A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 129K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 49

53K 2K 787
By Maria_CarCat

Suspect








Natahimik kaming lahat dahil sa pag-iisip. Nagtagal ang tingin ko sa papel na ipinakita ni Castellana, matapos doon ay nilingon ko si Hunter, lahat kami ay nag-iisip tungkol dito, pero nakita kong mas malalim na ata ang narating niya. May kakaiba sa kanyang pananahimik.

Gustuhin ko man siyang punahin dahil sa naging reaksyon niya ay hindi ko magawa, mas nakuntento akong tingnan siya, na para bang gusto kong tulungan siya kung ano man ang konklusyon na nabubuo sa kanyang isipan.

"May kilala ba kayo? May na-iisip na pwedeng gumawa nito?" tanong ni Castellana sa amin.

Mas lalo akong namangha sa mga tanong at sinasabi niya. Si Tadeo ang sundalo, pero iba din ang dating nito. Kaunti na lang ay maniniwala na ako sa sinasabi nilang dati daw itong rebelde at secret agent pa. Wala kasi sa kanyang itsura, mukha siyang inosente at hindi makabasag pinggan.

Muli kong nilingon si Hunter, may kung ano talaga akong nararamdaman sa pananahimik niya. Ilang saglit lang matapos ko siyang lingonin ay tumingin din siya sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay ko, gusto kong malaman kung ano yung kanina pa niyang iniisip.

"M-may naisip ka na?" tanong ko. Nagdalawang isip pa, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din alam kung tama 'tong set up naming dalawa. Naguguluhan na din ako.

Pinayagan ko siyang maging ama kay Hartemis at Hermes, at maging kaibigan ko. May mga bagay at limitasyon sa pagiging magkaibigan.

Dahan dahang nawala ang pagkaka-kunot ng noo ni Hunter, hanggang sa pumungay ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran, marahang hinaplos ako doon.

"Wala...wala pa," sagot niya sa akin.

Bahagyang tumulis ang nguso ko, hindi naman pwedeng pilitin ko siyang mag-isip, o magbigay kaagad ng sagot sa akin. Gusto ko lang malaman kung ano yung tumatakbo sa isip niya kanina. Mas pinili kong manahimik nang maalala ko ang peklat sa kanyang ulo.

Hindi pwedeng ma-pwersa 'yon, lalo na sa mga nangyayari nitong nagdaang araw, halos araw-araw din kung sumakit ang ulo niya, kahit hindi niya sabihin ay napapansin ko naman.

"Wag kayong mag-alala, tutulong kami." Si Castellana.

Nakita ko ang sunod-sunod na pagtango ni Amaryllis habang magkatinginan ang dalawa. Lumipat ang tingin ko sa nakabusangot na si Piero, hindi pa din 'to maka-move on dahil daw sa pagistorbo sa tulog niya.

"Mission," pahabol niya kaya naman napamura si Piero, at napapikit ng mariin na lamang si Tadeo.

Hindi ko alam kung anong klaseng mission ang sinasabi nila, pero imbes na kabahan ay natuwa pa ang mga 'to.

"Kasama na si Ahtisia, madami tayong recruit," sabi ni Amaryllis.

"Amputa...anong balak niyo? Gagawa ba kayo ng organization?" galit na tanong ni Piero sa mga 'to pero wala namang pumansin sa tanong at galit niya.

Tumango si Castellana sa sinabi ni Amaryllis bago niya ako nilingon.

"Tuturuan pa siya. Mukhang mabait, e..." sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Uhm...hindi ako mabait," pagtanggi ko.

Sa lahat ng nangyari, sa mga ginawa ko. Pakiramdam ko ay hindi ako dapat na tawaging ganoon. Sa lahat ng galit sa akin, sa mga nag-iisip ng masama tungkol sa akin...unti-unti kong natanggap nab aka nga...hindi naman ako mabait, hindi ako yung Ahtisia na akala ng lahat dahil lang sa maamo kong mukha.

I won't claim any title. Hindi naman na ako naghahangad pa na magbago ang tingin sa aking ng iba. Wala naman akong gustong patunayan...at dapat patunayan sa mga taong sarado na ang utak sa possibilidad ng pagbabago ng isang tao.

Narinig ko ang pag-ngisi ni Piero, muli kong naramdaman ang marahang pagtaas baba ng kamay ni Hunter sa likod ko, hanggang sa unti-unti 'yong lumipat sa aking bewang.

"Kami din dati mabait, e. Pero nung naging Herrer kami, hindi na. May something ata sa pamilya na 'to..." sabi ni Castellana bago sila natawa ni Amaryllis.

Mas lalong sumimangot si Piero, si Tadeo ay walang nagawa kundi matawa na lang din kasama ng asawa.

Nilingon ko si Hunter, para bang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

"What?"

Nagtaas siya ng kilay. "I want to meet that bad Ahtisia," marahang sabi niya, halo magtunog paos ang boses niya sa hindi ko malamang dahilan.

Inirapan ko siya nang maramdaman ko ang unti-unting paginit ng pisngi ko.

Ipinangako ng mga pinsan niya at mga asawa nito na tutulungan nila kami.

"Kung sinabi lang ni Hunter ang problema noon, hindi 'to mangyayari sa kanya. Hindi niyo kailangang matakot kay Everette Medrano...nandito kami," si Tadeo Herrer.

"Siya ang dapat na matakot sa atin," pahabol pa ni Castellana.

Buong akala ko ay magyayabang din si Piero, pero mas pinili niyang manahimik. Pa-humble pa siya pero sa klase ng pagkakataas ng noo niya ay para bang gusto niyang sabihin na siya yung klase ng tao na hindi na kailangan pang magsalita...gagawin na lang niya.

Tahimik kaming dalawa ni Hunter habang pabalik sa bahay. Muli kong na-isip ang tungkol sa initials. Pwedeng may ibang ibig sabihin 'yon sabi ni Castellana, pwedeng hindi 'yon initials ng pangalan ng ibang tao...kaya nga aalamin din nila pagka-uwi nila ng bahay.

"I'll work on this. Malalaman din natin kung sino ang nagbago ng DNA test," sabi ni Hunter sa akin bago kami bumaba ng sasakyan.

Marahan akong tumango, hanggang sa makaramdam ako ng takot. Handa na ba talaga akong malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to?

Naabutan naming kasama ni Ate Alihilani sina Hartemis at Allennon sa may dinning. Pareho naka-upo sa baby char ang dalawa habang nakaharap siya dito.

"Andyan sina Mommy at Daddy," sabi niya sa baby ko na kaagad kaming nilingon.

Lumaki kaagad ang ngiti ni Hartemis, nakita kong halos mapuwalan siya dahil sa kinakaing tinapay na si Ate daw mismo ang gumawa para sa dalawa.

Nag-taas siya ng kamay para magpabuhat sa akin, pero kahit pa ganoon ay hindi man lang sya nag-abala na bitawan ang hawak niyang tinapay.

"Wow...may bread ang baby ko," malambing na pagka-usap ko sa kanya.

She giggles and hugs me immediately. After I felt how she kissed me ay muli niyang nilingon ang gawi ni Ate Alihilani.

Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang paglapit ni Hunter sa amin, humilig siya para humalik sa baby namin, hindi nanaman matanggal ang kamay niya sa bewang ko. inabot niya ang pisngi ni Allennon na halos kainin ang baby spoon niya.

"Busog ka nanaman," malambing na pang-aasar niya sa pamangkin na tinawanan ni Ate.

"Mana 'yan sa Kuya mong matakaw," sabi pa niya.

Cute and chubby na baby si Allennon, para bang siya yung baby na gusto mong panggigilan, ang tambok ng pisngi, halos magkaroon ng guhit sa kanyang mga braso dahil sa pagiging busog daw nito palagi.

"Mag mirienda na muna kayo, nag-bake ako ng tinapay...gusto niyo ba ng kape?" tanong ni Ate.

Hindi na namin siya napigilan nang siya na mismo ang tumayo para daw ipagtimpla kami. Dahil sa pag-alis niya ay na-iwan sa amin si Allennon. Sumibi ito nang makitang umalis ang Mommy niya kaya naman binuhat siya ni Hunter.

Ngumisi siya at lumapit sa amin. Nag-ingay si Hartemis nang makita may hawak na ibang baby ang Daddy niya. Tinuro niya si Hunter at pilit na nagpapakarga dito.

"Selos din. Mana sa Mommy..." pagpaparinig niya.

Kinuha niya si Hartemis sa akin, sa kanyang kaliwang kamay ay buhat niya si Allennon, habang sa kanan naman ay ang baby namin.

Hindi naman natuloy ang pag-iyak ay may tulong luha pa din sa mga mat anito habang patuloy siya sa pagsubo sa kanyang baby spoon. Natawa ako kaya naman lumapit ako sa kanya at marahang hinaplos ang likod niya.

"Kulot ba ang buhok ng kuya mo?" tanong ko. May kahabaan kasi ang buhok nito ay medyo kulot.

Marahang umiling si Hunter. "Baka si Alihilani," sagot niya sa akin.

Tumango ako. May pagka-natural nga pala ang kulot sa buhok ni Ate, na sinubukan kong gayahin noon.

Na-isip ko lang na kung nandito si Hermes...ano kayang itsura ng baby ko? Anong magiging itsura niya habang lumalaki siya.

"Hanapin natin ang nagbago ng DNA result," sabi ko kay Hunter, mas desidido na ngayon. Kung kanina ay may takot at kaba pa...ngayon wala na.

"Pagbabayarin natin siya sa oras na malaman natin kung sino," pangako niya sa akin.

Tipid akong ngumiti, muli kong naramdaman ang pait sa aking dibdib.

"Hindi ko siya mapapatawad," pag-amin ko.

Magkasabay na umuwi sina Hobbes at Mr. Jimenez kaya naman kumpleto kami pagdating ng dinner. Napag-usapan din doon ang tungkol sa magaganap na party.

"Pamilya lang ang imbitado, para na din sa safety ng lahat," sabi ni Mr. Jimenez sa amin.

Magkatabi ang baby chair nina Hartemis at Allennon, napapagitnaan namin sila ni Ate Alihilani. Matapos ang dinner ay bumalik na din kami sa kwarto ni Hunter, ganoon din naman ang ginawa nila Ate, hindi malayo sa kwarto ni Hunter ay ang kwarto ni Hobbes kung saan sila ngayon.

"Ang bango bango na..." malambing na pagkausap ko kay Hartemis.

Kakalabas lang namin ng banyo na dalawa. Umakyat kami sa kama, inilapag ko siya sa gitna para lagyan ng baby lotion at pulbos. Halata na sa kanyang mga mata ang antok, pero pilit niyang nilalaban 'to.

Nasa ganoon kaming posisyon ng pumasok si Hunter sa banyo, lumabas na siya't lahat ay nasa ganoon pa din kami. Bukod kasi sa skin care routine ko ay meron din ang baby ko.

"Anong oras niyo balak na matulog?" tanong niya sa amin.

Nang marinig ang boses ng Daddy niya ay gumulong kaagad siya para dumapa. Ngumuso nanaman ako at marahang tinapik ang bandang pwetan niya.

Lumapit si Hunter sa kama at humiga sa kabilang gilid. Gumapang si Hartemis palapit sa kanya, inilahad ni Hunter ang braso niya, alam ng baby ko ang gagawin kaya naman humiga siya at ginawang unan 'yon.

"Lilipat din ako sa sofa pagkatulog niya," sabi ni Hunter sa akin.

Marahan akong tumango. Hinawakan ko ang itaas ng night dress ko para gumapang papunta sa aking pwesto. Narinig ko ang pagtikhim at pagbuntong hininga niya kaya naman nilingon ko siya.

"Mahirap nga dito," sabi niya.

"Huh? Saan?" tanong ko.

Kaagad kong binalot ng comforter ang buong katawan ko, hanggang leeg kaya naman mukha ko na lang ang kita.

"Hindi ka sanay na may katabi ka sa kama? Mas kumportable pag ikaw lang mag-isa sa malaking kama mo?" tanong ko.

Muli siyang nagpakawala ng malalalim na buntong hininga. Kakalabas lang niya sa banyo, bukas din naman ang aircon pero nakita kong pinagpapawisan siya.

"Matutulog na ako," sabi ko at kaagad na tumagilid patalikod sa kanya.

"Fuck..." marahang sambit. Para bang nahihirapan siya sa kung ano.

Humigit ang hawak ko sa comforter, wala pa naman sana akong balak na matulog, pero hindi ko inaasahan na makaka-idlip ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pagtayo ni Hunter, naka-dim na din ang ilaw sa buong kwarto.

"Uhm...nakatulog ako," sabi ko kahit 'yon naman talaga ang paalam ko kanina.

Bahagya akong bumangon para tulungan siyang ayusin ang mga unan sa gilid ng kama para masiguradong hindi mahuhulog si Hartemis.

"You should go back to sleep, ako na ang bahala dito," sabi niya sa akin pero hindi ako nakinig.

Hindi ko siya pinansin, hanggang sa nakita kong lumayo siya, umikot sa kabilang gilid ng kama. Halos mapatili ako ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa bewang at walang kahirap hirap na binuhat para pabalik sa pagkakahiga.

"Ang tigas ng ulo," sabi niya sa akin.

"Inaayos ko pa si Hartemis," laban ko, kahit ang totoo ay nawiwindang ako sa posisyon namin ngayon. Nakahiga ako sa kamay habang nakahilig naman siya.

"I told you. You should go back to sleep...papahirapan mo talaga ako? Gusto mo talaga akong pahirapan, Ahtisia?" tanong niya sa akin.

Halos pumungay ang mga mata niya, para bang may iniinda siyang sakit.

Kumunot ang noo ko, itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang noo niya, mainit siya...hanggang sa bumaba ang likod ng palad ko sa leeg niya.

"Ang init mo," puna ko.

Hanggang sa naputol na ng tuluyan ang litid ng kanyang pagtitimpi. Kaagad niya akong sinunggaban ng halik. Halos dumagan ang kalahating katawan niya sa akin, ang kanyang mga paa at naka-apak pa din sa sahig.

"Hunter...si Hartemis," bulong ko sa gitna ng mga halik niya sa akin.

Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang leeg ng maramdaman ko ang gusto niyang gawin. Walang kahirap hirap niya akong binuhat paalis sa kama. Humigpit ang yakap ko sa leeg niya nang maramdaman ko ang braso niya sa bandang pwetan ko para buhatin ako, dahil sa ginawa ni Hunter ay bahagyang tumaas ang suot kong night dress dahilan para ma-expose ang binti ko.

Hindi ko alam kung paanong sa gitna ng aming paghahalikan ay nagawa pa din niyang ayusin ang unan ko para iharang sa baby namin. Nang mahusto na siya ay naglakad na siya papunta sa sofa.

Gusto kong tumigil na kami, pero mariin akong napapikit nang bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Halos mapaliyad ako sa kiliting dala no'n. It's been a year already since may last. Ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. Si Hunter lang ang nagparamdaman nito sa akin.

"Damn. I fucking miss kissing you..." paos na sabi niya.

Marahan niya akong inihiga sa sofa, muling tumaas ang suot kong night dress dahilan para magpakita na din sa kanya ang suot kong panty. Walang pagdadalawang isip siyang dumagan sa akin bago namin pinagpatuloy ang paghahalikan.

Halos malasing ako dahil sa halik na ginagawa niya sa akin, ramdam ko na pareho kaming sabik dito, pero nakahinga ako ng maluwag nang mahigpit niya akong niyakap nang subukan niyang tumigil.

Kapwa namin habol ang aming mga hininga. Pilit naming pinapakalma ang aming mga sarili, pero habang ginagawa namin 'yon ay nararamdaman ko ang maliliit na halik niya sa leeg ko, pababa sa aking collar bone.

I remember that he loves kissing my neck before.

"Magkaibigan lang tayo, Hunter," sabi ko. Na sa huli ay pareho naming tinawanan na dalawa.

Umayos siya ng higa, pareho kaming nakatagilid, nakaharap sa isa't isa para magkasya siya sofa. Halos dibdib niya ang nasa harapan ko dahil sa tangkad niya. Nakaramdam ako ng inggit kanina dahil naka-unan si Hartemis sa braso ng Daddy niya, na ngayon ay nagagawa ko na.

Minsan natatawa na lang ako sa aming dalawa ni Hartemis, marupok siya sa Daddy niya...hanggang sa ma-realize ko na ganoon din naman pala ako minsan.

"Magkaibigan pa din ba tayo sa lagay na 'to?" nakangising tanong niya sa akin.

Humigpit ang yakap niya, iginaya niya ang ulo ko palapit sa kanya para mahalikan niya ako doon.

Marahan akong tumango kaya naman mariin siyang napapikit.

"Walang magkaibigan na naghahalikan," nakangising sabi niya.

Ngumuso ako, gusto kong ipaalala sa kanya ang tungkol kina Isabella at Sovannah noon, pero na-isip kong wala namang mararating ang usapang 'to kung patuloy naming isasama ang nakaraan, at mga taong wala namang ambag sa buhay namin ngayon.

"G-gusto ko lang nang kahalikan...pero magkaibigan pa din tayo," magulong sabi ko sa kanya para isalba ang natitirang hiya ko.

Napahalakhak si Hunter, kaagad ko siyang sinuway dahil baka magising niya si Hartemis.

"So, this is Ahtisia's bad side, huh?" tanong niya sa akin.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa braso ko, nag-akyat baba 'yon, hanggang sa maramdaman kong inayos niya ang strap ng suot kong pulang spaghetti strap night dress.

"Sleep here with me," yaya ni Hunter sa akin.

"Hindi pwede, doon ako kay Hartemis," sabi ko sa kanya.

Muli akong lumingon sa kama para siguraduhin na mahimbing pa din ang tulog ng baby ko.

"May kaagaw na talaga ako," sabi pa niya kaya naman inirapan ko siya.

Pinagmasdan kong mabuti si Hunter, I miss him. I miss us. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, hindi ko inakala na mararanasan ko pa ulit 'to.

Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang parte ng ulo niya kung nasaan ang peklat niya dahil sa naging operasyon. Hindi ako nakuntento sa paghawak doon, umayos ako ng pagkakadapa. Inabot ko ang ulo niyang 'yon at marahang hinalikan.

"Mahal ka ni Hermes. Mahal ka ng mga baby natin," sabi ko sa kanya.

Na sa kabila ng mga nangyari noon ay mahal pa din talaga siya ng kambal. Hindi ko tuturuang magtanim ng sama ng loob sina Hartemis at Hermes sa Daddy niya. Gusto ko silang lumaki ng puno ng pagmamahal. Ayokong matulad sila sa akin.

A lack of support, love, and understanding can lead you to something bad. Rejection, pain, and traumas can make you feel like someone else...that is how to make a villain. Though we have a choice, some circumstance can lead you choosing the wrong side of reaction...called revenge.

"Mahal ko din kayo. Mahal na mahal..." sabi niya sa akin.

Humigpit ang yakap ko kay Hunter. Muli kong naramdaman ang ganda ng katawan niya, ang ganda ng braso niya.

I felt secured, comfort, and home.

Sa mga bisig niya ako nasaktan noon, hindi ko inakala na dito din ako makakahanap ng kaligtasan ngayon.

Naging abala ang buong bahay dahil sa gaganapin na party. Kahit pa abala ay hindi pa din tumigil si Hunter kasama ang mga pinsan niya sa paghahanap ng sagot at paghahanap kay Everette.

"Mabuti naman po at magaling na si Anya," sabi ko kay Daddy nang maka-usap ko siya sa phone.

Naka-uwi na din sila matapos ilang araw ma-confine to sa hospital. Naiintindihan kong hindi kami nagkita ng ilang araw dahil abala siya kina Ate Ericatrina, kailangan siya nito ngayon.

Sumaglit kami ni Hunter sa mall para bumili ng ibang gamit ni Hartemis. Baby pa lang siya pero may mga skin care na din siya.

"Yung color pink sana nito, mas gusto ko kasi ang amoy non," sabi ko sa babaeng nag-alok ng assistance sa amin.

Lumapit si Hunter sa akin, naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa ulo ko. bigla akong nakaramdam ng lungkot para sa kanya.

Ilang beses kong narinig mula sa kanya na gusto din niyang maamoy ang baby namin. He lost his sense of smell, and I know how hard it is for him.

Matamis kong nginitian si Hunter, to make him feel a bit better. Halos mapuno ang cart na dala namin para lang sa mga gamit ni Hartemis. Nasa kalagitnaan kami ng pamimili ng may hindi kami inaasahang makita doon.

"Long time no see, Hunter."

Si Isabella Gan 'yon. Nakita kong maraming nagbago sa kanyan, mas lalo siyang gumanda, mas naging maganda ang kanyang pangangatawan. Anong aasahan ko? isa siyang international model.

Walang imik si Hunter, kaya naman hindi nahusto si Isabella at lumapit pa dito para bumeso.

"Daddy duties, huh?" nakangising sabi niya nang makita niya ang laman ng cart namin.

Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay. Hindi ako nag-abala na mag-iwas ng tingin sa kanya. Bakit ko naman gagawin 'yon? Wala naman akong ginawang masama sa kanila, bakit ako mahihiya?

Nakita ko kung paano niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa bago siya napa-iling at napabuntong hininga.

"I heard what happened to Hobbes. Mabuti nalang at hindi siya napuruhan nang barilin siya ng...Mommy mo," sabi niya at nilingon ako ng mabanggit niya ang tungkol kay Mommy.

"Stop that, Isabella," suway ni Hunter sa kanya.

"You're still with her after what happened? What's with you, huh? Nababaliw ka na, Hundson," nakangising sabi niya dito.

"Mas nakakatawa siguro kung hanggang ngayon kaibigan ko pa din kayo," sabi ni Hunter na hindi ko inaasahan.

Unti unting nawala ang ngisi ni Isabella. Looks like she got offended.

"How dare you," mariing banta niya kay Hunter.

"I care for you, bel. But I had enough...you should grow up and moved on," sabi ni Hunter sa kanya.

Mas lalong puminta ang inis sa mukha ni Isabella Gan.

"You want us to get even? I set you up, some of my friend drugged you and I set us up. Years of misunderstanding between you and Hobbes...you deserved it," pag-amin niya. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa inis at galit.

Nilingon ko si Hunter. Walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Hanggang sa hindi ko napigilan ang sarili ko, nagawa ko ang bagay na matagal ko ng gustong gawin.

Lumipad ang palad ko sa mukha ni Isabella Gan na kinagulat niya.

"May karma hits you hard," sabi ko.

Sinubukan niyang saktan ako pabalik pero kaagad na hinawakan ni Hunter ang kamay niya para pigilan.

"You and your friend will face my attorney first," banta ni Hunter bago niya binitawan ang dating kaibigan.

"Baby, let's go," yaya ni Hunter sa akin.

Hinawakan niya ako sa kamay at kaagad na hinila palayo kay Isabella Gan na mukhang nag-ugat na ang mga paa sa kanyang kinatatayuan.

Tahimik si Hunter habang pabalik kami ng kanilang bahay. I feel sorry for him, alam kong naging totoo siyang kaibigan sa mga ito. Masakit naman talagang maloko ng mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Pilit na inalis ni Hunter ang tungkol doon, pero nalaman kong kinausap niya na ang Attorney niya tungkol dito kahit matagal na 'yong nangyari. He still has the pictures as evidence.

Tahimik lang si Hartemis habang inaayos ko ang ipit sa buhok niya. Nakasuot na din siya ng kulay baby blue na jumper and white sando. Naka-dark black long skirt lang ako at kulay puting top. Nasa baba na halos ang ibang kamag-anak nila Hunter.

Ito ang unang beses na makikita ko sila, ito ang unang beses na makikilala ko ang buong pamilya niya.

"Ready na kayo?" tanong ni Hunter sa amin.

Napanguso ako ng makita kong mas lalong nadepina ang ganda ng braso niya sa suot na white penguin polo shirt. Kinuha niya si Hartemis para kargahin, ang kabila niyang kamay ay kaagad na hinawakan ang kamay ko para hilahin ako palabas at bumaba na sa may garden.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba, halos lahat kasi ng nandoon ay nakaka-intimidate tingnan. Halos lahat ay alam mong may sinabi sa buhay. Ang mga Tito ni Hunter sa side ng Jimenez ay kung hindi businessman ay mga attorney.

Nakita ko ding nakikipag-kwentuhan na si Ate Alihilani sa mga asawa ng pinsan niya. Nandoon na din sina Castellana at Amaryllis. May kasama pa silang iba, nakakahiyang maki-upo kasama sila.

"Ahtisia!" tawag ni Ate Alihilani.

"Ipapakilala ko kayo sa kapatid ko," rinig kong sabi niya sa mga ito.

Na-appreciate ko si Ate Alihilani sa mga simpleng pagsabi niya na kapatid niya ako. Kahit hindi kami tunay na magkadugo, sobrang laki ng epekto noon sa akin. Masarap sa pakiramdam.

Ipinakilala niya ako sa asawa ng mga pinsan ni Hunter. Bukod kina Castellana at Amaryllis na kilala ko na ay nakilala ko na din sina Seraphine, Tathriana, at Gertrude. Maging ang mga anak nila ay nandoon din.

Nakita kong halos magtago si Hartemis sa leeg ng Daddy niya habang ipinapakilala din siya nito sa mga pinsan niya.

"Kamukha ni Hunter, alam na..." rinig kong sabi ng isa sa mga pinsan niya.

Napaawang ang bibig ko ng makita kong totoo ngang may mga pinsan siyang quadruplets. Iyon ang unang beses na makakita ako ng apat na taong halos magkakamukha.

Ipinakilala niya ako maging sa mga Tito at Tita niya sa side ng Jimenez.

"Elaine...may apo na din akong babae," rinig kong sabi ni Mrs. Jimenez kay Tita Elaine Herrer.

Nakitaat naramdaman ko kung paano nila kami tinanggap ni Hartemis. Masaya ako, sobrang saya ko dahil hindi ko naramdaman na tiningnan nila ako base sa kasalanan ko at ng pamilya ko. Hindi nila ako tiningnan kung saan ako nanggaling.

"Meeting na din natin 'to para sa susunod nating mission," sabi ni Castellana.

Handa silang tumulong sa amin para mahanap si Everette. Tumulong na din daw si Kenzo para hanapin ang nagsagawa ng DNA test result at kung paanong nagawa itong mabago.

Nasa lola at lolo niya si Hartemis, sandali kaming nagpaalam ni Hunter sa mga pinsan niya para kumuha ng pagkain.

"Ikaw na lang pala ang hindi nag-aasawa sa mga pinsan mo," puna ko. Hindi ko alam kung bakit ko na-open ang usaping 'yon.

"Kaya nga liligawan kita," sabi niya. Halos mahigit ko ang hininga ko, nagkunwari na lang akong hindi apektado.

"Hindi lang pagiging magkaibigan ang gusto ko para sa atin," sabi niya sa akin.

Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.

"Hindi ko alam," magulong sagot ko sa kanya.

Naguguluhan ako, kaya naman napanguso ako at sandaling sinimangutan si Hunter para itago ang tunay kong nararamdaman.

"Siguradong maraming magagalit sa akin pag nalaman na tayo na..." sabi ko. Wala nanamang preno ang aking bibig.

Maraming may gusto kay Hunter noon, hindi na ako magtataka kung dumbole ang bilang nila ngayon. Lalo na sa pangunguna nina Isabella at Sovannah.

"Liligawan pa muna kita...masyado kang nagmamadali," nakangising sabi niya sa akin.

"Nakaka-inis ka!" asik ko.

"Liligawan kita..." pag-uulit niya,

Nag-iwas ako ng tingin.

"Maraming may gusto sayo...maraming magagalit sa akin."

"Wala akong pakialam sa kanila...ikaw ang gusto ko."

Bumalik kami sa mga table, hindi din naman mawala sa isip kong baka dumating din ang araw na mapunta kami doon ni Hunter. Kagaya ng mga pinsan niya...ikinasal.

"Hunter," tawag ni Tadeo Herrer matapos naming kumain.

Sandali siyang nagpaalam sa akin kaya naman hinayaan ko siya. Sinundan ko sila ng tingin, hanggang sa nakita kong pasimpleng nagpaalam si Castellana para sumunod sa kanila.

Nakaramdam ako ng kung ano kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong sumunod din. Nakita ko sila sa malayong parte ng garden, mukhang hindi nila gustong may makarinig sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito?" si Piero Herrer.

Nagulat ako nang makita ko siya sa likuran ko.

"Chismosa ka din ha," sita niya sa akin, pero kagaya ko ay nagtago din siya para makinig.

"Sino yung gusto mong pa-imbestigahan?" tanong ni Tadeo.

"Mga siraulo 'to ah, hindi ako sinali," rinig kong side comment ni Piero na nasa tabi ko.

"S.I.A..." sambit ni Hunter.

"May suspect ka?" tanong ni Castellana.

"Hindi pa naman pero..." nahihirapang sabi niya.

Napabuntong hininga siya.

"Sovannah Ivy Aves," sabi niya na ikinagulat ko.

Hindi ko na napigilan, lumabas na ako sa pinagtataguan namin kaya naman napamura si Piero.

"Si Sovannah?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Ahtisia..."

"Si Sovannah? At balak mong ilihim 'to sa akin?" tanong ko sa kanya.

"No. Hindi ko ililihim...I just want to confirm it first bago tayo gumawa ng aksyon," paliwanag niya sa akin.

Tumalim ang tingin ko sa kanya. I'm so disappointed. Marami akong gustong sabihin pero pinili kong manahimik na lang.

"Alam mo, gumawa din tayong dalawa ng sarili nating imbestigasyon," Yaya ni Piero sa akin.

Natigil ang lahat ng 'yon nang dumating si Cairo Herrer.

"Nasusunog ang Medrano's Tower," anunsyo niya at ipinakita ang news report mula sa kanyang cellphone.

"May suspect na sa gumawa...may nakakita kay Everette Medrano," sabi pa niya.

Mas nagiging agresibo na ang kalaban. Nakakatakot kalaban ang tahimik...pero mas nakakatakot kalabanin ang desperadong kagaya ni Everette.

Muling nagsalita si Piero. "May kilala ka bang Simon Avenida?"

Akong umiling. Tumikhim si Piero.

"I think he is somehow connected with S.I.A"





(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 157K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
6.3M 116K 44
COMPLETED ✔️ PUBLISHED UNDER PHR LIB BARE Pomee Fuentez may be married to her first and only love, Chase Dri Grecco, but the ring on her finger mean...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...