You're Mine (Jailene)

By thekingsthrone

149K 4K 2.4K

"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino More

You're Mine (JaiLene)
Prologue
Chapter 1: Their life
Chapter 2: How I met him
Chapter 3: The Arrangement
Chapter 4: Whats mine
Chapter 5: Lalaban tayo
Chapter 6: Huli ka (Part 1)
Chapter 7: The one I'll marry (Part 2)
Chapter 8: Selda
Chapter 9: Let the love Begin
Chapter 10: What's mine: Take two!
Chapter 11: I'm sorry
Chapter 12: Team IGOP
(A/N: A must read authors' note!)
Chapter 13: Basketball
Chapter 14: With him
Chapter 15: Engagement
Chapter 16: Retreat
Chapter 17: Retreat 2
Chapter 18: Takot
Chapter 19: Realization
Chapter 20: Strawberries
Chapter 21: Tawa
Chapter 22: The Wedding
Chapter 23: Wedding 2
Chapter 24: Kiss
Chapter 25: His Voice
Chapter 26: Questions
Chapter 27: IGOP on the House
Chapter 28: Sharlene
Chapter 29: Confusion
Chapter 30: Blow the candles
Chapter 31: LAB-BAG
Chapter 32: Ulan
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: My behalf
Chapter 35: Tampuhan
Chapter 36: Royal Rumble
Chapter 37: Jairus
Chapter 38: Suporta
Chapter 39: Strawberry Cake
Chapter 40: Mais
Chapter 41: Damdamin
Chapter 42: Truth
Chapter 43: Lies
Chapter 44: Listen
Chapter 45: Yakap
Chapter 47: Secretary
Chapter 48: Taguan
Chapter 49: MMK
Chapter 50: Hospital
Chapter 51: Hospital 2 [Extended]
Chapter 52: You know you love her...
Chapter 53: Adrenaline Rush
Chapter 54: Condensed Milk
Chapter 55: New year..
Chapter 56: Bitin
Chapter 57: Intermediate
Chapter 58: Victor's Story
Chapter 59: Other Part
Chapter 60: Finale
Epilogue
To be Your Lady

Chapter 46: Bitter and Sweet

2.1K 69 52
By thekingsthrone

Sharlene's POV

Nakatulala lang ako habang pilit na tinutuon ang attensyon ko sa monitor. Hindi ko inakala na ganito pala kahirap ang magtrabaho lalong-lalo na pag pinagiinitan ka ng boss mo. Kahit wala sa linya ng trabaho ko ay kanyang pinapagawa, tambak-tambak ang trabahong kanyang binibigay. Hindi ko na alam kung alin sa naka pilang utos niya ang uunahin ko dahil gusto niya lahat ora mismo. Gusto ko mang mag over time pero gusto niyang sabay kami parati umuwi. Alam ko namang ginagawa niya ito para maging abala ako at hindi ko na maisip pa si Joaquin.

"Sharlene! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may meeting pala kami ngayon ni Mr. Morales?!" Biglang bungad sa akin ni Jairus sa harapan ng aking lamesa. Nakisilip ang mga emplyeyado mula sa kanya-kanya nilang mga lamesa. Hindi ko sila ma sisi dahil nasa labas lang din at kaharap sa kanila ang aking pwesto.

"Sir, binaggit ko ho sa inyo kanina habang—-"

"Binanggit? You're suppose to remind me! Not just mention it! Damn it! Alam mo ba kung anong ginawa mo? You just did an amazing job of pulling out one of our investors!"

"P-pero baka pwede ko pa pong pakiusapan."

"Are you even using your head?! Ano 'to? Tawad sa palengke? Why can't you do your job right?!"

"I'm sorry Sir."

"You're sorry. Again. Magaling ka lang naman tumulong sa iba pero hindi mo nagagawa ang pagtulong sa kompanya!" Iyon lamang ang kanyang sinabi bago nilisan na ang lamesa ko.

Humugot ako ng malalim na hininga at muling pinigilan ang luhang gusto nanamang mahulog. Hindi lang naman ito ang unang beses na pinahiya niya ako sa karamihan di ba? Bakit napaka sakit parin? Sa kada araw na lumilipas, para bang palayo na ng palayo ang presensya ni Jairus sa akin. Pagkatapos ng pagpapahiya ni Jairus hindi ko na tinitignan ang mga taong pilit sinisilip ang kumosyong ginawa ni Jairus. Pagganitong mga oras na pakiramdam kong malayo sa akin si Jairus na halos hindi ko na siya maabot, inaalala ko nalang ang bawat gabi na niyayakap niya ako patalikod dahil iyon lamang ang hindi nagbago sa kanya. Ito lang din ang pinanghahawakan ko na balang araw babalik din sa dati si Jairus.

Minsan nakakaramdam ako ng takot sa kanya pero nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata na tulad pa rin ng dati ang kanyang mga tingin sa akin. Hindi ko lang alam, hirap na hirap man ako, hindi ko siya kayang bitawan nalang.

Nangsumunod na araw, nagpa schedule ng meeting si Jairus sa isang Miss. Dela Paz na HR ng isang kompanya dahil may abirya daw sa gusaling pinapagawa nila na bahagi ng partnership ng kompanya. Galit na galit si Jairus na halos kainin na niya lahat ng mga taong nakakasalamuha sa opisina dahil sa problemang iyon, lalong-lalo na sa akin. Halos pitongpong purseynto ng galit niya ay naibuhos sa akin. Nilonok ko lahat ng pangiinsultong sinasabi niya dahil gusto kong masanay. Tinungo ko ang waiting area kung saan nandoon daw ang HR.

Nakangiting sinalubong ako ng isang babae. Hubog na hubog ang kanyang pangangatawan sa suot niyang dilaw na bistida. Litaw ang cleavage at kahit hindi man niya sinasadya para bang natural lang ang mapangakit niyang mga ngiti. Hindi ko maiwasang makadama ng insecurities habang tinitignan siya.

"Hi, I'm Emerald Dela Paz." Nakangiting bati sa niya sa akin. Inabot ko ang kanyang kamay nang makipagkamayan siya.

"I'm Sharlene—"

"You must be Mr. Aquino's secretary?" Pagpuputol niya sa akin.

"Yes, he's waiting for you in his office."

"Thanks." Naunang naglakad sa akin ang babae na parang alam niya kung saan tutungohin ang opisina ni Jairus. Pinagbuksan ko siya ng pintuan sa opisina ni Jai nakangiting pumasok si Miss Dela Paz, sinalubong naman siya ng matamis na ngiti ni Jairus. Naiwan ako sa may pintuan habang nakamasid sa pangyayari. Nakadama ako ng kaba sa aking nasaksihan. Hindi lang kaba kundi pagka inis na rin. Gusto kong mag mura sa aking isipan pero hindi ko alam kung ano, sino at paano ako magmumura.

"Sharlene," Nakangiting sabi ni Jairus na nagagaw ng aking attensyon. "You may leave."

"H-ha?"

"I said, you may leave." Paguulit ni Jairus.

"Okay, sir."

"Please close the door and don't let anyone disturb us."

Sa pagbitaw pa lang ng sinabi ni Jairus kusang nagunahan ang aking isipan sa maaaring gawin nilang dalawa sa loob ng kanyang opisina. Tumango ako bago tuluyang lumabas, gusto kong magdabog pero pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi ako makapagisip o makapagtrabaho ng tama habang nagiisip sa maaaring ginagawa nila.

Sharlene! Meeting lang yun, malamang nag uusap sila tungkol sa proyekto.

Pwede namang iba ang ginagawa nila sa loob, pero ano naman? Ang pag uusap ng tungkol sa abirya? O baka iba.

Halos isang oras ang meeting na iyon at sa loob ng isang oras lumilipad ang utak ko. Ang alam ko lang ay parang may kung anong tumutusok sa puso ko habang umiikot ang mga kamay ng relo.

Nabunutan ako ng tinik nang magbukas ang pintuan ng opisina ni Jairus. Naunang lumabas si Jairus na naka ngiti na at nakangiti rin ang babae. Nag kunwari akong abala sa aking ginagawa sa computer kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang e tapon sa kanila ang hawak kong mouse at keyboard.

"Thank you very much, Jai." Maylambing na sabi ng babae bago tuluyang naglakad palayo. Konting silip lang ang nagawa ko at nagpatuloy nalang sa aking trabaho. Hindi ko nilingon si Jairus na papasok na ng kanyang opsina.

Jai? Bakit Jai? 'san napunta ang 'Sir'?!

Ilang minuto matapos umalis ang babae, narinig kong nag beep ang voice call ko kaya agad koi tong pinindot. 'Halika muna dito.' Rinig kong sabi ni Jairus. Nagmadali akong pumasok ng kanyang opisina dala ang talaan ng schedules niya.

"Na email mo na ba ang Company XYZ?" Tanong niya. Nakayuko lang ako at hindi na nagabalang tignan siya.

"Opo, Sir."

"Eh yung meeting ko mamaya? Nakapa reserve ka na ba ng restaurant?" Muling tanong niya.

"Opo Sir, yung restaurant nalang ho ninyo sa Ortigas."

"May sasabihin ka ba?"

Naguguluhang tinignan ko saglit si Jairus, hindi ko alam pero gusto ko siyang sakalin sa inis. Gusto ko siyang murahin tulad ng ginagawa niya sa akin. Gusto ko siyang suntukin.

ANONG GINAGAWA NYO DITO SA LOOB NG OPISINA MO NG HALIPAROT NA BABAENG YUN?!

Gusto kong ipang sigawan ito!

"Wala po Sir." Ang tanging nasabi ko kasabay ng isang kalmadong boses. Sa rami ng salitang nag uunahan sa aking isipan ito lamang ang aking nasagot.

"Ahh, okay. Makakaalis ka na."

Tumango ako, akmang aalis na ako nang marinig kong mag salita siya.

"Nagseselos ka ba?" May ngiting pabiro pang nakaguhit sa kanyang mukha. "Well, don't be. We're just discussing about the problem pero na ayos din naman. Magaling nga siya eh."

Nainis ako sa huling sinabi niya dahil hindi ko alam kung saang parte siya magaling! Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko tinatanong! Pero aaminin kong nabunutan ako ng konting tinik sa sinabi niya. Kinalma ko ang sarili ko at tinignan siya ng deretso. "Hindi niyo naman ho kailangan mag paliwanag, naiintindihan ko po."

"Well that's good, kasi alam mo namang hindi ako mahilig mamangka sa dalawang ilog, di tulad mo."

Ito at ito din naman ang parati niyang pinapaalala sa akin. Ayoko nang makipagtalo dahil kung tutuusin dapat ako ang mainis sa ginawa niya.

"Hindi naman, may tiwala naman ako sa 'yo." Ngumiti ako sa kanya at tuluyan nang umalis nang hindi man lang siya nililingon. Pagkasara ko ng pinto, gusto kong maiyak dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga oras na 'to. Hindi ko naman siya masisisi dahil nasaktan din siya sa aking nagawa.

Umuwi kami, tulad ng mga nakalipas na araw, tahimik parin at walang nagsasalita. Unti-unti na din akong nasasanay sa katahimikan namin ni Jairus sa sasakyan niya man o sa bahay. Nauna na akong pumasok sa bahay deretso patungong kwarto dahil sa pagod ko ngayong araw. Masikip parin ang dibdib ko sa nangyari pero hinayaan ko nalang muna. Tinanggal ko muna ang suot kong sapatos bago pumasok sa loob ng dressing room para makapagpalit na. Nasa tapat na ako ng cabinet upang makakuha ng damit nang makaramdam ako ng isang mainit na hininga sa aking batok at mga brasong pumulupot sa aking bewang.

"Jairus—"                                     

Natigilan ako nang maramdaman ko ang labi niya sa likod ng tenga ko, pababa patungong leeg. Mahinang hinarap niya ako sa kanya, nakita ko agaad sa kanyang mga mata ang Jairus na kinalimutan na niya. Lumapit ang mukha niya sa akin, nawala ko sa aking sarili nang salubongin ko ang kanyang halik. Napahawak ako sa kanyang balikat habang sinisiil naman ang isa't-isa ang isang halik na parang ayaw nang matapos pa. Naramdaman kong naglakbay ang kamay ni Jairus sa aking bewang pababa, sa loob-loob ko gusto kong mag protesta sa kanyang ginagawa pero pinilit kong hindi na isipin pa habang tinutugunan ang bawat liko ng halik niya. Naputol ang halik nang dahan-dahang bumaba ang halik niya sa aking baba, patungong aking leeg.

Jairus' POV

Kating-kati akong hawakan si Sharlene tulad ng ginawa ko ngayon. I've been through a lot these days and she doesn't know how much I wanted to say sorry pero sadyang ma pride akong tao kaya hindi ko kayang masabuhay iyon. Paulit-ulit ding naglalaro sa aking isipan ang sa kanila ni Joaquin kahit na nagkikita pa kami araw-araw. Hindi niya lang alam kung paano ko siya silipin  mula sa aking lamesa sa kada oras na lumilipas. Biglang nagamit ko kanina ang babaeng representative ng HR dahil sa gusto kong makuha ang attensyon niyang alam kong nawawala na dahil sa tambak ng tabaho.

Instead of making her realize what's it like to be jealous, I was the one who was made to realize that I wasn't the one who trusted her. Na may tiwala siya sa akin kaysa sa sarili ko.

Partly I was pissed off of how easily she could manipulate the moment when I thought I am winning but I was happy to hear from her that she trusted me. Ngayon, hindi ko na mapigilan ang sarili kong maparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya sa aking narinig kanina. Ilang gabi ko ring inasam na mahalikan ko siya at ilang pagkakataon sa opisina na napapasilip ako sa kanyang batok at ngayon hinahalikan ko na.

I wanted to control myself but I was already heating up. My kiss went down to her collar bone and I felt her hand onto my hair. She's taking deep breaths, I too wanted to but was too afraid to end this. Her scent makes me dizzy, I couldn't barely remember my name.

Inabot ko ang botones ng kanyang blouse, natanggal ko na ang unang botones pero narinig kong magsalita siya. Hindi ko na siya marinig dahil para akong nalalasing sa bawat ginagawa ko.

"Jairus, stop."

And I was back to my senses. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata na puno ng pag susumamong e tuloy ang nasimulan pero ang tingin niya lamang ang nagsasabing hindi pa siya handa.

"Okay! okay." I tossed up myself and untouched her.

Lumabas agad ako ng dressing room at pabagsak na sinarado ang pintuan na hindi niya madalas sinasarado. Alam kong hindi pa siya handang gawin ang bagay na yun sa akin kaso kung iisipin mong mabuti ang dahilan, dahil yun ay hindi niya ako mahal at sa malamang mahal niya si Joaquin, yun ang kinaiinisan ko.

Natutulog parin kami sa iisang kama, hindi niya lang alam kung anong hirap ang nilalabanan ko para hindi siya hawakan o nagagawa man lang ang mga bagay na malaya kong nagagawa noon. Bakit ko nga ba 'to ginagawa sa kanya? Siguro galit nga ako dahil alam kong hindi niya ako kayang mahalin lalo na pag nanadyan si Joaquin. Natatakot din ako dahil baka isang araw ay iwanan niya ako nang hindi man lang ako nakakagawa ng hakbang para manatili siya. Ngunit may isang maliit na boses sa akin na nagsasabing ginagawa ko siguro ito para mapagtanto niyang ako na ang mahal niya, kasi nararamdaman ko naman. Matagal na, hindi niya lang maamin sa kanyang sarili. Kung mali man ang paraan ko, hindi ko na alam, ang alam ko lang ay bahagi ng pagkatao ko ang pinapakita ko sa kanya sa opisina at ang nangyayari sa akin ngayon. Kung mamahalin niya man ako, sana man lang siguradohin niyang mamahalin niya ako ng buong-buo.

Narinig kong sumirado ang pintuan ng banyo sa kwarto namin kaya agad akong nag tulog-tulogan. Ang paggalaw ng kutson sa kama ang nag sasabihing humiga na siya sa aking tabi. Nakatalikod siya ng higa sa akin tulad ng dati, hindi ko inakala na babalik ako sa palihim kong pagyayakap sa kanya. Minsan gusto ko nang sumuko, gusto ko nalang tanggapin na dalawa kami ni Joaquin sa buhay niya, na ayos lang sa akin'g tulungan niya si Joaquin habang wala ako. Pero pilit kong tinatataggan ang aking sarili dahil para na rin akong sumuko sa laban. Ipaglalaban ko si Sharlene kahit na anong mangyari. I always win. Umusod ako papalapit sa kanya mga ilang minutong nakalipas, doon ko na siya niyakap patalikod. Hinayaan ko ang sarili kong halikan ang likod ng kanyang balikat at natulog na ganoon na lamang ang aming posisiyon.

—————————

Palihim kong sinilip ang aking relo habang naghihintay kami ni Sharlene sa restaurant namin sa ortigas. Gusto daw makipagkita ni Dad sa akin ngayon. Kahit sa ordinaryong meetings o investments ay sinasama ko si Sharlene, ito ang dahilan kung bakit Secretarya ang binigay ko sa kanya na posisiyon dahil kaya ko siyang e sama-sama kahit saan ako magpunta na wala siyang reklamo parte rin ng dahilan ko ay nababagabag ako na baka kung bigyan ko siya ng pagkataon, makipagkita nanaman siya kay Joaquin. Ayoko mangyari yun.

"Sir, nandyan na ho ang Dad nyo." Mahinang saad sa akin ni Sharlene. Nakita kong naglakad sa pwesto namin si Dad na mukhang gulat sa kanyang reaskyon.

"Sharlene! I wasn't expecting that you'll be here!" Bungad sa amin ni Dad nang makalapit siya, yumuko siya upang bumeso kay Sharlene at sinalubong naman niya ito. "Nagtatrabaho ka na din sa kompanya?"

"Opo Sir." Mahinang sagot ni Sharlene.                                                 

"Sir? Nung una Tito ngayon Sir nanaman? You know what, you should practice calling me 'Dad'." Nakaniting sabi ng aking ama sa kanya.

"Sorry po."

"So ano? Mag uusap lang tayo dito?" Pilisopong sabi ko habang tinitignan ang aking ama.

"Ang high blood mo kahit kailan Anak, di ba pwedeng mag usap-usap muna tayo bago ang pormalan? Ang tagal na nating hind nagkikita-kita! So, ano na? May improvements na ba?" Paguusisa pa niya. Alam ko ang takbo ng isipan ng ama ko kaya hindi na ako nagulat.

"Wala." Deretso kong sagot dahil totoo naman. The situation couldn't be worst.

"Really? You mean wala pang laman ang tyan ni Shar? Ang buong akala namin ay may nangyari na sa inyong dalawa nung reunion after you kissed your wife in front of the crowd! Goodness Jairus ang weak mo!"

"Pinagsasabi mo dyan?!" Magkahalong hiya at kaba na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na tinangkang tignan si Sharlene dahil alam kong namumula din 'tong labanos na 'to! "Alam nyo? Kung wala kayong matinong sasabihin, mas mabuti pang aalis na kami ang dami pa naming naiwang trabaho sa kompanya."

"Oh! High blood ka nanaman, gusto ko lang malaman kung kailan nyo ako mabibigyan ng apo. For God sake! I'm getting old baka hindi ko na maabutan pa ang apo ko niyan." Dumako ang tingin niya kay Sharlene na kanina pa walang imik sa usapan. "Shar? Kailan ba ang plano nyo ni Jairus?"

For some reasons I got a little bit nervous on her answer. Hindi ko siya tinignan, this time it's all her's at hindi ko siya madidiktahan, not in front of my father. Lunok ng laway lang ang nagagawa ko habang naghihintay ng kanyang sagot.

"Ano kasi, hindi pa po kasi ako handa para dyan." I was disappointed, truly I am. "B-but I'm working on it. Dapat ho kasi pinagpla-planohan niyan." Ang huli niyang sinabi.

Hindi ko alam pero natagpuan ko ang sarili kong palihim na nakangiti and then I added. "What she meant is that we're working on it."

"Really? That's good! Good! Basta dapat ako ang unang sasabihan nyo kapag may nabuo na ha?" A naughty smile flashed on my father's face. Sa wakas ay nagawa kong silipin si Sharlene na tila nabuntan ng tinik sa pagtatapos ng usapan. Hindi niya alam kung paano tumakbo ang isipan ni Dad, at ang takbo ng isipan ko sa aking sagot.

"Oo naman, gusto nyo pa ipagsigawan ko." I kidded. Natawa nalang ang ama ko. Tawang hindi niya alam na hindi maganda ang sitwasyon namin ngayon mag-asawa.

"Oo na, excited na ako! Nga pala, the reason why I asked you for a meeting ay dahil may interesadong mag invest sa kompanya natin. Kilala ang kompanya nila sa Canada maybe ang pamilya nila ang isa sa pinakamalagong negosyo sa labas ng bansa."

"Hindi na ako magtatanong kung bakit interesado sila, obviously malaki ang kompanya natin." Saad ko.

"But still, dalawang apliyedo ang naglalaro sa katanyagan pagdating sa negosyo dito sa Asia and it's the Aquino and San Pedro, no offense Sharlene, pero nagtataka ako kung bakit tayo ang napili nila."

"Just leave it Dad, choice nila yun."                                                                                                                                       

"No, natatandaan mo ba ang sabi ko sa 'yo noon son di ba? Business is like a game of poker, you should be sure first on the people whom you'll be playing with, because they may trick you with a thousand pounds of gold leaving you with nothing." Pagpapaalala ni Dad.

"So, anong gusto mong gawin ko?"

"You see, this is the biggest fish in the sea! That's why I want you to know them well, and make sure that they will invest. Tandaan mo, ineresado lang hindi siguradong mag iinvest. Pagnagawa mo ito, I'll formally announce na sa'yo na ang kompanya."

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Ganito ba talaga ka bigatin ang investor na iyon? But I know Dad is just testing my capabilities. I can win that investor, surely I will.

"Baka gusto mong e advance ang pagaanonce sa pagbibigay sa akin ng kompanya Dad."

Humalak-hak lamang ang aking ama sa aking sinabi. "Yan, ang gusto ko sa 'yo son!"

"I know, I'm good at everything."

 "They'll come over tomorrow be sure to prepare the conference room." Sabay tayo ni Dad. "So pano? Aalis na ako? May flight pa ako papuntang New York, I'll see you around." Muli ay bumeso siya kay Sharlene at umalis na.

"Narinig mo yun Sharlene? Magiging akin na daw ang kompanya!" Masayang sabi ko kay Sharlene. Tila nagulat naman siya kaya bigla akong nahimasmasan. "Prepare the conference room for tomorrow." Seryoso kong sabi.

Sharlene's POV

Habang hinahanda ko ang conference room, naalala ko nanaman ang meeting namin kahapon kasama ang ama ni Jairus. Hindi ko inakala na ganito pala kung maglaro ang mag-ama pag negosyo na ang pinaguusapan. Halatang interesadong-interesado si Jairus at ganun na lamang ang kanyang saya nang marinig na ipapamana sa kanya ang kompanya pag nakuha niya ang investor na iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na masaya ako dahil sa sinabi ng kanyang ama ngunit hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong masabi ito. Sumaggi sa isipan ko ang binanggit ng ama ni Jairus na gusto na daw niyang magkaanak kami, sympre nahiya ako at nalungkot din nang sabihin niyang baka hindi na niya maabutan ang kanyang magiging apo. Sa dami ng naglalaro sa aking isipan hindi nawala ang nangyari sa  pagitan namin ni Jairus nung isang araw. Hindi pa ako handang gawin ang bagay na yun dahil gusto ko pang maging sigurado. At himala dahil hindi niya ako napagalitan kahapon.

"Ah, Kuya, maiwan ko muna kayo ha? Kailangan ko pa pong e handa ang snacks ng mga investors." Hinging pahintulot ko kay Kuya'ng nagaayos ng LCD projector. Hindi siya sumagot dahil mukhang abala pa siya kaya iniwan ko nalang muna.

Tinungo ko ang front desk sa floor namin para abangan ang inoder kong cake. Ang sabi kasi nila isang oras lang eh dadating na daw ang order namin pero hanggang ngayon hindi pa dumadating. Sigurado akong papagalitan ako ni Jairus nito pag wala kaming maipakain sa investors.

Hindi ako mapakali sa pagtingin sa relo ko habang nagaabang sa elevator. Sa kada may pumasok sa elevator napapasilip ako kung dumating ang delivery. At sa ika tatlong pagtunog ng pagbukas ng elevator nabigla ako sa lumabas mula doon.

Agad niya akong nahagip sa kanyang mga mata na siyang nagpabilis ng kabog ng puso ko sa kaba. Nanatiling nakatingin lamang ako sa kanya habang palapit siya ng palapit sa akin.

"Wala ba akong yakap mula sa aking kababata?"

Wala akong naimik kahit na magsalita pa siya. Ang buong akala ko ay ang pamamaalam namin ng patago ang huli naming pagkikita na mahigit limang taon na ang nakakalipas. Ngumiti siya, ang ngiting matagal ko nang hindi nasisilayan. Hindi nakikita ang ngipin niya pag ngumingiti siya ngunit mapagbiro kung tignan. Hindi niya ako hinintay para magsalita at siya na mismo ang yumakap sa akin ng mahigpit. Yakap na wala ka nang kawala kundi sa mga bisig niyang nakapulupot sa buo mong katawan.

"Na miss kita ng sobra." Rinig kong sabi niya.

"Miss na miss din kita, Nash."

Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
3.2K 79 34
Kohler Delatejera, known for being successful and a great chef. Being the heir of an underground organization gives him a lot of advantage and is one...
196K 8.2K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
11.2K 657 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...