Everything I OWN

By chymez_me

895 9 1

Will a car change everything that was planned a long time ago? More

Everything I OWN
Hate at FIRST SIGHT
Crush...KNOWN...
start of a new LOVE???!!!
Unforgivable Person....
Status: Single
A Happy Ending..ALMOST >_____<
Love and a DATE????
the Court's Player??Whatttttt?!!!
Meet the new stranger :)
Just a SPARK
Dream Date...

(>________<)

89 0 0
By chymez_me

"Uyy! Sistah! Hindi mo man lang sinabi na bf mo na iyong hunk guy na iyon!"

tili ng kabarkada niyang kasing kulit ng lamok, Macy.

Ng mga sandaling iyon ay naka-upo siya sa garden ng campus nila kasama ang mga kabarkada niya na sina Macy Rose Danes, ang kiti-kiti ng grupo, Katie Reyes, ang bookworm nila at paborito ng kanilang librarian, Elaine Mirasol, ang frustrated singer at dancing diva, at ang nawawala sa eksenang si Laila Dominguez na bestfriend niya.

Kalat na kasi sa buong campus ang tungkol sa "relasyon" nila ni Lennard.

Mabuti nga at nagpatangay lang sa agos ang lalaki at kung hindi ay baka napahiya na siya sa buong campus.

"Yeah! Ganyan talaga kapag pretty!" 

pagmamayabang niya sa mga ito.

Hindi niya kasi pwedeng sabihin sa mga ito ang tungkol sa pagiging slave ni Lennard dahil nakapangako siya sa huli.

At hinding-hindi niya ipapako ang kanyang pangako dito.

"At first, hindi ako makapaniwala! I mean, wala sa mukha mo ang pumapatol sa mga katulad ng lalaking iyon!"

wika ni Katie na hindi naman inaalis ang tingin sa librong binabasa.

Pero tumingin naman ito sa kanya ng mukhang ma-feel nito na naging dark na ang aura niya.

Tanong niyo kung bakit?

Hindi ko kasi nagustuhan iyong sinabi niya na parang sinasabi na din niya na alien ang "bf" ko.

"I mean, playboy iyong boyfriend mo. atsaka, hindi ko alam iyon pala ang taste mo!"

"Ganyan talaga seguro kapag true love na. Swerte mo ghurl~~ Nakita mo na ang prince charming ng buhay mo. Kinikilig ako, sheyt!!"

wika naman ni Elain na hinahampas-hampas pa siya.

Okay. Hindi ako abnormal katulad ng mga kaibigan ko.

Normal ako kaya huwag kayong mag-isip ng kung ano-ano diyan.

"Ano bang bago at mukhang nasira na ng tuluyan iyang si Elaine?" 

tanong ng bagong dating na si Laila.

"Well, iyang bestfriend mo lang naman. May bf na gwaping,"

saad ni Macy na dinutungan pa ni Elaine.

"Hindi lang basta-bastang gwaping, iha~ Si Lennard "The Hunk" Suarez!"

"Woooh! Really? Bestie, how dare you! Bakit di mo man lang sinabi sa akin? Bestfriend mo ako pero di mo man lang chinika na niligawan ka ng isang hunk! Grabe! Girl, kaw na! Ikaw na ang reyna ng mga magaganda!''

kinikilig na wika ni Laila.

Napasimangot naman siya sa sinabi nito.

Alam kasi niyang may ihihirit pa ito,

"Bestie, pakilala mo naman ako sa mga barkada ng bf mo. Lalo na iyong si Caleb, ang aking sinisinta!"

Oh? Tingnan mo na? 

May hidden agenda ang lola!

"Crush mo si Caleb Cross? That's gross."

pabalang wika naman ni Katie na sumimangot pa.

"You know him?"

takang tanong niya dito.

"Nope!"

hmm.. mukhang nagsisinungaling ang bruha kasi disgutstong-disgusto talaga ang mukha nito.

Ano kaya ang meron sa dalawa?

Uyy? May past.. I smell something fishy.

"Anyways, stop the topic about my lovelife na. Ano? Tuloy ba tayo bukas sa amusement park?"

tanong niya sa mga ito.

Nagkibit-balikat naman si Katie habang umingos si Macy.

"Game na game pa din ako. Pero ewan ko ba sa dalawang iyan mukhang may ibang plano yata,"

sagot naman ni Elaine.

Naku! Ilang dekada na naming pinagplanuhan iyan tapos di pa matutuloy.

Gosh! Naiinis ako. Grrr.

"Pwede pa din naman tayong matuloy with the three of us,"

nakangising wika ni Laila na mukhang may pinaplano pa ata.

And she doesn't like the her smile.

Parang may evil plot na gagawin.

"Ano namang nasa kukute mo ngayon?"

nag-aakusang tanong niya dito.

Sa kanila kasing lima, eto ang pinaka-pilya.

"Well, i-invite mo nalang iyong bf mo at pwede din siyang magdala ng kaibigan doon."

"No way!"

tanggi niya dito.

Ayaw niya! No way! Like kunwaring relationship lang meron sa kanila kaya ayaw niya iyong naiiisip nito.

Haller! Di niya kayang umaktong sweet sa unggoy na iyon!

"Bahala ka!"

nagtatampong wika nito sabay alis.

"Oh! What have i done to have such fate?"

na-wika nalang niya sa sarili ng mapagtantong wala na siyang magagawa kundi pumayag sa plano ng kanyang bestfriend.

........................................................................................................................................................................................

"Saan ba kasi talag tayo pupunta?"

tanong niya kang Lennard ng kinaladkad siya nito papunta sa kung saan.

Nang lumabas siya kanina sa classroom niya ay nakita niya itong nakahintay sa labas.

Pagkatapos ay bigla na lang siyang hinila na parang kung sino.

"Don't ask. Just walk fast, okay?"

Wala na siyang magawa kundi tiningnan nalang ang likod nito ng masama.

Hindi naman kasi siya makawala sa pagkakahawak nito.

And it frustrates her!

"Wait. Papuntang gym ito ah?"

napapantastikuhang wika niya dito.

Walang imik na patuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa marating nga nila ang gym.

Narinig niya ang ang mga nagtatawanan sa loob at nang pumasok na nga sila ay nakita niya ang ilang miyembro ng basketball team ng school nila.

And of course nandun ang crush niya na si Luke.

"Lennard! Late ka yata!"

bati ng lalaki na singkit dito. Hindi niya ito kilala pero mukhang pamilyar ito sa kanya.

"Uyy! May chicks ka yatang dala? Hi miss! I'm Rob Torne at your service!"

pakilala ng lalaking mukhang Fil-Am yata na nakalapit na pala sa kanila at akmang hahalikan ang kanyang kamay.

"Don't touch her!"

wika ni Luke na inalis pa ang kanyang kamay mula sa pagkakahwak ng lalaki.

Sa kanila naman nabaling ang tingin ng mga naglalaro dahil sa winika ng lalaki.

"Tsk! You got the wrong girl, Rob! That's Jane Cruz at girlfriend na iyan ni pareng Lennard kaya behave ka na diyan!"

natatawang wika ng crush niya na si Luke.

>________< OMG! Alam nito ang pangalan niya.

Pwede na siyang mahimatay.

"Oh! You're that girl! Caleb Cross nga pala!"

pakilala ng lalaking singkit.

Oh! so eto pala ang crush ng kaibigan niyang si Laila at ang may something sa kaibigan niyang si Katie.

"I'm Joshue Cole! At itong katabi ko ay si Justy Del Rio. Kami na ang magpapakilala sa aming sarili at mukhang walang balak na ipamahagi ka sa amin ng boyfriend mong iyan!"

kantiyaw nito sa kaibigan.

Ngumiti naman siya sa mga ito.

"Jaycie Luke Duartes at your service, madamoiselle!"

wika naman ni Luke sabay ngiti sa kanya.

OMG... (^______________^) eto na ang ngiti ko ngayon.

Weeeh! Nakakakilig.

Siniko naman siya ni Lennard ng mamataan nitong natutulala na siya.

"Tama na nga iyan! Laro na tayo!"

wika ni Lennard na kinuha ang bola sa korte sabay shot sa ring.

Okay! Nagpapasikat ang kolokoy.

"Naks! Gusto mo lang yatang magmayabang sa gf mo, loko!"

pang-iiinis ng kaibigan nito.

Ngumiti lang ito sa kanya sabay sabi,

"This game's for you babe!"

at nagsimula na nga ang laro.

Ewan ko lang ha!

Pero GOSHIE!

SWEET ng "BOYFRIEND" ko!

(>______________<)

Continue Reading