Ang Boyfriend Kong Engkanto (...

By LunaAmelie

1M 32.8K 2.1K

When girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy More

Chapter 1: The Party Girl
Chapter 2: Nasaan Ako?
Chapter 3: Ang Misteryosong Lalake
Chapter 4: Simeria
Chapter 5: Naniniwala na ako
Chapter 6: Si Procopio
Chapter 7: Gusto ko ng kanin
Chapter 8: Kilig to the bones
Chapter 9: Medyo Serious
Chapter 10: Awkward moment
Chapter 11: Skinny Dipping
Chapter 12: Mga Tanong
Chapter 13: Saan tayo pupunta?
Chapter 14: Day out
Chapter 15: An Hari at ang Reyna
Chapter 16: Is it over?
Chapter 17: The Feels
Chapter 18: Changes
Chapter 19: Simon
Chapter 20: First Kiss
Chapter 21: Officially Together
Chapter 22: Pio is in the house
Chapter 23: Another day
Chapter 24: Pio Gone Bad
Chapter 25: Lady V
Chapter 26: Relative?
Chapter 27: Salamin
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Sexy Back
Chapter 30: Moved Out
Chapter 31: Vacation
Chapter 32: Back to Reality
Chapter 33: Storm is Brewing
Chapter 34: Adik Sa 'yo
Chapter 35: Unexpected
Chapter 36: Visitors
Chapter 38: Forever?
Chapter 39: If only
Chapter 40: Shady
Chapter 41: Axel
Chapter 42: Another Suprise
A Note
Chapter 43: Happiest
Chapter 44: Bad Omen
Chapter 45: Goodbye
Chapter 46: Inconsolable
Chapter 47: Clean Slate
Chapter 48: Life Goes On
Chapter 49: Memories
Chapter 50: Still the same
Chapter 51: Pangalawang Pagkakataon
Chapter 52: Pagbabalik
Chapter 53: No lies
Chapter 54: Convalesced
Chapter 55: Patawad
Not an update
New story
Chapter 56: Mga Lihim
Chapter 57: Atrona
Chapter 58:
Chapter 59: Happy Ending
Author's Last Note
Ebook release

Chapter 37: Another Visitor

13.8K 454 17
By LunaAmelie

Matapos ang pag-uusap namin ay nagpasya na rin ang dalawa naming bisitang engkanto na umalis at bumalik sa Simeria kung saan naghihintay ang mga magulang ni Pio ng balita tungkol sa kanya.  Malaki ang tiwala ni Pio sa kanila kaya wala akong ibang choice kundi magtiwala na rin na hindi nila ituturo ang kinaroroonan namin ni Pio. Gusto nga sana namin silang ihatid pero iginiit nila na dumito na lang kami sa apartment at 'wag muna maglalalabas. So, kami ni Pio ay naiwan na tahimik at nakaupo lang sa sofa na parang naiwanan kami ng last trip ng bus. Alam kong pareho ang tumatakbo sa isipan namin ngayon kaya hinayaan ko na lang ang katahimikan na panandaliang bumalot sa pagitan naming dalawa. Napakakumplikado naman kasi ng sitwasyon na ito. Para akong nakikipag-agawan sa mga magulang ni Pio. Na hindi naman sana dapat.

"Pio, sigurado ka ba na ayaw mong umuwi?" Hindi ko na natiis at binasag ko na ang katahimikan.

 "Sigurado ako. Bakit mo natanong?" Tanong niya.

"Wala lang." Sabi ko. Sumandal ako sa balikat niya at nagpatuloy. "Gusto ko lang malaman mo na kung gusto mo nang umuwi ay maiintindihan ko naman."

Pagkarinig niya no'n ay hinarap niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin habang hawak ang magkabila kong pisngi. Kinabahan ako sa sobrang lapit namin. "Alex,  napag-usapan na natin ito. Hindi ba? Huwag kang mag-alala. Maayos din ang lahat." Wika niya sabay halik sa noo ko. As usual, he's always the cool guy. Pero kahit gano'n, alam kong nababahala rin siya sa binalita ng dalawa kanina. Kung bakit naman kasi ganito pa ang nangyayari? Ngayon na nga lang may nagmahal sa akin ng totoo tapos may panira pa.

Please.. Universe! Kampihan mo naman ako!

"Sana nga.." Sagot ko na lang at pilit ko siyang nginitian. I tried to be cheerful kahit ang totoo hindi ko alam kung pa'no ako magkakaroon ng peace of mind sa mga oras na ganito. Naisip ko na lang na wala naman magagawa ang pag-alala ko, mas lalo ko lang ini-stress ang sarili ko.

Hmp. Baka ito na ang maging sanhi ng pag-panget ko. Waah!

"Tara, maglakad-lakad nga tayo!" Alok ko sa kanya. Alam kong hindi magandang ideya na maglalalabas kami ni Pio lalo ngayong may mga nag-hahanap sa kanya kaso alangan naman na ikulong ko siya dito. Tsaka parang konting-konti na lang maloloka na ako. Kailangan ko yata makasagap ng kaunting polusyon. Haha. "Magbibihis lang ako." Dugtong ko nang hindi ko siya narinig na umangal.

"Sige." Sagot niya. Nakita ko ang tuwa sa mata niya nang sumagot siya. Siguro ay gusto niya rin talagang lumabas pero nahihiya lang siyang magsabi sa 'kin.

Pumasok ako sa kwarto at agad na nagbihis. Nagsuot ako ng pantalon, T-shirt at nagpulbo ng kaunti and voila! I'm ready to go. Paglabas ko ng kwarto, ready na rin si Pio. Nakangiti siya sa akin. Gosh, makita ko lang ang nakangiti niyang mukha okay na ako.

Naglakad kami at nagkwentuhan habang magkahawak ang kamay. Kinalimutan muna namin ang tungkol sa magulang niya at nagkwentuhan na parang normal lang ang lahat. Na parang walang sagabal sa relasyon naming dalawa. Sana ganito na lang palagi, walang iniisip, walang kumokontra para everybody happy. Pero hindi eh..

Hindi ko tuloy napigilan, nakatatlong kwek-kwek ako. Dala na rin siguro ng stress 'to.


Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng tawag mula kay Lady V na gusto niyang bumisita sa apartment namin. Ibinigay ko naman sa kanya ang address dahil bukas daw siya pupunta dito. No'ng una ay natuwa ako dahil sa wakas ay siya naman ang dumalaw sa amin. Siya lang kasi ang pinakamalapit sa amin ni Pio. Parang nanay na rin namin siya. Pero 'di kalaunan ay nagtaka na ako kung bakit bigla niyang naisipan na bumisita sa 'min. I mean, happen to know for a fact kasi na hindi siya madalas lumabas mula sa mansion niya. Hmm..

May dala ba siyang maganda o masamang balita? Hindi na naman tuloy ako mapakali.

Nagtulungan kami ni Pio sa paglinis ng apartment dahil nakakahiya naman sa tiyahin niya. Alam ko kasing sosyal at maselan 'yon at ayokong mapintasan niya ang tinitirahan ng pamangkin niyang Prinsipe. Namili kami ng ilang gamit at nag-grocery din ng ihahanda para kay Lady V.

Alas diyes y medya na nang umaga nang makarating sina Lady V kasama dalawa niyang bodyguards na naiwan sa labas upang magbantay. Sinalubong namin siya ni Pio at nagbeso ako sa kanya. I always admire her beauty. Ang ganda niya kasi kahit may edad na siya. Siya ang pinakamagandang halimbawa ng 'aging with grace'. Nakasuot siya ng ternong rose-colored na damit na parang tulad ng mga sinusuot ni Queen Elizabeth. It suits her very well. She's also a royalty after all.

Pagkapasok pa lang ni Lady V ay kinilatis na niya agad ang loob ng apartment habang ako naman ay naghihintay ng feedback niya na parang isa siyang quality inspector. Tsk. Nakalimutan nga pala naming bumili ng place mat para sa dining table.

"Hmm.. This place is o-kay. Just a bit small, don't you think?" Komento niya pagkatapos libutin ng mata niya ang loob ng apartment namin.

"Ay uhm, opo.." I mumbled. I knew she'd say that. "Medyo, mahal po kasi ang renta 'pag mas malaki." Sagot ko.

"Still, you should get a bigger one." Deklara niya at muling inilibot ng isa pang beses ang mga mata niya sa loob ng apartment.

"Ah, eh.. opo." Nakakahiya tuloy. Baka sabihin nito tinitipid ko si Pio. Tsaka okay naman ang laki nitong apartment para sa amin ni Pio. Tamang-tama lang 'to para sa aming dalawa. Mataas lang talaga siguro ang standards ni Lady V.

"Upo ho kayo." I ushered her to the couch. Baka naman pati 'yong sofa pintasan pa niya. Bagong bili kaya namin 'yan ni Pio.

Surprisingly, naupo siya without further comments at naupo na rin kami ni Pio. She looked at Pio first and I know she noticed his new haircut. After that she landed her eyes on me.

"You look well, iha." She complimented and smiled at me. I look good kasi nag-make-up ako today but without concealer sa undereye circles ko, I bet I look like hell. Hindi kasi ako nakakatulog nang maayos lately gawa ng, you know, may epal. Hmp. "You look good too, Procopio. Nice haircut. Your idea?" Tanong niya sa akin. I should probably tell her that he has a better sounding nickname now instead of calling him Procopio.

"Ay hindi po, siya po ang nakaisip ng ganyang gupit." Sagot ko. I decided to glance at Pio and true enough, he looks good. No, more than good, but great! Parang hindi man lang siya nai-stress sa mga pangyayari. Kainis! Ako tuloy parang haggardo Versoza kung minsan.

"Bagay sa iyo." Puri ni Lady V sa pamangkin niya.


"Maraming salamat." Sabi ni Pio. Then, he lightly ran his fingers through his hair and flashed me his boyish grin. Waah! Ang gwapo niya.

"So, how are you two doing?" Tanong niya sa amin. Hmm. Pumunta lang ba talaga siya dito para kumustahin kami?

"Okay naman po kami." Sagot ko. Mas minabuti kong paunahin muna siya sa kung anong pakay niya.

"Good. Okay. I know you're probably wondering why I'm here." She started to say, her face is now serious, then she crossed her legs in a regal manner.

"Yes po." I readily answered, waiting for her to drop the bomb or whatever bad news she's about to tell us. Napahinga siya nang malalim at do'n ko nakumpirma na bad news nga ang dala niya.

"Hinahanap nila kayo." She finally said with a frown.

"Uhm. Alam na po namin 'yan." Mahinahong sagot ko. But still, the news brought the same effect as if I heard it for the first time. Nalungkot ako dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap kay Pio.

"Oh!" She exclaimed. "Actually, there's something else." She said with another sigh and she got my full attention.

"Ano po iyon?" Naunahan na ako ni Pio sa pagtanong at saka tumingin sa akin. Inabot niya ang kaliwang kamay ko at kinulong ito sa mga kamay niya. Pareho kaming naghihintay ng sagot ni Lady V.

"Binisita ulit ako ng Hari noong isang gabi. Galit na galit siya dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa natatagpuan o kusang umuuwi. Hiningi niya ang tulong ko sa paghahanap sa iyo, Procopio." Sabi niya kay Pio, malungkot ang mukha ni Lady V. "Nasasaktan ako na kailangan kong magsinungaling sa kapatid ko pero iniisip ko rin kayong dalawa. Ano ba ang balak niyo?" She asked, her face still filled with worries.

"Hindi—" I started to say pero sumingit si Pio.

"Gusto ko sanang kausapin si Ama pero hindi ko alam kung makakabuti ba 'yon para sa aming dalawa. Natatakot akong paghiwalayin niya kami ni Alex." Sumulyap sa akin si Pio, nakakunot ang noo niya. "Nakausap namin si Ibarro at Alena, mga ilang araw na ang nakakaraan  at sinabi nila sa amin ang binabalak ni Ama. Sa tingin ko ay wala nang makapagpapabago ng isip niya." Dugtong ni Pio.

Tumango-tango lang si Lady V na parang ini-evaluate niya ang  sitwasyon. "Well, I guess you'll never know until you try." She paused for a bit then continued. "But then again I know how hard-headed my brother can be sometimes." Umiling-iling siya then gave another sigh. Kahit yata siya ay naii-stress sa sitwasyon namin.

"Wait. Gusto niyo po ba ng juice o kape?" Out of tension, ito ang natanong ko kay Lady V. Ako kasi, parang gusto kong lumaklak ng isang pitsel ng juice na sobrang lamig  at makaramdam ng brain freeze. Ang totoo kasi sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Kailan ba matatapos ang problemang 'to? Please naman po Lord!

"Just water." Sagot niya.

"Okay, I'll go get it." Sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kusina.

Nagtimpla muna ako ng iced tea sa pitsel at isinalin ito sa apat sa baso. Dalawa para sa mga bodyguards ni Lady V, isa sa akin at kay Pio. Gumawa din ako ng sandwich at inilagay ito sa plato. Habang naghahanda ako iniisip ko kung ano ba ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? What if hayaan na lang namin silang maghanap hanggang sa mapagod sila at tumigil? Or kausapin kaya namin ang Hari? No, No. That would be a bad idea. Tsk. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi ko sila marinig mula sa kinatatayuan ko.

"Actually, I'd like some tea!" Tawag ni Lady V sa akin mula sa sala.

"Okay po. Green tea lang po ang meron dito." I answered back.

"That's fine. No sugar please." Sabi niya.

"Okay po.." Kinuha ko ang box ng tsaa mula sa cabinet at inilagay ito sa tasa at nilagyan ng mainit na tubig. Ipinatong ko ito sa platito at saka nilagay sa tray kasama ang ilang baso ng juice. Dadalhin ko na sana ito sa kanila nang muling tumawag si Lady V.

"Sorry Alex, will you put one scoop of sugar please."

"Ah okay po." Hmm.. Ang gulo naman ni Lady V.

Pagdating ko masinsinan silang nag-uusap pero natigil ito nang makita nila ako. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya hindi na ako nakiusyoso pa. Inilapag ko ang tray sa mesa at saka iniabot kay Lady V ang tasa ng tsaa na hiningi niya at ang juice naman kay Pio. Pagkatapos ay dinalhan ko rin ang dalawang bantay sa labas ng juice at sandwiches. Naupo ako sa tabi ni Pio at hinawakan ko ang kamay niya.

"Mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa no?" She commented upon seeing Pio kiss my hand when I joined them, her eyes full of admiration. Pio and I both smiled in response. Yes, we really love each other kaya kung puwede lang hayaan na lang sana kaming maging masaya!

"Okay. Well, I've done what I came here for." She said then started to stand up.

"Aalis na po kayo kaagad?" Tanong ko. Hindi niya pa nga naiinom ang tsaang tinimpla ko aalis na siya agad? "Dito na po kayo mag-lunch." Pigil ko sa kanya.

"No dear, thanks, but I have to go." Sagot niya at tumingin siya kay Pio at tumango naman ito sa kanya na para bang alam nila ang nasa isip ng isa't isa. Hmm.. Ano bang napag-usapan nitong dalawa?

"Aalis na po ba talaga kayo?" Tanong ko ulit. Sayang naman kasi 'yong hinanda namin na pagkain.

"Yes, Alex. I really need to go. You two take care of each other, okay?" She said, now heading to the door. There's no stopping her.

"Sige po tuloy. Ingat po kayo.." When at the door, she stopped to kiss me in the cheeks and then she left with her two bodyguards. I stared at them leaving, wondering what I missed in their conversation.

"Oh, anong napag-usapan niyo ni Lady V?" Tanong ko kay Pio. "Ang bilis niya kasing umalis." Dugtong ko.

"Ahh.. Wala naman. Sabi ko lang sa kanya na huwag niyang sasabihin kay Ama na nagkita na kami." Sagot niya habang nilalagay ang tasa at mga basong ginamit kanina sa tray para dalhin ito sa kusina.

 "'Yun lang?" Curious na tanong ko at napataas pa ako ng kilay.

"Oo, iyon lamang." Sagot niya and for some reason parang hindi ako naniniwala na 'yon lang napag-usapan nila. Kaso ayoko nang makiaalam, usapan ng magkapamilya yata iyon. I decided to ignore the thought and just trust him.

"Ah okay. Pa'no na 'yong niluto natin?" Tanong ko sa kanya.

"Tayo na lang ang kumain at saka puwede ba nating bigyan iyong mga bata diyan sa labas?" Sagot ni Pio.

"Aww..Oo naman." Napangiti ako at dumoble ang paghanga ko sa kanya. 




Please don't forget to vote, comment and recommend if you like my story. :)

Continue Reading

You'll Also Like

48.3K 1.3K 30
I'm not against the BIBLE. Ang lahat po ng pangyayari sa story ay kathang isip lang ng author. TY.
534K 11.3K 91
PUBLISHED UNDER DREAME He's a bully, egoistic, at lahat ng gusto niya, dapat nasusunod. Kinatatakutan siya ng lahat sa eskwelahang pagmamay-ari ng pa...
114K 4K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
494K 11.4K 66
siya ay si princess jewel Clarice Lee Tanaka. isa siyang babaeng maraming tinatagong sekreto kasama na doon ang kanyang pamilya. ayaw niya ng atensio...