So Into You

By RKPsychie

76.8K 3.8K 374

Porcia Era Hart x Chrisen More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 18

2.6K 111 8
By RKPsychie

Chrisen

Napangiti ako ng makitang nakatitig sa akin si Cael. Nagising ito isang linggo na ang nakakaraan. Ang masaklap ay nagkaroon ito ng amnesia. Wala itong maalala sa naging buhay nito. Sa mga taong nakapaligid rito. His parents, his sister, and his friends. He doesn't know even his name.

After school ay dumidiretso ako rito para samahan ito.

"Bakit Cael?"

I saw him blushed na madalas mangyari kahit noon. Mahiyain talagang maginoo ang lalaking ito.

"Uhm." Naglumikot ang mga mata nitong parang bata.

"Maganda ba ako?"

Mas lalong namula ang mukha nito bago tumango.

I giggled.

"Aray!" Wika ko ng may kumurot sa braso ko.

Tinignan ko si Porcia na nasa tabi ko at patay malisyang nakatingin lang sa kung saan.

"Matanda na, wala pa ring manners." Bubulong bulong kong wika.

"You flirt." Balik nito sa akin.

Napairap na lang ako. Kung hindi ko lang mahal ang matandang ito paniguradong kay Cael ako nahulog.

Sa isang linggo kong pabalik balik rito ay palagi ako nitong sinasamahan na parang nakabantay sa akin. Kung alam nitong maaabutan namin minsan ang dinner ni Cael at akmang pakakainin ko ito ay hindi ako nito pinapayagan. Dinadala pa nito si Starr, ang kasambahay nito para ito ang magpakain kay Cael kahit may pribado naman itong nurse na itinalaga ni Tita Xyline para dito.

"Nagugutom ka na ba Cael?"

Umiling ito. "I have a question for you, Chrisen." Imbes ay wika nito.

Naglakad ako para mapalapit rito saka naupo sa gilid ng kama nito.

"What is it?" I stare at him.

Inabot nito ang kanang kamay ko saka nito marahang pinisil.

"If we're good friends. Nanligaw ba ako sa iyo?"

Napangiti ako ng bahagya rito. Ngiting may lungkot.

"Yes. Isa iyon sa mga rason kung bakit ka narito ngayon." Ayaw kong maglihim o magsinungaling rito. There's no point. "Pero nangyari na ang nangyari Cael. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay gumaling ka."

Dinala nito ang kamay ko sa bibig nito saka ito hinalikan.

"From the moment I laid my eyes on you when I woke up. I-"

"Are you done? Because if not, uuwi na kami ni Chrisen. It's getting late and we have classes tomorrow." Bastos na sabad at putol ni Porcia sa sasabihin ni Cael.

Lumingon ako at tinignan si Porcia na parang nabo-bored. Kahit kailan ang talas talaga ng dila nito.

"And save that fantasy of yours. May mahal na siyang iba."

Napapikit ako sa inis. Pwede naman nitong sabihin ang bagay na iyon kapag magaling na ito ng kusa. Bakit kailangan nitong patulan ng husto si Cael.

"Chrisen, totoo ba iyon?" Tanong ni Cael kaya bumaling ako rito. May lungkot sa mga mata nito. Marahan kong pinisil ang kamay nito.

"Hindi pa naman kami Cael. We can talk about it next time, ok? Gusto ko ngayon ay gumaling ka. Aalis na kami at bukas babalik ulit ako. Magpahinga ka na."

Napangiti ito pero hindi abot sa mga mata nito. Badtrip kasi itong si Porcia. Why does she have to be so mean all the time?

She was born that way Chrisen..

"Ok, take care Chrisen. Goodnight."




*****





"Mommy gusto ko ng fries."

Deretso lang ang tingin nito sa harapan habang nagmamaneho. Ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. She didn't say anything.

"Porcia Era." Tawag ko sa pangalan nito.

"Yes, Chrisen Miller."

Napairap ako sa ere. Ma-attitude talaga.

"Stop that."

"Stop what?"

"Don't roll your eyes at me brat."

Humaba ang nguso ko. Kahit hindi ito tumingin sa akin ang talas pa rin ng peripheral vision nito.

"Narinig pero walang sagot." Literal na humarap ako rito at isinandal pa ang kaliwang braso ko sa upuan para matitigan ito ng husto.

"Pete's sake! Sit properly Chrisen." Malamig at seryoso ang boses nito habang diretso lang ang tingin nito sa daanan.

"You're gorgeous."

"I know."

Hindi talaga humble ang matandang ito kundi hambog. Iyon lang, may maipagyayabang naman talaga at hindi basta basta.

"But I'm exquisite."

Hindi ito nagsalita. Bigla akong dumukwang para mabilis na gawaran ng halik ang pisngi nito.

"I'm driving Chrisen!"

"I don't care Porcia." Putol ko sa sinasabi nito.

"Shit."

"Kailan mo ba ako sasagutin? Ayaw ko ng walang label ok?"

"Unbelievable."

I giggle.

"Mommy, gusto ko ng fries! Please!"

Napapikit ito saglit dahil sa inis. Nakikita ko kasing namumula na naman ang mukha nito. Halatang nagko-kontrol. She's so cute and beautiful. Ang sarap lang din kasi nitong asarin. Mas lalong gumaganda sa paningin ko.

"You know that's not healthy for you. If you want real food, I can take you somewhere else."

"Pero ayoko mommy. I'm not hungry. I'm just craving for fries. Sige na please. Magbi-behave ako after."

Hindi ito nagsalita pero nakita kong lumiko kami sa isang eskinita at nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Umayos ako ng upo ng makita sa hindi kalayuan ang drive thru ng McDo.

Ng makarating kami ay pangatlo kami sa mga nakapilang sasakyan para umorder. Ito na ang nag-order para sa akin.

"Do you want anything else?" Baling nito sa akin.

"No mommy, fries and you are enough for me."

"You idiot."

"I love you too." Nag-flying kiss pa ako rito.

"Will you stop flirting? Ghad you're too much."

I giggle. "I told you before. When it comes to you, I can't!"

Ng makabayad ito at pagkatapos makuha ang order ay ngiting ngiti kong kinuha mula rito.

"Thank you ninang!"

"Stop calling me ninang you brat!"

Hindi ko ito pinansin at nilantakan agad ang fries. Hindi ko na rin ito io-offer sa kanya total, Porcia doesn't eat unhealthy foods. She's a light eater and super picky too. Ako hindi ako picky but I have to dahil sa dami ng allergies ko.

Malapit na kami sa mansyon namin ng matapos kong kainin ang fries. Uminom ako ng tubig mula sa bottled water. Ilang sandali pa ay tumigil ito sa harapan ng gate namin.

"Thank you mommy. Sana sa susunod. Hayaan mo na lang po akong magpunta sa hospital-"

"And then what?" Lumingon ito sa akin. Seryoso ang magandang mukha nito. Malamig at walang buhay ang mga mata.

"Ayaw ko kasing naaabala kita. Ayaw ko rin na napapagod ka. May dalawa kang trabaho-"

"Chrisen." Ngayon naman ay sobrang lamig ng boses nito. "Kung ako hindi nagrereklamo. Why would you?" Medyo lumapit ito ng kaunti sa akin. "Don't flirt with anyone, especially Cael. You're going to break that poor little boy's heart."

Napalunok ako. "I honestly don't know what to do. Ngayong wala siyang maalala, gusto niya ako. Kapag bumalik na ang alaala niya, mahal niya ulit ako. I can't do anything about that. I can't force myself to love him if I am in love with you, mommy."

Napasuklay ito sa buhok nito gamit ang mga daliri.

"I think it's best for you to stay away from him if you can't give him anything para hindi siya umasa."

"What about us?"

"There's no us Chrisen."

Napabuntong hininga ako. "Then I should avoid you too kasi kung masasaktan ko si Cael ng hindi ko sinasadya. It's the same thing: dapat hindi rin ako umasa sa iyo dahil masasaktan mo rin ako ng hindi mo sinasadya, but I hate it kasi pinapaasa mo rin ako. You're giving me mixed signals."

Ng hindi ito magsalita at akma ko ng bubuksan ang pintuan ng sasakyan ay pinigilan ako nito.

"Chrisen, I fucking hate you being my goddaughter. I hate that I'm your mom's best friend. I hate that I'm older than you but despite that, I like you."

"Iisa lang din ang point mo. We can't kasi hanggang doon lang iyon at hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa roon."

Mula sa pagkakahawak nito sa palapulsohan ko ay pinagsalikop nito ang mga kamay namin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Ang isang kamay nito ay ginamit para hawakan ang baba ko para magkatitigan kami.

"It's complicated, Chrisen, but I'm willing to mess up everything for you."

And with that. She kiss my lips.






"Goodnight brat."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 44.5K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
271K 8K 48
(COMPLETED) A ruthless and cold hearted professor living in a prosperous life, Cassandra Lundy Belos, 27 years old woman teaching in Sulvan Universit...
239K 8.5K 37
'One of the worst things in the world is being fooled by one of the people you care and love. Because trust, when it's broken, it's hard to give back...