Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 27 - Symbolisms

37.8K 1.4K 316
By pixieblaire

Wala akong masabi bukod sa... tuyot at sabog na yata ang utak ko. Kalat ang ideas, kailangang tama ang pagkaka-organize. Huhu!

Writer duties. :(

Vomment pa more. Premyo ko na 'yun sa inyo. (ang dramabels lang, cute eh. haha!)

xx pixie blur

==========

Chapter Twenty Seven
Symbolisms

Valentine's POV

Tumba si Tine sa kalasingan. Pagkahatak pa lang niya sa'kin kanina'y naamoy ko agad ang alak. Sinalo ko siya pagkatumba at tsaka binuhat.

Hindi ko magawang maglakad. Lumubog at inugatan na yata ang mga paa ko sa lupa dahil sa ginawa niya. Parang nagdidiwang ang katawang lupa ko at hindi ko maitago ang ngiti.

Nag-init pa yata ang mukha ko. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba sa alkohol o dahil na sa kanya.

Hindi ba nakakabading kung sasabihing parang kinilig ako?

Dammit! Hinalikan niya ako sa pisngi! Big deal ito sa'kin. Hindi na ako makakatulog ngayong gabi at baka ilang araw ko ring pagninilayan ang halik niya.

"Val." Pagtawag ni Bethany.

"Sorry Beth. I can't leave her like this."

Tumawa siya. "I know. Ang fishy niyo. Sige na, ihatid mo na siya." Nagpaalam na si Bethany at naglakad na rin ako.

Sinalubong ako ni Yuan na nasurpresa pagkakita sa'king buhat si Tine.

"Akala ko kung ano nang nangyari. Hindi na kasi siya bumalik kanina. Knock-out na pala. Samahan na kitang ihatid siya sa dorm."

Tumango ako at nagtungo na kami doon.

"Bakit ka nakangiti?" Yuan snaps at nagising ako sa malalim na pag-iisip.

"Ha? Nakangiti ba ako? Wala wala." pagtanggi ko. Sht. Paano ba hindi ipahalata ang abot langit na saya?

Nahalikan ko na rin naman si Tine dahil sa CPR dati pero iba talaga 'yung dating ng halik niya ngayon. Sa pisngi lang naman 'yun pero parang may nangyari na sa'ming dalawa. Ganoon ang pakiramdam ko. Malala ka na, Val. Nababaliw na yata ako.

"May nangyari 'no?" pang-uusisa niya.

"Binati niya lang ako. Maliit na bagay pero sobrang laki para sa'kin." pag-amin ko, excluding the details about the kiss.

Maingat ko siyang hiniga sa kama niya. Binati pa ulit ako nina Sage at Ellie bago kami umalis ni Yuan.

Bago dumiretso sa dorm namin ay niyaya muna ako ni Yuan na mag-usap.

"Nasabi mo na ba sa kanya?" tanong niya habang nakasandal sa dingding sa labas ng gusali ng dorm namin.

"Hindi pa."

"Baka maunahan kita, Val." ininom niya ang softdrinks niya pagkatapos sabihin 'yon. 

Nanalasa sa katawan ko ang kaba. Noong una ay nalilito pa ako kung magmo-move on na lang ba ako o aaminin ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Pero nang takutin ako ni Yuan ay parang mas gusto ko nang subukan. At least, masasabi ko pa sa sarili kong nagawa ko ang lahat.

'Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan at hindi tayo lalaban.'

Naglakbay sa isip ko ang mga kataga ni Tine. Totoo naman 'yon kaso mahirap ding lumaban kapag alam mong malaki ang tiyansa mong matalo. Nanggaling din mismo sa bibig ni Tine na si Yuan naman ang dapat niyang piliin.

Gulong-gulo na ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Naiisip ko kasing bigyan muna sana natin siya ng space. Ang dami nang nangyari sa kaniya at sa tingin ko ay hindi makabubuti kung dadagdag pa tayo. Lalo na't may trainings uli para sa Nix Battles. Ayokong mawala ang konsentrasyon niya dahil paniguradong magugulo ang isip niya kapag umamin tayo. Kitang-kita ko ang determinasyon niyang manalo kahapon. She deserves no distraction, Yuan," sabi ko na lang. 

Hindi pa talaga ako desidido kaya iyon ang sinabi ko kay Yuan. Pero totoo rin naman, we should give ourselves space for a peace of mind. 

Sumang-ayon siya at inakbayan ako. "Sabihan mo ako, ah? 'Di hamak namang mas magandang lalaki ako kaysa sa 'yo, eh," sabi niya sabay halakhak. 

"Pakyu. Mas gwapo at mas masarap ako sa'yo." Sabi kong nagpatawa sa'ming dalawa.

"Pero salamat Yuan ah."

"Huwag ka muna magpasalamat. Hindi pa tapos ang laban." dumila pa siya sa'kin bago pumasok sa silid namin.

"Goodnight mga kapatid. Oy lover boy, magpalit ka na ng kumot. Maawa ka naman, hubad ka pa naman laging matulog."

Binato ko siya ng unan kasabay ng halakhak ni Daniel.

Ngayon lang ako nakaranas na ang karibal ko, matalik ko pa ring kaibigan.

Napailing na lang ako at napangiti. Haay, naalala ko nanaman 'yung halik niya. Sinasabi ko na nga ba, malabong makatulog ako nito.

Pumunta na lang muna ako ng banyo para magparaos ng kanina pa gustong sumabog.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Cristine's POV

"Break na kami ni Oliver." nakasimangot na sabi ni Ellie habang kumakain kaming anim dito sa Kierre's Hub.

"May ibang babaeng nilalandi. Mali pala, maraming babae. Palibhasa maraming fans ditong patay na patay sa kanya kaya ang lakas ng loob. Palibhasa nagpalandi rin ako. Bwisit! Muntik ko nang gawing yelo ang bayag niya at tsaka ko biglang tutusukin ng ice pick eh!"

Parang napatalon kami sa gulat nang malakas na itinusok ni Ellie ang tinidor sa manok. Lalo na 'yung tatlong lalaking napalunok pa. "Aray. Sakit nun Ellie. Takot ko na lang sa'yo." sabi ni Yuan kaya natawa kami.

Kinakalma naman namin siya ni Sage at pinapatahan.

"Ellie, huwag ka na magpaapekto. Baka dahil brokenhearted ka, masira na ang focus mo sa laban." payo ko.

"Oo naman 'no. Ipapakita ko sa kanyang siya ang nawalan, hindi ako. Kaya kayo ah, kung inlove kayo na 'di niyo sinasabi, siguraduhin niyo muna ang mga damdamin niyo para walang nasasaktan."

"Ako wala." paghands up agad ni Dan na nakangiti.

"Me too." sunod ni Sage.

"Ako rin!" sabayang pagbigkas namin nina Yuan at Val.

Natahimik kaming anim pagkatapos at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

Nagsalita naman bigla si Dan, "Alam niyo ang dami pala talagang manhid sa mundo. Ngayon pa nga lang, dalawa na ang kilala ko."

Hindi na namin nagawang mangulit sa kanya kung sino nang tumayo na siya at nagpaalam. Winaglit ko rin naman agad sa isip ko ang sinabi niya.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Nandito ako sa ngayon library para maghanap ng librong makakatulong sa'kin sa battle. Ilang araw na akong nag-aaral dito at sinasaulong muli ang mga spell. Mayroon kaming higit sa isang buwan para maghanda.

Nagpasya rin kaming magkakaibigan na huwag magsama-sama para matutong maging independent lalo na at individual battle na ito.

Dinala ko ang tatlong libro palabas ng library dahil dumarami na rin ang mga narito. Gusto ko ay payapa ako habang nag-aaral kaya naghanap ako ng puwedeng tambayan. Ilang sandali pa ay dinala ako ng mga paa ko sa Enikka's Garden.

I inhaled the serene breeze. Nakaramdam ako ng kaalwanan sa dibdib. Perfect spot!

"Bulaga!"

Napatalon ako dahil sa panggugulat mula sa likuran ko ng kung sinong ito. Pagkakita ko ay si Kierre pala. Natatawa ito sa reaksiyon ko. Umupo siya sa pabilog na batong inuupuan ko.

"Kaya lagi kang pinipingot ni Lindrenne, eh. Pilyo ka kasi," komento ko.

"But it's fun right? Nahawa ako kay Diamond, mas mahilig manggulat 'yun. Magpahinga ka muna, masyado kang masipag." umupo ako sa tabi niya at nakita kong nagmagic siya ng pagkain gamit ang scepter niya.

"Kain muna, bata," pag-alok niya ng isang galon ng ice cream. May dalawang kutsarang nakatusok doon kaya kinuha ko ang isa. Wala nang hiya- hiya kapag gutom.

Tahimik kami no'ng umpisa, pero binasag ko rin ang katahimikan saka mapang-asar siyang tinanong. "Ilang taon ka na nga uli, Lolo Kierre?" Ngumisi ako sa kaniya. 

"Hindi na ako nagbibilang eh. Teka solve nga natin. Noong panahon ng unang digmaan sa Fortress, 170. Plus two years na lambingan namin ni Lindrenne bago siya nanganak. 172. Plus 19 years dahil iyon ang edad ng anak namin nang masira ang MF, so 191 na. Plus 20 years na paghahanap ng mga nawawala, bale 211 years old na pala ako."

Pakiramdam ko ay natunaw na ang ice cream sa bibig ko bago ko iyon tuluyang malunok.

Pumitik naman siya sa harap ko. "Alam mo, hindi naman talaga big deal dito ang edad," dugtong niya nang mapansing bigla akong napatulala sa sagot niya.

Nag-scoop uli ako ng ice cream at kumain. "May tanong pa ako. 'Di ba, naging tao si Lindrenne dahil pinarusahan siya dati sa pagkuha ng Witted Chapeau para hindi makuha ni Dreyxin? Paanong naging guardian uli siya?"

Si Lindrenne kasi ay ex-guardian ng dark prince na si Dreyxin. Ayon din sa history book, ang Witted Chapeau ang pinakamatalinong sombrero sa aming mundo na kayang sumagot ng kahit ano. I wonder, mayroon kaya itong limitasyon? Ngunit mayroon man o wala, delikado pa rin ito na mapunta sa masamang kamay. 

"Ibinalik. Pumunta kami ng Power Sphere para humingi ng ikalawang pagkakataon para sa kanya at nagdesisyon siyang maging guardian na rin ni Enikka na permanente tulad ko kay Diamond. Si Enikka, tao siya, iyon ang pagkakaalam ng marami, pero dahil nasa kanya ang puso ni Diamond at mayroong taglay na mahika ang mga salita niya, we consider her as a wizard, hindi nga lang full-time. Kasi sinubukan naming bigyan siya ng wand para magcast ng spells pero walang bisa, pati scepter wala rin. Pero natalo nila ni Dia ang kalaban dati at may hiwaga sa mga salita niyang galing sa puso kaya that's enough of a proof. She's extraordinary too, in a different way."

Nag-abang pa ako ng karugtong ng kaniyang kuwento.

"Pinakinggan ng Power Sphere ang hiling ni Lindrenne dahil napatunayan namang malinis ang kalooban niya nang kinuha niya ang makapangyarihang sombrero. Walang imposible sa sinong may bukal na kalooban."

"Makapangyarihan din pala ang Power Sphere," may pagkamanghang sagot ko.

"Oo naman. Iyon kasi ang tirahan dati ni Blaite . . . saka iyon ang pangunahing nilalapitan kapag kapangyarihan ang kailangan."

Ang iba sa mga bumagabag sa isip ko habang inaaral ang mga tinatalakay naming aralin ay nasagot na ng kuwento ni Kierre.

"Kierre, mayroon pa bang ibang paraan para mahanap ang Four Legends? Ang alam ko lang kasi, kung sino ang maunang maging Walt levels, sila ang Four Legends."

Nagbuntonghininga muna siya. "Sa totoo lang ay mayroon pang iba. Nagka—"

"Teka!" Kinuha ko ang wand ko at binalot ang paligid ng transparent barrier para tiyaking walang makarinig sa aming dalawa. "Elorcus Droposan."

Ngumiti siya bago magpatuloy. "Nagkaroon ako ng calling mula kay Blaite."

My jaw dropped open.

"Pero hindi ko na sasabihin kung paano ko siya nakausap. Basta sinabi niya sa 'kin na may mga dragon ang mga ito."

"Dragons?" 

"Nang sumabog ang ensorcelled stone, nagpira-piraso ang bato at napunta iyon sa apat. Ang bawat parte ng bato ay sumisimbolo sa mga values ng Fortress - Happiness, Wisdom, Courage, and Love."

"Kaya ang kapangyarihan ng bato ay hindi tuluyang nawala kundi napunta lang don sa apat?" I asked, hungry for more information.

"Gano'n na nga. Oras na lumabas ang apat na dragon mula sa kanilang kaluluwa, paniguradong sila na ang Four Legends."

I stayed silent for a moment, absorbing everything he said.

"Teka, may napalabas kami ni Val na dragon noong tournament!"

Pinitik niya ako sa ilong. "Fire dragon 'yun. 'Wag kang feeling." humalakhak siya at sumimangot ako.

"Pero sigurado ka ba d'yan?" tanong ko uli.

"Of course. Blaite never fails to give signs."

"I mean, sa values. Iyon lang ba ang values ng Fortress? Bakit parang may kulang at lahat ay positive?" pangungulit kong tanong.

"Bakit? Gusto mo may negative values?" 

"Hindi naman sa ganon. Pero sa kahit anong bagay na positibo laging may kaakibat 'yon na negatibo."

Lumalim ang tingin niya sa akin, naghihintay pa sa aking sasabihin. 

"Alam naman natin na wala tayo sa labas ng daigdig. We are just another dimension of Earth. At kahit pa sabihing otherworld ito, puno ng magic, wala pa ring perpekto sa mundo. At kahit ang Magique Fortress na akala natin ay sobrang ganda na at payapa, lahat naman tayong nilalang ay patuloy pa ring nagkakasala. Nothing's perfect in this world. Mayroong pagkakapantay ang kabutihan at kasalanan. Balanse ang mga tama at pagkakamali. " Sabi kong hindi ko alam kung saan ko iyon hinugot.

Tinaas niya ang dalawang kilay. "Wow lalim. Nalilito na tuloy ako kung wizard ka o guardian. Pero siguro tama ka nga, may sinasalaming negatibo ang mga positibo." 

Kumain uli ako ng ice cream at sumubo na rin siya ng kaniya. Nag- unahan pa kami sa pag-ubos. Napaka-down-to-earth talaga niya na kahit head guardian siya ay puwede mo siyang kausapin nang ganito at makakulitan din.

"Kaya ikaw, Tine, kapag may lumabas na dragon sa 'yo, magsabi ka agad, ah?"

I pouted. "Kanina sabi mo huwag akong mag-feeling."

"Malay natin. Favorite ka yatang target ng mga masasamang nilalang. 'Di ba? Hindi ka ba napapaisip sa sarili mo? Though, hindi naman ako nag-a- assume na isa ka nga, ah? Ayokong pangunahan ang mga bagay-bagay." Inubos na niya ang huling kutsara ng ice cream niya.

"Isa pa, sa mundo natin, kahit gaano pa kalakas ang kutob mo, hindi mo 'yon dapat panghawakan. Dahil minsan kung ano'ng akala natin, iyon ang hindi. At kung ano man ang hindi natin inaakala, iyon pala ang totoo." He wiggled his eyebrows at iniligpit na ang ibang pinagkainan namin.

"Kierre, bakit napagpasyahan mong sabihin sa 'kin ang lahat ng ito? Lalo na 'yong calling mo kay Blaite?" biglang tanong ko.

He sighed. "Hindi ko rin nga alam, eh. Siguro kasi gusto ko naman magsabi sa iba. Sa inaraw-araw ba naman, lagi kong kausap ang Royalties. Nakakasawa na ang mga mukha nila." Natawa kami pareho. Gayunman, alam kong hindi lang niya trip ito. He wanted me to keep this a secret as well.

"And I trust you . . . so please, don't break it." 

Nagulantang ako sa huling sinabi niya. Knowing that you were trusted by someone in a higher position like him was an inexplicable feeling.

"Salamat, Kierre. Pero 'di ba sabi mo, huwag basta-bastang magtitiwala?" taka kong tanong sapagkat taliwas ang prinsipyong ito sa nangyaring kuwentuhan namin. 

"I've been living for about two centuries now. Gamay na gamay ko na ang kalakalan ng pagtitiwala. Mapa-Fortress man o mundo ng mga tao. Pero gaya rin ng sabi ko, mapaglaro ang buhay. Kaya wala rin tayong choice kundi magtiwala. Diyan na pumapasok ang pakiramdam. Pakiramdaman mo kung sino ang pwedeng pagkatiwalaan. Be wise and be sensitive at the same time."

I smiled. Masaya akong ma-advice-an ng katulad niyang marami nang karanasan. Sa sinabi rin niya ay mas napalagay ang loob ko na pinagkakatiwalaan nga niya ang gaya ko.

Tinapos ko na ang pagkain at inalis ko na rin ang aking spell sa hangin.

"Siya nga pala, ano'ng pangalan ng anak mo, Kierre?" 

He grinned. "Oops, kapag sinabi ko edi nalaman mo na kung babae o lalaki. Bawal. Akala mo ah! Abusado ka. Pero sa totoo lang, namimiss ko na rin 'yung anak kong 'yun. Nandito na rin siya Tine eh, nandito na. Tuwing mag-isa ako, palagi kong iniisip kung ano kayang ginagawa niya, anong kinakain niya, sinong mga kaibigan niya, ginagalingan niya kaya sa trainings o tatamad-tamad, lahat ng maliliit na bagay. Sobrang close kami kaya nung nawala siya, sobra rin akong nangulila. Hindi man halata kasi lagi kong pinipilit na ngumiti pero miss na miss ko na siya."

"Hoy! Sino'ng nami-miss mo? May babae ka ba?" Sumulpot si Lindrenne at tumabi kay Kierre.

"Kita mo na, Tine? Mahal na mahal ako n'on. Mawala lang ako saglit sa paningin niya, hahanapin na niya agad ako." Nagkunwari pang nagulat si Kierre nang makita si Lindrenne. "Ay, mahal, nandito ka pala! Sinabi ko lang kay Tine kung gaano mo ako kamahal at kung paano mo iuurong ang mga bundok para lang sa 'kin." Nakita ko pa ang pagkindat nito kay Lindrenne.

Ang cute talaga nila. 

Kinurot ni Lin si Kierre sa mga pisngi, "Sus! Baka gusto mong ako ang magkwento kung paano mo susungkitin ang lahat ng bituin para lang sa'kin?" 

Natatawa na lang ako sa ka-corny-han nilang dalawa. Gusto ko na nga rin silang sabuyan ng asin dahil sa mala-uod nilang lambingan.

Sana all!

"O, paano? Alis na muna kami, Tine. Mukhang magiging ampalaya ka na, eh." Sabay silang natawa sa akin. "Saka para makapag-aral ka na uli. Galingan mo sa laban, ah?" ani Kierre. He raised his hand at nag-high five kami. Gano'n din ang ginawa namin ni Lindrenne. Bago sila umalis ay may naalala akong pahabol. 

"Teka lang po . . . ano po ba'ng dapat gawin kapag iyong posible mong maging kaligayahan ay bawal pala?"

Nagtinginan silang dalawa at napaisip. "Ano nga ba'ng ginagawa sa bawal?" tanong ni Lindrenne.

"Ang bawal, ipinaglalaban," Kierre simply said. 

"Pero, bawal nga eh 'di ba? Bakit ipaglalaban pa?"

"Gano'n 'yon, Tine. Sabi nga nila, masarap ang bawal. Naku, ano'ng balak mong gawin, ha?" tanong naman ni Lindrenne.

Umiling lamang ako. Ayaw kong sabihin sa kanila.

Kierre genuinely smiled at me until he told me the words I never knew I needed to hear. 

"Kailangan mo lang piliin ang bawal na gusto mong ipaglaban. Dahil kung hindi naman worth it, 'wag mo nang balaking ipagpilitan at subukang simulan."

Continue Reading

You'll Also Like

342K 19.1K 56
COMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story β‹˜ ───────── βˆ— β‹…β—ˆβ‹… βˆ— ───────── β‹™ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exi...
159K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...
58K 5.6K 35
[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez finds herself surrounded by strange creat...
55.1K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...