Chapter 24

21.2K 588 33
                                    

LUMIPAS ANG MGA buwan, palaki din ng palaki ang tyan ko. Medyo nahihirapan din ako dahil nagigising ako sa madaling araw dahil sa mga cravings ko.

Hindi na muna ako bumalik sa duty lalo na't nahihilo ako kahit kunting galaw ko lang. Hindi naman ako nahirapan nong three months ang tyan ko pero nong pumasok na ako sa second trimester ay doon ko na naramdaman ang pag susuka, hilo, at tamad kumilos.

Ang hirap pala talagang mag buntis lalo na kung ikaw lang mag-isa.

Saktong five months na ang tyan ko kaya medyo malaki narin, excited na akong lumabas ang baby ko na wala ng ginawa kundi umalon sa loob ng tyan ko.

Nandito ako sa sala naka upo habang kumakain ng mangga. Mabuti nalang at may nag lako kanina kaya naka bili ako. Nong isang gabi pa kasi ako nag cra-crave ng mangga pero dahil masyadong gabi na, hindi na ako lumabas ng bahay kaya ayon.. sumakit tyan ko. Siguro dahil, hindi ko nakain ang gusto kong pagkain.

Every month din ako nagpapa check-up sa obgyne ko. Lagi kong sinusunod ang mga payo nila maliban sa pagkain ng matamis. Hindi ko mapigilan talaga lalo na't hinahanap talaga ng bibig ko. Kaya nga siguro medyo lumaki ako, manas din ang paa ko kaya tina-try kong iwasan ang pagkain na bawal sakin.

Wala na akong balita kay Atticus, nag bago narin ako ng phone number na tanging mga ka trabaho at ang kaibigan kong si Daphne ang nakaka alam ng number ko. Sinabi ko narin sa kaibigan ko na buntis ako kaya gulat na gulat siya. Wala naman daw akong kwenento sakanya na may boyfriend ako kaya paano daw ako na buntis.

Pinuntahan niya ako dito kahapon kaya sobrang tuwang-tuwa ako. Dito ko narin siya pinatulog para naman makasama ko siya dahil matagal-tagal narin kaming hindi nag bo-bonding.

Lumipas ang mga buwan palapit ng palapit ang kabuwanan ko. Napagalitan ako ng obgyne ko kanina dahil ang laki daw ni baby at baka mahirapan daw ako manganak. Hindi ko kasi mapigilan ang pag inum ng softdrinks, matatamis at kanin.

Kaya heto ako, kumakain ng gulay para naman hindi masyadong lumaki ang baby ko. Natatakot pa naman ako habang na nonood sa youtube kung pano ang tamang pag-ire. Sana lang talaga ay mailabas ko ang anak ko at wag akong pahirapan sa pag labor. Naiisip ko palang ay natatakot na ako.

Minsan nga ay inaagahan ko ang pag punta sa obgyne ko. Ayaw ko kasing may nakakasabay magpa check-up, ako lang kasi ang walang kasama. Lahat ng mga nakakasabay kong nagpapa check-up ay kasama ang mga mister nila, pero ako.. wala. Kaya inaagahan ko nalang. 

Lumipas ang ilang araw at panay narin ang sakit ng tyan ko. Pumunta din dito si Daphne sa bahay ko para samahan ako. Nag leave muna siya ng one week para lang samahan ako dahil baka manganak daw ako bigla.

"Ano policewoman.. kaya mo pa ba ang sakit?" tanong niya sakin.

Naka ngiwi akong tumingin sakanya habang palakad-lakad sa sala. "Medyo kaya pa naman Katakutan," saad ko kaya inirapan niya ako. Ayaw na ayaw niya talaga na tinatawag siya sa apelyedo niya.

"Parang ayaw ko na tuloy mag-asawa para hindi ako manganak. Sa mukha mo palang kasi ngayon ay halatang masakit manganak," saad ng kaibigan ko.

"Tigilan mo nga ako, baka sa susunod na araw malalaman ko nalang din na buntis ka," saad ko dahil alam kong may boyfriend siya at talagang nag sasama na sila sa isang apartment.

"Hihiwalayan ko na para hindi ako mabuntis," tatawa-tawa niyang sabi.

Napangiwi ako ulit ng sumidhi ang sakit ng tyan ko. Huminga pa ako ng malalim at tinitignan kong ilang minutes sumasakit ang tyan ko. Gusto na akong dalhin ni Daphne sa hospital pero ayaw kong pumayag dahil wala pa namang sign na manganganak na ako. Sumasakit lang talaga ang tyan ko, nakakaya ko pa naman ang sakit kaya hindi na muna ako nag padala at baka hindi din ako asekasuhin sa hospital.

Assassin Series 7: Atticus RomeroWhere stories live. Discover now