[FLASHBACK]
"Stop drinking na, iuuwi na kita."
"Who are you?" Pilit nitong inaaninag ang mukha n'ya. Halatang sobra na nga itong lasing.
"Mara told me ilang araw ka ng nag-iinom. Hindi na 'to maganda sa health mo, Narda."
"Ano ba'ng pakialam mo? Sinaktan mo ako, Regina! Sinaktan n'yo ako ng sobra ni Noah! And how do you expect me to react? Matuwa ako? Tumawa ako? Putangina, Regina! Umasa akong okay tayo. Umasa akong magkakaroon ng tayo. Umasa ako na pipiliin mo ako. Kaso pinaasa mo lang pala ako!"
Tumungga pa ito sa boteng hawak.
"Stop drinking, I said! Pakinggan mo muna kasi ako."
"Bakit naman ako makikinig sa paasa at sinungaling na kagaya mo? At ano ba ang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa honeymoon kayo ni Noah? Putangina kasal ka na kay Noah, Regina. Congrats!"
Itinaas pa nito ang bote na halos maubos na nito ang laman.
"That was all staged, babe! Hindi kami totoong kasal ni Noah. I just did that para maprotektahan ka. Ayokong maging rason ng pagkasira ng career mo. Ikaw ang mahal ko, Narda. Please believe me."
Tinitigan s'ya nito saka tumawa ng pagak. Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata nito.
"Huwag na nga tayong maglokohan dito, Regina. You can tell me all the lies in the world pero 'yong nakita kong saya sa mukha mo ng mapanood ko 'yong live ng kasal mo? That! That will invalidate anything you'll say. Sayang, Regina. I wanted to live a life from showbizness with you. Hindi man ngayon pero in the future. But Noah and you ruined it. Titigil na akong mangarap because of you!"
"Maniwala ka naman sa akin, baby. Totoo ang lahat ng sinasabi ko. I'm not lying. Noah is just blackmailing me."
"Sayang, Regina. Gusto ko pa naman sanang bumuo ng pamilya with-..."
Napatigil ito sa sinasabi at pilit na tumayo mula sa kinauupuan nito.
Pasuray-suray s'ya nitong hinila.
"Come with me, bitch!"
"Narda, nasasaktan ako. Bitawan mo ako." Pilit s'yang kumakawala sa higpit ng pagkakahawak nito.
"Regina, may problema ba?" Tanong ni Ali ng makita silang naghihilahan papuntang parking lot.
"Wow! May bodyguard ka pa palang dala!" Singhal ni Narda. "Nasaan ang kotse mo, Ali?" Tanong nito.
"Humingi ako ng tulong kay Ali para hanapin ka, Narda."
"Nandoon sa dulo ang kotse ko. Hali na kayo. Ihahatid ko na kayo pauwi."
"No! Take us to Makati!" Naghalungkat ito sa wallet saka ibinigay kay Ali ang tarhitang nakuha mula dito.
"This is a private clinic, Narda. Saka gabi na. Wala ng tao d'yan."
"I told you to take us there, Ali!" Singhal nito.
"Sundin mo nalang s'ya, Ali. Please."
Nababaghan man, mas gugustuhin nalang n'yang sundin ito kaysa mag-iskandalo pa ito sa labas. Baka may makakita na namang paparazzi sa kanila at maissue na naman ito.
______________
"Doc Luna!" Sigaw ni Narda mula sa labas ng private clinic.
"Hey! Wala na yatang tao d'yan. Bumalik nalang tayo bukas."
"No!" Pumulot ito ng bato saka pilit na pinupukpok ang roll up door ng private clinic na pinuntahan nila.
"Doc Luna! Open up!" Pamimilit pa nito.
Maya-maya ay bumukas ang ilaw sa 2nd floor ng clinic. Bumukas ang glass window saka may dumungaw na babae na halatang nagising sa ingay na ginawa ni Narda.
"Narda? Bakit ka nag-iingay d'yan sa baba?" Tanong nito ng mapagsino ang bisita.
"Please let us in. I need you to do something for me."
"Are you drunk? Sandali, bababa ako. Give me some minute."
Sumandal si Narda sa roll up door habang nakapikit. Pinipilit na labanan ang antok dahil sa kalasingan.
"My goodness, Narda! Ilang taon tayong hindi nagkita tapos sa ganito mo pang paraan ako bibisitahin?"
Hindi naman galit ang doctor. Halatang kilalang kilala nito si Narda dahil niyakap nito agad ang dalaga.
Binuksan nito ang clinic saka pinapasok sila.
"You owe me a favor, doc. Gusto ko ng maningil ngayon." Nakasmirk pa nitong sabi sa doctor sabay upo sa naroong sofa. Nakasunod lang sila ni Ali sa mga ito.
"Hey! Hey! You should have called earlier. This is too late for anything. Bakit hindi nalang tayo magkape sa taas? Or maybe you get some shower and sleep at the guest room?" Halatang alam nito kung ano ang favor na hinihingi ni Narda kaya pilit nitong iniiwas.
"Let me remind you, doc. You were starting as a reproductive endocrinologist then. Kakatayo mo lang nitong clinic and you needed donors. I was one of your first donors, doc. And you told me, if I needed to do IVF you're willing to do it for free for me. But I can pay you, doc. I just need you to do it for me."
"IVF!?" Sabay nilang tanong ni Ali.
"Yes, Regina! I want you to carry my child! I want you and Noah to remember what you did to me! Bearing my child means having to deal with my hate and revenge your whole life. Sa tuwing makikita n'yo ang anak n'yo, maaalala n'yong may sinaktan kayong tao! I won't ever forgive you for what you've done to me."
"Narda, pwede n'yo namang pag-usapan 'to, 'di ba? Yes, I can do the procedure for free as promised. Pero sigurado na ba kayo? You're popular stars. You're at the peak of your careers. I know that kasi nababalitaan at nakikita ko kayo sa tv. Hindi n'yo dapat sirain ang career n'yo by being impulsive."
"It's okay, doc. Gagawin ko." Sabad ni Regina.
"Are you sure?"
"Yes. If 'yan ang makakapagpanatag kay Narda. If d'yan s'ya magiging masaya. I will. Do the procedure, doc. I'm ready."
"Pero, Regi."
"I've decided, Ali. Doc."
"Possible bang makabuo ng baby with their eggs, doc?" Confused na tanong ni Ali.
"Actually no. Kailangan talaga ng sperm na magfefertilize ng egg. And sa case nila, Narda will be the source of the egg and Regina will be the carrier. Lucky you there's available sperm in the bank. But she can't donate eggs in her state right now. Mabuti at may nakareserve talaga akong eggs ni Narda just in case she will need it. I'll just have to run a series of test to make sure that you're capable of carrying a child, Regina, before the actual embryo transfer procedure."
"Nakatulog na s'ya, Regi. Maybe you should stop what you're about to do. Malamang hindi na rin naman n'ya maaalala 'to bukas." Sabi ni Ali ng mapansing nakalupaypay na si Narda sa sofa ng clinic.
"Bring her home, Ali. Doc and I have a lot of test to do. And please don't bring this up to anyone, lalo na kay Noah at kay Narda mismo. I've decided to leave the country after this."
Inakay na ni Ali palayo si Narda habang nakatitig lang si Regina sa kanila.
"I'll make sure to love your child just like how I love you, Narda."
[End of Flashback]
"Malaki na si Dare, Regi. Don't you think it's time to tell Narda everything? She needs to know too. Doc Luna can attest to this. Don't tell us na dadalhin nalang namin ni Doc luna sa hukay ang sekretong 'to?"
"Lucky me she was so drunk that night that she doesn't remember anything."
"Lucky you? Hindi, Regi. You are just being your selfish self right now. Hindi ba't umuwi ka dito kasi kailangan mong mabuo ang pampaopera kay Dare? Narda can help you with it."
"That's why i'm lucky she doesn't remember. Hindi ako bumalik dito para humingi ng tulong sa kanya, Ali. I raised our child alone and I will attend to all his needs alone. I just needed my showbiz comeback para mas mabilis makaipon para sa surgery ni Dare."
"Dare also needs Narda's love."
"Hindi naman kasi nabuo sa love si Dare, Ali. Nabuo s'ya because of Narda's anger. Kaya he doesn't deserve to feel unwanted and unloved. I love him, Ali. He's all I have. All this years Dare is a proof na sobra kong mahal at minamahal si Narda kahit pa sabihin n'yang niloko namin s'ya at sinaktan ni Noah."
"You don't deserve all this hate, Regi. Ang tagal mo ng nasasaktan ng dahil sa kanya. Dapat kasi sinasabi mo na sa kanya ang lahat ng ito."
"You know what? After last night, binalak ko na talagang sabihin sa kanya. Nakita ko kasi 'yong longing sa mata ni Dare. Alam mo 'yong nakikita kong gustong gusto n'yang pigilan si Narda umalis but he chooses not to. Masakit para sa akin na makita 'yon, Ali. But she told me, hindi n'ya maatim na makita si Dare kasi naalala n'ya ang pananakit namin ni Noah sa kanya."
"Dahil mali s'ya ng iniisip, Regi. Hay! Bakit ba kasi ang hirap para sa inyo na mag-aminan. It's a never ending series of misunderstanding lang naman."
"Time will come, Ali."
"Hay ewan. Puputi nalang yata ang uwak hindi mo pa masasabi sa kanya 'yan."
"Let it be then."