AFTER THE MOVIE

By HoneyGo1

19.7K 819 1.7K

A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia... More

The Blurb
Prologue
Chapter 1: Cope
Chapter 2: T.A.N.G.A
Chapter 3: Fallin'
Chapter 4: Narda n'yo friendzoned
Chapter 5: Regina homokojic era
Chapter 6: Got to be real
Chapter 7: Little steps towards realization
Chapter 8: Distansya o disgrasya
Chapter 9: Okay na sana pero...
Chapter 11: Exclusive contract
Chapter 12: Expect the Unexpected
Chapter 13: What happens after the movie ends?
Chapter 14: 6 years after the movie
Chapter 15: Special Treatment
Chapter 16: TOTGA
Chapter 17: It's not what it was
Chapter 18: Bruises of the past
Chapter 19: Confusion
Chapter 20: Demon of the past
Chapter 21: Narda natagpuang tanga
Special Chapter ft. Chapter 21
Chapter 22: Dare
Chapter 23: Hate baby
Chapter 24: Nakakabuo pala ng anak ang Jack Daniels
Chapter 25: Balikan na ba this?
Chapter 26: Hindi pa rin daw sila bati
Chapter 27: Hindi nadadaan sa landian ang pakikipagbati
Chapter 28: Abrupt decisions
Chapter 29: Nakakaramdam din pala ang bato
Author's note
Chapter 30: Seducing Regina
Chapter 31: What is a date with Narda without sex?
Special Chapter ft Chapter 31
Author's note
Chapter 32: Narda n'yo nambabakod
Chapter 33: She fall first, she fell harder
Chapter 34: Trip to Vietnam gone wrong
Chapter 36: Ang gago mo, Jameson. Pakyu!
Chapter 37: Narda boang
Chapter 38: Nakakagaga na talaga!
Chapter 39: Ano ba dapat title nito? Pagod na rin ako mag-isip gaya ni Regina
Chapter 40: Practice throwing lines (landian edition)
Chapter 41: Last wish
Chapter 42: Coming out
Epilogue

Chapter 10: Mas mainit ang yakap kaysa kape

361 16 17
By HoneyGo1

"Tama nga ako. Dito nga kita makikita."

Nagulat si Noah ng madatnan n'ya sa bar na may kasamang babae. Nakakandong pa ito sa lap nito.

Kita n'ya ang pagkatense ni Noah at akmang tatayo pero kinuha n'ya ang iniinom nito at naupo sa tabi nito sa couch.

Nagsitinginan nalang ang mga barkada nitong palihim na nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Nag-aabang sa anumang mangyayari.

"It's not what you think it is, babe."

Umiling-iling s'ya saka inisang-lagok ang brandy na nasa baso nito.

Mapait. Matapang. Pero wala na yatang mas bibitter at mas matapang pa sa kanya ngayon. Chill na chill lang s'ya habang nakikipagtitigan kay Noah.

"Maganda, Noah. Pwedeng trophy girlfriend."

Parang napapasong itinulak nito ng bahagya ang babaeng nakakandong dito na muntik na nitong ikinatumba.

"Who's this ba, Noah?" Inis na tanong nito.

Hindi naman ito pinansin ni Noah at binalingan s'ya. "Babe..."

Nagsalin ulit s'ya ng alak sa baso at uminom. Her nerves started to numb. 'Yon naman ang gusto n'yang mangyari, 'yong mamanhid na ng tuluyan. Lalo na sa nararamdaman n'yang galit sa lalaking katabi.

"I saw Babylyn, if that is her real name, earlier sa boutique. Namili kami ng damit nina Mara at Narda ng makita ko din s'ya doon." Kwento n'ya pa na lalong ikinapamutla ni Noah.

"I told you ipapakilala kita soon." He tried to smile but she can clearly see how nervous he is.

"No need, Noah. I said hi myself. Might as well take the opportunity since we're at the same place that time."

She kept drinking and Noah tried to stop her by holding her hand.

"Let go of my hand, Noah, if you don't want my other hand to slap you." Kalma n'yang sabi.

Bumitaw naman ito. "I'm sorry, babe."

"No. It's okay, Noah. I'm the one who wants to say sorry. Naging tanga ako. Nagbulagbulagan ako. Naging bingi ako sa sumbong ng mga kakilala ko. I treasured us too much that I made myself martyr. I'm sorry, Noah, kasi nagising na ako sa katotohanan na ang mahabang nagsasama ay hindi sukatan para isipin kong tayo na talaga forever. I'm sorry, Noah, kasi i'm letting you go for real now. Like wala ng balikang magaganap. I'm breaking up with you for real, Noah."

Tumayo na s'ya at akmang aalis.

"Babe, 'wag naman ganito. Ayusin natin 'to. Magbabago na ako for you."

"Do it for yourself, Noah. Magbago ka para sa sarili mo. Make yourself worthy for the next real relationship you'll have."

"Babe!"

Lumabas na s'ya at hindi na lumingon pa.

"Ouch!/Ops!" Magkapanabay nilang sabi ng nakabungguan n'ya.

"Nana..."

"Mo..."

"Kaya ba malakas na ang loob mong mang-iwan ngayon kasi andito na ulit ang Elmo mo?" Sigaw ni Noah na sumunod pala sa kanya sa labas.

"What does it have to do with Elmo? Huwag mong idamay at gawing sangkalan ang taong wala namang kinalaman sa pagiging babaero mo, Noah!"

"What's happening, Nana? Bakit kayo nag-aaway?" Tanong nito na halatang kakarating lang.

"Sige magsumbong ka! Andito na ang superhero mo, 'di ba? Kaya ka na mang-iiwan kasi may babalikan ka na!"

"Tigilan mo nga si Elmo! He has nothing to do with this! Hindi lang cheating ang problema mo, Noah, liar ka! Yong cheating natolerate ko pa ng konti eh pero 'yong lying? Hell no! Never again, Noah! Not ever!"

"Sige balikan mo 'yang walang bayag mong ex! Makipagkampihan ka doon sa bestfriend mong si Narda! Magsama-sama kayo!"

Natawa s'ya ng pagak. "Wow! Ikaw pa talaga ang galit, Noah? You wouldn't even admit your mistakes and apologize? Ganoon ka na ba ka walang kwentang tao?"

"Maybe, Regina! Maybe! And i'm sick and tired of your dramas! Eh 'di break kung break!"

Akmang lalapitan ni Noah si Regina ng pumagitna si Elmo.

"Layuan mo s'ya, Noah! I know that look. Hindi ko gusto 'yang ganyang tingin mo kay Nana. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisihan mo. Pinagbigyan na kita sa gusto mo dati! Hinayaan ko si Nana sa'yo kasi ipinangako mong mas mamahalin mo s'ya! Pero ano 'tong ginagawa mo, pre? You weren't deserving of her love. I shouldn't have left her with you! Hindi dapat kita sinunod! Hindi dapat ako omoo dahil lang sa utang na loob."

"Sinave kita sa mga ka frat ko, Elmo! Hindi libre 'yong favor na 'yon!"

"Hindi nga libre, Noah! Kasi ilang taon kong dinala ang guilt at ang longing para kay Nana! Alam mong mahal ko s'ya pero ang gago mo lang para gawin s'yang pambayad ng utang na loob at ang gago ko dahil nagpauto ako sa'yo, ang tanga ko kasi ipinaagaw ko s'ya ulit sa'yo dahil lang sa naging duwag akong mabugbog ng mga kafrat mo!"

Nagsukatan ng titig ang dalawang lalaki at akmang magsusuntukan ng tinalikuran n'ya ang mga ito.

"Nana!"

"Regina!"

Hindi na s'ya nag-abala pang lumingon at dire-diretsong lumabas ng bar.

"I can't believe i'm hearing all this after so many years. But why does it feel... nothing. Like wala akong maramdamang gulat or panghihinayang for the both of them. All I crave for right now is to be with Narda. To see her warm smile and to feel her comforting hug." Naisa-isip n'ya.

                     ________________

"Sino 'yan?" Dinig n'yang tanong nito mula sa loob ng unit nito.

She rang the doorbell again.

"Sino'ng..."

She opened the door and nakita s'ya nitong nakasandal sa gilid ng pinto.

"Regina. Ano'ng ginagawa mo dito? Late na ah."

"May kape ka, Narda? Naubusan ako sa unit eh."

Tiningnan s'ya nito ng may pagdududa pero agad na niluwagan ang pinto para makapasok s'ya.

"May kape ako dito pero kape ba talaga ang kailangan mo?" Tanong nito habang isinasarado ang pinto.

"Actually mas mainit pa sa kape ang kailangan ko." Sagot n'ya sabay yakap dito.

"Regina..." hindi naman ito nakahuma at nagulat sa bigla n'yang pagyakap dito.

"Ano'ng problema, Regi? Gusto mo bang pag-usapan natin 'yan?" Concerned na tanong nito.

"Hayaan mo na muna akong ganito, Narda. Just hug back please." Hiling n'ya.

Naramdaman naman n'yang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Her warmth make her teary eyed.

She longed for this. She craved for this. This is all what she wanted lang pala all these years. Si Narda lang pala ang kailangan n'ya.

"Magpapakulo lang ako ng tubig para makapagkape ka na, Regina." Bulong nito at halatang nangangalay na sa tagal ng pagkakayakap nila.

"I think i'm okay. Mas mainit pa ang yakap mo kaysa sa kape."

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
43.6K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
2.4K 152 16
When the Star met the Moon in the middle of the night. I re-published it but changed NOTHING. excuse grammars or spellings :))
19.6K 775 72
My first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella