Assassin Series 7: Atticus Ro...

Від xxriegozzxx

1M 26.2K 3.1K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... Більше

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 26

21.8K 622 52
Від xxriegozzxx

LUMIPAS ANG TATLONG TAON mahigit, lumalaki narin ang anak kong si Xanth. May pagka masungit ang mukha nito na namana niya kay Atticus.

Sa edad niyang four years old ay mahilig si Xanth magkalikot ng laptop. Naalala ko pa ng palitan ko ng password ang laptop ko dahil panay bukas siya n'on para manood. Nong binuksan ko na ang laptop ko ay nakalimutan ko kung anong inilagay kung password.
Halos pinagtawanan ako ng anak ko dahil hindi ko talaga maalala kung anong inilagay ko.

Ipapaayos ko na nga sana nong araw na yun pero pinigilan ako ni Xanth. Kinalikot niya ang laptop ko at laking gulat ko ng mabuksan niya 'to. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko, hindi ko naman kasi nakita si Atticus na magaling pagdating sa laptop.

Wala akong pasok ngayong araw kaya nandito lang ako sa bahay. Nagpa day off si ate Minerva ngayon dahil balak niyang bisitahin ang mga anak niya. Pinayagan ko naman dahil matagal-tagal narin na hindi siya nakakapag day off. Siya kasi yung umaayaw kapag pinag o-off ko siya, sayang daw kasi.

Isinalang ko ang damit naming mag-ina sa washing saka ako mag luluto ng almusal namin ng anak ko. Tulog pa naman siya kaya walang maingay sa bahay. Maingay ang anak ko dito sa bahay, pero kapag nasa public place kami ay laging naka simangot. Ayaw na ayaw niyang makipag laro sa mga kapwa ka edad niya dahil bored daw silang kalaro.

Pinipilit kong itaguyod ang anak ko kahit pa nga minsan ay nagtatampo siya sakin lalo na kapag nag tatanong siya tungkol sa papa niya. Iba kung mag-isip si Xanth, alam na niya ang nangyayari sa paligid niya, minsan ay may pagka matanda mag-isip si Xanth. Kaya nga lagi ko siyang pinipilit makipag laro sa mga bata pero talagang ayaw niya, mas gusto pa niyang mag basa ng libro o di kaya ay magkalikot sa laptop ko.

Hindi ko kasi masabi sakanya ang tungkol sa ama niya. Ang alam lang ng anak ko ay ang pangalan ni Atticus. Pinakita ko din sakanya ang picture ng ama niya na nasa wallet ko para naman makilala niya 'to. Alam ko kasing hindi na sila magkikita ng ama niya lalo na't may sarili na 'tong pamilya.

Lagi niya akong tinatanong kung nasaan daw ang papa niya at bakit hindi daw namin 'to kasama. Sinasabi ko nalang kay Xanth na nasa malayong lugar ang ama niya. Pero, makulit ang anak ko kaya tinatanong niya sakin kung kailan daw babalik ang ama niya.

Wala na akong balita kay Atticus, malamang ay nanganak na ang asawa niya. Bigla ko tuloy naalala ang asawa ni Atticus. Mabuti nalang talaga at hindi ako na aksidente habang pauwi nang araw na yun dahil panay ang iyak ko. Wala akong ginawa kundi sisihin ang sarili ko sa mga nangyari. Kasalanan ko naman lahat kaya hindi ko masisi si Atticus na mag mahal ng iba.

Matagal bago ako naka pag move on. Nabinat pa ako dahil panay ang iyak ko at lagi akong nalilipasan ng gutom.

Pinagalitan ako ni Daphne dahil pumayat ako ng sobra. Biglang bumagsak ang katawan ko dahil siguro sa binat. Muntik pa akong isugod sa hospital ni Daphne dahil nahirapan na akong huminga. Hindi biro ang pinagdaanan ko para makalimutan lang si Atticus. Wala naman akong galit na nararamdaman para kay Atticus.

Hiniling ko nalang sa Panginoon na sana.. maging masaya siya sa piling ng babaeng mahal niya. Hindi ako deserve ni Attticus kaya sana.. ang babaeng pumalit sakin ay mamahalin siya at aalagaan. Hindi ko nagawa yun kay Atticus dahil masyadong maikli lang ang relasyon namin. Sigurado ako, masaya na siya ngayon sa piling mg mahal niya. Kaya magiging masaya narin ako, kahit kami lang dalawa ng anak ko.

Inayos ko na muna ang pagkain na niluto ko sa lamesa habang hinihintay kong magising si Xanth. Nang maiayos ko ay naglakad ako papunta sa kwarto namin para silipin ang anak ko. Baka kasi kanina pa siya gising at kinakalikot na naman ang laptop ko.

Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya sa laptop ko. Kapag sumisilip ako ay agad niyang sinasara ang laptop kaya hindi ko tuloy makita. Nagtataka nga ako dahil wala namang games sa laptop ko.

Pinihit ko ang siradura saka ko binuksan ang pintuan. Napabuga nalang ako ng hangin dahil tama nga ang nasa isip ko. Naka harap na naman kasi 'to sa laptop habang naka suot ng anti radiation glass na niregalo ng ninang Daphne niya.

"Sabi ko na nga ba gising kana eh," saad ko habang nakatayo parin sa naka bukas na pintuan.

"Good morning, mama." bati niya sakin saka may pinindot ulit sa laptop ko saka niya 'to isinara.

Hindi ko talaga alam kung four years old ba 'tong anak ko o ten years old na, masyadong advance ang isip eh. Nakita ko pa yan siya na gumagawa ng code, baka IT ang kunin nito paglaki.

Lumapit ako sa kama saka ko kinarga ang anak ko. Yumakap naman siya sa leeg ko kaya pinupog ko ng halik ang pisngi niya.

"Kanina pa naka luto ng breakfast si mama. Let's eat na!" saad ko habang naglalakad palabas ng kwarto.

"Mama, I want mango juice po," sabi ng anak ko ng mailapag ko siya sa upuan.

Tumango lang ako saka ko siya ginawan ng juice. Minsan lang talaga kami kumakain ng sabay ni Xanth, maaga kasi ako umaalis sa bahay para mag patrolya. Kaya laging si ate Minerva ang kasabay niyang kumain. Bumabawi naman ako kay Xanth kapag day off ko. Hindi ako nag ce-cellphone kapag nandito ako sa bahay para masulit ko naman ang oras naming dalawa.

Inilapag ko ang basong may lamang juice sa gilid ng lamesa kaya ngumiti sakin ang anak ko. "Thank you po, mama." pasasalamat niya kaya hinalikan ko 'to sa tuktok ng ulo niya.

"Welcome, anak. Kain ka ng madami," saad ko saka umupo sa bakanteng upuan na katabi niya. Inaagaw ko pa ang kutsara na hawak niya dahil gusto ko siyang subuan. Namiss ko na kasi nong baby palang siya na ako ang nagpapakain sakanya, pero ngayon.. ayaw niya ng pumayag dahil malaki na daw siya.

Nang matapos kaming kumain ni Xanth ay pina-upo ko lang siya sa upuan habang nag huhugas ako ng plato.

"Mama, let's watch movies po," saad niya sakin.

"Sure. Pero, later na anak, magsasampay pa kasi si mama." saad ko.

"Okay po mama," sagot niya sakin.

Nang matapos ako ay agad kong tinignan ang washing kung tapos na ba ang sinalang ko. Gusto ko din kasing maglinis dahil dadaan si Daphne mamaya.

Pilit niya akong pinapasama sakanya sa Manila dahil mag ge-gender reveal na daw siya. Buntis na kasi 'to ngayon kaya hindi ko tuloy magawang humindi.

Nang matapos akong maglaba ay naglinis ako agad sa sala. Pinaliguan ko narin si Xanth saka binihisan. Naligo narin ako habang ang anak ko ay pinanood ko muna sa tv. Nagmamadali akong nag buhos ng tubig gamit ang tabo at baka biglang dumating si Daphne.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo para makapag bihis na. Nag suot lang ako ng mom jeans na tenernuhan ko ng simpleng blouse. Nasa kwarto ako habang nag susuklay sa mahaba kong buhok ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong buntis.

Lumabas ako sa kwarto at nakita ang kaibigan ko na pinipisil na naman ang pisngi ng anak ko. "Hoy! Tama na yan!" sita ko sakanya dahil naka nguso na ang anak ko.

"Ang cute mo talaga, inaanak." nang gigil niyang sabi kay Xanth.

"Ano alis na tayo?" tanong ko habang inaayos ang bag na dadalhin ko. Kung dati ang laman ng bag ko ay mga make up, perfume, lipstick, at kung ano pang anik-anik ko nong wala pa akong anak. Pero ngayon.. damit ng anak ko, towel, tubig, pulbo niya at kung ano-ano pa.

"Tara na!" saad ni Daphne saka hinawakan ang kamay ni Xanth.

Tinignan ko muna ang bahay para icheck kung wala na ba akong nakalimutan. Lumabas narin ako ng bahay saka inilock ang pinto.

Hindi na ako magdadala ng kotse dahil kasama naman ni Daphne ang asawa niya. Ihahatid nalang daw nila ako mamaya dahil dederitso din naman sila sa ka mag-anak ni Angelo.

Sumakay ako sa backseat habang si Daphne naman ay nasa passenger seat. Ang anak ko naman na nasa tabi ko ay kinuha na naman ang cellphone ko dahil maglalaro daw siya.

Hinayaan ko nalang para hindi siya ma boring sa byahe namin.

Habang nasa byahe ay wala kaming ginawa ni Daphne kundi mag tsismisan. Pati ang asawa niyang si Angelo ay natatawa nalang dahil sa mga topic namin. Tinatanong kasi ni Daphne kung pano daw ang tamang pag-ire.

Natatawa nalang ako sa mga tanong niya habang nakikisali sa usapan namin si Angelo. Bigla kong naalala nong panahon na pinag bubuntis ko si Xanth. Lagi akong mag-isang pumunta sa check-up, wala akong kasamang bumili ng cravings ko, walang humihilot sa paa ko kapag bigla akong pinulikat sa madaling araw at mas lalong wala akong kasamang asawa nong pinanganak ko si Xanth.

Medyo malayo pa ang byahe namin pero 'tong si Xanth ay inaantok na. Kaya pinahiga ko nalang siya habang ang ulo niya ang naka unan sa binti ko. Mahina kong hinahaplos ang buhok ng anak ko hanggang sa tuluyan na 'tong naka tulog.

Tinakluban ko ang isang teynga ni Xanth para hindi siya maingayan sa boses ng ninang Daphne niya.

Palapit kami ng palapit sa Makati kung saan nakatira sila Daphne. Huminto ang sasakyan namin dahil nag red signal.

Tinignan ko nalang muna ang anak ko na mahimbing na natutulog.

"Policewoman.." tawag sakin ni Daphne.

"Hmm.." sagot ko habang sinusuklayan parin ang buhok ng anak ko gamit ang daliri ko.

"Hindi ba.. si Atticus yun," saad ni Daphne na ikina-angat ng ulo ko.

"Ayon oh! Nasa harap ng resturant," saad ni Daphne habang tinuturo ang restaurant. Napasunod ang tingin ko at nakita ang lalaking matagal ko ng hindi nakikita.

Naka side view 'to sa gawi namin pero alam kung si Atticus yun. May katabi 'tong babae na hindi ko makita ang mukha dahil natatakluban ni Atticus ang babae. Parang nag-uusap silang dalawa kaya nakatingin si Atticus sa gawi ng babae.

"Ayos ka lang ba, policewoman?" tanong sakin ni Daphne na halatang nag-aalala sakin.

Tumikhim muna ako para mawala ang naka bara sa lalamonan ko. Alam kong maiiyak ako kapag sinagot ko ang tanong ng kaibigan ko. Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya saka yumuko para pagmasdan ang anak ko.

Kahit hindi ko makita ang mukha ng babae alam kung siya yung nakita ko dati sa bahay ni Atticus.

Mabuti naman at masaya na siya sa buhay niya. Yun naman talaga ang pinagdarasal ko.

Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Nagulat ako ng bumukas ang mata ng anak ko saka niya ako tinitigan. "Don't cry, mama." saad ng anak ko saka niya inabot ang pisngi ko at pinunasan 'yon.

Hindi ko man lang namalayan na pumatak na pala ang luha ko. "Ayaw kong makita kang umiiyak mama," saad ng anak ko kaya mas lalo akong naiyak.

Pinunasan ko ang pisngi ko saka ako ngumiti sa anak ko. "Tears of joy yun anak," saad ko habang pilit na ngumingiti sa anak ko.

Bumangon si Xanth sa pagkakahiga saka yumakap sakin. "Stop lying, mama. Alam kong umiiyak ka dahil kay papa," sabi ng anak ko sa malungkot na boses.

Hindi nalang ako sumagot saka ko niyakap si Xanth ng mahigpit. Akala ko naka move on naku kay Atticus, hindi pa pala.



A/N: Mag u-ud nako dahil tulog na kayo Hahahha😂🤣

Продовжити читання

Вам також сподобається

126K 4K 42
||⚠️Matured Content|| [✅Complete] Sa pagkalaya nila sa underground ni Rodjan dito masusubok muli ang katatagan nilang magkakaibigan. Alam nilang wala...
11.8M 60.2K 14
Attractions lead them in One Night together ❤
902K 20.9K 35
[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous o...
1.5M 33K 32
||R-18🔞|| [✅Complete] {Major Editing Soon} Wicked Billionaire Series 1: Kaede Verzabal Kaede Verzabal is the most evil man in the business world. A...