A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 129K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 56

39.5K 2K 374
By Maria_CarCat

Haircut




Buong akala ko ay macu-curious siya dahil sa sinabi ko, pero ganoon na lamang ang gulat ko nang marinig ko ang pagtikim niya.

"You missed him so much, huh?"

Napanguso ako at napa-irap sa kawalan. He sounds jealous.

"E, nakita ko naman talaga," laban ko pa din sa kanya.

"Tsk."

Imbes na mag-react sa pagtikhim niya ay tahimik kong pinagmasdan si Hunter. Nakakunot ang noo niya at medyo matalim ang tingin sa kalsada, pero kahit pa ganoon ay hindi ko talaga mapagkakaila kung bakit ko siya nagustuhan noon. Kung bakit sa mundong kuntento na akong tahimik at mag-isa, ay nakuha niya ang pansin ko...nakuha niya ang atensyon ko.

Mukhang naramdaman niya ang paninitig ko sa kanya kaya naman bahagya niya akong nilingon. Mas lalong kumunot ang noo niya nang makita ako.

"Uhm...may nakapagsabi na ba sa 'yo na you look like young Henry Cavill?" tanong ko kay Hunter.

Ang kaninang nakatulis niyang nguso dahil sa pagsimangot ay unti-unting napapalitan ng ngisi.

"I heard that a couple of times already," pagyayabang niya kaya naman hindi ko na na-iwasang magreklamo.

"Hmp."

Sambit ko na ikinatawa niya.

Hunter looks like young Henry Cavill, while Hobbes Jimenez resembles the more matured Henry Cavill. Hunter's face is a bit softer than his brother.

Umayos ako ng upo, isinandal ko ang ulo ko sa headrest. "I miss Hartemis already," sabi ko sa kanya kahit malapit na kami sa bahay.

Napansin ko ang paglingon ni Hunter sa akin, hanggang sa maramdaman ko ang pagkuha niya sa kamay ko. Dinala niya 'yon palapit sa kanya, hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"Can I be honest with you?" tanong niya sa akin.

Matapos ko siyang nginitian.

"Of course."

Napabuntong hininga si Hunter, para bang may malalim siyang inisip bago niya sinabi sa akin ang gusto niyang sabihin.

"I told Alihilani before, na hindi ko gugustuhing ikaw ang maging ina ng mga anak ko...hindi kagaya mo."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Nasaktan ako nang marinig ko 'yon, pero hindi ko alam kung bakit kahit ganoon ay hindi ko masyadong dinamdam ang sakit.

"Nadala ako ng sobrang galit...masyadong magulo ang lahat noong mga panahong 'yon," paliwanag niya.

Marahan akong tumango at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagpisil ni Hunter sa kamay ko.

"Bagay na pinagsisisihan kong sinabi ko. Sobrang swerte ni Hermes at Hartemis na ikaw ang Mommy nila. Just like how I always dreamed of..."

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang malaman yung ibang masasakit na salitang nasabi niya tungkol sa akin dahil sa galit.

"I'm sorry for all the hurtful...foul words that I have said. Alam mo man o hindi," sabi pa niya kaya naman tipid akong tumango.

Hindi ko din matandaan kung may nasabi akong hindi maganda tungkol sa kanya noong mga panahong galit din ako. Tama nga sila, mahirap magsalita o gumuwa ng isang bagay pag sobra-sobra ang emosyong nararamdaman mo...mahirap magsalita pag galit ka.

"Na-iintindihan ko..." sabi ko kay Hunter.

Marahan siyang umiling, muli niyang hinalikan ang likod ng palad ko.

"Sinabi ko 'yon kahit alam ko sa sarili ko...alam ko, matagal na...na ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko," sabi niya sa akin.

"Kailan pa kung ganoon?" hamon ko sa kanya.

Ngumisi siya at tumingin sa akin na para bang tinatanong niya ako kung gusto ko ba talagang malaman.

"Dati iniisip ko kung anong itsura mo...o kung kaya mo bang mag-ballet na malaki ang tiyan mo," sabi niya sa akin na hindi ko kaagad na-intindihan.

"Your first Odette audition..."

Nanlaki ang mga mata ko.

"We're too young that time!" giit ko na ikinatawa niya.

"No required age for daydreaming," laban niya sa akin.

Sandali akong natahimik, pero hindi pa tapos si Hunter.

"Ano? Kaya mo ba?" tanong niya sa akin kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata.

Panay ang pang-aasar ni Hunter sa akin hanggang sa maka-uwi kami. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa garahe dahil magtatagal pa daw siya, una siyang bumaba at kaagad na umikot para pagbuksan ako ng pinto.

Naka-ngisi pa din siya kaya naman inirapan ko siya. Bago pa man maabot ng paa ko ang semento ay walang kahirap-hirap na niya akong hinawakan sa bewang at binuhat pababa.

Pareho kaming natawa dahil sa ginawa niya kaya naman pabiro ko siyang hinampas sa kanyang braso.

"Galawan..." puna ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Hindi pa ako kumikilos," pagtatama niya sa akin.

"Ewan ko sa 'yo...marinig ka ni Daddy," suway ko sa kanya na akala mom ga teenager pa kami at strikto ang Daddy ko.

Nakayakap ang braso niya sa bewang ko habang papasok kami sa loob ng bahay. Nabanggit ng isa sa mga kasambahay na nasa playroom sina Dawn kasama sina Hartemis at Anya.

"Hartemis!" tawag ko kahit ilang hakbang pa ang layo namin mula sa kwarto. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hunter dahil sa ginawa ko, hinigpitan niya ang yakap sa bewang ko at hinalikan ako sa ulo.

"Si Mommy!" rinig kong sabi ni Dawn sa kanya.

Tili niya kaagad ang narinig namin pagkapasok namin sa kwarto. Mabilis ang paggapang niya palapit sa amin. Lumuhod ako para kuhanin ang baby ko.

Mahigpit siyang yumakap sa akin at pinaghahalikan ako nang makarga ko siya.

"Hartemis," tawag din ni Hunter.

Nawala kaagad ang atensyon niya sa akin at mabilis na inilipat 'yon sa Daddy niya. Gusto kong magmaktol dahil sa nangyari kaya naman pinagtawanan ako ni Hunter.

"Kukuha po muna ako ng mirienda sa baba," paalam ni Dawn sa amin.

Pagka-alis niya ay lumipat kami kay Anya.

"Tita Ahtisia!" tawag niya sa akin at yumakap.

Ipinakita niya sa akin ang mga laruan niya.

"I shared this with Hartemis..." pagbibida niya kaya naman matamis ko siyang nginitian.

Nag-indian sit si Hunter at kinandong si Hartemis sa harapan ng malaking doll house ni Anya, nakita ko ang tingin ni Anya sa kanya...there is something in her stare.

"I wish I have Daddy too..." nakangusong sabi niya at umupo sa tabi ni Hunter at Hartemis.

Nagkatinginan kami ni Hunter dahil doon. Lumapit ako at marahang hinaplos ang ulo niya.

"Nasaan ba ang Daddy mo?" tanong ko.

I love Anya, kahit pa hindi kami maayos ni Ericatrina, kahit sandali pa lang kaming nagkakasama. Magaan ang loob ko sa kanya.

"He's gone. I woke up one morning na gone na po si Daddy. I asked Mommy about him pero she's gets mad at me lang," sagot niya sa akin.

Hinila ko si Anya at niyakap. "I'm sure he missed you too..." malambing na sabi ko sa kanya.

"I hope so," pag-sangayon niya kaya naman mas lalo akong nalungkot para sa kanya.

Hindi ko ata ma-imagine si Hartemis pagdumating ang araw na magtatanong sa akin tungkol sa Daddy niya. I'm thankful enough na bumalik si Hunter, bumalik siya hindi lang para may kilalaning ama si Hartemis at Hermes...bumalik siya dahil mahal niya ang mga ito, mahal niya kami.

Nakipaglaro si Hunter kina Hartemis at Anya, tahimik lang ako at napapangiti habang pinapanuod ko sila. Araw-araw ay may nakikita akong kakaiba sa kanya, mga bagay na hindi ko inakalang gagawin niya.

I admire him even more for being a loving father to Hartemis. At alam kong kay Hermes din kung nandito siya.

Naabutan ni Daddy si Hunter sa bahay kaya naman he invited him for dinner na hindi naman niya tinanggihan, kulang na lang ay magpaalam na din siyang dito na matulog.

"Pupuntahan natin ang Mommy mo bukas," sabi niya sa akin nang ihatid ko siya palabas.

Marahan akong tumango, nanatili ang pagkakakapit ko sa braso niya. Hinarap niya ako at itinaas ang kamay niya para marahang suklayin ang buhok kong nagulo dahil sa pag-ihip ng hangin.

"Kinakabahan ako," sabi niya na ikinagulat ko, hanggang sa natawa kami pareho.

"Ako din," pagsang-ayon ko sa kanya.

Kinuha niya ang magkabilang kamay ko, siya na mismo ang naglagay no'n sa kanyang bewang para yumakap ako sa kanya.

"Give me tips, para hindi ako sungitan ng Mommy mo," sabi niya sa akin.

Idinikit ko ang baba ko sa dibdib niya habang nakatingala at nakayakap sa kanya.

"Walang ganoon," sabi ko kaya naman mariin siyang napapikit.

Humilig si Hunter para halikan ako, hindi na ako nagprotesta pa at hinalikan din siya pabalik. Nasa kalaliman kami nang paghahalikan namin nang pareho kaming mapatigil nang masilaw kami sa ilaw ng kararating lang na sasakyan.

Doon ko lang na realize na nasa may front door ng apala kami, at nakakahiyang maabutan kaming ginagawa 'yon doon.

Ang hiyang nararamdaman ko ay napalitan ng kaba nang makita kong si Ericatrina ang bumaba mula sa sasakyan. Nagtaas siya ng kilay sa akin, hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang katabi ko.

"Really, Ahtisia? Sa front door...ang cheap mo naman," sabi niya na ikinagulat ko.

"Excuse me," galit na suway ni Hunter sa kanya.

Hindi niya 'to pinansin, umiling siya habang nakatingin sa akin na para bang dismayadong dismayado siya.

"You don't have the rights to call her that," pahabol pa ni Hunter.

"I do," nakangising sagot niya bago dumiretso papasok sa loob.

Hinawakan ko ang braso ni Hunter, matalim pa din ang tingin niya dito kahit tuluyan nang nakapasok si Ericatrina.

"Hayaan mo na..." suway ko sa kanya.

"Kukunin ko na kayo ni Hartemis dito," madiing sabi niya.

Marahan akong umiling. "Isipin na lang natin si Daddy," paalala ko sa kanya.

Hindi pabor si Hunter na manatili pa kami doon, hirap na hirap akong ipaliwanag 'yon sa kanya kaya naman nagtagal pa bago siya nagpasyang umuwi sa kanila na hindi kami kasama ni Hartemis.

Saktong pagpasok ko ng front door ay nakita ko ang humahangos na si Ericatrina pababa ng hagdan.

"Ahtisia!" tawag niya sa akin.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman ko ang pamamanhid ng pingi ko dahil sa pagsampal niya. Hindi kaagad na-proseso 'yon ng utak ko, wala sa sarili akong napahawak sa pisngi ko dahil sa sakit.

"Wala kang alam tungkol sa Daddy ni Anya kaya manahimik ka!" asik niya sa akin.

"Ayos na siya, hindi na siya nagtatanong pa tungkol sa Daddy niya, pero anong ginawa mo? Anong sinabi mo!?" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Bago pa man ako nakasagot ay bumaba na si Daddy.

"Ano nanamang nangyayari dito, Ericatrina!?" galit na suway nito sa kanya.

Nilingon niya si Daddy bago niya ako dinuro, "Itong anak niyo sa labas, kung ano-anong sinasabi kay Anya," sagot niya.

Mas na-doble ang gulat na naramdaman ko nang pagkalapit ni Daddy ay kaagad niyang nasampal si Ericatrina. Nabingi kami dahil sa sobrang katahimikan.

"Matagal na akong nagtitimpi sa kabastusang ipinapakita mo. Sumusobra ka na, Ericatrina!" sabi ni Daddy sa kanya.

Tumulo ang masasaganang luha sa kanyang mga mata.

"This is the first time..." hindi makapaniwala niyang sambit.

Nilingon niya ako, kita ko ang sobra-sobrang galit sa tingin niya sa akin.

"Daddy, hindi mo na-iintindihan...hindi niyo na-iintindihan," umiiyak na sabi niya dito.

Napayuko ako, naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko nang marinig ko ang labis na lungkot sa boses niya.

"Hindi madali para sa akin na tanggapin ang sitwasyong 'to...bakit ba ang hirap ipa-intindi sa inyo na mahirap 'to para sa akin. You keeps on invalidating my feelings na para bang kasalanan ko pang nasasaktan ako?"

Nag-burst out na siya. Mukhang ito yung bagay na matagal na niyang gustong sabihin pero hindi niya masabi kay Daddy.

"Gusto ko kayong intindihin, gusto ko ding tanggapin ang lahat...gusto ko ding gumaan ang pakiramdam ko. Pero sa tuwing sumusubok ako...sa tuwing nakikita ko, na mas mahal mo siya kesa sa akin..."

"Pantay ang pagmamahal ko sa inyo, Ericatrina." Giit ni Daddy.

Marahas siyang umiling.

"Kaya lang mas madami akong oras sa kapatid mo ngayon ay dahil bumabawi ako sa ilang taong hindi natin siya nakasama," paliwanag ni Daddy.

Ramdam ko siya doon kaya naman hindi ko napigilang manlabo ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.

"At mas mahal mo ang Mommy niya kesa sa Mommy ko...anong laban ni Mommy? Wala na siya, masasaktan siya kung pati ako...pati ako tatanggapin 'to. Masasaktan si Mommy..." sabi niya at tuluyan nang umiyak.

Alam kong gusto niyang tumakbo at umalis na sa harapan namin, pero masyado siyang nanghihina para gawin pa 'yon.

"Ericatrina, mahal na mahal kita...saan mo nakuha ang lahat ng 'yan?" tanong ni Daddy sa kanya.

Kaagad niyang niyakap ito, tinanggap 'yon ni Ericatrina at yumakap kay Daddy na para bang matagal ang huling yakap niya dito.

Nilingon ako ni Daddy, tipid ko siyang nginitian para ipakita sa kanyang walang kaso sa akin. Mas magaan nga sa loob na malaman niya na mahal siya ni Daddy, at alam ko namang iba pa din ang tunay na anak.

"Masyado na siyang matanda para sa selos na 'yan," inis na sabi ni Hunter.

Napansin niya ang pamumula ng pisngi ko kinaumagahan dahil sa pagkakasampal sa akin. Hindi ko sana sasabihin, ang kaso ay gusto kong magsabi sa kanya, gusto kong magkwento, ayoko nang kimkimin ang lahat.

"Hindi natin naiintindihan, wala naman tayo sa sitwasyon niya," sabi ko sa kanya.

"At mali talaga ako sa parteng binanggit ko ang Daddy ni Anya sa kanya," pag-amin ko.

Sandaling nawala sa isip namin ni Hunter ang tungkol kay Ericatrina habang hinihintay namin ang paglabas ni Mommy sa visiting area. Tahimik lang si Hunter, mukhang kinakabahan talaga, kaya naman panay ang ngisi ko sa kanya sa twuing nililingon ko siya, para sana asarin kahit ang totoo ay kinakabahan din ako.

"Mommy," nakangiting tawag ko sa kanya nang makita ko ang paglapit niya sa amin.

Ambang yayakap na sana ako nang pigilan niya ako. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko, hindi ko pa nakuha ang gusto niyang mangyari nung una hanggang sa ma-realize kong gusto niyang ipakita ko sa kanya ang kamay ko.

Nakangiti kong inabot sa kanya ang kamay ko, doon ay bumungad kaagad sa kanya ang engagement ring na ibinigay ni Hunter sa akin.

"Masyadong maliit ang bato," sabi niya matapos magtagal ang tingin niya sa kamay ko.

Lumagpas ang tingin niya sa akin at tumingin sa nasa likuran ko.

"Babawi po ako sa wedding ring," sabi ni Hunter, halata ang kaba sa kanyang boses. Gusto kong matawa pero ayoko namang gawin 'yon sa kanya.

Hindi sila sanay kay Mommy, at hindi din naman maganda ang history ni Mommy sa kanya at sa pamilya niya. Lalo na kay Hobbes na tinangkang patayin nito.

Tumikhim lang si Mommy na may kasamang pag-irap bago siya naglakad palapit sa may lamesa kung saan kami naka-upo. Nakahanda doon ang mga pagkaing dala namin para sa kanya.

"Ano 'to...suhol?" tanong ni Mommy kay Hunter.

"Mommy, dinala talaga namin 'to para makasabay ka naming mag-lunch," sabi ko sa kanya.

Tahimik lang si Mommy habang inaasikaso ko siya, ramdam ko din ang maya't maya niyang pagtingin kay Hunter.

"Tanggap ba sa pamilya niyo ang anak at apo ko? Ang parents mo? Paano pag nakasal na kayo...at magkaroon ang Mommy mo ng paborito? Ang asawa ng kapatid mo..." seryosong sabi ni Mommy na ikinagulat ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa kanya ang kumpetisyon sa pagitan namin ni Ate Alihilani. Tapos na siya kay Tita Cleo, pero mukhang hindi para sa amin ni Ate.

"Wala pong ganoon. Pantay po ang pagtanggap ng parents ko kay Alihilani at Ahtisia," magalang na sagot ni Hunter.

Sinagot niya si Mommy na para bang ito ang unang beses na nakilala niya ito. Na para bang isinantabi niya ang mga nangyari noon.

"'Yon na nga...ayoko ng pantay lang. baka kawawain ang anak ko sa poder niyo," sabi pa ni Mommy.

"Mommy, wala pong ganoon," pagsingit ko.

Napabuntong hininga siya at kaagad napa-inom ng juice habang habol ang kanyang hininga.

"Tanggap po ako ni Mommy Carol at Daddy Seb," sabi ko.

Muli siyang napa-irap, halos mawala ang itim sa mata dahil sa ginagawa.

Tiningnan ako ni Mommy, diretso sa aking mga mata.

"Sa oras na may manakit sa 'yo..." pagsisimula niya.

Nilingon niya si Hunter at tinuro, "Lalong lalo na 'to...sa oras na pagbuhatan ka ng kamay...tatakas talaga ako dito para sampalin siya," sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung matatawa ako o ma-iiyak dahil sa sinabi niya.

"Mali ako na ilang beses kitang pinagbuhatan ng kamay...ibang usapan na kung uulitin 'yon ng ibang tao," sabi pa niya sa akin.

"Mommy, hindi na po ibang tao si Hunter sa akin. At hindi po niya gagawin 'yon..." paninigurado ko sa kanya para bawasan ang pag-aalala niya.

Sa huli, ganoon na lamang ang gulat ko nang hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Wala siyang ibang sinabi, mahigpit niya lang akong niyakap na para bang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin ay doon niya gustong iparamdam.

"Makinig kang mabuti, Ahtisia Amelie...ngayon ko lang sasabihin 'to at hindi na mauulit," sabi niya sa akin.

Nakayakap pa din siya na para bang ayaw niyang sabihin 'yon ng magkaharap kami.

"Mahal na mahal kita. At sobrang swerte ko na ikaw ang anak ko...hindi ko man kaagad nakita 'yon...sobrang swerte ko sa 'yo," sabi niya sa akin bago ko narinig ang pagpiyok at pamamaos ng boses niya.

Hindi ko napigilang ma-iyak. Mahal na mahal ko ang Mommy ko, sa kabila ng mga nagawa niya. Hindi siya perpekto, may mga nagawa siyang mahirap tanggapin at patawarin, pero hindi maaalis na mahal na mahal ko siya.

"Ako din po, Mommy...ako din po," sabi ko. Marami akong gustong sabihin pero 'yon lang ang kinayang lumabas sa bibig ko dahil sa nag-uumapaw na emosyon.

"Nah...hindi ka ma-swerte sa akin. Hindi kita masisisi kung pipili ka ng ibang Mommy sa susunod na buhay," sabi niya sa akin.

"Pero kung gagawin mo man 'yon...hindi ka magiging maganda kagaya ngayon. You choose, Ahtisia Amelie," biro niya sa akin na hindi niya pangkaraniwang ginagawa.

Seryoso niyang nilingon si Hunter kahit pa namumula ang kanyang mga mata.

"Engrandeng kasal, Jimenez...Engrandeng kasal para sa anak ko," hamon niya dito.

Tumango si Hunter. "Engrandeng kasal," paninigurado niya.

Napapansin ko ang unti-unting paglambot ni Mommy sa tuwing dinadalaw ko siya. Nag-iiba din ang awra niya, hindi kagaya nung una siyang napunta sa kulungan. Hindi pa man tuluyang magaling ang kanyang mga paa ay nakakalakad naman siya nang walang kahit anong tulong ng tungkod o pagsakay sa wheel chair.

"Daddy...saan po kayo pupunta?" tanong ko dito nang makasabay ko siyang bumaba sa hagdan isang umaga.

"May lunch meeting," nakangiting sagot niya sa akin.

"Nadalaw niyo na po ba si Mommy?" tanong ko sa kanya.

Malakas ang pakiramdam ko na isa 'yon sa dahilan kung bakit unti-unting siyang nagbabago...ang presencya ni Daddy.

Marahil ay nag-iiba talaga ang pananaw ng isang tao sa tuwing nararamdaman niyang may nagmamahal sa kanya ng totoo.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw," sagot niya sa akin.

"Kailan po ang huling punta niyo doon?" tanong ko.

"H-hindi ko na matandaan..." sabi niya na para bang kahit ang huling punta niya ay nakalimutan niya na dahil sa sobrang buhay.

"Weeks?" pang-uusisa ko.

"Maybe?" hindi pa din siguradong sagot niya sa akin.

Kaagad na nagpaalam si Daddy sa akin, humalik siya sa aking pisngi bago siya tuluyang umalis.

Matapos ang tagpo ng gabing 'yon ay halos hindi na ako nakarinig pa ng kahit ano mula kay Ericatrina, mukhang ayos na din ang pakikitungo niya kay Daddy. Parang hangin niya kami kung ituring ni Hartemis, hindi na din niya pinagbabawalan si Anya na makipaglaro sa baby ko.

"Hindi ka ata sinundo ngayon ni Jimenez?" tanong ni Kuya Wil sa akin na may kasamang pag-irap bago niya binuksan ang pintuan ng backseat.

"Sa ballet studio na lang po kami magkikita," sagot ko sa kanya.

May dress rehearsal kami ngayon kaya naman naka-ayos na ang buhok ko at naglagay na din ako ng light make up kahit papaano.

Hindi na ako nakatanggap pa ng message kay Hunter pagdating ko sa ballet studio, ipinagsawalang bahala ko na lamang dahil inisip kong may importante siyang ginagawa.

"Sobrang ganda mo...bagay na bagay sa 'yo," puri ng custome designer habang nakatingin siya sa repleksyon ko sa salamin.

Tipid akong ngumiti sa kanya, bago nalipat ang tingin ko sa ilang mga kasama sa may likuran. Nabigya ng supporting role yung ilang ballerina na hindi pabor sa pagpili sa akin bilang lead role.

Matapos ang dress rehearsal ay nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko para bumaba na. Inaasahan kong nasa labas na si Hunter at hinihintay ako.

"Uuwi na tayo?" tanong ni Kuya Wil sa akin nang salubungin niya ako.

Kinuha niya sa akin ang mga dala-dala ko at ipinasok 'yon sa sasakyan. Kaagad gumala ang paningin ko sa paligid para hanapin si Hunter pero wala siya.

"Dumating na po ba si Hunter?" tanong ko kay Kuya Wil.

Marahan siyang umiling.

Kinuha ko ang phone ko at kaagad na sinubukang tawagan siya.

"Sabi niya susunduin niya ako," sabi ko habang nakatingin sa phone kong wala ni isang message o tawag mula sa kanya.

"Alam mo naman 'yon...sinungaling,' sabi ni Kuya Wil sa akin na halatang inis pa din dito.

"Baka may importanteng ginagawa lang po," sabi ko.

Sinubukan ko ulit na tawagan siya, hanggang sa sinagot niya 'to.

"Hunter..."

"It's Kenzo..." sabi ng nasa kabilang linya.

Nasa hospital si Hunter para sa check-up niya. Sumakit ang ulo niya kaya naman hindi siya pinayagan ni Kenzo na umalis.

Doon kaagad kami dumiretso ni Kuya Wil, sinabi naman sa akin ni Kenzo na hindi ko kailangang mag-alala, tulog lang si Hunter at nagpapahinga.

Naabutan ko siyang nasa isang private room at natutulog. Si Kenzo na pinsan niyang Doctor ang naabutan kong kasama niya doon.

Bukod sa masarap na tulog ni Hunter sa hospital bed ay napansin ko kaagad ang pagpapagupit niya, hindi niya nabanggit sa akin na magpapagupit siya.

It's a medium bald fade haircut kaya naman mas lalong nakita ang mahabang peklat sa ulo niya.

"Pakisabi kay Hunter magbayad sa cashier bago siya lumabas. Wala kamong libre dito," nakangising sabi ni Kenzo.

Tipid akong ngumiti dahil sa sinabi niya.

Magpapaalam na sana siya nang harangan ko siya. Marami akong gustong itanong tungkol sa lagay ni Hunter.

"May mga pagkakataon talagang sasakit ang ulo niya," sagot niya sa akin.

Nilingon ko si Hunter, tulog na tulog pa din.

Nanatili ang tingin ni Kenzo sa akin na para bang alam niyang may gusto pa akong malaman.

"Hindi pa mamamatay 'yan...pinsan ni Piero 'yan...kapatid ni Hobbes, maraming buhay," biro pa niya.

"Sa totoo lang...natatakot ako," pag-amin ko sa kanya.

Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot na pantalon.

"Wag kang matakot...lumaban nga siya noon na walang kasiguraduhan kung babalik ka pa sa kanya..."

"Ngayon pa kayang kayo na ulit?"

Hindi na ako nakapagsalita, nilingon ni Kenzo ang pinsan.

"Kamusta? Bagay ba sa kanya ang gupit niya?" tanong niya sa akin.

Excited daw sana si Hunter na makita ang magiging reaksyon ko pag nakita kong bagong gupit siya.

"A-ayos lang..." sagot ko kaya naman mas lalong natawa si Kenzo.

"Hindi na gwapo?" tanong niya sa akin.

"Uhm...g-gwapo pa din," agap ko.

Nagulat ako nang marinig ko ang tawa ni Hunter kahit nakapikit pa siya.

"Narinig ko 'yon," pagyayabang niya sa akin.




(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
3.4M 157K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...