"BABABA PO BA KAYO, MA'AM?" tanong ng taxi driver habang nakatingin kay Trini mula sa rearview mirror. Kanina pa sila nakahinto sa tapat ng isang bahay na may malaking garahe sa harap, subalit ang pasahero ay hindi pa rin kumikilos mula sa kinauupuan.
Si Trini na mahigit limang minuto nang nakatanaw sa bahay ni Gene ay napalingon sa driver at nagsabing, "S-Sandali lang po." Saka nito ibinalik ang pansin sa labas.
Nakasara na ang garahe sa harapan subalit bukas ang ilaw sa loob ng bahay—ibig sabihin ay may tao sa loob. At kung may isang bagay ang nakaagaw ng pansin niya ay ang pamilyar na motorsiklo sa harapan.
And it wasn't Gene's.
It was Chona's.
Nakagarahe ito sa loob ng gate na tila ba may lugar ito roon.
Per... wala ba?
"Pasensya ka na, Miss, pero kailangan din kitang i-charge sa paghihintay, ha? Tumatakbo pa rin kasi ang metro."
Pasagot na siya upang sabihin sa driver na walang problema at nakahanda siyang magbayad nang makita niya ang biglang pagpatay ng ilaw sa living area kasunod ng pagbukas ng front door. Napa-uklo siya sabay sandal upang itago ang sarili sa dilim. Alam niyang hindi rin siya makikita sa loob dahil malibang nakapatay ang interior light ay pumarada ang taxi sa medyo madilim na bahagi ng kalsada.
Nakita niya ang paglabas ng pamilyar na bulto—si Chona. She was looking hot and spicy in her black leather pants and boots. Ang pang-itaas nito ay puting body-fitting cloth na pinatungan ng pulang leather jacket. Her hair was in messay bun, too.
So freaking hot. Na kahit siyang babae rin ay napapatulala.
Nakita niyang pinatay muna ni Chona ang ilaw sa sala bago nito inisara ang pinto ng bahay saka humakbang patungo sa motorsiklo nito. Chona pushed something into her pocket before getting on to the bike.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita niya ang paglabas nito sa gate, ang muling pagbaba upang isara iyon, at ang muli nitong pagsampa sa bike bago tuluyang umalis.
Walang tao sa loob ng bahay— wala si Gene.
Kaya ano pa ang ginagawa niya roon?
Napabuntonghininga siya at inihilig ang ulo sa sandalan.
Mukhang nagsasama na nga sina Gene at Chona...
I saw her with a duplicate key, it was what she pushed into her pocket. In short, Gene gave her access to the house.
She isn't just a fling. She successfully... crawled her way into Gene's life.
And really... Good for them. Nagtagumpay si Chona na kunin ang atensyon ni Gene, at si Gene naman ay tagumpay na nakausad.
Fuck. Good for them...
Sana lang ay... mapaligaya niya si Gene. Sana lang ay mabigyan niya ng pamilya si Gene. Ng mga anak. Many of them, if possible.
Because I just know... he would be a great father...
Naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang lalamunan sa huling mga naisip.
Pinaghalong lungkot at hapdi ang nararamdaman niya sa dibdib, at ayaw niyang umiyak sa loob ng taxi. Umupo siya nang tuwid at sinabi sa driver na umalis na sila.
Pero imbes na sabihin ang address ng condo ni Jerome ay sa ibang lugar siya nagpahatid...
*
*
*
"NAUNA NA AKONG UMALIS. HINDI KO NA HININTAY NA MATAPOS ANG RACE ni Sky. Call me when you're on your way home, I'll just meet you there." Hindi na hinintay pa ni Gene ang pagsagot ni Chona. Tinapos na niya ang tawag at inisuksok pabalik sa suot na pantalon ang cellphone bago siya tuluyang bumaba sa motorsiklo.
Kagagaling lang niya sa isang racing field kung saan buong araw siyang nagtrabaho. May malaking race sa araw na iyon at kinailangan siya ng mga kliyente niya upang siguradohing nasa maayos na kondisyon ang mga mga sasakyang ilalaban sa karera. It was actually an illegal race organized by wealthy people who liked to burn their money for nothing. Sky and the rest of his car racer friends joined and they exploited him to come.
It's been so long since he attended this kind of event—almost underground—and he got curious. Pawang mga socialites at anak-mayaman ang mga kalahok at naroon sa race na iyon. Milyon-milyon ang pustahan. Sky O'Hana was winning—pero hindi na niya tinapos pa ang race at umalis na siya. He had completed his job, anyway. There was no reason for him to stay. Besides, umiiwas siya sa mga katanongan. Siguradong hindi na naman siya tatantanan ng mga kakilala niya kung bakit wala at hindi niya kasama si...
He halted and shook away the thoughts.
Ibinalik niya ang isip kay Chona.
Hindi niya alam na sumunod doon si Chona matapos nitong manggaling sa isang family gathering. Nang tinawagan siya nito upang ipaalam na naroon ito'y kararating lang niya sa Ramirez. Nagkasalisihan sila—marahil dahil sa rough road siya dumaan habang sa main road naman ito.
But anyway, magkikita at magkikita pa rin naman sila. Doon ito madalas sa bahay niya natutulog kaya mamaya'y siguradong doon na naman ito magpapalipas ng gabi. At marami din itong mga kaibigan doon sa pinanggalingan niya, kaya kahit wala siya ay mag-i-enjoy ito.
Besides, Chona was a strong, independent woman. Someone high calliber— kaya nitong alagaan ang sarili.
Yeah, that's probably one of the reasons why it was easy for him to allow Chona to be part of his life. Chona was someone he could rely on when it came to consistency; mula noon hanggang sa mga sandaling iyon ay walang pagbabago rito at sa mga gusto nito.
Plus, he thought he needed a diversion, and Chona was more than willing to impart on his journey to moving on.
It was very convenient—Chona was there at the right place, at the perfect time.
At ang inasahan niyang mahirap na pag-usad ay naging madali –kahit papaano—dahil dito. He couldn't be thankful enough to her.
Hindi pa niya naipakikilala si Chona sa ina niya; he thought it was still early for them to meet, but Chona had already met Aris and Lee. As expected to his brothers, they were all very supportive. Kahit si Phill ay madalas siyang tawagan upang kumustahin.
He appreciated his family's support. Without them, moving on would have been hard.
"Good evening," bati niya sa bagong waitres na sumalubong sa kaniya sa entry ng pub. Nakangiti siya nitong inigiya papunta sa bar counter. The last time he was there was three nights ago, at ngayon lang niya nakita ang babae. Nagpasalamat siya rito bago humarap sa bartender.
Si Gordon, ang bartender na kilala na siya, ay ngumiti pagkakita sa kaniya. May kausap itong isa pang customer sa bandang dulo kaya naghintay siya hanggang sa lapitan siya nito.
"Same as usual, bossing?"
"Nah. Bigyan mo ako ng shots."
"Aba, bagong buhay, ah?" Ngumisi ito. "What kind, Boss?"
"A shot of Four Horsemen, Gords."
"Right away!" Nakangising inihanda ni Gordon ang shot na ni-order niya. Makalipas ang ilang sandali ay inilapag nito ang apat na shot glass sa harapan niya. "On the house ang dalawa, bossing. Birthday ng anak ko ngayong araw."
"Lahat ba ng customers na nakakasalamuha mo ay binibigyan mo ng libreng shot?" Nakangiti niyang kinuha ang isang shot saka diretsong tinungga.
"Ikaw pa lang, at secret lang natin." Bumungisngis ito. "Pasasalamat ko sa libreng gulong na binigay mo sa akin noon."
"Hindi na bago iyon, Gordon. One of my customers left it for disposal—"
"Na nagamit ko pa ng tatlong buwan mahigit, kaya salamat pa rin, Bossing."
Napailing na lang siya at tinungga ang isa pang shot.
Si Gordon naman ay sinaluduhan muna siya bago hinarap ang kauupo lang na customer.
Abala ang mga staff ng pub. Marami ang mga customers dahil Biyernes ng gabi, kaya mas maingay kaysa sa normal ang paligid.
At kapag ganito ang sitwasyon sa pub ay kadalasan, hindi siya nagtatagal. Unless he was with...
Ipinilig niya ang ulo upang alisin ang alaala ng taong biglang naisip. Inabot nito ang isa pang shot ng alak at akmang dadalhin sa bibig nang mula sa isang sulok ng pub ay may narinig tila nabasag kasunod ng pagtili.
Inagaw ng ingay na iyon ang pansin ng lahat, kaya hindi lang siya ang napalingon sa direksyon kung saan tila may nagkakagulo.
Hindi na kakaiba sa mga pub na tulad niyon ang magkaroon ng gulo, o magkaroon ng lasing na mga customers na natutumba o nakababasag ng mga bote, kaya hindi siya nagulat nang makita ang dalawang staff na nakaharap sa customer na mag-isang nakaupo sa sulok na mesa na tila inaalo ito o tinutulungan. He couldn't tell what was really happening from where he was; all he knew was that there was a minor commosion. Could be one of the patrons who drank too much again.
Muli niyang akmang dadalhin sa bibig ang shot glass upang tuluyan nang inumin ang laman niyon nang umalis ang isa sa mga staff na nakaharap sa customer na nagsimula ng gulo. The staff left in a hurry, almost panicking. At sa pag-alis nito sa kinatatayuan ay saka tumambad sa paningin niya ang taong pinagmulan ng kaguluhan.
Kinunutan siya ng noo nang makilala kung sino ang naroon. And his world seemed to stop... again.
He forced himself to move on, and it wasn't a smooth road for him. Totoong naroon si Chona, subalit bago pa ito dumating ay mag-isa muna niyang hinarap ang mga araw. He went home-- to Asteria-- and spent time with his mother. Makalipas ang isang linggo ay bumalik siya sa Ramirez na kahit papaano ay mas maayos ang pakiramdam. A few days later, Chona appeared at his doorsteps.
At ang totoo ay may hapdi pa rin siyang nararamdaman, pero hindi na tulad ng dati. Hindi na kasing-sakit noon.
Ang sikreto ay ang pagsisikap niyang hindi ito maalala.
The more he dismissed her memories in his head, the better for him.
Kahit ang mga larawan nito—nila—sa cellphone niya ay binura na niyang lahat. He couldn't take the sight of her. They were bringing back bittersweet memories.
"See? I told you already!"
Bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang malakas na wari ni Trini sa isang staff na naiwan at nakatayo pa rin sa harapan nito. "Hindi ito ang brand na hiningi ko sa inyo. What are y'all doing? Nakapikit ba kayong nagsi-serve?!"
He obviously could tell she was drunk. Dahil malibang tila wala na itong pakialam sa itsura ay umaakto na itong kakaiba sa tunay na pagkatao nito. Trini was getting out of her mind.
Nakita niya ang basag na bote sa sahig at ang pagkukumahog ng staff na bumalik sa mesang may bitbit na puting basahan. Ang staff na iyon ang sandaling umalis kanina, at nang bumalik ay kaagad itong lumapit kay Trini saka ipinulupot ang towel sa nasugatang kamay ni Trini. They attended to her and gave her something for her wound. Base sa nakikita niyang dugo na umagos hanggang sa suot nitong pajama ay siguradong malalim ang sugat.
"Aba, 'di ba si Miss Trinity 'yan?" ani Gordon na nakatingin sa direksyon ni Trini habang nagtitimpla ng alak na inorder ng isa pang mga customers na nakaupo roon sa bar counter.
Hindi siya sumagot at itinuloy na lang ang pagtungga ng alak.
"Siya nga ba? Bakit parang iba ang itsura niya?" sabi pa ni Gordon, salubong ng mga kialay. "At kung siya 'yan, bakit magkahiwalay kayo ng—"
"Atupagin mo ang trabaho mo, Gordon," putol niya sa sinasabi nito bago ibinaba ang wala nang lamang shotglass.
"Pero kamukha kasi talaga, Bossing, eh." Wala sa loob na inabot ni Gordon ang bagong timplang alak sa isang customer saka hinarap siya. "Sigurado ba kayong hindi 'yan si Miss Tri—" Hindi na natuloy ni Gordon ang sasabihin nang muling magkagulo sa mesa.
He looked over his shoulder in curiosity and... concern.
Ngayon ay nasa likuran ni Trini ang isa pang staff na tila inalalalayan si Trini na makapaglakad. She was looking so drunk.. so hopeless.
Pinako niya ang sarili sa kinauupuan at nanatiling nanonood sa mga nangyayari.
Hanggang sa nag-angat ng tingin sa Trini—at hindi siya sigurado kung alam nitong naroon siya, pero saktong sa pag-angat nito ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila.
And Trini's eyes widened.
Then she lowered and head... and wept.
Huminga siya nnag malalim at ibinalik ang pansin kay Gordon na ngayon ay nagsaluboing na ang mga kilay. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Trini.
Inabot niya ang natitirang shot at dinala sa bibig. Inubos niya ang laman niyon saka ibinaba sa ibabaw ng counter. Tumayo siya at inilabas ang wallet bula sa backpocket. He took some cash and slid it over the counter.
"Kasama na ang tip d'yan." Pumihit siya patalikod kay Gordon bago pa man ito makasagot. At nang tumalikod siya sa counter ay muli siyang napasulyap sa direksyon ni Trini, at doon ay muling nagtama ang kanilang mga mata.
Sandali siyang nahinto—sandaling nakipagtitigan dito.
Hanggang sa napabuntonghininga siya... at nag-umpisang humakbang patungo sa pinto ng pub.
It was better to pretend he didn't care.
Para na rin sa kaniya.
Sa ikatatahimik at ikabubuti niya.