KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis...

By TalaNatsume

81.2K 2.8K 389

RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | GEMINI Title: Isaac Genesis Zodiac Genre: Romantic comedy | Light Erotica |... More

FAIR WARNING
Qualities and Traits of a GEMINI Man
Teaser 1: Gene and Trini @5
Teaser 2: Gene and Trini @10
Teaser 3: Gene and Trini @13
Teaser 4: Gene and Trini @16
Teaser 5: Gene and Trini @29
PORTRAYERS
Gene and Trini: Short Clip
CHAPTER 001 - Best Friends Since 1998
CHAPTER 002 - The Present Time
CHAPTER 003 - Never Gonna Happen
CHAPTER 004 - Never Him
CHAPTER 005 - Indecent Proposal
CHAPTER 006 - Gonna End Up An Oldmaid
CHAPTER 007 - Tear It Open
CHAPTER 008 - Friends For Life
CHAPTER 009 - The Favorite Girl
CHAPTER 010 - Champorado At Tuyo
CHAPTER 011 - It's Going To Be A Mess
CHAPTER 012 - She Always Needed Him
CHAPTER 013 - Her Best Friend, Her Hero
CHAPTER 014 - They Just Had No F*cking Idea
CHAPTER 015 - A Platonic Kind Of Love...
CHAPTER 016 - Closer To Him
CHAPTER 017 - Pampered Each Other
CHAPTER 018 - So Easy To Please
CHAPTER 019 - Not In Good Terms
CHAPTER 020 - Purrfect
CHAPTER 021 - Tantrums
CHAPTER 022 - Getting Used To It
CHAPTER 023 - Something Annoying...
CHAPTER 024 - Life Was Meaningless Without Her
CHAPTER 025 - Sound Right In His Ears
CHAPTER 026 - Teach Herself Not To Miss Him
CHAPTER 027 - The Difference Between Gene and Dee
CHAPTER 028 - The Challenge
CHAPTER 029 - Feelings Change
CHAPTER 030 - His Heart Skipped A Beat
CHAPTER 031 - He Just Wanted An Alone-Time With Her
CHAPTER 032 - Pushing Him Away
CHAPTER 033 - I Love You
CHAPTER 034 - The Winner Gets Her Heart
CHAPTER 035 - The Game Is On
CHAPTER 036 - Not Ready To Let Her Go
CHAPTER 037 - Not So Fair Fight
CHAPTER 038 - Making Her His
CHAPTER 039 - Play The Game
CHAPTER 040 - Be Careful What You Wish For
CHAPTER 041 - Or What?
CHAPTER 042 - Giving In To Temptation
CHAPTER 043 - The Start Of Awkwardness
CHAPTER 044 - Missing Her Like Crazy
CHAPTER 045 - Coward In Love
CHAPTER 046 - All His
CHAPTER 047 - Showing Her
CHAPTER 048 - More Than Just Friends Now...
CHAPTER 049 - Asking For A Sign
CHAPTER 050 - Like Lovers Should
CHAPTER 051 - Midnight Disturbance
CHAPTER 052 - Be Prepared
CHAPTER 053 - Changed His Mind
CHAPTER 054 - Tell Me How Much You Want This
CHAPTER 055 - Unbelievably Marvelous
CHAPTER 056 - Never Gonna Marry
CHAPTER 057 - She Has To Stay
CHAPTER 058 - Her First Everything
CHAPTER 059 - There Was Only Her
CHAPTER 060 - This Newly-Formed Relationship...
CHAPTER 061 - Bedroom Ghosts
CHAPTER 062 - Where She Belongs
CHAPTER 063 - Opening Party
CHAPTER 064 - Nothing Underneath
CHAPTER 065 - No Wedding Bells
CHAPTER 066 - He Would Soon Realize
CHAPTER 067 - Who Doesn't Want Babies?
CHAPTER 068 - Her Only Wish
CHAPTER 069 - Guess The Color
CHAPTER 070 - Infinite
CHAPTER 071 - Master and Slave
CHAPTER 072 - To the Moon and Back, To Infinity and Beyond
CHAPTER 073 - Inked Forever
CHAPTER 074 - Past to Present
CHAPTER 075 - Desired By Many
CHAPTER 076 - The Jealous Boyfriend
CHAPTER 077 - Lost Something
CHAPTER 078 - Promises Are Made To Be Broken
CHAPTER 079 - Getting All The Attention
CHAPTER 080 - So Wicked
CHAPTER 081 - Night of Madness
CHAPTER 082 - Sexy Piercing
CHAPTER 083 - Otherwise... What?
CHAPTER 084 - The Dilemma
CHAPTER 085 - When Things Get Tough
CHAPTER 086 - Scared To Share The Truth
CHAPTER 087 - Can't Promise The Same
CHAPTER 088 - Pushing The Love Away
CHAPTER 089 - Can't Lose Her
CHAPTER 090 - Moving Out of the Love Nest
CHAPTER 091 - Leaving
CHAPTER 092 - No Rights
CHAPTER 093 - Drained
CHAPTER 094 - Space To Grow
CHAPTER 095 - Move On and Out
CHAPTER 096 - Never Giving Up
CHAPTER 097 - His First Tear
CHAPTER 098 - Better Days Are Coming
CHAPTER 099 - His Last Resort
CHAPTER 100 - Hopes, Expectations, and Preventions
CHAPTER 101 - This Heart-Wrenching Reality
CHAPTER 102 - Letting Her Walk Away
CHAPTER 103 - The Promise She Didn't Keep
CHAPTER 104 - The Day He Finally Got Over Her
CHAPTER 105 - Back At Her
CHAPTER 107 - The Promise He Must Keep
CHAPTER 108 - Lost
CHAPTER 109 - That Was For The Best
CHAPTER 110 - Can't Stop Caring
CHAPTER 111 - Couple Tattoo No More
CHAPTER 112 - Hope?
CHAPTER 113 - Small World
CHAPTER 114 - Why?
CHAPTER 115 - Here's Why
CHAPTER 116 - Warm Welcome
CHAPTER 117 - Know Nothing
CHAPTER 118 - Series Of Wrong Decisions
CHAPTER 119 - Subtle Message
CHAPTER 120 - His Turn To Push Her Away
CHAPTER 121 - Another Proposal (EXCERPT)
CHAPTER 122 - Count On Him (EXCERPT)
CHAPTER 123 - Sneak (EXCERPT)
CHAPTER 124 - Can't Take Eyes Off Him (EXCERPT)
CHAPTER 125 - No Resistance (EXCERPT)
CHAPTER 126 - So Easy To Please (EXCERPT)
CHAPTER 127 - It's Still Her, Always Have Been (EXCERPT)
CHAPTER 128 - Return To Faith (EXCERPT)
CHAPTER 129 - Must Face The Reality (EXCERPT)

CHAPTER 106 - No Longer Relevant...

354 13 2
By TalaNatsume



NAKA-ILANG HILAMOS NA SI TRINI SUBALIT HINDI PA RIN MAALIS-ALIS ang pamumula ng ilong at mugto ng mga mata. She wanted to get rid of these unattractiveness, pero kahit ano ang gawin niya'y walang nangyayari. She had been standing in front of the mirror for a good couple of minutes, washed her face several times already, and she still looked awfull.

Bwisit na bwisit na siya.

Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ang ginawa ni Gene kanina. He totally ignored her as if she was some kind of a stranger.

Ikatutuwa ba niyang hindi na siya nito kinukulit at naka-usad na ito mula sa kaniya tulad ng huling sinabi nito sa telepono?

O ikamamatay niyang lalo dahil ngayon ay alam na niyang hindi siya ganoon ka-halaga rito?

He was able to move on from her that easy! Dalawang buwan pa lang ang nakararaan! At isang buwan pa lang ang nakalilipas nang opisyal itong bumitiw sa relasyon nila.

If she was someone special, it wouldn't be that easy for him to move on.

Damn it. Ano ba talaga ang gusto niya?

Hell. Kahit pala hindi niya ito ipagtabuyan—kapag namatay siya'y kaagad itong makauusad at makahahanap ng iba. He would probably cry for a month of two, pero sigurado na ang pag-usad nito sa ikatlong buwan at muling pakikipagharutan sa ibang babae.

Damn it, she was so worried for nothing.

And damn Gene.

Damn herself, too. Dahil pinlano niya itong lahat at pumapabor sa kaniya ang nangyayari, pero heto siya't marami pa ring reklamo.

Ipinatong niya ang mga kamay sa sink, yumuko, at sunud-sunod na nagmura sa isip. Sunod ay mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinubukang alisin sa isip ang naganap kanina.

Everything went exactly to her plan. She should be thankful that Gene was able to move on from her this easily. She should be thankful she wouldn't leave him lonely and vulnerable. Ito naman talaga ang gusto niya, kaya hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito ang nagiging reaksyon niya.

Muli siyang nagmulat at sinulyapan ang sarili sa salamin.

Damn, she looked like a witch.

Nagmukha siyang cuarenta sa itsura niya. Ang buhok niya'y parang loka. Ang mukha niya'y basang-basa, ang ilong at mga mata niya'y namamaga sa pag-iyak, ang pisngi niya'y lubog dahil sa pagbagsak ng kaniyang timbang. Ganito siyang nakita ni Gene kanina.

Hell. Nawala na nga ang lahat-lahat ng pag-asa niya sa buhay, pati dignidad ay nawala na rin.

What was left of her was her ugly face and vulnerability.

Shit. Lalong gusto na niyang mamatay.

Yumuko siya, binuksang muli ang gripo, at akmang muling maghihilamos para alisin ang biglang pag-asim ng mukha nang bumukas ang pinto ng banyo. Nalipat ang pansin niya roon; napatitig siya sa babaeng pumasok. Lumingon ito sa lababo upang sana'y sulyapan ang sarili sa salamin habang hinihintay ang pagbakante ng isa sa mga cubicle, subalit nang makita siya nito'y sandali itong nagulat, at nang makabawi'y malapad na ngumiti.

"Well, well, well..." anito bago nakahalukipkip na lumapit. Huminto ito ilang dipa mula sa likuran niya. "Ano ba'ng mayroon sa ating dalawa at laging sa banyo tayo nagkikita, Trinity?"

Humugot siya nang malalim na paghinga. Lalo siyang nakaramdam ng insecurity habang nakatitig sa magandang mukha ni Chona.

F*ck; sana ay nag-lipstick man lang siya.

Okay. Kung nawalan siya ng dignidad sa harap ni Gene kanina, kailangan ay bawiin niya iyon sa harap ni Chona ngayon.

"Pumunta ka ba rito dahil sinabi sa 'yo ni Gene na narito ako?" tanong niya habang nakatingin dito mula sa salamin.

Kinunutan ng noo si Chona, ang ngisi sa mapulang mga labi ay sandaling nawala. "Nakita ka ni Gene?"

"Hndi niya sinabi sa 'yo?" Kinunutan na rin siya ng noo.

"No, he didn't mention when he went back. Pagbalik niya'y nagyaya na siyang umalis at nag-bill out na." Realizing what had just happened, Chona's frown faded away. China smirked, and later on, that

smirk turned into a laugh. "Oh, I see. You are no longer relevant!"

Itinaas niya ang mukha at pilit na tinigasan ang ekspresyon. "If I wasn't relevant, bakit siya umiiwas at nagyaya nang umalis? Hindi niya ako kayang makita dahil gusto pa rin niya ako—"

"Stop dreaming, Trinity. Kaninang alas sinco pa kami narito at nakararami na kami ng inom. Bago siya nagpunta sa banyo ay tinanong na niya ako kung gusto ko nang umuwi sa bahay niya. And oh, yes. Sa bahay niya. Sa nakalipas na dalawang linggo ay doon na ako halos tumira."

Napahigpit ang pagkakahapit niya sa sink. "Y-You started dating two weeks ago?"

"Yeah. And it was the best two weeks of my life. So, thank you, Trinity."

Thank you, ulit niya sa isip. Damn you, Chona. Kung hindi ito nangyayari sa buhay ko ngayon ay nunca kong ipauubaya sa 'yo si Gene!

Yes, paubaya.

Ipinaubaya niya sa babaeng ito ang lalaking mahal niya.

Because that time, at Dee's restaurant, she and Chona made an agreement that when she was gone, she would like Chona to crawl her way into Gene's life.

And Chona did it successfully.

F*ck her.

At habang magkatitig sila ni Chona ay biglang bumalik sa isip niya ang gabing nagkita sila sa lugar na iyon.

Noong gabing nakita niya ang pagdating nina Phill at Gene sa Dee's restaurant—ang gabing hinalikan niya si Jerome at pinauwi sa bahay niya. Before all of that, she followed Chona to the restroom, and there they agreed on one thing...

"God, of all the places..." ani Chona nang makita siya. "What's up, huh?"

"Can we talk?"

Hindi niya alam kung tama itong ginagawa niya, pero nais niya ng taong makatutulong sa kaniya upang masigurong hindi malulungkot si Gene sa pag-alis niya.

Tumaas ang isang kilay ni Chona bago ini-sarang muli ang hawak na lipstick. She pushed it back into her make up kit before turning to face her. "Why do you look so awful? Ano'ng problema mo?"

Mula sa magandang mukha ng babae ay bumaba ang kaniyang tingin sa suot nitong red sleeveless top. Umabot lang iyon hanggang pusod. Sa ibaba ay nakasuot ito ng itim na tattered jeans.

Damn. Kahit siguro sako ang isuot ng babaeng ito ay magmumukha itong reyna ng pantasya ng mga kalalakihan. She was steaming hot, at naiinggit siya.

Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago nagsalitang muli, "Chona, I have... something to propose."

"What?" Tinaasan siya nito ng kilay.

"This is about Gene. I need you to be with Gene."

Sinuyod siya nito ng naiinis na tingin mula ulo hanggang paa. "Are you f*cking with me? "

"Can you just listen to me first?"

Muling kinunutan ng noo si Chona sa tonong ginamit niya. Muli siya nitong sinuyod ng naiiritang tingin bago siya muling inikutan ng mga mata. Humalukipkip ito, sumandal sa sink na nasa likuran, saka nakataas ang isang kilay na nagsalita, "I'll give you ten minutes. I have someone waiting for me outside."

"Five would suffice."

China smirked. "Shoot then."

Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy. "Do you... still like Gene?"

"Who doesn't? He's great in bed and he's goddamn gorgeous. Ang pagkakaibigan ni'yo lang ang lamang mo kaya ikaw ang pinili. I don't know what you did to him, but I'm sure that before I left to Australia, he was so into me. Pagbalik ko'y nalaman ko na lang na nagsasama na kayo. Gah." Chona rolled her eyes again before adding. "You're not even that pretty."

Sa ibang pagkakataon ay sasabunutan talaga niya si Chona, pero ngayon ay pagbibigyan niya ito. She needed this woman's help.

"Gusto mo bang makuha si Gene?"

"That's a stupid question. Kapag sinabi ko bang oo ay nangangako kang hindi mo ako susugurin? Kaya kong lumaban, Trini, pero dahil syota ka ng mekaniko ng team namin ay hindi kita papatulan."

"So I guess it's a yes..."

"Na parang ibibigay mo naman sa akin si Gene..."

"Well, that depends. Ibibigay ko talaga siya sa 'yo kung malaki talaga ang pagkakagusto mo sa kaniya. I need someone to take over my role in his life."

Nakikita niya sa mukha ni Chona ang pagkalito at pagkauyam. "You're really f*cking with me, are you?" Mabilis nitong sinuyod ng tingin ang paligid. "What, may camera ba sa paligid at nire-record mo ang usapang ito? Kapag kumagat ako ay pagtatawanan mo ako, and on top of that, you'll post the video on social media. Is that it?"

"Why would I do that? Wala akong panahon para sa ganoon." Hinagod niya ang mga daliri sa buhok. Nalilihis na sila ng landas dahil sa mga pinagsasasabi ni Chona. Kailangan na rin yata niyang direktang sabihin dito ang nais niya.

"Look. I really need your help, Chona."

Nang makita ni Chona ang kaseryosohan sa anyo niya ay natahimik ito. Ang ismid sa mga labi ay napalis, ang noo'y muling nangunot.

"What's the matter?" Chona asked after a while.

"I am trying to break up with Gene."

"What?"

"Yes, you heard it right. I am trying to break up with him, but he wouldn't let me go."

"Well, anong pinakain mo sa kaniya at baliw na baliw sya sayo? Not only are you mediocre, you're also not even that sexy." Bumalik na naman ang panunuya sa tono nito, pero nanatiling seryoso ang anyo ni Chona.

At alam niyang pilit nitong iniintindi ang mga sinasabi niya, kaya nagpatuloy siya,

"I wonder, too. Pero sa tingin ko ay natatakot siyang makipaghiwalay dahil bago kami naging ganito ay naging matalik muna kaming magkaibigan, I think he's just worried that our friendship will end, kaya ganoon."

"At ano ang gusto mong gawin ko para matulungan ka?"

"In a week or two, I will be gone. Lilipat ako ng bahay, and by that time, hiwalay na kami ni Gene at maiiwan siyang mag-isa roon. Could you..." She paused and bit her lip. Mabigat man sa loob niya ay kailangan niyang gawin ito... para kay Gene. Humugot siya nang malalim na paghinga bago nagpatuloy, "Sa panahong wala na ako sa buhay niya, could you please give Gene a visit as often as you can? I don't know how you are going to do that, pero alam kong hindi na magiging mahirap sa 'yo 'to dahil lagi ka namang pumupunta roon para sa maintenance check ng bike mo. You can use that as your reason to visit. You might as well bring him food or something to drink. Pilitin mo siyang lumabas para hindi siya magkulong sa bahay niya. Gene is so easy to please— maaaring magiging mahirap sa una dahil sa gagawin ko sa kaniya, but he would surely appreciate your effort eventually."

Nanatiling tahimik si Chona, ang anyo ay naging blangko.

Nagpatuloy siya, "I'm sure hindi ka mahihirapan dahil magkakilala na rin kayo ni Gene, at malibang kliyente ka niya at ang mga kaibigan mo ay minsan ka na rin niyang nagustuhan. He was so into you before, sabi mo rin nga. So I'm sure, Gene would eventually give in..."

"So, in summary, you want me to help Gene get over you. You want me to be his rebound, ganoon?"

Napangiwi siya. "M-Masama mang pakinggan pero parang... ganoon na nga. I... I just need you to divert his attention. Ayaw kong... sobra siyang malungkot pag-alis ko."

Muling sumandal si Chona sa sink, humalikipkip at sandaling nag-isip.

Napayuko siya at kinalikot ang mga kuko sa daliri. Nang makita niya si Chona kanina ay ito na kaagad ang ideyang pumasok sa isip niya. Hiling lang niya ay hindi niya ito pagsisihan sa huli.

"Okay."

Napaangat siya ng tingin nang marinig ang sagot nito. Nakangisi nang muli, ang mukha'y umaliwalas.

"Nagtataka ako kung bakit mo siya gustong hiwalayan, pero wala na akong pakialam do'n. I will do what you want me to do. But you need to promise me one thing, Trini."

Hindi na siya sumagot pa at hinintay na lang na magpatuloy ito.

And Chona did.

"I will do what exactly you want me to do, but you need to promise that you won't take this back. Walang bawian, walang habulan. Understood, Trini?"

Walang bawian... walang habulan.

Muli siyang humugot nang malalim na paghinga bago sumagot ng,

"Whatever, Chona. Saan man natin tingnan ay ikaw ang nakalalamang dito."

Lumapad ang ngisi nito. "That's a deal, then. I can assure you; Gene will be mine."


Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
417K 8K 38
Wyatt Roberts is the chief executive officer of a well-known food enterprise in the Philippines. He already possesses everything, including wealth, g...
988K 33.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
6.2M 40.9K 16
Complete story available in my Facebook VIP group. Message us on my page first. Search TheMandieLee on Facebook. Thank you. Erotic romance. For matur...