"Oh! Saan ka pupunta?" Tanong nito ng makitang niligpit n'ya ang kinahihigaan at ang mga gamit n'ya.
"I'm going home."
"At 9 pm? Are you crazy? Probinsya 'to. Wala tayo sa city. Delikado sa daan, Miss Vanguardia. And for sure hindi papayag sina lola na umalis ka."
"Kaya nga ikaw nalang ang magpaalam para sa akin, Narda."
"Sa anong part hindi ko nalinaw na hindi tayo close para first name basis ang tawagan natin?"
"Saan din na part ang hindi mo naiintindihan sa sinabi kong I don't need your help anymore? I won't work for you na. Hahanap nalang ako ng ibang paraan para maisaayos ang dapat kong ayusin. I've had enough, Narda."
"Oh 'di quit! For all I care!"
Tinotoo nga n'ya ang sinabi. Iniwan n'ya ito sa kwarto at walang lingon likod na lumabas ng bahay dala ang mga gamit n'ya.
"Oh, ate Regina, saan ang punta mo? Shot ka muna dito." Yaya ni Ding na nadatnan n'yang ka jamming ng mga barkada nito sa may garden.
Inilapag muna n'ya ang mga gamit. Booze is what she really need right now. Nasistress s'ya kay Narda.
"Uuwi na, Ding. May masasakyan pa ba pabalik ng Manila?"
"Meron namang night bus, Ate Regina. Pwede kang mag abang d'yan sa kanto, Te. Pero baka pagalitan ka nina lola at ganitong oras ka talaga aalis. Tapos 'di ka pa nagpaalam."
Inisang-lagok lang n'ya ang puting likido na nasa basong inabot ni Ding sa kanya.
"Hmmm. Bubble gum flavored? Anong inumin 'to?"
"Lambanog 'yan, Ate Regina. 'Wag kang masyado magpalinlang sa sarap n'yan at baka tumumba ka nalang sa kinauupuan mo."
Nagkatawanan naman ang mga barkada ni Ding.
"Ipakilala mo naman kami d'yan sa chicks na bisita n'yo, Ding." Hirit ng isa na kanina pang nakatitig kay Regina.
"Mga ogag! Off limits 'yan. Asawa ng ate ko 'yan." Hirit pa ni Ding.
Naiiling na tumungga nalang s'ya ulit sa basong s'ya na ang nagsalin.
"Tss! Asawa? Ding, asa ka. Wala ngang kami n'yang ate mo tapos sasabihin mong asawa? Tindi ng imagination mo."
"D'yan din ang tuloy n'yo, te. Dadating ang panahon na malalaman din n'ya ang totoo."
"Iinom nalang natin 'yang delusion mo na 'yan, Ding. Oh tagay pa."
Walang pakundangan n'yang hinahayaan ang sariling malunod sa alak na nasa harapan.
"Uuwi ka pa, 'di ba? Tama na 'yan, Ate Regina. Baka 'di mo na kayanin at kung mapano ka pa sa daan. Mapagalitan pa ako ni lola at ni Ate."
Tama nga naman si Ding. Hindi dapat s'ya magpakalasing dahil uuwi pa s'ya. "Si lola oo, pero ate mo? Hanggang pangarap ko nalang s'ya, Ding."
Tumayo na s'ya at tama nga si Ding. Mapanlinlang ang nainom n'ya.
"Oh, Ate. Tinamaan ka na agad? Sabi sa'yo mapanlinlang ang inuming 'to. Pumasok ka nalang kaya ulit sa loob at matulog? Bukas ka nalang umalis." Agad naman itong tumayo para sana alalayan s'ya.
"I'm fine, Ding. Kaya ko 'to. Malapit lang naman ang kanto eh. 'Pag makasakay naman na ako ng bus pwede naman akong matulog sa byahe. Pakisabi nalang kina lolo't lola na salamat saka babalik nalang ulit ako dito."
"Sige, te. But make sure sa sunod mong balik, hawak mo na sa leeg 'yong ate ko ha?"
Natawa naman s'ya sa tinuran nito. "Magtino muna 'yang ate mo, Ding. Andaming chicks n'yan sa Manila. Baka mawalan na rin ng leeg 'yan sa dami ng babaeng sasakal d'yan." Biro pa n'ya.
"Regina!" Napatigil s'ya ng marinig ang boses ni Narda.
"On my way now, Ding." Paalam n'ya saka pilit na naglakad ng maayos.
"Uminom ka?" Tanong nito habang nakasunod sa kanya.
"Oo." Maikli n'yang sagot.
"Then go back inside and sleep." Pilit nitong hinawakan ang kamay n'ya para papasukin s'ya sa loob.
Napatigil s'ya. Pilit na pinakalma ang sarili. Paano ba naman kasi, first time in a long time na nadama n'ya ulit ang mainit nitong palad sa balat n'ya. Aminin man n'ya o hindi, she misses her touches. She misses how she care for her like this.
"Epekto lang ng alak 'to." Ipinilig n'ya ang ulo sa isiping 'yon at iwinasiwas ang kamay para mabitawan s'ya nito.
"I'd better go home than argue with you, Narda."
"Atleast stay for the night. I won't bother you. I won't even say a word. Ayokong ako pa ang maging dahilan para mapahamak ka sa daan."
Tumawa s'ya ng pagak. "Now you're concerned! Huwag kang mag-alala. Hindi kita sisisihin kung may mangyari man sa aking masama. It's all on me."
"Matigas pa rin ang ulo mo hanggang ngayon, Regina!"
"Matigas na din ang puso mo ngayon, Narda. You promised not to hurt me, I promised na sasaluhin kita when you fell inlove deeper. I did my part, Narda. You didn't do yours!"
"Ano'ng pinagsasabi mo? You're delusional! Ikaw ang nang-iwan, Regina! You hurt me more than i've hurt you. Look at me! I've changed! A lot! And that's because of you!"
"Yeah! You are you because of me! But not in a way you think it is!"
"Stop confusing me, Regina!"
"Stop being close-minded, Narda!"
Huminga s'ya ng malalim saka tinalikuran na ito. Inot-inot na naglakad patungo sa kanto. Saktong may paparating ng bus.
"Regina! Mag-usap tayo ng maayos."
"I know you knew where I live. Puntahan mo lang ako kung ready ka na talagang makinig."
Sagot n'ya lang saka pinara ang paparating na bus.
Kaagad na s'yang sumakay ng hindi ito nililingon.
______________
"Oh, Yna! Akala ko ba hindi ka uuwi ngayon?" Tanong ni Aling Tess ng mabungaran s'ya sa harap ng pinto matapos ang sunod-sunod n'yang pagkatok.
"Maaga akong natapos sa trabaho eh. Pwede na po kayong umuwi. Ako na po ang bahala dito." Inabot n'ya ang bayad na hanggang bukas pa sana.
"Salamat, Yna. Una na ako. Napatulog ko na din si Dare."
Tumango naman s'ya saka binuksan ang ref para kumuha ng beer saka pasalampak na umupo sa naroroong couch. Hindi na s'ya nag-abala pang buksan ang ilaw.
She emptied the bottle and close her eyes. Her tears starts to fall from her closed lids.
She didn't know it will be this hard ng magdesisyon s'yang umuwi ng Pilipinas.
"Mommy?"
Kaagad s'yang napadilat when she heared his little voice.
"Baby... I thought you're already asleep."
Binuksan nito ang ilaw kaya napatakip s'ya ng mata sa pagkasilaw. Kaagad na rin n'yang pinunasan ang luha para hindi nito makitang umiiyak s'ya.
"Let me see your face, miss. Come closer."
Huminga s'ya ng malalim saka dumukwang para magkaharap sila nito.
"You're drunk again, miss. I can smell your stinky breath." Humalukipkip ito sa harap n'ya. Halata sa mukha nito ang pagkairita.
"Just a little, baby. It's a grown up stuff you won't understand." Paliwanag n'ya rito. Dare is 5 years old but acts as a grown up most of the time. Parang feeling nito magkaedad lang sila kung pagalitan s'ya nito.
"Dada made you cry again?"
Umiling naman s'ya. Hindi n'ya dapat isinasali ang anak sa sariling problema.
"No, baby. Pagod lang si mommy."
"Why are we here again? I thought you needed money for my surgery."
"I do, baby. Mommy needs a lot of money for your operation."
"I don't need surgery anymore. Let's go back to Vietnam, mom."
Umiling si Regina. "Baby, I told you, hindi ko kayang mabuo ang amount na kakailanganin para sa operation mo kung aasa lang tayo sa gigs at raket ko sa Vietnam."
"I don't like what i'm seeing that's why. If having that surgery makes you feel sad and crying, 'wag nalang. I'll be okay mommy. Hindi mo kailangang masaktan at umiyak just because of me."
Ginulo n'ya ang buhok ni Dare. "You remind me so much of your Dada. I'm okay, baby. I'll be okay."
"A grown up thing I would never understand. You keep secrets most of the time when in fact it's a lot easier to tell the truth. Huwag mo akong itulad sa kanya, mom. Hindi ako kagaya n'ya. Hindi kita sasaktan. I'll always listen and love you. I won't let you get hurt and cry. Grown ups make little things so complicated. It's so stressful."
Napatawa s'ya sa sinabi nito. Niyakap n'ya ito ng mahigpit. "My baby. I love you. I don't know what to do without you."
Dare is the only reason why she's still sane. Why she's still fighting. Why she still wishes for a better life.
Inayos nito ang medyo nagulo n'yang buhok. "Take a shower, will you? I don't want to share a bed with a drunkard."
Napailing nalang s'ya. "Oo na po."
Naglakad naman ito pabalik sa kwarto bitbit ang teddy bear nito.
"Mom?"
"Hmmm?"
"If ever I see you cry like this again, i'll punch Dada in the face."