HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 100

6.1M 109K 303K
By maxinejiji

MAXWELL'S POV

Maaga akong nagising kahit masiyadong late na akong natulog kagabi mula sa dinner kasama ang mga Enrile. Sa loob loob ko'y pinagsisisihan kong sumama pa ako roon. Maaga rin akong nag-ayos dahil inaasahan ng mga Moon na makakasama nila akong mag-agahan ngayon.

"You're late," bungad sa'kin ni Mommy nang makarating ako sa Canteen ng tertiary campus sa BIS, hindi ko naman siya sinagot. "Next week na magsisimula ang sportsfest."

Bahagya akong natigilan. "Akala ko ba ay hinihintay ninyong maging handa ang SIS? Ano ang nangyari? Ang bilis naman yata?"

"Sapat na sa tingin ko ang isang linggo para makapaghanda sila," ani Chairman Moon. "Hindi maghihintay ang ibang universities ng matagal para sa kanila. Nakausap na namin ang SIS tungkol dito at sumang-ayon naman sila," dagdag pa niya. Tumango naman ako sa paliwanag na iyon. Ang mga Moon ang sponsor ng sportsfest na ito kaya naman nakikialam sila. "Wala akong planong magtagal dito sa Pilipinas dahil may ibang aasikasuhin din ako."

"Mm, pinapunta niyo ako ng maaga rito para sabihin iyan?" sarkastikong tanong ko, gusto kong magbiro pero mukhang nabigo ako. Nagtiim ang bagang ng Chairman at tinaasan ako ng kinay.

"Hindi mo nabanggit sa akin ang tungkol sa paglipat mo rito sa BIS, Maxwell Laurent," malumanay ngunit naninising ani Chairman kaya bahagya akong natigilan. "Ang totoo ay wala akong planong sitahin ka ngunit nakarating sa akin ang ilang mga reklamo. Hindi naman lingid sa kaalaman mong nasa mataas na level ka na at hindi na maaaring lumipat. Ikaw lang ang kaisa-isang exchanged student dito sa BIS at SIS, well, maliban doon sa ipinalit mo sa iyo. Pero mali ito. Inaasahan kong bago ka gumawa ng isang desisyon ay hihingin mo ang panig ko at ng mga magulang mo ngunit hindi mo iyon ginawa."

"Wala naman silang pakialam doon, Chairman. Hindi ko kailangan ang suhestiyon nila para sa sarili kong desisyon."

"Gumawa ka ng sarili mong batas para makalipat sa BIS, Maxwell Laurent, at maraming nagrereklamo ngayon sa SIS nang dahil doon. May ilang mga estudyante rin ang nais na lumipat gaya mo."

"Eh, di palipatin nila? Who cares what others think about me?" inis na tanong ko. "Look, I'm no longer enjoying in SIS that's why I am here."

"But the point is, what you did is not right," mariing ani Chairman at inis naman akong nag-iwas ng tingin. "Lumipat ka ng BIS sa hindi legal na pamamaraan."

"I don't want to stay there anymore because all they wanted is to compete with me; they're studying hard just to compete with me."

"I see no problem with that?" patanong na aniya. "Walang problema roon at ikaw lamang mismo ang gumagawa ng sarili mong problema't dahilan para umalis at lumipat."

"Dahil nga hindi na ako masaya," pagdidiin ko. "They are all busy watching the competition between me and Randall, we're bestfriends, damn it. Sa tingin niyo ba nakakabuti iyon para sa'min? Hindi."

"Then don't compete with him! Alam naman nang lahat na mas magaling ka sa kaniya, anong problema mo? You're making your own issues and you're giving me unacceptable reasons, Maxwell Laurent."

"One thing that I have noticed in BIS, most of them are good--theoretically, but academically stupid. Tsh. I don't wanna be like them," payabang na tugon ko at tumaas naman ang kinay ng Chairman. "Karamihan sa kanila ay matatalino, oo, pero sa ospital ay hindi lang talino ang gagamitin mo. Kailangan mo rin ng lakas ng loob at abilidad. Ang mga iyon ay wala sa mga Med students ng SIS na nakasama ko. Lahat na lang sila ay overconfident sa nalalaman nila pero hindi nila alam ang mga dapat gawin sa ospital mismo dahil magaling lang sila sa pag-aaral, pagrereview at sa pag-intindi ng mga dapat gawin. Pero hindi nila alam kung ano at paano ba dapat gawin ang mga iyon. Ang mga kasama ko rito sa BIS ay hindi ganon, hindi man sila sing tatalino ng mga taga-SIS pero kapag inilagay mo sila sa ospital ay alam nila kung ano ang gagawin. I think that is better."

Hindi na nila ako kinumpronta matapos ang pagyayabang ko, sa tingin ko ay naintindihan nila ang punto ko at balido ang rason na ibinigay ko bagaman bahagyang sumama ang loob ko. Alam naman nila ang ugali ko.

Matapos sumabay sa agahan sa mga Moon ay dumeretso na ako sa tertiary campus para magpasa sandali ng reaction paper. Hindi mawala sa isip ko ang ginawang paninita sa'kin ng Chairman sa bagay na alam naman nilang hindi ko gagawin nang walang dahilan.

"Araaay!" bulalas ng babae nasa harapan ko, hindi ko namalayang nabunggo ko ito. "Aissh! Ano ba?" sigaw niya pa.

Bahagya akong natigilan nang makinala ko kung sino ito. "Sorry," tulirong pumanhin ko kay Dein.

"Ha! Aren't you going to pick up my things?" mataray na aniya habang nakaturo pa sa mga gamit niyang hindi ko namalayang nahulog din pala. Hindi ako kumilos at kunot-noo ko lang siyang pinagmasdan. "Hello?" nanlalaki ang mga matang aniya pa.

"Tsh. Why don't you pick it yourself?" sarkastikong tanong ko ngunit sa loob loob ko ay natatawa ako sa itsura niya.

'She's really cute.'

"How dare you?" sigaw niya pa dahilan upang mapaiwas ako ng kaunti. "Ikaw na nga itong nakabangga sa'kin tapos ikaw pa itong mayabang?"

"I said sorry already," nakangising tugon ko.

"Aba't nagdadahilan ka pang antipatiko ka?"

'Tsh, pikon.'

"I don't have time for this," tugon ko. "Bye."

"Teka!" sigaw niya pagkatalikod ko, huminto ako at nilingon uli siya. Lalong nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pamumula ng ilong niya. "Nakakailan ka na sa'kin, ah? Napakayabang mo at wala kang modo!"

Nanlaki rin ng bahagya ang mga mata ko. "So?"

"A-Anong so? Nakakainis ka na!" muling bulalas niya dahilan upang mapalingon ako sa paligid, pinagtitinginan na kami dahil sa sobrang ingay niya. "Hindi porket ahead ka sa'kin ay yayabangan mo na ako ng ganiyan, ah! Alam mo kung sino ako kaya 'wag ka masiyadong mayabang!"

"Hindi ako interesado sa'yo, Dein Leigh Enrile," inis na tugon ko tsaka tinalukuran siya. "Aray!" angil ko matapos kong maramdaman ang matigas na bagay na tumama sa batok ko. Nilingon ko siyang muli tsaka tumingin sa lupa at nakita ko ang isang pink na notebook at nasisiguro kong kaniya iyon. "Bakit mo 'ko binato?" inis na tanong ko.

"Dahil mayabang ka, Maxwell Laurent del Valle!" asik niya. Pinigilan ko naman ang mangiti dahil naiinis ako, siya lang ang babaeng naglakas-loob na gawin sa'kin iyon. Pero nakakatuwang malaman na saulo niya ang buong pangalan ko. "Baliw ka ba? Natabig mo 'ko tapos nahulog ang mga gamit ko, nagsorry ka nga pero wala ka pa ring modo! Bastos!"

"That was an accident."

"Kahit na! Sana pinulot mo pa rin ang gamit ko!"

"At bakit ko gagawin 'yon?"

"Ha! Napaka-ungentleman mo naman?"

"Tsh. Gentleman ang kahit na sinong lalaki, depende lang talaga sa kaharap nilang babae."

"H-Hey! How dare you--bastos! Hindi pa tayo tapos!" nanginginig sa galit na aniya tsaka padarag na pinagpupulot ang mga gamit niya, hindi ko na siya pinanood pa at dumeretso na ako pabalik sa secondary campus.

Tinawagan ko si Zarnaih at sinabing nais kong sabayan sila sa agahan, hindi rin naman ako nakakain ng ayos kasama ang mga Moon, gusto ko rin sanang kumustahin si Maxpein. Napakahaba pa ng oras dahil masiyadong maaga ang pagpunta ko rito, masuwerte namang may practice ng billiards iyong dalawa.

"Grabe, ang guwapo mo, Maxwell!" bungad sa'kin ni Zarnaih, nangiti naman ako. "Ang bango mo, hmm!" aniya pa na inamoy ang polo ko. "'Oy, Max! Nandito ang kuya mo!"

"Mm," tanging bati sa'kin ni Pein tsaka nagpaumunang maglakad papunta sa Canteen, natawa na lang ako. Mukhang wala na naman siya sa mood.

"Pagpasensiyahan mo na si Taguro dahil kulang siya sa tulog," ani Zarnaih at tumango naman ako.

"Si Taguro 'yung japanese anime, 'di ba?" tanong ko.

"Oo, siraulo kasi si Deib, hehehe! Ang daming kakornihan nun ni Deib sa katawan, eh, korni ang bawat anggulo ng mukha niya, pati ugali niya ay korni. Binansagan naman siya ni Max ng Sensui, hehehe! Ewan ko ba sa dalawang 'yan!"

"Magkaaway pa rin ba sila hanggang ngayon?"

"Hindi na, natatawa na nga lang ako sa t'wing makikita ko silang magkasama, eh. Ang cute kasi nilang tingnan."

"Paanong cute tingnan?"

"Alam mo 'yun? Dati silang magkaaway tapos ngayon ay parang aso't pusa pa rin, simpleng nag-aasaran. Pareho silang abnoy sa magkaibang paraan. Parehong sarkastiko sa isa't isa pero nagkakapikunan din naman, alam mo 'yun? Hahaha! Nakakatuwa lang tingnan," kuwento niya at tumangu-tango naman ako. "Parang hindi ka naman interesado," natatawang aniya pa.

"Ganon na nga, hehe," biro ko.

"Magkapatid talaga kayo ni Maxpein, mas mabait ka lang talaga," biro niya pa. "Tara na, nababalutan na ng itim na aura ang kapatid mo, oh."

"What do you want to have?" tanong ko sa kanila nang makarating kami sa Canteen.

"Iyong mabigat sa tiyan, nagugutom talaga ako," ani Pein, tumango naman ako tsaka dumeretso sa line.

Gaya ng nakasanayan na, ayon na naman iyong walang tigil na hiyawan ng mga babae. Kaliwa't kanan ang kaway nila at itinuon ko naman ang paningin ko sa harapan.

'Hindi ako pumapatol sa bata, si Maxrill na lang ang tingnan niyo. Tsh.'

Muling sumagi sa isip ko iyong panahong nasa high school pa lang kami pareho ni Randall, maraming nagkakagusto sa'min sabi nila pero ni isa sa mga ito ay hindi namin kinala. Noon ay hindi namin kinala kung sinu-sinong may gusto sa amin, hindi gaya rito sa BIS na ipagsisigawan nilang gusto ka nila at pupurihin ka maya't maya. Natatandaan ko pang mas maraming nagkakagusto kay Randall kaysa sa'kin, mas madali raw kasi siyang kausapin kumpara sa akin.

"Thank you," tumango pa ako sa server matapos nitong iabot ang in-order ko.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAH!" agad na nangibabaw ang malakas na tilian ng mga babae nang pumihit ako paharap. Ngunit hindi pala para sa'kin ang tiliang iyon. "NANDIYAN NA SI DEIB LOHR!"

"ANG GUWAPO NI LEE! I LOVE YOU, LEE!"

"TOB! ANG CUTE CUTE MO!"

'Tsk tsk tsk. Girls.'

Napabuntong-hininga na lang ako tsaka nagtuloy sa paglalakad pabalik sa mesa namin. Nagtama naman ang paningin namin ni Enrile at seryosong seryoso siya sa pagkakatitig sa'kin habang kasalubong ko siya. Kusa namang umiwas iyong dalawang kasama niya dahilan para mabigyan ako ng daan upang malampasan sila.

"Lintek! Ang iingay!" ani Zarnaih at medyo natawa naman ako. "Bakit nga ba kasi ang guwapo mo?"

"Huh? Hindi naman ako 'yong sinisigawan nila," tugon ko.

"Psh! Hindi mo maloloko ang pandinig ko, Maxwell, pinagtilian ka rin kanina pagkatayo mo pa lang! Grabe, talagang sa t'wing daraan kayong apat dito o kahit saan mang parte ng school na 'to ay nagkakandirit ang puwet ng mga babae at kusang nagtitilian sa inyo! My God! Stop me!"

"Sinasabi mo 'yan dahil sanay ka ng nakikita ako at iyong tatlong 'yon," inginuso ko pa sina Enrile. "Tsaka, hindi naman ako madalas dito, nito lang napadalas."

"Iyon na nga, eh, napapadalas na ang pagtambay mo rito sa campus namin pero parang bago ng bago ang tingin sa'yo ng mga babae, kung magsitili akala mo first time kang nakita."

"Masasanay rin ang mga iyan, ganiyan din sa college campus, eh," payabang na tugon ko.

"Tss." singhal ni Pein, sabay naman kaming napalingon ni Zarnaih sa kaniya.

"Ay, nand'yan ka pala?" sarkastikong ani Zarnaih sa kaniya. "Akala ko kasi ay dalawa lang kami ni Maxwell dito, hahaha!" biro niya pa tsaka tumingin sa'kin.

"Are you okay?" baling ko kay Pein, tumingin lang siya sa'kin. "You look pale."

"I'm okay," tipid na tugon niya tsaka lalamya-lamyang tiningnan ang pagkain niya.

"Nakakaawa naman ang kaibigan kong ito, pagod na pagod sa lahat ng bagay," nakangusong ani Zarnaih.

"Ano kaya ang puwede kong gawin para maging ayos ka?" nakangiting tanong ko pero hindi man lang nagbago ang itsura ni Maxpein.

"Naks naman, sobrang espesyal talaga sa'yo si Max, 'no?" sabad ni Zarnaih. "Suwerte, hehehe."

"Pein? What do you want?" baling ko muli rito.

"I'm okay."

"May kailangan ka ba?"

"Katahimikan," tipid na aniya at natigilan naman kami ni Zarnaih. "Gusto ko ng katahimikan. Tss."

Nagkatinginan kami ni Zarnaih at saka sabay na nagkibit-balikat. May ugaling ganiyan si Maxpein, kahit noon pa mang bago maging sila ni Randall ay ugali na niya ang maging tahimik sa t'wing kulang ang tulog niya. Kadalasan ay nasisira na ang buong araw niya kapag ganoon at kapag kasama mo naman siya ay mahahawa ka na. Mainitin ang ulo at hindi mo puwedeng kulitin dahil masisigawan ka lang o masasaktan. Hindi niya ugaling tumingin sa ibang tao lalo na kung dumaraan ito sa harapan niya. Kahit pa magpapansin sa kaniya ay balewala, puwera na lang kung mabanggit ang pangalan niya, ngunit depende pa rin kung kakausapin ka. Gumanda lang ang ugali niya noong maging sila ni Randall at iyon ikinatuwa ko sa naging relasiyon nila. Naging sweet at masayahin si Maxpein sa lahat ng bagay, madaling kausapin at hindi mainitin ang ulo.

Aaminin kong hindi ko gusto ang ganitong malamig na personalidad niya, para siyang sakit na lumala. Kahit na gaano kaganda ang pakikisama ko sa kaniya ay parang wala siyang pakialam sa'kin. Animo akong hangin sa t'wing daraan sa harapan niya, hindi karapat-dapat lingunin. Medyo nakakainsulto pero cute pa rin.

"Teka, sandali, punta muna ako sa washroom, umiral na naman yata ang pagkababae ko! Stop me!" paalam ni Zarnaih, sinundan ko naman muna 'to ng tingin bago muling bumaling kay Pein.

"Kanina ka pa tahimik, may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko, hindi siya tumingin sa'kin pero alam kong tiningnan niya ako sa gilid ng mga mata niya. "Nagkakaganiyan ka lang kapag may nangyaring hindi maganda, Pein, ano ang nangyari?"

Bumuntong-hininga pa muna siya. "Nagkausap kami ni Randall kagabi."

'Ano na naman ang sinabi ni Randall sa kaniya para magkaganiyan siya?'

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Tungkol saan?"

"Sa amin."

"Ano ang tungkol sa inyo?"

"Si Maze ang dahilan kung bakit niya ako iniwan," walang emosyong aniya ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagagawa kong maramdamang nasasaktan siya. "Kinausap ni Maze si Randall, tinakot na bibilhin ang lahat ng properties nila kung hindi ako hihiwalayan," napapabuntong-hiningang kuwento niya. "Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan, ano ba ang meron sa aming dalawa ni Randall at hindi puwedeng maging kami?" seryosong tanong niya.

Natigilan ako at hindi malaman ang isasagot. "I don't understand, Pein, hindi ko alam ang tungkol d'yan. Ano pa ang sinabi niya?"

"Marami, pero hindi ko iniisip lahat. Iyong kay Maze lang ang iniisip ko dahil gusto ko ng magandang dahilan kung bakit kailangang paabutin niya pa sa ganoon, bakit kailangan niya pang manakot? Talagang desidido siyang paghiwalayin kaming dalawa kung ganon."

"Pein..."

"Sa loob ng dalawang taon ay halos mabaliw ako kaiisip," seryoso talagang aniya habang nakatingin pa sa kawalan ngunit mahihimigan mo ang magkahalong sakit at galit. "Napuno ako ng galit at pagtataka. Kung kani-kanino ko ikinukumpara ang sarili ko dahil buong akala ko ay ginago ako ng bestfriend mo."

"Hindi ko rin alam na ganoon ang nangyari," sinserong tugon ko. "Hindi ko naisip na magagawa iyan ni Mommy."

"Hindi ko rin naisip na magagawa ito ni Maze, ano ba ang ginawa ko sa kaniya? Ganoon ba talaga kahirap para sa kaniya ang 'wag na lang akong pansinin? Pakiramdam ko ngayon ay pinaglaruan ang nararamdaman ko, lalo na ang buhay ko."

"Pein, don't say that."

"That's how I'm feeling," malungkot na aniya. "Kailangan niya ba talaga akong gantihan sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Hindi man ako karapat-dapat para kay Randall, pero sana ay naisip niya rin ang mararamdaman ko. Pinaglaruan niya kaming pareho ni Randall, iyong nararadmaman namin ni Randall para sa isa't isa ay sinira niya."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

'I don't know how to comfort her; it's between my sister, my bestfriend and my mother.'

Alam kong minahal niya si Randall at nararamdaman kong mahal niya pa rin ito hanggang ngayon.

"Mahirap 'yong nagalit ka sa isang tao dahil sa ginawa niya sa'yo," muling aniya dahilan upang matinag ako. "Mahirap 'yong pilit mo siyang binura sa isip mo sa pamamagitan ng galit dahil buong akala mo ay siya 'yong mali, siya 'yong may kasalanan, siya 'yong masama. 'Tapos sa huli ay malalaman mong biktima lang din pala siya? Ang hirap. Ang hirap mag-isip," nanlulumong aniya.

"I don't know what to say," napapabuntong-hiningang tugon ko.

Napapahiya ako sa kaniya, hindi ako makaharap at makatingin sa mga mata niya. Nagulat man ako pero napuno ng kahihiyan ang kalooban ko dahil sa katotohanang may kinalaman na naman dito ang nanay ko.

"Anong plano mo?"

"Wala," pilit ang ngiting aniya. "Hindi ko na maibabalik 'yung dating nararamdaman namin sa isa't isa kahit pa magsalita ka, kaya ayos lang kahit wala kang sabihin." mapaklang dagdag niya pa. Mabilis na nangilid ang mga luha niya at ikinabahala ko iyon. "Nasaktan ako ng higit pa sa inaasahan ko, nakapanakit ako ng tao nang lingid sa kaalaman ko. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Alam kong kapag kumilos ako ngayon ay marami na akong masasaktang tao, hinding hindi na gaya ng dati."

"Pein..."

"Ang sakit lang tanggapin na sa edad niyang 'yon ay kailangan niyang gumawa ng isang bagay na makakapanakit sa isang tao."

Gusto ko pa sanang magsalita pero hindi ko na malaman ang sasabihin ko. Wala akong maisip sabihin.

Dumating si Zarnaih at hindi na ako nakapagsalita pa. Mataman kong pinagmasdan si Pein at hindi ko malaman kung paano kong tutugunan ang nararamdaman niya. Alam kong nasasaktan siya ng sobra sobra dahil sa pinagdaraanan niya pero wala akong magawa. Naghalo ang pagkalito at gulat sa kalooban ko, lingid sa kaalaman ko ang mga bagay na ibinahagi niya.

DEIB'S POV

Maaga akong nagising at pakiramdam ko ay hindi naman ako nakatulog. Nagsepilyo lang ako at agad na bumaba.

"Oh, napakaaga mo naman yata, Deblor? Akala ko ba ay wala kang practice?" ani Manang habang nagtutupi ng mga damit sa clothing spot. "Tulog pa ang lahat maliban sa atin," aniya pa habang umiinom ako ng tubig. "Iyon na lamang cereal ang kainin mo at hindi pa ako nakakapagluto ng agahan."

"Ayos lang, Manang, wala rin akong ganang kumain," wala sa huwisyong tugon ko. Pumunta ako sa dining area at inasikaso ang sarili kong pagkain.

Pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng ulo ko.

'Tch, bakit kasi hindi ako nakatulog?'

Sa tingin ko ay masisigawan ko sinumang makasalubong ko ngayon. Nararamdaman ko ang init ng ulo ko bagaman hindi ko matukoy ang pinagmumulan niyon. Ngayon pa lang ay salubong na ang kinay ko.

'Kasalanan ito ni Taguro! Kung nagtext siya o tumawag man lang sana kung nakauwi na siya, eh, di sana ay nakatulog ako? Kahit kailan ay wala siyang kuwenta!'

"Bakit parang gigil na gigil ka naman kung sumubo riyan?" nangibabaw ang tinig ni Noona, nagulat man ay inis pa rin akong nilingon ito.

"Noona!" asik ko na ikinagulat naman nito.

"Ang aga mo naman yatang gumising?"

'Hindi ako nakatulog kaiisip kay Taguro! Peste!'

"Hindi ako nakatulog ng ayos, hindi yata maganda ang pakiramdam ko," pagsisinoongaling ko.

"Uminom ka ng gamot o kaya ay 'wag ka na lang pumasok."

"Papasok ako!" asik ko, tinaasan niya naman ako ng kinay kaya ngumuso ako. "Kailangan kong pumasok ngayon."

"Ah, nabanggit nga pala ni Randall na i-a-announce na ang tungkol sa sportsfest, nasa BIS daw ngayon ang lolo niya."

'Ibig sabihin ay nagkausap na sila? Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Dapat ay sinabi niya sa'kin!'

"Kailan sinabi ni Randall iyon?" tanong ko ngunit hindi siya agad sumagot. Pinanood ko pa siyang kumuha ng bowl at magsalin ng sariling cereal doon. Nakakabagot ang maghintay sa sagot niya.

"Tumawag siya sa'kin kaninang alas tres y medya, kinausap pa raw siya ng Mommy niya kaya hindi siya nakatawag agad. Around 3:00 AM na yata siya nakauwi sa bahay niya sa Venice," nakangiting aniya.

"Late na late na iyon, ah?" bulong ko. "Ibig mong sabihin, hindi lang siya nakatawag agad dahil kausap niya si Tita Day?"

"Yep," tatangu-tangong aniya. "Nakakaguilty nga, eh, akala ko naman kung napaano na sila kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag ko."

"Bakit daw sila inabot ng ganoong oras?"

"Hindi ko na naitanong, eh, ang sabi niya kasi ay inaantok na siya kaya hindi na kami masiyadong nakapag-usap. Nabanggit niya lang talaga ang tungkol sa announcements ngayon."

"Ganon ba?"

"Excited na rin siya sa inter high dahil nabalitaan daw niyang magagalit ang players ngayon. Nakakatuwa lang na makakasama ko siya sa event na 'yon para makapagcheer sa inyo ng mga bestfriends mo. Ikaw? Ready ka na ba sa sportsfest?"

'Handa na nga ba ako? Tch! Sa tingin ko ay wala akong pakialam!'

"Tch! Kailan ba naman ako hindi naging ready? I'm always ready!"

"Nice, dongsaeng! Paniguradong ikaw na naman ang MVP niyan! Good luck!"

'Tch. Kagabi lang ay may paiyak iyak pa siya, bakit napakasaya niya naman yata ngayon? Anong nangyari?'

"Paniguradong ako nga, basta walang asungot na hahadlang sa mga plano ko," biro ko.

"Sinong asungot naman iyon?"

"May mga kasali na ngayon na hindi ko alam kung paano maglaro, hindi ko kinala kung sino ang magagaling sa kaniya. Ayaw ko masiyadong taasan ang kumpiyansa kong ako ang magiging MVP dahil mahirap na... baka matsambahan, hahaha!"

"Wow, Deib, ikaw ba iyan? Kailan ka pa naging humble?"

"Puwede ba? Tch!"

"Ang pikon mo, hehehe, dahan dahan naman sa pagsubo at baka mabulunan ka," natatawang aniya pa. Doon ko lang napansing ang bilis ko palang sumubo.

'Bakit ba ako nagmamadali, eh, maaga pa naman? Tch! Tsk! Nakakainis kasi, eh! Hindi pa rin nasasagot 'yong tanong ko! Tch! Si Randall na manloloko ay maagang nakauwi, maaga rin kayang nakauwi si Taguro?'

Natigilan ako sa naisip ko. "Eh, ano ba ang pakialam ko?!"

"H-Hey!" bulalas ni Noona. "Bakit ba sumisigaw ka bigla riyan?"

"Oh, sige, mauuna na akong umakyat sa'yo," paalam ko. "Maliligo na ako."

"Hindi ka pa yata tapos, eh?"

"Tapos na ako! Gusto ko nang pumasok! Mauna na ako!"

Nadinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon.

'Siguraduhin mo lang na mabibigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit hindi ka sa'kin sumabay. Dahil kung hindi, lagot ka sa'kin!'

Naging mabilis ang lahat ng kilos ko at nakakabilib lang dahil guwapo pa rin ako. Idinial ko ang number ni Tob nang makapagbihis ako.

"Hello?" sagot niya.

"Hoy! Nasaan ka na?"

"Anak ng.. anong nasaan na ako? May usapan ba tayo? Psh! Nasa bahay, malamang!"

"Papasok tayo ng maaga!"

"Teka, bakit ba naninigaw ka?" asik niya. "Bakit?"

"Tch! 'Wag ka nang maraming tanong, Hapon, bilisan mo riyan at papasok tayo ng maaga. May announcement daw tungkol sa inter high."

"Weh?"

"Anong weh?" inis na tanong ko.

"Wala namang nabanggit sa ating ganiyan, ah?"

"Bahala ka sa buhay mo, basta papasok na ako. Bihis na ako't guwapo! Kapag na-late ka, ikaw ang pinakapangit sa atin!"

"Mga pauso mo, ulol! Hahahaha! Sus! Baka naman..."

"A-Ano na naman?"

"Wala! Hahaha! O sige sige, nagbibihis na rin naman ako, eh, tawagan mo si picture perfect!"

"Sige, bye," tugon ko tsaka ibinaba ang linya niya. Tsaka ko idinial ang numero ni Lee.

"Hello?" malumanay pang sagot niya.

'Tch! Bading talaga!'

"Nasaan ka?"

"Nasa washroom."

"Pa rin?" bulalas ko. "Maya't maya na lang ay nasa washroom ka!"

"Tsh. Eh, bakit ba ang aga aga ay ang init ng ulo mo? Bakit tumawag ka pa."

"Tara, pumasok na tayo."

"Ha? Bakit? Hindi ka ba makakapasok ng mag-isa?"

'Nakakainis! Ang tanga niya!'

"Basta! Pumasok ka ng maaga, okay? Makakapasok ako ng mag-isa pero dahil may announcements, kailangang nandoon ka!"

"Bakit kasi hindi mo sinabi agad? Naninigaw ka, eh."

"Bilisan mo, ayaw kong mauna r'on!"

"Eh, di hintayin mo akong makaalis ng bahay tsaka ka umalis."

'Gusto ko nang pumasok, eh!'

"Basta, bilisan mo! Sa school ka na maghugas ng kamay mo! Tch! Bye!" asik ko tsaka ibinaba ang linya. "Tch! Badtrip 'tong mga 'to, ah? Kalalaking tao--ang babagal magsikilos! Kailan ba sila matututong kumilos ng mabilis para makapasok ng maaga?"

'Baka nauunahan ka nila lagi? Ikaw 'tong parating late, eh! Napakaaga mo lang ngayon!'

"Oo, alam ko!" inis na tugon ko sa sarili.

'Eh, di 'wag kang magreklamo!'

"Aissh! Nakakainis! Hindi na maganda itong nangyayari sa'kin, ah? Napapadalas na ang pakikipag-usap ko sa sarili ko! Ano ba ang nangyayari sa'kin? Hindi na ito nakakatuwa," bulong ko pa tsaka bumaba. Kumpleto na sila sa dining area noong makalapit ako.

"Good morning, son, you're early," ani Dad. Tumango ako at lumapit kay Mom para humalik. Tatalikod na sana ako para makapagpaalam ngunit hinila ni Mommy ang braso ko.

"Where are you going, baby?"

"Sa school, Mommy," inosenteng tugon ko.

"Akala ko ba ay wala kayong practice, hijo, napakaaga pa."

'Lahat ba talaga ay sinabihan kong walang practice? Tch! Ngayon lang ba talaga ako pumasok ng maaga at takang taka sila?'

"Why don't you eat your breakfast first?" suhestiyon ni Noona at hindi ko nagustohan iyon.

"Nagcereal na ako kanina, 'di ba?"

"Eh, di magrice ka naman ngayon."

"Hindi naman ako gutom."

"Eh, di kumain ka pa rin! Bakit ba parang nagmamadali kang pumasok?"

"H-Hindi naman, tinawagan ko na kasi sina Lee at Tob, baka maunahan nila ako."

"Hindi ka naman kakain ng marami!"

"Maupo ka na, Deblor," ani Manang at napakamot naman ako ng ulo. "Hindi magandang puro cereal lang ang kinakain mo, hijo."

"N-Ngayon lang naman uli ako kumain ng cereal, Manang," nakangusong tugon ko. Masama ang loob ko.

"Maupo ka na! Ipinagluto ka pa naman ni Mommy! Psh!" ani Noona kaya nilingon ko naman ito.

"Oo nga naman, baby," malungkot na ani Mom.

'Tsk! Nakakayamot! Napakaraming hindrance! Kung kailan gusto kong pumasok nang maaga, lahat naman sila ay kontra ng kontra!'

"Sige na nga," napipilitang tugon ko.

"Oh, hayan, heto pa. 'Yan lang ang kakainin mo," taas-kinay na ani Noona habang nilalagyan ako ng bacon, spam at bread sa plato ko. Inis naman akong kinuha 'yon at isinubo ng isinubo.

"Ano na nga pala ang nangyari kina Randall at Maxi kagabi, baby?"

"Huk!" nalunok ko bigla ang mga isinubo ko.

"Oh, baby, are you okay?"

"A-Ayos lang po, Mom."

"Yiieee! Hihihihi! Nabanggit ko lang iyong name ni Maxi ay nabilaukan na ang baby ko. Bilog na ang puwet puwet niya!"

"M-Mom?"

"What? Hihihihi. Bilog na ang puwet puwet."

"HAHAHAHAHAHA!" pinagtawanan ako nina Daddy at Manang, si Noona naman ay mataray pa rin ang itsura.

"Hindi ako nabilaukan dahil sa pangalan niya! Tch! Napalaki lang talaga ang subo ko ng kanin!" inis na tugon ko.

"But you're not eating rice, Deib," sarkastikong ani Noona kaya natigilan ako.

Dahan dahan akong napatingin sa pagkain ko at doon ko lang naalalang tinapay ang kinakain ko. Dahan dahan ko ring nilingon si Noona at lalong tumaas ang kinay niya.

"Ibig kong sabihin ay iyong bread," pilit nagpapakamahinahong tugon ko.

"Yiiieee! Hihihi! Ang binatilyo namin ay nagbibinata na," panunukso muli ni Mommy.

"Mom, stop teasing him, it's annoying," mataray pang ani Noona.

"Yiiieee--"

"Mom! Please!"

"Okay, I'll shut up, hihihi!"

'Nakakayamot! Nagiging wirdo na rin yata ako gaya ni Taguro, nakakahawa siya! Tsk!'

"Eh, ano na nga ang nangyari kina Maxi at Randall kagabi? Nakauwi ba sila ng ayos?" muling tanong ni Dad.

"I don't know," matabang na tugon ni Noona. "I didn't ask."

"You should've asked him then, si Chairman ang nag-invite sa kanila ng family niya. Sagotin natin siya kung may nangyari sa kanila."

"Bakit tayo?" asik ni Noona. "Naghiwa-hiwalay tayong lahat ng maayos--bakit nandoon pa siya samantalang 'yung family niya ay wala na? I don't think she's our responsibility."

"Dein.." nanunuway ang tono ni Mommy.

"What, Mom? I don't get it, tayo nga ang nag-invite sa kanila pero sinira nila 'yung dinner natin! Pinahiya ako noong mayabang na Maxwell na iyon sa harap ni Chairman! Nakakabadtrip!"

'Tch. Kung alam mo lang, Noona, may gusto iyon sa'yo.'

"Ano namang mayabang sa kaniya?" natatawang tanong ni Dad. "He's Maxi's older brother, right? Hm, no wonder, they both look weird."

"Exactly! And they're both annoying!" ani Noona at sinamaan naman siya ng tingin ni Dad. "Totoo naman, eh, nakakainis silang pareho! Bakit kasi kailangang lumipat pa sila sa BIS! Ang gulo gulo ng pamilya nila!"

"Dein, hija, stop it," saway sa kaniya ni Mommy. "Hindi maganda ang ganiyang ugali."

"Psh! Mom? Mas kakampihan mo pa ba naman sila?"

"Hindi naman ganon, hija, pero hindi ko maintindihan ang pinagmumulan ng ganiyang galit mo sa kanila. Ikaw rin ang hindi ko maintindihan kagabi. Bakit nga ba sinampal mo si Deib Lohr? Anong nangyari?"

Nagkabiglaan kami sa tanong na iyon ni Mommy. Ako man ay hindi umaasang maaalala at mabubuksan pa iyon ngayon. Pareho tuloy kaming nangangapa ng maisasagot ni Noona.

"Nabigla lang ako, Mom," napapahiyang ani Noona. "Hindi ko naman po sinasadya, okay na kami ni Deib," aniya pa na sumulyap sa'kin.

"You're not answering my question, hija, ano nga ang nangyari't kailangang umabot sa ganoon? Ano naman ang ikinabigla mo't umabot sa pananakit mo sa kapatid mo?"

"N-Nasigawan niya po kasi ako, hindi ko napigilan ang sarili ko sa sobrang pag-aalala ko kay Randall."

"Haaay... Ayaw ko nang maulit iyon, Dein Leigh, ha?"

"Yes, Mom."

"Ikaw naman, Deib Lohr?" si Daddy, nilingon ko naman ito. "I know what you've been through, I'm glad to see that you're fine. What happened?"dagdag niya at kumunot naman ang noo ko, hindi ko alam ang pinupunto niya. "Matapos ang nangyari sa inyo ni Kim, mukhang ayos ka na?"

Nabigla ako ngunit pilit na di nagpahalata. "Sa tingin ko ay ito ang makakabuti sa'kin, Dad. Wala rin namang magbabago sa'min kung magpapakalugmok ako, 'di ba?" patanong na tugon ko at tumango naman siya. "I prefer to continue living a normal life."

"As easy as that?" muling tanong niya kaya natigilan ako. "It happened just a few days ago, I didn't even see you sad. Well, I'm just curious,"nanunukso ang tinging aniya pa.

"Kahit ako ay hindi ko alam, Dad," pilit ang ngiting tugon ko. "Noong una ay nasaktan at nagalit talaga ako sa kaniya. Noong mismong oras na iyon, galit na galit ako sa kaniya, ganon na rin sa t'wing makikita ko siya."

"That's nice," tatangu-tangong ani Dad. Napapahiyang nilingon ko naman sina Mommy at nakangiti sila sa'kin maliban kay Noona. "It's nice to hear that from you. You're matured now, I guess."

'Tch! 'Ayan na naman 'yang maturity na 'yan.'

"Sa tagal kasi no'ng panliligaw ko, in-assume kong kami na rin. Umabot nga lang sa puntong kailangan na naming maghiwalay at wala akong magawa kung hindi ang tanggapin iyon," pabida ko. "Kung tutuusin, hindi pa masakit 'yong pinagdaanan ko kumapara sa ibang tao riyan. May iba na mas masakit pa ang naranasan kaysa sa'kin, pero kinaya niya," napapabuntong-hiningang tugon ko.

"Puwede ko bang malaman kung sino iyang iba na iyan at kinaya niya?" natatawang tanong ni Dad dahilan upang matigilan ako't isa-isa silang tingnan.

"A-Ah, I'm not pertaining to anyone, Dad, hehehe. I'm pertaining to all individuals."

"Okay. Go to school now, drive safely," aniya kaya lumiwanag ang mukha ko. "Here, idagdag mo sa allowance mo."

"Thanks, Dad, Mom, pasok na po ako," paalam ko tsaka kumaway sa kanila bago binirahan ng alis.

'Sa wakas makakapasok na rin! Wooh!'

Nakangiti akong nagdrive papunta sa BIS, ngunit hindi pa man ako nakakarating ay nagvibrate na ang cellphone ko. Si Tob ang tumatawag.

"Anak ng putsa naman, oh! Maaga pala, ah!" agad na singhal niya.

Natawa naman ako. "Hahaha! Sorry, eh, sila Mommy kasi--"

"Wala ka, dre! Tinitrip mo lang yata kami ni Lee, eh!"

"Nandiyan na ba kayo?"

"Kanina pa--ugok ka! Maaga pala, ah? Sira-ulo ka, dadala-dalawa kami rito sa campus! Kasama namin ang mga maintenance boy! Badtrip ka!"

"Sorry, hahahaha! Hintayin niyo na lang ako sa BIS Coffee Shop, treat ko."

"Letse!" singhal ni Tob kaya natawa ako.

"'Wag ka nang magalit sa'kin, bading, nagdadrive ako. Ililibre na nga kita, eh, magkita na lang tayo sa Canteen."

"May kasamang mamon, ah?"

"Oo, sige!"

"Letse ka pa rin!" aniya tsaka ibinaba ang linya, ngingisi ngisi tuloy akong nagmaneho.

Ilang saglit lang nang marating ko ang parking lot. Pero pagkababa ko pa lang ay agad na akong natigilan.

"Kim?" gulat pang usal ko.

"Deib..."

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko tsaka luminga sa paligid, masiyado pang maaga kaya naman hindi ko inaasahang makita siya.

"Hinintay talaga kita," aniya at mas ikinabigla ko iyon. "G-Gusto lang kitang batiin."

"O-Okay," tulirong tugon ko. "Hi?"

"Hello, Deib," emosyonal na bati niya. Nakangiti ang labi niya ngunit nangingilid ang mga luha sa mga mata niya.

"Hello, Kim," pilit ang ngiting tugon ko. Hindi ko maintindihan kung paanong ipapaliwanag ang itsura niya ngayon. Magulo ang buhok niya at wala siyang make-up. Nangingitim ang eyebags at nangingilid nga ang mga luha. Kunyaring nakangiti habang nakatitig sa'kin.

"I miss you, Deib.." bulong niya, mas ikinagulat ko pa ang pagtulo ng mga luha niya. "Miss na miss na kita."

"Kim.." naiusal ko. Parang pinisil na naman ang puso ko at hindi ko siya magawang titigan habang umiiyak.

'Please don't do this to me.'

"Hindi ko alam kung bakit kailangang makaramdam ako ng ganito samantalang ako naman iyong may gusto nito, ako 'yung may kasalanan nang lahat," lumuluhang aniya. "Ang kapal lang talaga ng mukha ko dahil may gana pa akong lumapit at kausapin ka matapos niyong sinabi mo sa'kin noong nakaraan. Pero kasi.. Deib, hindi ko talaga kaya, eh, namimiss kita. At masakit para sa'kin na makitang okay na okay ka na, samantalang ako ay hindi pa."

"Kailangan kong maging okay dahil ako ang kawawa kung hindi, Kim."

"Naiintindihan ko, Deib."

"Pero hindi mo naiintindihan na hindi rin madali para sa'kin 'to. Kailangan kong gawin 'to dahil hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan ang hindi masaktan," tugon ko at napatitig siya sa'kin. Bahagyang lumapit at tinignan ang dalawang mata ko.

"S-Sabihin mo sa'kin, Deib, ano ang puwede kong gawin para mawala ang sakit na nararamdaman mo? Sabihin mo sa'kin, please, gagawin ko lahat. Kung papayag kang magstay uli ako sa tabi mo--gagawin ko, Deib. Gagawin ko lahat, please, 'wag ka lang mawala sa'kin," aniya kasunod ng tahimik niyang paghagulgol. "Nakakahiya mang sabihin pero.. oo, ngayon ko lang nakita iyong halaga mo sa'kin. Oo, ngayon ko lang nalaman kung anong nararamdaman ko sa'yo. Oo, ngayon lang kung kailan wala ka na sa tabi ko."

Napamaang ako. "Kim, please.." usal ko. "Napag-usapan na natin ito, 'di ba?"

"Deib, I'm begging you, please come back to me?"

"Nakiusap din ako sa'yo. H-Hindi ko pa kaya ngayon."

"Hindi mo na ba ako mahal?" animong nagmamakaawang tanong niya.

'Damn it, Kim. Hindi mo talaga alam kung ano ang nararamdaman ko.'

"Kim, hindi mo ba naintindihan 'yong sinabi ko sa 'yo noong nakaraan?" pilit nagpapakamahinahong tanong ko. "Please don't do this."

"Hindi ko nga kasi kaya, Deib. Hindi ko kayang tiisin na wala ka sa tabi ko, hindi ko kayang makitang ayos ka na samantalang ako ay nasasaktan. Hindi ko kayang wala ka--paano ko ba ipapaintindi sa iyo 'yon?"

"Hindi ko talaga maiintindihan 'yon kailanman, Kim, matapos mo akong saktan--ganiyan ang sasabihin mo sa'kin?"

"Pero totoo ang sinasabi ko!"

"Hindi ko pa kayang maniwala ngayon!" singhal ko at natigilan siya. "Hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat nang sinasabi mo ngayon dahil habang nagbibitiw ka ng mga ganiyang salita ay mas nasasaktan lang ako."

"Bakit, Deib?"

"Hindi ko rin alam," umiling pa ako. "Hindi kasi ako kayang sagotin ng puso ko kaya hindi niya kayang sabihin sa 'kin kung bakit patuloy siyang nasasaktan sa t'wing magkakaganiyan ka sa 'kin."

"Kaya nga kailangan na nating bumalik sa dati, Deib," pangungumbinsi niya pa. "Kailangan na nating bumalik sa dating tayo para hindi na tayo masaktan pareho."

"Ha..." Natatawang singhap ko. "Paano mo naisip na ganoon lang kadali para sa'kin iyon? Paano naging ganiyan kadali sa iyong sabihin sa 'kin 'yan matapos niyong ginawa mo?" Pigil ang galit na tanong ko. "Kim, daig ko pa ang pinaglaruan nang dahil sa ginawa mo!"

"That's why I'm sorry!"

"Sorry?" Namamanghang sigaw ko, hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "That's why you're sorry? Ginago mo ako! Nakaramdam ako ng sobrang sakit na ni minsan ay hindi ko pa naranasan sa buhay ko tapos ganiyan ang sasabihin mo? What is sorry to you?" Tanong ko ngunit natigilan siya at napayuko. "Hindi basta bastang salita iyon sa isang taong nasaktan gaya ko," pigil ang emosyong dagdag ko. "Kahit isang milyong beses kang magsorry sa harap ko ay hindi niyon mabubura ang sakit na ibinigay mo, Kim. Masakit iyong pinagmukha mo akong tanga sa harap ng maraming tao."

'No, Dad, I think I'm not okay yet.'

Hindi ko na siya nilingon, naglakad na ako papasok ng coffee shop nang may sama ng loob. Agad akong sinalubong ng masamang tingin ni Tob at nag-aalalang tingin ni Lee. Pinakitaan ko naman sila ng pekeng ngiti.

"Ano? Anong gusto niyo? My treat!" payabang pang bungad ko.

"Ulol! Maaga pala, ah!" asik ni Tob. "Gaano ba kalayo ang village mo at nakuha mo pang magpalate ng panibagong 5 minutes!"

"Hahahaha! Para 30 minutes lang, eh."

"Wow! Ha! Malaking kasalanan na 'yon, dre! 25 minutes na lang magsisimula na ang klase, oh!"

"Hehehe! Ililibre naman kita, Hapon, 'wag kang mag-alala. Ano sa'yo?"

"Trentang mamon!" Aniya tsaka humalukipkip at nag-iwas ng tingin. Napanganga naman ako.

"Kaya mo ba namang ubusin iyon?"

"Eh, di iuuwi ko iyong iba! May angal?"

"Tch! Ang sabihin mo ay ibibigay mo lang kay Michiko mo!"

"'Buti at ipinaalala mo, hehehe. Bibigyan ko si Michiko. Pero 'wag mong iniiba ang usapan! Um-order ka na ng trentang mamon--para sa akin lang!"

"Tch. Gusto mo rin ng trentang kape--para sa iyo lang?" Inis na tanong ko.

"'Wag naman 'yung kape, dre," nakangusong tugon niya. "Baka mani at kendi na ang kasunod niyon."

"Tch. Oh, ikaw pogi?" Baling ko kay Lee. Nakangiti naman itong tinitigan ako habang prenteng prente sa pagkakasandal niya. "Ano ang sa iyo?"

"Isang matinding kuwento lang, ayos na ako," nakangising tugon niya.

"Anong kuwento naman?"

"Mm, kung ano ang nangyari kagabi at ngayon?"

"Hindi ko alam ang s-sinasabi mo, Lee."

"Nauutal ka, Deib. Kaya alam mo ang sinasabi ko. Um-order ka na, mamaya ka na lang magpaliwanag, baka ma-late tayo."

'Ano ba ang sinasabi nito ni Lee? Tch! May nalalaman ba siyang hindi ko nalalaman? Tsk! O baka naman ganon lang talaga ako kahalata kaya nalaman niyang may pinagdaraanan na naman ako? Tsk. Badtrip kasi si Kim, eh. Ang ganda ganda na ng umaga ko--tsk!'

Iiling-iling akong um-order at hindi naman nagtagal at naibigay ng server ang lahat ng orders namin. Sinunod ko nga ang sinabi ni Tob. Trentang mamon ang in-order ko para sa kaniya lang. Mamon at gatas naman ang sa'min ni Lee.

"Pupunta muna ako sa washroom," paalam ni Lee pagkabalik ko.

"Anak ng.. hindi pa kanina nag-CR!" Singhal ni Tob. "Nakakadiri ka! Tapos kukuha ka sa mamon ko!"

"Tsh, baka nakakalimutan mong handwashing ang ginagawa ko lagi sa banyo?"

"Siguraduhin mo lang!"

"Sumakit sana ang tiyan mo sa dami ng mamon mo!"

"Hoy! Ang sama ng ugali mo, Lee!"

"Bahala ka sa buhay mo. Tsh. CR muna ako," paalam niya pa uli.

"OO, AT ALAM MO BANG SI KIM ANG NAGKAKALAT? SI KIM PA KAMO! SI KIM PA MISMO! BWAHAHAHAHAHA!" Nagkatinginan kami ni Tob nang mangibabaw ang malakas na boses ng isang babae. "EWAN KO, PERO MARAMING NAGSASABING TOTOO RAW, EH. MARAMI RAW ANG NAKAKITA SA KANILA R'ON SA BAR. OO NGA! ABA, EH, MALAY KO? NAPAKASUWERTE NAMAN NANG TAGURO NA IYON! HINDI NGA SIYA ASAWA NI MAXWELL--SI RANDALL NAMAN PALA! KAYA PALA ANG SABI NG PINSAN KO AY GUWAPO RAW ANG BOYFRIEND N'ON! NAGKATAON NAMAN KASING TUMIGIL SA PAG-AARAL IYONG PINSAN KO DAHIL NGA NABUNTIS, 'DI BA? OO! KAYA 'AYUN, HINDI NIYA ALAM NA BREAK NA SILA. BASTA ANG ALAM KO LANG, EX-BOYFRIEND NI TAGURO SI RANDALL AT MAHAL PA NILA ANG ISA'T ISA."

Agad na nag-usok ang tainga ko at humugot ako ng isang napakalalim na hininga.

'Basta ang alam ko lang, ex-boyfriend ni Taguro si Randall at mahal pa nila ang isa't isa.'

'Basta ang alam ko lang, ex-boyfriend ni Taguro si Randall at mahal pa nila ang isa't isa.'

'Basta ang alam ko lang, ex-boyfriend ni Taguro si Randall at mahal pa nila ang isa't isa.'

Muling nagpaulit-ulit iyon sa pandinig ko at nakakarindi na!

'What the hell?'

"Hoy, ikaw!" Sigaw ko r'on sa babaeng iyon na siyang malakas na nagsasalita habang may kausap sa cell phone.

"Oh my G!" Maarteng aniya pa. "I think Deib just heard me, I'll call you back later," mahinang dagdag niya pa tsaka takot na humarap sa'kin. "I'm so sorry, Deib, I didn't mean to--"

"Get out of my sight!" Sigaw ko at napanga nga siya. "Napakapangit mo!"

"Y-Yes, Deib, I'm really sorry--"

"NOW!" Buong puwersang sigaw ko pa at saka ako huminga ng sunod sunod.

'Damn it! Damn it! Damn it!'

"Hoy, ang init naman bigla ng ulo mo?" Natatawang tanong ni Tob.

"Nakakabadtrip, eh!"

"Hahahaha! Bakit ka naman nabadtrip, dre?"

"Narinig mo ba iyong sinabi n'on, ha?"

"Malamang, magkasama tayo, eh!" Natatawang aniya at sininghalan ko naman siya ng tingin. "Oh, anong meron? Hahaha! Hindi ka naman binanggit n'ong tao, ah?"

"Oo nga, pero binanggit niya si Kim!"

"Eh, ano naman ngayon sa 'yo? Psh, hindi ka pa rin binanggit, hahaha! Ang ayaw mo lang ay iyong nababanggit ka."

"Naiinis pa rin ako!"

"Bakit nga?" Tanong niya nang may nanunuksong tingin. "Dahil ba talaga sa nabanggit ang pangalan ni Kim o..." Pambibitin niya pa tsaka ngumisi ng todo.

'Heto na naman siya, mang-aasar na naman itong pesteng 'to.'

"Ano na naman?"

"O dahil sinabi niyang mahal pa nina Randall at Max ang isa't isa?" Biglang seryosong tanong niya. Hindi ako nakasagot agad. Kitang kita ko kung paano siya naging seryoso habang nakangiti pa rin, nawala ang mapanukso niyang tingin.

"Loko ka, ah!"

"Naaay! Late reaction 'to, eh!"

"Tch! Ano bang sinasabi mo riyan? Puwede ba? Naiinis lang ako dahil binanggit niya pa si Kim--bukod doon ay wala na!"

"Napakadefensive mo, Enrile!"

"Ang lakas mo kasing mang-asar! Tigilan mo 'ko, Tob, ah!"

"Hindi bale, hindi kita mamadaliin, dre. Alam kong darating ka rin sa puntong malalaman mo ang tunay na nararamdaman mo sa kaniya..."Makahulugang aniya pa at natigilan naman ako. "Malalaman mo ring nagseselos ka na pala."

Sunod sunod ang naging paglunok ko. "H-hindi totoo 'yang sinasabi mo! Hindi ako kailanman magkakagusto kay Taguro--tandaan mo 'yan! At mas lalong hindi ako magseselos kung mahal niya pa rin si Randall! Wala akong pakialam sa kaniya!"

"Hahahaha! Eh, hindi naman si Max 'yong kaniya na tinutukoy ko, tulok!"

"E-Eh, sino ba?"

"Si Randall!" Turan niya at nabigla naman ako. "Si Randall ang tinutukoy ko, bwahahahaha!"

"Sira-ulo ka!" Singhal ko at tumawa naman siya nang tumawa. "Badtrip!"

"Hoy, ano ba kayong dalawa?" Biglang sumulpot si Lee mula sa likuran. "Kung mag-usap kayo ay parang napakalayo ninyo sa isa't isa."

Nauwi kami sa simpleng kuwentuhan pero wala nang kinalaman sa mga nangyari noong nakaraan.

"Gusto ko talagang maging Engineer," usal ko. "Badtrip, hanggang ngayon ay hindi pa nababanggit sa kanila."

"Eh, bakit nga ba hindi mo pa sabihin?" Seryosong tanong ni Lee.

"Dahil alam ko ngang Medicine ang gusto nila para sa'kin," ungot ko. "Tch! Ano bang maganda sa Medicine? Delikadong course 'yon dahil buhay ng tao ang hahawakan mo, hindi ba sila natatakot?"

"Buhay rin naman ng tao ang hahawakan mo, ah?" Nakangiting ani Lee. "Sa mga buildings na itatayo mo, kailangang siguruhing matibay ang pundasiyon mo dahil nakasalalay r'on ang buhay ng taong titira."

'Akalain mong nabigyan niya pa ng dahilan 'yon? Tch! Nakakayamot!'

"Oo nga naman, dre," sang-ayon ni Tob. "May point si Lee. Kunsabagay, lahat naman ng course ay may buhay na nakasalalay. Tayo nga mismo, nakasalalay ang buhay natin sa mga course natin dahil mapapatay tayo ng mga magulat natin kapag bumagsak tayo sa kursong ipinaglalaban natin. Bwahahahaha!" Biro niya at nagtawanan kaming tatlo.

"Oo nga naman dre.. may point si Lee! Sabagay, lahat naman ng course ay may buhay na nakasalalay! Tayo mismo ay nakasalalay ang buhay natin sa mga course natin.." si Tob.

"Bakit naman!?" kami ni Lee.

"Dahil mapapatay tayo ng mga magulang nating kapag bumagsak tayo sa course na ipaglalaban natin bwahahahahahaha!"

Matapos niyon ay dumeretso na kami sa campus, niyaya ko silang pumunta sa Canteen para bumili ng tubig.

'Maaga pa, nandito na kaya si Taguro? May practice yata sila, eh.'

Pasimple kong nilingon ang hall nila pero patay na ang ilaw r'on at kitang kita ko na ang malaking pad lock. Paniguradong tapos na ang practice nila.

Pagkapasok namin sa Canteen ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Taguro ang makikita ko sa puwestong iyon, nakasalampak ng upo at nakayuko sa mesa.

'Kahit kailan ay wala siyang kuwenta! Ano ba naman iyong umayos siya ng upo para makita niya ako? Tch! Bastos!'

Nagtuloy lang ako sa paglalakad bagaman gusto ko siyang lingunin at sigawan. Hindi man lang siya nagsabi kung nakauwi na ba siya ng maayos o hindi at napakabastos nang ganoong pag-uugali.

Ngunit natigilan ako nang magtama ang paningin namin ni Maxwell.

'Tch. Dahil sa kayabangan mo ay sumabay na naman sa ex niya iyong kapatid mo! Pareho kayong tanga!'

Inis akong lumihis ng tingin hanggang sa makalampas siya. Dumeretso ako sa line at pasimpleng sinusulyapan si Taguro.

"Dito sa cashier ang tingin, dre, wala riyan ang bilihin," bulong ni Tob dahilan upang matinag ako. Nahuli niya akong nakatingin kay Taguro.

"T-Tinitingnan ko lang kung darating si Kim," utal na bulong ko.

"May water jag si Kim, dre, 'wag kang tokis."

Nagngitngit ang kalooban ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang tingnan si Taguro. Pilit kong inalis iyon sa isip ko at matapos kong bumili ng tubig ay walang lingunang lumabas ako ng Canteen, doon lang ako nakahinga nang maluwang.

"Tara sa quadrangle, mukhang handa na sila para sa announcements," dinig namin ang isang freshman kaya sumunod na lang kami r'on.

Nasa ginawang entablado na nga ang mga Moon, kasama sina Lolo at Chairman Enrile. Wala pang nagsasalita dahil abala pa si Migz sa pakikipag-usap kay Coach.

"Maaaring ang iba sa inyo ay nalungkot nang dahil sa naudlot nating sportsfest pero hindi niyo na kailangan pang malungkot dahil sa wakas ay magaganap na ito," panimula ni Lolo.

"YEHEEEEEEEY!"

"WAAAAAAAAA!"

"EXCITED NA AKO!"

"Ang mga manlalaro ay abala na sa pag-e-ensayo kaya naman inaasahan naming ang bawat isa sa inyo ay makikiisang sumuporta sa kanila," dagdag pa ni Lolo.

"YEEEEEES, DEAN!"

"Gaganapin na ang inter high sa araw ng lunes sa susunod na linggo. Dito sa BIS gaganapin ang opening remarks at ang BIS dance troupe ay may performance sa araw rin na iyon. At mula rito ay lilipat naman tayo sa SIS para doon ganapin ang preliminary games."

"WAAAAAAAAAA!"

Ang dami nang sinabi ni Lolo at bawat linyang binitiwan niya ay sigawan ng mga estudyante ang kasunod. Ngunit hindi man lang ako tinamaan ng interes sa mga iyon. Parang mas gusto nang mga mata ko'ng maghanap nang maghanap pero hindi ko magawa. Palihim pa rin akong lumilinga linga dahil hindi ko talaga mapigilan.

'Tch! Alam niya nang may announcements, bakit nasa Canteen pa sila? Gutom na gutom?! Tch! Hindi ba siya nag-agahan kanina?! Nakakailang kain na nga ako, eh!'

"What's your favorite sports?" Nangibabaw ang tinig ni President Moon at gulat naman akong napatingin sa stage.

"BASKETBALL!"

"WE LOVE YOU, DEIB LOHR ENRILE!"

"TOB YANAI FOR THE WIN!"

"LEE, WOOOH!"

"VOLLEYBALL!"

"SOCCER!"

"BASEBALL--DAHIL WALA NANG BALIW NA SI YSAY!"

"BWAHAHAHAHAHA!"

"BILLIARDS! FIRST TIME MAPAPANOOD NANG LAHAT ANG TAGURO BROTHERS! WOOOH!"

Kaliwa't kanan ang sigawan ngunit iyong huli ang umagaw sa atensiyon ko. Nangibabaw ang pangalan nina Taguro at Parrot sa mga ito.

'Nasaan na kaya sila?'

"Interesting," nakangiting ani President Moon. "Maaari ko bang malaman kung sino ang mga representatives ninyo?"

"Mr. de Matta, Mr. Sanchez, Ms. Marchessa and Ms. del Valle, kindly stand up?" Ani Lolo sa mikropono at saka luminga linga sa mga estudyante. "Sila po ang representatives ng BIS sa billiards, Miss President."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilingon kung saan nakatingin sina President Moon at si Lolo. Doon ko nasilayan ang mukha ni Taguro.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kung ano ang sumibol sa dibdib ko dahilan upang matuwa ako noong makita ko siya. Nakakabagabag ang pakiramdam na iyon.

'Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Deib? Bakit ganiyan ang nararamdaman mo? Hindi ka naman ganiyan dati, ah?'

Nagtuloy pa ang pagsasalita nila sa stage at ako naman ay hindi nagbalik sa katinuan. Hindi mawaglit sa isip ko ang kakaiba at bagong pakiramdam na iyon sa'kin.

Nakarecover lang ako noong matapos ang announcement. Nanguna akong tumayo at naglakad papalayo.

'Hindi tama ito, hindi ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Bakit ganon na lang iyong naramdaman ko noong makita ko si Taguro? Bakit parang gustong gusto ko siyang makita? Bakit nagagalit ako sa kaniya dahil kay Randall siya sumabay kagabi? Ha! Hindi ka dapat makaramdam ng ganiyan, Deib, dahil siya iyong peste nang buhay mo!'

Sandali akong natigilan sa paglalakad. "Hindi kaya... tama si Tob?" Mahinang usal ko pa habang nakahawak sa dibdib ko.

Muling nagsulputan ang mga tanong sa isip ko. Ngunit ang mga tanong na iyon ay wala nang kinalaman sa pagkatao ni Taguro. Tungkol na ito mismo sa pagkatao ko at sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

'Hindi ko ba talaga alam? O n-nagpapanggap lang akong hindi ko talaga alam?'

Lalo akong natigilan nang dahil sa naisip ko. Mas pinabilis niyong ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay natatakot ako.

"Damn it," bulong ko. "Hindi puwede 'to..."

'Oo, Deib, hindi puwede 'yan. Hindi talaga puwede dahil kapag nagkataon ay mapapahiya ka sa sarili mo at sa ibang tao kaya hangga't maaga--iwasan mo na. Maawa ka sa sarili mo.'

Natigil ako sa paglalakad nang makita ko si Taguro na dumaan sa harapan ko at dahil mayabang nga siya ay hindi niya ako napansin. Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang likurang bahagi ng Gym na siyang katabi naman ng Batibot.

'Anong gagawin niya ro'n--President Moon?'

Agad akong nagtago sa likod ng poste nang makita ko si President Moon na sinalubong si Taguro.

"Talaga palang hindi ka pa rin nadala sa nangyari sa iyo, Maxpein? You're really unbelievable!" Sarkastikong ani President Moon. Sinilip ko si Taguro ngunit mukhang balewala na naman dito ang kaharap. "Bumagsak ka na nga sa SIS nang dahil sa bilyar, hanggang ngayon ba naman ay gagawin mo pa rin? At sumali ka pa talaga sa varsity? Hahaha!"

'Tsk! Kasalanan ko 'to, eh. Tsk. Nandiyan na, eh!'

"Maxpein, paniguradong babagsak ka na naman dahil puro bilyar ang aatupagin mo. Bukod doon, dinig ko'y nagkakasama na naman kayo ni Randall? Talagang wala kang kadala dala," iiling-iling pang dagdag niya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Maze," walang modong tugon ni Taguro.

"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ko o hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo?" Biglang nagtaas ng boses ang Presidente. "Bakit ba hanggang ngayon ay ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong hindi ka na gusto?"

"Tss, hindi ako gusto? O hindi mo gusto para sa 'kin?" Sarkastiko ring tanong ni Taguro.

"And what you're trying to say is?"

"Hindi ba't ikaw ang gumawa nang paraan para magkahiwalay kami? Tss. Ang lakas ng loob mong sabihin sa 'kin 'yan, samantalang alam mo sa sarili mo kung anong ginawa mo para magkaganoon kami."

'Anong ibig niyang sabihin?'

"Hahahaha! I don't know what you're saying, Maxpein."

"Stop lying, Maze, I know everything already," malumanay pa ring ani Taguro. "Alam ko nang tinakot mo si Randall kaya niya ginawa iyon. Anong karapatan mong gawin iyon sa 'min? Bakit ba ganoon ka na lang kadesididong paghiwalayin kami? Bakit ganoon na lang katindi ang kaya mong gawin--kesehodang makapanakit ka ng damdamin--mapaghiwalay mo lang kami?" Biglang nagtaas ng boses si Taguro.

"Because you don't deserve to be together!" Asik ni Maze. "You don't deserve each other--lalo ka na! Hindi ka karapat-dapat sa isang lalaking gaya ni Randall! Ha! Ang lakas naman ng loob mong maghinanakit ng ganiyan? Look at yourself, Maxpein, you're a big mess!"

"At anong basehan mo para malaman kung sino ang hindi at karapat-dapat para sa isang tao? Dahil ba anak ako sa ng asawa mo sa pagkakamali ay hindi na ako puwedeng tanggapin ng pamilya ni Randall? Baka nakakalimutan mong asawa mo pa rin ang tatay ko?"

Humalakhak si Maze. "Iyon na nga ang masakit doon, eh. Anak ka sa labas ng asawa ko."

"Nakakatawa ka, masiyado kang apektado sa relasyon namin samantalang hindi naman ikaw ang mapapahiya kung hindi kami."

"Sa ginagawa mo ay napapahiya rin ako."

"Alam mong hindi ang lahat ng tao ay alam kung ano ako sa pamilya mo, kaya 'wag mong idahilan sa 'kin 'yan. Sabihin mo nga sa 'kin, bakit kailangan mong gawin 'yon?"

"You really have no idea, Maxpein," sarkastikong ani President Moon na ikinagalit ng mukha ni Taguro.

'Ibig sabihin ay si President Moon ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Ano ba namang klaseng pamilya 'to? Ang gulo!'

"I'm just curious, what's the reason why you're acting like this? Don't tell me that you still have feelings for him?" Nakakaloko ang ngiting tanong ni Maze.

Dahan dahan akong napatingin kay Taguro, bagaman bakas ang galit sa mukha niya ay nag-iba pa rin ang ekspresiyon doon.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may pakialam ka pa, Maze. Sa kagustuhan mong maging masaya, wala kang pakialam kahit makapanakit ka nang damdamin ng iba. Ngayon ko lang sasabihin 'to kaya inaasahan kong pakikinggan mo. Tigilan mo na ang pakikialam sa buhay ko hangga't may natitira pa akong respeto sa 'yo. Dahil sa susunod na makialam ka, kalilimutan ko kung sino ka." Makahulugang ani Taguro.

'H-Hindi kaya.. mahal niya pa si Randall? Tch! Maaaring ganoon nga, dahil hindi siya magagalit ng ganiyan kung hindi. Eh, ano bang pakialam ko?'

"You have to accept it, Pein. Your world is unfair."

"Patas ang mundo, Maze, pero hindi ang maga tao... lalo na iyong mga katulad mo." Sarkastikong ani Taguro tsaka tinalikuran siya. Sabay pa kami ni President Moon na pinanood ang paglayo niya ngunit ilang saglit lang din ay umalis na ito.

'Ganoon ba talaga ang trato nila sa isa't isa? Kakaiba. Napakawirdo ng pamilya nila. Tsk.'

Nang maramdaman kong wala ng tao ay tsaka ako naglakad papunta sa building namin.

"Hoy! Saan ka nanggaling?" Napalingon ako nang marinig ko ang tinig ni Tob. "Kanina ka pa namin hinahanap ni Lee, saan ka ba nagsuot? Anong ginagawa mo ro'n?" Turo niya pa sa pinanggalingan ko.

Umiling agad ako. "May tiningnan lang. Tara, may klase pa tayo."

Gaya ng nakasanayan na ay nahirapan ako sa pakikinig. Mas naglalayag ang isip ko ngayon kumpara noong mga nakaraan. At sa oras na ito ay si Taguro na naman ang laman ng utak ko.

'Si Taguro at ang walang kamatayan niyang pagiging misteryoso. Tch! Bakit ba nauuso na ang misteryosong hindi maganda? Tch! Ang taba niya nga, eh!'

Umandar ang oras at nagkasunod sunod ang klase. Ni hindi ko na nga namamalayan ang pagpapalit ng mga subjects dahil bukod sa nakalutang ang isip ko, sumasabay ang paglalayag ng emosyon ko.

'Bakit naman kasi kailangang marinig ko pa 'yon, eh? Hindi ko maintindihan, anong ibig niyang sabihin? Si President Moon ang dahilan kung bakit sila nagbreak? At anong ginawa niya? Tinakot niya si Randall? Paano? Tch! Ibig sabihin...'

"Kaya lang siya nakipagbreak sa kaniya ay dahil doon?!"

"MISTER ENRILE!" Nangibabaw ang tinig ni Dragona at natigilan ako.

"M-Miss..."

"Ano na naman ba?" Gitil na tanong niya.

"S-Sorry, Miss--"

"Get out!" Sigaw niya habang nakaturo sa pintuan.

"Miss naman?"

"I said, get out!"

"Miss--"

"NOW!" Mas malakas pang sigaw niya.

"Y-yes, Miss!" Napapahiyang tugon ko. Agad kong kinuha ang mga gamit ko at binirahan ng alis. Ni hindi ko na nagawang tingnan ang mga kaibigan ko ngunit batid kong nagulat din sila sa 'kin. "Tsk! Nakakayamot! Bakit naman kasi nagkakaganito na naman ako? Nakakainis! Dapat ay sa isip ko lang iyon!" Singhal ko pa habang naglalakad pababa ng building.

'Saan na naman kaya ako pupunta nito? Tsk!'

Natagpuan ko ang sariling naglalakad papunta sa parking lot ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakarating doon ay agad na akong natigilan. Namataan ko sina Taguro at Kim.

'Anong ginagawa nila riyan?'

Magkaharap silang dalawa at nakatayo sa mismong gate. Hindi ako kalayuan sa kanila ngunit masiyado silang tutok sa isa't isa kaya naman hindi nila ako nakita.

RANDALL'S POV

"Echavez!" Nangibabaw ang isang pamilyar na tinig. Agad akong napangiti nang makita ko kung sino ito.

"Mokz!" Magiliw na bati ko rito.

"Randall.. Randall.. Randall.." Nakangiti pa ring aniya. Kasama niya si Maxrill na masungit pa rin gaya ng dati.

"Director Mokz. Maxrill."

"It's been a long time! How have you been?"

"I've been good, how about you?"

"Ha ha ha ha ha! I'm still handsome."

"I agree, you look younger."

"Inaasahan ko na iyan! Ha ha ha ha! Where is your Mom?" Tanong niya pa na iginala ang paningin sa likuran ko.

"Ah, nauna na po sila, tinapos lang talaga iyong announcement." Nakangiting tugon ko. Nandito kami ni Mommy kasama si Lolo para sa announcements patungkol sa sportsfest.

"Mm, hindi kayo sabay na uuwi?"

"Hindi na, Director Mokz, dederetso ako sa school dahil may klase pa ako. Uuwi na sila sa bahay kasama sina Lolo at Rhumzell."

"Ganoon ba? Mm, nakakapagod ang kurso mo, son, you deserve a break."

"Makakapagrelax naman ako sigurado sa parating na sportsfest."

"Magkita na lang tayo ro'n kung ganoon?"

"Sure, Director Mokz," magiliw na tugon ko tsaka ako bumaling kay Maxrill. "How are you, kid?"

"I'm good, Hyung," pormal na tugon niya.

"It's nice to hear that. I heard that you're planning to stay here for good?"

"But Maxwell and Maxpein do not agree with that."

"Mm? Why don't you try to talk to them again? Malay mo payagan ka na nila."

"Mm, thanks for the advice." Masungit pa ring aniya at saka bumaling kay Mokz. "Let's go."

"We'll talk again next time, Randall," ani Mokz. "He's hungry, ha ha ha ha ha!"

"See you around." Nakangiti pa ring tugon ko at saka tinanaw ang paglayo nila.

Doon na ako dumeretso papalabas sana ng BIS ngunit natigilan ako, nasisiguro kong si Deib itong nasa harapan ko at siyang nakaharang mismo sa daraanan ko.

'What is he doing here?'

Bahagya pang kumunot ang noo ko. Wala akong makitang dahilan upang manatili siyang nakatayo sa gitna ng pathway. Kaya naman tinanaw ko ang nasa harapan niya at mas lalo akong natigilan. Nakita ko sina Kim at Maxpein.

'What are they doing?'

Bahagya akong lumapit sa kanila sa paraang hindi ko maaagaw ang atensiyon nila.

"Ano na naman bang kailangan mo sa 'kin?" Dinig kong tanong ni Pein, bakas ang kawalan ng pasensiya sa tono ng pananalita niya.

"Do you have any idea how much I hate you?" Sarkastikong tugon naman ni Kim.

'Ano bang ginagawa niya? Tsk!'

Agad akong nakaramdam ng inis para kay Kim. Wala akong makitang dahilan para gawin niya ito kay Maxpein. Kung titingnan ko si Maxpein, base sa itsura niya ay mukhang wala siya sa mood.

"Nobody cares, Kim."

"I hate you so much that I don't want to see you anymore." Gitil na ani Kim. Gusto ko man siyang lapitan ngunit parang may sariling isip ang mga paa ko at ayaw nitong kumilos para sa 'kin. Meron sa loob kong nagsasabing pakinggan ko anomang pinagtatalunan nila.

"Ipikit mo ang mga mata mo kung ayaw mo akong makita."

"Iyon na nga ang nakakainis, eh! Kahit ipikit ko pa ang mga mata ko ay ikaw pa rin ang nakikita ko."

"Hindi ko na problema iyon kung ganoon. Ano na naman ba ang kailangan mo at naglaan ka pa ng oras para sugurin ako? Hindi ako interesado sa nararamdaman mo."

"'Wag ka nang magpanggap na walang alam dahil alam kong sinasadya mong dumikit kay Deib para mabaling sa iyo ang atensiyon niya!"

'Anong ibig niyang sabihin? Si Pein at si Deib?'

"Tss. Nagshashabu ka ba? Daig mo pa ang praning. Ano ba ang sinasabi mo?"

"Hindi ako praning dahil alam kong tama ang hinala ko!"

"Eh, di ikaw na ang magaling, naghihinala ka pa lang pero alam mo nang tama ka. Bibihira ang nakakagawa niyan, karapat-dapat ipagmalaki,"matabang na tugon ni Pein.

"'Wag mong ilayo ang usapan!" Singhal ni Kim. Napatingin ako sa paligid ngunit walang tao maliban sa aming apat. Kataka-taka lang na oras ng klase ngunit nasa harapan ko ngayon ang tatlong ito. "Sige nga, kung mali ang sinasabi ko--bakit kailangan mong dumikit pa kay Deib kung puwede namang lumayo ka na!"

"Wala kang magagawa dahil nagkakataon 'yon, okay?"

"Eh, bakit hindi mo pa siya iwasan?"

"Bakit ko naman siya iiwasan? Hindi ko siya dinidikitan kaya hindi ko siya kailangang iwasan."

"Baki hindi mo na lang kasi aminin na may gusto ka kay Deib?"

Natigilan ako. Napatingin kay Maxpein at pinagmasdan ang reaksiyon sa mukha niya.

'Hindi puwede 'yon, Pein, sabihin mo ngayon din na mali ang sinasabi ni Kim.'

"You're crazy," natatawa kunyaring usal ni Pein. "'Wag ka kasing isip nang isip para hindi ka napapraning, Kim. Hindi ba't ikaw ang unang nanloko kay Deib? Nagagalit ka ba talaga nang dahil kay Deib, o dahil kay Randall?"

"Shut up."

"Come on, Kim, stop being unreasonable. Nagagalit ka sa 'kin nang dahil kay Deib? Tss. Eh, hindi naman kami nagde-date para magreact ka ng ganiyan. Si Randall naman ay hindi ko na boyfriend para mapraning ka. Nakakasawa na kasi iyang walang-humpay na galit mo.

"Sa iyong sa iyo na si Randall--pero 'wag na 'wag mong aagawin sa 'kin si Deib!"

"Hindi ko siya inaagaw at hinding hindi ko siya aagawin. Sa iyo na lahat!"

'Pein..'

Mahihimigan na ang kawalan ng pasensiya kay Pein. "Kung nagkakaganiyan ka dahil akala mo ay inaagaw ko sila sa'yo, nagkakamali ka. Sa iyo na silang dalawa. Ginugulo mo ako para lang sa lalaki? Nakakabadtrip ka, alam mo ba 'yon? Ano bang gagawin ko sa 'yo para manahimik ka na?"

"Ang mawala ka na sa buhay namin ni Deib!"

"Wow, hahaha," sarkastikong tumawa si Pein. "Bakit? Plinano ko bang pasukin ang buhay n'yo? Baka nakakalimutan mong si Deib ang nag-umpisa nang lahat ng gulo? Sinabi ko na sa inyong tigilan n'yo na ako pero wala kayong ginawa kung hindi ang ikonekta ang sarili n'yo sa 'kin. Tapos ngayon ay ako pa ang dapat na mawala? Eh, kung kayo ang burahin ko sa paningin ko?"

"Sino ka ba sa akala mo, ha? Masiyado kang mayabang--palibhasa'y ex mo si Randall at kasundo mo na si Deib ngayon! Hindi mo ako maiintindihan dahil wala kang ibang inisip kung hindi ang sarili mo! Dahil hindi mo naranasan ang naranasan ko!"

"Kaya ka nagkakaganiyan dahil akala mo ay ikaw lang ang nasaktan," makahulugang ani Pein dahilan upang matigilan si Kim at mapatitig sa kaniya. "Hindi kita maintindihan dahil may sapak ka at matino naman ako. Tanggapin mo na, Kim, lahat nang nangyayari ngayon ay hindi mo na maiiwasan. Nagkukusa ito, dahil lahat ay nakatakdang mangyari. Wala kang magagawa kaya sabayan mo na lang."

"At sino ka sa akala mo para paniwalaan ko? Ha?"

"Eh, di 'wag kang maniwala. Tss. Umalis ka lang sa harap ko, ayos na."

"Psh. Ang sabihin mo... kaya hindi mo magawang lumayo kay Deib dahil may gusto ka na sa kaniya. Ang simple simple ng tanong ko pero hindi mo masagot ng deretso."

"Kahit ngayon lang, Kim, patahimikin mo ako. Ako na ang nakikiusap." Mahinahong ani Pein na akmang aalis na ngunit nawala sa kaniya ang atensiyon ko.

Biglang humarap si Deib sa gawi ko dahilan upang magtama ang mga paningin namin. Pareho pa kaming nagulat habang nakatingin sa isa't isa at hindi makapagsalita.

"Sabihin mo na lang na may gusto ka kay Deib para hindi ka nagkakaganiyan!" Dinig ko pang hamon ni Kim. "Just admit it!"

"Wala nga akong gusto sa kaniya!" Palahaw ni Pein.

At laking gulat ko kung paanong ang gulat na reaksiyon ni Deib kanina nang makita ako ay napalitan ng gulat na may bahid ng panlulumo.

'Tama ba itong nakikita ko?'

Hindi ko maipaliwanag ngunit meron bagay sa loob kong nagsasabing ganiyan ang reaksiyon ni Deib dahil hindi niya nagustohan ang narinig niya.

'Hindi puwede, nagkakamali lang ako. Mali ang iniisip ko. Mali ang nakikita ko kay Deib ngayon.'

Parang nanghihinayang siya sa nadinir niya dahilan upang bumagsak ang mga balikat niya't pumungay ang mga mata. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin at ibinaling iyon sa tagiliran niya. Alam kong napapahiya siya ngayon sa harapan ko.

"Deib?" Biglang usal ni Kim. Maging ako ay nagulat nang lingunin niya ako. "R-Randall? Anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya ngunit hindi ako sumagot.

Pumihit paharap si Deib kay Kim dahilan upang hindi ko na makita ang reaksiyon niya. Bahagya akong lumapit habang nakatuon kay Pein ang paningin. May kung anong kirot sa dibdib ko nang makita kong nakatingin sina Deib at Pein sa isa't isa.

'Bakit kailangan nilang magtitigan ng ganiyan?'

Gusto kong hawiin ang pagitan ng mga mukha nila para mawala ang titigan nilang iyon pero hindi ko kaya.

"A-Ah..." pilit ang ngiting sambit ni Deib. Iyon lang ang sinabi niya ngunit mahihimigan ang kaba roon. Balisa siya at hindi makatingin kay Pein na nananatili namang blangko ang mukha.

"Deib, h-hindi ko sinasadyang sabihin iyong mga nasabi ko--"

"It's okay, Kim," pigil sa kaniya ni Deib. "But you don't have to do this. It's senseless." Bakas sa kaniya ang pagpipigil ng galit.

"Gusto ko lang naman kasing malaman kung--"

"Enough," muling pigil ni Deib sa kaniya. "Just go."

"Deib?"

"I'm asking you nicely, leave."

"I'm sorry," naiiyak na sambit ni Kim tsaka patakbong lumayo. Kaming tatlo na lang ang naiwang nakatayo at magkakaharap.

"Where are you going, Pein?" baling ko rito, gusto kong mabasag ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.

"Magpapahangin," napapabuntong-hiningang tugon niya.

"Gusto mo bang samahan kita?" Nag-aalalang tanong ko. Ngunit bumagsak ang mga balikat ko nang hindi niya ako sagotin at lingunin si Deib. Mataman niyang pinagmasdan ang mukha niya at walang sali-salitang tumalikod at naglakad palayo. Susundan ko pa sana siya ngunit mabilis niyang naimaniobra ang motor niya at sa ilang segundo lang ay pinaharurot iyon.

'Anong nangyari sa 'yo, Pein? Nag-aalala ako.'

"Mauna na ako--"

"Deib," pigil ko sa kaniya nang umasta siyang lalabas ng gate. "I didn't mean to hear everything. I really don't know what to say but... I hope you're okay?" Patanong pang dagdag ko.

"I'm better than okay, Randall," preskong tugon niya.

"Wala ka bang klase?"

"Wala na," batid kong pagsisinungaling niya at saka tinalikuran ako.

'Tsk. Ano ba'ng nangyayari?'

Napako ako sa kinatatayuan habang pinaglalaruan ang mga tanong sa isip ko. Kuwestiyonable sa 'kin ang ginawang kumprontasiyon ni Kim kay Pein. Ang reaksiyon ni Deib noong marinig niyang sabihin ni Pein na wala siyang gusto rito. At ang pag-aalalang nakita ko sa mga mata ni Pein nang titigan niya si Deib.

'Parang ang lungkot lungkot na naman niya. Anong nangyari, Pein? Nag-aalala na ako nang sobra.'

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
67.8K 885 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...