Let's Talk About Us [Complete...

By marielicious

11.5M 336K 47.9K

X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET... More

Panimula
1. The Great Escape
2. Living Away From Home
3. Job Interview
4. Executive
5. The Contract
6. Signed
7. Meet the Family
8. Searching
9. Never get Away
10. Us
11. Fashion
12. Why Did You Leave Us?
13. Do's and Don'ts
15. His Reason
16. Asaran
17. PDA Show
18. Family Tree
19. Baby Sister
20. She's Here
21. Old Enough
22. Take Care
23. Day-off
24. Change of Mind
25. Kunwari
26. Girlfriend
27. Dinner
28. Rants
29. What Was That?
30. Travel Alone
31. Stranger
32. Bar
33. I Won't Mind
34. As If
35. Dessert
36. Hugot ni Arthur
37. Big Catch
38. Got Your Back
39. Shopping
40. Clingy
41. Payong Kaibigan
42. Kidnap
43. Scared
44. Surprise
45. Just The Two of Us
46. Birthday
47. Mata sa Mata
48. Bothered
49. Lies
50. Senior Vice President
51. Old Time's Sake
52. Pun Intended
53. I'm Home
54. Hindi Kami
55. Spill The Truth
56. Come Home
57. Jigsaw Puzzle
58. Family Dinner
59. Sorry
60. We're Over
61. Team Evangelista
62. Go Home
63. Text Message
64. Lost in Thought
65. Pain
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Ikalawang Parte)

14. Rest-assured

148K 4.6K 557
By marielicious

14. Rest-assured


SCARLETT


Pok.


"Aish, what the hell?!" Sigaw ko nang maramdaman kong may kung anong sumapul sa ulo ko.

"Babe."

Pumaling ako sa kaliwa at nagtakip ng kumot hanggang sa ulo ko. Babe babe siya dyan. Mukha niya! Pinahiya niya ako kagabi sa lecheng 'baby' na 'yon tapos ngayon bumi-'babe' siya dyan.

"Alison, wake up."

"Ano ba!"

"Nandito ang anak ko."

Nagmulat agad ako ng mga mata. Tama ba yung narinig ko o naalimpungatan lang ako? Ibinaba ko yung kumot ko at saka tumingin sa direksyon ni Arthur, at tama nga siya. There's Venice, standing by the door, looking at me sharply. Para niya akong pinapatay sa tingin. Where's the sweet little girl gone?

"Why did you let my dad sleep on the couch?!" pagalit na tanong niya. Tinignan ko si Arthur, nakaupo na siya dun sa couch at pakamot-kamot nalang sa batok niya. Oh my ghad, anong isasagot ko? Kapag ganito kagigising ko pa lang naman, hindi gumagana ang utak ko.

"Uh, V-Venice..."

Lumapit si Venice kay Arthur at tinabihan niya dun sa couch, still not disconnecting his eyes from me. "Dad, what's going on? Does your back hurt?" then she looked to me, "It's your fault, Miss!"

"Don't call her 'miss', Venice. She's your mom." Palakpakan po natin si Arthur for finally speaking out. Kung 'di ko pa siya pinandilatan ng mga mata, baka hindi talaga siya nagsalita dyan.

"She's not my mom. Why did you let my dad sleep here?"

"Venice," tawag ko sa kanya. Huminga muna ako ng malalim para may dramatic pause. "Ano kasi e..."

"We just had a little misunderstanding, baby." Arthur finished my dumb answer. Tumayo siya pagkatapos at saka ako tinabihan sa kama. I was taken aback when he kissed me on the forehead like what the fvck? "But we're gonna be okay. Right, babe?"

Tinignan ko ang lalaking katabi ko na ngayon ay nakaakbay na sa akin. Buset siya. Pumi-physical contact agad. Kinikilabutan tuloy ako. "Yes, Venice. Ginalit niya kasi ako kagabi kaya hindi ko siya pinatabi sa akin."

"So, bati na tayo, Alison?"

Ngumiti ako sa kanya, pero sa loob-loob ko, nagngingitngit ako ng sobra. "Hindi ka nagsorry, babe eh. Diba dapat magsorry ka?"

"Okay, I'm sorry. I won't make you mad anymore."

Muntik na akong ma-choke sa sagot niya. Gusto kong matawa pero dahil nakikita ko yung matalim na titig ng bata sa harapan namin, naki-get along nalang ako. "Alam mo namang hindi kita matitiis, Arthur." Yuck.

Ngumiti lang sa akin pabalik si Arthur at saka bumaling sa anak niya. "We're now okay. Told you, Venice. It's just a little misunderstanding."

Hindi siya kumibo. Naka-pout lang siya habang nakasimangot. Medyo may pagka-brat pala ang sweet little girl na ito.

"Let's eat together, Dad."

"Sure, baby. Wait for us in the dining table. We're gonna fix ourselves first."

Pagkalabas ni Venice ng kwarto, dun na ako nakahinga ng maluwag. As in napa... "hoo!" ako. Inalis ko kaagad yung braso ni Arthur sa balikat ko at saka ko siya sinapak sa braso. "Ikaaaaaw! Binigla mo ako!"

"Nabigla din ako kay Venice. I didn't know she's coming home at this hour," seryosong sabi niya. "Nasanay na rin kasi ang anak ko na puntahan ako sa kwarto ko tuwing umaga."

"But at least, lock the door starting today. Mabuti sana kung wala tayong tinatago e."

"Tch. Hindi pwedeng i-lock ang pinto. Minsan, nagkaka-nightmares si Venice. She would go to my room even in unholy hour."

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko sabay tingin sa kanya ng masama. "So, what are you trying to say?"

"What I'm trying to say is I can't sleep on the couch and get caught by her again." He said that while pointing his finger to the couch. Napalabi ako nang humiga siya sa kama ko- etse niya. "We don't have a choice but to sleep together on my bed."

Napasinghap ako. "No way, Arthur! J-just... no! Hindi pwede." Nagpapanic ang sistema ko. Ako at siya, sa iisang kama... Gabi-gabi?! Hindi talaga pwede dahil baka ano ang mangyari sa akin habang tulog siya. Oo, may tendency kasi ako na nanghaharass ako ng katabi kaya ayoko ng may kasama sa kama.

"Alam kong maiilang ka sa akin, pero wala ka naman dapat ipag-alala, Alison."

Tinaasan ko siya ng kilay. Ghad, lalaki siya at babae ako. Anong walang dapat ipag-alala dun? "At bakit?"

"'Cause you don't look desirable in my eyes. I don't mean to offend you, but you are definitely not my type."

Napatakip ako sa bibig ko at nanlaki talaga ang mga mata ko sa litanya niya. Oh my gosh, what a mouth full of insults! Sa Astrid nga, ang daming gusto akong tabihan kahit sa upuan man lang, sa kama pa kaya?

"Oh geez... I don't mean to offend niyo ka pang nalalaman dyan, eh naoffend pa rin ako." Iniling ko nalang ang ulo ko habang nakatingin sa kisame. I can't believe this guy. Bulag na ba siya?

"Look, Alison. You're just 20 years old turning 21. Ako, I'll be turning 26 in a few weeks. Para sa akin, kapatid nalang kita."

Bumangon na ako sa kama at sarkastikong nginitian siya. "Okaaaay, sige na. Magtabi na tayo sa kama. Tutal bata naman ako at gurang ka naman. Wala 'yong malisya, right?"

"What—"

I raised my hand as if telling him to talk to my hand. Ayun, nagtigil nga. "Hindi rin naman kita type. Para sa akin, kuya nalang din kita."



Age isn't a big issue for me. Ang ayoko lang ay yung ina-underestimate ang isang tao dahil sa edad nito. So, what if I'm only 21? I can still do wonders naman by this age. Sus, papatunayan ko sa Arthur na 'yan na wala sa edad ang... ang ano nga ba? Wala lang. Feeling ko kasi, minamaliit niya ako.

"Good morning, Ma'am," bati sa akin ng isang middle aged na babae. Nginitian ko lang siya at sinundan siya papuntang dining table kaso nagtaka ako kasi wala naman dun ang mag-ama. "Nasaan po sila Venice at Arthur?"

"Lumabas eh. Nag-jogging siguro ang mag-ama. Ganun talaga sila tuwing Sunday."

Napaismid tuloy ako. Ang dami ngang pagkain sa lamesa pero ako lang mag-isa ang kakain. "Hindi man lang po ako isinama?"

"Narinig ko si Venice. Uh..." Alanganin siya kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya. Okay, nakukuha ko na.

Ngumiti ako ng tipid. "Ayaw niya po akong isama?" Yumuko siya. "Ayos lang po. Naiintindihan ko naman. Hindi pa siya sanay sa akin."

Humila siya ng upuan sa kaliwa ko. She seems nice naman. Ka-aura ng Yaya ko sa Astrid. Namimiss ko na tuloy si Yaya Caridad. Kamusta na kaya siya?

"Alison, masasanay ka rin. 'Wag kang magugulat ha? Alam ko kasi ang lahat."

"Lahat?" What does she mean?

She smiled to me warmly. "Lahat-lahat. Nagpapanggap ka lang na nanay niya diba?" Umiwas agad ako ng tingin at kumuha nalang ng tinapay na agad ko naman isinubo para ma-distract ako. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Aba, malay ko ba kung hinuhuli niya lang ako.

"Manang naman..."

"Alam ko ang lahat. Kasama ko si Arthur simula pa pagkabata. Malaki ang tiwala niya sa akin," sagot niya kaya binalik ko ang tingin sa kanya. "Kaya ka pala niya pinili. Medyo hawig mo ang tunay na ina ni Venice."

Eh? Hawig ko? But then again, I thought of a silly idea. Tutal naman, siya na ang nag-open ng topic about Venice's real mom.

"Manang, can I ask something?"

"Sige."

Umayos muna ako ng upo at sumandal bago siya tinitigan. "Nasaan na po ang tunay na ina ni Venice?"

"Ang sabi ni Arthur. Nasa Beijing daw."

"China?" Stupid, Alison! Syempre nasa China ang Beijing. Wala naman sigurong Little Beijing town dito sa Pinas diba? Err.

Tumango siya. "Oo, may sarili na raw pamilya." I knew about that already. Yun ang sabi sa akin ni Arthur, na may sarili na raw siyang pamilya, but he never told me that she's in China now.

"So, nag-divorce sila?"

"Hindi. Hindi naman sila kasal."

Ngumuso ako. Medyo naguguluhan kasi ako. Nabuo si Venice out of wedlock? Tapos may sarili ng pamilya yung mommy niya like what the hell? Ano 'yon? Teka, information overload.

Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Manang. "Fourth year college pa lang si Arthur nang makilala niya yung babae. Ayun, nagkainlaban."

"Oh..."

"Basta, bigla nalang nawala ng parang bula yung babae. Hindi na nagparamdam. Nalaman nalang ni Arthur na kinasal na pala siya sa China." Tumayo siya at may kinuhang picture frame mula dun sa ibabaw ng cabinet. Inabot niya iyon sa akin pagkatapos. Isang baby picture. "Pagkalipas ng dalawang taon, bumungad nalang sa tapat ng condo ni Arthur ang batang 'yan. Almost two years old na rin siya nyan. Iniwang nakasakay sa stroller sa tapat ng unit niya."

Oh my ghad. Kaya pala malihim si Arthur. Pang-MMK pala ang buhay niya.

"Venice Evangelista ang nakalagay na pangalan sa birth certificate niya. Bukod dun, nakalakip pa ang isang sulat para kay Arthur. Ang sabi dun, ipinapaubaya na niya ang anak nila sa kanya. Hindi na raw siya babalik dahil nga may sarili na siyang pamilya."

Napabuntong-hininga ako sa kwento ni Manang. Ang bigat naman nun sa dibdib. Grabe naman yung babaeng yun. Anak pa rin naman niya si Venice. Nagawa niya pa talagang kalimutan ang sarili niyang dugo't-laman.

"Nakakaawa naman pala ang mag-ama, Manang," sabay pout ko oozing with sadness.

Ngumit siya saka niya ako pinagsandukan ng kanin. "'Wag mong sasabihin kay Arthur na sinabi ko sa'yo ha?"

"Hindi po."

"Sensitibo kasi ang batang 'yon pagdating sa usaping iyon." Ipinagserve din niya ako ng hotdogs at sunny side up. "Kaya ikaw, sana ituring mo ring sariling anak si Venice. Magugustuhan ka rin niya. Medyo may pagkaselosa lang kasi ang batang iyon pero mabait siya."

I smiled a little as I stared at her eyes. Now that I found out about the real story, I have to pull up the best in me on this one. "Promise po, I'll be a good mom..."

"... And wife?" dugtong niya kaya natawa ako.

"Manang naman!"

"Bakit hindi?" biro niya pa kaya napailing nalang ako. Kapatid nga lang ang turing sa akin nun eh. "Tawagin mo akong Nanay Betchay. Aalalayan kita."

Hindi pa man ako nakakatatlong subo ay nag-ring na ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Arthur ang tumatawag. Uminom muna ako bago sinagot iyon.

"Yes, hello?"

"Where are you?"

"Iniwan niyo ako sa penthouse tapos tatanungin mo ako kung nasaan ako? Helloooo?"

Natawa si Manang kaya kinindatan ko siya. Narinig ko namang bumuga sa hangin si Arthur sa kabilang linya. "Pumunta ka nalang dito sa bahay nila Mama. Nagyaya si Venice dito eh."

"What? Saan ba 'yan?"

"Tell the driver to take you to my mom's place. Nandito din ang pinsan ko. Ipapakilala kita." At binabaan agad ako ng tawag. Hayup talaga 'tong lalaking 'to. Miski bye, wala. Tinawagan ko nga ulit. Buti nalang sinagot niya agad.

"What?"

I giggled like a little kid. "Wala. Magba-bye lang ako. Bye!" sabay hang up.

Natawa tuloy si Manang Betchay sa akin. Mukhang naaliw ko yata. "Gusto kitang bata ka." Yieee.

Inubos ko muna ang pagkain ko bago ako bumalik sa kwarto para maligo at mag-ayos ng sarili. Ang hirap pala talaga nang napagdaanan ni Arthur. Iniwanan lang sa kanya ang anak niya. Ayan tuloy, silang dalawa lang ang magkaramay.

"Ba't 'di nalang kaya siya mag-asawa ulit?" Nagsasalita na naman ako ng mag-isa sa harapan ng salamin. Pinagmamasdan ko kasi ang sarili ko. I look cute naman sa sky blue dress ko.

As I made my final touch on my face, my phone rang again. Si Arthur na naman siguro. Baka pinagmamadali na ako. So, pumunta ako sa kama at kinuha ang phone. Walang tingin-tingin kong ini-swipe yung screen para sagutin.

"Oo na, papunta na ako, Arth-"

"Scarlett."

Nakagat ko ang dila ko pagkarinig sa boses sa kabilang linya. Boses babae. Malamang hindi si Arthur 'to. Pagtingin ko sa screen, si Sitti pala. "Sitti!"

"Saan ka pupunta ngayon?"

"W-wala naman. Lalabas lang."

"Ahh... Kamusta sa Singapore?"

Oh sh1t! Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, ang alam niya ay umalis na ako papuntang Singapore. Kahapon kasi dapat yung flight ko. Geez. Paano 'to? Baka magalit siya sa akin kapag nalaman niyang nag-back out ako. Paano yung effort niya?

"Scarlett?"

Lunok. "Ayos naman!"

"Pero sabi ni Juvy, wala ka pa rin daw. Saan ka ba talaga ngayon, Scarlett?"

Darnit! Oo nga pala. Of course she's gonna ask Juvy about me. Kay Juvy niya ako ni-refer e. Anong sasabihin ko? "Sitti, may ibang opportunity kasi akong nakita dito sa Singapore. Mas maganda ang sweldo."

"Aahh..."

"Sige, mauuna na ako ha?"

"Wait, Scarlett."

Naupo ako sa kama. Actually, kanina pa ako kinakabahan. Dapat na yata akong magpalit ng sim card. Baka mabuko ako eh. "Bakit, Sitti?"

"I just wanted you to know that Garrett is looking for you."

Naningkit ang mga mata ko. How dare he look for me after he did to me in our wedding? "Kapal ng mukha!"

She chuckled, "Pero 'wag kang mag-aalala. Rest-assured. Nasa Singapore ka naman, hanggang Maynila lang naman siya."



Rest-assured nga ba?

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 109K 36
[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilip...
4.5K 195 4
People who are meant to be together will always find their way back to each other. They may take detours in life, but they're never lost.
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...