Chapter 4

29K 681 63
                                    

PABAGSAK AKONG humiga sa kama ng makapasok ako sa apartment ko. Nakatulala ako sa kisame habang iniisip ang nangyari kanina.

Matapos akong halikan ng lalaking 'yun ay mag asawang sampal ang tumama sa pisngi niya. Bwesit! First kiss ko pa naman din 'yun tapos na punta lang sa kina-iinisan kong lalaki.

Nagmukha tuloy kaming mag jowa kanina sa loob ng restaurant na nag-aaway dahilan para mapalingon samin ang ibang kumakain do'n. Mabuti nalang ay nahanap ko ang susi ng posas ng mapansin ko ang suot niyang kwentas. Agad kong inilabas ang pendant ng kwentas niya at nakita ang susi kaya hinila ko 'yon sa leeg niya kaya ko natanggal ang posas.

Nang matanggal ko 'yun ay agad kong hinuli ang middle finger niya at pinilipit kaya napa ngiwi siya sa ginawa ko. Hindi pa ako nakuntento at sinuntok ko pa talaga ang dibdib niya pero ako lang yata ang nasaktan dahil sa tigas no'n.

Nagmamadali akong lumabas ng restaurant at tinungo ang sasakyan ko saka ako sumakay at agad pina-usad.

Pero ang gago sinundan pa talaga niya ako hanggang sa labas ng apartment ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nagmamadaling pumasok sa apartment at sinabihan ang caretaker na wag niyang papasukin ang lalaki.

Napasapo nalang ako sa nuo ko habang inaalala ang nangyari kanina. Ngunit agad kong inilayo ang palad ko sa nuo ko ng maalala ko ang matigas na bagay na nahawakan ko kanina. Uminit ang pisngi ko ng maalala ko ang bagay na 'yun.

Agad akong tumayo sa kama at nagmamadaling hugasan ang kamay ko sa lababo. Kinuskos ko pa talaga 'to saka binalnawan ng mabuti ang kamay ko. Hindi pa ako nakuntento at nilagyan ko pa talaga ng alcohol.

Sana talaga hindi ko na makita ang pagmumukha niya. Aaminin kong gwapo siya pero nakaka irita ang pagmumukha niya. Letche siya!

Kinuha ko ang sling bag na ginamit ko kanina at agad kinuha ang cellphone ko. Swinitch on ko muna ito dahil pinatay ko kanina para hindi tumawag ang kaibigan kong si Daphne. Tatawagan ko talaga ang kaibigan ko para murahin siya. Kung sino-sino pa kasi ang pinapakilala niya sa 'kin eh hindi naman matino ang lalaki, ang bastos-bastos pa.

Nang mag on ang cellphone ko ay agad kong hinanap ang number ni Daphne pero natigil din ako ng mag ring ang cellphon ko. Naunahan kasi ako ng bruha.

Agad ko sinagot ang tawag niya saka ko inilagay sa teynga ko. "Kainis kang babae ka!" Bungad ko sakanya.

"Ikaw yung nakaka inis. Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo pero pinatay mo yata ang phone mo. Kaloka ka! Sasabihin ko pa naman sana na hindi makakarating ang kaibigan ko sa date niyo!" Mahaba niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko 'yun.

"What??? Ibig sabihin.. hindi siya yung ka date ko kanina??" Sigaw ko. Napaupo pa talaga ako sa kama dahil sa pagka bigla ko.

"Anong ka date pinagsasabi mo? Hindi nakarating si Adrian sa meeting place niyo dahil bigla daw tumitik ang kotse niya sa gitna ng highway. Tumawag siya
sa 'kin kanina para tawagan ka na hindi matutuloy ang date niyo, pero hindi naman kita makontak." Mahaba niyang paliwanag.

Pisteng lalaking 'yun na goyo pa yata ako. Abot langit na talaga ang inis ko sa taong 'yun.

"Teka.. wag mong sabihing may ka date ka kanina?" Tanong sa 'kin ni Daphne.

Bumuga ako ng hangin bago sumagot kay Daphne. "Wag mo ng tanongin pa, kumukulo pa dugo ko." Inis kong sabi sa kaibigan ko.

"Talaga? May naka date ka kanina??" Tanong niya na parang excited.

Wala na akong lakas para makipag usap kay Daphne kaya agad kong pinatay ang tawag saka ko inilagay ang cellphone sa kama.

Naiinis akong isipin ang mukha ng lalaki kanina. Ang lakas ng loob niyang sabihin sa 'kin na excited ako sa date namin, eh hindi naman pala siya ang ka date ko. Ang sarap talaga niyang tirisin. Naiisip ko palang mukha niya kumukulo na agad dugo ko.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon