Ilang beses na akong tumingin sa wrist watch ko. Ilang beses na din akong pabalik balik ng lakad na halos mapudpod na yung Valentino heels ko.
May balak ba yung paghitayin ako ng matagal?!
Kung bakit pa kasi ako pumayag na makipagkita eh!
Flashback...
"Can I see you tomorrow?" tanong niya.
"Bakit?"
"A-ah wala naman, magpapasama lang akong bumili ng mga props para sa children's party." Sabi niya.
"Children's party??? Kailan ka pa nagkainteresado sa mga bata aber?" mausisa kong tanong.
"Tsk. Birthday kasi ng anak ng pinsan ko. Remember Rina? 3 years old na kasi yung anak niya kaya nagpapatulong sa party." He explained.
Pinsan ni Robbie si Ate Rina sa ama. Actually close kami, siya kasi yung tinatakbuhan naming pagmeron kami assignments ni Robbie nung high school. 5 years na pala siyang kasal sa asawa niyang half Korean. Siguro mga 2 years na din nung last ko silang Makita sa binyag ng anak niya na sinasabi I Robbie.
I sighed.
"Fine..."
End of Flashback...
At ngayon halos 30 minutes na akong naghihintay pero wala pa din siya. My ghad! Makakatikim talaga sakin yun ng sabunot!
"Hi!"
.
.
"A-aaw!... T-teka Lex. Masakit! ARAY!."
Agad ko kasi siyan sinabunutan at binatok nang dumating siya. Wala akong pakealam kung pinagtitinginan pa kami dito sa Mall. Paghintayin ba naman ako!
"Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ako naghihintay dito ah!" bulyaw ko sakanya.
"Eh traffic eh pasensya. Tsk! Para yatang hihiwalay yung buhok ko sa scalp ko. Sabi niya habang hinihimas ang ulo.
Buti nga!
"Oh asan na yung listahan ng biblhin natin. Pasalamat ka at sinamahan kita, alam mo bang pinacancel ko pa yung hair treatment ko ngayon?! Imbis na ienjoy ko tong 3 days no school mabibitin pa." sabi ko.
Ngayon na kasi magsisimula yung 3 day seminar sa Bagiuo kaya magiging long weekend kami (Wednesday yung araw). Ang aga nga kaninang nagtext si Dale sakin, sabi niya dadaan muna siya sa Tita niya sa La Union after ng seminar kaya next week na kami magkikita.
"Hair treatment? Kalian ka pa may hilig jan?" tanong niya.
"Wala lang, masama bang magpaganda." Pamimilosopo ko.
Kailan pa to nagging pakealamero?
Ibinigay sakin ni Robbie ang mga bibilhin naming and gosh! Mukha yatang magiging busy ang buong araw ko sa dami ng bibilhin naming. Party hats, balloons, souvenirs tapos maggogrocery pa kami.
Inuna muna naming bilhin ang mga party hats at balloon. Alice In Wonderland kasi yung theme.
"Red Queen."
"White Queen na lang"
"Hindi Red Queen."
"Tsk. White nga kasi eh."
"Ah basta Red Queen."
Bangayan naming sa pagpili ng balloons. Ang arte naman kasi eh, gusto niya red queen eh diba kontrabida yun sa story. My ghad! Pero in the end siya parin ang panalo. Hmp!
"Oh souvenirs naman tayo." Sabi ko.
"Ok-"
I cut him.
"And this time ako yung pipili."
Wala na siyang nagawa kundi pumayag.
Agad kaming dumeretso sa ouvenir shop at pumili ng design. Sabi daw ni Ate Rina dapat daw hindi babasagin dahil bata ang pagbibigan kaya kaya maliit na rabbit stuff toy na lang na personalized yung pinili ko yung tulad sa story na rabbit na may dalang watch.
Habang papunta sa grocery bigla kong napansin ang isang bagong bukas na jewelry shop kaya hinila ko si Robbie papasok a shop.
"Good morning po Maam, Sir." Bati ng saleslady.
Tumingin tingin ako sa mga jewelries na nakadisplay sa glass shelf at nakuha ng aensyon ko ang mga singsing na nakalagay dun. Ang gaganda! Iba iba yung mga design at cut ng diamond lalo na yung may Sapphire Birthstone na singsing.
"You like?" tanong ni Robbie.
"Oo pero next time ko nabibilhin nagmamadali tayo eh diba tutulungan pa nating magprepare si Ate Rina." Sabi ko.
Talagang babalikan ko to!
"So tutulong ka samin?"
Tumango ako sakanya.
"Halika na sa grocery."
"Wait, Lex may nakalimutan pala akong bilhin. Iwan muna kita dito ha." Sabi niya at agad akong iniwan sa groceries.
Langya naman oh! Ako pinahihirapan niya eh! Subukan niya lang na hindi ako tulungan sa pinamili naming dahil makakatikim ulit siya ng sabunot! -______-#.
--------
Pagkatapos naming maggrocery agad kaming pumunta sa bahay nina Ate Rina para eprepare yung party. Sa bahay lang kasi nila yung venue para mas madaling magplano.
Pagpasok na pagpasok naming sa bahay sinalubong agad si Robbie ng isang batang babae na may chocolate sa mukha at nagpakarga sakanya.
"Tito Robbie where's my pasalubong???" tanong niya.
Ang cute!!!
"There in the car baby, later ko na lang ibibigay." Sabi ni Robie.
Humagikgik naman yung bata sa leeg niya kaya lumipat yung chocolate doon. Hahaha.
"Mommy Tito Robbie is here! Dala yung gf niya!"
O_______o
Walang hiyang bata to! Saan niya yun natutunan!?
Mabilis namanng lumabas si Ate Rina sa kusina at pinuntahan kami.
"Oh Robbie. Alexis? Ikaw yung--"
I cut her.
"Naku hindi po Ate hehe. Hi po." Sabi ko.
Nakita ko namang tumatawa si Robbie sa tabi ko kaya hinampas ko siya.
"Manahimik ka nga jan!" Bulyaw ko sakanya.
"Aray! Tsansing ka ha."
"kapal mo!"
"Hahaha ang cute niyong dalawa. Erin halika ka na puno nan g chocolate yang mukha mo nilagyan mo si Tito Robbie mo." Sabi ni Ate at binuhat si Erin.
Erin pala yung niya. Ang cute!
Tumawa naman ako ng malakas nang makaalis na sina Ate. Paano kasi eh ang daming chocolate yung pisngi at leeg ni Robbie.
"Oh tawa ka jan?" taking tanong niya.
"Pfft pano para kang batang may chocolate make up. Haha."
Pinunasan niya naman yung leeg niya at nakita niyang madami ngang chocolate.
"Bata pala ha." Sabi niya at papahiran sana ako ng chocolate pero agad akong tumakbo.
Naghabulan kami sa loob ng bahay na parang mga bata. Ang awkward ko naman, nakaheels na tumatakbo.
"Gotcha!!!"
Nahuli niya ako kaya natumba kami sa couch. Nakadagan siya sakin, tinago ko naman yung mukha ko gamit ang mga kamay ko dahil anytime paparihan niya ako ng chocolate.
"Ang daya mo talaga no." sabi niya. Ang bigat niyang unggoy promise!
"Heh! Alis nga ang bigat mo."
"Ayaw, makeover ka muna." Sabi niya.
Mas tinago ko yung mukha ko at umiling.
"Ah ganun ha."
"A-aaaah... hahahaha. R-roobie nakiki.. haha...liti ako hahahaha." He tickled me to death.
Sa sobra kiliti niya naalis ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Hahahaha... stop na... hahaha." Sabi ko kaya tumigil siya at pinahiran ako ng chocolate sa ilong kaya hindi na ko nakawala.
"You look so cute." Sabi niya.
Ngumiti lang ako.
"I missed this." He blurted.
"I really do."
Nanatili akong tahimik. Ang gaan din pala sa pakiramdam. Yung bang parang dati lang.