pinaglaruan ang aking ilong.

"Sobrang mahal kita, Seiki." Tinitigan ko ang maamong itsura nito, kinabisado ko ang bawat detalye, menemoryado ang perpektong hulma. Kasabay ng pagsalubong nito sa aking mata ang isang butil ng luhang pumatak sa mata nito, hanggang ang isang patak ay naging dalawa, tatlo, hanggang sa tuluyan siyang humagulhol sa aking dibdib.

"Let go of me, My World." Mahinang turan niya sa akin. "I know how much you love me but you need to move forward.. you need to be happy.. please be happy kahit hindi na ako yung dahilan."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Iniangat ko ang ulo nito. Unti-unting lumabo ang aking paningin. Pinunasan nito ang aking mga luha at matamis na ngumiti. Pagkatapos ay inilapit nito ang mukha sa akin, nadama ko ang malambot nitong labi sa aking pisngi. Pagkatapos ng munting halik na iyun ang unti-unti niyang pagkalaho. "Seiki.." Sigaw ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang silid na kinaroroonan ko kanina ay napalitan ng isang madilim na gubat. Naglakad-lakad ako hanggang sa nadulas ako sa isang putik. Tuloy ang agos ng aking luha, dama ko ang kirot ng aking puso.

"Seiki.." Napabalikwas ako ng bangon mula sa kinahihigaan kong kama. Hinahabol ko ang aking paghinga. Another dream, a dream with her, with my Seiki.

"Babe.." Nagmamadali pumasok sa silid si Thea, ang kasalukuyan kong kasintahan. "Are you alright. You're screaming.." Nilapitan ako nito ang hinawakan sa balikat.

"I'm alright, Thea. Thankyou." Walang buhay kong sagot sa kaniya.

"Si Seiki na naman ba ang laman ng panaginip mo?" Umiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Simula ng maging kami dalawang buwan na ang nakakalipas ay palagi siyang nagtatanong tungkol kay Seiki.

"Don't mind it. Anong ginagawa mo pala dito?" Tanong ko sa kaniya saka umalis sa kama.

Huminga ito ng malalim saka padabog na tumayo malapit sa pinto.

"Hindi ka nagrereply sa text, hindi ka sumasagot ng tawag, that's why I'm here. At pagdating, binabanggit mo ang pangalan ng ex mo." Diretsong saad nito sa akin. Nakasimangot itong tumingin sa akin. "Do you still love her." Nagulat ako sa biglang tanong nito.

"I don't want to talk about it, Thea." Sinabunutan ko ang sariling buhok dahil sa magulong nararamdaman.

"Paano kita matutulungang kalimutan siya kung hindi mo sa akin sinasabi? Magmove on kana, Dein. Taon na ang lumipas."

"I'm trying, Thea. I'm always trying." Nabasag ang aking boses dahil sa mga salitang iyun. "Ginagawa ko na ang lahat pero in the end of the day, bumabalik pa rin ako doon sa nakaraan na yun. Kahit na paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na ayos na ako, na masaya na ako, na kaya ko na, yung sakit sa puso ko tuwing binabanggit mo yung pangalan niya, tuwing nagtatanong ka tungkol sa kaniya, yung sakit bumabalik— bumabalik na parang kanina lang nangyari ang lahat. Tell me, paano ko ikwekwento sayo ang lahat kung ang kapalit nun ay ang pagkadurog muli ng puso ko."

"Then how about me? I'm tired Dein, nakakapagod kang mahalin, intindihin. Nakakapagod hanapin yung puwang ko diyan sa puso mo."

"Mahal kita, Thea." Maikling saad ko sa kaniya.

"Pero hindi gaya ng pagmamahal mo sa kaniya, Dein." Walang ekspresyon nitong saad sa akin.

"Bakit mo laging kinokumpara ang sarili mo sa kaniya? You're my present—"

"And i am going to be your past, Dein. Pagod na pagod na ako sayo. Sawang-sawa na rin ako sa pagiging busy mo palagi, hindi mo kayang ibigay yung time—."

"Leave." Malamig kong usal sa kaniya saka siya tinalikuran. Sa bawat takbo ng buhay ko ay sanay na ako sa ganitong senaryo, pang-ilan na ba siyang napagod at nang-iwan sa akin dahil sa pagiging abala ko. Sanay na sanay na akong maiwan, alam ko naman talagang nakakapagod akong mahalin at intindihin. "Sorry if I'm not enough, Thea. But believe me, I've tried and I'm still trying. If you want to leave me, then go. Hindi kita pipigilan, because you deserve to be happy. You deserve to be love, you deserve the world, everything."

"How about you, Dein? Paano ka naman? Paano yung kasiyahan mo?" Ipinikit ko ang aking mata, muling sumikdo ang aking puso dahil ramdam ko ang awa sa boses nito. Iyun ang isa sa mga dahilan kung bakit ayokong pag-usapan si Seiki. Ayokong makaramdam ng awa sa kanila. Ayokong kawaan nila ako.

"I'll be fine, Thea. I am always fine." Nilunok ko ang sariling laway upang pigilan ang hikbi na namumuo sa aking lalamunan. Masakit pala kapag pinipigilan mo yung iyak mo. Kapag pinipigilan mong ilabas ang lahat ng nararamdaman mo. Masakit pala kapag nagsisinungaling ka mismo sa sarili mo.

"So, what happened with Thea?" Usisa ni Jill sa akin. Pagkatapos umalis ni Thea kanina ay tinawagan ko sila ni Star at ni Gibo. Kung may natitira pang tao na nakakaintindi sa lahat ng pinagdadaanan ko ay sila yun.

"Wala na. Napagod na ito." Humalakhak si Star sa sinabi ko.

"Lagi naman e. Minsan naisip ko, bakit pa nila susubukang pumasok sa buhay mo kung sa huli, e mapapagod lang din sila." Wika ni Star. Sumang-ayon sa kaniya si Gibo.

"Sanay naman na ako, kaya okay lang." Itinungga ko ang bote ng soju na binuksan ni Gibo para sa akin.

"Hanggang kailan ka masasanay? Seryoso ang tono ng boses ni Jill. Nagkibit balikat nalang ako rito saka inubos ang laman ng bote ng soju.

"Anyway, kumusta ang pagsusulat?" Si Gibo.

"Ayos lang, daming readers ang nakasuporta." Sagot ko sa kaniya habang binubuksan muli ang isa pang bote ng soju.

"Kita nga namin e. Dami mong admirers, baka isa doon ang para sayo talaga." Natatawang turan ni Jill. Ngumiti ako sa kaniya saka iniling ang aking ulo.

"Sinubukan ko ngang mag-entertain e, pero alam mo yung pakiramdam na may kulang. May particular na bagay akong hinahanap." Paliwanag ko sa mga ito.

"Alam ko kung ano yun." Napatingin kaming lahat kay Gibo na abala sa kinakain nitong barbecue. Binigyan namin ito ng nagtatanong na tingin. Ibinaba nito ang kinakain saka tumingin sa akin. "Love." Nakipagtitigan ako sa kaniya. Hindi ko alam pero mukhang nakuha niya ang nais ng puso ko. Love. Tama siya, hindi ko kailangan ng kahit na anong bagay, ng atensyon, ang tanging kailangan ko ay pagmamahal, yung pagmamahal na puno ng pagkalinga.

Mabilis kong inubos ang laman ng boteng hawak ko, pagkatapos nun ay muli kong binuksan ang isa pang bote, ng isa pa hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan ang aking nainom. Gusto kong malasing. Baka sakaling kapag nalasing ako ay mawala lahat ng lungkot, kirot sa puso ko. Baka sakaling kapag nalasing ako, baka paggising ko ay okay na ang lahat sa akin.

"Saan ka pupunta?" Agad na tanong ni Gibo nang tumayo ako. Pinisil ko ang aking noo upang mawala ang hilong nararamdaman ko.

"May pupuntahan ako." Simpleng wika ko sa kaniya. Pinigilan pa ako ng mga ito ngunit sa huli ay wala rin silang nagawa. Sumakay ako sa tricycle at nagpahatid sa lugar na laging kong pinupuntahan sa tuwing makakaramdam ako ng lungkot. Sa puntod ni Seiki.

Inilipag ko ang isang pirasong gumamela sa puntod nito. Sinindihan ang isa ring kandilang dala ko. Umupo ako sa tapat ng puntod niya saka tinitigan ang pangalan niyang nakaukit dito.

"Bigo na naman ako, Seiki. Hindi ko alam kung anong mali sa akin, bakit lagi akong nabibigo? Hindi ko alam kung ano pa yung dapat kung gawin.. hindi ko na alam, Seiki." Hinaplos ko ang lapida, agad ding tumulo ang luha ko dito. "Please, help me Seiki. I don't know what to do anymore. I'm tired of trying." Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Ang malamig na simoy ng hanging humaplos sa aking balat. Hinayaan kong tumulo ang aking luha, wala naman kasing makakakitang umiiyak ako dahil sa ulan.

Sa kalagitnaan ng aking pagluluksa ay natigil bigla ang pagpatak ng ulan sa aking katawan. Nagtataka akong iniangat ang ulo, tumingala ako at imbes na langit ang makita ay ang itim na payong ang bumungad sa akin.

"Baka magkasakit ka." Pamilyar ang tinig na iyun sa akin. Narinig ko na iyun kung saan. Mabilis kong nilingon ang taong nasa likod ko. Kusang gumuhit ang gulat at tumibok ng mabilis ang aking puso. "Hindi niya gugustuhing magkasakit ka, wala pa namang mag-aalaga sa'yo."

"Ikaw yung babaeng nasa likod ng kotse ko." Saad ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin saka inabot ang kamay nito. Alinlangan akong humawak dito patayo.

"I told you I'm your happy ending." Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko maintindihan, subalit nakaramdam ng kapayaan ang aking puso. "At mukhang hindi lang ako happy ending mo.. I'm your saviour too."

"What's your name?" Tanong ko sa kaniya. Nanatili ang tingin ko sa ilong nito dahil mas matangkad ito sa akin ng kaunti.

"Just call me, present future."

"What?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang nais nitong sabihin.

"Sabi ko, tawagin mo akong present future.. kasi ako na ang magiging present mo, and I'm willing to be your future rin. Huwag mo ng hanapin yung past, kasi sigurado akong hindi ako dadagdag sa past mo."

"Are you kidding me?" Inis kong tanong sa kaniya. Umiling ito saka pinahawak sa akin ang payong. Nang mahawakan nito ang aking kamay ay dumaloy sa akin ang kakaibang kuryente.

"I'm not." Ngumiti muli ito saka humakbang paatras.

"Your name?" Medyo lumakas ang aking tinig. Pinagmasdan ko ang katawan nitong unti-unting nababasa dahil sa ulan.

"Let's see each other again, My Future. Always remember, that true love will find you. At hahanapin kita saan man sulok ng mundo, dahil ako ang true love mo." Usal nito saka nakangiting tumalikod sa akin at mabilis na tumakbo palayo.

"What is your name?" Tila napaos ako dahil sa malakas na pagsigaw. Huminto ito sa pagtakbo. Malayo man ang pagitan naming dalawa ay kita kong nakangiti ito sa akin.

"I'm your happy ending, My World." Tumibok ng mabilis ang puso ko. Tila sumama ang lahat ng negatibong nararamdaman sa buhos ng ulan ng bitawan niya ang mga katagang iyun. Kumaway ito sa akin saka nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo, hanggang sa hindi ko na siya maaninag pa. Napahawak ako sa dibdib ko nang muling humihip ang malakas na hangin. Hindi lamig ang dala nito sa akin kundi isang pag-asa. Hinigpitan ko ang hawak sa payong, saka ngumiti. Ngiting matagal ko ng itinago. I think I found the one— the anonymous one.

END.

Continue Reading