Blood Ransom (Completed)

By 4straeaLuna

50.6K 2.3K 322

It all started with the mysterious disappearance of Primrose Silverie's older brother, Trevor Silverie. Upon... More

Blood Ransom
About the Story
Prologue
Chapter 1: The Master
Chapter 2: Thirst
Chapter 3: The Prisoner
Chapter 5: Saved
Chapter 6: Danger
Chapter 7: Tamed
Chapter 8: Agatha's Memories
Chapter 9: Chains of Agony
Chapter 10: The Plan
Chapter 11: The Keeper
Chapter 12: Those Eyes
Chapter 13: The Bite
Chapter 14: Outrage
Chapter 15: Trevor
Chapter 16: The Heartless Depths
Chapter 17: Becoming One
Chapter 18: Barrier After Barrier
Chapter 19: Lies in the Dark
Chapter 20: Defeat
Chapter 21: The Crows
Chapter 22: Wrong Time
Chapter 23: A life inside a life
Chapter 24: Beginning of End
Chapter 25: Dinner
Chapter 26: Sweet Taste of Madness
Chapter 27: Pandemonium
Chapter 28: Thousand Years Part I
Chapter 29: Thousand Years Part II
Chapter 30: Burning Tears
Epilogue
Author's Note

Chapter 4: The Town

1.4K 74 7
By 4straeaLuna

Chapter 4: The Town


Hindi ko alam kung paano lumipas ang maghapon na nagawa kong iwasan na magtagpo ang landas namin ni Lucien. Kahit sa hapunan ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita. Sa kalagitnaan ng gabi ay pinili kong bumangon at lumabas sa veranda ng kwarto ko upang pagmasdan ang bilog na bilog at maliwanag na buwan. There's something about the moon and stars that makes me calm. Ito siguro ang kailangan ko para kahit paano ay kumalma.


The wild night wind greeted me as I rubbed my arms and leaned on the safety rails.


Habang nakatitig roon ay aksidente akong napasulyap sa kabilang veranda, at nagulat ako ng makitang may tao roon na nakatayo at tulad ko'y nakatitig sa kalangitan. Nakasandal ito sa gilid ng glass wall, habang magkacross ang dalawang braso.


I watched his white hair glisten in the moonlight. My body shivered because of that; it added more coldness to the surroundings, and even a little air made it more messy. He was staring intently at the moon and seemed to be deep in thought. I guess he didn't even notice that I was looking at him because he didn't move from staring there. He was simply wearing a gray sweater and gray pajamas, and even in such simple clothing, his sex appeal is still screaming. With his eyes and that type of stare, he appears strange. He gazed at you intently, as if he knew who you were just by looking at you. As though you are transparent in his sight. You're easy to read, and it's simple to figure out what's on your mind. However, if you gaze at him, you will have difficulty distinguishing his personality. It's too enigmatic, cryptic, and impossible to decipher, as if it were a book written in a different style, a book written in a foreign language that you'll never comprehend. He's the sort of person whose personality contains numerous buried secrets.


Isang taong mapanganib dahil 'di mo alam kung ano ang nasa isip.


Natigil ako sa pagkilatis sa kaniya ng biglaan siyang mapalingon sa gawi ko. I was taken aback by that sudden movement, nakaramdam ng pangangatog ng tuhod, ramdam ko ring namutla ako at bahagya pang nanlaki ang mga mata sa gulat.


I badly want to look down, but there is something in his eyes that won't let me. It's as if they're drowning me and drawing me away. I'm unable to flee. I'm sinking a little too far. We gazed at each other for a few moments before he abruptly turned around and went inside. I let out a sigh of relief after what had transpired; I nearly felt like I couldn't breathe, which was why I was panting after he had left where he had been before.


Nang makaramdam na ako ng sobrang lamig ay nagpasya na akong pumasok. Isinara ko narin ang bintana at kurtina bago ako pumasok sa Cr para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay nagpalit lang ako ng kulay velvet red na roba saka tinungo ang switch para patayin ang ilaw at buksan ang lampshade dahilan para bahagyang dumilim ang kwarto ko. Paglapat pa lamang ng likod ko sa malambot na kama ay naramdaman ko na agad ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko, kaya agad akong nakatulog.


Naalimpungatan ako ng makaramdam ng matinding lamig. I search for my blanket to cover my body while my eyes are still shut due to the drowsiness I am feeling.


"Why so cold?" I groaned. I even felt the edge of my bed move like someone was seated on it, but I didn't bother to look. Masyado na akong inaantok para pagaksayahan pa ng panahon iyon. Wala na akong pakialam kung minumulto man ako, wala narin naman ako sa tamang wisyo. I just hugged the blanket on my body as I fell asleep again.


Nagising ako kinaumagahan ng makaramdam ng gutom. Bwisit! This is what I hate every morning! Noon pa man ay madalas na talaga akong nagigising ng gutom. Hindi ko alam natulog lang naman ako pero daig ko pa ang sumali sa isang marathon.


Inis akong bumangon at tamad na tamad na sinilip ang oras. Alas singko pa lang. Binilisan ko na ang pagligo, nagbihis lang ako ng puting tshirt at denim short saka pinusod ang may kahabaan kong buhok. Bandang alas sais ay napagpasyahan ko nang bumaba para tulungan si Nana Marty na magluto ng almusal.


"Good morning po," bati ko sa matanda pagkapasok ko sa kusina.


"Magandang umaga rin naman, kumusta ang tulog?"


"Ayos naman po," inabot niya sa 'kin ang babasaging plato na naglalaman ng omelet. Agad ko namang kinuha iyon at nilapag sa mesa sa dine hall at bumalik sa kusina. Inabot niya sa 'kin ang bacon. Tulad ng una ay nilapag ko na iyon sa hapag kasunod si Nana Marty bitbit ang kanin, ako naman ang naglagay ng wine at tubig saka ng kubyertos. Pagkatapos ay ako na rin ang naghugas ng mga pinaglutuan at ginamit sa pagluluto.


"Nasa hapag na si Lucien," Tumango tango naman ako at ipinagpatuloy ang pagsasalay ng mga hinugasan. Himala yata at bababa rin siya para sa almusal ng kusa. 


"Mamaya'y hahatidan mo siya ng tanghalian at hindi raw siya bababa, pagkakain naman natin ng tanghalian ay pasasamahin kita sa bayan kay Calum para naman malibang ka at hindi puro na lang gawain dito ang ginagawa mo."gulat man ay nagawa ko pa ring umakto na ayos lang.


Pero bakit ako ang maghahatid? Napailing na lang ako sa isip. Marahil ay dahil madali nang mapagod si Nana Marty dahil sa edad niya. She's too old for that. Hindi ko nga lubos maisip kung paano pa niya nakakayang mag-akyat baba sa hagdan. Nasaan ba si Calum sa mga oras na ito at hindi lamang siya ang maghatid kay Lucien ng pagkain?


Can't believe that vampire actually eats human food! I wonder how it tastes like for him.


"Sige po." Tipid na sagot ko sa kaniya habang pilit itinatago ang kakaibang emosyong nabubuo sa dibdib ko. Matapos kumain ni Lucien ay agad na kaming kumain ng almusal bago ako lumabas para maglinis ng hardin sa likurang bahagu ng bahay. Mahigpit na bilin sa 'kin ni Nana Marty ang panatilihing malinis ang hardin. Namangha akong titigan ang mga pulang pula na rosas, napakarami nila.


I touched one of the roses when I suddenly felt as if I were electrocuted as vague images rushed through my head. A woman, wearing a classic black gown with a flower crown and carrying a red rose, standing right here in the garden. I was taken back suddenly because of that. I opted not to touch any of the flowers even if I was curious. I prodded the long stick through the dried leaves on the carpet grass from the trees around the mansion.


Hangang ngayon ay 'di ko pa rin maisip kung bakit mukhang nasa gitna ng gubat ang ganito kagandang mansion. Nagtatago ba ang master? O baka talagang mas gusto niya ang buhay na malayo sa iba. Tahimik, payapa at malayo sa mga distractions. Or maybe because he knew everyone could be his enemy.


Napatayo ako ng ayos ng makaramdam nang pangangalay nang leeg. Marahan ko iyong inunat at tumingala para bahagyang masahihin ang batok ko ng aksidenteng mapatingin sa itaas.


When I saw who was standing on the patio, peering intently into nothingness, my eyes almost widened. He appears to view the town people from where he stands. His two hands supported his slightly bent torso by resting on the bars. When you think about it, this island is little, but not too small, like though the human world is insignificant in comparison.


Nagulat ako ng biglaang napunta sa gawi ko ang mga mata niya at nagtama ang paningin namin. Naroon nanaman ang pagkunot ng kanyang noo at mariing pagtitig na tila ba napakalalim ng kaniyang iniisip. Napahigpit ang hawak ko sa stick at bahagyang napayuko, hindi ako gano'n makagalaw sa kaalamang nakatingin pa rin siya sa akin. Pinilit kong hindi na muli siyang tingnan pero sadyang taksil ang mga mata ko at muling dumapo iyon sa kaniya. Nagsalubong ulit ang paningin naming dalawa. Hindi na iyon nagtagal dahil siya na mismo ang umiwas, hindi nakaligtas sa paningin ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago tumalikod at derederetsong pumasok sa kwarto niya saka isinara ang kulay pulang kurtina.


I was able to stop the stick I was holding because my chest was still heaving despite the fact that he was no longer in my sight. I attempted to ignore that look and quickly finished cleaning, then took off the gloves I was wearing and replaced them in the basement before washing my hands and heading inside.


"Agatha, tapos ka na ba?"


"Opo."


"Hala sige at magpalit ka muna, baka magkasakit ka niyan, pawis na pawis ka. Pagkapalit mo'y saka ka bumaba rito para ihanda ang dadalhin mong tanghalian para kay Lucien."


"Sige po," tulad nang sabi niya ay agad akong nagbihis sa kwarto. Simpleng gray sleeveless dress at ang suot ko bago ako bumaba.


Matapos naming ihanda ang almusal ay agad ko na iyong inihatid sa taas. Ramdam ko nanaman ang kalabog ng dibdib ko habang papalapit sa kanyang kwarto, hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa ganito. Hangang kailan ko mararamdaman ang pakiramdam na ganito.


Tatlong beses muna akong kumatok sa kwarto niya.


"L-Lucien, andito na ang tanghalian mo." Kusang bumukas ang pinto ng hindi ko siya nakikita. Imbes na magtaka ay hindi ko na lamang pinansin 'yon at derederetso nang pumasok. Hindi na dapat ako magulat sa mga bagay-bagay.


"Lucien?" I searched for him around his room, but I saw nothing. Where is he?


Marahan kong ipinatong sa coffee table malapit sa glass door palabas sa teresa ang pagkain niya at muling nilibot ang paningin. Maging si Calcifer ay hindi ko alam kung nasaan.


Baka naman nasa shower?


Muli kong nilingon ang pagkain at pipihit na sana ng bigla akong mabangga. Huli na para malaman kong hindi iyon isang padir kundi isang k-katawan. Agad akong napaatras at biglaang namutla. Sunod-sunod ang pagyuko ko sa kaniya sa sobrang kaba.


"S-sorry! Hindi ko sinasadya."

"Get out," Narinig ko ang mapanganib na boses niya na halatang nagtitimpi.


"S-sige, pasensya na." hindi na ako nagdalawang isip at nagmadali nang lumabas sa sobrang kaba. Balisa akong bumaba sa kusina, sobra sobra na ang pawis na lumalabas sa akin na pilit kong pinupunasan. Pagkapasok sa kusina ay agad akong napainom ng tubig, pansin ko ang pagtataka ni Nana Marty ngunit minabuti niyang hindi na lang magtanong. Marahil ay sa nakikita niyang kaba sa akin ay alam na niyang may hindi magandang nangyari. Shit! Dapat naging maingat ako. Baka hindi na talaga ako makaalis dito.


Matapos kumain ng tanghalian ay nagpalit lamang ako ng maroon sleeveless top at black high waist pants. Pinatungan ko ng overcoat ang sleeveless top ko at sinuot ang leather boots. Pagkatapos ay ipinusod ko ang buhok ko saka nagpasya nang bumaba. Sakto namang pagbaba ko ay kakarating lamang ni Calum na hindi ko alam kung saan nanggaling.


"Oh, you're ready. Let's go, para hindi tayo gabihin pagbalik."


"Wala ba tayong sasakyan? Maglalakad lang ba tayo?" Calum chuckled.


"Of course we have, may sariling sasakyan ang master na ipinapagamit niya sa akin kapag umaalis ako, at pinahintulutan niya rin ako na gamitin 'yon ngayon." I gulped upon hearing him talk about Lucien.


"A-alam niya ba na kasama ako?"


"Hell yes, m'lady." nakangiting sabi nito habang patungo kami sa kotse na pag-aari ni Lucien. Ngayon ko lamang nakita ang itim na kotseng 'yon, hindi ako makapaniwala. Calum opened the door for me, kaya kaagad naman akong pumasok doon.


Nang magsimula siyang magmaneho, ay muli kong naalala ang pagdidikit namin ni Lucien kanina. Kakaiba ang naramdaman ko ng mga sandaling mapadikit ang balat ko sa balat niya, kakaibang kuryente, nakakapaso ngunit nakakapanabik. Hinding hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na 'yon. Ilang beses na kaming nagkakadikit na dalawa ngunit tuwing nangyayari iyon ay tila bago pa rin sa akin ang pakiramdam.


"Medyo malayo ba ang bayan dito?" Hindi ko mapigilan na hindi magtanong.


"Oo, may mga sasakyan naman sa baba ng mansion na p-pwede mo sakyan para makapunta roon pero bihira kasi ang napapadaan dito, masyadong kokonti ang mga sasakyan. Kaya talagang maghihintay ka. Karamihan ay bus lamang at jeep. Hindi katulad sa ibang lugar na 'to, itong isla kasi ay limitado sa ibang bagay, mas magubat kasi siya at tatlong bayan lamang ang nandito, ayaw din kasi itong ipagalaw ni master upang gawan or tayuan ng mga building. Nga pala kung gusto mo rin malaman or para na rin alam mo, pag-aari ni master ang isla na 'to." 


"Kung gaanon, para lang din pala itong mundo ng mga tao."


"Oo naman, except sa katotohanan na maliit na porsyento lang ng mga tao ang andito, and may mga bagay na mahirap ipaliwanag ang mga nangyayari at nage-exist sa lugar na 'to." tumango-tango naman ako sa sinabi niya.


"Nabanggit mo sa akin dati na bago kayo dumating ay nandito na si Agatha." sunod na tanong ko malayo sa pinaguusapan namin.


"Oo, bakit?"


"Wala ba silang ibang kasama rito? Sila lang dalawa?" napaisip siya habang nagmamaneho at tumango.


"Sa pagkatatanda ko, bukod sa mga tauhan ni Master ay wala nang iba kundi si Agatha lamang ang kasama niya." I felt something I shouldn't. Damn, Primrose Agatha!


"Nasaan na ba ang mga magulang niya? Nasabi ba sa inyo ni Agatha? Or ni Lucien?" Narinig ko ang pagbuntong hininga nito, isang napakalungkot na buntong hininga na nagbigay sa 'kin ng clue kung ano ang sagot sa tanong ko at nakumpirma iyon ng muli siyang magsimula.


"Agatha told me once that Lucien is the only one who was left from his clan. Wala nang ibang natitira, siya ang naging tagapagmana ng kaniya ama na mamuno. Wala siyang kapatid." Bahagya akong napaayos ng upo, ngunit nanatiling nasa labas ng bintana ang aking attention. The road that we were heading was narrow, napapagitnaan iyon ng mga puno at madalas ang pagsiko.


Bakit gano'n? Bakit nalulungkot ako? At mas nalulungkot ako sa isiping mag-isa na lang nga siya sa buhay, pilit niya pang inilalayo ang sarili niya sa iba. Tangina naman Primrose. Wala ka dapat pakialam sa kaniya, sa ugali niyang iyon malamang ay iyon ang gusto niya, ang mag-isa.


Hindi na ako muling nakapagsalita ng makarating na kami sa hanganan ng gubat at nakarating na rin sa bayan na aming destinasyon. Bumaba kami sa sasakyan at halos maagaw namin ang attention ng mga naroroon. This is the town of Crescent. It looks simple and not too big. Pero buhay na buhay sa dami ng mga nandoon. Noong una ay kalmado pa ang pakiramdam ko, ngunit agad din akong napatigil at nahigit ang sariling hininga ng mapagtanto at maalala na hindi mga tulad kong tao ang naririto ngunit mga bampira. Masasabi kong kokonti lamang ang mga taong naririto ngayon, marahil ay dahil sa pinuno nilang si Lucien kung bakit may ilan pang mga tao ang naririto at nagagawang makisalamuha sa kanila.


"Calum! Nagbalik ka?"


"Aba'y shempre, kumusta ka?"


"Ay okay na okay, isang kilo ba?" Tiningnan ko ang patatas na inaalok niya.


"Sige, saka isang kilo rin ng carrots."


"Si Agatha?" Turo sa akin ng tindera at mukhang nagulat pa. Umugong din ang bulungan at kakaibang tingin sa akin, may iba pang napasinghap. Kanina pa sila tumitingin sa akin na parang hindi sila makapaniwala.


"Oo, siya nga."


"Alam ni Master Lucien?" Nakita ko ang pagbakas nang isang klase ng emosyon sa mga mata niya, takot. Agad akong napalunok sa ipinakita niyang emosyon.


"Oo naman."


"A-ah kung ganoon, ay wala naman palang problema, o heto, salamat Calum, ingat kayo pag-uwi." Dumeretso naman kami sa tindahan ng mga karne, nang mapadako ang tingin ko sa mga sweet delicacies. Wow, mukhang masasarap. Kaso wala pala akong pera.


"Iyong pili tart, miss masarap." Napatayo ako ng maayos bigla ng may magsalita sa gilid ko. Agad ko iyong nilingon at mas lalong nagulat ng bumulaga sakin ang nakangiting poging nilalang. He looks young, maybe around my age or older than my age. Parang si Lucien lang.


"Hi, Agatha? I didn't know you were alive?" He tried to smell me which makes him look weird. Malamang ay hindi niya alam na may kamukha si Agatha na napunta rito.


"Bumalik ka na sa mansion ni Lucien?"


"O-oo e."


"Wow! Parang gusto kong bumisita doon ah!"


"K-kilala mo si Lucien?"


"Oo naman, we used to play together before." Nakangiti pa ring kwento niya at kinuha ang dalawang garapon ng pili tart saka nilagay sa paper bag at inabot sa akin.


"Eto libre ko na sa 'yo, 'yong isa pabigay kay Lucien."


"H-ha, naku! Salamat pero 'wag ka magalala 'pag nagkapera na ako babayaran kita!"


"Huwag na, ang makabalik ka ay sapat na." Napangiwi ako ng bigla siyang kumindat sa 'kin. Sino nga ulit siya? Wala akong mahanap sa alaala ni Agatha. Mas lalo pa akong nawirduhan sa kaniya ng bigla siyang tumawa ng mahina.


"Ako si Grimoire, Grim na lang." Nilahad niya ang kamay sa 'kin na naiilang ko pang tinanggap.


"Agatha, let's go."


"Calum my friend!"


"Lobo, ikaw pala."


"Hindi mo naman sinabi sa akin na nagbalik na pala si Agatha."


"Hindi ka naman nagtanong."


"Bibisita ako sa mansion sa susunod na buwan."


"Ikaw ang bahala."


"Hindi naman niya siguro ako kakagatin 'no?" Natatawang sabi nito.


"Ahm, hindi ba bawal ang bisita sa mansion ni Lucien, Calum?" I asked Calum, but Grim laughed.


"Relax baby girl! Ako 'to si Grim, kahit bawal 'di ako matitiis ng gagong 'yon!" Kapal ng apog. At talagang tinawag ng gago ang master.


"Oh, shut up, Grim, mauna na kami."


"Sige, ingat kayo my man, ingat ka Agatha, nice to see you again, alive." Nag-bow ako sa kaniya at ngumiti saka sumabay kay Calim sa paglalakad.


"Hindi ko alam na may dati palang kaibigan si Lucien. Buong akala ko simula't simula pa lang ay ilag na siya sa iba. Pansin ko kasi ay hindi siya 'yong tipo na mahilig makisalamuha. Mahirap siyang lapitan, nakakatakot."


"Hindi sila magkaibigan, sa totoo lang ang madalas silang magsapakan sa hardin noon." Nabigla ako sa nalaman. Ano?! Pero kung makapagsalita ang Grim na 'yon kala mo magkapatid na sila kung magturingan at napapalitan ng ulam.


"Pero masasabi kong ang pagiging magkaaway nila ay naging daan para 'di sila makalimot sa isa't isa."


"Kahit pa, ang isa ay huminto nang magpapasok ng kahit sino sa buhay niya, simula ng mawala ang nagiisang tao na handa siyang ialay ang buhay niya."


Ha?


. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
25.9K 837 21
[𝑷𝑼𝑩𝑳𝑰𝑺𝑯𝑬𝑫 𝑼𝑵𝑫𝑬𝑹 𝑰𝑴𝑴𝑨𝑪 𝑷𝑼𝑩𝑳𝑰𝑺𝑯𝑰𝑵𝑮 𝑯𝑶𝑼𝑺𝑬] Revenge is her game, and let that game begin. Cover made by Ramen Arts
7.5K 23 1
Beatrice Solomon, known as a "bitch" due to her ability to provoke jealousy among girls, finds pleasure in teasing those who secretly like someone bu...
28.7K 1K 56
• C O M P L E T E D • Sebastian Series #2 2nd Generation Si Amethyst Chandelle D. Gomez ay ang tipong babaeng hindi nag aaral ng mabuti, adik sa...