Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 31 - Unexpected Reunion

40.3K 1.2K 319
By pixieblaire

Not feeling well. :( Pinilit ko lang mag-post. Kung anuman ang mababasa niyo, dala 'yon ng mainit kong kalagayan.

Vomment please? Cure me with those awesome comments and thoughts.

xx pix-sick blaire

==========

Chapter Thirty One

Unexpected Reunion

"YUAN . . . " Ako na ang bumuwag sa katahimikan kahit hindi ko alam kung saan magsisimula. Lumapit si Val kay Yuan kanina, pero ako raw ang gusto munang makausap nito, kaya nang kumatok siya sa aking

kuwarto ay pinatuloy ko siya agad.

"Yuan, sorry! Hinalikan ka ba ng clone ko sa bar? Akala kasi ni Val ay naghalikan tayo pero hindi naman ako ang babaeng nakita niya. It's my clone. Clone mo rin ba 'yon? 'Yong nasuntok niya pagkatapos?" puno ng pag-aalala ang boses ko.

Tila nagulat siya ngunit napabuntonghininga rin. "Hindi ako hinalikan ng clone mo, Tine. Eh 'di sana, mas malungkot ako ngayon. I would have experienced the joy of being kissed by the person I value the most, only to find out in the end that it's not true. Aakalain ko sanang hinalikan mo ako dahil gusto mo ako, pero hindi naman pala totoo. Mas masakit 'yon, 'di ba?"

Napatungo ako agad sa nagbabadyang kalungkutan. "Ibig sabihin pala, clones natin 'yon?"
"Gano'n na nga." Nagbuntonghininga siya.

"Kaya hindi rin ako ang nasuntok ni Val sa bar. Noong nakita ko kayong nag-aaway sa beach, nilapitan ko kayo agad at hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin siya. Kung tunay na Val iyon, I should be the one to say sorry."

Napatakip ako ng bibig.

"Hindi pala ikaw ang kasama namin ni Ellie papuntang Grimencia?"

"Nasa Diagon Village ako nang araw na 'yon para mamili ng kagamitan. Pagkauwi ko, binisita kita sa room mo, pero wala ka roon kaya naisip kong baka nasa beach kayo. Pumunta lang ako sa Grimencia nang gabi na at doon ko kayo naabutan ni Val na nagtatalo. I thought he's going to hurt you, so I tried to protect you from him. Napalingon rin ako sa bonfire kagabi at akala ko ay namalikmata akong nakita ko ang sarili ko. Hanggang sa nalaman na nga natin na may lintik pala na clones na umaligid."

I suddenly remembered the look of Yuan last night without any black eye when in fact, bago ako umalis sa bonfire circle at noong dumating kaming Grimencia nang tanghali ay kitang-kita ito. That noticeable evidence may have slipped my mind that time because of my anger toward Val.

Napapikit siya nang mariin. It's my first time to see Yuan frustrated and lost. "May dalawang bagay akong gustong malaman. Una, ikaw ba 'yong nagtapat sa 'kin o hindi?"

Napanganga ako sa panibagong rebelasyon. "Nagtapat?" Bukod sa clones nga namin ni Yuan ang nakita ni Val na naghalikan, mayroon pa palang naganap na pagtatapat? My clone confessed a lie to the real Yuan!

Tila kinurot ang puso ko nang bumagsak ang ekspresyon niya.

He faked a smile which only made things hard on my part. "Oo. Sa Enikka's Garden, the day after the Night of Knights. Kung gano'n, hindi pala totoo ang lahat."

"Teka, teka . . . ano'ng ipinagtapat ng clone ko?"

"I love you . . ." deretsong sabi ni Yuan. Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan.

"Iyon ang sinabi sa akin ng clone mo. Akala ko totoo. Pero wala, eh. Pinaglaruan lang tayo ng mga clone." He sighed.

Kaya pala sobrang weird talaga ng mga nangyari kahapon! Ang tunay na Yuan na nakasalamuha ko ay iyong sumunod din sa amin ni Val at sumuntok sa kaniya.

Through Yuan's statements, I finally tried to arrange the sequence of events in my mind. Night of Knights, nagtapat si Val sa akin. Kinabukasan naman ay na-encounter ni Val ang clone ko at nagsabi ng kung ano-anong masasakit na salita at kasinungalingan kaya siya nag-inom sa bar. The next night after that at the same bar, nakita ni Val ang clones namin ni Yuan na naghalikan at doon nga ay nasuntok ni Val ang fake na Yuan. Sa sumunod na araw, sinundo kami ni Ellie ng fake Yuan papuntang Grimencia beach. Hapon ng araw na 'yon ay nakita ko ang fake Val na may kahalikan at kalandiang iba. Pagsapit naman ng gabi, sa bonfire circle, totoong si Val na ang nandoon habang kasama ko pa rin ang fake Yuan. Nang mag-walk out ako dala ng galit, sinundan ako ni Val at doon na rin pumasok sa eksena ang tunay na Yuan habang ang fake Yuan ay naiwan sa bonfire. Sinuntok ni Yuan si Val dahil sa pag-aalalang sasaktan ako ni Val at dahil na rin sa naunang pagtatapat ng clone ko sa kaniya sa ibang pagkakataon.

Napatulala ako saglit sa malulungkot na mga mata ni Yuan. "Akala ko ay gusto mo rin ako, honeybar."
Rin? Ibig sabihin, gusto niya rin ako? No, this can't be happening! "Yuan, ano'ng sinasabi mo? You mean . . ."

"Panghuli. Tine, mahal mo ba si Val?" He looked intently into my eyes, pained and teary. 

"Yuan..." I kneaded his shoulder dahil natatakot ako sa mangyayari ngayon. The fact na paiyak na si Yuan ay hindi ko na rin mapigilang mag-igib ng luha.

"Just answer it, please."

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Bumagsak naman ang ekspresyon niya kasabay ng pagpatak ng paunang luha mula sa kaniyang mga mata. Seeing him crying was an agonizing flinch in my heart! 

"Ako rin, Tine eh. Ako rin. Gusto kita." Tumungo na siya at tinakpan ang mukha. Walang pag-aatubili ko siyang hinapit at niyakap, dinadamayan sa kalungkutan.

"Yuan, I'm sorry." Pilit ko siyang pinakalma kahit mahirap. Ang pinaka- malapit at una kong kaibigan ay umiiyak sa pagkakataong ito nang dahil sa akin. Nag-iyakan kami pareho sa mahabang katahimikan habang yakap ang isa't isa. 

"Mas gwapo naman ako 'di ba? Mas cute? Mas mabait at nakakatawa? Mas yummy?" parang bata niyang daing kaya ako na ang pumahid sa mga luha niya at niyakap siyang muli nang mahigpit.

"Yuan naman, eh. Ayaw kitang nagkakaganito. Hindi kita bibitiwan hangga't hindi ka pa okay. Nandito lang ako. I won't leave."

Ito ang ayaw ko sa lahat, 'yong may nasasaktan ako at napapaiyak. Kaya naman ginawa ko ang lahat para i-comfort siya kahit batid kong hindi naman talaga iyon magiging sapat.

"Anong cake ang may sakit?" pahikbi kong tanong, umaasang maiibsan kahit papaano ang nararamdaman niya.

"Ano?" sagot niya kaya nabuhayan ako ng loob. 

"Edi, cough-cake." Nagtawa kaming dalawa tsaka biglang ngumawa. Nababaliw na yata kaming dalawa.

Nagtawanan kaming dalawa saka biglang sabay na ngumawa. Nababaliw na yata kami. Maya-maya ay kumawala na ako sa yakap at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Muli ay marahan kong pinahid ang kaniyang basang mukha.

Yuan is a very good friend to me. He's a family that I couldn't risk losing and couldn't endure seeing in pain. 

"Knock knock."

Suminghot siya kasabay ng magaang pagngiti. "Who's there?"

"Amanda."

"'Yan ba 'yung ka-forever ko?" bahagya niyang pagtawa at pinapahid na ang mga luha. "Sige na, Amanda who?"

"Amanda payphone trying to call home, all of my change I spent on you..."

Tumawa siya kahit alam kong pilit lang 'yon. Siguro nga, kapag nasasaktan ka, talagang mahirap magpanggap na masaya ka.

Ginulo niya ang buhok ko, "Bagyo ka ba?"

I smiled. "Bakit?"

"Kasi the moment you left my area of responsibility, you left my heart in a state of calamity." Kumindat pa siya at tumayo na. Nagtawa na lang kami pareho. "Tara sayaw tayo."

Agad kong pinaunlakan ang kaniyang anyaya. Ipinuwesto ko ang aking mga kamay sa kaniyang balikat at siya naman sa aking baywang. 

Sinabayan ko na siya pagkanta. "Sasayaw ng wiggle, ang saya-saya."

He hugged me so tight while continuing our dance. "Boom tihaya, boom tihaya, boom chuk-chuk."

Kung mayroon man sigurong nakatatagal sa paghalo ng iyak at tawa, kami na ni Yuan 'yon.

"Yuan, I'm sorry. Ayokong malungkot ka. Ikaw ang most handsome, hottest, and coolest best friend in the whole wide universe!" pag-cheer ko sa kaniya, emphasizing the last words.

"Totoo 'yan, ah? Walang bawian?" Naniningkit siyang ngumiti na ikina- panatag ng loob ko. 

"Wala ng bawian."

He held my face and kissed me on my forehead. "Don't be sorry. Masaya na akong malamang mahalaga ako sa'yo. At kahit may Val ka na, 'wag mong kakalimutang nandito pa rin ang honeybar mo para sa'yo."

I nodded at nagkasundo na kami.

"Pa-kiss nga uli habang wala pa si Lover Boy." He kissed me one last time on my forehead, longer this time.

I just hoped that everything would be alright for him. The only thing I was certain of was that Yuan would always be special and close to my heart, and nothing in the world could ever change that.

Lumabas na kami ng kuwarto ko at naabutan namin si Val na pabalik-balik na naglalakad, tila hindi mapakali. Now, it's time for them to talk.

Bumaba muna ako sa main hall sa ground floor ng White Castle. Dito nagpupulong ang lahat ng Cryst level Soverthells kapag may forum sila. Puwede rin itong tambayan.

Pagkababa ko ay mayroong mga naglalaro ng chess sa sala. Dumeretso ako sa kitchen dahil nagutom ako. I felt too much stress, loneliness, and happiness—all at once. 

Naabutan ko si Harry. "Hi Cristine! Upo ka muna, tamang-tama! Nagluto ako ng pansit bihon." Nabuhay ang katawang lupa ko at umupo na agad sa dining table. Hinainan niya ako. "Salamat Harry! Wow, ang sarap!"

"Nako mukhang may bagong fan si Chef Harry ah?" banggit ng kararating na babae, si Taylor.

"Chef ka?" pag-usisa ko.

"Hindi ah. Madalas lang ako magluto dito kaya ayan, namihasa sila."

"Asus! Cristine, siya lang naman talaga ang nagluluto dito." Biro ni Taylor at nakikain na rin. By the looks of them, I think they're a couple.

They are both wizards, and we're considering them as team leaders here in White Castle. Kapag may mga pulong ay sila ang punong-abala at sila rin ang takbuhan kapag may mga problema.

Habang kumakain ako ay dinaldal ako ng dalawa. Maya-maya, may biglang pumasok sa isip ko.

"Bakit pala walang hiwalay na battles ang Gemlacks at Soverthells? 'Di ba parang mas makatutulong 'yon para makita agad ang Four Legends?"

They hunched on the table.

"Nakatutuwang malamang curious ka rin. Akala kasi ng iba, competitive ka lagi dahil naniniwala kang baka isa ka sa apat," komento ni Taylor.

Muntik na akong mabulunan. "Hindi 'yan totoo! Hindi ako confident."

Taylor handed me a tissue. "Remember the time na napunta ka sa Daffedille Lake, ang pinaglalagyan ng puno ng Power Sphere kung saan ka rin nalunod?"

Hinding-hindi ko makalilimutan ang bangungot na 'yon sa buhay ko. "What about it?" 

Harry almost whispered, "You're the girl who survived."

Napaisip ako. Iyon pala ang naging taguri nila sa akin? Sa totoo lang ay ayaw ko ring napagtutuonan ako ng pansin. Kung bakit nga ba kasi isa ako sa laging napapahamak dito.

"Pero hindi naman iyon basehan, eh. Hindi lang naman din ako ang napahamak nang gabing 'yon. Sadyang malas lang siguro ako."

"You have a point. But still, it's a miracle. Kung ako siguro 'yon, wala na ako ngayon," dagdag ni Taylor.

"I don't know. Maaaring plano naman na talaga ng kalaban na hindi ako tuluyang patayin. Panakot lang, kumbaga."

"Wait . . . Cristine, paano mo pala nasabing mas mapadadali ang paghahanap kung may hiwalay na battles?" curious na tanong ni Harry.

"Kasi paniguradong ang dalawa sa Four Legends ay isang pure Gemlack at isang pure na Soverthell."

"Na-uh!" Taylor disagreed. "The Four Legends are all two-blooded."
My eyes widened in shock. Umayos naman si Taylor ng pagkakaupo at itinuloy ang pagpapaliwanag. 

"Unahin natin ang Gemlack Royalties. Gemlack si King Darius, pero dugong Soverthell ang asawa niyang si Queen Gwyneth. Sa Soverthell Royalties naman, si King Ralf ay dating prinsipe ng mga Soverthell habang si Queen Shayne na stepsister ni Dreyxin noon ay ang prinsesa ng mga Gemlack."

"Stepsister siya ni Dreyxin?" tanong ko pa.

"Si Queen Shayne ang nag-iisang anak na babae ng previous Gemlack king noon. Kaya sa nakaraang panahon, nagkaroon ng special competition sa Walt Battles para sa chance maging hari. Sinalihan iyon ni Dreyxin dati at siya ang napiling proclaimed prince na posibleng papalit sa hari kaya naging stepbrother ni Queen Shayne ang dark prince. 'Buti na nga lang at natalo ni Diamond si Dreyxin noong unang digmaan kaya hindi natuloy ang kaniyang paghahari.

"Because of that, Darius, who's the right-hand man of the previous king was also deemed qualified for the position. Hence, he was declared to be the next Gemlack king dahil tumutol na si Diamond na magkaroon muli ng labanan para sa posisyon. Hindi na rin ipinagbawal ni Diamond na umibig ng tagakabilang grupo kaya hayan, ang dating prinsesa ng mga Gemlack na si Shayne ay nangapit-kaharian, nakipag-ibigan kay Ralf Soverthell, at kalaunan ay naging reyna na nga ng mga Soverthell. Silang dalawa talaga ang matatawag nating may tunay na dugong bughaw dahil naging prinsipe at prinsesa sila umpisa pa lamang. On the other hand, si King Darius naman ay hindi orihinal na prinsipe. When he became Gemlack king, he fell in love with a commoner from the Soverthell clan who is Queen Gwyneth now."

I was completely mindblown. Nadagdagan tuloy lalo ang mga gumugulo sa isipan ko. 

"Let's move on with the Guardians. Si Kierre na guardian ni Diamond, isang Soverthell. Si Lindrenne naman, the legendary ex-guardian of the dark prince ay isang Gemlack syempre. It means, ang anak nila ang kauna-unahang two-blooded Guardian. Kumbaga, parang siya ang Guardian counterpart ni Supreme Majesty Diamond na two-blooded wizard. Ang anak nilang dalawa ang tumatayong pride of the Guardian line. And siguro alam mo na rin ang kina Diamond at Enikka. Kay Diamond pa lang, automatic na 'yun, katulad niya ang anak niya. Kaya lahat sila, half-S and half-G. See?"

"Wicked! Malalakas talaga sila. Dagdag pang Royal Bloods." Kumento ni Harry.

Habang ako, na-overload ng mga katotohanan. I incrementally absorb one thought at a time. Daig ko pa yata ang mabagal na internet sa mundo ng mga tao.

"Kaya naman talagang mahirap pa sa ngayon na alamin ang Four Legends," segunda ni Taylor. 

"Right, Tey-Tey. Lalo na't sa ating lahat ngayon, wala namang two-blooded. It's either Gemlack ka o Soverthell ka. Iisa lang naman ang simbolo natin sa mga pulso." Dagdag ni Harry.

"Pero bakit gano'n? Wala ba talagang dalawa ang simbolo rito?" tanong ko pa, naguguluhan. 

"That's the catch. Assumption namin, baka nahihimlay pa ang other blood ng apat. Waiting for the right time na matuklasan at lumabas mula sa kanila."

Naudlot ang usapan namin nang dumating ang iba nilang kaibigan. "Guys, mag-ready kayo. Pupunta tayo sa village ngayon, nasira ang water dam ng Gemlack community."

"Kasama Royalties?" tanong ni Taylor na tinanguan ng dalawa.

"Sige Cristine, ako na magligpit dito. It's nice to meet you. Sa uulitin." Niyakap niya ako at nakipag-apir naman ako kay Harry. 

Nagmadali akong umakyat at nakasalubong ko ang dalawa na pababa naman.

"Honeybar!"

"Baby!"

Kinurot ko agad sa pwet si Val. Nakakahiya talaga. Bakit ba kasi 'yun na ang tawag niya sa'kin. Nakita ko na rin si Ellie sa likuran nila na ang laki ng ngiti. Kumapit agad siya sa braso ko, "Marami kang i-eexplain sa'kin! Baby pa more, huh?"

Tinakpan ko ang bibig niya. "Oo na sige. Pero unahin muna natin ang mission sa Village."

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

CROWDED dito sa Diagon Village. Nasa magkabilang dulo kasi ng communities ang water dam ng Gems at Sovers.

Sumilip kaming lahat at naalarma nang makitang walang tubig sa dam ng Gemlack community. Ang Gemlacks ay nagpapaypay na at mukhang hindi pa nakaiinom ng tubig at nakaliligo.

"Kailan pa po ito?" tanong ko sa isang babae.

"Kagabi pa. Akala namin ay panandalian lang, pero mukhang malabo iyon gayong tuyong-tuyo ang dam." 

Saan napunta ang tubig? Nanatili ang atensiyon ko sa dam na walang- laman. Hanggang sa nanindig bigla ang balahibo ko. Parang may naramdaman akong kakaiba. Parang ganito 'yong kutob ko nang una akong makaapak sa White Castle. Parang laging may nakamasid at nanonood sa amin . . . o sa akin?

Lumapit sa amin ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa late 30s na at nakasuot ng isang fedora hat.

"Pakisabi sa professors n'yo na kailangan ang Water Elementors ngayon," pakiusap niya habang kinukumpuni ng mga tauhan niya ang tila nabasag na water gem na pinagmumulan ng tubig dito.

"Sige po. Ano po'ng pangalan n'yo para masabi namin sa kanila ang inyong tagubilin?" sabi ko at ipinakilala ang mga kaibigan ko.

Nagpakilala rin ang lalaki sa amin at ngumiti. "Thadeo Oretter, punong wizard ng baryong ito."

Hinila ko na si Val, pero hindi siya kumibo. Nanatili lang siyang nakatingin sa lalaking 'yon at para siyang nanigas sa kinatatayuan.

"Val?" Pansin kong tuliro siya at hindi ko alam kung bakit. "Ano'ng problema?"

"May katanungan pa kayo?" malugod na tanong ni Ginoong Thadeo at ngumiti sa amin. Napansin kong deretso siyang nakatingin kay Val.

"Tatay . . ."

I stopped in my tracks. Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Val.

"He's the one who abandoned my mom and me at the mortal world. Si Romantico Archangel. Tama ba?" matigas pang sabi ni Val habang titig na titig sa tinawag niyang Tatay. His eyes were bloodshot, bakas na bakas sa kaniya ang galit.

Kung gano'n, ang lalaking iyon pala na kilala sa mortal world bilang si Romantico Archangel at nagsilbing tatay ni Val ay isa ring lost soul, pero dahil natatandaan niya pa rin ang orihinal niyang pangalan bilang si Thadeo Oretter, isa itong Walt being. Ayon kay Professor Norfenfal noon sa aming history class, lahat silang professors, villagers, at university shop residents ay Walt beings dahil kilala na nila kung sino sila sa Fortress noon. Tanging kaming mga estudyante ang nasa Nix o Cryst levels pa lamang at gaya ng sabi ni Bethany, kung sino ang unang apat na maging Walt being sa Fortress High ay tiyak na sila ang Four Legends.

Nanatili ang tingin ko kay Ginoong Thadeo. Dahil lost soul din ito, malayong maging totoong mag-ama sila dahil si Thadeo ay isang wizard while Val is a guardian. But still, he's the one na kinamulatan ni Val bilang kaniyang ama.

"Let's go," biglang sabi ni Val. Hinawakan niya ako sa pupulsuhan at naglakad palayo, leaving the man dumbfounded and lost.

Gulong-gulo rin ako sa gagawin. Paano ko kakausapin si Val? Sasabihin ko bang makabubuti sana kung mag-usap muna sila ng kinilala niyang ama? 

At hindi na nga kami nakapag-usap dahil inutusan na kaming lahat na pumalibot sa buong dam at lagyan iyon ng tubig pansamantala. Pero bilang hindi naman kami Water Elementors, water spells lamang ang ginamit namin.

Matapos maubos ang limit namin sa pag-produce ng tubig ay nanatili pa ang Water Elementors sa dam habang kami ay pinapunta sa iba pang komunidad para mamahagi ng mga galon ng tubig na aming naipon. Pati ang Soverthell community ay tumulong sa pamimigay.

Pagsapit ng gabi ay nagpahinga muna kaming anim nina Val, Ellie, Yuan, Sage, at Dan. Nag-alala pa kami dahil paniguradong si Ellie ay hindi hamak na mas pagod sa amin. Tumuloy kaming anim sa bahay ni Ginang Maura dito sa Calle Oretter. Puti na ang kaniyang buhok na nakikitaan lamang ng kaunting itim. Mayroon din siyang hawak na tungkod kahit mas malakas pa siyang tingnan kaysa sa akin. Wala rin itong pilay at mas lalong hindi uugod-ugod. I had a hunch that the rod she's holding is her scepter.

"Salamat sa inyo, mga bata," sabi ni Ginang Maura.

"Maura! Nandito ba si Andeng? At kailangan pa ng magkukumpuni roon sabi ni Deo," biglang pagtawag sa bintana ng isang lalaki.

"Pinapunta ko na roon! Hala sige't mag-iingat kayo!"

Nanatili kaming tahimik at nag-iisip nang biglang basagin ni Val ang katahimikan.

"Ginang Maura, kilala n'yo po ba si Thadeo?"

Tumingin agad ako sa kaniya.

"Ah, si Deo ang nagsisilbing mayor namin dito. Matulungin sa lahat. Magaling magkumpuni at mag-ayos ng iba't ibang mga bagay."

"Magaling pala siyang mag-ayos ng mga nasira na. Eh, mga nasirang buhay po?"

Hinawakan ko ang kamay ni Val para pakalmahin siya. "'Wag n'yo na pong pansinin 'yong sinabi niya. Ah, eh, Ginang Maura, saan ho ba rito ang bahay ni Ginoong Thadeo? Gusto po sana namin siyang makita at mapasalamatan na rin." Ako na ang nagsalita at baka kung ano pa ang masabi ni Val. Alam kong nasa tuktok pa ng kainitan ang emosyon niya sa pagkakataong ito. Sinenyasan ko na rin siya na manahimik at napansin ko ang pagtiim-bagang niya.

Matapos kong tanungin si Ginang Maura ay malugod naman niyang itinuro sa amin ang bahay ni Thadeo na malapit lang din dito. Tamang-tama, they needed to talk.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

NANIRAHAN kami rito nang ilan pang araw. Ang iba pa naming kasamahan ay nakituloy sa ibang mga tagarito. Pursigido ang lahat na maiayos ang problema sa kanilang dam. Ginawa rin namin sa abot ng aming makakaya ang pamamahagi ng tubig sa bawat Calle. And I just realized, my weakness was very important at that time. Kung ano pa ang kahinaan ko, gano'n naman katindi ang halagang dulot ng tubig.

Habang lumilipas ang araw ay pansin ko ring patuloy na iniiwasan ni Val ang usapan tungkol kay Ginoong Thadeo. Gusto kong maging maayos kung anuman ang gusot sa kanila. I wanted him to be fine.

"Val . . ." I grabbed his hand when I visited his room. He still looked preoccupied. "Pakawalan mo na ang hinanakit d'yan sa dibdib mo. Kausapin mo siya. I know there's a reason for everything."

Isinandal niya ang ulo sa balikat ko. "Sa tingin mo, ito ang dahilan kung bakit niya kami iniwan?"

"Alin?"

"Kasi isa rin siyang lost soul."

I nodded. "Malaki ang posibilidad. Kaya huwag mo munang pairalin ang galit mo. Huwag kang magpalamon sa hinanakit. Hindi naman masamang masaktan, pero hindi rin masama kung ipaglalaban mo ang gusto mong maintindihan."

"Samahan mo ako, ha?"

"Kay Ginoong Thadeo? Oo naman. Pangako, nasa tabi mo lang ako palagi."

"Salamat, baby. Kakausapin ko siya bukas."

I smiled. Ipinatag ko rin ang kunot sa kaniyang noo. "Don't overthink. Ilang araw mo nga akong ini-snob, eh."

Mabilis pa sa kidlat na siniil niya ako ng halik. I automatically responded, letting my hands trail their journey to his neck, head, and hair. Inabot naman niya patalikod ang doorknob at narinig kong ini-lock niya 'yon saka ako dahan- dahang pinaupo sa kama, not leaving my lips. Ilang araw pa lang naman, pero I already missed him so badly.

Matapos ang punong-puno ng pagmamahal niyang paghalik ay tumigil din siya saka ako pinahiga sa kaniyang braso. Napakasarap lang din sa pakiramdam na makasama siya. 

Bumulong siya sa'kin, "I want a baby. Mali. I mean, babies."

What's with this sudden topic?

I was hugging him when he suddenly reached for my stomach at tinapik- tapik iyon. "Baby, ilan ang gusto mong anak?"

"Ideally, dalawa. Ikaw?"

"Ang kaunti naman. I want a whole basketball team." 

"Ideally, dalawa. Ikaw?"

"Ang kaunti naman. I want a whole basketball team." 

Pinalo ko na sa ulo at tinulak. "Anong tingin mo sa'kin? Baboy? Aso? Baby dispenser?"

He laughed while slowly caging me in his arms for a hug. "Gusto ko, marami para masaya."

Suddenly, I pictured him in my head with kids playing with him. I was sure Val would be a good father. 

"Hmm, pwede na. Kaso baka ikamatay ko naman 'yan."

"Hey." he scolded me. "Kaya mo 'yun. Kakayanin natin. Kapag may hirap, may sarap at ligaya." pilyo niyang bulong sa'kin habang pinipisil-pisil ang baywang ko.

Nanahimik siya nang ilang sandali. "I always dream for our future . . . pero pakakasalan mo ba ako?"

Nanlamig ako lalo. "Proposal ba 'yan? At sa kama talaga, ah?"

Natawa siya. "Romantic naman, eh. Sa kama and under the full moon." Hinalik-halikan niya ako sa mukha bago humiga sa dibdib ko at hawak-hawak na naman ang tiyan ko.

Saglit pa kaming nagkuwentuhan at nagtawanan bago ako tuluyang mahimbing na nakatulog sa kaniyang mga bisig. 

Paggising ko kinabukasan, nakayakap siya at nakadantay sa akin. Mahimbing pa rin siyang natutulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Napakaganda niyang lalaki. Kung ganito ba naman ang una mong makikita pagkagising, ewan ko na lang kung hindi ka mapangiti. 

May kung anong kakaiba akong nararamdaman sa may hita ko. Pagsilip ko sa ilalim ng kumot, wala siyang boxer na suot!

Holy flares!

My jaw dropped. Kaya pala parang may something na nakapahinga sa mga hita ko. Ikaha-high blood ko si Val. He just slept naked with me, sa ibabaw ko pa.

O, tukso! Layuan mo ako! 

==========

Pahabol Note: Sa Team Tine-Apay, natuwa ako sa mga sumagot. Nakakatouch na nakakatawa. Can you answer?

"Sino si pixieblaire sa buhay mo?"

(may sakit eh kaya sagarin na ang pagkadrama haha)

Continue Reading

You'll Also Like

150K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
2.5M 89.8K 60
Collab with Makiwander Meet Davide Castillejo, a ruthless businessman who will do anything to be the CEO of the family corporation, including marryin...
55.1K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...
163K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...