Blood Ransom (Completed)

By 4straeaLuna

50.6K 2.3K 322

It all started with the mysterious disappearance of Primrose Silverie's older brother, Trevor Silverie. Upon... More

Blood Ransom
About the Story
Prologue
Chapter 1: The Master
Chapter 2: Thirst
Chapter 3: The Prisoner
Chapter 4: The Town
Chapter 5: Saved
Chapter 6: Danger
Chapter 7: Tamed
Chapter 8: Agatha's Memories
Chapter 9: Chains of Agony
Chapter 10: The Plan
Chapter 12: Those Eyes
Chapter 13: The Bite
Chapter 14: Outrage
Chapter 15: Trevor
Chapter 16: The Heartless Depths
Chapter 17: Becoming One
Chapter 18: Barrier After Barrier
Chapter 19: Lies in the Dark
Chapter 20: Defeat
Chapter 21: The Crows
Chapter 22: Wrong Time
Chapter 23: A life inside a life
Chapter 24: Beginning of End
Chapter 25: Dinner
Chapter 26: Sweet Taste of Madness
Chapter 27: Pandemonium
Chapter 28: Thousand Years Part I
Chapter 29: Thousand Years Part II
Chapter 30: Burning Tears
Epilogue
Author's Note

Chapter 11: The Keeper

1.1K 68 21
By 4straeaLuna

Chapter 11: The Keeper


I feel like it was a very long night those times we were in the car that Lucien was driving away from the mansion. I have no idea where he will take me or hide me. I also couldn't help but feel nervous that there might be Lucien's enemies following us, kahit na nakasunod naman sa amin ang mga tauhan ni Lucien. I know that somehow his enemies are targeting me. Dakota mentioned that to me, and maybe that's why someone attacked me in the mansion, as they mistook me as Lucien's weakness, knowing the truth that I am just his bait to lure them here. Sa naisip na iyon ay bumigat nanaman ang pakiramdam ko.


"Lucien, are you sure you want to go this way?" naagaw ang attention ko ng seryosong boses ni Grim. Medyo matagal na rin siyang tahimik matapos kulitin si Calum at kuya kanina. Si kuya naman ay sumusulyap-sulyap sa akin ngunit nanatili siyang tahimik.



"I know what I am doing, wolf. Stop bothering me." Lucien growled at Grim, sumimangot naman ito at humalukipkip bago tumingin sa labas. Ako naman ay ibinalik muli ang tingin sa unahan, sa kabila ng nararamdamang pangamba.



"Are you hungry?" mababang tono na tanong ni Lucien sa akin ng sandaling makaabot kami sa bayan, mayroon pa kasing mga bukas na tindahan doon.


"Hindi. . . hindi pa naman." hindi siya nag-react sa sinabi ko at nagpatuloy lamang sa pagmamneho ngunit saglit din namang tumigil. He called Calum to accompany him, and the next thing I knew, they ordered food. Mayamaya'y bumalik na rin sila sa kotse. Lucien started the engine again at habang nagsisimula siyang magmaneho ulit ay mayroon siyang iniabot sa akin na nakabalot sa paper bag.


"You have to eat, hindi ka pa kumakain simula nang umalis tayo." hindi na ako nagmatigas at tinanggap na lamang ang binigay niya. Sinusubuan ko rin si Calcifer na nasa kandungan ko, simula nang umalis kami sa mansion ay nanatili itong tulog sa kandungan ko, halos muntik ko na rin siyang makalimutan kung hindi lang siya bumangon nang makitang huminto kami at lumabas si Lucien ng kotse.


Nakalampas na rin kami sa bayan, at ngayon naman ay binabaybay namin ang kalsadang napapagitnaan ng bangin at gubat. Halos mapasubsob ako sa harapan ng biglaang tumigil inihinto ni Lucien ang kotse. Kunot-noo itong pinukol ng matalim na tingin ang kung anong nasa harapan namin kaya roon din ako napatingin, at halos nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang nakaharang sa amin.


"Shit— " Lucien cursed.


"Holy fuck?" Grim followed, and I heard Calum's murmuring voice. Hindi ko na sila masyado pang maintindihan dahil nilalamon na ako ng kaba ko.


"Let me deal with those fuckers. Leave them to me." Mabilis na lumabas si Grim at nanatili namang tahimik si Lucien, nakatingin lamang ito kay Grimoire. Sumandal ito sa hood ng kotse na sinasakyan namin at humalukipkip habang nakatingin sa mga humarang sa amin.


"Saan ang punta natin kaibigan?" nakangising tanong nang nasaunahan nila. Naka-camouflage na jacket at nakaitim na cargo pants. They look like civil troublemakers, but I know they are more than that.


"Passing by, we are from the town of Crescent."


"I see," Tatango-tangong sabi nito at bahagyang sumulyap sa mga kasama niya.


"Pero kaibigan. . . hindi kami basta-basta nagpapadaan ng mga. . . taga Crescent, kailangan muna naming tingnan kung sino-sino ang mga kasama mo." matigas sila, baka mawala ang angas nila kapag nakita nila kung sino ang nagmamaneho ng kotse na ito? 

"Sigurado ka, gusto mong malaman? Baka mabahag ang buntot mo kapag nakita mo kung sino ang nasa loob at nanunuod sa atin dito?" ngumisi sa kanila si Grim, nagkatinginan naman ang mga ito and Grim was about to talk again, when they immediately shifted. I see I am right; hindi sila basta-basta.


They are one of the groups of werewolves.


"Shit!" Narinig kong mura ni Calum, naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko, and I saw my brother looking at me. Puno ng pagaalala ang mga mata niya habang si Nana Marty ay mahigpit na yakap ang isang bag. Si Lucien naman ay nanatiling kalmado, nakasandal ito sa backrest at blanko ang mukhangg nanonood habang nakahalukipkip.


"Kill them!" Saktong papasalita pa lang sana ulit si Grim ay tatlo na sa kanila ang sumugod sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang napapanood ko siyang lumaban ngayon at masasabi kong mabilis siya at malakas. Hindi pa siya nagpapalit ay makikita mo nang wala sa kaniyang laban ang mayayabang na lobong sumubok harangin kami.


"They're fools, hindi yata nila kilala kung sino ang kalaban nila, walang utak at siraulo ang isang 'yan, pero hindi mo gugustuhing makalaban." I heard Calum say as he watched Grim fight for us intently.


He immediately gave them a round kick before he threw punches at the other one. He quickly grabbed the other's face and kicked him hard. We can hear their growls from here, as Grim moved fast. With his speed, it was almost impossible to keep up with him because he was switching directions. As he settled in front of them, he immediately showed them his claws and scourged the other one before burying my hand in the other one. It fell together in front of him. The pompous one left is the arrogant one, who I'm sure is the leader of their group.


"Mukhang kilala ko na kung sino ka, you're the exiled." exiled? Exiled saan? Exiled from his pack?


He disregarded it and leaped into the air in front of his opponent. As he scourged his face, he instantly executed the 360-degree spinning hook kick, causing his enemy to tumble rapidly. He was going to dodge when he grabbed Grim's ankle and yanked his opponent off. He kicked it rapidly, and in an instant, he had it by the neck. He sank his claws in his opponent's flesh, eliciting a horrifying cry. Halos sobrang dami ng mantsa ng dugo ang mukha at damit ni Grim na tila balewala sa kaniya at bumalik sa loob ng kotse.


"Damn man, you stink!"


"Shut up, Calum." pasiring naman nito kay Calum at sumulyap kay Lucien na wala namang kibo at nagsimula nang buhayin ang engine.


"I should have helped you," Calum said again.


"No thanks, kauri ko 'yon, alam ko kung paano sila patayin. What do you think, Lucien, my friend?" Tila nakakaloko pa ang boses nito ngunit nanatiling seryoso si Lucien.


"That's insane," Lucien said in a flat voice.


"Well, I vowed to help you and to protect Agatha." Nagulat ako sa sinabi niya at napalingon, sumulyap naman sa akin si Grim at bahagyang kumindant.


"You don't have to do that, don't do that again, Grim, kinabahan ako. Saka sino ba naman ako para protektahan mo? I am just a lowly mortal." I awkwardly said, huli na para bawiin ko ang sinabi dahil lahat sila nakatingin lamang sa akin.


"Say, Trevor, right?" Grim, out of nowhere, asked my brother, na nananahimik.


"Yes, I am." Kuya answered.


"Kapatid mo ba talaga si Agatha?" Grim squinted his eyes, parehong namilog ang mga mata ni kuya at mga mata ko.


"What kind of question is that? Malamang kapatid niya ako!" It sounds defensive, but I was just trying to tell the truth. Ano bang pumasok sa isip nitong si Grim at si kuya ko naman ang napagdiskitahan, he was even trying to verify my brother and my relatedness. Goodness! Konti na lang iisipin kong baliw siyang lobo na pinalayas ng pack nila.


"Yeah, she is my sister." mariin na sagot ni kuya tila hindi rin natutuwa kay Grim, umusog naman si Grim palayo kayo kuya dahil masama ang tingin nito sa kaniya. As if he could do something to him? Sino ba ang lobo sa kanila? Sumasakit ang ulo ko.


"A-ah, okay? Wala natanong ko lang, kamukha mo kasi si Lucien." para akong nasamid kahit wala namang iniinom sa walang habas na pagsabi noon ni Grim. Lucien, on the other hand, remained calm and focused.


"Sige itanggi mo Agatha? Imposible na hindi mo napapansin? Trevor and Lucien are lookalikes. Pero ganoon pala sa mundo niyo ano? Ang magkasintahan dito magkapatid doon, gross." Hindi na nakatiis si Calum at mabilis na sinapak si Grim ng hawak niyang case.


"What the fuck Calum?!" galit na singhal ni Grim.


"Wala ka talagang utak! Kaya nga parallel universe e! Iba ang human world, dito sa mundong ito. Hindi nga nila alam na nag-eexist 'to unless makakapunta sila tulad ni Agatha, hindi niya alam na may other self siya rito, but that doesn't mean na ang kapatid ng Agatha roon ay maaaring kapatid din ng Agatha rito! Does it make sense to you now? Lobong walang utak!"


"Bwisit! Sakit sa tainga ng boses mo!" serves you right. Napailing na lang ako at hindi mapigilang hindi mapasulyap kay Lucien. Akala ko, ako lang ang nakapansin. Unang kita ko pa lang kay Lucien, ay napansin ko na iyon, pero dahil nga ibang mundo ito, hindi ko pinagtuunan ng pansin. Magkaiba sila, magkaiba ring nilalang, magkaiba ang personality. I shrugged off the thought and focused on where we are right now.


We entered a deep and dark forest covered by fog. Mayamaya lang ay himinto kami saglit.


"Clean yourself and change your clothes, noisy dog." Lucien commanded, clearly telling Grim, na masama ang pinukol na tingin sa wala namang pakialam na Lucien. Bumaba na rin kami at tumungo sa p-pwede naming pagpahingahan. The sounds of dry leaves filled my ears as we sat down on it. Isinandal ni Calum si kuya sa tabi ko sa isang malaking ugat at mariin ko naman siyang tinitigan. He smiled at me, habang ako naman ay sumandal na lamang sa kaniya. Kahit paano ay nawawala na rin ang kaba ko, as long as I can see my brother alive and okay, panatag ako.


"Are you cold?" napansin ni kuya na yakap ko ang sarili. Malamig kasi talaga rito sa napuntahan namin, siguro ay dahil na rin sa hamog na bumabalot sa gubat na ito. I was rubbing my arms when his handcuffed hands held my hand to pull me closer to him hanggang sa mas magkadikit kami, hindi man niya ako mayakap ay ako na lang ang yumakap sa kaniya. Nasa ganoon kaming posisyon nang makita ko si Lucien na sumulyap sa direksyon namin. Akala ko'y magagalit siya kaya medyo kinabahan ako nang maglakad siya pabalik, ngunit nagulat ako ng umupo siya sa harap namin ni kuya, tinitigan niya ako ngunit hindi naman niya tiningnan ang kapatid ko.


Ngunit mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa, he removed my brother's handcuff. Kaagad akong nayakap ni kuya dahil doon. Hindi nawala ang tingin ko kay Lucien hanggang sa tumayo na ito at tumalikod. Tila pabalik sa kotse upang doon manatili. Nahagip pa ng tingin ko si Calum at Nana Marty na hindi kalayuan sa amin. They were talking, pero sumusulyap sila sa amin ni kuya. Ang mga tauhan naman ni Lucien ay nanatiling nasa bukana ng gubat upang magbantay.


Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naroroon naghihintay kay Grim na nasisiguro kong naghanap pa ng batis para makaligo at makapagpalit ng damit. Ngunit nang bumalik ito ay hindi na rin nag-aksaya pa ng panahon si Lucien. Pinasakay na kami nito at bumalik na ulit kami sa biyahe medyo malayo-layo pa at tila ang destinasyon namin ay sa kasuluksulukan pa ng isla.
At hindi ako nagkamali ng sandaling huminto kami.


This is the outskirts of Crescent Island. Masyado nang malayo at hindi mabilis na mahanap. Mayroon pa lang bahay dito si Lucien?


It was not as big as his vintage mansion. Dalawang palapag ang bahay na kulay kahoy pero natitiyak kong gawa ito sa bato. The house was built in a very deep forest, at wala talagang malapit na bayan. Nang nasa harapan na kami ay kumatok si Calum. Nasa gilid ako ni Lucien at katabi ko naman si kuya. Nasa unahan namin si Calum at Nana Marty, habang nasa likuran naman si Grim na nagpapatay ng lamok. Habang nasa may gate naman naiwan ang ibang mga tauhan ni Lucien.


Hindi rin nagtagal ay marahan nang bumukas ang pinto. Nanatili roon ang tingin ko, naghihintay na makita kung sino ang nagbukas noon ngunit walang sumalubong sa amin. I find it creepy, pero sanay na ako dahil ganito naman lagi sa kwarto ni Lucien.


Naunang pumasok si Calum at Nana Marty, sunod ako at si kuya, sumunod si Lucien at Grim. The house was concrete. Kompleto rin sa mga gamit at malinis. Mukhang may nakatira rito.


"Nasaan siya, Master?" nagtatakang tanong ni Calum.


Sino? 'Yong nakatira rito? Malamang Primrose, nahahawa ka na ba kay Grim?


"Arioch, we're here." Lucien's deep voice echoed in the four corners of the house. Mayamaya lang ay mabilis na may lumitaw sa harapan namin. Napakabilis noon na halos hindi ako agad nakabawi. I blinked my eyes and looked at who it was.


A woman, maybe just my age, braided white long hair and wearing a black long dress and black lace gloves. Matapang ang mukha nito at nakakatakot tumingin.


"Maligayang pagdating, M'lord." she vowed in her head. Tila mataas ang respeto nito kay Lucien. No matter how intimidating she looks, kapansin-pansin ang pag-amo ng mukha nito ng mapantingin kay Lucien. 


"Arioch, I will leave her and his brother to you. Will you promise to keep them safe?" nawalan ng emosyon ang mga mata ni Arioch at blankong tingin ang ibinigay nito sa akin. Ngunit nang makita nito si Calcifer na karga-karga ko ay nagbago nanaman muli ang emosyon nito at lumapit to caress Calcifer's fur. Mayamaya ay umangat din ang tingin niya sa akin at nawalan nanaman ng emosyon ang kaniyang mga mata.


"Mortal," she murmured before drifting her eyes back to Lucien, who was waiting for her answer.


"Ako na ang bahala, M'lord. Lahat ng gusto mo, aking susundin, sa ngalan ng aking ina." muli siyang yumuko kay Lucien, and I was stunned when Lucien patted her head and hugged her. Pakiramdam ko biglang kumulo ang dugo ko sa nakita ngunit pinili kong magtimpi, kahit na nakita ko kung paano nasisiyahang yumakap pabalik si Arioch.


"I won't stay here for too long, I have to leave immediately." lumingon sa akin si Lucien at halos mangatog ang tuhod ko ng maglakad ito palapit.


"I'll be back tomorrow midnight. Don't get caught, Primrose." hindi na rin ako nakakilos pa ng mabilis niyang halikan ang noo ko at sa isang iglap ay bigla na lang siyang naglaho. Hindi ko masyadong masundan ang mga nangyayari. Naguguluhan ako. Hindi ko rin gusto na nakatingin sa akin silang lahat ngayon, even my brother. I was even waiting for his question, ngunit nanatili lamang siyang tahimik.


"Ipapasok ko na ang mga gamit mo sa magiging kwarto mo, Primrose. Calum, tulungan mo ako." binasag ni Nana Marty ang katahimikan. Agad naman na sumunod si Calum, habang si Grim naman ay kinuha si kuya mula sa tabi ko at sinabing siya na ang maghahatid kay kuya sa magiging kwarto nito. Habang ako'y naiwan sa harap ni Arioch na walang emosyon na nakatitig sa akin.


"Nothing's special with you, you're a plain mortal with a face of Agatha. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa 'yo at umabot sa puntong dinala ka niya rito." masakit siya magsalita. Bulgar at walang filter ang bibig niya. She's very straightforward and honest.


"Now, what makes you special to be in a keeper's care?"


Keeper?


. . .


Arioch pronunciation : Ar-ri-yock/Ariyock/Air-ee-ock

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 23 1
Beatrice Solomon, known as a "bitch" due to her ability to provoke jealousy among girls, finds pleasure in teasing those who secretly like someone bu...
17.3K 558 38
Si Antonette Pedoche ay isang happy go lucky na babae, dahil mayaman ang pamilyang kumopkop sa kanya kaya naging spoiled brat siya, pero lingid sa ka...
146K 6.9K 75
Book 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang nagh...
4.9M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...