"Regina."
"Uy, Ali. Saan punta mo?"
Saktong kakalabas lang n'ya ng bahay ng lumabas din ito sa sasakyan nito para salubungin s'ya.
"Are you in a hurry? Do you have a little time to spare? Gusto sana kitang makausap kaya sinadya kita rito. Kanina pa ako nakaabang sa paglabas mo."
Nangunot ang noo n'ya at mukhang seryoso talaga ang pakay ni Ali sa kanya. "What about? I'm about to leave for the promo shoot eh. Can't it wait?"
"It... it can. But delaying it means kinukunsinti ko na naman si Noah."
"Now i'm all ears." She eyed him curiously.
"He... he's cheating on you again, Regina." Nakipagtitigan ito sa kanya as if ipinapahiwatig kung gaano katotoo ang sinasabi nito.
"Again? You mean Noah cheats on me more than once already?"
She knows Noah is a womanizer but cheating on her? That's unbelievable for her.
"I know that Noah is a ladies man. Maybe he's just being nice. Maybe namimisinterpret n'yo lang ang pagiging mabait n'ya sa mga babae." Depensa pa rin n'ya sa boyfriend.
Napailing nalang si Ali. "I guess i'll just zip my mouth. Defending him means hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko."
"Sorry pero bata palang kami kilala ko na si Noah. And tama rin yata ang friend ko, may gusto ka sa akin. Kaya mo ba sinisiraan si Noah? Kasi gusto mong maghiwalay kami? You want to use it this for your advantage, don't you?"
Seryoso itong tumango. "Oo, tama ka, Regina. May gusto nga ako sa'yo. Pero hindi ako masamang tao. Hindi ko gugustuhing makasira ng relasyon dahil lang sa gusto kita para sa sarili ko. Concerned ako sa'yo, Regina. Sino ba ang taong gustong nakikitang niloloko at sinasaktan ang mahal n'ya? Wala naman yata, 'di ba? And besides, never ko ipinagpilitan ang sarili ko sa'yo. I had been a friend to you too kahit thru Noah lang din tayo nagkakilala. Nakontento nalang akong iadmire ka from afar."
"I'm sorry, I don't have time for this. I have to go, Ali." Paalam n'ya.
"Advice lang, Regina. Listen to the people around you sometimes. Mas nakikita kasi namin ang totoong nangyayari since hindi kami nabubulagan sa pag-ibig. Have a nice day." Tinalikuran na s'ya nito.
Sinundan nalang n'ya ng tingin ang papalayong si Ali saka napabuntong-hininga. "Tama nga yata si Narda, ang tanga tanga ko pagdating sa lalaking 'yon."
[Promo shoot]
"So silent naman here. May dumaan bang anghel?" Puna ni Mara ng umupo ito sa gitna nila ni Narda.
"Kanina pa nga tahimik ang mga 'yan. Ang awkward tuloy 'pag magkasama sila sa scene." Sabad pa ni Luna.
Napansin din pala ng mga ito ang pagkailang ng dalawa sa isa't isa.
Tumingin s'ya sa director nila at napapailing nalang din talaga ito habang pinapanood ang mga kuhang alam n'ya ay sa kanila ni Narda.
"Narda, want to go out? Pahangin muna tayo?" Yaya n'ya dito.
Tumango naman ito saka nagpatiuna ng tumayo.
"Direk labas lang kami." Paalam n'ya.
"Uy, sama ako!" Sigaw ni Mara pero agad s'yang hinawakan ni Luna para pigilan.
"Gusto mo bang makauwi ng maaga o ano?" Bulong nito na narinig din naman n'ya.
"Sabi ko nga dito lang ako."
Naglakad na s'ya palabas ng studio at nakitang nakasandal lang si Narda sa pader at halatang hinihintay s'ya.
"I think we need to talk somewhere private. Tara sa rooftop?"
Pero bago pa man sila makalayo ay may mangilan-ngilang reporters nang sumalubong sa kanila.
"Can we take a bit of your time, Narda? Regina? Konting katanungan lang."
Kapwa naman sila tumango. Alam nilang para lang din naman sa movie na gagawin nila ang itatanong ng mga ito.
"Are you both excited to work with each other again?"
"Oo naman po. Magaling na actress si Regina Vanguardia. Alam kong marami pa akong matututunan sa kanya." Sagot ni Narda.
"Ako din po. Narda is such a talented young actress. Mas marami akong matututunan at maituturo rin sa kanya lalo na at mas madalas na kaming magkakaeksena dito sa bagong movie."
Marami pang naging tanong about sa movie pero ang sunod na tanong ay nagpataas ng kilay ni Regina.
"Last na tanong nalang for miss Narda. Kamusta na po ang bali n'yo sa paa?"
Napatitig s'ya kay Narda. Hindi n'ya alam na nabalian pala ito.
"Saan n'yo naman po napulot ang balitang 'yan?" Tanong din nito habang nakahawak sa noo. Mukhang mannerism na ito ni Narda kapag uncomfortable ito sa tanong during interviews.
"Mayroon po kasing nakitang twitter post ang source namin about a month ago, from @/rickycustodio which our source believes to be your brother's twitter acccount. It was your picture in a wheelchair with a cast. With a caption: Si ate pinicturan ang sarili 'di naman pinost. Mango culprit fallin'. Busted! Casted! Karma!"
Sinupil n'ya ang ngiting unti-unting nabuo sa gilid ng labi n'ya dahil sa seryosong mukha ni Narda.
"Wala na pala akong maitatago. An older sister's dillema for having a naughty brother, I guess." Naiiling nalang na sabi nito na ikinatawa ng mga reporters. "I'm okay na po. Nasprain lang dahil sa pagkahulog ko sa mangga."
"Follow-up question po. Para ba kay miss Regina ang mga mangga, miss Narda? According kasi sa source namin, that twitter post followed after miss Regina's post that she's been craving for mangoes."
Napatitig s'ya lalo dito. Ito ba ang nagpadala ng mga 'manggang hilaw from Laguna with love' para sa kanya sabi ng nagdeliver?
Tumawa si Narda. "Grabe naman po. Nagkataon lang siguro. It was me who ate those mangoes po."
Nagpaalam na sila ni Narda ng maayos sa mga ito after that. Nagmamadali na itong naglakad papunta ng elevator na 'di manlang nag-abalang tumingin kung nakasunod ba s'ya.
***
"Thanks for the mangoes." Basag n'ya sa katahimikang pumagitna sa kanila habang nasa rooftop sila.
"Hin-..."
"I appreciate it, Narda."
Natahimik naman ito which confirms na kay Narda nga galing ang mga manggang naideliver sa condo n'ya.
"Ganoon ka pala magsorry?"
Napailing nalang ito. "Si Ding naman kasi. Nagtake lang naman ako ng selfie para maremember ko 'yong time na 'yon. It wasn't done intentionally para malaman or makita mo."
Tumawa naman s'ya. "That's so cute of you, Narda. I wasn't thinking of anything like that. I... nakokonsyensya tuloy ako sa pagsusungit ko sa'yo noong nakaraan."
"Hay! I told you, hindi ko binalak malaman mo. Okay na ako na malamang nasatisfy ko ang cravings mo. And yes, it's my way of saying sorry."
Kinuha n'ya ang kamay nito. "Sorry for treating you the way I treated you, Narda. How can I make bawi?"
Nilaro naman nito ang kamay n'ya. She relaxes with her touches.
"I don't know. Maybe iwish ko nalang na 'di mo na ako sungitan ulit kagaya noong sa bar at kanina sa shoot?"
Doon lang n'ya naalala ang reason ng pagkaaburido n'ya simula pa kanina.
"Hindi lang maganda ang gising ko, Narda. I'm sorry nadamay pa kita."
"You mean bati na tayo? Hindi ka na galit sa akin?"
Nagningning ang mga mata nito. "Yes. Bati na tayo. Hindi na ako galit."
Ngumiti naman ito. And this time hindi na alangan, hindi na pilit. It was so genuine that she herself smiled. Nawala ang bigat ng loob na meron s'ya dahil sa sinabi ni Ali kanina.
"So okay na tayo? Di ka na magiging awkward mamaya sa shoot?" Tanong n'ya rito.
"If hindi ka na magiging awkward."
Tumayo na s'ya at naglakad papunta ng elevator.
Nagulat naman s'ya ng hawakan nito ang kamay n'ya.
"Pwede namang makipagholding hands kahit hindi mo jowa, 'di ba?"
She gripped her hands firmer. "Hindi masama kung hindi bibigyan ng malisya ng iba."
"Bakit? Takot ka bang maissue?"
"Wow! Nagsalita ang matapang. Ni hindi mo nga kayang aminin na nahulog ka sa mangga dahil sa akin."
Sumeryoso naman ito. "I like you a lot, Regina."
"I like you too, Narda. I like you as a friend."