Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 94K 20K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 29 - Beautiful Curse

38.2K 1.4K 564
By pixieblaire

Ranked #7 in Fantasy. Oh holy mother of cheesecakes and honeybars! Masaya na ako. Haha!

Happy 53K reads rin. Haay, napakalayo pa sa isang milyon. Asa na lang ako. Nga-nga much. Haha!

#MagiqueFortress

xx pixie bleed

==========

Chapter Twenty Nine
Beautiful Curse

Bagong paglalakbay nanaman itong sumalubong sa'min. Pero inalis namin ang lahat ng pangamba dahil walang patid ang saya na nangingibabaw sa amin ngayon even though we have no idea what was yet to come in this new beginning.

Ubos ang enerhiya namin sa naganap na Nix Battles. Pero lahat naman iyon ay masasabi naming a breath of fresh air. The whole Nix journey was worth it.

Kaya ngayon ay nagpapahinga na lang kami for energy refueling. This is also what we call stress eating. Umorder kaming anim ng pagkain na parang tatlong araw kaming hindi nakakain at nagpicnic kami dito sa Moon Park.

"Knock knock." paglibang sa amin ni Yuan.

"Who's there?"

"Hayop."

"Hoy siguraduhin mong ayos 'yan." sabi ni Dan.

"Oo bilis sagot!"

"Hayop who?" sabayang pagbigkas namin.

Tumikhim pa siya habang naghahanda na akong pigilan ang tawa para magmukhang waley ang joke niya.

"I got the hayop the tiger, a fighter, dancing through the fire."

Holy mother of corns.

Nagtawa si Sage at nagpipigil pero bumubungisngis ang tawa ni Ellie kaya sinapak ko sila. "Bakit kayo tumawa?!" Umiling iling naman sina Dan at Val na sinamahan ako sa pagsabi ng 'waley'.

"Ang KJ niyo!" Pagdradrama ni Yuan pero ngumiti rin. "Knock knock ulit."

"Bukas na ang pinto." sinapak ni Yuan si Val sa sinabi.

"Jollibee."

Napamura si Ellie. Ako naman ay nangingiti na. Natatawa na ako wala pa man 'yung joke. Kaloko. Pero sa totoo lang, fan ako ng korny jokes.

"Why you Jollibee so rude? Don't you know I'm human too.." taos puso pa ang kanta ni Yuan kaya nagtawa na kami. Ibang klase talaga ang lakas ng loob niya.

"Oh ako rin. Knock knock." nagtinginan kaming lahat kay Val.

Valentine Archangel? Magjojoke? Nako tignan nga natin.

"Who's there?"

"Urine."

"Ang simpleng dirty mo Val." pang-aasar ni Yuan.

"Maginoo pero bastos." panggagatong ni Dan.

"I know. Pero sumagot na lang kasi kayo."

"Oh game. Who's there?"

"Urine-secure, don't know what for. You're turning heads when you walk to the do-o-or."

Napapikit kami at napabuntong hininga. "Let's all pray for the soul of the dead joke." Tsaka kami nagtawanan. 'Yung feeling na mas natawa ka doon sa nag-joke kaysa sa mismong joke.

"Isa pa. Sigurado na 'to. Please." pangungumbinsi ni Val kaya hinayaan na namin. Trip nila magpakakorny.

"Hi Kim!"

"Hi Kim who?" siniko ako ni Ellie na pasimpleng kumuha ng icing ng cake. Nagets ko agad ang senyas niya.

"Hi Kim in like a wrecking ball, I never-" pinahiran ko agad ng icing ang mukha ni Val tsaka ako tumakbo. Punong puno naman ang mukha ni Yuan ng icing dahil buong kamay ang ipinahid ni Ellie sa kanya.

"Run for your life!" Hinahabol na kami nung tatlo. Pagharap namin, ginantihan nila kami kaya sobrang lagkit ng mukha ko.

Kumuha kami ni Sage ng cherries at pinagbabato 'yung tatlong lalaki. Instant cupcake! Sino bang mukhang masarap dito sa tatlo? Hmm.

Kinuha ko 'yung mismong cake at sinubsob 'yon sa mukha ni Val. Humahalpak kami ng tawa sa itsura kanya. Revenge for revenge!

Hindi ko naman napansin, hawak pala ni Val ang whipped cream bottle at nilagyan ako sa ulo at sa ilong. Ginawa niya akong parang ice cream dahil doon. "Cute." tsaka siya tumawa at tumakbo. Nakipag-apir pa sa dalawa.

Inabutan ako ni Ellie ng chocolate syrup tsaka kami nag-apir. "Lintik lang ang walang ganti." Tsaka kami nagtawa na parang witch. Haay ang saya lang. Sana'y laging ganito at nawa'y magandang simula ito para sa'ming anim.

Naglaro pa kami hanggang sa awatin na kami nina Professor Finn at Philia para sabihing magbihis na raw kami para sa Night of Knights, ang idaraos na selebrasyon para sa mga bagong Cryst levels.

Hindi naging masyadong pormal ang selebrasyon. Tinawag at pinakilala kaming mga bagong Cryst sa lahat. Maging ang mga naiwang Nix levels pa rin ay sinuportahan kami. Pinayuhan kasi sila ni Lindrenne na huwag mawalan ng pag-asa, na darating ang tamang oras para sa kanila. 

"Sige, mauna na kami! Inaantok na ang beauty ko," pagpapaalam ni Ellie sa kanila.

"Sabay-sabay na tayo," sagot ni Yuan.

Naglalakad na kaming lahat patungo sa aming mga dorm nang biglang kunin ni Val ang atensiyon namin. 

"Pwede ko ba munang hiramin si Tine sa inyo?"

Nagtinginang umaatikabo ang apat. Samantalang ako, nagtataka. Talagang sa kanila nagpaalam si Val at hindi sa'kin. Eh ako ang hihiramin niya 'di ba?

Nagtinginang umaatikabo ang apat, samantalang ako ay nagtataka. Talagang sa kanila nagpaalam si Val at hindi sa akin. Eh, ako ang hihiramin niya, 'di ba? Ayos, ah?

Bilang pagsang-ayon ay sabay-sabay lamang na tumungo ang mga ito. Hinayaan nila akong samahan si Val sa kung saan niya gustong pumunta.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang kami ay naglalakad patungo sa kung saan. Hinayaan ko lang din siya saka tahimik na nagpatianod.

"Ano'ng gagawin natin dito, Val?" tanong ko nang makarating kami rito sa isang puno sa Golden Pavilion kung saan kami nagkakilala.

Hindi niya ako sinagot. May kinuha siyang isang hagdang gawa sa kahoy na nakatago sa bush.

"Magkukuwentuhan tayo sa itaas ng puno? Baka may ahas pa r'yan. Gabi na rin, Val, oh," nagpa-panic kong sabi.

Pumitik siya at awtomatikong lumiwanag ang punong ito. "Nilagyan ko ng mga alitaptap ito kaya 'wag kang matakot. May ipakikita ako sa 'yo." 

Hindi ko alam kung bakit bastos agad 'yung naisip ko. Ano ba naman kasing ipapakita niya sa tagong lugar at gabi pa? Pambihira.

Umakyat siya at hindi naman ako gumalaw dahil heto at nakatingin pa rin ako sa itaas ng puno. Ang lalim ng iniisip ko. Ano ba'ng pag-uusapan namin?

"Tine . . ." Nilingon na ako ni Val kaya sumunod na rin ako. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan paakyat.

Pagkaapak namin sa malaking sanga ay tuluyan nang lumuwa ang mga mata ko. "Ikaw ang gumawa nito?"

"Oo, halika . . ."

Bumalandra lang naman sa akin ang isang tree house. Inalalayan niya ako papasok at sa sobrang lawak ay puwede nang maging tirahan! It was absolutely enchanting!

Magtataka pa sana ako kung paanong nangyaring nakatago sa itaas ng punong ito ang isang napakagandang tree house. Pero kung iisipin, wala na rin palang kataka-taka sa mundong 'to. 

"Ang ganda, Val. Kailan mo 'to ginawa?" tanong ko habang sinusuri pa rin ang loob. Dikit ang mga kahoy kaya tingin ko'y kahit umulan nang malakas ay hindi mababasa dito. Maayos ang pagkakagawa niya. Natuwa rin ako sa bintana kaya parang bata ko itong binubukas-sara.

I sat down at kumuha na rin ako ng isang unan dito't ipinatong sa mga hita ko.

"Pagkatapos ng insidente sa lake, habang hinihintay kitang gumising ay sinimulan kong gawin ito. This also serves as my hideout when I want to be alone. Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman! Dati kasi pinangarap ko na ring magbahay-bahayan sa ganito." Biglang may umiral na namang kabastusan sa isip ko kaya dinugtungan ko agad. "I mean, maglaro sa ganito." 

Sinara ko ang bintana sa gawi ko't pagharap ko, halos atakihin ako sa gulat.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Holy burn!

Hinawakan niyang sunod ang kamay kong nakapahinga sa aking tuhod. "Gusto kita." Kumurap nang mabilis ang mga mata ko at nag-alboroto na ang maraming paru-paro sa tiyan ko.

"Mali," pagbawi niya. "Mahal kita, Tine."

Tuluyan nang nagtambol ang puso ko na marubdob na yumayanig sa aking sistema. Hindi ko akalaing sasabihin niya sa'kin ang mga salitang halos pangarapin ko araw-araw na marinig mula sa kanya. Gusto ko pang iuntog ang ulo ko para siguruhing hindi ako nananaginip.

Binawi ko ang kamay ko. "Si Bethany. Ayokong maging kabit, Val."

"Hindi talaga kami ni Bethany, Tine. Sinubukan ko lang siya."

Nanlaki ang mga mata ko. Anong subok? Tinikman niya lang, gano'n? Tiningnan ko siya nang may pagtataka. 

"No, no! Not that." Lumapit pa siya sa akin at kinuhang muli ang isa kong kamay. Nangungusap ang malalalim niyang mga mata. Nakatingin lang siya sa mga daliri ko habang nilalaro iyon.

"Sinabi kasi nila sa 'kin na bawal tayo . . . na hindi puwede. I admit, sinubukan kong kalimutan ka. I was trying hard to pull away 'cause I doubted my emotions about you, na baka simpleng attraction lang ito. Pero na-realize ko, Tine, na hindi ko na kayang tapalan pa ng kung ano-anong excuses at pag- iwas ang nararamdaman ko para sa 'yo," panimula niyang mukhang puwede ko nang ikabaliw. 


"You're the air that I breathe. You're the water I always tend to drown for. You're the solid ground I always fall for. And you're the fire that heats me up and burns me within. You're my source of true life."

I was dumbfounded. I never saw him this sincere. Para akong lumulutang sa kaitaas-taasan ng mundo at itinaas pa niya ako nang husto. Pigil pa rin ang hininga ko habang pinakikinggan ko ang bawat salitang kaniyang binibitiwan.

"Una pa lang kitang makita sa punong ito, hindi ka na naalis sa isip ko. Lagi kitang sinusundan, hinahanap-hanap, sinusubaybayan. You have no idea how badly I want to see you and talk with you. Itinago ko lahat dahil gusto ko munang siguraduhin ang feelings ko because I am certain that you deserve someone who's really worth it and not just someone like me. Natatakot din ako dahil baka piliin mo na talaga si Yuan. Narinig ko kayo ni Ellie, Tine. Sinabi mo . . . that you will choose him over me." Nangilid ang luha niya at ako naman ay naiiyak na rin. 

"I was scared big time kaya nagkarga na ako ng lakas ng loob. I don't want you to him. Ako na lang Tine, please. Makakahanap pa siya ng iba pero ako hindi na. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko. I don't want to push myself away from you anymore. Wala na akong pakialam kung bawal. I will fight for you. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon." Nakita ko ang tumulo niyang luha kaya tinakpan ko na ang bibig ko pagpipigil. He looks broken as well. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya noon pa man at ganito na lang ang selos niya kay Yuan.

Nakita ko ang tumulo niyang luha. Pero ako, pilit kong pinigilan ang aking mga luhang gusto na ring kumawala sa aking mga mata. Hindi ko alam kung dahil sa tuwa sa mga narinig ko o dahil sa awa sa kaniyang mga nabanggit tungkol kay Yuan. He looked broken. Hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya at ganito na lang ang selos niya kay Yuan. 

He kissed my forehead. "I will wait for you until you're ready."

Nanatili akong walang-kibo dahil lutang pa rin ako sa lahat ng ito. My heart was pounding so fast.

Bumaba na kami roon at tahimik na naglakbay sa aming mga dorm. Inihatid na niya muna ako. Pagkarating ay niyakap niya ako, and we exchanged good nights.

Ngunit bago ako tuluyang makapasok ay tinawag pa niya ako. "Tine . . ."

I looked back. "Hmm?" 

"I love you."

Oh holy. Namula yata akong bigla at tila lumipad na ang mga tainga ko sa saya.

My heart felt like jumping in joy. The warmth in his tone and the passion from those three little words made me feel like I was the happiest and luckiest girl in the world.

I wanted to answer back, but he walked toward their dorm already. Tumigil siya sa tapat ng pintuan at humarap uli sa akin para lang hintayin akong unang makapasok.

Right after entering our unit, sumandal ako sa pinto at hindi na maitago ang ngiti. Hindi ko na nga nagawang magreklamo sa dalawang nakahalukipkip at nakatutok sa akin. 

"Hoy bakla! Explain. Ngayon din!"

I jumped on my bed and covered my face with a pillow to hide my joy. Sa likod ng unan ay nakatago ang mga ngiting hindi ko na mapigil-pigil.

"He confessed."

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

THREE days passed by quickly. I couldn't stop thinking about Val's confession. I badly wanted to tell him my feelings, too, but I was being magnetized by fears. Ayaw kong malagay kami sa panganib.

Sabi naman ng dalawa, wala na rin naman kaming magagawa dahil nand'yan na. We should fight for it instead of backing out. Natuwa pa sila at sinabing susuportahan nila ako kahit ano'ng mangyari. Even if it would take us to hide about our relationship.

Tama! Handa siyang lumaban para sa akin kaya dapat ko nang tigilan ang pag-aalinlangan. Kailangan ko rin siyang ipaglaban.


Matapos ang aming mga pag-uusap ay naghanda na kami ng aming mga gamit para sa aming paglipat ng tirahan. Nang tuluyang makalipat dito sa Cryst Castles ay pinaghiwalay ang Soverthells at Gemlacks. 

Isa pa sa nakapagpalungkot sa'min ni Ellie ay si Sage na napahiwalay na sa amin. At higit sa lahat, sari-sarili na ang kwarto dito. Katapat ko ang kwarto ni Ellie. Katabi ko naman ang kwarto ni Val na katapat ng kay Yuan.

Maging si Daniel ay napahiwalay rin sa kanila.

Nakakapanibago. Hindi ko alam kung namamahay lang ba ako rito sa White Castle dahil kalilipat lang namin o hindi na ako sanay mag-isa sa silid, pero pakiramdam ko ay parang may nagmamanman sa akin. 

Tinutulungan ako ni Ellie na mag-ayos sa kwarto ko nang katukin kami ni Yuan. "Bakit may black eye ka? Anong nangyari?"

"Wala 'to, napaaway lang kagabi. Tara, punta tayong beach. Nandoon ang halos lahat ngayon."

Hindi na kami nakaangal. Habang naglalakad patungo sa sinabi niyang beach ay kinukulit namin siya tungkol sa away na kinasangkutan niya. Tinatawanan lang niya kami o hindi kaya ay sume-segue ng ibang kuwento. Weird!

Tahimik na lang kaming sumunod sa kaniya at nang makarating sa tinutukoy niyang lugar ay nakita namin ang isang napakalaking balon na no'n ko lang nakita rito sa C-Circle.

"Ito ang Grimencia. Binubuksan ang beach na ito tuwing summer," paliwanag ni Yuan.

"Beach? Paano naging beach ang balon?' tanong ni Ellie. Nagtinginan lang kaming dalawa bago muling nagsalita si Yuan.

"Tara!" Walang pag-aatubiling tumalon si Yuan sa balon. Bahagya pa akong natakot, pero ilang segundo lang ay sumunod na rin kami ni Ellie. Ilang saglit lang ay bumagsak kami sa buhangin.

Hala! Beach nga. Ang astig!

Marami nang naglalangoy at nagbibilad sa araw.  

Nag-beach shorts si Yuan at nagsoot ng aviators para hindi makita ang black-eye niya. Honestly, he's being weird today. Kasi medyo tahimik. At iniiwas niya ang topic tungkol sa nangyari sa kanya kanina. Kung bakit siya napaaway at sinong naka-away niya. Nakakapagtaka.

"Yuan, okay ka lang ba talaga?" Hindi ko na napigilang mang-usisa. Nakatayo pa kami rito sa buhanginan habang pinanonood ang ibang nagkakasiyahan sa tubig kabilang si Ellie.

"Okay lang ako. Okay na okay." He strangely smiled.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Parang may kakaiba.

"Teka, kukuha lang ako ng juice natin, honeybar." The way he said the last word was weird. Nanindig ang balahibo ko, and I didn't even know why. Tumakbo na siya kaya naghanap na ako ng puwesto na puwedeng paglatagan ng blanket. 

Nahagip agad ng mata ko si Valentine. Pero hindi ang maganda niyang katawan ang napansin ko kundi ang braso niyang naka-akbay sa isang sexy-ng babaeng nakabikini.

Tumigil siya nang makita ako pero saglit lang ay umiwas na't nagpadala sa babae. Niyakap niya si Val at idinampi ang kanilang mga labi. Kitang-kita ko rin kung paano hawakan ni Val ang hantad na likod ng babae.

My eyes exploded in tears. Anong ginagawa niya? Iyan ba ang distansyang sinasabi niya? Ang makipaglandian sa iba na parang wala siyang hinihintay? Na parang hindi niya ako hinihintay?

Agad kong iniiwas ang tingin sa kanila. Lumipat ako sa puwesto kung saan hindi ko sila makikita at hindi rin nila ako makikita. Pagbalik ni Yuan ay sinabi niyang nahirapan daw siyang hanapin kung nasaan na ako. Tinanong niya ako kung bakit ako narito sa isang sulok. Hindi ko na siya sinagot at nag-open na lamang ng ibang bagay. Nagkuwentuhan lamang kami habang iniinom ang juice na dala-dala niya.

Maya-maya ay dumating si Ellie at nagpaalam para bumalik na sa Cryst Castles. Kami ay patuloy lang sa pagkukuwentuhan kahit na may mga sandaling tila ako ay natutulala. 

Pagsapit ng gabi ay aminado akong tuliro pa rin ako. Hindi ko na nga namalayan kung paano kami napunta sa larong Truth or Dare na kasama sina Yuan, Val, 'yong babaeng kasama niya kanina, at limang iba pa.

"Dare," sabi ni Val nang matapat sa kaniya ang nguso ng bote.

"Kiss Gigi," kasumpa-sumpang hamon naman ng isang lalaki. Nang lingunin ko ang babae ay namukhaan kong siya ang kasama ni Val kaninang tanghali na kaniyang kahalikan.

"Gigi! Gigi!" pag-cheer ng iba sa kaniya at ipinagtutulakan pa kay Val. Tumingin naman si Val sa babaeng iyon kaya mas lalo silang nagtilian.

So he's doing this on purpose?

Bigla pang umakbay sa kaniya 'yong babae na hinayaan niya lang! Nang biglang maunang halikan ng babae sa pisngi si Val ay hindi ko na nakayanan.

Nanuot na ang sakit sa mga buto ko. Pero buong lakas kong kinontrol ang mga mata kong huwag magpatulo ni isang patak ng luha. Tumayo na lamang ako at mangatog-ngatog na tumakbo palayo.

Doon ko na pinakawalan ang naghuhumiyaw na sakit na nararamdaman ko. I felt so stupid to fall for his fake words. 

"Why are you crying?!" matigas na sabi ni Val, his eyes bloodshot drunk na ngayon ko lang malinaw na napansin.

Sinampal ko siya nang buong puso sa magkabilang pisngi. Nanginig ang mga kamay ko sa sobrang lakas. 

"Hindi mo alam? Sinaktan mo ako, Val! Sinaktan mo 'ko!" umiiyak kong sigaw sa kaniya. Nasaktan pa ako lalo dahil imbes na mag-sorry siya, eh tinanong niya pa talaga. G*go ba siya? 

Humakbang siya papalapit pero itinutulak ko siya. "Lumayo ka sa'kin! 'Wag na 'wag kang makalapit-lapit sa'kin!" gigil na gigil kong sabi.

"Tine, bakit ba?" mataas na rin ang kaniyang tono. 

"Bakit? Kasi gago ka! Ano ba ang lahat ng 'yon para sa'yo? Laro? Joke time? May paiyak-iyak ka pa! Pinaglalaruan mo lang pala ako. Bakit 'di mo sabihin ngayon ha? Umamin ka na! Peste! Sabihin mo na nang matapos na 'to at nang maibuhos ko na rin ang lahat ng sakit at sama ng loob na pumaparusa sa'kin ngayon. Trip-trip mo lang ba 'to? Ano ha, Val?!" hiyaw ko habang pahid nang pahid sa mga luhang tulo naman nang tulo.

Lapit siya nang lapit, pero tulak ako nang tulak sa kaniya. Hanggang sa nahuli niya ang mga kamao ko kaya napahagulgol na ako. I felt so helpless and pathetic. 

Nahuli niya ang mga kamao ko kaya humagulgol na ako. I feel so helpless and pathetic. "Sumagot ka... tang... ina... mo." Sinusuntok-suntok ko siya, hinihiling na maipasa sa kanya ang sakit dito sa lintik na puso.

"Akala ko, mahal mo talaga ako. Akala ko, mahal mo rin ako!"

Mukha siyang nagulat sa sinasabi ko.

Nanggagalaiti ko siyang dinuro. "Ayaw na kitang makita. Umalis ka na! 'Wag ka nang magpapakita sa 'kin!" 

"Tine, sandali!" Sinasabunutan niya ang sarili niya. Makalbo ka sana! "Let me explain!"

"You know what, Val? Fuck you!"

Nawala siya sa paningin ko dahil may sumuntok sa kanya. Lalapit pa sana si Val pero hinarang na siya ni Yuan.

"Back off, she's mine." Iyon ang sinabi ni Yuan bago ko tuluyang isinandal ang ulo ko sa kanyang likod at tinakpan na ang mukha kong basang-basa ng mga walang kwentang luha na sinayang ko para sa isang manloloko.

This is too much. Pain is indeed the strongest emotion to feel. And love?

Love is the most beautiful curse. It's a perfect dream at first, but just as when you're living up to its magic, it will eventually just leave you tormented-agonizing the painful nightmare in the end.

That's what love is. It was never fair.

Continue Reading

You'll Also Like

503K 24.4K 43
Trouble is part of her name. Well literally, her name is Trouble Roise Mendoza which make sense dahil lapitin talaga sya ng kapahamakan. She won't s...
2.7M 84.7K 54
Luna. Every day it's a different version of itself. Sometimes frail and pale, sometimes vigorous and lustrous. Will it ever overcome its uncertaintie...
208K 8.9K 34
She is dead in her world but she is barely breathing in reality. Life is a second chance for her to live what she deserves. To love the worthy, not t...
163K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...