You're Mine (Jailene)

By thekingsthrone

149K 4K 2.4K

"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino More

You're Mine (JaiLene)
Prologue
Chapter 1: Their life
Chapter 2: How I met him
Chapter 3: The Arrangement
Chapter 4: Whats mine
Chapter 5: Lalaban tayo
Chapter 6: Huli ka (Part 1)
Chapter 7: The one I'll marry (Part 2)
Chapter 8: Selda
Chapter 9: Let the love Begin
Chapter 10: What's mine: Take two!
Chapter 11: I'm sorry
Chapter 12: Team IGOP
(A/N: A must read authors' note!)
Chapter 13: Basketball
Chapter 14: With him
Chapter 15: Engagement
Chapter 16: Retreat
Chapter 17: Retreat 2
Chapter 18: Takot
Chapter 19: Realization
Chapter 20: Strawberries
Chapter 21: Tawa
Chapter 22: The Wedding
Chapter 23: Wedding 2
Chapter 24: Kiss
Chapter 25: His Voice
Chapter 26: Questions
Chapter 27: IGOP on the House
Chapter 28: Sharlene
Chapter 29: Confusion
Chapter 30: Blow the candles
Chapter 31: LAB-BAG
Chapter 32: Ulan
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: My behalf
Chapter 35: Tampuhan
Chapter 36: Royal Rumble
Chapter 37: Jairus
Chapter 38: Suporta
Chapter 39: Strawberry Cake
Chapter 40: Mais
Chapter 41: Damdamin
Chapter 42: Truth
Chapter 43: Lies
Chapter 44: Listen
Chapter 45: Yakap
Chapter 46: Bitter and Sweet
Chapter 47: Secretary
Chapter 49: MMK
Chapter 50: Hospital
Chapter 51: Hospital 2 [Extended]
Chapter 52: You know you love her...
Chapter 53: Adrenaline Rush
Chapter 54: Condensed Milk
Chapter 55: New year..
Chapter 56: Bitin
Chapter 57: Intermediate
Chapter 58: Victor's Story
Chapter 59: Other Part
Chapter 60: Finale
Epilogue
To be Your Lady

Chapter 48: Taguan

2.1K 75 65
By thekingsthrone

Sharlene's POV

Paano mo masasabi ang iyong nararamdaman sa taong ayaw naman maniwala o makinig man lang sa 'yo? Na ang pinaniniwalaan lang ay ang kasinungalingang minsan mo lang nagawa? Ayaw kong bumitaw o mawalan ng pagasang bumalik ang dating siya.

Matapos ang nangyari sa parking lot, umuwi kami na parang walang nangyari. Inumpisahan kong mag salita ngunit hindi niya ako pinansin at lutang sa mga sumunod na oras. Ayaw ko namang e pilit ang sarili ko sa bagay na alam kong makakasakal sa kanya. Linggo ngayon, at walang pasok. Buong araw na nasa loob lamang ng kwarto si Jairus at hindi lumalabas. Tuwing sinisilip ko siya, abala siya sa kakaayos ng papeles, hinahatiran ko man siya ng meryenda ngunit tila ba walang anino o hangin ang kanyang napansin.

Ang hirap pala talaga, ang hirap na alam mong mahal nyo ang isa't-isa pero galit lamang ang nakakapangibabaw na dahilan upang hadlangan.

Nang gumabi na at naghahanda kami ni Manang sa haponan, biglang bumaba si Jairus na bihis na bihis at mukhang may lakad.

"Sharlene, magbihis ka." Biglang sabi niya.

"Bakit?"

"Maylakad tayo."

"Saan?"

"Malalaman mo."

"Kumain na muna tayo Jairus, naghanda na kami ni Manang Lusing-"

"Pwede tayong kumain mamaya."

"Pero-"

"Pwede ba?! Wag ka nang magtanong! Magbihis ka nalang!"

Huminga ako ng malalim tulad ng ginawa ko tuwing ako'y nag pipigil at umakyat nalang sa kwarto para mabihis. Wala akong alam sa kung saan kami pupunta ni Jairus pero baka importante ang lalakad na ito. Minsan naiinis ako pero pilit ko parin siya tinitiis. Pagtalaga bumalik ang dating siya, hahampasin ko siya ng paulit-ulit hanggang sa magmakaawa siya! Dahil sa pagiisip kong 'to, kahit papaano nawala ang inis ko sa biglaang pag uutos niya.

Inip na nakaatang siya sa dulo ng hagdanan, mabilis siya nag lakad palabas nang makita akong palabas na.

Habang nasa byahe, hindi ako nag salita o muling nagtanong pa hanggang sa dumating kami sa bar ng mga Magundayao. Bumaba si Jairus, ni hindi niya ako hinintay na bumaba din at nanunang pumasok sa loob. Sinarado ko nalang muna ang kanyang sasakyan bago siya sinundan.

Alam niyang hindi ako mahilig sa lugar na ito, alam niyang ang unang pagpunta namin dito ay dahil iyon sa nabagot ako at wala akong mapuntahan. Kahit maraming nagsasayawan, pinilit ko parin na sumik-sik kahit na wala akong alam kung saan na ba nagpunta si Jairus. Puno ng mga taong nagiinoman ang bar, wala akong paglagyan sa mga taong nagkakagulo dahil sa maingay na tugtog.

At natigilan ako, nang sa isang iglap, nakita ko si Jairus na nakikipag sayawan sa ibang babae. Hawak ang bewang at nakangiting pinagmamasdan ang mga mata nito. Tumatawa siya na para bang nasisiyahan sa kanyang ginagawa. At naiwan akong durog.

Pinagmasdan ko lang sila sa kawalan, lutang na ang isipan ko at gusto ko nang mahilo sa sikip at ingay ng bar. E dagdag pa ang amoy ng alak na parang binabaliktad ang aking sikmura. Natigilan si Jairus sa kanyang ginagawa nang sitahin siya ni Francis at sinenyasan sa dereksyon ko. Mapagbirong ngiti lamang ang sinukli ni Jairus sa akin at muling tinuloy ang pakikipaglandian sa babae.

Masakit na masakit. Napaatras ako kahit na wala nang bakanteng espasyo.

"Watch it!" Sigaw ng babaeng nasagi ko sa aking paa.

"S-sorry." Nangingilid na ang aking luha at mabilis akong naglakad palabas ng bar. Ang lakad ko ay unti-unting naging takbo nang lumuwag na ang espasyong aking nilalakaran. Pinigilan kong umiyak pero kusang tumulo nalang ang luha sa aking mga mata. Ngayon ang tanging magagawa ko lang ay pigilan ang hagulhol ko. Nakaramdam ako ng mahinang hatak sa aking braso na pilit na pinapa harap ako.

"Aalis ka na?" Tanong ng tila walang alam na si Jairus. Isang mabilis na sampal ang hindi ko na napiligang ikinawala ko sa aking mga kamay. Napahawak siya sa kanyang pisnge at kunot noong tinignan ako. "Para saan yun?!"

"Sumosobra ka na Jairus! Sumosobra ka na!"

"Ha! Para yun lang? Nagagalit ka? E nakipagsayawan lang naman ako ah, wala akong ginagawang masama di tulad ng ginagawa nyo ni Joaquin!" Naguunahan man ang isipan ko sa kakabuo ng ideya sa aking sasabihin, parang nasanay na ang lalamunan kong hindi maka imik. "Saka, di ba ito naman ang gusto mo? Di ba sabi mo na subukan kong tumingin sa ibang babae dahil baka nadaldala lang ako sa pagsasama natin di ba? Oh! Ginawa ko na."

Galit na tingin lang ang naibigay ko sa kanya at naglakad sa kanya palayo. Muli kong naramdaman ang kapit niya sa aking braso pero di tulad noon na hinahayaan ko lang siya, ngayon tinapatan ko ang bigat ng kanyang kapit at inalis ang kanyang kamay.

"Galit ka dahil dun?! Akala mo ba ikaw lang nag nahihirapan Sharlene?! Nagtitiis din ako kahit na alam kong mahal mo si Jaoquin! Pinagsisiksikan ko rin ang sarili ko sa isang taong ayaw naman sa akin! Akala mo ba madali yun?! Hindi!"

Humarap ako sa kanya, at muli siyang sinampal sa kabila niyang pisnge. "Ayan, para patas sa kabila." Gustong-gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya, na mahal ko siya higit sa inaakala niya pero hindi. Hindi sa sitwasyong ito, galit si Jairus at kahit e tanggi ko man, nasasaktan ako ngayon. "Wag na wag mo akong mapagsasabihan tungkol sa pagtitiis Jairus! Buong buhay ko ang alam ko lang ay mag tiis sa isang bagay na hindi ko nararapat na gawin! Kulang pa yang sampal na yan sa kada araw na harap-harapan mong sinasabi sa akin na sinungaling ako! Kulang pa yan sa araw-araw na nilolonok ko ang pride ko para maintindihan ka! Pero sinabi ko bang pagod na ako? Hindi. Kailan man hindi ko sinabi iyon! At hinding-hindi ko 'yun sasabihin dahil hinding-hindi ako mapapagod na inintihin ka! Kung iisipin mong kasinungalingan nanaman ito, wala na akong pakialam! Isipin mo ang gusto mong isipin!"

At taliwas sa nangyayari sa amin ng mga ilang linggo, naiwang walang masabi si Jairus. Naglakad ako sa kawalan. Bumuhos ang lahat ng luha ko sa aking mga mata habang naglalakad ako. Buong buhay ko nagtiis ako kay Papa dahil sa kasakiman ng ugali niya, pero hindi na iyon magbabago pa at tinanggap nalang namin na ganun nalang siya. Kung ako tanggap ko si Papa, impossibleng hindi ko matatanggap si Jairus. Si Jairus na alam kong nagmamatigas lamang dahil nasaktan siya. Ngayon, may parte sa akin na nagsisi kung bakit ko iyon nasabi sa kanya pero nasobrahan na siya sa kanyang galit at gumagawa n ang katarantaduhan.

Hindi ko alam ilang minuto o oras na ba ang pinamalagi ko sa waiting shed na nakita ko sa aking paglalakad. Mukhang pati langit nakikisabay sa nararamdaman ko dahil bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Sa una, pinakiramdaman ko lang kung kailan titigil ang ulan pero nang tumagal ay mukhang wala nang planong huminto. Nag simula akong magalala dahil wala akong perang dala para makataxi pauwi. Wala din akong cellphone para matawagan si Jairus dahil sinira niya ang dati kong cellphone. Pati pagkakataon nakisabay na yata sa aking nararamdaman. Naangat ko ang aking tingin nang may kotseng bumusina sa aking harapan. Sa una akala ko hindi ako ang binusinahan ngunit nabigla ako nang bumaba ang nagmamaneho at nakapayong na lumapit sa akin si Nash.

"Halika na!"

"Bakit nandito ka?"

"Mamaya na ang tanong na yan! Sumakay ka na!" Nagmadali akong nakisalo sa payong ni Nash, pinagbukas niya ako ng pintuan ng front seat bago siya sumakay sa driver's seat.

Basang-basa siya, habang ako naman ay hindi gaanong nabasa.

"Pasensya ka na ha, at naabala pa kita." Mahinang sabi ko.

"Ano ka ba naman, para kang iba dyan." Nakangiti niyang sabi bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Tahimik kami habang nagdririve si Nash. Wala akong maisipang sabihin dahil kahit na katabi ko ang kababata kong ilang taong hindi ko nakita, si Jairus lamang ang laman ng isipan ko at kung nakauwi na ba siya.

"Shar?" Sa tahimik ng sasakyan, ito ang unang tunog na narinig ko kaya kaagad akong napalingong kay Nash. "Alam kong nahihirapan ka na."

"Ayan ka nanaman, feeling mo alam mo ang lahat." Muli akong tumingin sa labas ng bintana.

"Alam mo bang dumating ako sa kasal mo?" Gulat na tinignan ko siya sa kanyang sinabi.

"Ano? Bat' di kita nakita?"

"Ayaw kong makitang kinakasal ka, alam mo yun."

Nakonsensya ako sa nangyari sa amin dati, pinaglaban niya ako kay Papa kahit na alam kong may nararamdaman siya para sa akin pero kaibigan lang naman talaga ang kaya kong ibigay sa kanya at wala nang iba.

"Sorry Nash."

"Wala na yun, ang alam ko ay nagka boyfriend ka nang umalis ako? Joaquin ang pangalan di ba?"

"Bat' alam mo?"

"Si Kobi, sinabi niya sa akin." Nakangiti niyang sabi. "Alam mo bang kahit na may asawa ka na hindi pa rin kita pinapabayaan?"

"Ano ka? Stalker?" Babiro kong sabi na ikinatawa niya.

"Feeling mo naman e stastalk kita!" Tatawa-tawa niyang pahagyag. "Well, siguro, masasabi mo yun." Gulat na tinignan ko siya ngunit isang ngiti lang ang kanyang pinasilip sa akin. "Sa bahay ka nalang namin matutulog Shar ha?"

"Nako! Hindi pwede! Kailangan kong umuwi."

"Bakit? Ganun ba kadamot ang asawa mo para hindi ka ipahiram sa kababata mo?"

"Hindi nga niya alam na magkababata tayo eh, pero please Nash, kailangan kong umuwi."

Hindi siya umimik, sa halip ay lumiko siya sa daan patungong subdivision namin at hinatid na ako ng tuluyan sa bahay. Nakita kong nasa garahe na ang sasakyan ni Jairus kaya malamang nakauwi na rin siya. Nagmadali akong pumasok ng bahay deresto paakyat ng kwarto. Wala si Jairus dito, inisip kong baka nasa kabilang parte ng bahay siya kaya naligo muna ako. Nakalabas nalang ako ng banyo pero wala parin si Jairus. Mag aalas onse na ng gabi. Bumaba ako nang sana'y kukuha ako ng tubig nang makarinig ako ng katok sa aming pintuan. Nagtaka ako kung sino ang kakatok ng ganitong oras ng gabi na hindi man lang nag dodoorbell. Sinilip ko muna ito sa bintana, nakita kong nangininig si Jairus habang nag hihintay na mabuksan ang pinto. Nagmadali akong buksan ito. Nang makita niya ako, mabilis niya akong niyakap ng mahigpit, basang-basa siya at sobrang init ng katawan niya.

"Kung saan-saan kita hinanap, nagalala ako sa 'yo ng sobra."

"'San ka ba nag punta? At ang init-init mo!"

"Dyan--dyan lang." Yun lang at nawalan na siya ng malay, sa sobra niyang bigat natumba kami parehas at pumaibabaw siya sa akin.

"Jairus! Jairus!"

Hingal na dumating si Manang Lusing dahil sa magmamadali nang siguro ay narinig ang boses ko. "Ay nako po! Sorry Ma'am, Sir! Sorry!"

Nanlaki ang aking mga mata sa reaksyon ni Manang dahil nasa ganitong ayos kami, pero! Jusko! Sa lahat ba naman ng iispin yun pa?!

"Teka Manang! Hindi ito tulad ng iniisip nyo! Tulungan nyo ako! Nahimatay si Jairus!"

"Nahimatay ho siya habang-"

"Hindi! Basta Dalian nyo!"

Agad akong tinulungan ni Manang Lusing para buhatin si Jairus patungong kwarto namin. Pinahiga namin siya sa kama bago ko inalis ang kanyang suot na damit. Nakita kong nakatingin lamang si Manang Lusing sa katawan ni Jairus.

"Um, Manang paki kuha naman ako ng maligam-gam na tubig at e lagay mo sa maliit na palanggana oh."

"Ha- ahh-Opo Ma'am."

Nangmakaalis si Manang Lusing, doon na nag simula ang kalbaryo ko.

Tinibayan ko ang aking loob. Dahan-dahan kong hinawakan ang botones ng pantalon ni Jairus, natagalan pa ako ng tanggal dahil basa na. Nang sa wakas ay natanggal ko na, hinawakan ko na rin ang zipper niya. Dahan-dahan ko itong binaba.

"Anong ginagawa mo?"

Mabilis kong natanggal ang kamay kong nasa zipper ni Jairus nang mag salita siya.

"Ha?-ahh-wala! Bibihisan lang sana kita! Mag bihis ka na nga!" Umalis ako sa kanyang tabi at tinungo ang dressing room para kumuha ng damit niya. Sa ikli ng oras na yun, pinabuhos nun ng todo ang pawis sa noo ko! Sharlene! Nakakahiya ka!

"Oh, ayan, magbihis ka." Sabay abot sa kanya ng kanyang damit.

Nakita kong hinubad na niya ng tuluyan ang kanyang suot na pantalon kaya agad akong napatalikod. Isang mahinag katok ang narinig namin mula sa pintuan kaya pinagbuksan ko si Manang Lusing na sana'y papasok.

"Ako nalang Manang." Tugon ko bago kinuha ang maliit na palanggana na may bimpo. Nang humarap na ako, naka bihis na si Jairus at mukhang tulog. Habang tulog siya, sinapo ko ang noo niya, mainit parin siya kaya hinaplosan ko siya ng bimpo na kakapiga ko lamang. "Kung saan-saan ka kasi nagpupupunta, ayan tuloy."

'Kung saan-saan kita hinanap, nagalala ako sa 'yo ng sobra.'

Lumambot ang puso ko sa pagaalala ng kanyang sinabi kanina. Hinanap niya ako kaya siya nabasa sa ulan, ngayon may lagnat na. Pinunasan ko ang buong katawan niya ng mainit na tubig bago siya kinumutan. Aalis na sana ako para ipagluto siya ng sopas nang maramdaman ko ang kamay niya para pigilan ako.

"Dito ka lang." Mahinang usal niya kahit nakapikit. Napangiti ako, bago inalis ang kanyang kamay. Tinungo ko sa baba si Manang Lusing, inutos ko nalang sa kanya ang paggawa ng sopas para hindi maiwan si Jairus.

Pinakain ko muna siya ng sopas bago pinainum ng gamot. Matapos mapainom ko siya ng gamot agad nakatulog si Jairus. Kinumutan ko siya para hindi siya lamigin pero nilalamig parin siya. Sa kada tatlong minuto, pinapalitan ko ang maligam-gam na bimpo sa ulo noo niya. Alas dos na ng madaling araw pero hindi parin bumababa ang lagnat ni Jairus.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Biglang tanong niya, naka upo lang ako sa tabi niya sa kama para mabilis kong mapalitan ang bimpo sa noo niya.

"Ayos lang ako, ikaw? Matulog ka na."

"Hindi, matulog ka na."

"Oo, pagmatutulog ka, susunod ako."

Umusod si Jairus para mabigyan ako ng espasyo sa kama. "Matulog ka na."

Ayaw ko namang magalit siya kaya humiga ako sa espasyong kanyang binigay. May distansya man nararamdaman ko parin ang init ni Jairus, nilalamig din siya. Umusod ako papalapit sa kanya saka siya niyakap.

"Baka mahawa ka." Mahinang sabi niya. Nagwalang kibo nalang ako, at ilang saglit pa, naka tulog kami parehas. Kung noon nakayakap siya sa akin, ngayon ako naman.

Jairus' POV

Nagising ako na nakayakap si Sharlene sa akin. Pagod na pagod siguro siya dahil inalagaan niya ako kagabi. Hinawi ko ang buhok niya sa kanyang noo saka siya hinalikan dito. Nang umalis ako sa bar kagabi, kaagad ko siyang hinanap pero hindi ko siya makita hanggang sa bumuhos ang ulan. Umapaw ang kaba ko dahil hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. Nang umuwi ako, mas kinabahan ako dahil wala pa siya sa bahay kaya naisipan kong hanapin siya sa buong subdivision. Sa takot ko kagabi naisipan kong baka nasa Laundry Shop siya na pinagtratrabahuhan ni Joaquin, kung naroon man siya at kasama si Joaquin ay hindi ako magagalit basta ayos lang siya. Sa unang pagkakataon, hiniling kong sana kasama niya si Joaquin kahit na labag sa aking kalooban pero ms pipiliin ko na iyon basta nasa nasa mabuti siyang kalagayan.

Hindi ko man alam kung paano siya naka uwi pero nagpapasalamat ako dahil nandito na siya ngayon.

Nagawa ko lang naman ang bagay na iyon dahil siguro sa pagod, gusto kong makita siya kung paano niya ako ipaglaban, o siguro gusto kong masaksihan na hinahatak niya ako mula sa babaeng di ko kilala na ginagawa ko parati sa kanya. Pero iba pa ang naramdaman ko. Konsenya. Sa sampal niya, para akong naalimpungatan na dapat ko siyang pakinggan. Hindi lang tenga ko ang nakarinig sa kanyang sinabi kagabi, pati puso ko.

"Mahal na mahal kita Sharlene." Bulong ko sa kanya bago tumayo para maghanda ng pumasok. Mahimibing parin siyang natutulog kaya minabuti ko nang hindi siya gisingin.

Natutlog parin si Sharlene nang sanay mag aayos na ako ng korbta, bigla ko nalang siyang naisip. Iba pala talaga kung siya ang katulong ko sa agaayos papuntang opisina. Ganito na ba talaga ka lalim ang nararamdaman ko sa kanya? Na kahit nasa labas lang siya ng dressing room eh na ngungulila parin ako? Hindi ko nga siguro kayang wala siya sa buhay ko ngayon dahil sa simpleng gawain lang hinahanap-hanap ko siya. Lumabas ako ng kwarto habang inaayos ang aking korbata at doon na napangiti nang makita siyang tulog parin.

Hindi siya mawawala, hindi mawawala ang minamahal mo kung hahayaan mo lang.

Continue Reading

You'll Also Like

42.5K 498 71
isang lider ang ama ni Adira Nicole Aguilar nagiisang anak lng sia nito at tagapagmana nang lahat ng businesses at ang ama din nito na si don luis a...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
14.9K 117 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
138K 3.2K 54
Si Layla Soledad ay lumuwas sa probinsya para sumama sa isang di niya naman kilala ngunit dahil trabaho ito at para sa pamilya ay gagawin niya. Nguni...