Out of my League

By MsSleephead

307K 5.7K 496

[Bachelor Series 5: Adrin Lee] "She's out of my league, that's why we can't be together" More

Warning
Out of my League
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Note!
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter thirty

Chapter Two

9.1K 157 10
By MsSleephead

(dedicated kay @calima ^^ sorry ngayon lang yung update lol)

--

-Drin-

I thought, sa mga masasakit na salitang sinabi ko kay Wise ay lalayuan niya na ako... pero nagkamali ako.

Parang walang nangyari at patuloy ito sa pag sunod sunod sa akin. Binubulyawan ko na siya ay parang balewala lang ito dito. Ngingitian pa niya ako na siyang lalong ikinaiinis ko.

She keep on giving me gifts, buti pa nga at natatangihan ko ang mga binibigay nito sa akin dahil mga paborito ko lang naman ang mga ibinibigay nito. Tulad na lang ng mga libro na sinulat ng mga paborito kong author, mga albums ng mga paborito kong artist, mga damit na yung brand eh brand talaga na binibili ko and alam nito ang style na gusto ko...

I can buy those things but I also love gifts, pero kung si Wise lang ang magbibigay wag na lang.

"Hello Drinny!" and here we go again. Nandito ako sa cafeteria at hinihintay ko yung mga ugok. Hindi ko ito pinansin at tinuon ko na lang yung atensyon ko sa binabasa kong libro. Naramdaman kong hinila nito ang upuan na nasa harapan ko. Ramdam ko ang mga titig nito kaya naiirita na binaba ko yung libro na hawak ko.

"What now Wise?!" inis na tanong ko dito. Ngumiti lang naman ito sa akin at mas lalo akong tinitigan. Hindi ko maiwasang mailang. Every time that she's staring at me I can't help but to feel unease. May kung ano sa titig nito na ikinaiirita ko. Feeling ko kasi hinuhubaran, minamanyak at pinag nanasahan na ako nito sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa akin.

"Wala lang. Bakit ang gwapo mo?" walang ka abog abog na sabi nito. I rolled my eyes at her.

"I know, hindi mo na kailangang sabihin" mayabang na sabi ko. Napahagikgik naman ito sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito. Her giggles sounds cute, and I hate but to admit it.

"Ang yabang mo"

"Why? Gwapo naman talaga ako. That's why you fell for me right?" seryosong sabi ko. Bigla naman itong sumeryoso at napailing. Napakunot noo ulit ako.

"It's not because of your physical appearance that's why I fell for you Drin. Always remember that" seryosong sabi nito pagkatapos ay ngumiti ulit. Napailing na lang ako.

"Woah! Another lunch date eh?" napatingin kami sa bagong dating. It's my twin brother, Drei. Nakangisi na naman ito habang nakatingin sa aming dalawa ni Wise. Hindi ko maiwasang mapairap sa kakambal ko.

"Hello Wise! Kamusta ang panliligaw mo sa kakambal ko na ito?" tanong ni Drei. Umupo ito sa tabi ko at inakbayan pa ako.

"Ito, wala pa ring progress. Masyado kasing pakipot" sagot naman ni Wise. Tsk here we go again. Pag tutulungan na naman ako ng dalawang to. Drei-not only Drei pero pati mga pinsan ko ay pinag tutulakan ako nila kay Wise. I don't understand them, bakit parang ako lang ang galit kay Wise?! Bakit parang wala lang sa kanila na kapatid ni Wise si Clever?

Petty na kung petty but I hate her because of her brother.

"Tsk pag tiyagaan mo na lang Wise. Sooner or later mapapa 'oo' mo din tong kakambal kong to" at tumawa silang dalawa ni Drei. Mas lalo akong nakaramdam ng iritasyon. Ako? Mapapa 'oo' ng babaeng ito? Ha keep on dreaming Drei and Wise dahil hindi ko magiging girlfriend ang babaeng ito. I swear.

Hindi nag tagal ay nag sidatingan na yung iba. Sabay na dumating si Gerone at Gavin... sinabi ng mga ito na hindi makakasabay ngayon si Grin sa amin... sunod na dumating si Hawk at nag text na lang si Drenz sa amin na hindi din ito makakasabay sa amin.

Ng kompleto na kami ay nag pasya na kaming bumili ng pagkain. Isa isa kaming tinanong nila Gerone at Gavin... sila kasi ang nakatoka ngayon na bibili ng pagkain namin.

I was about to tell my order ng sumingit si Wise.

"Drin! Wag ka ng mag order, I cook for your lunch!" nakangiting sabi nito. Agad na nag ngitian yung mga g*go kong mga pinsan at kapatid. Tinignan ko lang naman si Wise.

This is not the first time that she cooked for me, and this is not the first time that I didn't eat the food that she cooked for me.

"Sinigang na baboy sa akin. Bilhan niyo na din ako ng mountain dew" tipid na sabi ko sa kambal na sila Gavin at Gerone. Napatingin naman sila Gavin at Gerone kay Wise na tumahimik.

"Err-okay eh ikaw Drei?" tanong nong kambal kay Drei. Napatingin ako kay Drei ng hindi ito nag salita. Nakita kong nakatingin ito kay Wise.

"Wala akong order"

"You're not going to eat?" kunot noong tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin saglit bago tumingin ulit kay Wise.

"I preferred what Wise 'cooked' for you. Is that okay with you Wise na ako na lang ang kakain ng niluto mo para sa 'kapatid' ko? Para naman hindi masayang yung effort mo this time" pag papatama sa akin ni Drei. Nairita ako sa sinabi nito. Lahat kami nagulat sa inakto ni Drei.

This is the first time na ginawa niya ito.

"S-sure" tipid na sabi ni Wise na nakayuko.

"Just think na ako si Drin. Magkamukha naman kami diba?" dagdag pa ni Drei. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Drei-pero binabangga na niya ako. Bakit dinidepensahan niya ang babaeng ito?! His just giving her a false hope! I'm giving Wise a cold treatment para tantanan na niya ako at hindi na masaktan pero patuloy nilang binubuyo sa akin si Wise!

Tulad ng sinabi ni Drei, siya nga yung kumain nong niluto ni Wise, na para sa akin. Nilabas nito yung lunch box. Umuusok pa iyon at biglang umalingasaw ang mabangong amoy ng ulam. Naikuyom ko yung mga kamao ko.

Sinigang na baboy iyon-paborito kong ulam. Napatingin ako sa sinigang na baboy na nasa harapan ko at nasa harapan ni Drei, hindi ko maiwasang ipagkumpara yung dalawang ulam na pareho lang naman pero bakit tingin ko mas masarap yung nasa harapan ni Drei?

Pinanuod ko si Drei habang kinakain nito yung niluto ni Wise. He keeps on saying na masarap iyon, at pinapatamaan niya ako. Alam kong hindi nag sisinungaling yung kapatid ko. Masyadong maselan sa pagkain si Drei, maarte ito at kung hindi masarap yung pagkain ay hindi nito pipilitin kainin yung pagkain. Lalaitin pa nito ang pobreng pagkain at itatapon pa sa basurahan.

"Kung alam ko lang na ganito ka kasarap mag luto Wise, sana pala ako na lang kumain nong mga nauna mong niluto para sa kapatid ko" sabi ni Drei habang patuloy lang ito sa pagkain.Nakailang bili na ito ng extra rice dahil kulang daw yung kanin na baon ni Wise. Pati yung extra rice na nasa plato ko ay kinuha nito. hindi ko tuloy maiwsang isipin na ganun na ba talaga kasarap yung luto ni Wise para mapakain ng ganyan karami si Drei?

"Grabe Drei ha! Nakailang kanin ka na!" reklamo ni Gerone ng pati yung extra rice nito ay kinuha ni Drei ng walang paalam

"you can't blame me dude. Kung ganito naman kasi kasarap yung ulam mo mapapa 'extra rice' ka na lang talaga!" nakangising sabi ni Drei.

"Tsk patikim nga ng luto ni Wise, hindi ko maiwasang ma curious" sabi ni Gerone

"Sure, para ma judge mo na din. I want to say na mas masarap siyang mag luto kesa sayo kaso baka mag tampo ka" pang aasar ni Drei kay Gerone. Culinary arts kasi yung course ni Gerone at sa aming lahat, siya yung pinakamasarap na mag luto.

"Hmm, masarap nga. No doubt kung bakit naka ilang extra rice ka na" sabi ni Gerone at akmang kukuha ulit itong ulam ng pinalo ni Drei yung kamay ni Gerone

"Woah-what was that for?!" kunot noong sabi ni Gerone kay Drei. Pinanlakihan lang naman ni Drei si Gerone ng mga mata niya

"Dude sabi mo tikim lang! at ang tikim ay isang beses lang. wag mo akong agawan ng ulam!" ngumuso lang naman si Gerone

"Tsk damot" reklamo nito.

"I have a request Wise kung okay lang sayo" baling ni Gerone kay Wise. Napatingin kaming lahat kay Wise na kanina pang namumula dahil sa kagagawan ni Drei.

"Umh sure... kung kaya kong gawin, gagawin ko" sabi naman nito. Ngumiti naman si Gerone

"Since everyday mo naman pinag luluto si Drin at hindi naman niya tinantanggap-pwede ba na ako na lang ang kumain ng dala mo?" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Gerone

"Dude back off! chef ka naman kaya mag luto ka ng sarili mong ulam!"

"Tsk kahit chef ako siyempre gusto ko yung feeling na pinag lulutuan ako" sabat naman ni Gerone kay Drei

"Wag kang umagaw Gerone! Ako ang kakain ng luto ni Wise!"

"Ano? Ako ang nauna!"

"it doesn't matter!"

Gulat na gulat akong nakatingin sa dalawa... curious na tuloy ako kung gaano ba talaga kasarap yung luto ni Wise para pag agawan pa ni Geron at Drei... si Gerone iyon eh, alam nito kung masarap ba talaga ang pagkain or hindi! Nawalan lang naman ng imik si Wise at maang na nakatingin sa dalawa...

Tsk I can't believe that this is happening!

Kinabuksan, nag aagawan si Gerone at Drei sa dala ni Wise... pero sinabi naman ni Wise na sapat yung dala niya para sa aming lahat kaya ang nangyari is, nang hiram lang sila ng plato sa cafeteria. Oo sila, dahil hindi ako sumama.

"You don't know what you are missing Drin" sabi ni Gavin sabay subo ng pagkain. Lahat sila nasarapan sa dala ni Wise. Even my twin brother Drenz na bihira lang mag compliment ay pinuri nito yung luto ni Wise.

"Tsk I don't care" sabi ko sabay subo sa pagkain ko. Parang hindi ko iyon malulon. I am curious as hell kung ano bang lasa nong luto ni Wise... but I have a pride... kakain ako ng panis na ulam kesa sa luto ni Wise.

"Hey ang dami ng kinuha mo Hawk!" reklamo nila kay Hawk ng halos ibuhos nito sa plato nito ang lahat ng ulam.

"Tsk ede kumuha din kayo" sabi nito sabay subo at kain. Napailing na lang ako. Pinag titinginan na kami ng mga tao dahil sa nag aagawan pa talaga silang anim sa luto ni Wise. I can't believe that this is happening.

Ng matapos akong kumain at naubos ko yung order ko ay agad akong tumayo at nag pa alam na aalis na. Mukhang wala pang balak umalis yung anim dahil hindi pa sila tapos kumain. Panu naman kasi sila matatapos kumain kung sa nauubos yung kanin nila is o-order sila ng extra Rice?

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may gayuma yung luto ni Wise dahil ganun na lang nasasarapan yung mga kakambal ko at mga pinsan ko.

Buti na lang at hindi ako kumain dahil baka ngayon ay nagyuma na ako ng babaeng iyon. Hindi ko maiwasang kilabutan sa pinag iisip ko.

"Drin!" napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Pero ilang saglit lang at ipinag patuloy ko yung paglalakad ko.

"Drin sandali lang" habol nito sa akin pero hindi ko ito pinakinggan at nag patuloy ako sa paglalakad. Napatigil lang ako ng humarang ito sa daraanan ko. Nakaramdam kaagad ako ng iritasyon

"What?" asar na tanong ko dito. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito pero nakangiti ang labi nito.

"Umh... bakit ba ayaw mong tikman yung luto ko? Mga kapatid at pinsan mo na mismo ang nag sabi na masarap naman iyon, pero bakit ayaw mong subukan? Kahit tikim man lang okay na iyon sa akin" sabi nito sa malumanay na tinig.

"Dahil may gayuma yung luto mo!" I hissed at her. Napamaang naman ito sa sinabi ko.

"Kaya siguro nasarapan sila sa luto mo dahil may gayuma kang nilagay doon! Now I am very thankful na hindi ko tinikman yung luto mo dahil baka nagayuma mo na din ako!"

"P-pero wala naman akong nilagay. Masarap lang talaga akong mag luto" depensa nito

"I don't care! Kahit kailan hindi ako kakain ng niluto mo!" sabi ko at nilagpasan na din ito.

"Drin" pero humabol ito sa akin. ng hawakan nito ang braso ko ay agad ko iyong iwinaksi.

"Ano ba?! Kailan mo ba ako titigilan ha?!" inis na sabi ko dito. Napayuko naman ito saglit bago tumingin ng diretso sa akin.

"Never" matatag na sabi nito

"Never kitang titigalan Drin. I won't stop not until that you are mine. Hindi kita titigilan hanggat sa hindi ka napapa sa akin" seryosong sabi nito. Napangisi ako bago ako lumapit dito

"Keep on dreaming Wise... because you will never...ever... and ever have me, itatak mo yan sa utak mo" madiing sabi ko. Lalayo na sana ako sa kanya ng bigla nitong hawakan yung siko ko.

"Then I will never give up on you Drin... hindi kita susukuan hanggat sa hindi mo pa ako mahal, itatak mo iyan sa utak mo Drin" ng pakawalan ako nito ay nakangiti ito sa akin. Humalik pa ito sa pisngi ko bago nakangiting naglakad palayo sa akin.

Naikuyom ko yung mga kamay ko.

You will never have me Wise... never

--

End of chapter Two

(Updates is either Saturday or Sunday dahil may pasok po ako...Thanks for reading, sa mga walang pasok ngayon magsaya tayo lol.)

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.5K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
121K 4.3K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
242K 13.6K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.