Neglecting the Consequences (...

By MissCarenn

3.8K 121 0

The player, proud, loud, and lively Ashanta Perez is fake. She faked everything, including her happiness and... More

Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 7

115 6 0
By MissCarenn

"What are you doing?"

Hindi ko na inabala ang sarili na tingnan ang nagtanong. Sa boses pa lang ay kilala ko na.

Ano bang ginagawa niya dito? Hindi ba ay bawal siya sa building namin?

"Kilala mo si Anthony?"

Mariin akong pumikit lalo na nang maramdaman ang pagtabi niya sa akin.

"Pwede ba, Hannah, nakikita mo namang may ginagawa ako dito."

"Nagtatanong lang naman," dumikit siya sa akin kaya napabuntunghininga na lamang ako.

Plastik niya, grabe.

"Nakita ko kasi kayo kahapon. You know.."

"Nagkasabay lang kami–"

"Is he one of your boy toys? Pati ba naman yung tao?"

Inis na sinara ko ang aklat na binabasa. Seryoso pa ako sa pagbabasa kanina pero ngayon ay nawalan na ako ng gana. Ayaw ko nang magbasa.

"Ash, nagtatanong lang ako–"

"You're not asking me, Hannah! You're accusing me! At sasabihin ko sa'yo, wala akong kahit na anong koneksyon kay Anthony!"

Pumalakpak siya sabay tayo. "So, pwedeng akin na? Pakilala mo ako."

Is she insane? Parang tanga naman siya.

"Ewan ko sa'yo!"

Tumayo na din ako at mabilis ang lakad na bumalik sa classroom. Gusto ko lang naman mapag-isa para makapag-study ako. May dumating pa na asungot.

Kaya ba siya lumipat dito para lang makilala si Anthony? Hindi naman sila classmates, a. Grade eleven pa lang siya. Grade twelve na si Anthony. Paano niya nakilala, tahimik lang naman palagi 'yun tao. Kung hindi ko pa nga napulot ang i.d. niya noon ay baka hindi ko pa siya nakilala.

"Good morning, class."

Nanlaki ang mga mata ko. Agad na lumipad ang kamay sa bibig.

"I am Lawrence Glen Ramirez and I am your new MAPEH teacher."

Oh my God!

He's not wearing the teacher uniform and that's understandable, he's a MAPEH teacher. He's just wearing a plain white shirt that perfectly hugged his well-built body. I can even see his biceps. Kahit na jogging pants lang yung suot niya mukhang mahihimatay yata ako sa panginginig. Paano na kaya kung araw-araw na makikita ko siya? Baka mahihimatay ako.

Bagay talaga sa kanya ang PE. Gwapo pa.

"I am going to give you five minutes to prepare. After that, we will have a physical activity in the court. Hihintayin ko kayo doon."

Nang makalabas si Sir Lawrence ay halos lahat ng kababaihan kong kaklase ay nagkakagulo.

Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Talaga ba? Guro namin 'yun? Parang kay gandang mag aral dahil sa kanya.

"Gusto ko siya!" Mahinang bulong ko sa mga kaibigan.

"Tigilan mo kami sa mga ganyan mo, Ash. It's our teacher for pete's sake–"

"No, Betz. Iba 'to. Naramdaman ko," hinawakan ko ang dibdib ko.

Sa dinami-dami kong nakilala, siya lang pala ang hinintay ko.

"Next month, wala na 'yan," si Aubrielle.

Ang sinabi niya ay hindi nagkatotoo dahil sa lumipas ang isang buwan, dalawang buwan pa nga, nahuhumaling pa din ako kay Sir.

"Maghunos dili ka nga, Ash! Guro 'yan! Estudyante ka. Kapag talaga mawalan ng trabaho 'yang si Sir, madami ka talagang kontra. Ang dami ding nagkakagusto doon sa guro nating 'yun."

"Hindi ko naman sinabing jojowain ko. For inspiration purposes lang—"

"Inspiration purposes?! E, halos ipagsigawan mo na sa buong paaralan na gusto mo. Oh my God, Ash! You're a big catch. Kapag nalaman yan ng lahat, ano na ang mangyayari. Paano kung dumating sa mga magulang mo?"

"Easy lang kayo, okay," pigil ko sa mga kaibigan ko. "Walang gagawin ang mga magulang ko."

"Anong wala?"

Wala naman talagang pakialam ang mga magulang ko. Ni hindi ko nga sila halos nakikita sa bahay. Mas naging busy na sila dahil sa papalapit na eleksyon.

Totoo din naman na wala akong planong i-level up pa ang pagkakagusto ko kay Sir Lawrence. Hindi naman ako ganu'n ka baliw.

Siguro ay ito na din ang ginawa kong dahilan para tigilan na ang mga pinaggagawa ko. Nagsawa na rin ako na binansagang playgirl kahit na hindi naman. This is my getaway to stop hurting others feelings.

Nakakasawa din pala ang pagmumukha ng mga kalalakihan. Sa totoo lang.

"What part of the lesson you cannot understand, Perez?"

Ngumiti ako. Kahit na alam ko na naman ang leksyon na ito dahil sa madali lang naman ang MAPEH, naghahanap lang talaga ako ng dahilan na makalapit sa guro.

Saan ba kasi nagsusuot itong si Sir at ngayon lang lumipat dito?

"About the Art of Renaissance and Baroque Period."

Oh, shit! Ang tanga ko! Ang dali lang pala nun!

Kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang kaba. Halos hindi na rin ako humihinga dahil sa sobrang lapit namin ni Sir. I can even smell his manly perfume.

Tiningnan ko ang buong mukha niya nang hindi siya nakatingin sa akin. He has that thick and dark eyebrows. Damn! How I really like those kinds of brows. His so dark eyes, his nose, his lips, his jaw. His face screams perfection. And those braces. Hindi ko akalain na ang ganda pala tingnan sa isang lalaki ang may braces sa ngipin?

"Are you listening, Perez?"

Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Kinakabahan ako ng sobra. Hindi ko na tuloy nalaman ang mga ginagawa ko.

"Y-Yes, Sir."

Shit! Nakakahiya! Nakita yata niya na tutok na tutok ako sa kanya.

"As you can notice, the paintings looked old, but they were odd and unique. Hindi katulad ng mga paintings ngayon…"

Yes, Sir. Opo, Sir. Kahit na wala akong naintindihan sa mga sinabi niyo. Naiintindihan ko naman ang sarili ko, nababaliw po ako sa inyo, Sir.

Kagat labi at tuwang-tuwa na bumalik ako sa upuan ko. Hindi ko man lang maitago ang nag uumapaw na kasiyahan. Baliw na nga yata ako.

"You look like a rotten tomatoes. Look at your cheeks, Ash. Nilalagnat ka ba?"

Nagkamot ako ng ulo dahil sa sinabi ni Betane.

"Kung titingnan ay parang hindi mo man lang naranasan ang magkagusto. Jusko sa'yo, Ash! Matalino ka naman, nagkukunwari ka lang para lang makalapit kay Sir."

"By the way. Asan si Aubrielle?" Pag iiba ko ng usapan.

Kahit na ano pa ang sasabihin ng mga kaibigan ko, hindi na magbabago ang nararamdaman ko. I will continue admiring our teacher.

"Tumakas na naman. Alam mo naman ang babaeng 'yun. Tamad kung mag aral."

Ngumiwi ako. Talaga naman, Aubrielle! Nagkaroon ka talaga ng pagkakataon na tumakas.

"How old are you again, Ash?"

"Age doesn't matter, 'no!" Agad kong sagot kay Betane.

Hindi ko na nga iniisip kung ilang taon na si Sir. O kung may asawa ba siya o kasintahan, masasaktan lang ako.

Ngayon lang ako na-excite ng ganito. 'Yung tipong gustong-gusto ko palagi may klase para makita si Sir. Kapag Sabado at Linggo ay ang tagal na nun para sa akin. Lunes hanggang Biyernes ay ang iksi lang nun, kulang pa para sa akin. Hindi ko nararamdaman 'yan noon kaya ngayon ay hindi na ako aatras dito.

Sa sinasabi ko, wala akong planong i-level up pa itong ano man ang nararamdaman ko ngayon. Sapat na sa akin na ganito ako. I will admire him. Hindi bagay sa akin ang kasabihang 'I will admire him from afar.' Alam naman ng lahat na may gusto ako kay Sir at hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito. Halos karamihan sa mga babae dito sa paaralan na ito ay may gusto kay Sir. Hindi na din nakakahiya, marami kami, e.

"Parang ganang-gana tayong mag aral, Nikita, a?"

Isang beses ay tanong ni Manong. Ngiti na lamang ang sinagot ko.

Sa pagdating ni Sir ay parang lumiwanag ang buong paligid. Ang dating boring at madilim kong buhay ay nagbago. Ang corny ko na yata.

"Ano na naman ito, Joseph?!"

Natigil ako sa pag akyat sa hagdanan nang marinig ang malakas na sigaw ni Mommy.

Heto na naman sila. Minsan na nga lang silang magkita dalawa, away na lang palagi ang nagagawa. Hindi pa din talaga sila nagsawa sa pag aaway nila. Hindi pa rin yata nagsawa si Daddy sa pambabae niya.

"Malapit na ang eleksyon!"

"Puro ka nalang eleksyon! Eleksyon! Eleksyon! Wala na akong ibang naririnig na salita diyan sa bibig mo kundi eleksyon! Kahit isang beses lang, Natasha!"

"Ano? Isang beses na ano? Ano ang gusto mong pag usapan natin? Ang pambababae mo?! Wala na, Joseph! Nasanay na ako. Ganun ka na naman. Hindi ka na magbabago. Basta't huwag mo lang ipakita sa akin kung sinong malanding babae man yan! Kung noon na naging kabit mo 'yang si Lucinda Dizon ay ang dami nadamay dahil sa nagawa ko, nasanay na ako ngayon."

Kinagat ko ang labi ko at hindi na tumuloy sa pag akyat.

Kung sanay na si Mommy, ako hindi. Nasasaktan ako sa tuwing may kung sinong babae si Daddy. Wala na din yata silang pakialam sa akin. Hindi man lang nila naisip na sa tuwing naririnig ko ang sigawan nila ay nasasaktan ako.

"Ang sa akin lang ay seryosohin mo itong eleksyon, Joseph! Hindi mo na seneryoso—"

"Kasi hindi ko naman ginusto ang pumasok sa politika! Pinilit lang ako ng mga magulang ko!"

"At ako? Hindi ba? Pero nagloko ba ako? Hindi! Hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko para sa masasamang bagay!"

"May pakialam ka pala sa iba? May pakialam ka sa ibang tao na nadadamay sa ginawa ko? Look at your daughter, Natasha! Bigyan mo rin siya ng pansin. Alalahanin mo din na may anak ka!"

Kinagat ko ang labi. Ito ang unang beses na narinig kong isinali na nila ako sa kanilang away.

Parang mas masasaktan lang ako kung pati ako ay nasali na sa away nila.

"Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng ito dahil kay Ashanta! Gusto ko na may magandang buhay ang anak ko! Ikaw? Anong ginawa mo? Nambabae? Pumapatay para lang makuha ang gusto."

Gulat na tinakpan ko ang bibig. Ang luha na sana ay mahulog ay parang hindi na tumuloy. Umurong yata ang luha ko dahil sa narinig.

My father killed someone?!

"Hindi ko sinadya!"

Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko. Napaupo ako sa hagdanan at hinang-hina na man lang kayang tumayo.

May napatay talaga ang ama ko? Hindi yun biro?

Paanong naging ganito ang buhay ng magulang ko? Paanong naging ganito ang pamilyang ito?

Ayos na, e. Nasanay na akong palagi silang wala dito sa bahay. Nasanay na akong palaging away lang ang ginagawa nila sa tuwing nandito sila. Pero ang malaman ang ganito? Paano nakayanan ni Daddy ang mabuhay ng hindi dinadalaw ng konsensya?

Ang ipinagdadasal ko lang ngayon ay sana isa lang ang napatay niya. Na hindi marami ang napatay niya.

Kahit na alam kong may krimen na nagawa ang ama ko ay takot ako na makulong siya. Hindi naman talaga dapat makulong siya. Kaya dapat pagtakpan ko din ang nalaman ko. Kagaya ng ginawa ni Mommy.

Kapag pala sobrang mahal mo ang isang tao ay natututo kang pagtakpan siya na kahit sobrang sama na ng nagawa niya ay iniisip pa rin natin ang kapakanan niya. Ganu'n ko kamahal si Daddy. Kaya kong tumahimik para lang sa kaligtasan niya.

Pumasok ako sa paaralan na parang wala lang. Tumatawa, nakikipagbiruan sa mga kaibigan, at nag aaral ng walang ibang iniisip. Parang wala lang pero kapag nakakauwi ako ng bahay ay bumabalik sa akin ang lahat. Naalala ko ang lahat.

Nakakalimutan ko lang naman ang problema kapag kasama ko ang mga kaibigan pero kapag nakauwi na ako ay nasasaktan na naman ako. Umiiyak na naman akong mag isa. I fought my battle alone.

Ang sakit pala na dibdib ang problema. Walang mapagsabihan dahil sa takot. Hindi ko mailalabas ang sakit na nararamdaman dahil sa hindi ko kayang sabihin. Ayaw kong mapahamak ang ama ko na kahit punong-puno na ang dibdib ko ay iniipon ko pa rin ang sakit. Wala akong pinagsasabihan kaya mas lalong masakit.

"Water?"

Mabilis na pinahid ko ang luha ko nang makitang may bottled water na lumitaw sa harapan ko.

Nandito na nga ako sa likuran ng nga classrooms, malapit nang dumilim pero may estudyante pa ring nandito.

Ayaw ko na munang umuwi ng bahay. Nakaka-suffocate sa bahay.

Hindi ko tinanggap ang tubig kaya umupo na lamang ang estudyante sa aking tabi.

Bumuntong hininga ito. "Ganyan talaga ang buhay, masasaktan at masasaktan ka. Iiyak at iiyak ka. Hindi ibig sabihin na buhay tayo ay masaya na tayo."

Dahil sa sinabi niya ay mas lalong naiyak lang ako. Hindi ako sanay na umiyak na may nakakakita pero ngayon ay hindi ko talaga mapipigilan. Ang sakit sakit na.

"Pero ano pa nga ba ang magagawa natin? We are alive that's why we can feel pain."

And I am already tired of pretending that everything is okay. Pretending to be happy when I am not really happy at all. I am in so much pain and I want to show it to everyone, but I cannot. I need to pretend because this is the better way to keep my worth. Pakiramdam ko na kapag alam ng lahat ang mga pinagdadaanan ko, ang nararamdaman ko, huhusgahan ako ng lahat. Ang dami ko na ngang hindi magandang pinagdadaanan. Hindi na pwedeng may maidadagdag pa.

I hide my pain, I keep on pretending not just to protect my family. I keep on doing this because I want to protect myself from the harsh judgment of the people around me. That's the sad reality. We cannot speak nor voice out our pain because people will easily judge.

"In a time like this, don't forget to breathe, Ash. We all experience storms in life. Even darkness. But no matter how long that storm, it will end soon. You can see the sun after that. Darkness? Always remember that no matter how long the nights, mornings will still come."

Pinahid ko ulit ang mga luha at nilingon ang basta-basta na lang lumapit sa akin.

"Paano ka nakapunta dito?" Nagpapahid ng luha kong tanong.

"Hindi ako umakyat ng bakod, okay? May ipinunta lang talaga ako dito pagkatapos ay narinig ko ang parang baboy na kinakatay—"

"Ano ba, Anthony!" Pinalo ko ang balikat niya.

Malakas lang siyang tumawa kahit na napalakas ang pagpalo ko sa kanya.

"Pinapatawa lang kita. Always remember that you deserve light, Ash."

Tumango ako.

Dahil sa nga sinasabi ni Anthony ngayon ay nabawasan ang sakit na naramdaman ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Iba pala talaga kapag may nagsasabi ng mga bagay na makakatulong sa akin. Iba pala talaga kapag may assurance na matatapos din itong mga pinagdadaanan ko ngayon.

"Paano ba 'yan? Dalawang beses na kitang nakitang umiyak at wala akong planong ipagsabi sa kung sino man. Ano bang benepisyo ko sa pagtago ng mga sakit mo, Ash?"

"You should keep quiet. Wala ka din namang benepisyo. Gusto mong bigyan kita ng problema? Share na tayo?"

Mabilis siyang umiling kaya napanguso ako. Nagpipigil ng ngiti.

Hindi ko akalain na nakalimutan kong may problema pala ako dahil nandito siya.

"Hanggang kailan ka ba dito? Plano mo bang maghintay si Kuya Manuel hanggang sa pumuti ang buhok niya?"

"Nag-e-emote pa ako dito, e!"

"Kapag gusto mong mag emote, huwag dito. Pagabi na, delikado dito sa likuran ng classroom."

"Alangan namang sundan na naman kita sa kung saan-saan para lang pakinggan ang mga madrama kong buhay."

Tumayo ako at pinagpag ang suot na uniform. Ganu'n na din naman ang ginawa niya. Inayos ko ang sarili para hindi mapansin ni Nung Manuel ang pag iyak ko. Pero mapapansin din naman niya. Paniguradong mugto na ang mga mata ko ngayon.

"Wala din akong planong makinig sa mga drama mo, 'no?"

"E, bakit ka pumunta dito at may mga pa-advice pang nalalaman?"

Tinaasan niya ako ng kilay at una ng naglakad.

"Do you have a crush on me?" I bravely asked him.

Nilingon niya ako. Kunot na kunot ang noo niya na parang hindi niya ako maintindihan pero ilang segundo ay tinawanan na niya ako.

"What?!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis akong naglakad, nilampasan siya na tawang tawa pa rin.

Seryoso akong nagtatanong tapos pagtatawanan lang pala niya ako. Hindi naman joke 'yung tanong ko para tumawa siya ng ganyan. Tuwang-tuwa pa talaga siya.

"Huy! Feeling mo naman! Kinausap lang kita ay sasabihin mong may gusto ako sa'yo? Nabagok ba ang utak mo?"

Tinakpan ko ang tenga at mas binilisan ang lakad pero rinig ko pa rin ang tawa niya. Nakasunod na kasi siya sa akin. Tawa pa rin ng tawa.

"Tinatanong mo ba rin ng ganyan ang Sir Lawrence mo? Wala ka bang hiya sa katawan?"

"Ano ba? Tumigil ka na! Kung wala ka palang gusto sa akin edi ayos! Huwag mo nga akong pagtawanan!"

Nahihiya na nga ako dito.

Ang sarap mo talagang batukan, Ash! Ano bang pumasok sa isip mo at tinanong mo siya? Tingnan mo, napagtawanan ka tuloy. Baliw ka kasi.

"Huwag kang magtanong sa kung sino-sino ng ganyan. Hindi maganda."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Oo na! Hindi na! Tumigil ka na diyan. Nagtanong lang ako, okay? Hindi naman big deal yun."

Parang ano naman 'to?

"Tsaka huwag mong idadamay si Sir Lawrence dito. Wala naman talaga akong planong sabihin sa kanya yun."

"Edi goods."

"Paano mo nalaman na gusto ko si Sir? Chismoso ka pala, ha? Tatahi-tahimik ka lang pala pero curious ka sa buhay ko."

Ngumiwi siya na parang nahihibang na talaga ako dahil sa mga pinagsasabi ko. Hindi man lang niya itinago ang ekspresyon niyang yan?

"Anong curious? Huy! Buong campus ay nakakaalam na may gusto ka doon sa guro. Mahiya ka naman!"

Malakas kong pinalo ang braso niya. "Kung maka 'huy!' ka naman! May hiya ako sa katawan, no! Anong akala mo sa akin, makapal na talaga ang mukha?"

Inilingan niya ako pagkatapos ay naglakad ulit. Sinabayan ko na siyang maglakad. Malayo pa ang gate kaya malayo-layo pa talaga ang lalakarin namin. Sa lawak pa naman ng campus.

"Lumayo layo ka nga doon sa guro. Ang daming may gusto sa'yo doon ka pa talaga sa guro? It's illegal to fall for your teacher."

Kung makapagsabi naman siyang ilegal! Parang sobra naman yata.

"Excuse lang, Anthony. Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa mga ganitong bagay? Tsaka bakit ang daldal mo yata ngayon. Asan na yung lowkey and mysterious person na nakilala ko?"

"Anong lowkey and mysterious person? I am not that jejemon!"

Talaga lang? Ganu'n naman talaga siya. Ayaw nga niya ng atensyon. Hindi naman jejemon 'yun.

"Binibigyan mo ako ng pangalan, ang pangit naman," reklamo niya.

Look at this guy. Ibang Anthony yata itong kaharap ko ngayon. May kung anong nakain ba siya para magdaldal siya ng ganito? Nakakapanibago naman. At talagang sumasagot na siya sa mga pinagbabato kong salita?

"Ayos ka na?" Biglang tanong niya na ikinagulat ko.

"What do you mean by that?"

"Wala na bang luha ang lalabas diyan sa mga mata mo?"

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang hindi narinig ang katanungan niya. Ayaw kong sagutin dahil hindi ko kayang aminin sa kanya na sa kaunting panahon na kasama ko siya ay nakalimutan ko ang mga iniisip ko. Ayaw kong aminin na siya ang dahilan kung bakit kahit sa ilang minuto naming magkausap ay minsan kong nakalimutan na may problema pala ako.

Ang mga sinasabi niya, nakaka-offend man ang iba, nakatulong din naman 'yun sa akin.

"You deserve light, Ash," he reminded me before we parted ways.

Kahit na nakauwi na ako ay naalala ko pa rin ang huling sinabi niya.

In the midst of the darkness I am experiencing, he's right. I deserve light.

_____
-Rain

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
3.7M 233K 96
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
5.4M 153K 42
"Say something, anything. Tell me they're lies, that what we have is real. Tell me you love me, Liam." I sobbed. I waited for him to say something, b...
926K 83.3K 38
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...