Chapter Twenty Six
My Kind of Fairytale
PINALIGIRAN ko ng apoy ang puwesto ko at gumawa ng fire cage tulad ng ginawa namin dati. Kasabay nito ay gumawa ako ng napakaraming bola ng apoy at pinaikot-ikot ang mga ito sa ere. Maraming natamaan at na-out sa ginawa ko kaya agad kinuha ni Val ang mga nakakalat na water prisms. Nakuha na niya ang tatlo, pero mabilis din siyang pinatamaan ng animong maliit na kidlat na gawa sa apoy dahilan para mabitiwan niya ang isa.
Fire? Bakit kinakalaban kami ng kapwa namin Fire Elementors? Nang sundan ko ng tingin ang umatake ay nakita ko si Veronica na nakangisi. She's trying to get the prisms we collected! Lubha kong ipinagtaka kung bakit kami kinakalaban ng sariling ka-team.
"Ver, ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.
"Stealing the spotlight, isn't it obvious?" Ngumisi ito sa akin na lubos kong ikinairita.
"Nababaliw ka na ba? Why are you attacking us? We're representing the same element!" sambit ko na may bahid pa rin ng inis.
"Ang hirap kumuha sa Water team, eh! Apoy laban sa tubig? Isang kahangalan! Saka bakit pa ako magpapakahirap kumuha sa kanila kung mas madaling mang-agaw sa team natin? Duh?! Hindi naman ito group work, eh. By pair lang kaya puwede kong gawin ang kahit anong gusto ko," paliwanag niya na lalong ikinakulo ng aking dugo.
Anong klaseng katwiran iyon? Refusing to fight your real opponents and choosing to betray your own allies? Kung sakaling umubra nga ang teknik niyang iyon at siya ang manalo, where's the true sense of victory and fulfillment there? Makararating nga siya sa inaasam niyang tagumpay pero nang-apak naman siya ng sarili niyang ka-team. How can she ever be proud of that?
With a sudden burst of realization, doon ko napagtanto na hindi nga naman ipinagbawal sa mechanics na mang-agaw ng water prisms sa kapwa namin Fire Elementors na nagawa nang makakolekta nito. But that's just so unfair!
Ibig sabihin pala nito ay kahit magawa namin ni Val na ma-secure ang isang fire prism namin at makakuha ng tatlong water prisms, hangga't may mga nakapaligid pa rin sa amin na masyadong mapaghangad ay maaari pa rin pala kaming matalo. Securing the goal early in the game may risk our chances of winning in the end. That's when I knew, this was not only a game of survival but also, a battle of the fittest!
Sumuko si Veronica sa pang-aagaw sa amin nang pagtibayin namin ni Val ang ginawang fire cage. Luminga-linga pa ako sa paligid at may mga namataan nga akong nag-aagawan ng prisms kahit kapareho nila ng element. Nadismaya ako sa nakita. This was not the goal they were expecting us to achieve. This was not the lesson they were trying to imply in our minds.
Our trainings taught us to test our limits and this game was a sole reminder for us to surpass those limitations and boost our full potentials. At isa lang ang paraan para mapatunayan iyon . . . ang maniwalang kaya naming abutin ang tagumpay at manalo kahit maraming humihila paibaba para kami ay mabigo.
Even if people would initially tell that water can always defeat fire, we as Fire Elementors, should stand our ground and turn those weak judgments into stronger convictions.
Sa kalagitnaan ng aking taimtim na pag-iisip ay bigla na lang natibag ang fire cage namin dahil sa isang snow avalanche na bigla ring natunaw. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakalubog na ang mga paa sa tubig at laking gulat kong isa na lang ang natitirang pearl sa kuwintas ko.
"Val! Last chance!"
May biglang humigit sa akin at inaagaw ang fire prism namin! I used my mind to create flares, pero bigla niya akong itinulak kaya nabitiwan ko pa rin at tumalsik ang prism malayo sa amin.
Nagtinginan kami ng kalaban at nag-unahan pagtakbo para makuha 'yon, pero may biglang humablot sa akin—si Val.
"Val! 'Yong prism natin—"
"It's here, safe and sound."
Nadatnan ko ang sarili kong nakayapos kay Val habang pinatalsik niya ang umatake sa akin kanina gamit ang kaniyang sword of light. Sunod niyang trinansform ito at binalot naman ng nagbabagang apoy.
"Kumapit ka lang sa 'kin. Hindi tayo puwedeng maghiwalay."
Humigpit ang yakap ko sa dalawang water prisms at fire prism namin. We made a strong fire barrier around us, pero may malalakas na Water Elementors pa rin ang pumapatay sa apoy na aming ginagawa. They were creating animal creatures made of water. Mayroon ding gumagawa ng water whirls na unti- unting nakapagpapaanod mula sa aming kinatatayuan. Mayroon ding mga umaatake gamit ang mga bola ng tubig.
Lumingon ako sa paligid at nakapaikot na pala sila sa amin. Doon ko napagtantong kami na lang pala ni Val ang natitirang Fire Elementors!
"Val, hindi tayo puwedeng matalo."
"Hold my hand!"
Malugod ko iyong kinapitan at pinagsalikop iyon na kalebel ng aming dibdib. Nakita kong pumikit siya at isinandal ang noo sa akin. We closed our eyes as we concentrated.
Water is our weakness, but for us, it could also be our strength—strength to ignite the fire more.
Holy maddening spirit of fire
Soul I seek, I call to admire
I wish, I wish the strongest wire
That will jail all the water choir
In time now, you are mine
Strings of fire, please combine
Grow the strongest, huge and massive
Mighty dragon, I devote to perceive
Let the water rain, but let the fire reign!
Pinaulit-ulit ko sa aking utak ang panawagan habang magkahawak kami ng kamay at isinasapuso ang konsentrasyon. Hindi na kami gumagamit ng weapons at hindi na rin kami nakikipagtunggali sa mga nakapalibot na kalaban. We were now fighting at peace because I realized that strength is not about breaking a leg. Sometimes, it is about having a strong heart and peace of mind.
Makailang saglit lang, naramdaman naming unti-unti kaming nababalot ng yelo. Pero kung gaano kabilis kaming lamunin n'on ay siyang bilis rin naman iyong natunaw. The water subsided as the fire was welcomed, and just a few seconds later, we heard a loud roar from a mighty fire dragon!
Pumaikot-ikot ang lipad nito sa amin ni Val, protecting us, at pinapatalsik ang tubig. Ang dragong gawa sa apoy ay nagbubuga pa lalo ng apoy sa mga kalaban namin.
Kahit anong lakas ng tubig ang ginagamit nila pang-atake sa amin nila ay hindi na tumatalab. Bumagsak silang lahat at kumuha kami ni Val ng mga prism na higit pa sa tatlo. Sa isang iglap ay tila naging lupain ito ng apoy at ang naninirahan dito ay ang nagawa naming malaking dragon.
Nang inilapit nito ang ulo sa amin ay hinawakan siya ni Val na parang pinapaamo sa ulo. Tinularan ko siya at hindi ako napaso. That's when I noticed that Val and I had the fire aura, which made our bodies embraced by the fire.
"It's true that water can defeat fire, but water will always find it hard to kill a huge, massive fire." I said and smiled at him.
Makalipas ang ilang sandali ay naglaho na rin ito kasabay ng anunsiyo ni King Darius.
"Cristine and Valentine remain standing! Fire Elementors won the second round. Wind and Fire teams, get ready!"
Namataan na namin sina Sage at Yuan sa kabilang dulo.
"Hala! Sila nga pala ang makakalaban natin. Ayoko silang saktan," may pag-aalalang sabi ko. Sa naunang battle bago sa amin ay sina Sage at Yuan din ang last two standing sa Wind Elementors na tumalo sa Earth team. Now that this was the final round, two versus two na ang labanan na lalo kong ikinapanlumo. Isipin ko pa lang na sasaktan ko sina Yuan ay gusto ko nang magalit sa sarili ko. Can I really do this?
"Wind fuels fire. Remember that, Tine. Basta kailangan lang nating ilugar nang maiigi ang apoy." He intertwined our hands at hindi na ako nagreklamo. We need this... the fighting spirit and unity.
"Wind and Fire, there will be no more prisms, weapons, and three lives this time. Both teams only have one chance to defeat the other. Teams, get ready! In three . . ."
"As long as we're together . . ." bulong ni Val.
"Two!"
"We're unbreakable."
Napahigpit lalo ang kapit ko sa kaniyang kamay. "One!"
Nagpakawala agad sina Sage ng destructive wind trick na tornado. Kami naman ni Val ay nagtinginan lang saka kami kumilos. We already knew what to do.
Tumalon kaming dalawa at nagpadala sa ipo-ipo. Narinig ko pa ang mga sigaw nina Yuan na nag-aalala, pero sinimulan na namin ni Val ang plano. Kahit nahihilo na ako sa bilis ng ikot at sobrang pressure ay pinalibutan ko ng apoy ang loob ng ipo-ipong ito.
I suddenly remembered my other element! Pero ayaw kong mandaya. I joined this tournament as a Fire Elementor, not Wind. Kaya kahit gusto kong pigilan kahit papaano ang mabilis na ikot ng ipo-ipo ay hindi ko ginawa. I continued to summon fire enclosing this tornado.
Imbes na mamatay ang apoy ay pumalibot pa ito sa ipo-ipo at maya-maya lang ay ginawa na ni Val ang huling trick. Gumawa siya ng malaking bola ng liwanag at itinulak niya iyon sa ibabang bahagi ng ipo-ipo.
Nagpaikot-ikot din ang liwanag hanggang sa tuluyan na itong sumabog na may kasamang kakaibang puwersa. We're surrounded by fire and light particles while looking at each other's eyes. Everything was in slow motion until we fell to the ground, with Valentine hugging me.
"Valentine and Cristine won the final round of the Nix Elemental Tournament of Fortress High! Fire team gets the victory! Congratulations!"
Naiyak na ako sa tuwa at niyakap agad siya dala ng nag-uumapaw na saya!
Pumasok sa battle dime ang lahat at binuhat kami ni Val ng buong Fire team. Nagbubunyi ang lahat ngunit mayroon ding hindi naging masaya sa aming pagkapanalo dahil kita ko ang nagngingitngit na galit ni Veronica sa kabilang dulo.
Nakita namin sa kalayuan sina Adam at Bethany na nag-thumbs-up sa amin. We both mouthed thank you to them.
Nakita ko sa crowd ang mga kaibigan namin at tumakbo kami agad sa kanila. I hugged Sage. "Ayos ka lang ba? Ikaw, Yuan? Ellie? Okay lang ba kayo?"
"Adik ka talaga. Ikaw dapat ang tinatanong namin niyan," ani Sage. Siniguro ko naman sa kanilang ayos na ayos ako.
"Nagpatalo lang kaya kami, honeybar," ani Yuan sabay akbay.
Nginusuan ko siya. "Ang sama mo!"
"Joke lang! Pero nagdalawang-isip talaga ako kasi ayaw kitang masaktan. Pero pinaalala naman ni Diamond na anumang mangyari sa battle dime ay isang simulation lamang at hindi totoo. Kaya 'wag kang mag-alala, sadyang magaling lang talaga kayong dalawa. Good team work!"
Nilingon ko si Val na sumulyap sa akin habang kausap si Daniel. That's when I realized na mahalaga ang friendship. Totoong may nararamdaman ako para sa kaniya, pero hindi ko siya dapat kamuhian dahil lang may mahal siyang iba. Matututuhan ko ring mag-move on kaya pahahalagahan ko na lang ang pagkakaibigan naming dalawa. Kailangan ko nga lang talagang mag-effort sa pagdistansiya.
Nilapitan kami ng Royalties at nakipag-high five sa akin si Kierre. "Tine, ang bangis!" biro nito sa akin.
"Salamat, Kierre," sagot ko.
"Syempre nanalo kayo eh. Kung hindi kayo nanalo, snob ka sa'kin." nag-bleh pa ito na ikinatawa ko. Natawa rin sina Ellie sa ginawa niya.
"Matanda ka na ba talaga? O tumatandang paurong?" ganti ko na ikinatawa nila. Nakita kong napatawa si Diamond. Whoa! First time ko yata siyang makitang tumawa.
"Ayos ka na ba, Cristine? We were surprised na lumaban pa kayo." tanong sa'kin ni Diamond.
"Tine na lang po. Nako okay na okay na po ako. Buti nga po at bumalik ang energy ko. Salamat po Mond special ma-mond!" napahawak ako bigla sa bibig ko at nanlaki ang mata. Nagtawa si Kierre at binulungan pa ako ng 'lagot ka, hala yari ka'.
"Hala sorry po na-carried away lang po ako. Ganito po talaga ako kapag masaya."
He patted my head and I was starstrucked. "Okay lang 'yon. Huwag kang magpaniwala sa gurang na 'yan. Tsaka ang dami mo naman mag-'po'. Pakiramdam ko mas matanda ako niyan kay Kierre eh. When the fact is, he's 21 years older than me." ngumiti siya at nagreklamo pa si Kierre. "I'm glad you're fine, Tine."
Kinuha ni Lindrenne ang atensiyon namin. "O, kayong dalawa, the Fire team's pride, may recognition ceremony bukas, ha? Kaya 'wag kayong mawawala."
"Bakit bukas pa po?" tanong ko.
"Oo nga po . . . ngayon na lang po sana. Gutom na po kami, eh," daing ni Ellie.
"Sus, halatang mga bitter 'tong mga batang 'to. Isasabay na sa okasyon bukas," biro ni Kierre saka nagtawanan ang lahat.
Napakunot ako ng noo. Ano bang araw bukas?
"February 14 bukas. Ang araw ng mga puso at gabi ng mga nabuhay na talong." proud pang sabi ni Kierre. Humalakhak kami lalo na si Yuan. Binatukan si Kierre sunud-sunod nina Diamond, King Darius, at King Ralf kaya natawa pa kami lalo.
Napailing na lang si Lindrenne at kinurot sa pisngi si Kierre. Ang hirap siguro magkaroon ng green-minded na asawa.
Araw ng mga puso na pala bukas. Hindi ko man lang namamalayan. Sabagay, parang ordinaryong araw lang naman 'yun para sa'kin dati pa.
Nagpaalam na kami sa Royalties. Hinanap ng tingin ko si Val at nakita kong kausap pa niya si Kierre. Laking gulat ko pang niyakap niya ito nang mabilis. Ano kayang pinag-usapan nila?
Nabuwag ang pagtataka ko nang tawagin na ni Yuan si Val kaya tumakbo na ito sa amin. Sabay-sabay kaming pumunta sa C-Cirle para kumain at mag- celebrate. Paniguradong butas ang bulsa namin ni Val sa pagtatapos ng araw na ito.
• ˚ •˛•˚ * 。 • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •
TANGHALI na ako nagising kinabukasan. Naabutan ko namang namimili na ng damit 'yong dalawa. Hindi na raw nila ako ginising nang maaga dahil gusto nila akong makapagpahinga nang maayos.
Ipinili nila ako ng damit na susuotin saka inayusan. Hindi ko maintindihan kung bakit pinaghahandaan ang araw ng mga puso maging dito sa mundong aking kinabibilangan, pero marahil ay sadyang naghahanda sila para sa recognition event at hindi naman sa mismong okasyon.
Pagsapit ng alas-otso ay parang hinahabol ng multo kung kumatok si Yuan. "Ang tagal n'yo—wow! Chicks!" Pumito-pito pa siya kaya nakatikim siya ng kurot mula kay Ellie.
"Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ni Sage.
"Nagkakasiyahan na kaya sa open grounds! May stage doon at magugulat kayo kung sino'ng kanina pa kumakanta ro'n!" sagot ni Yuan na ramdam ko talaga ang excitement.
Nagmadali na rin kami at sumakay na sa broomsticks. I was getting used to flying now. Sa dinami-rami ba naman ng flying exams, ewan ko na lang kung hindi pa ako masanay.
Mula rito sa itaas ay natanaw ko na ang naglalakihang bandera ng Sefriegen, mahabang mesa ng mga pagkain, magarbong fireworks display na gawa ng Fire Elementors, at bonfire stations na inookupa ng mga grupong nagkakasiyahan at nag-iinuman. Despite being peculiar, I guess we all have had a common denominator in celebrating happiness, and that's through preparing normal festivities like this.
Sa malayong tingin ay nakita ko agad si Val sa gitnang bahagi ng open ground. My jaw dropped in surprise to witness him singing. Siya ang may hawak ng mikropono, si Daniel ang nasa gitara, at may isa pa silang kasama na nagda-drums.
Nang makalapag kami ay mas lalo ko pang nakita kung gaano ka-cool ang pormahan ni Val. He looked different, yet he's still drop-dead gorgeous.
"Yuan, bakit parang lasing siya?" tanong ni Ellie na ang tinutukoy ay si Val. Sabay-sabay naming nilingon si Yuan at hinintay ang kaniyang sagot.
"Lasing nga. Kaninang tanghali pa kami nagsimulang mag-inuman. Eh, napasobra ang happy-happy kaya 'ayan, napilit ni Dan na kumanta." Ngumisi siya kaya nilingon ko agad si Val.
Napatanga akong bigla nang magsimula ang kanta at narinig ang boses ni Valentine.
♪ Who'd have thought I'd be here by myself?
Who'd have thought that you'd be bad for my health? ♪
♪ Who'd have thought about the cause and effect?
Yesterday's love is not tomorrow's regret
Now I know, now I know I'm just a man on wire ♪
Nang makita niya ako ay ipinirmi na niya ang tingin sa akin. I remembered him being playful before when he was drunk. Bakit ngayon, tila matamlay ang mapupungay niyang mga mata?
♪ No, I can't look down, I'm trying to fight the feeling
I will fall to the ground if I ever see you
'Cause I feel like I'm walking on a tightrope, my heart is on my throat
I'm counting on high hopes to get me over you ♪
Tuwing pumipiyok siya ay nagsisitawanan sina Yuan at napangingiti naman ako. Just this night, I wanted to stop thinking about the repercussions, the conflicts, the barricades, and the pain.
The crowd was cheering for him when the song ended. Alam kong ayaw ni Val ng atensiyon, pero hindi naman 'yon maiiwasan lalo na kung siya ang pagtutuonan ng pansin.
Matapos ang palakpakan ay agad na nagsalita si Diamond.
"I want to congratulate the Fire team once again. With Cristine and Valentine, they proved that the real good in trying your best is fighting until the end. Let's all have a toast!" he said as he raised his glass when he looked at me.
Inagaw na ni Kierre kay Mond ang mikropono. "Happy Valentine's Day Fortress High!"
Inagaw naman agad ni Val ang mic sa kanya, "Salamat! Isa kang alamat!" naniningkit niya iyong sabi. Jusko, ang sabog niya kapag lasing.
"Valentine ang pangalan mo pero araw ng mga puso ang tinutukoy ko. 'Wag kang feeling!" umamba pang babatukan ni Kierre si Val kaya na-entertain ang audience. Nagtawanan kami sa pagbibiruan pa nila.
Tinuro ako ni Kierre at siyang nagtinginan lahat sa'kin. "Time to dance! Dapat first dance ang champions!" lumingon ito kay Val at inasar siya. "Ha! Kahit sintunado ka sinisigawan ka nila, tignan natin kung uubra ngayon ang mga kaliwang paa mo."
"Magaling ako magsayaw 'kala mo ba?!" birong ganti ni Val at tumingin na sa'kin. Napalunok ako.
Nagsitabihan ang lahat at natira kami nina Ellie, Sage, at Yuan sa gitna. Nagtinginan naman ang tatlo at iniwan na ako sa gitna. Hinawakan ko si Yuan sa laylayan ng damit niya.
"You'll be fine, honeybar. Just enjoy it." kumindat siya sa'kin at sumama na kina Ellie.
Napalunok ako nang magsitabihan ang lahat at ako na lang ang naiwan sa gitna. Nagkaroon ng smoke effects ang paligid na gawa ng Wind Elementors. Napaligiran din kami ng colorful lights na gawa naman ng Fire Elementors at pinakinang pa nila ang dress ko na nagkaroon ng instant glitters.
Nagsimulang tumugtog ang music kasabay ng tila paggawa ng ice bridge ng water elementors na mayroong area sa gitna kung saan kami magsasayaw ni Val. Ang mga disenyo ay mga magagandang bulaklak na gawa naman ng earth elementors.
Bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil mukhang in-organize nilang maigi ang first dance namin at ngayon nga ay mataman nang nakatingin sa akin si Val. Namumutawi sa isip kong para itong isang panaginip—panaginip na ayaw ko nang magising. Everything was just so perfect now!
Nagsimula na siyang maglakad kaya dahan-dahan na rin akong naglakad.
Tumigil kami sa gitna ng gazebo na gawa sa yelo. He hovered his right hand facing me. Inilapat ko na rin doon ang kanan kong kamay. Magkadaupan ang aming mga palad habang dahan-dahang umiikot na nakatitig lang sa isa't isa. Nagsimula ang panibagong musika at wala na akong ibang makita kung hindi siya lamang.
♪ Clear blue water, high tides came and brought you in
And I could go on and on, and on and on, and I will ♪
Nilalasing ako ng kaniyang mga mata—mga matang gustong mangusap, tila may gustong sabihin at gustong ipadama. Inilagay na niya ang isa pa niyang kamay sa likod ko at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak niya. Ipinatong ko na rin ang isa kong kamay sa kaniyang balikat saka napalunok.
♪ In silent screams, in wildest dreams
I never dreamed of this ♪
Hindi kami nagsasalita at talagang isinapuso namin ang sayaw na ito, pilit pinupunan ang mga naghuhumiyaw na salita ng bawat titig at kilos.
Siya ang totoong Valentine Archangel na kilala ko. Ipinakikita ang kung anong pumupuno sa kaniya sa pamamagitan ng gawa. Ibang klase ang koneksiyon na mayroon kami sa oras na ito at mahirap kumawala.
He's someone who can make you feel like he's the gravity to your universe.
♪ This love is good, this love is bad
This love is alive back from the dead
This hands had to let it go free
And this love came back to me ♪
For the first time in my life, I felt so serene and happy inside. Iniwan at isinantabi namin ang lahat na wala kaming ibang nakikita kundi ang isa't isa. Sumasakop sa utak ko ang lahat ng magagandang bagay tungkol sa kanya at parang nahulog ko na sa kung saan ang mga negatibo.
Nakikita ko siya ngayon bilang Val na mahal ko at hindi bilang Val na kailangan kong kalimutan.
Gayunman, may pilit pa ring sumisiksik sa aking kaisipan na mga posibilidad na tiyak na ikasasakit na namang muli ng aking damdamin.
This man was taken by someone. Someone na hindi ako. Kung puwede lang sana ay mutual . . . kung sana ay puwede . . . kung sana ay mayroong kami.
♪ This love is good, this love is bad
This love is alive back from the dead... ♪
Tumatak sa isip ko ang mensahe ng kanta at nagsimula na akong mag-isip ng mga bagay na ikasasakit na namang muli ng damdamin ko.
♪ This love left a permanent mark
This love is glowing in the dark... ♪
Nang matapos ang musika ay agad na akong kumawala sa aming pagkakahawak at tumakbo palayo sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon pa at baka may kung ano pa akong maramdaman at magsisi lamang bandang huli.
My own fairy tale has now ended. My once-in-a-lifetime was finally over.
Pumunta ako kung saan nakapuwesto sina Ellie. Kumain at nagsalo-salo ang lahat sa mga pagkaing nakahanda. Nag-inuman ang mga kaibigan ko kaya hindi ko na rin napigilang hindi sumali.
Pagkalipas ng ilang oras ay nais na nilang umalis na kami dahil lasing na raw ako. Nagrereklamo pa ako sa kanila, pero ayaw na nila akong painumin.
"Time to sleep na, Bebe Tine," pangaral ni Ellie. "Na-enjoy natin ang Valentine's Day. Araw talaga ito ni Val, eh 'no? Kasi birthday niya. Hindi man lang natin siya nabilhan ng cake, pero sa bagay, ang dami na rin namang pagkain," sabi pa niya.
"Sino'ng may birthday? Si Val?" tanong ko kahit tila umiikot na ang aking paligid.
"Birthday ni Val ngayon, Tine! Hindi mo pala alam? Akala ko binati mo na siya habang nagsasayaw kayo kanina."
Saglit akong natigilan. "Mauna na muna ako sa inyo," pamamaalam ko sa kanila.
"Teka! Sa'n ka pupunta? Lasing ka na, Tine!" paalala akin ni Sage.
"I'll find him." Tahimik akong lumayo sa kanila at nahihilo man ay mabilis akong naglakad para hanapin si Val. This was indeed his special day, pero nilayasan ko siya kanina sa sayaw namin.
Nakita ko siya sa likod ng stage kasama si Dedemon. Hahalikan na niya sana si Val pero buong lakas ko muna siyang hinatak mula sa babaeng 'yon at hinalikan sa pisngi nang matagal na matagal na matagal na matagal.
Ngumiti ako ng malapad kahit hindi ko na siya masyadong nakikita dahil bumabagsak na ang mga mata ko hilo at antok.
"Happy birthday cheesecake! Yey!" Tinaas ko pa ang mga kamay ko na parang nagbubunyi sa saya.
Iyon ang huli kong natandaang sinabi ko hanggang sa makatulog ako.
Ngumiti ako sa pagpikit ko dahil alam kong kahit isang beses lang... sinalo niya ako nang mahulog ako.
==========
Mahiwagang Note:
Happy Birthday to the hottest, most handsome, guardian of all time, Valentine "Cheesecake" Archangel.
Mabagal si Tine, ako na ang gagawa. *hinalikan sa labi si Val nang malinamnam*