Reverse

By SilentInspired

1.5M 24.6K 464

"Sa loob ng dalawang taon pinabayaan kita. Pero ngayong bumalik ka hindi na ako makakapayag na makawala... More

Reverse
Prolouge
i. Pangarap
ii . Gradually
iii . Reaching the dreams
iv . Destiny
v . Makes me laugh
vi . Truth
vii . Dangerous
viii . Not giving up
ix . Hand Kiss
x . Home
xi . Kiss in the rain
xii . Pampanga
xiii . Jealous
xiv . True Identity
xv . Sincere
xvi . Old Issues
xvii . Serious
xviii . Trust
xix . Dream of me
xx . Missing you
xxi . Sick
xxii . Happy
xxiii . Nice Feeling
xxiv . Threat
xxv . Safety
xxvi . I love you
xxvii . Real Feelings
xxviii . Good Mood
xxix . Unfair
xxxi . Still
xxxii . His feelings
xxxiii . For a lifetime
xxxiv . Im yours
xxxv . Own
xxxvi . Dream
xxxvii . Birthday
xxxviii . Too sexy
xxxix . Hindi ko na kaya
XL . Clear
XLI . To Infinity
XLII . Ailee
XLIII . Tired
XLIV . My Francis
XLV . Glimpse
XLVI . Goodluck
XLVII . Proposal
XLVIII . Everything
XLIX . Tradition
L . Forever
Epilouge
Forbidden # 1 : Facing The Legacy
SilentInspired Closer

xxx . Goodbye

23.2K 422 13
By SilentInspired

Nasa bahay ako ngayon. Wala si mom and dad. Pinauwi muna nila ako dahil sa nangyari. Galit na galit din si daddy.. pero sabi ko ay wag niyang personalin lalo na at mag kanegosyo sila ni Francis.

Tinawagan ako kanina ni Abby, sabi niya ay nagwawala daw si Francis kanina sa office. Gustong gusto ko siyang puntahan pero nasasaktan parin ako. Kung normal na sitwasyon lang ay pupuntahan ko agad siya pero hindi eh.

"Mam?"

Tumayo ako dahil sa pagkatok ng kasambahay namin. Namamaga pa rin ang mga mata ko kaya hindi ako gaano lumalabas.

"Yes?" Mahina kong tanong sakanya. Ngumiti naman siya.. marunong makiramdam ang mga katulong namin.

"Nandyan po si Mrs. Salazar" napasinghap ako sa sinabi niya.

"Ayaw daw po niyang pumasok" tumango ako at nagmadaling bumaba ng hagdan.

Walang kasalanan ang mommy niya kaya ay hindi dapat ito madamay at isa pa napaka ganda ng pakikitungo niya sa akin. Tinuring niya ako na parang myembro ng pamilya nila.

Isa pa, hindi niya ako tinawagan sa cellphone. Pumunta siya dito ng personal so importante ito.

"Tita" bati ko sakanya pagkalabas ko ng gate.

Lumapit ako sakanya habang siya ay hinawakan ang mukha ko at hinaplos.

"You've cried alot" nag aalala niyang wika.

Ngumiti lang ako ng mapait.

"Please call me mama" umiling ako.. Alam kong malabo maayos ito.

"Nung una palang ay hindi na ako sangayon sa mga gusto ng magulang ni Elaine pero malapit siya sa mga anak ko kaya ginalang ko ito but seeing you and my son's condition. Mas lalo akong nagagalit." Aniya.

Hindi ako makapagsalita. Alam kong nasasaktan din si Tita. Ang dami ng nasasaktan.

"Tumawag si abby, hindi pa nag aalmusal si Francis. Pumunta ako at buti nalang ay napauwi ko muna siya sa condo niya pero ayaw niya paring kumain. He is punishing his own body. Please try to convince him atleast to eat. Sayo lang siya makikinig"

Parang sumisikip ang dibdib ko. Nagaalala ako sakanya. Sobra sobra ko siyang mahal. Mahal na mahal na kahit nasasaktan ako ay gusto ko maayos pa rin siya. Mas gugustuhin ko pa na ako ang masasaktan kay'sa pati siya ay nagdurusa.

Bakit niya ba ito ginagawa?

Tumango ako, pumasok ako ng bahay at nagbalot ng pagkain. Sumakay sa kotse ni Tita Rose. Hinatid niya ako sa condo ni Francis.

"Ikaw ng bahala" sabi niya sabay yakap sa akin.

"I can't promise anything" sabi ko nalang at lumabas. Dumeretso ako sa condo niya at kumatok.

Ilang minuto lang ay binuksan niya ito at nakita ko ang gulat sa mga mata niya. Naka suit parin siya hanggang ngayon. Magulo ang buhok niya at namumutla.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

Parang natauhan siya sa sinabi ko at binuksan ang pintuan. Nalaglag ang panga ko sa nakikita ko. Ang dumidumi! Ang daming basag na gamit.

Gusto ko sanang punahin yun pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilapag ko ang pagkain sa lamesa.

"Nagdala lang ako ng pagkain. Kainin mo yan" sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.

Hinawakan niya ang braso ko at sobra akong nanghina.. I want to touch him so bad. His touch is making everything worst.

"Please stay" narinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya.

"Magpalit ka muna ng pambahay tapos ay kumain kana" sabi ko sabay kuha ng pagkain at linipat 'yon sa ibang lalagyan.

Bakit ang tanga tanga ko talaga?

Umupo ako sa kusina at lumabas siya galing sa kwarto. Nagpalit siya ng puting tshirt at jersey shorts.

Tinuro ko ang upuan sa harapan ko. Malungkot siyang umupo at kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain niya ay hindi niya napigilan na kausapin ako.

"Mas gugustuhin ko pang sigawan at awayin mo ako kay'sa hindi mo ako pinapansin." Malungkot niyang wika.

Pinigilan kong magreact sa sinabi niya. Sobra sobra na ang paninikip ng puso ko. Habang naaalala ko ang mga memories namin dito sa condo niya ay mas lalo akong nasasaktan.

Napalitan lang sila ng ganito?

Nang napansin niyang hindi ako sasagot ay nagpatuloy siya sa pagkain. Nang matapos niya ang pagkain ay nagring ang phone niya. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kung sino ang nagtext.

Elaine.

Nagdalawang isip pa siya kung bubuksan niya iyon pero sa huli ay binuksan niya pa rin at parang kinalmot ako dahil doon. Hinding hindi niya 'to matitiis.

Yan kasi Camille! Nag stay ka pa.. matuto ka na please. Sabagay.. Learn from your mistakes nga naman.

Napapikit siya pagkabasa ng message. Napangiti ako ng mapait.

"Kailangan ka niya no?" Tanong ko na nagpadilat sakanya.

Kitang kita ko ang paghihirap sakanyang mata at ayaw ko non.

"Ang unfair no? You asked me to stay pero ikaw pala ang mangiiwan." Sabi ko habang nakangiti.

Tumayo ako at akmang aalis na pero hinawakan niya ang braso ko.

"Can't you wait for me here? Mabilis lang ito"

Parang pinukpok lalo ng martilyo ang puso ko sa sinabi niya. Paano niya nagagawang sabihin sa akin to?

"Hindi ko kayang maghintay I'm sorry. Hindi ko kayang maghintay ng parang kabit na ng lilimos ng kakaunting oras. I'm not a martyr. You need to know your priotities. Puntahan mo na sige. Dahil nawawalan na ako ng pakielam" dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.

Mukhang ngayon lang pumasok sa kanyang utak ang sinabi ko.

"You're not a mistress.. I don't mean it like that" pilit niya akong hinahawakan pero umiiwas ako ng umiiwas.

Sa konting haplos niya sa akin ay naapektuhan ako kaya hindi ko pwedeng hayaan 'yon. Kailangan kong gamitin ang utak ko. Kailangan kong isipin ang sarili ko.

"But you're almost asking me to be one. Ano ako? Maghihintay ng oras mo kung kailan ka pwede? Mahal na mahal kita pero hindi lang ako ang masasaktan kung gagawin ko yan. May pamilya ako francis na nasasaktan tuwing nasasaktan ako" nagulat ako nung may tumakas na isang luha sa kanyang kanang mata. Mataman lang siyang nakatingin sa akin.

Lumapit ako sakanya at pinunasan ang luha niya. This is so unfair.. doble ang sakit sa akin pag nasasaktan din siya.

"Francis.. buksan mo ang isipan mo. Alam kong hindi ka makapagisip ng maayos pero kailangan mong magisip ng maayos. Hinding hindi kita papipiliin sa aming dalawa. Alam mo kung bakit? Because I'm better than that."

Hindi ko na napigilan na maluha. Dahandahan niyang linapit ang mukha niya sa akin at marahang hinalikan ang labi ko pero mabilis din akong nakaiwas.

"Don't kiss me with that lips. Naalala ko pa rin." Nagulat siya sa sinabi ko at nagiwas ng tingin.

"I'll go now. Bye Francis" sabi ko at nagmadaling lumabas. Mabilis akong nagpasundo kay Mang Delfie at bumalik sa bahay.

When will I stop caring for him?

Nasa hospital ako ngayon. Ako at si Mia ang nagbabantay kay Caly. May dalawa pang tests pa siyang hinihintay. Actually napilitan lang si Mia magbantay dahil pinilit siya ni Kuya Brian. May problema ata sila kaya dito siya dinala para hindi makatakas. Close nanaman kami kahit papaano.

May kumatok sa pinto at si Mia ang nagbukas non. Inayos ko ang sarili ko pati na rin ang ilang pagkain kung sakaling may bisita nga. Liningon ko ang pintuan at natigilan ako nang makita ko si Elaine na nasa may pinto.

"Elaine.. A-anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwala kong wika.

Lumapit siya sa akin at walang sabi sabing lumuhod. Napatakip ako ng bibig.

"Camille.. please wag mong kunin sa akin si Francis. I love him so much. Well, alam ko naman na pipiliin niya ako pag nagkataon pero kailangan kong makasigurado. Nauna ako sakanya.. nagkagulo lang nung dumating ka."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hadlang ba talaga ako sakanila? Nakita ko naman kung gaano siya pinapahalagaan ni Francis at kitang kita naman na mahal na mahal niya si Francis.

Ako ba talaga ang hadlang?

"Aba! loka loka ka ah! Hindi kasalanan ni Camille yan! Nakita ko kung gaano kamahal ni Francis si Camille!" giit ni Mia.

Hinawakan ko ang kamay niya na para bang pinipigilan siya.

"Ako ang mahal ni Francis! Sinabi niya sa akin!" giit ni Elaine.

Sinabi? Totoo ba 'to?

Anong ginawa ko para mangyari sa akin ito. Napatingin ako sa likod dahil nagising si Caly.

"May sakit ako Camille.. mamatay ako pag nawala siya sa akin. Magpapakamatay ako pag iniwan niya ako. Wag mo siyang agawin please.. Nagmamakaawa ako"

Tuluyan ng lumandas ang luha ko. Bumukas ang pinto at nakita ko si Mommy. Lumapit siya agad sa akin at yinakap ako.

"Umalis ka na" sabi ni Caly kay Elaine. Tumayo naman si Elaine at lumapit sa akin.

"Tandaan mo.. mamatay ako pag pinili ka niya. Kaya mo ba yon? Para sayo may mamamatay?" Puno ng hinanakit niyang saad.

Tumalikod na siya at umalis. Yinakap ako ni mommy at Mia.

"Anak.. don't listen to her." umiling iling ako sa sinabi ni Mommy.

"Gosh! Ang sarap kalbuhin nung babaeng yun!" sabi ni Mia at umupo sa may upuan malapit kay Caly.

Umupo din kami ni Mommy. Kanina ko pa pinagiisipan kung paano tatapusin lahat ito.

"Mommy.. pwede bang umalis saglit. Tatapusin ko na to. Kakausapin ko si Francis" nakita ko na nagdalawang isip si Mommy pero tumango din siya.

Tinext ko si Francis.

'Pwede mo akong sunduin? Let's go to your house'

Nagulat ako dahil pagkalabas ko ng hospital ay nandoon na siya. Nakangiti sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan. One last shot.. gusto ko siyang makasama.

"Hey.. napagod ka ba ngayong araw?" tanong ko sakanya at tinignan siya sa mukha.

I'm gonna miss his face.. pinatitigan ko siya na parang minememorya ko ang mukha niya.

"No.. para sayo hindi. I missed you" napangiti ako sa sinabi niya. Pinagsiklop ko ang mga kamay namin.

Nakita kong nagulat siya pero hinawakan din niya ako. Hinigpitan niya iyon at nagdrive na siya papunta sa bahay nila.

"Namiss ko na sila Manang Ping" sabi ko.

Lagi niya kasi akong dinadala doon at naging close ko na rin ang mga kasambahay nila.

"I'm sure they missed you too" sagot niya sabay halik sa kamay ko.

Humagikgik ako.. tapos ay kinurot ang pisngi niya.

"Tsansing ka ah!" natatawa kong sinabi sakanya.

I would trade everything to be with him.. but I need to end this.

Nakarating kami sa bahay nila at pumasok na. Linibot ko ang tingin ko sa buong bahay. So this will be the last huh? Ang bahay na tinuring kong pangalawang tahanan ay aalisin ko na sa buhay ko.

"MANANG PING!" masigla kong bati at yinakap siya.

Nginitian ko rin ang mga katulong nila doon.

"Ay nako! itong batang ito talaga.." natatawang sabi ni Manang Ping.

Humiwalay ako sakanya dahil pakiramdam ko maiiyak ako.

"Manang.. paluto naman kami ng meryenda" sabi ni Francis.

Tumango si manang. Tinignan ko si Francis at lumunok. This is it..

"Magpalit ka na ng damit mo. Para presko" Tumango naman siya sa sinabi ko.

Hinalikan niya ang noo ko kaya para akong nalulusaw ulit. I'm gonna miss his affection.

"Wait for me" mabilis siyang umakyat.

Wait? How long..

Pumunta muna ako sa pool side at napatingin sa may pool. Naalala ko nung unang punta ko dito ay nagswimming agad kami ng mga kapatid niya. Ako lang mag isang babae non kaya halos takpan niya ako sa mga kapatid niya.

But right now.. I need to end this. Para sa akin, sa pamilya ko, kay Elaine at para sakanya.

Naramdaman kong yinakap niya ako mula sa likod. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

"I missed you Camille. Bati na ba tayo? Papansinin mo na ako ulit? Aalagaan mo na ba ako ulit? Kikiss mo na ba ako ulit?" Halos basag ang boses niya.

Pinigilan ko ang humikbi. I love him so much..

"I missed you too.. so much Francis" sabi ko at liningon siya.

Nakapulupot parin ang kamay niya sa bewang ko. Hinawakan ko ang mukha niya at marahan ko itong hinaplos.

May mga bagay talaga na kailangan pakawalan kahit gaano mo pa ito kamahal.

"Dapat alagaan mo yung sarili mo ah. Wag kang masyadong nagagalit at nagpapastress sa office mo. Wag kang mag s-skip ng meals, lalo na ang breakfast."

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Ngumiti ako at marahan siyang hinalikan sa labi.

Our last kiss..

Nagring bigla ang phone niya. Ako na mismo ang kumuha at tumingin kung sino ang tumatawag. Ngumiti ako at parang siraulong sinasaktan ang sarili.

"Tinatawagan ka na niya" sabi ko habang nakangiti.

Pero patuloy pa rin ang pag landas ng luha ko. Ang sakit sakit na alam kong hindi siya sa akin ng buo. Yun na siguro ang pinaka masakit sa lahat.

"Maiintindihan naman niya ngayon kung hindi ako makakapunta" umiling ako.

Nakita ko ang pagtatalo sa mata niya kung pupuntahan niya si Elaine. Bakas sa mukha niya ang sakit at ayaw kong nasasaktan siya. I will end this for him.

"Sa ngayon oo.. pero paano sa ibang araw? Tama si Kuya Travis, kailangan mong pumili pero ayaw kitang pamiliin kaya ako ang pipili."

Nabasag na ang boses ko. Pinunasan ko ang mga luha ko. Nakikita ko sa mata niya na naguguluhan na siya. Ayokong magpaka martyr. Hindi ito pagka martyr. This is me loving him and helping him.

"Pinuntahan niya ako kanina. May sakit daw siya at ikamamatay niya ang mawala ka kaya.. piliin mo siya. Ako na mismo ang lalayo. Kailangan kita pero mas kailangan ka niya." Seryoso kong wika.

Umiling iling siya sa sinabi ko at pilit akong hinahawakan. Sobrang naninikip na yung dibdib ko. I am letting him go..

"No.. you don't need to do this. I love you so much Camille. Please" napangiti ako sa sinabi niya.

I am gonna miss his I love you's.

"I love you too.. I love you Francis. Sobra kitang mahal kaya ayokong mahirapan ka. I am doing you a favor. Lalayo na ako basta sana alagaan mo ang sarili mo. Wala na ako para magalaga sayo kaya dapat wag mong pababayain ang sarili mo. Okay?" hindi siya makasagot.

Yinakap niya ako ng mahigpit. Tinulak ko siya.. pakiramdam ko bibigay ako sakanya. Hindi pwede.. I need to use my brain.

"Sana sa next life natin. Pag nagkita tayo. Akin ka na ng buo. See you in our next life" mahina kong bulong.

Nakita kong lumuha na rin siya. Mabilis kong pinunasan ang mga luha niya.

"Don't cry.. you shouldn't cry" sabi ko habang pinipilit ang sarili na ngumiti.

Tumunog ulit ang phone niya at sinagot niya iyon. Nakita kong napapikit siya. Hindi siya sumagot sa tumawag at tinapos lang niya iyon. Nakita ko ang paghihirap sa mga mata niya at ayokong nakikita iyon.

"Go.. see her" pinunasan ko ulit ang natitirang luha sa mata niya.

"Can you wait for me? Please" umiling ako.

Hindi ko na siya mahihintay. Someone needs to end this and that should be me.

"Goodbye Francis." this is the real goodbye.

Nakita kong nagring ulit ang phone niya kaya tinulak ko na siya. Tumakbo siya paalis at tinignan ulit ako. Kinawayan ko siya. Napaiyak ako lalo.

Tapos na..

Ginawa ko ang sa tingin ko ay tama pero bakit ang sakit sakit? Bakit pakiramdam ko ay maling mali?

Nagmadali akong lumabas ng bahay at nag taxi pabalik sa hospital. Nung makarating ako doon ay narinig kong naguusap sila mommy.

"Sino ang sasama kay Caly sa states?" narinig kong tanong ni Mommy. Binuksan ko ang pinto kaya tumuon ang pansin nila sa akin.

"Ako na po. Ako na ang sasama" nagulat sila sa sinabi ko.

"Paano si Francis?" napapikit ako dahil tumulo nanaman ang luha ko.

Napatakip sa bibig si mommy at yinakap ako.

Goodbye Francis..

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 96.7K 55
COVER MADE BY: Minah Jae Catchline: "I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped." Teaser: Xyler Faith is a control freak...
868 129 44
The Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in th...
4.2M 82.7K 43
Barkada Babies Series #1 This is published under PHR. Visit their online store to get a copy of the ebook version. Price: 142php ------ Hanggang sa...
323K 9.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.