Chasing A Masungit Man

By MsSweetGurl

16.5K 2.4K 1.5K

Lorraine Skarlet who doesn't believe in such thing such as love. Ayaw niya itong seryosohin sapagkat alam niy... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40

Chapter 39

147 2 0
By MsSweetGurl

"You're always missing." Sambit niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Nakita niya naman ng harap-harapan na kasama ko si Lee. Bat ba siya nang-gugulo? Miss niya na ba ako agad? Grabe ha? Wait, enough for being delusional.

Masamang tingin ang iginawad ko kay sungit na hindi niya naman pinapansin, bagkus ay pinapantayan pa niya ito.

"You saw me with, Lee! And what the heck is your problem?" Nagpupuyos na singhal ko sa kanya.

"It is about my job? It's lunch time. What is wrong with that?"

"Is that so. Have you had your lunch?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Ang tingin niya ay sinusuri ako. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Mariin niya akong tiningnan tila nanghahamon sa sasabihin ko.

Ok fine, you won. Irap lang ang sinagot ko sa tanong niya. Ibinaling ko ang tingin ko kay Lee at nakitang nakakunot at masama ang tingin kay Sungit. Nasa likod kasi siya, nauuna kasi kaming maglakad ni Sungit. Dahil naging mabagal ang paglalakad niya nang dumating si Sungit. Sinenyasan ko siyang lumapit na agad niya namang ginawa.

"You should go, Caleb. Lee and I will still talk." Nagsalubong na naman ang dalawang kilay niya.

"What. Aren't you done talking?" Kailangan ko ba siyang sagutin?

"We haven't talked," Sinuri niya ang mga mata ko. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at palagi siyang ganitong umasta. Kung ano man yun ay ayaw kong isipan pa.

Nang makalapit si Lee sa amin ay walang nagtangka na magsalita. Tiningnan ko silang dalawa si Sungit na nakapoker face habang si Lee naman ay hindi alam ano ang gagawin.

Pinapanood ni Sungit ang bawat galaw ko. Halata na may gusto pa siyang sabihin ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig.

"Go now, Caleb. Mabilis lang kami ni Lee." Mariin niya pa akong tiningnan bago tumango, kaagad naman siyang naglakad hindi nakalampas sa akin ang pagbuntong hininga niya.

Tahimik lang naming tinanaw ang pag-alis ni Sungit. Nang nawala siya ay tumingin ako kay Lee.

Bumalik namang muli ang kabang naramramdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ako magsisimula, kung paano ko sa kanya ipapaliwanag sa kanya ang mga narinig niya. Ngunit ngayon ay hindi ko mahanap ang mga linyang iyon. Nagkanda-buhol na ang mga na sa isip ko.

"Uhhm..." Pagtawag ko sa atensyon niya. Kaagad ko namang nakuha ang atensyon niya. Iminuwestra niya sa akin ang daan papunta sa bundok. Nakuha ko ang gusto niyang mangyari. Gusto niya kaming mag-usap sa taas ng bundok. Nauna siyang naglakad papunta sa bundok.

Kahit na nagdadalawang isip ay sumunod ako sa kanya. Mas maigi na rin siguro doon dahil mahangin, maganda ang tanawin at walang masiyadong tao.

Habang naglalakad ako ay nagmamasid ako sa paligid. Maraming tao ang napapalingon sa banda ko ganun rin kay Lee. May mga naririnig akong parang mga langaw na maingay sa tainga.

"Sino yang mga yan?"

"Pamelyar sha nakita ko na siya!"

"Saan?"

Binagalan ko ang paglalakad ko para marinig ko ang pinagu-usapan nila.

"Ewan ko basta nakita ko na yan HA HA HA." Napailing naman ako sa paraan ng pagtawa ng lalaki.

"Wala ka pala eh. Mahina sa chismis!" Naiiling na sambit ng babae. Natawa naman ako.

"Hoy, hindi ano! TAMO. Mamaya alam ko na yan HAHA HAHA." Mayabang na singhal nito sa babaeng kausap. Lalo akong natawa sa paraan ng pagtawa niya. Putol-putol iyon.

"At proud chismoso ka pa talaga?"

"Lorraine, let's go!" Narinig kong tawag sa akin ni Lee. Kaya binilisan ko na ang paglalakad.

"Before we carry on with our conversation, let's take care of the hungry pangs in our bellies." Bungad niya pagkarating ko. Nasa may paakyat na kami ng bundok.

"Nah, I'm good we can talk now," Biglang kumulo ang tiyan ko. Senyales na gutom na ako. Napaka-wrong timing naman ng tiyan na ito.

"Come on, Lorraine. We can talk while we are heading back to the hotel." Napatango na lang ako wala naman na akong magagawa pa.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa hotel. Hindi siya umiimik kaya hindi rin ako umimik.

Pinagmasdan ko na lang muli ang paligid. Magiisang buwan na rin pala kami dito sa Calaguas ang bilis talagang lumipas ng araw. Kapag bumalik na ako ng Manila ay una kong hahanapin ay ang sariwang hangin. Ang mga bundok na natatabunan ng ulap. Ang matatayog na puno ng niyog na kung nasa manila ay puro building ang makikita. Ang mga sariwang pagkain na galing sa tubig-alat.

Naalala ko din noong unang araw namin dito, ang daming mga bata ang sumusunod sa amin. Kaso nga lang hindi sila makalapit dahil pinipigilan sila ng mga body guard.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Ilinibot ko ang paningin ko at nagmasid. May nakita akong iilang bata na sumusunod sa amin. Napabuntong hininga naman ako. I was just paranoid. Nakaka-guilty naman na pagisipan mo ng masama itong mga inosenteng batang ito. Baka dahil sa gutom lang kaya ganito.

Napatigil rin si Lee sa kanyang paglalakad. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Anong meron? Bakit ka tumigil?" Hindi ko sinagot ang tanong niya. Umiling lang ako at naglakad ulit.

"Hey, Raine. You okay?" Pangungulit pa nito sa akin. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Hmm, I'm good. Gutom lang siguro that's why." Mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Kaya ngumiti ako ng pilit.

"Don't worry, I'm doing great! Don't be bothered." Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido kaya nauna na lang akong naglakad. Naiilang akong lumapit sa mga lalaki ngayon dahil kapag lumalapit ako sa mga lalaki baka isipin na naman ng mga tao na ang landi ko.

Hindi mawala ang pangamba ko, may naramramdaman rin akong sumusunod sa akin. Hindi ko na lang ulit ito pinansin. Nakatingin pa rin ako sa paligid dahil napa-praning. Pinipilit kong ituon ang pansin ko sa dinaraanan. Bakit pakiramdam ko wala akong kwentang tao? Ang hirap pala ng sitwasyon ko.

Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko. Halos manginig ang tuhod ko. Buti na lang ay may sumuporta sa likod ko kaya hindi ako natumba. Sa lahat ng tao siya ang ayaw kong makita. Bumalik lahat ng sakit, pangamba, at takot ko. Ang sakit palang makita ang taong dahilan kung bakit pakiramdam mo wala kang kwenta.

"Please anak kausapin mo ko."

"SAAN KA NA NAMAN BA GALING!?"

"WAG MO KONG SIMULAN PAGOD AKO"

"YAN DYAN KA MAGALING. SA IBANG TAO PAANO NAMAN KAMING PAMILYA MO?"

Katahimikan ang naghari sa buong kwarto.

Tahimik akong umiiyak sa gilid ng pintuan. Bakit sila laging nagaaway? Sabi sa church dapat laging love pero bakit sila laging war?

Malakas na pagkabasag nang kung ano mula loob ng bahay ang nagpatayo sa akin. Patakbo akong lumapit at yinakap si mommy. Malakas na iyak namin ni mommy ang naririnig sa buong kwarto.

"W-what's happening mommy?"

"Sshh. Go to your room baby."

"ISA KA PANG BATA KA!" Dumaundong ang lakas ng sigaw ni daddy sa buong kwarto kaya takot na hinigpitan ko ang yakap mo kay mommy.

"Lumabas ka dito sasaktan kita." Hindi pa rin ako nakinig. Nanatili pa rin akong nakayakap kay mommy.

"Ah Talagang makulit kang bata ka. Nasaan ba yung kahoy ko maganda-gandang pamalo yun."

"Mommy!" Umiiyak na tawag ko.

"Sige, subukan mo ako ang makakalaban mo!"

"Mommy, daddy please stop fighting."

"Sige na anak lumabas ka na. Manang pakikuha po si Lorraine." Umiling ako nang umiling. Ayaw kong iwan si mommy baka saktan siya ni daddy.

Narinig kong ang langitngit ng pinto. Lalo akong umiyak. Ayoko! Hindi ako aalis dito. Sa paa ni mommy ako humawak para hindi ako makuha ni manang.

"Sige na anak.Umalis ka na. Hindi ako sasaktan ng daddy mo. Magu-usap lang kami." Hindi ko sinagot si mommy.

"NO! Ayaw kong sumama sayo at least dito manang. AYAW KO SAYO. GUSTO KO KAY MOMMY!" Pagwawala at pagmamatigas.

"Halika na dito, Raine. Dali kakain tayo sa labas, maglalaro tayo ng lutu-lutuan."

"NO. I DON'T WANT ANYTHING. I WANT TO BE WITH MY MOMMY!"

"Tara punta tayo sa mga bahay ng classmates mo o Di kaya Kay Ven. Oo tama. Hinahanap ka niya. Miss ka na daw niya" Kalmado at mahinahon pa ring pakiusap sa akin ni manang.

"I. DON'T. WANT. TO. GO." Tinabig ko ang kamay ni manang, pagkatapos ay tinulak ko siya. Nakita kong napaaray siya.

"Sige na baby please. Sumama ka na kay manang." Ngumiti si mommy sa akin.

"AYOKO NGA MOM-" Pagkabasag ang nakapagpatigil sa amin.

"ANG KULIT MO TALAGANG BATA KA. KANINA PA AKO NARIRINDI SAYO!" Lumapit siya sa akin hawak-hawak ang sinturon niya. Kaagad akong natago sa likod ni mommy.

"Manang!" Kaagad na lumapit sa akin si manang at binuhat ako. Hindi na rin ako nakapalag dahil sa takot ko Kay daddy.

"Kahit sandaling oras lang anak." Anong karapatan niyang humingi sa akin ng oras? Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"I-ikaw naman anak ang may dahilan kung bakit tayo nagkaganito, nagkawatak-watak." Napantig ang tainga ko sa narinig ko. Hindi maipasok ng sistema ko ang mga sinabi niya sa mga pagkakataong ito hiniling ko na lang sana na naging bingi ako. Hindi ako nakapagtimpi at humarap na ako sa kanya.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! TINAWAG MO PA DIN NAMAN AKONG ANAK. TAPOS, ANO AKO ANG SISISIHIN MO? BAT LAGI NA LANG AKO? BAKIT DAHIL BA PASAWAY AKO NOONG BATA AKO, HINDI AKO LAGING PERFECT SA EXAM TAMAD AKO, UMAASA SA KATULONG NATIN. ANO YUN BA? HA?! Nag-aalab ang damdaming sagot ko. Hinabol ko ang akin hininga bago nagsalita.

"Hindi, hindi sa ganun. Pakinggan mo muna ako anak please."

"Bakit, pinakinggan niyo ba ako? Noong mga panahon na nakikiusap ako sa inyo pinakinggan mo ba ako? DI BA HINDI?" He sniffed. Nakita kong may tubig sa mga mata niya. Natigilan ako.

"Tapos ngayon? Umiiyak ka. Handang lumuhod sa harapan ko para humingi ng tawad sana naisip mo yan noon." Hindi siya umiimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I beg you to stay, Dad. The young me beg for your love. I was longing for my father's love." Pumiyok ako hindi ko na napigilan pang umiyak.

"But what did you do? You choose that malkin woman over our family."

"I have no time for this. I have to go." Tinalikuran ko na siya at naglakad papalayo. Tinalikuran at naglakad na ako palayo. Umalalay naman sa akin si Lee. Tumigil ako sa lahat para iiyak ang lahat ng sakit ayaw kong pumunta sa hotel na ganito ang itsura ko. Ang sikip sa dibdib. Ang hirap huminga. Naramdam ko ang tapik sa balikat ko.

"Ssshh, it's okay." Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Bigla niya akong yinakap pagkatapos ay hinagod ang likod ko.

Hindi na siya ulit nagsalita. Unti-unti naman akong kumalma. Kumalas na ako sa pagkayakap mula sa kanya.

"Let's go!"

"You okay now?"

"Yes." Inalalayan naman niya akong maglakad. Tiningnan ko siya nang masama.

"I can walk. Hindi ako pilay"

"Okay, okay." Inalis niya ang kamay niyang nakaalalay sa likod ko. Wala ako sa mood magsalita hindi rin naman siya nagsasalita. Binilisan ko ang aking paglalakad.

"Goodness. Where have you been guys?" Linampasan ko si direk Karen at dumiretso sa paglalakad.

"Lee, Anong nangyari? Nag-away ba kayo?" Napatigil ako sa paglalakad dahil naging pangit ang dating. Humarap ako ulit sa kanila para magpaalam.

"I am sorry. I am too exhausted, I can't do it right now." Dismayado ang naging mukha nito.

"Raine, marami pa tayong tatapusin na scenes kailangan na natin itong matapos ito. Baka magalit na si Mr. Manzanero sa atin,"

"I really can't do it right now."

"Raine naman, nagiinarte ka na naman ba?" Napamaang naman ako sa sinabi niya. Mukha ba akong nagiinarte lang? Ayaw kong magalit kaya tinalikuran ko na lang siya.

"Lorraine ano ba?" Hinila niya ang braso ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"What is going on here?" Napabitaw sa akin si Karen. Natatakot na humarap siya kay Caleb.

"Ahhh. A-ano kasi leb ah si. si.."

"What?" Magkasalubong na naman ang dalawang kilay nito.

"What happened, Raine?" Baling nito sa akin sa malumanay na boses. Hindi ako nagsalita.

"Ayaw niya kasing mag-shoot ngayon nagi-iinarte na naman kailangan na naming matapos itong project na ito, tapos ganyan pa siya." Napabuntong hininga naman ako sa sumbong niya. Bawal na ba kaming mapagod? Robot ba kami para hindi makaramdam ng pagod?

"Let her. Can't you see? She's running on empty." Nabawasan ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Akala ko ay pipilitin niya din akong mag-shoot ngayon.

"P-pero, pero paano yung-"

"No buts," Nginisian ko si Karen. Bumaling sa akin si Sungit kaya nag-poker face ako ulit. Nakita kong nainis siya sa nangyari.

"Let's go hatid na kita sa kwarto mo," Nabigla naman ako sa sinabi niya. Tama ba narinig ko? Ihahatid niya ako sa kwarto ko. Hindi naman ako kumibo at nanatiling nakatingin lang sa kanya.

"Hey, come on!" Tawag niya ulit sa akin. Pero hindi pa rin ako kumibo kaya naman hinila niya ako para makaalis na kami.

Binitawan niya ako nang makalayo kami sa kanila. Sayang! Inalis pa. Wow self gustong-gusto? Walang kumikibo sa amin. Wala naman akong maisip na sasabihin kaya di na lang ako nagsalita. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya hindi na rin ako nagbalak magsalita. Nakikita ko na ang hotel malapit na kami.

"Have you cleared things between You and Lee?" Pagsimula nito. Wow ang galing din nagsalita kung kailan malapit na kami.

"Di ko alam na may lahing chismiso ka pala?"

"TSS. I am just curious about it."

"Really huh?"

"Yeah."

"And why is that? Why are you curious about it. About us?"

"So, I could know my next move," Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Move? What move?

"Wdym?" Umiwas lang siya ng tingin. Hindi niya na ako sinaagot at hindi na rin siya nagsalita. Nakakainis naman ang isang ito! Kahit kailan napakamisteryosong tao. Hindi ko mahulaan ang mga susunod na galaw niya o kung ano yung move na tinutukoy niya. Ang sarap niyang kutusan eh pasalamat siya gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya, nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Thanks to him and, of course, also to Lee; if it's not with them, I don't know what to do. I will probably just cry my heart out.

"Did you cry?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Napansin niya?

"What?" Hindi ako makapaniwala na napansin niya.

"You cried." Hindi na yun tanong dahil buo ang boses niya na parang siguradong sigurado Siya na umiyak talaga ako kahit wala pa akong sinasabi.

"How did you know?" Wala na akong nagawa kundi aminin na lang dahil wala din naman akong mapapala kung itatanggi ko pa. Tsaka baka hindi niya ako tigilan kung hindi ko pa siya sagutin. Sige selp mag-assume ka pa na interesado siya total dito naman ako magaling ang mag-assume.

"Because your eyes are dilated and I can see the redness and puffiness of your eyes, eyelids and skin. And your make up is a little bit messy." He's observing me. He's a good observant, huh?

“Si Gray ka ba?" Nagsalubong na naman ang dalawang kilay niya. Natawa naman ako ayan na naman tayo sa kasungitan niya.

"Who is that guy?" May kalakasan na boses na tanong nito sa akin.

"Chill he is a character from the book that I read."

"What book?"

"Why you'll read it?"

"I'll try if I have some time." Wow, he's also into reading? Hmm, I like that.

"Detective files by Shinichilaaaabs,"

"Sounds good.  Mystery?" Tumango tango ako.

"Yeah. I love to read mystery."

"That's cool. I also love reading and watching some mystery, psychological, science fiction and adventure." Wow as in wow. This man is top tier. I beamed at him.

"Anyway, you are diverting the topic. Why did you cry? Did he hurt you?" Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa hotel. Binati kami ng mga staffs pagpasok namin. Ngiti lang naman ang sinagot ko sa kanila.

"Of course not. It does not have anything to do with Lee; in fact, he's the one who comforted me."

"Why, what happened?" Sasabihin ko na sa kanya ang nangyari? Pero hindi naman niya iyon dapat na malaman. Tsaka nakakahiya naman kung magrarant pa ako sa kanya sa nangyari.

"It's about my father," Halatang gulat siya sa sinabi ko. Does he know something? Kaagad di namang nawala ang pagkagulat sa mukha niya.

"What about him?" Hindi na ako nagsalita hindi ko alam kung paano ko ikukuwento nahihiya rin ako magkuwento sa kanya.

"Sorry for the question. You have your privacy. I simply care about you. I hope you can make up for whatever went wrong between you and your father." Fix it between my father? Nah, I doubt it. I'm not  yet ready to hear anything from him.

"Thanks. But I am not sure if we can still fix it."

"Why is that?"

"I don't know maybe, I'm not ready yet. No, I will never be ready to hear any explanation from him."

"How can you be free from all the madness and melancholy? It is already your mechanism that has embedded your mind." Maaasahan talaga siya pagdating sa mga ganitong bagay may punto siya.

"I don't know when I will have the courage to talk to him."

"Keep your pressure levels low. Simply accept what took transpired. Considering that what occurred already did. Because it is from the past, we are powerless to change it at this time. You should take a certain action, though. You ought to let go of your inner turmoil." May punto na naman siya. Napatango-tango naman ako. Wala na akong masabi pa. Nakarating na kami sa kwarto ko. Binukasan ko ang pinto gamit ang key card ko.

"We are here. Thank you so much, Caleb." Nakangiting pagpasalamat ko.

"It's my pleasure." Inaabangan ko ang pagngiti niya ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi man lang siya ngumiti. Napakasungit talaga ng isang ito!

"You want anything?" Aayain ko sana siya sa loob pero parang wrong move yung naisip ko.

"No, you should rest now." Hinaplos naman ang puso ko sa sinabi niya. Lalo akong napangiti pero kaagad kong pinalis iyon.

"Oh, yeah. Thank you again."

"No problem. I have to go now so you can rest."

"Ok take care,"

"You too. Bye." He was about to go near me but he stopped and then he walked away.

Oh, what was that?

(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...