Fire Burning

By Blasti_

146K 6K 3.3K

Warning: R-18 Student-teacher relationship. ๐Ÿฅน An ordinary student is having fun of her studies, her life w... More

Announcement
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 08

2.7K 116 124
By Blasti_

Note: Good day, I just want to remind you that I don't do prof-reading, basta ko nalang sya ipapublish kaya sorry for the grammatical errors. I'm so happy that may nag co-comment na hehe iloveu bebies (⁠.⁠ ⁠❛⁠ ⁠ᴗ⁠ ⁠❛⁠.⁠)

_____________________________

08

RINIG NA rinig ko ang bulungan nang nga kaklase ko habang nagsasagot. Baka hindi sila nag study. Mahihirapan talaga sila kasi puro identification iyon! 50 items na puro identification.

At dahil nag-aral ako kagabi ay ganadong-ganado ako sumagot. Lahat nang pinag-aralan ko ay lumabas, may iba ding wala pero naalala ko iyon noong discussion.

Tiningnan ko ang grupo ni Meghan. Nag liliptint lang ang iba at todo paganda lang ang alam. Tiningnan ko si Clifford na kanina pa pala nakatingin sakin.

"Pahingi answer number..." sabi nya pero walang lumabas na boses saka n'ya pinakita kamay n'ya, 4 at 1, so 41?

Tiningnan ko ang answer ko at sinabi sakanya nang walang boses. Tiningnan ko si Ms. pero nakatutok lang sa cellphone n'ya. Napangisi ako dahil doon. Sabay kaming tumayo ni Clifford at binigay kay ma'am ang test paper.

"Iba talaga pag matatalino, sanaol!" Sabi ni Jeff na isa rin sa matalino sa klase.

"Sus, pa-humble!" Ganti ko sakanya.

Nag-usap kami saglit ni Cliff bago bumalik sa kanya-kanyang upuan. 'Yong iba ay hindi parin tapos. Nakita ko ang grupo ni Meghan na tumayo para ibigay ang test paper nila.

Agad nya akong inirapan pero hindi ko s'ya pinansin. Bitter bitch. Hindi parin sya maka move on. Kurutin ko singit n'ya eh.

"I forgot to tell you guys that whoever got a perfect score will be exempted for the upcoming exam weeks from now."

Agad namang umungot ang buong section sa narinig. Kinakabahan tuloy ako baka may namali ako! Gusto kong ma exempted para wala na akong problema.

"Nako si Henzoda, matic na 'yan!"

"Si Clifford din, bestie goals 'yan sila!"

"Si Meghan tahimik lang!" Pang-aasar nang kaklase ko kay Meghan.

Nagtawanan kami dahil doon. Sinamaan lang sya nang tingin ni Meghan. Mamayang 4:00 pm daw namin malalaman kong ilan ang scores namin, abangan daw namin sa gc.

Nagulat ako nang kalabitin ako ni Lapesigue, si Richel Lapesigue. Isa sya sa tahimik sa klase pero sobrang talino rin nito. Magkatabi kami pero nag-uusap lang kami pag may kailangan sa isat-isa.

"Oy beh, bakit?" Inayos nya ang kanyang salamin saka nahihiyang tumingin sakin.

"K-kompleto na ba kayo nila C-clifford?" Nahihiyang tanong n'ya.

"Naghahanap pa kami ng isa, gusto mo sa grupo namin?"

Agad-agad ang naging pag tango niya. Tag lima kami ang bawat grupo, tapos apat palang kami buti nalang lumapit sakin si Richel.

"Hoy! Kayo ah, bakit puro kayo matatalino dyan! Aba, samin nalang si Cliff!" Agad kong binato si Raven ng papel.

"Manahimik ka, samin si Cliff." Sabi ko sakanya.

Natahimik lang kami nang pumasok ang last period teacher namin. Tapos lunch na. Nasa kalagitnaan nang discussion ay pumasok sa isipan ko si Sir Wrath.

Ano kayang ginagawa n'ya ngayon? Wala sa sariling sinulat ko ang pangalan n'ya sa notebook ko. Ginawa ko pang calligraphy iyon para mas maganda tingnan.

Nag quiz lang kami after discussion at saka pwede na mag lunch. Napaunat ako dahil nananakit ang aking braso kakasulat. What if puntahan ko sya sa office n'ya? Tama! Pero ako pumunta doon ay pumunta muna ako sa cafeteria para bumili nang lunch.

Napatigil ako sa pag-lalakad nang makita ko si Kuya Razrence Cansicio, yong may green eyes na kaibigan ni Sir Aguas Wrath, may kausap na babaeng... senior high?! Senior high kasi ang uniform, pero pang grade 12 'yong palda ni ate girl.

Bahagya akong lumapit doon at nagtago sa isang room para makita kong si Razrence ba talaga iyon. Mukha silang nagtatalo na ano. Akmang aalis ang babae pero hinawakan n'ya ang kamay nito at hinila pabalik.

Nalaglag ang aking panga nang makita ko ang buong kabuuan ng babaeng kausap ni Razrence.

Tangina, bakit sa lahat nang babae bakit bestfriend ko pa? Bakit si Wrena Aguas pa? Anong namamagitan sakanila? O baka naman nagkataon lang. Di bale na, tatanungin ko nalang sya mamaya sa chat.

Wala sa sariling nag tungo ako sa harap ng opisina ni Sir Wrath matapos bumili nang foods sa cafeteria.

"Why are you here, Ms?" Napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon.

Hindi ako nagkamali, si Mrs. Valmorida nga 'yon. Yumuko ako nang kaunti.

"Good afternoon po, si S-sir Wrath po?" Tinaasan n'ya ako ng kilay kaya napangiwi ako.

Bagay sakanya maging registrar.

"Kong may kailangan ka, dito ka kabilang office. Hindi ba nasabi sainyo na bawal ang kahit sino dyan? Si Mr. Aguas o kaibigan nya lang ang pwede pumasok–"

"Nasabi po hehe, sabi ko nga."

"'Yun naman pala eh," masungit n'yang sabi at inayos ang spectacles. "Sumunod ka kong may kailangan ka kay Mr. Aguas."

Menopause na kasi kaya tigang! Naiinis na ako sa matandang 'to ah. Pinagtitinginan ako ng mga iilang estudyante na pumapasok sa opisina ng matangdang Valmoridang iyon.

Kinuha ko ang cellphone saka chinat si Sir Wrath na nandito ako sa labas ng office n'ya. Napangiti akong ng e seen nya agad iyon. Wala pang ilang minuto ay bumukas ang pinto kaya lumapad lalo ang ngiti ko.

"Hey. What are you doing here?"

"Bakit? Bawal ba?" Nakanguso kong tanong. Hindi sya sumagot at umiling lang.

Tiningnan ko ang suot nya, the usual ganon parin. Ang pogi n'ya! Nakatupi

Naglakad sya papalapit sakin at kinuha ang dala ko at hinila na ako papasok sa loob. Buti nalang at walang tao sa labas kaya walang nakakita samin.

"How's your morning?" Tanong nya. Napangiti naman ako. Kinuha n'ya ang kanyang baon ata. Naglakad sya papunta sa table at inilapag ang tatlong tupperware.

"Okay lang, stress lang ng kaunti sa mga activities kanina... Ikaw ba?" Nagpacute ako sakanya at ibinuka ang braso. Hug!

"I also need to be recharge." Natatawang lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo saka niya ako niyakap pabalik. Dahil nakaupo ako tapos sya ay nakayuko, tumayo nalang din ako para hindi sya mahirapan.

"Much better..." saka n'ya hinigpitan ang kapit sa bewang ko.

"Ang bango mo, pahingi ng shampoo mo, Sir." Biro ko sakanya. Pero mukhang sineryoso n'ya iyon at tumango. "Joke lang..."

"There's a girl version of this gel, do you want us to have a matching gel wash?"

"Huwag na oy, nakakahiya naman sayo. Ano ka sugar daddy!" Lumayo na ako sakanya at umupo na sa sofa. Tumabi naman sya sakin.

"I'm not your sugar daddy but I can give you everything you want."

Tiningnan ko sya kung nagbibiro lang ba sya o hindi pero sobrang seryoso ng mukha n'ya. Ang linis n'ya tingnan, sobrang aliwalas nang mukha. Ang pogi n'ya tapos maganda ako, edi sobrang bagay namin.

"Paano kong gusto ko ng house and lot?" Sinundot ko ang giliran nito.

Tinaasan n'ya ako ng kilay. "'Yon lang?"

"Ang yabang! Edi ikaw na mayaman," I rolled my eyes at him. "Pero gusto ko talaga magkaroon nang sariling bahay, pag nakapagtapos ako nang pag-aaral. Papagawa ako kahit maliit lang, tapos si Papa kukunin kong engineer." Kwento ko sakanya.

Kinuha na nya ang pagkain saka sya na ang nagbukas noon. Nakatingin lang ako sakanya habang todo asikaso sya sakin. Palagi nalang ganito nako baka masanay ako nito.

"Tell me more,"

"Gusto ko maging doctor kaso sobrang mahal naman noon, baka wala na kaming makain sa daming bayarin." Napalingon sya sakin.

"I'll support your needs. Pursue your dreams, don't worry about the expenses. Leave it to me."

Tinawanan ko sya kaya napakunot ang noo nya. "What's funny? I'm serious,"

"Oo na, pero hindi mo naman kailangan gawin 'yon 'no, hindi mo ako responsibilidad... I'm sure papayag sila Mama sa gusto ko kasi ako lang naman papaaralin nila pero gusto ko maging praktikalan, 'yong kaya lang sa budget."

"If there's a scholarship for that field, you're going to pursue it?" He asked in a serious tone.

"Oo naman! Hindi ko talaga tatanggihan iyan, pero oy walang ganoon."

"Dika sure," sabi nya kaya nanlaki ang mata ko sabay hagalpak ng tawa. Sobrang sarap sa tenga ang pagkakasabi n'ya sa katagang 'yon, may accent pa!

"Saan mo natutunan 'yan?"

Hindi parin ako maka-get over sa sinabi nya. Q

"Stop laughing and let's eat. It's almost time." Hindi n'ya ako sinagot at biglang sinubuan. Doon lang ako napatigil sa pag-tawa.

Sulit 'yong binayad ko sa cafeteria na 250 pesos! Ubos baon ko dahil doon. Kuripot pa naman ako. Nag-iipon ako kasi may bibilhin ako materials para sa project.

"Pahiram nga ako nang phone, Sir." May naisip ako at gusto kong gawin iyon habang kumakain kami.

"No phones while eating," he strictly said. Parang tatay amp. Saka n'ya ako sinubuan ulit kasi may laman pa bibig ko. Punong-puno na ata iyon.

Mukhang hindi naman sya nandidiri sakin.

"Sige na dali, mabilis lang naman 'to."

Bumuntong-hininga muna sya bago kinuha ang phone n'ya. Agad naman n'yang binigay sakin iyon. 'Yan ang gusto ko!

Natigilan ako nang makita ang wallpaper n'ya. Ako iyon, nakatalikod kaharap ang lake habang hawak ang kamay n'ya, dito 'yon sa office n'ya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Wala sa oras na napatingin ako kay Sir Wrath na kumakain.

Hindi nalang ako nagtanong kong bakit ako ang nasa wallpaper niya. Kinagat ko ang gilid nang pisngi dahil sa kilig. Mainggit kayo please.

Nagpunta ako sa sofa at nilagay ang phone n'ya doon. Nag-timelapse ako doon.

"What are you doing?"

"Nag-time lapse ako." Umupo akong muli sa tabi n'ya.

Ka agad din naman nya akong sinubuan. Isang spoon lang gamit namin, wala naman akong virus kaya okay lang. Kaya ganadong-ganado ako kumain dahil iisang kutsara lang gamit namin.

"Masyado mo na akong inispoil, sige ka."

"I don't mind though," sabi n'ya. Napanguso naman ako.

"Baka masanay ako, nakakainis ka!"

"I will give you everytime you want, I don't mind spending my money with you."

"Nag-mumukha tuloy akong gold digger, baka naman ano nang isipin ng iba dyan."

"Don't mind them... you can have all my money if you want,"

"Ewan ko sayo," saka ako yumakap nang mahigpit sakanya. Ramdam ko ang hininga n'ya sa tuktok ng buhok ko at hinalikan doon. Kailan kaya kami mag-kikiss?

Ikaw ang gusto ko hindi ang pera mo, kong alam mo lang no!

Sus, buti nalang talaga pogi sya kundi kanina ko pa sya nakurot.

Tinapos na namin ang pagkain kaya kinuha ko narin cellphone n'ya sa sofa at tiningnan ang outcome nang video.

"Ang sweet natin, dito! Mukha tayong mag-tatay." Sabi ko sakanya.

"The fuck?" Sungit!

Tiningnan ko ang reaksyon n'ya. Sinamaan n'ya ako ng tingin kaya iniyakap ko ang isa kong kamay sa batok. Opo, kandong na naman ako sakanya.

"By the way, our deal? How was it?" Buti nalang pinaalala n'ya.

"Mamayang hapon pa daw malalaman, saka nasa ma perfect ko 'yon hindi dahil may ibibigay ka sakin kundi magiging exempted sa exam." Tumango naman sya.

"I know you can make it." Pag-lalakas loob n'ya sakin. Confident n'ya masyado.

He bit his lower lip. Inaakit n'ya ba ako? O sadyang malandi lang ako?

His face is breathtakingly handsome! Hindi ako magsasawang titigan ang mukhang ito.

"I'll just get something, wait me here." Sabi nya at ginulo ang buhok ko.

Tumango naman ako at saka sya ningitian. Sinundan ko ang papalayo n'yang malalapad na balikat. Ano kayang feeling ihagis sa kama gamit ang mga braso at balikat na iyon? 'Yong nakapasan ako sabay hagis. Omg.

Ayan na naman po tayo! Iniwaksi ko sa isipan ang katagang 'yon. Natatawa akong nag scroll ulit sa newsfeed sa facebook. Account ni Sir Wrath ang gamit ko. Hindi naman ako nakialam sa mga chats dahil privacy iyon. Hanggang newsfeed lang ako.

Puro mga shared post ko ang nakikita ko sa timeline n'ya. Natawa ako nang bahagya. May mga iilang post din galing sa mga kaibigan niya.

Zicheous Vultero

Ang hirap talaga maging pogi, buti nalang nakaya ko. :<

Nag react ako doon ng haha at agad namang may nag bell ang notification.

Zicheous Vultero mentioned you in a comment.

Zicheous Vultero: Himala pare alam mo na pala kong paano mag react ng haha, hindi na puro like HAHAHAHAHAHAH awit sayo

Tiningnan ko rin ang ibang comments ng mga kaibigan ni Sir Wrath.

Ckervo Asuncion: Nurse gising na po s'ya.😨

Ravis Ferwell: Ew disgusting

Razrence Cansicio: (2) hihi nakakapagod rin kaya :<

Wreck Aguas: Hakdog.

May iilan pang comments na puro babae pero hindi ko na pinansin iyon at nag selfie nalang sakto naman na bumukas na ang pintuan kaya napalingon ako kay Sir Wrath na may bitbit na tatlong bag.

"Ano po 'yan?" Tanong ko sakanya at umayos nang upo.

Kita ko ang pagdapo ng mata n'ya sa bandang hita ko at agad ding nag-iwas ng tingin at tumikhim. Namumula rin ang tenga n'ya.

"These are for you. I suddenly remember you while when I was having a business trip in Singapore this morning. Nakita ko rin sa facebook post mo,"

Nanlaki ang mata ko sa gulat, kunwari pa sya inistalk n'ya pala ako. Ibig sabihin ay galing syang Singapore kaninang umaga lang? Tapos bumalik rin agad sa Pilipinas? Nothing is impossible nga naman pag may pera. Sanaol.

Inilapag n'ya ang mga paper bag sa harapan ko. Ano kaya ang laman nito?

"Hindi mo naman ako kailangan bigyan ng ganito. Baka ano ang isipin nila." Sabi ko sakanya.

"Huwag mo munang buksan 'yan dito dahil paniguradong hindi mo tatanggapin 'yan."

"Ano ba kasi ang laman nito?" Tanong ko pero ningisihan n'ya lang ako.

"It's for you to found out later," iyon lang ang sinabi n'ya.

"Baka kong ano naman iyan ha, hindi ko talaga tatanggapin iyan." Sinamaan ko sya nang tingin.

Baka naman sobrang mahal ng presyo. Edi baka mag-taka sila Mama kung saan galing. Hindi namin afford ang mamahalin. Ukay-ukay nga lang iba kong damit.

"It's my gift for you... It's up to you if you will accept it or not." Sabi n'ya nalang.

"Pero hindi pa natin alam kong perfect ba talaga ako, mamayang 4:00 pm pa." Tinaasan ko sya ng kilay. Ang advance nang lalaking 'to.

Nag expect na talaga sya na magagawa ko. Na pressure tuloy ako.

"I have something else for you later, iba din 'yan ang ngayon. You deserves the world, Alzera. I can even give you the damn moon and stars if you want..."

Tangina? Tiningnan ko ang mukha n'ya kong may bahid bang pag-bibiro pero sobrang seryoso ng mukha n'ya. Napaubo tuloy ako.

Malala nato.

"Sige nga, gusto ko nang blue na star!" Sabi ko sakanya, ngiting-ngiti ako habang sinasabi iyon.

Ano kaya ang star sa malapitan? Malaki ba ito? May blue ba na star? Hindi kasi ako maalam sa science eh. Baby, baby, you're my star and moon. Ay hindi, sun and moon pala 'yon. 'Yong sound sa facebook na gagamiton pag ilalagay nila sa story ang shota nila. Mga jejemon. Inggit kalang, Alzera!

"Okay. Is that all you want?"

"Nag-bibiro lang eh," pabiro ko syang hinampas.

Pero hindi sya nakinig sakin at nakita kong may tinawagan sya sa phone.
Hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil medyo nasa malayo rin sya nakatalikod sakin. Privacy narin.

Hindi nag-tagal ay bumalik din sya sakin at naglandian kami. Todo ako kwento sakanya pero sya wala lang say, atentibong nakikinig lang sakin. Kinikilig ako kasi kinikiss nya rin ako sa noo, sentido, at pisngi.
Landi ah! May label yarn? Hindi na importante ang label ang mahalaga kinikig kami. Ang cute n'ya talaga.

"I'll wait for you in the parking lot, mag-kita tayo doon." bilin nya sakin kasi babalik na ako sa classroom kasi malapit na time.

"Huwag na oy, baka makita tayo nang ibang estudyante. Baka sabihin nilang may something satin. Nako, lagot na talaga."

Kumunot naman ang noo nito sa tugon ko. "Pupunta ka o ako ang pupunta sa classroom mo and fetch you there, you choose." He then smirked at me.

Nagpapadyak ako sa sinabi nya. Gustong-gusto ko na sunduin n'ya ako sa classroom pero hindi pwede. Sasabunin ako nang tanong nang makakakita samin. Baka anong isipin nila. Bakit kasama ko ang may-ari nang paaralan o principal? Nako! Hindi pa naman ako sanay sa criticism. Iyakin pa naman ako.

"Take care, baby." Sabi n'ya saka ako hinalikan sa noo at binigay sakin ang tote bag ko saka sinout sakin.

Damang-dama ko na talaga na mag-tatay kami! Natawa ako sa iniisip ko. Sa huli ay pinili ko ang makipag-kita sakanya sa parking lot. Inismaran ko sya bago tuluyang lumabas.

Nagtataka ako sa dami ng estudyante dito sa Grandeur University ay ako ang napili n'yang kalandian? Oo, kalandian, ano bang tawag sa ginagawa namin? Bonding? Marami namang mga college students, o di kaya magagandang teacher na nagkakagusto sakanya. Hindi lang dito sa school maging sa labas din.

Sya kasi 'yong tipong mapapalingon ka talaga pag nakita mo syang naglalakad sa mall o sa kong saan. Bukod sa pogi sya, sobrang tangkad din nya. May abs kaya sya? Paniguradong meron kasi malaki naman muscles n'ya.

What if tingnan ko mamaya? Tama! Pasilip lang nang kaunti, hindi naman sya madamot. Napailing ako.

Bitbit ko ang tatlong paper bags na binigay n'ya. May aasikasuhin daw syang kaso mamayang alas dos, sa law firm daw muna sya tapos mamayang uwian ay susunduin ako. Ang busy ng baby ko. Kaya dinala ko nalang ang binigay para diritso na ako.

Though binigyan n'ya naman ako ng duplicate key kong sakali wala daw sya doon. Sanaol diba.

"Ano 'yan, teh?" Tanong sakin ni Sandra. "Oy, sanaol, LV! Kanino 'to?" Hinablot n'ya iyon kaya hinayaan ko nalang.

Medyo close kami ni Sandra dahil naging magka-grupo din kami sa iilang groupings. Talagang madaldal ito.

"Hoy, ikaw ha! May asukal de papa ka no?" Pang-aakusa n'ya sakin. "Ilang taon ba 'yan? Reto mo naman ako."

"Wala akong sugar daddy 'no," natatawang sabi ko sakanya. "Sige hanapan kita nang matandang madaling mamatay. 'Yong 60+ para sayo na lahat kayamanan teh."

"Saan galing 'yan?" Tanong nang iilan pero ngiti lang ang isasagot ko sakanila tapos ay aasarin ako.

Hindi ko pwedeng sabihin na kay Sir Wrath Grit Aguas galing! Walang maniniwala for sure! Kuno daw may sugar daddy ako, Louis Vuitton, Channel, and Gucci brand kasi ang tatak ng paper bag. Hindi ko napansin iyon kanina at ang alam ko sobrang mahal nitong brand nato! Hindi to pwedeng makita nila Mama baka anong sabihin nila. Judger pa naman si Papa i mean judgmental.

KAKASIMULA PALANG NANG klase ay uwing-uwi na ako. Parang gusto ko na naman makita si Sir Wrath. Miss ko na sya huhu. Isama pa natin ang announcement ni Ms. sa gc. Kinakabahan ako doon.

Sumapit ang alas tres at last subject na. Lumilipad kay Sir Wrath ang utak ko, buti nalang hindi masyado importante ang discussion ni Ms. kaya pwedeng hindi na makinig, tamang take notes nalang.

Dali-daling nagsitayuan ang ilang mga kaklase ko nang tumunog ay bell. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase. Lumapit sakin si Clifford at tinanong kong sabay ba kami uuwi. Sabi ko may dadaanan ako at pwedeng mauna nalang sya.

Dumiritso na ako sa private parking lot kong saan sinabi ni Sir Wrath. Buti nalang pinapasok ako doon ni manong guard. Pero tiningnan n'ya muna ID ko bago pinapasok, mukhang binilin ako ni Sir Wrath kay manong guard.

Doon na ako umupo malapit kay manong guard at nakig-kwentuhan habang nag-hihintay kay Sir Wrath.

Aliw na aliw naman sakin si manong guard sa mga kwento ko. Ang daldal ko talaga.

"Ang ganda mo iha, tapos ang bait pa. Reto kita sa anak ko, gusto mo?" Natawa ako sa sinabi ni manong guard.

"Nako manong, pass po–" napatigil ako pag sasalita nang may bigla humapit sa bewang ko palayo kay manong guard.

Si Sir Wrath.

"She's off limits, back off." Napang-angking saad nito.

Kita ko ang gulat sa mukha ni manong guard at yumuko bilang pagpapakita ng pag-galang kay Sir Wrath. Siniko ko naman si Sir Wrath. Sobrang sama nang tingin nito. Hindi n'ya ba alam na nag-bibiro lang si manong! Sakalin ko sya eh buti nalang pogi s'ya.

"S-sorry, Sir! Hindi ko alam na kapatid mo pala si ening. Pasyensa na po!"

Gusto kong matawa sa sinabi ni manong guard. His jaw clenched even more at kulang nalang patayin si manong gamit ang tingin n'ya. Bago pa sya makapag-salita nang kung ano ay hinila ko na sya papasok sa sasakyan n'ya.

_________________________

Note: I'll be very busy this week but I'll try to update everyday. :>

Continue Reading

You'll Also Like

200K 7.4K 82
What would happen if one had the privilege of recreating a world one already knew from scratch? Would you follow your morality and help develop the w...
31.3K 392 27
After Travis died he met a God who gave him Saitamas powers from One Punch Man. He will get the ability to go to any anime World as he pleases.He wil...
87.7K 4K 50
She is the first daughter of the president of North Korea while he is the nephew of the president of South Korea.