Chapter 27

26K 729 128
                                    

NAGLALAKAD AKO SA tagong lugar saka ako umupo sa damuhan. Tumingala ako sa kalangitan habang hindi pa dumarating ang hinihintay ko.

Nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko kaya agad ko 'tong kinuha saka ko tinignan ang caller. Kumunot ang nuo ko ng makita ko ang pangalan ni Lucifier. Sinagot ko ang tawag niya saka ko 'to itinapat sa kaliwang teynga ko.

"Nasaan kaba? Ikaw nalang kulang dito na demonyo ka!" saad ni Lucifier ng masagot ko ang tawag niya.

"Pass na muna ako gago," sagot ko sakanya.

"Passin ko mukha mo eh," sabi niya sa kabilang linya.

"Oh.. Eros, sopas, para sa mga iniwan ng so fast," dinig kong sabi ni Salem sa kabilang linya.

"Tarantado!" sagot naman ni Eros kaya napa-iling nalang ako. May pa feeding program kasi si Caleb sa mga batang palaboy kaya nandoon lahat ng mga kaibigan namin para suportahan siya.

"Sige na! Pakisabi nalang kay Caleb na pasensya na kung hindi ako naka punta," saad ko kay Lucifier saka ko pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil kukulitin niya lang ako para sumunod sakanila.

Marami naman na sila don kaya hindi na nila kailangan ang tulong ko.

Pumunta ako agad dito ng makatanggap ako ng death threat mula sa kinakatakutan ko. Kung dati ay wala akong kinakatakutan pero ngayon meron na. Natatawa nalang ako kapag naalala ko ang chat niya sakin.

Sumandal ako sa malaking puno habang naka upo parin sa damuhan. Maganda ang panahon ngayon dahil hindi masyadong mainit.

Matyaga kong hinintay ang ka meet up ko hanggang sa may natanaw akong naglalakad papunta sa pwesto ko. Naka ngiti akong pinagmamasdan siya habang palapit ng palapit 'to sakin.

Nang makalapit siya sakin ay mas lalo akong napa-ngiti. "How are you, kiddo?" tanong ko sakanya.

"I hate you, papa. Dapat po talaga suntokin kita dahil pinaiyak mo si mama ko," galit niyang sabi sakin na ikina-kunot ng nuo ko.

"Huh? Umiyak si mama mo?" tanong ko. Bigla akong sinapak ng anak ko gamit ang cute niyang kamao na tumama sa pisngi ko.

"Para po yan sa pag-iyak ni mama kahapon, papa." naka nguso niyang sabi sakin.

"What the!! Manang-mana ka talaga sa mama mo. Mahilig manapak!" naka ngisi kong sabi sa anak kong si Xanth.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ko 'to mahinang hinila para kandungin.

"Bakit umiyak si mama mo?" tanong ko sa anak ko habang inaayos ang buhok niya na nililipad ng hangin.

"Kasi po.. nakita ka ni mama kahapon na may kasamang babae. Sino po yun papa?" tanong sakin ni Xanth na talagang nilingon pa talaga ako.

"Babae?" tanong ko naman dahil wala akong maalalang babae na kasama ko. Pwera nalang sa asawa ni Isaac kahapon, pero kasama naman ni Irish si Isaac kaya hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng anak ko.

"Wala naman akong kasamang babae kahapon, anak." depensa ko kaya siniko ako ng anak ko sa dibdib. Natatawa nalang talaga ako kapag pinag tatanggol niya ang mama niya kahit wala naman akong ginagawa.

Nong araw na hindi ako naka balik sa apartment ni August ay nasa Italy ko. Inasekaso ko ang negosyo namin don ni Caiden. Dapat sana si Caiden ang pupunta don pero nalaman ko mula kay Lord na nagtatago daw 'to kasama ang asawa niya. Doon ko lang din nalaman na may asawa na pala ang gago.

Kung hindi ko pa sinuhulan ng marie biscuit si Lord ay hindi pa niya sana sasabihin sakin ang nalalaman niya. Mabuti nalang at madali lang utuin ang lalaking yun, marie biscuit lang sapat na.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now